Chasing Pavements (Book3 Part5)
Chasing Pavements (Book3 Part5)
by: Migs
Masaya akong lumabas ng classroom sa pangalawa at huling araw ng aking exam. Masaya hindi dahil sigurado na akong makakapasa na ako sa boardexam. Masaya dahil sa wakas wala na akong exam na iintindihin. Ang ilan sa aking mga kasabay kumuwa ng exam ay nagiinuman na pagkalabas pa lang ng gate ng eskwelahan, mga alak ay dala ng kanilang mga support sytem.
Nakangiti akong sumakay ng jeep, gustong gusto ko ng humiga at matulog buong araw.
“Anong matulog? Daan kaya tayo sa St. Jude.” sabi sakin ni JP ng magkita kami nito, tumango na lang ako dahil magandang ideya iyon.
Masaya kaming umalis ng St. Jude pareho ni JP, nagpaalam ako dito na bibisitahin ko muna si kuya Ron sa condo, dahil para sakin ay di maganda ang pakikipagusap ko dito nung huli kaming magusap. Agad namang pumayag si JP.
“Ok lang sakin, at least masosolo ko ang kama ko ngayong gabi. Lalao na ngayong gabi.” sabi nito pareho kaming natawa.
0000ooo0000
Binilhan ko ng isang meal sa mcdo si kuya Ron, masabi lang na blinow-out ko siya sa birthday ko. Para sakin ay wala akong pakielam kung andun man si Marco o wala. Para nga akong tanga at naisipan ko pang maghihinakit kay kuya Ron, kung tutuusin tinanong naman niya ako tungkol sa amin ni Marco at sinabi ko naman sa kaniyang wala, kaya natural lang na sunggaban niya si Marco dahil alam niyang wala siyang masasagasaan.
Ibang usapan naman pagdating kay Marco, tinanong ko siya tungkol kay kuya Ron at tumanggi siya dito at alam niya ang mararamdaman ko dahil di rin naman lingid sa kaniya na may gusto ako sa kaniya pero alam ko rin na wala naman akong karapatan sa kaniya.
“Ako lang naman kasi itong tangang nag assume.” sabi ko sa sarili ko habang kinapakapa ko na ang mga bulsa ko para sa susi ng unit.
Pero di na pala kailangan ng susi. Pabalang na bumukas ang pinto at bumulaga sakin si Marco, madilim ang mukha nito at halatang di maganda ang araw, di ko na ito nagawa pang batiin, agad akong nagbigay ng daan para dito. Walang paalam itong lumisan ng condo.
“Anong nangyari dun?” tanong ko kay kuya Ron na nakita kong nanonood ng TV, nakatiklop ang mga kamay nito sa kaniyang dibdib at nakanguso at magkadikit ang kilay. Tila di rin maganda ang araw na ito para sa kaniya.
Lumapit ako dito, tumabi at nagsimula ng manood ng kaniyang pinapanood. Unti unti kong inilalabas ng plastic ang mga binili kong meal sa mcdo. At inabot ito kay kuya Ron, kinuwa naman niya ito at kinain pero wala paring nagbabago sa hilatsa ng mukha nito. Wala sa isip kong isinandal ang sarili ko sa kaniyang balikat.
0000ooo0000
“Migs... Migs... Huy! Nangangalay nako saka gusto kong umihi.” gising sakin ni kuya Ron, nakatulog pala ako habang nakasandal dito.
“So-sorry kuya.” sabi ko at agad akong umayos ng upo at itinuon ulit ang aking pansin sa pinapanood, agad na tumayo si kuya Ron at nagpuntang CR, di na nito sinara ang pinto.
“Di ka pa ba magpapalit?” pertina nito sa puti kong uniporme.
“Di pa kuya, napagusapan kasi namin kanina na magiinuman kami mamya pampatanggal stress saka celebration nadin dahil tapos na yung boards.” sabi ko dito.
“Ah ganun ba. Parang gusto kong sumama.” sabi nito nagtaka naman ako.
“Naku kuya baka ma-culture shock ka, di kasi tulad ng mga friends mo ang friends ko. mga commoners lang kami.” sabi ko dito, lumanding naman ang palad nito sa batok ko at pareho na kami napatawa.
Mayamaya pa ay dinampot na ulit nito ang karton ng fries at tumabi sakin.
“Pwede bang ako naman ang sumandal sa balikat mo ngayon?” napatingin naman ako sa sinabi niyang yun, alam kong may dinadamdam siya. Hinila ko na ang ulo nito pasandal saking balikat.
0000ooo0000
“KAMPAIII!” sigaw ni kuya Ron sa aking mga kabarkada, agad namang nagsisunuran ang aking mga kabarkada.
“Anong problema niyan?” turo ni JP kay kuya Ron, pati ito ay napansin na may kakaiba kay kuya Ron.
“Di ko rin alam eh, paguwi ko ganyan na siya.” sabi ko, tumango lang si JP, mayamaya ay napansin kong may katext si kuya Ron at muling nagdidikit ang kilay nito, tanda na umiinit nanaman ang ulo nito.
Nagkakatawanan kami sa iba't ibang bloopers about sa boardexam ng biglang tumayo si kuya Ron, wala sa sarili akong napatayo din. Nagaalala, di na kasi ito umimik pagkatapos magtext kanina.
“Bakit, kuya Ron?” tanong ko dito.
“Wala, gusto ko ng umuwi.” sabi nito saka nagbigay ng matamlay na ngiti.
“Sama na ako.” sabi ko sabay kuwa ng aking wallet para bigyan ng pangambag sa bill ang mga kaibigan ko.
“Ano ka ba, magenjoy ka lang. You belong here, ako nga itong OP dito eh.” sabi niya sabay lingon sa paligid, nun ko lang din napansin na puno ng nakaputing tao ang bar na iyon, mga taong kagaya ko ay katatapos lang sa nakakangarag na boardexam.
“Ihahatid kita.” sabi ko dito pero di na niya ito narinig, tuloy tuloy na itong lumabas at nagpunta sa parking lot, mayamaya pa ay bumulaga na samin si Marco, agad akong napaatras, mukhang di naman ako nito napansin.
“Sabi ko tigilan mo na ako diba?!” sabi ni kuya Ron dito, nakita kong nalungkot si Marco.
“Bakit mo ba nasasabi yan?”
“Unang una, anlaki ng agwat ng edad natin. Panagalawa si Migs naman talaga ang para sayo eh, pareho nating alam yan, Marco!” sabi ni kuya Ron sabay sakay ng kotse at paandar nito. Naiwang nakatulala si Marco.
“Migs! Una na kami ni Loiusa ha?” tanong ng isa kong kaibigan sa aking likod, agad namang napatingin sakin si Marco. Tumango lang ako sa aking mga kaibigan na nagpaalam.
Babalik na sana ako sa loob ng bar ng bigla akong tawagin ni Marco.
“Migs, wait.” napatigil naman ako sa paglalakad.
“Please.” at sa sinabi niyang yun ay napaharap na ulit ako dito at lumapit sa kaniya.
0000ooo0000
“Whew! 'We'll call you nanaman.” sabi ko sa sarili ko nang makalabas na ako sa isang matayog na building sa Makati, pangilang araw ko ng naghahanap ng trabaho at bigo parin ako. Sadyang mahirap na ang opportunity para saming mga nursing graduates.
Nasa ganito akong pagmumunimuni habang naglalakad sa kahabaan ng Ayala avenue ng maramdaman kong magvibrate ang telepono ko. Si Marco, natawag.
“San ka?” tanong nito sa kabilang linya.
“Sa Makati.” sabi ko at sa unang pagkakataon sa buong araw na iyon ay napangiti ako.
“Wag kang aalis dyan, susunduin kita.” sabi nito at simula nun di na nabura ang ngiti sa aking mukha.
0000ooo0000
“Anong naisipan mo an nanundo ka bigla?” tanong ko dito habang nakain sa loob ng sasakyan niya.
“Wala naman, gusto lang kitang makita.” sabi nito sakin, natigilan ako.
“Namimiss na kasi kita.” habol pa nito, humarap na ito sakin at pinunasan ang dulo ng aking bibig.
0000ooo0000
Ilang linggo pa ang lumipas simula nung nagkatapusan si kuya Ron at Marco. Lalo namang lumapit ang loob namin ni Marco sa isa't isa. Oo, alam ko ang ibig sabihin ng rebound, di rin ako tanga at paminsanminsan itong sumasagi sa isip ko, pero ewan ko ba...
“Mas gugustuhin ko ng maging tanga.” wala sa sarili kong nasabi.
0000ooo0000
Lumipas pa ang ilang buwan away at bati ang nangyari sa relasyon namin ni Marco. Halata mo rin na may kulang pero pilit akong nagbubulagbulagan at pilit na itinatak sa isip ko na perpekto ang aming relasyon na mahal namin ang isa't isa.
Dumating ang araw na kailangan ko ng umuwi sa Cavite, hindi dahil gusto ko, kundi dahil ito ang gusto ng aking mga magulang, limang taon din akong di nauwi doon. Di naman ito malaking issue kay Marco, minsan naman daw ay pupuntahan niya ako sa Cavite.
0000ooo0000
“Di naman kita inoobliga magbigay ng share dito sa condo eh. Tawagan mo si tito at sabihin mo na ok lang sakin, walang problema ang pagstay mo dito.” sabi sakin ng aking pinsang si Ron nang magpaalam ako sa kaniya.
“Wala kuya eh. Pinapauwi na talaga ako.” sabay yakap ko sa aking pinsan.
“Salamat kuya ah?” bulong ko habang pinipigilang ang sariling wag mapaiyak.
“Pano na kayo ni Marco?” nagulat ako kasi ito ang unang pagkakataon na nagtanong si kuya Ron tungkol sa relasyon namin ni Marco.
“We'll make it work, kuya.” matipid ko na lang na sagot.
0000ooo0000
Sinusuot ko na ang amerikana na aking dapat suutin sa kasal ni Edward, ilang linggo na ang nakalipas pero wala ni isang text o tawag na nanggaling kay Marco, nagsimula na akong mangamba, inaamin ko, ang unang isang buwan matapos ang pagbabalik ko sa Cavite ay di naging maganda ang communication namin, pero pinilit ko siyang i-text, pinilit ko siyang tawagan kung makakaya ko kahit na distracted ako sa nangyayari sa bahay at sa aking paligid.
“Sabi mo pupuntahan mo ako dito sa Cavite?” text ko kay Marco habang inaayos ang aking sarili sa tapat ng salamin. Nagulat ako ng sa puntong iyon na nagtext ako ay nagreply ito.
“I'm sorry, medyo busy. Promise sa oath taking mo andun ako. Sige, I have to get back to work.”
Di ko na ito nireplyan. Ngayon ko siya kailangan at ng basahin ko ulit ang text niya ay wala manlang akong nakitang “I Miss You” o kaya “I Love You” unti unti ko ulit nararamdaman ang kakulangan ang pagkakaroon ng limit sa aming relasyon naramdaman ko ulit na may mali.
Napagpasyahan kong wag munang isipin iyon at tumulak na papunta sa kasal.
0000ooo0000
Natapos na ang program, nakapag oath taking na kami, nagsisimula ng magpicture, picture ang mga bagong proklamang RN's ng bansa pero wala pa akong nakikitang Marco Tan. Muli ko pang iginala ang aking tingin. Nakita ko si Marco Antonio Sto. Tomas isa sa mga Board of Nursing, gusto kong magpapicture dito dahil gusto kong ipamukha sa kaniya na napaiyak niya ako pagkatapos ng board exam.
Nang matapos na akong magpapicture kay BON Sto Tomas ay parang bumagal ang oras, nakita ko si Marco, nakatayo sa dulo ng hall na iyon. Gwapong gwapo sa suot na coat and tie.
“Di ka ba magpapapicture sakin?” tanong nito, agad ko namang inihanda ang camera para kuwanan kaming dalawa.
0000ooo0000
“Akala ko di ka na pupunta. Nakakatampo ka nga eh, tagal mong di nagparamdam.” sabi ko dito habang naglalakad kami papunta sa aking kotse. Di ito sumagot, sa totoo lang di ko natandaan na nagsalita pa ito pagkatapos niya akong ayain magpapicture.
Dun ko ulit narealize na ginagapang nanaman ako ng kakulangan, tinutudyo nanaman ang utak ko na may mali sa mga nangyayari. May nagsasabi nanaman sakin na idilat ko ang mga mata ko at wag na akong magpakatanga.
Isinandal lang ako nito sa aking kotse pagkatapos ay masuyo akong hinalikan.
“Text ka ah, babalik ulit ako ng Manila after ilang weeks, hahanap ako ng Ospital.” sabi ko dito habang nasakay sa aking kotse, di ulit ito sumagot, binigyan lang ako nito ng isang malungkot na ngiti.
“May mali, idilat mo ang mga mata mo.” sabi sakin ng sarili kong konsensya.
Pero nagmatigas ako. Pilit parin akong nagbulagbulagan.
Apat na buwan kaming di nagkita ni Marco, di nagusap sa phone at di narin siya nagtext. Parang nawala o binura siya sa mundo, walang linaw kung may relasyon pa ba kami o wala na.
Naiwan akong nakalutang. Naguguluhan. Nasasaktan.
0000ooo0000
Akala ko patay na si Marco, wala na akong naririnig maski sa mga kaibigan namin tungkol sa kaniya. Hanggang sa nakakita ako sa isang beach sa Batangas na dalawang lalaking masuyong naghahalikan sa may dalampasigan. Biglang uminit ang aking mukha, biglang kumulo ang aking dugo.
Wala sa sarili akong sumugod papunta sa kinatatayuan ng dalawang lalaki.
“Migs tama na!” awat ni JP at ng iba ko pang kabarkada sakin. Tumayo ang lalaking pinaulanan ko ng sapak sa tulong ng kasama nitong lalaki na kanina lang ay kahalikan niya.
“Ikaw! Kung sino ka man umalis ka na dito!” sigaw ni JP. Agad namang naglakad palayo ang lalaki, puno ng buhangin ang damit nito.
“Ok ka na ba? Bakit bigla bigla ka na lang nananapak?! Sino ba iyon?!” tanong ni JP sakin. Wala sa isip akong napahawak sa aking kwintas na may dalawang singsing na nagsisilbing pendant nito.
“Si Marco... Marco Tan.” matipid kong sagot, at bago ko pa mapigilan si JP ay hinabol na nito si Marco. Wala na ni isa sa mga kaibigan ko ang napigilan pa si JP.
Naabutan ko itong pinagsusuntok si Marco at ng mapahiga na ito sa buhanginan ay tinadyakan niya ito.
“Putangina ka! Ginago mo si Migs!” sigaw nito habang payakap ko itong pinipigilan.
“Maniwala ka Migs, di ko sinasadya.” pahayag ni Marco ng makabawi ito sa malalakas na suntok ni JP.
“Tanginamo! Bigla kang nawala! Di ka nagparamdam sa kaniya! Iniwan mo siya sa ere!” sigaw ulit ni JP. Pero hindi siya pinansin ni Marco, naluha na akong nakayakap sa likod ni JP, pinipigilan parin ito dahil sa takot na baka mapatay nito si Marco.
“N-nawala ang cellphone ko, ninakaw. Di ko alam kung pano ka ko-kontakin...” nagpantig ang tenga ko sa kasinungalingan na sinasabi ni Marco.
“Yun ang reason mo Marco? Na nawala ang cellphone mo?! Putangina! Isang taon mo ba bago ka makabili ulit ng cellphone?! Madadamot ba ang tao sa paligid mo at di ka pwedeng makitext?! Nakalimutan mo na ba ang papunta sa P. Campa para makita ulit ako at sabihing di mo ako matext dahil nawala cellphone?! Geez! Give me a break, di ako bata na pwede mong daanin dyan sa mga lame excuses mo.” sagot ko dito, saktong namang nagdatingan ang iba pa naming mga kabarkada, pilit kaming tinatanong ni JP kung anong nangyayari.
“Donna, dalin niyo na si JP sa cottage, ako ng bahala dito.” sabi ko sa girlfriend ni JP.
Tinignan ko ng masama si Marco at ang kasama nito.
“Migs, please.” bulong ni Marco pagkatalikod ng mga kabarkada ko.
“Tama na.” sabi ko dito sabay tingin sa kasama niya na halatang naguguluhan at gulat na gulat. Patalikod na sana ako sa kinauupuan ni Marco ng mapahwak ako sa aking kwintas at makapa ang dalawang singsing na ginawa kong pendant. Humarap ulit ako kay Marco at hinila ang kwintas, nalagot ito. Kinuwa ko ang isang singsing at inabot ito kay Marco.
“Here, I was planning to give you this.” sabi ko dito, halata namang gustong isaoli sakin ni Marco ang singsing.
“No, keep it. Wala na akong pagbibigyan niyan, and I'll keep mine.” sabi ko dito at sinuot ko ang kaparehang singsing na ibinigay ko kay Marco sa aking palasingsingan.
“...And this one, this ring will forever remind me of all the pain, all the sacrifices, all the things and people I've lost and the greatest mistake that love at its best has to offer.” sabi ko dito habang ipinapakita ko sa kaniya ang aking singsing. Tumalikod na ako at nagsisimula ng maglakad palayo ng magsalita ulit ito.
“I'm sorry.” napatigil ako saglit sa sinabi niyang yun at ng marinig kong humukibi ito ay agad na akong naglakad palayo.
After 2 years
“Hello, di ako makakapagduty ngayon, walang magbabantay kay Rick.” paalam ko sa aking kasamahan na nasa kabilang linya, may dalawang taon narin ako sa aking trabaho bilag ER nurse at sa tingin ko ay may karapatan na akong mambraso ng schedule.
“Ok, ok thanks!” nakahinga ako ng maluwag ng pumayag ang aking karelyebo.
Bigla akong napatingin sa front door ng tumunog ang doorbell namin, ako na lang ang nasa bahay ngayon dahil sa may mga pasok ang mga tao dun, ang mga magulang ko naman ay nag out of town kaya't no choice ako kundi sagutin ang pinto.
Tumambad sa aking ang gwapong gwapong si Pat, naka amerikana ito at talaga namang tindig artista ang itsura, agad itong ngumiti sakin at nagpaalam sa kaniyang kausap sa telepono na kakausapin lang daw ako nito saglit. Agad ako nitong niyakap, nakakahiya man dahil naka sando at boxers lang ako at amoy gatas pa.
“I'm glad you're here, wala si kumare mo, umuwi ng Q.C. And I really have to go to the office. Can you take care of little Mike for me.” sabi nito, napanganga na lang ako sa gulat. Inalis ni Pat sa pagkakasukbit sa kaniyang likod ang pinaglalagyan ng anak nito na si Mike.
“Di ko na nga alam kung pano aalagaan tong inaanak mo eh!” pertina ko sa aking karga kargang si Rick.
“Please, please, please.” pagmamakaawa nito, at wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Agad naman ako nitong hinalikan sa pisngi.
“The best ka talaga, Migs! Tama ang desisyon kong ipangalan sayo ang baby ko!” sigaw ni Pat sakin pagkatapos ay hinalikan ang karga karga kong si Rick at ang kaniyang anak na si Mike.
“Nambola pa nga ang kumag! Bilisan mo! Umalis ka na at baka magbago pa ang isip ko.” agad ulit itong humarap sakin at inilapat ang kaniyang labi sa aking labi. Natigilan ako.
“The best ka talaga, Migs!” sabi nito sabay labas ng bahay.
“Nachansingan pa nga ako.” sabi ko sa sarili ko sabay iling.
0000ooo0000
“Oh kain na ang mga bebe!” sabi ko sa dalwang magkatabing bata, hawak hawak ko ang dalawang bote ng gatas. Nakatingin lang ang dalawa sakin, tila ba napapangitan sa aking itsura.
“Oo, alam ko, wasted much, diba? Haist! Kung nakita niyo lang ako noon.” sabi ko sa mga ito sabay buntong hininga, parang naintindihan naman ako ng anak ni Pat at ngumiti ito habang may nakasalampak na dodo sa kaniyang bibig.
“Nako! Mana sa ama, palangiti! Ikaw naman!” baling ko kay Rick.
“Mana ka sakin? Su-supladosuplado?! Nako problema yan.” sabi ko at napatawa naman ako sa mga pinagsasasabi ko.
“Epekto ng walang tulog.” sabi ko sa sarili ko sabay buntong hininga.
Mayamaya pa narinig ko na lang na may nagdo-doorbell ulit. Napairap na lang ako.
“Sino naman kaya to?” tanong ko sa sarili ko.
“Kayo! Wag kayong malikot or something! Pirmi lang kayo dyan. Wag niyong maisip isipang gumulong ah! Tatamaan kayo sakin!” banta ko sa dalawang bata na masaganang nadodo sa kanilang mga chupon.
“Migs!” sigaw ni Edward ng buksan ko ang pinto sabay yakap sakin.
“Bakit? Basta basta ka nalang napunta ng walang pasabi?” tanong ko dito habang pilit inaayos ang sarili. Tulad ni Pat ay bihis na bihis din ito at tulad ni Pat ay may daladala itong anak. Dalawa. Kambal.
“Kailangan kong umalis, wala si kumander eh.”
“Fullhouse na ako.” walang gana kong sabi sabay turo kay Rick at Mike na masuyo paring nadodo. Bigla namang humaba ang nguso ni Edward.
“Pag sa anak ni Patrick ambilis bilis mo, bakit inaanak mo rin naman itong dalawang ito ah.” sabi nito sabay tulak papasok ng dalawang straller na naglalaman ng kambal. Napairap ako.
“Di ko na nga maalagaan ang inaanak mong si Rick eh, dadagdagan mo pa ng tatlo.” walang gana ko ulit na sabi dito.
“Sige sa mga halimaw na biyenan ko na lang ulit ipapaalaga ang mga inaanak mo.” sabi nito. Natawa naman ako sa sinabi nito.
“Sige, igulong mo na yang kambal papasok.” sabi ko dito, agad naman nagliwanag ang mukha nito. Binigyan ko ng padodo ang kambal at humarap na kay Edward.
“Malaman ko lang na gagala ka lang pala, wala ka ng kambal na babalikan.” banta ko dito, binigyan lang ako nito ng kinakabahang ngiti.
“Oh, kayong dalawang kumag, wag kayong pasaway sa Ninong niyo ah. Baka ihagis kayo niyan palabas ng village.” parang tangang sabi ni Edward sa mga anak niya.
Hinalikan nito ang kambal sa noo pati narin si Ric at naglakad na palabas, hinatid ko ito.
“Salamat.” sabi sakin ni Edward at nagpaalam na, naglakad na ito papunta sa kaniyang sasakyan.
“Oi kayong apat kayo magsitulog na kayo ah.” sabi ko sa mga bata, dahil ang kambal ang pinakamatanda sa kanilang lahat kaya't medyo di ko na pinuproblema na gumulong ang mga ito palabas ng straller nila, si Ric naman ay nakatulog na samantalang si Mike ay naglalaro lang ng kaniyang pacifier.
“Ok lang naman na matulog ako saglit diba?” tanong ko sa mga ito. Syempre walang sumagot.
“Sana pagtanda niyong apat mas maging matitino kayo saming tatlo ni Pat at Edward. Problema na kami noon sa village na ito kaya wag na kayong lalaking pasaway baka sabihin ng mga kapitbahay may pinagmanahan kayo. Saka utang na loob, wag kayong magsusulutan ng syota o kaya naman wag kayong mainlab sa isa't isa, ha?” parang tanga kong litanya nangingiti naman si Mike habang kinakagat ang kaniyang pacifier at ang kambal ay nakatingin lang sa kanilang bimpo bahagyang naghihilahan. Napadako ang tingin ko kay Rick, nakakunot ang noo nito habang mahimbing na natutulog.
“Pipikit lang ako saglit. Saglit lang promise.”
Miyamiya pa ay nakarinig ako ng malakas na pagiyak nang imulat ko ang aking mga mata ay sabaysabay na nagiiyakan ang apat na bata, napairap naman ako, kaya't kahit nahihilo pa ay tumayo ako para kargahin ang pinakamaliit, si Rick.
“Shhh tahan na.” sabi ko saka ito sinampay sa aking balikat at hinagod ang likod.
“Kasi naman matutulog ng busog ayan, kabag ang inabot.” sabi ko dito, nakakabingi parin ang iyakan lalo na't matining ang boses ng kambal. Agad kong tinungo ang aking telepono at tinawagan ang isang taong alam kong makakatulong sakin.
0000ooo0000
“Oh kailan ka pa nagtayo ng nursery?” tanong sakin ni JP ng pagbuksan ko ito ng pinto, humahagikgik ito ng papasukin ko.
“Oi JP! Wala akong panahong makipagbiruan, eto kargahin mo tong inaanak mo.” sabi ko dito sabay abot sa kaniya si Rick.
“Awww! Ang pinaka-cute kong inaanak, manang mana sakin na ninong na ubod din ng cute.” pagbe-baby talk na pakikipagusap ni JP kay Rick, agad namang tumigil sa pagiyak si Rick, nagulat ako. Napakagaan talaga ng loob ng mga bata kay JP. Tama ang desisyon nitong mag medicine at gawing specialty ang pediatrics.
“Buti pinayagan ka ng girlfriend mo.” sabi ko dito habang pinapaltan ng diaper si Mike. Tumigil narin ito sa pagiyak.
“Sus. Di ko na girlfriend yung gorilla na yun! Pinalayas ko na!” sabi nito habang idinidikit ang ilong niya sa ilong ni Rick.
“Ha? May 3 years narin kayo ni Donna ah?”
“Four years. Eh di na namin mahal ang isa't isa eh.” sabi nito, bakas na itinatago lang nito ang tunay niyang nararamdaman. Di na ako nagsalita.
“Yan ba yung anak ng dalawa mong bestfriend?” tanong nito, halatang gustong maiba ang pinaguusapan. Tumango lang ako, ibinaba ko na si Mike sa may duyan at sinimulang patulugin ito.
0000ooo0000
“JP...” tawag ko kay JP ng sa wakas ay napatulog ko narin ang kambal, pero nagulat ako ng maabutang tulog narin si JP at sa dibdib nito ay ang nakadapang si Rick. Napangiti ako.
“Galing din siguro si JP sa trabaho at wala pang tulog tulad ko.” sabi ko sa sarili ko, dahan dahan kong inangat si Rick sa dibdib nito at ililipat na sana sa crib ng nagising si JP, nginitian ko lang ito.
“Akala ko nahuhulog na yung bata.” sabi nito, ngumiti lang ulit ako. Nang maihiga ko na si Rick sa crib ay naabutan ko si JP na natutulog ulit sa sofa, agad ko itong nilapitan at tumabi sa kaniyang pagkakaupo at ginawang unan ang kaniyang balikat.
“Oi yung mga alaga mo.” saway sakin ni JP.
“Wala pa akong tulog.” sabi ko dito.
“Sige five minutes lang.” bulong nito sabay akbay sakin at pilit akong isiniksik sa katawan niya.
“Pwede ka ng magasawa.” sabi ko dito.
“huh? Bakit mo naman nasabi?” tanong nito sabay hagikgik.
“Ok ka kasi sa mga bata eh.” sabi ko dito, naramdaman ko nanaman itong humagikgik.
“Di naman kasi pwede yung gusto kong pakasalan eh.” sabi nito, napatahimik naman ako at napaisip sa sinabi niya.
“Bakit naman?” tanong ko dito.
“Full time nurse kasi yun tas full time Daddy/ Mommy rin.” sabi niya.
“Ahhh, may ipinalit ka na pala agad kay Donna eh.” sabi ko dito, humagikgik ulit ang loko.
“Bago ko pa makilala si Donna andyan na siya.” sabi nito agad ko namang hinampas ang dibdib nito.
“Gago ka! Niloloko mo pala si Donna!”
“Hindi ah, minahal ko yung gorilla na yun.”
“Eh sino naman yung sinasabi mong isa mo pang mahal?” tanong ko ulit dito.
“Hina mo talaga sa mga ganito no? Ikaw ang sinasabi ko, Tanga!” sabi nito, napanganga lang ako sa sinabi nito.
Agad ko itong nginitian, ganun din naman si JP sakin. Muli kong inunan ang aking ulo sa kaniyang matipunong dibdib at pilit pang isiniksik ang sarili at pilit na tinutupad ang pangakong saglit na pag idlip.
Wala pang trenta minutos at nagsiiyakan na ulit ang mga bata.
0000ooo0000
Ito ang buhay ko, masalimuot, masaya at puno ng aral, hindi man si Edward ang para sakin ay marami naman akong natutunan sa maraming pagkakamali na sumampal sakin noon, sinampal man ako ng mga pagkakamali ko noon ay pinakapal naman nito ang mukha ko sa mga susunod na sampal pa na mararanasan ko sa buhay, di man si Alex, ay tinuruan naman ako nito na magpakatotoo at piliin ang mga totoong pagkakatiwalaan, di man si Marco pero tinuruan ako nitong di dahil mahal at gusto mo ang isang tao ay ganun din ang nararamdaman nito para sayo.
Maraming paraan at pagkakataon para umibig at ibigin at hindi lahat ng relasyon puro pagibig ang isasalubong sayo, minsan may pasakit pero hindi lang doon dapat sa pagibig at pasakit nakatuon ang pansin mo kundi pati sa mga aral na kaakibat nito.
Ako si Miguel Salvador at ang tatlong libro na masugid ninyong sinubaybayan ay ang tatlo lamang sa ilang kabanata sa buhay ko.
P.S. Para po sa mga nagtataka sa mga huling sinabi ko kay Marco nang ibigay ko dito ang singsing, Opo, orihinal ko pong linya ang nabasa niyong sinabi ni Ramon Saavedra sa Love at its Best Book1 Chapter 8. Ngayon alam niyo na kung bakit ko pinapahaba ang exposure ni Ram. ^_^
-wakas-
Wah IDOL!
ReplyDeleteAndaming tanong na naiwan!
Sino ang mga ina nyang mga yan.
Yung anak ni Edward alam ng lahat ang ina.
Pero sino ang ina ni RIC...
Pero sa totoo lang, I really really like it.
Same name kami ng baby.
wooohoooo at last naging part rin ng story name ko.
Hmmmm basta Idol maraming salamat sa gawa mo.
Sobrang sarap ng pakiramdam.
It was refreshing, parang sprite or 7up lang ahahaha.
Sana masagot ang mga left out details :D
agree with rhai chu...
ReplyDeleteone more thing... paano na kau ni JP? simula nung naging magkaribal sila ni alex, sa kanya na ako boto! and as the story progressed, dun ko na prove na tama ako. dapat siya ang naging bf mo. mahal ka talaga niya...
so migs pwede ba, kung pwede lang sana! si JP na lang pls! nasa harapan mo na di mo pa nakikita! swerte mo at "naghintay" sayo si jp... honestly di ko kaya ang ginawa niyang paghintay
so please do let us know... i am dying to know... kayo na ba ni jp?
arrrgghhh kaninis!!!
:) :) :)
regards,
R3b3L^+ion
superb..!!
ReplyDeleteGod bless.. -- Roan ^^,
Ang Galing galing nyo po!
ReplyDeleteKumunek lahat ah!
hehehhe...
Tama nga ako sa huli c JP parin.
Ang dami nmang sidebit hahahhaha...
Pero, for real... galing nyo po talaga!
San na kya c Marco at Alex ngaun...
What happen to kuya Ron? ehhehe...
SALAMAT PO ng marami dito...
GOD BLESS U!
-mars
sana yung against all odds i-post niyo na rin. saka sana wag kayong titigil na magsulat. ang galing niyo po. nakakadepress yung ibang part kasi hok na hook ako sa pagbabasa ng mga kwento niyo. grabe. ang ganda talaga.
ReplyDeletekaninong anak po c rick. sa sobrag dala ko sa stories mo napaghalo halo ko na ata =)
ReplyDeletesuper nice work po author. i'll w8 for ur new stories also wish u all the best abt kay JP =))
-Ruri
madami rin akong tanong..kaninong anak si rick? sayo ba? hehehe..kung sayo, sino ang ina? sino ren ang ina ni mike?
ReplyDeletepansin ko lang, ang bilis mong ma-inlove sa isang tao lalo na kung naglalaan sila ng "something" para sa iyo pero bakit di ka na-inlove kay JP na harap-harapan nya ng sinasabi sa iyo na mahal ka nya?
at naiintidihan ko na kung saan mo pinagkukuha ang mga characteristic ng bawat characters sa kwento mo..
ang galing-galing mo kuya migs!!! nagawa mong maging interesante ang bawat kapirasong parte ng mga naganap sa buhay mo...
WoW! Migs! I really really like it!!! Madaming tanong pero naiintindihan ko! at Salamat.... U made my day! Nagulat lang talaga ako sa name ng iyong son.. SALAMAT!
ReplyDelete....Rick...
shit ang ganda! the best ka migs, i really enjoy the whole series ng buhay mo even ur fictional novels na hango din sa buhay mo, ur one hell of a writer and a survivor in the aspect of twisted lovelife, its my privilege reading ur stories (",)
ReplyDeletenpkgaling mo tlga.. ang ggnda ng mga storis mo.. sarap bsahin.. sulat kpa ng mdming mdming mdmi, bbshin ko lhat.. promz.. keep safe.. godbless...
ReplyDeletenaku, dmi png kasunod to, nrrmdaman ko.. haha ;)
hala eh panu na kau ni JP?hmmm bitin naman haha
ReplyDeletepero ang ganda ng Plot huh..hmmm nakakainis lng kasi BITIN hahah
hope to read more of ur work..tnx for sharing..:)
Ahahah so SWEET hahaha kaya pala si ram..mmmmXD
ReplyDeleteidol talga kitaXD...talagang may pinaghuhugutan...yung kwento..
sino nga ulit si pat?? best friend mo right? nakalimutan ko ata siya di ko mahanap sa ibang
C-PXD baka malabo lang mata koXD hehe
siguro yung lang yung tanung ko dito sa last chapter..yung si PAT??!! haha at yung nanay..gets ko yung 2 anak nila at sa kambal ni edward..
so kayo ba ni JP? :D
wah just read this again...
ReplyDeletehaist kakainis ka kuya migs, napaka-captivating ng story mo.
at uulitin ko, the name of the baby, haist, mamamatay n ako sa tuwa..
ayoko na talaga,,,, pero parang gusto ko pang ulit ulitin.
isa lang ang masasabi ko, if this was based on something true, napaka-tatag ng bida. to go thru all those hardships, he definitely deserves a happy ending or a wonderful beginning
Migs... Ang sarap at ganda ng kwento mo. Sobrang nakaka inlove. Love you po. Ingatz always....
ReplyDeleteSuperb talaga ang gawa mo Migs! Talagang dugtong dugtong ang gawa mo! Astig! Grabe! Nagulat ako dun sa bandang dulo na. Talaga bang anak mo si Rick? Ang cute cute tlga ng story ng buhay mo! Isa ka pang great writer! Sana ipagpatuloy mo itong talent mo! More power!
ReplyDeleteGRABE!!! I LOVE IT!!!!! ANG GALING MO TALAGA MIGS!!! HAHAHA!!
ReplyDeletefinally!!!! at c jp nga ang nakatuluyan mo... happy ending!!
ReplyDeletehonestly nung una base sa pinagdaanan mo sa ibang lalaki lalo na kay alex inis na inis ako sau isip isip ko bakla ka na nga wala ka pang pride. pero habanang papatapos na ang kwento lalo ako napahanga sau.. npaka strong mo. good work!
-vash18
kawawa nman c jp lagi nlng mag isa, pero hanep lupit mo jp i like u tlga s mga hirit mo k migs.....
ReplyDeletemigs tnx & GODBLESS....
PS. GWA KP NG GOOD STORY...
sb nga b umpisa plng k jp n q eh goodluck po....
ReplyDeletegaling ng kwento... ganda yung mga scenes with edward, mas gusto ko yung part na yun...
ReplyDeletethanks sa mga stories mo...
sarap balik-balikan...
THANKS!!!!!!!!
sinbad214_09@yahoo.com
rez_ortaliz@yahoo.com
ReplyDeleteshiiit i love you kuya migs
kung kaibiganlg kita d aq aalis sa tabi mo..
grbe ang damo mong pnag daanan
people wag nmn mting i judgec alex at least xa nagsisi at humingi ng patawad kesa nmn c marco dba... tao lg po cla hehe
in fairness nmn sau kuya migs ang tatag mo may pgkka halintulad kse buhay nten buti ikw ok pa at mukhang may happy ending na...
kuya migs buksan mo nga mata mo c jp tlga ang para sau kse ipinaglaban ka niya kahit nung nagka gf xa d ka niya iniwan at pinabayaan... sana ma realize mo na mahak ka tlga niyA,, wag mo nang pakawalan yn.. pg kinasal kau invite mo kme ha hehe...
pansin ko lg bat sa mga karelasyon mo laging involved c kuya ron ?? lalo nA dun ky alex at marco ??
kaninong anak c ric ??
regarding sa question mo kuya,. mas ok sken kahit pg sabYin mo pa ang post mo kse lahat nmn ng characters mo ntatandaan ko hehe
suggestion ko lg po sa name ng blog mo:
miguel's world
welcome to my world
miguel's visions
stories from the heart
mga kwento ng totoong mundo
ang mundo sa mga mata ni migs
sorry kuya parang ang weird ng mga naisip ko hehe
haha. Ansaklap talaga. I'm happy if you're happy author. Pagprapray na talaga kita. Ingat po lagi. sana mahanap muna yung taong pupulutin ang mga piraso mo. T.T
ReplyDeleteGreat story. Napaka makatotaohanan.
FOREVER A FAN.
-ichigoXD
Wala akong nagawang trabaho rito sa office dahil sa kakabasa ng story mo. Ahahaha...
ReplyDeletehindi nanaman ako nakatulog. LOL idol si mr.author. paadd naman po sa facebook. Facebook.com/lanzidoi
ReplyDeletehahaha. patay na mamaya sa class, chores tas training >.<
malanding hitad pala c migs eh,, daming lalaki,, buwahahaha
ReplyDeleteHi Migz, it's me again... at dahil avail, natapos kong basahin ang lahat ng installment ng CP =)
ReplyDeleteAfter reading your stories which is I'm sure na hindi pa lahat yan, lalong tumaas ang respect ko for you... feeling ko nga ang hirap mo ng abutin e.. parang ang liit kong tao kung lalapit ako sayo...haha
anyway, you're a strong person and I'm wishing you the best... =)
- Lance
Finally natapos na sya. Ang galing. Nakakaproud :-) You really are the best! Cguro, kung mamimeet kita someday, hinding hindi ako magtataka kung bakit napakatatag mo. Salamat sa inspiration ΓΌ
ReplyDeleteHay!Nagcomment ako kanina after reading this pero hindi napost. I also emailed the author about this at hindi lang pala ako nakapaghintay. Grabe! ang bigat sa dibdib. affected ako the whole day. I'm still hoping for your response sa email ko. Nonetheless, kudos for being a great writer and a strong person!
ReplyDelete-Gelo