Chasing Pavements (Book2 Part8)

________________________________

Chasing Pavements (Book2 Part8)
by: Migs


Iminulat ko ang aking mga mata, medyo masakit pa ang aking katawan pero hindi nun mapipigilan ang kagustuhan kong ngumiti.



Can you be mine?” bulong ni Alex sakin, mahigpit parin ang yakap nito sakin habang iniintay akong sumagot. Dahan dahan akong kumalas sa kaniyang yakap at humarap sa kaniya, tinignan ko siya diretso sa mga mata, inihawak ko ang aking kamay sa kaniyang pisngi saka tumango bilang sagot sa kaniyang tanong, ngumiti lang siya sabay aya sakin sa lamesa.




0000ooo0000



Inihatid na niya ako sa unit namin ni kuya Ron, ipapakilala ko narin sana si Alex kay kuya Ron nang ihatid niya ako nung gabing yun kaso wala pa ang aking pinsan.




Wala pala si kuya Ron.” sabi ko kay Alex habang lumalabas sa kwarto ni kuya Ron ng silipin ko ito.



Ah ganun ba.” sabi ni Alex na halatang kinakabahan.



Gusto mo ba ng maiinom?” tanong ko dito, tumango lang siya.



Di ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti habang ipinagtitimpla si Alex ng maiinom. Halata kasing kinakabahan ito sa pagpapakilala ko sa kaniya at kay kuya Ron. Nasa ganito akong pagiisip ng bigla kong maramdaman ang pagyakap ni Alex mula sa aking likod.




Anong ningingiti ngiti mo dyan ha?” tanong nito sakin at napahagikgik naman ako.




Marahan niya akong pinaharap sa kaniya at hinalikan. Sa tuwing nakakaramdam na kami sa aming paghinga ay panandalian naming ititigil ang aming paghahalikan at sa muling pagdikit ng aming mga labi ay mas mainit at mas puno ng emosyon ang aming paghahalikan. Hinawakan niya ang aking kanang kamay at biglang kumalas sa aming halikan. Itinaas niya ang aking kanang kamay at ipinakita sakin ang bracelet na nakasabit sa aking kanang kamay na siya ang nagbigay.



Alam mo na ba ang ibig sabihin niyang alibata na iyan?” tanong niya sa akin. Umiling lang ako. Ngumiti siya.



Ibig sabihin niyan ay 'mahalaga ka sakin'.” sabi niya sabay lapit ulit ng kaniyang mga labi sa aking labi pero pinigilan kong magsalubong iyon.



Bakit?” tanong niya.



Gusto ko lang din sanang sabihin na mahalaga karin sakin at mahal na mahal kita.” ngumiti siya at itinuloy na niya ang halikan na kaninay pinigilan kong mangyari.



Naramdaman ko na lang na unti unti ng hinuhubad ni Alex ang aking mga damit.




Para akong tanga na nakatitig sa aking kisame, ayaw kong gumalaw at magising ang aking katabi sa higaan, ang tanging alam ko ay masaya ako ngayon. Masayang masaya. Sinubukan kong ibaling ang aking tingin sa aking katabi ng hindi gaano nagalaw, hanggang sa narealize ko na lahat ng effort sa pagtahimik at hindi paggalaw masyado ay wala lang rin palang silbi.



Napabalikwas ako nanag mapansing wala si Alex sa aking tabi, ang kaninang masayang pakiramdam ay untiunti ng nawawala ngayon at napapalitan na ng kaba.



May mali.” sabi ko sa sarili ko na tugma sa aking kutob.



Sinimulan ko ng magsuot ng pambahay, tinignan ko ang paligid ng aking kwarto, wala ni isang bakas na naggaling duon si Alex, tumapat ako sa salamin para makita ang itsura ko at para maiayos nadin ang sarili kung sakaling di kaayaaya ang itsura ko.



Napatigil ako nang makaharap na sa salamin, hindi dahil halos wala na akong makitang repleksyon ko dahil sa mga print outs ng MMS mula kay Alex kundi dahil sa isang sulat na nakadikit doon.



Nagsimula na akong manginig, di makapaniwala sa aking nababasa, nagsimula ng manikip ang aking dibdib at nagbabadya ng tumulo ang aking mga luha. Unti unti nang bumilis ang pagtibok ng aking puso at umikli ang aking paghinga.



Hindi ito totoo!” sigaw ko sa aking sarili at ilang masaganang luha ang tumulo mula sa aking mga mata.



Nanginginig ako, asa harapan parin ako ng aking salamin, paulit ulit na binabasa ang sulat mula kay Alex, limang minuto, sampung minuto o isang oras na akong nakatitig, hindi ko alam. Ang tanging alam ko ay nasasaktan ako ngayon. Wala paring tigil ang pagpatak ng luha ko.




Di ko na napigilan ang sarili ko, nagsimula na akong mag breakdown. Ang lahat ng aking kinikimkim na sama ng loob nung umagang yon ay tuluyan na akong inalila. Marahas kong tinanggal ang mga printouts ng MMS na nakadikit sa salamin sa aking unahan. Dalawampu o maski na limampung litrato, di ko na nabilang.



Nang sa wakas ay di narin kinaya ng aking mga paa ang bigat ng aking dibdib ay marahas na akong napaupo sa sahig, nakapalibot sakin ang mga printouts ng MMS na marahas kong tinanggal mula sa aking salamin. Nagsimula na akong umuga na parang nababaliw na, itinakip ko ang aking mga palad sa aking mukha. Di makapaniwala sa mga nangyayari.




Ang tanga tanga ko.” sabi ko sa sarili ko habang nagkukuyom parin ang damdamin ko sa sakit na nadarama.




Tumayo ako at tinungo ulit ang aking higaan at doon inilabas pa ang natitirang sama ng loob.




0000ooo0000




Nang magising ako ay halos malapit ng magdilim sa labas ng bintana. Magaalas sais na ng hapon, matagal nadin ang naitulog ko pero nagtaka parin ako kung bakit hindi manlang nabawasan kahit kapiranggot ang sakit na nadarama ko, umupo ako at tinignan ang paligid. Pinagmasdan ang kalat na ginawa ko noong umagang yon.



Nagsimula na akong tumayo at isa isang pinulot ang mga MMS printouts na nagkalat sa sahig, pati narin ang mga sulat na natanggap ko kay Alex. Bigla kong naalala kung pano niya hawakan ang kamay ko at halikan iyon. Napapikit ako.




Gusto ko sanang mas makilala ka pa, yung higit sa pagiging estudyante ko lang.”



A-ano pong ibig niyong sabihin?” tanong ko dito, inabot nito ang aking kamay na nakapatong sa aking hita at hinalikan iyon.




Bigla kong naalala ang tagpong iyon sa loob ng sasakyan ni Alex nang sabihin nito ang kaniyang tunay na intensyon sa pangungulit niya sakin. Pero bigla din akong napabuntong hininga at lalong nakaramdam ng pamimigat ng dibdib.




Plinano niya na pala lahat ng ito simula nung araw na iyon.” malungkot kong sabi sa sarili ko ng sagiin ng realisasyon na iyon ang aking utak. Wala nanamang tigil sa pagpatak ang aking mga luha.



Naku, sorry Sir, may nanginis lang kasi sakin kanina. Napatawag po kayo?”



Unang una, drop the Sir, po and opo. Panagalawa, gusto ko kasing maging maganda ang araw ko kaya tinawagan kita.”



Ha? Ano pong... este anong koneksyon sakin ng pagganda ng araw niyo?”



Kasi marinig ko lang boses mo ok na ako. Maganda na araw ko.”




Pero lahat lang ng iyon kasinungalingan. At lalong bumigat ang aking dibdib.




Ba't ka nakasimangot?” basa ko sa ilan sa mga mensahe ni Alex sa aking cellphone inumpisahan ko ng burahin ang mga iyon. May pagaalinlangan at higit na sakit na nararamdaman pero binura ko parin.



Ba't ka nakasimangot?”



Bad day.”



Please, smile ka na. Ayaw kong nakikita kang nakasimangot. ;-) ” sabi nito sa kaniyang reply. Napangiti naman ako. Muling tumunog ang aking telepono at binuksan ang kararating lang na message.



Ayan. Cute mo kaya pag nakangiti, lalo na pagnakikita yang mga bakal mo sa ngipin. Hihi!” sabi ulit ni Alex, napalingon ako at di ako nagkamali, andun nga si Alex, nakatingin sakin. Parang nawala lahat ng tao sa hallway na iyon, ngayon ay kami lamang dalawa ni Alex, huminto ang oras, tahimik. Ngumiti ito saka kumindat.




Napahawak ako sa aking ulo, para akong nahihilo na ano sa tuwing naaalala ang mga araw na magkasama kami ni Alex. Sa tuwing naaalala ko kung pano niya ako niloko at pinaikot.




Alam mo, una pa lang na kita ko dyan sa JP na yan alam kong patay na patay yan sayo eh.” pabirong sabi sakin ni Alex habang nainom ito ng beer mula sa lata. Nasa isang parke kami ngayon, isang parke sa isang burol, kita mula sa kinauupuan naming bench ang atubiling mga tao sa lansangan at mabibilis na sasakyan.




Tado!” sabi ko dito napahagikgik naman ito.



Bakit? Ok din naman si yung mokong na yun ah.” sabi nito habang patuloy parin sa paghagikgik. Tumahimik na lang ako.



Isa pa, mukhang seryoso naman siya sayo.” sabi parin ni Alex habang prenteng prente na pinapanood ang mga sasakyan mula sa kaniyang kinauupuan.




Sawa na kasi akong mapagtripan. Alam ko kasi ang mga tipo ni JP, sa una lang yan habang gusto pa nila ang nararamdaman nila, pero habang pakumplikado na ng pakumplikado ang sitwasyon saka sila bibitaw, sa huli ako na lang ang matitirang nakikipaglaban para sa nararamdaman ko.” mahaba kong sagot, daretso lang din ang tingin ko. Hinwakan ulit ni Alex ang aking kamay at hinila ako palapit s kaniya, isinandal ko ulit ang aking ulo sa kaniyang balikat.




Pano ka nakakasigurado na hindi ako ganon?” tanong sakin ni Alex. Napaisip ako sa sinabi niya.




Wala, basta alam ko lang.” sagot ko dito at tinignan ako nito saka ngumiti.



Muli, para akong tomba tomba, di parin makapaniwala na lahat ng magagandang alaala ay pawang kasinungalingan lamang. Iginala ko ulit ang aking mata, napagdiskitahan ko naman ngayon ang isang MMS printout. Si Alex ang tampok non at may hawak siyang pancake kung saan may nakalagay na “Goodmorning Kiddo!” pinunit ko iyon at itinapon ang mga piraso nito sa kalapit na basurahan.



Napatingin ako sa aking kanang kamay, nandon ang bracelet na binigay sakin ni Alex. Lalo akong nanlumo.


Ano ibig sabihin nito?” tanong ko sa mga alibata na nakasulat sa bracelet. Ngumiti siya.



Sasabihin ko sayo soon.” sabi nito.



Sige, una na ako. Ingat ka mamya pauwi ah. Galingan mo sa pagtuturo.” sabi ko dito.



Ops! Di pa ako tapos.” sbi nito saka nagbigay muli ng isa pang maluwang na ngiti. Hinila ako nito palapit sa kaniya at hinalikan sa labi. Smack lang yon pero para sakin daig pa non ang kahit anong halik na naramdaman ko.



Hinubad ko ang bracelet na iyon at initsa sa basurahan.



Niloko mo ako, walang pagpapahalaga na nangyari.” sabi ko sa sarili ko at wala nanamang tigil ang mga luha ko sa pagtulo. Ibinaling ko ang aking tingin sa mga natitira pang kalat sa aking sahig.



Dahandahan kong iminulat ang aking mga mata nang marining na tumunog ang aking cellphone. May natawag, agad ko itong inabot at tinignan kung sino ang natawag. Maluwang ang aking ngiti nang makitang si Alex iyon. Agad ko itong sinagot.



Goodmorning kiddo.” sabi nito na alam kong sa pagitan ng paghikab at pagkusot ng mata niya sinabi. Agad nitong binaba ang telepono maski di ko pa siya nababati ng goodmorning. Agad nagsalubong ang aking kilay sa pagtataka.



Napangiti ulit ako at lalabas na sana para kumain ng agahan ng tumunog ang aking telepono. Di lang isa kundi maraming MMS ang natanggap ko.



Sa unang picture ay may salitang “Good...” na nakasulat sa isang papel na nakadikit sa kaniyang hubad na dibdib. Cute ni mokong sa picture na iyon dahil kinukusot niya ang kaniyang mata at tayotayo pa ang kaniyang buhok.



Sa pangalawang MMS naman ay ang salitang “...morning.” ganun din, may isang papel din na nakadikit sa kaniyang dibdib, ngayon naman ay parehong kamay na ang kumukusot sa kaniyang magkabilang mata at nakabuka ang bibig nito na kala mo hihikab.



Sa pangatlong MMS ay ganun dun may papel ulit na nakadikit sa kaniyang hubad na dibdib nakasulat naman doon ang salitang “my.” nakatakip na ngayon ang isang kamay sa kaniyang bibig, nahikab na nga si mokong.



Sa pangapat na MMS ay ganun parin pero ang nakasulat na ngayon sa papel ay “Kiddo.” at nakangiti na siya sa picture na iyon, may latay pa sa kaniyang pisngi na tanda lang na kagigising lang nito. Napangiti na ako ng tuluyan. Agad kong itong tinext at bumati na rin ng goodmorning.



Goodmorning my Kiddo.” basa ko nang mapagdikitdikit ko na ang picture. Idinikit ko ito sa aking salamin.



Isa isa kong initsa ang mga printouts na yun sa basurahan. Nang makitang malinis na ang sahig ay tumayo ako at inabot ang sulat na nakadikit sa aking salamin. Binasa ko itong muli. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala.




Migs,


Had a great night but I'm sorry to say that all of it was just to get even with you. I have no feelings for you. What we had was just a boost for my torn ego. You see, di kasi ako ang niloloko, ako ang nanloloko.


See you around!


Alex.



Binayuot ko ang papel na pinagsusulatan ng mensaye na iyon at ibinato ko na iyon sa basurahan at walang lakas na bumalik sa aking higaan at doon muling umiyak hanggang umabot ng magdamag.



Itutuloy...

Comments

  1. taena na prof, sarap bugbogin tsk tsk (",)

    -josh

    ReplyDelete
  2. well, tis my comment :)))

    No sir, well I don't wanna be the blame, not anymore.
    It's your turn, so take a seat we're settling the final score.
    And why do we like to hurt so much?

    I can't decide
    You have made it harder just to go on
    And why, all the possibilities where I was wrong

    That's what you get when you let your heart win, whoa.
    That's what you get when you let your heart win, whoa.
    I drowned out all my sense with the sound of its beating.
    And that's what you get when you let your heart win, whoa.

    I wonder, how am I supposed to feel when you're not here.
    'Cause I burned every bridge I ever built when you were here.
    I still try holding onto silly things, I never learn.
    Oh why, all the possibilities I'm sure you've heard.

    That's what you get when you let your heart win, whoa.
    That's what you get when you let your heart win, whoa.
    I drowned out all my sense with the sound of its beating (beating)
    And that's what you get when you let your heart win, whoa.

    Pain make your way to me, to me.
    And I'll always be just so inviting.
    If I ever start to think straight,
    This heart will start a riot in me,
    Let's start, start, hey!

    Why do we like to hurt so much?
    Oh why do we like to hurt so much?

    That's what you get when you let your heart win!
    Whoa.

    That's what you get when you let your heart win, whoa.
    That's what you get when you let your heart win, whoa.

    Now I can't trust myself with anything but this,
    And that's what you get when you let your heart win, whoa

    haha...haba ng comment ko!!! kantahin mo na rin para masaya! tsk tsk

    ReplyDelete
  3. aw.. bad.. tsk! tsk!.. sad :(

    ReplyDelete
  4. sad face :(

    "kung ako na lang sana ang iyong minahal di ka na muling luluha pa..JP.

    tsk..to boost his torn ego..well go to hell..lesson learned..secretly know first their motives and play on their game.

    ReplyDelete
  5. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...

    EGO MANIAC naman pla yang Alex na yan eh!..


    Kawawa nmn c JP...

    -mars

    ReplyDelete
  6. tapos na ba ang book one ng chasing pavements? hehehe...babasahin ko pa lang ang mga latest chapter today. galing mo talagang magsulat migs!!

    ReplyDelete
  7. ,,,,ka asaar tlga mga taong....manloloko!!!!!! :(

    ReplyDelete
  8. i think what happened here was that JP blackmailed alex to let go of migs...(?:P)...just an assumption... pero if indeed there was blackmail so that jp could have migs for himself, then alex did that just to save himself and migs from possible scandal fall-outs... hmmmm... ganoon nga ba migs?

    regards,

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  9. wah grabe naman to...

    ang hirap naman maka-get over sa moment na to.

    i totally did not expect any thing like this to happen...

    your the best tlga kuya migs...
    grabe ang spin ng story :D

    next chap...
    next chap...
    next chap...

    ReplyDelete
  10. sabi ko na eh! Manloloko si Alex!

    ReplyDelete
  11. shet ka alex!!!! me mga ganyang tao pala...tsk3! curious ako kung bakit biglang nagpakita siya sayo after ng kasal ni Edward...

    ReplyDelete
  12. "royvan24"

    sobrang hurt naman nun lahat ay laro lang but atleast maaga pa lang nalaman na agad na ganon si sir mig cheer up mas may tamang tao ang nakalaan sayo.. lalong gumaganda ang story

    ReplyDelete
  13. hala ka.... nakakainis huh...bakit kailangang ganun??

    ReplyDelete
  14. Akala ko smooth-sailing na. Shocks. Ang bigat sa dibdib. Keep it up Migs. Bravo my labz.

    ReplyDelete
  15. sb q n eh i like the character of jp, i dont know y im saying that b4 maybe i feel n jp have a good aura a nice mare being on earth,....

    bat kc my mga manloloko p kc anu...ok n sana un lyf eh....

    migs naasar aq s alex n character mo...

    ReplyDelete
  16. teka ano bakit to get even with you???!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]