Wednesday, February 29, 2012

Different Similarities 1[6]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Saglit na binalot ng katahimikan ang buong kusina. Hindi parin makapaniwala si Eric pero unti-unti narin niyang naikukunekta ang lahat, ang sobrang galit na nakita niya sa mukha ni Ted nang makita ulit nito si Ardi noon sa restaurant, ang mga tingin ng tao nang magyakap sila sa office at ang huli ay ang kinikilos ni Alvin. Alam din ni Eric na hindi nagsisinungaling o nagiibento ng kuwento si Ted dahil alam niyang tunay na emosyon ang nakikita niya sa mukha ngayon ni Ted.


Emosyon na nakita niya sa sarili niyang repleksyon may ilang araw lang ang nakakalipas nang humarap siya sa salamin.



I'm sorry, Ted.” simula ni Eric, umiling lang si Ted at pinahiran ang kaniyang mga luha saka nagbigay ng isang matipid na ngiti.


Matagal na 'yon, nalinis naman yung pangalan ko eh. Ang iniisip ko ngayon yung sa pagitan niyong dalawa---” saglit na nagalangan si Ted tila ba pinagiisipang maigi ang kaniyang sasabihin. “---I mean, alam na ng lahat na player siya, na sinungaling pero hindi ko alam kung ano yung namamagitan sainyo, malay ba naming nagbago na siya at ikaw ang makapagpapatino sa kaniya. I mean---” halatang nahihirapan si Ted sa gusto nitong iparating kaya't nagbuntong hininga muna ito, pumikit saglit saka nagpatuloy.


I mean, I don't want to be a manipulative bastard, Eric, that's your life, I'm not comfortable with the idea but I don't want to dictate your actions para lang sa huli magsisi ka.”


But I believe you, Ted, I don't want anything to do with that jerk anymore.” sabi ni Eric sabay yakap kay Ted na ikinagulat naman ni Eric.


Thanks Eric, you don't know how much that means to me, but I think you should give it a chance, if he fuck this one again, then Ant and I will deal with that bastard. A year is a long time, Eric, for all we know he has changed already.” nakangiting paniniguro ni Ted, hindi naman mapigilan ni Eric ang mapangiti din pero ang totoo nun ay malalim ang kaniyang iniisip, hati ang kaniyang nararamdaman.



Gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang kung ano mang pwedeng mangyari sa kanila ni Ardi pero kasabay nun ay masama rin ang loob niya dito dahil sa ginawa nito kay Ted kahit may katagalan na ang nangyari.



0000ooo0000



Nagulat si Ardi nang bigyan siya ng nakamamatay na tingin ni Eric kinabukasan nang magkita sila sa opisina. Nagtaas ito ng kamay na kala mo sumusuko, nagdikit ang kilay at tila natatakot sa maaari niyang nagawa, unti unti narin itong namumutla, di na napigilan ni Eric ang sarili niya, pakiramdam niya ay mali ang ginagawa niyang iyon kay Ardi, wala sa sarili siyang napaupo at marahang itinakip ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha.



Eric?” tawag ni Ardi, umupo narin ito malapit kay Eric, nagangat ng tingin ang huli.


Why? Why did you do that to Ted?” natigilan ulit si Ardi sa tanong na iyon tila ba ilang minuto pa ang lumipas bago ito nakasagot. Halatang hindi ito kumportable sa pinaguusapan nila, para bang gusto na nitong tumalikod at umalis.



Naipit lang ako, Eric, mahal ko si Alvin, ayaw ko siyang mawala---”



Kaya sinira mo ang buhay ni Ted?” muling binalot ng galit si Eric sa sagot na iyon ni Ardi.



It's not like that, Eric, the rumors are already circulating, I have to clean my name--- I know, I know that you think I'm an asshole for doing that to Ted but I'm also desperate, Eric.” nagmamakaawang sabi ni Ardi. Muling nahati ang nararamdaman ni Eric, nakaramdam siya ng awa kay Ardi pero hindi parin naaalis ang galit.



Natigilan saglit si Eric nang may sumagi sa isipan niya, tila ba hinila ng pagkakaton ang oras at ibinalik siya sa nakaraan kung saan asa pagitan siya ng relasyon ni Pat at Jake, naalala niyang nakagawa rin siya ng ilang bagay na hindi niya naman dapat ginawa noon dahil mahal na mahal niya si Pat kahit na alam niyang masasaktan si Jake pero dahil mahal na mahal niya si Pat ay binalewala niya ang maaaring maramdaman ni Jake, ang maaaring kahantungan ng pagiging desperado niya.


Saglit na nangilid ang mga luha ni Eric, ngayon, kahit papano ay alam na niya ang maaaring naramdaman ni Ardi noon. Nagmahal lang siya. Nagmahal lang sila.


Ardi, Alvin and Ted share different similarities with Pat, Jake and I, at one point in that crazy triangle I shared with Jake and Pat, like Ardi, I've been desperate and an asshole too.” bulong niya sa sarili niya nang maisip niya ang pagkakahawig ng mga nangyari.


That was a year ago, Eric, everybody can change.”


I'm sorry Ardi. I really like you, you've been nothing but kind to me and that news really scared me.”


Ayaw ko namang maging mabait ka sakin at mapalapit sakin dahil lang may utang na loob ka sakin, kaya kung ayaw mo talagang makipagkaibigan sakin at napipilitan ka lang dahil sa utang na loob mo sakin, please don't, maiintindihan ko, what I did was unforgivable---” simula nito, pinigilan na ito ni Eric sa pamamagitan ng paghawak ng kamay nito.


Give him a chance.” pumasok sa isip ni Eric ang sinabing iyon ni Ted.


No. I really want to be your friend, Ardi. I really like you and now I believe that you're not that person anymore. I want to be your friend, Ardi, hindi dahil may utang na loob ako sayo kundi dahil alam kong mabuti kang tao sa kabila ng mga nagawa mo noon.” sabi ni Eric dito sabay ngiti na masuyo namang ibinalik ni Ardi sa pamamagitan ng isa ring masuyong ngiti habang magkahawak parin ang kanilang mga kamay.



Like me, everybody deserves a second chance.” sabi ni Eric sa sarili niya.



Ehem!” paglilinaw ng lalamunan ni Alvin sa likod ng dalawa na ikinatalon naman ng mga ito.



There's tons of work to do. I believe you guys are paid to work and not to uhhmmm hold hands and be mushy with each other.” singhal ni Alvin, agad na nagbitiw ang dalawa at bumalik na si Ardi sa kaniyang lamesa na hindi naman kalayuan. Nang tumalikod na si Alvin at nang makabalik na ito sa loob ng opisina niya ay muling nagtama ang mga mata nila Ardi at Eric at sabay na humagikgik.



0000ooo0000



Malapit ng matapos ni Eric ang kaniyang ginagawa nung hapon na iyon nang may biglang sumulpot sa kaniyang harapan. Si Ardi, nakangiti at may hawak na isang bouquet ng roses at isang box ng chocolates, nun niya lang ulit na appreciate ang itsura ni Ardi. Naka long sleeves ito at naka faded jeans tapos naka black chuck taylor na sneakers, hindi man ito magarang magdamit ay miya mo ito model na ginupit mula sa isang life size na magazine, hindi man ito magayos ng buhok ay miya mo parin pinaayos sa salon ang buhok nito, maski hindi ito magahit ay hindi ito maduming tignan at higit sa lahat kahit lumipas na ang sampung oras ng trabaho ay mabango parin ito.



These are for you.” sabi nito na gumising sa nananaginip na utak ni Eric.


What are these for?”



Hey! Friends give flowers to each other aaannddd---” pabitin nito. Napataas ng kilay si Eric.


And what?” nangingiting tanong ni Eric.


Let's just say that these are my bribe for you to say yes to what I'm going to ask---”


Well, that depends on the question, Ardinato.” nakangiti nang sagot ni Eric.


The question is; can I invite you to dinner?”


Oh you mean a date?” biro ni Eric.


Yes, a date. Geesh Eric!” natatawang sabi ni Ardi.



Malapit na ang dalawa sa may gawi ng mga elevator nang mapansin ulit ni Eric ang mga masasamang tingin ng kanilang mga ka-opisina ang ilan pa nga ay hindi itinatago ang kanilang mga pag-iling, sa sobrang pagka-abala ni Eric ay hindi na niya napansin ang malabatong katawan ni Alvin na biglang sumulpot at humarang sa daan.



Oh shit!” singhal ni Eric lalo pa at nahulog ang mga papeles na hawak ni Alvin, hindi na nagaksaya si Eric na tulungan si Alvin sa pagpupulot habang si Ardi ay matamang lang na nakatingin kay Alvin.


S-sorry po, sir.” paghingi ng tawad ni Eric, hindi na sumagot si Alvin at dumaretso na ng tayo, inabot ni Eric ang huling papel na kaniyang pinulot, nun niya napansin na nakaplaster sa papel na iyon ang kaniyang mukha, nagdikit ang kaniyang mga kilay, napansin niyang kopya iyon ng kaniyang CV kaya't ikinibit balikat nalang niya iyon. Marahas na inagaw ni Alvin ang papel sa kamay ni Eric at agad na itinago sa expandable envelope na kaniyang hawak.


Ingat sa paglalakad next time, Eric.” bulong ni Alvin, nagtaas ng tingin si Eric at nagtama ang kanilang mga tingin, agad na nagbawi ng tingin si Alvin at tumingin kay Ardi na masuyo ring nakatingin sa kaniya. Napansin ni Alvin ang mga bulaklak at kahon ng tsokolate.


Going somewhere?” tanong ni Alvin, ngayon kay Ardi na ito nakatingin, saglit na nagtitigan ang dalawa.


We have a reservation at Rosalie's” sagot ni Ardi, hindi parin inaalis ang tingin kay Alvin, hindi naman maiwasan ni Eric ang mailang.



Saglit ulit natahimik ang tatlo. Tila naman nanonood ng sine ang mga taong natira sa floor at ang bida sa palabas na iyon ay si Alvin, Ardi at Eric.



Why do I feel like being in the middle of Pat and Jake again?” tanong ni Eric sa sarili niya habang tinitignan si Alvin at Ardi.


Mind if I join you guys? I'm actually starving and I'm craving for pasta, Rosalie's serves the best pesto in town.” sabi ni Alvin. Saglit na nagtense ang panga ni Ardi habang si Eric naman ay nagdikit na lang ang mga kilay. Magsasalita sana si Ardi, sa palagay ni Eric ay tatanggi ito sa gustong mangyari ni Alvin pero pareho lang silang nagulat nang manguna na ito papunta sa sasakyan ni Ardi.



Nagkatinginan na lang si Ardi at Eric at wala na lang nagawa kundi sundan si Alvin. Agad namang kinabahan si Eric, tila ba alam niyang hindi magiging maganda ang kalalabasan nung gabing iyon.



0000ooo0000



Nang makarating sila sa restaurant at nang i-upo sila ng maitre d' sa pang-apatan na lamesa ay natural lang na si Eric at Ardi ang magkatapat, bakante ang upuan sa kaliwa ni Ardi at bakante naman ang nasa kanan ni Eric, ang hindi inaasahan ni Eric ay ang pagpapaisod sa kaniya ni Alvin at ang dalawa naman ang magkatapat. Tila na ichipwera si Eric pero pilit niyang itinago ang pagkainis, hindi nakaligtas ang ginawang iyon ni Alvin kay Ardi at naningkit ang mga mata nito at nagtense ang panga.



Lilipat na sana si Ardi sa bakanteng upuan sa kaniyang kaliwa para sila ulit ni Eric ang magkatapat habang kumakain pero...



Nice, an extra chair!” singit ni Alvin sabay tayo at lagay ng mga bag niya sa bakanteng upuan sa kaliwa ni Ardi. Sa ginawang yun ni Alvin ay napanganga na si Ardi dahil hindi ito makapaniwala sa ginagawa ni Alvin, si Eric naman ay ina-absorb parin ang mga nangyayari.



Nang dumating na ang kanilang mga pagkain ay napagisipan ni Ardi na hindi niya hahayaang sirain ng ilang bagay na ginagawa ni Alvin ang kanilang gabi ni Eric kaya't naisip niyang hayaan na lang ito at huwag pansinin kung kinakailangan.



So where do you wanna go tomorrow after work?” nahihiyang tanong ni Ardi kay Eric nang makita niyang lumingon si Alvin para tawagin ang waiter, napangiti si Eric, sasagot na sana siya nang marinig nilang humagok si Alvin, tila ba nagsasabi ng 'C'mon, Ardi, are you for real?!'


Nakita ni Eric na sisinghalan na ni Ardi si Alvin, pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito, tila naman kumalma si Ardi sa ginawang 'yon ni Eric. Napahagok ulit si Alvin nang makita niya ang paghahawak ng kamay ng dalawa, agad siyang nainis at kinuwa ang kaniyang baso at uminom ng iced tea. Napangiti naman si Ardi sa ginawang iyon ni Eric.



Nagulat na lang ang dalawa na noon ay magkahawak parin ng kamay nang bigla silang makaramdam ng malamig na likido, agad silang napatalon at tumayo para umiwas sa natapong iced tea na mabilis na gumagapang papunta sa dulo ng lamesa at papunta sa kanilang mga damit.



What the hell?!” “Shit!” “Oh fuck! Sorry!” Sabay sabay na sabi ng tatlo. Pinupunansan ni Eric ang kaniyang t-shirt na natapunan habang si Ardi naman ay masamang tinitignan si Alvin na hindi nagpatalo ng tingin sa kaniya.


Are you OK, Eric?” mahinahon pero may katigasang sabi ni Ardi, isang tono ng boses na hindi kinasanayan ni Eric.


Yes---” sabi ni Eric habang tumatango-tango, may sasabihin pa sana siya ngunit hindi na siya pinagbigyan ulit ni Ardi na magsalita.


Can. I. Talk. To. You, Alvin. Alone.” hindi patanong ang tonong iyon ni Ardi at sinadya niya iyon para makuwa ni Alvin na hindi siya natutuwa dito. Nakuwa naman ni Alvin ang gustong mangyari nito.


Sure.” mahinahong sagot ni Alvin sabay ngiti na ikinainis lalo ni Ardi.



Lumabas ang dalawa ng restaurant na ikinataka ng mga taga serve doon, ikinibit balikat na lang ng mga ito iyon at pumunta kay Eric para malaman kung ano ang kailangan nito habang nililinis ang lamesa kung saan may natapong iced tea. Kitang kita naman ni Eric ang dalawa na naguusap. Hindi kaila na may tensyong namamagitan sa dalawa.



Tila naman nauntog si Eric nang biglang may pumasok sa isip niya. Pamilyar sa kaniya ang nangyayaring iyon, tila isang deja vu.



This is exactly like being in between Pat and Jake.” bulong ni Eric sa sarili niya nang marealize ang pagkakahalintulad.



Naisip niya ang sinabi ni Ted may ilang oras lang ang nakakaraan.



He cheated on Alvin, Alvin broke up with him sa sobrang galit pero bago yun alam ng lahat kung pano nila kamahal ang isa't isa, di ako magtataka kung up to now mahal parin nila ang isa't isa pero ayaw na lang makipag commit ni Alvin ulit sa kaniya dahil sa pride or self preservation and dignity, di ko alam.” nang matapos umandar ang sinabing iyon sa utak ni Eric na parang tape ay wala sa sarili siyang humarap sa bintana at tinanaw ang dalawa.


Nakikita niya kung pano magtalo ang dalawa. Sumagi sa isip ni Eric ang ginawa ni Alvin, naisip niya kung pano nito isingit ang sarili sa pagitan nila ni Ardi, naisip niya kung paano nagpumilit na sumama siya sa dinner gayung alam niyang may ideya na ito na date ang pupuntahan nila Ardi.



He's marking his territory.” sabi ni Eric sa sarili. Alam niyang may posibilidad na ayaw na lang makipagcommit ni Alvin kay Ardi pero andun parin ang pagmamahal niya dito at malamang ay ayaw niya itong mapalapit kay Eric.


Do I really want to go through this situation again? Do I want to go through what I went through with Pat and Jake?” tanong ni Eric sa sarili habang pinapanood si Ardi at Alvin na papalapit ulit sa kanilang lamesa.



0000ooo0000



What the hell is wrong with you?!” singhal ni Ardi, napailing naman si Alvin, hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Ardi.


You very well know what my problem is, Ardi.” kalmadong sagot ni Alvin.


Isn't this what you want?! For me to move on?!”


Your way of 'moving on' is wrong! Sinabihan na kita and still you wouldn't fucking listen!” nawawala na ang resolba ni Alvin at nakikipaglaban na ito ng singhalan kay Ardi. Napailing naman si Ardi sa sagot ng kaibigan.


Each of us have our own way of moving on, Alvin! So deal with it!” singhal ni Ardi sabay talikod, pasok ulit ng restaurant at balik sa kanilang lamesa, hudyat na tapos na ang kanilang pagtatalo.


Why are you doing this, Ardi?” tanong ni Alvin sa sarili niya habang umiiling na sinundan si Ardi papasok.



Nang umupo ulit sila at ipinagpatuloy ang pagkain ay may napansin si Alvin na kakaiba kay Eric, hindi niya masabi kung ano ito, hindi niya lang alam na hindi magtatagal ay malalaman niya kung ano ang nagbago kay Eric.



Itutuloy...




_______________________________
Different Similarities 1[6]
by: Migs

Tuesday, February 28, 2012

Different Similarities 1[5]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.

Nakakamatay ang ibinabato mga tingin ni Eric kay Ted, di naman ito nagpatinag at patuloy lang ito sa pagmamaneho at paminsan minsang kumukunot ang noo sa pagiisip, habang si Ant na nasa backseat ay may nagaalalang tingin. Ilang beses na tinanong ni Eric kung anong problema ni Ted pero ayaw siya nitong sagutin, tila ba wala itong naririnig na lalo namang ikinainis ni Eric, tinignan uli ni Eric si Ant, wala na ang galit sa mukha nito pero tuwing titignan niya ito ay tila ba hindi ito mapakali. Nang biglang tumigil ang sasakyan, akala ni Eric ay sasagutin na siya ni Ted sa halip ay narinig niyang bumukas ang pinto sa may backseat at lumabas si Ant.



Salamat pare. Ingat kayo. Eric.” paalam ni Ant at pagkuwa sa atensyon ni Eric, di na ito pinansin ni Ted habang iminuwestra nito ang kaniyang hintuturo na nagsasabing 'lagot ka' di na ito kinausap ni Eric at inirapan na lang ito.



Di parin sila nagkikibuan ni Ted sa kahabaan ng natitirang biyahe pabalik sa apartment nito. Di na itinago ni Eric ang kaniyang pagkainis, nakakahiya ang inasal nito sa harapan ni Ardi na tumulong sa kaniyang magkatrabaho at nakakahiya sa mga tao sa loob ng restaurant na iyon.



0000ooo0000



Bakit mo ginawa yun?!” mahinahon pero malamig na tanong ni Eric kay Ted nang makapasok na sila ng apartment, lalo lang siyang nainis nang irapan siya ni Ted.


Masamang tao yun, di ka dapat nakikipagkaibigan---”


Anong tingin mo sakin? Bata?! Tingin mo di ako magaling pumili ng taong kakaibiganin? Anong tingin mo sakin, Tanga?!” balik nito kay Ted, napapikit ito nang sabihin ni Eric ang salitang tanga.



Di mo kilala yung tarantadong yun! Masamang tao yun! Selfish, low life---” di makapaniwala si Eric sa mga paninirang sinasabi nito kaya naman agad niyang pinutol ang pagsasalita nito.



What?! For your information, siya ang tumulong saking makahanap ng traba---”



Ako dapat ang tutulong sayo maghanap ng trabaho! May irerekomenda na ako sayo, pero hindi, inunahan ka ng landi! Sa sobrang kalandian mo, hindi mo na inisip na masamang tao yung nagalok sayo ng tulong.” natigilan saglit si Eric sa sinabing ito ni Ted, kitang kita ni Ted ang sakit sa mga mata ni Eric pagkatapos niyang pakawalan ang mga masasakit na salitang iyon kaya't agad siyang nagsisi.



Malandi?” pabulong na tanong ni Eric sabay iling. Nanlulumo itong bumalik sa kaniyang kwarto. Napako na lang sa kinatatayuan si Ted, di makapaniwalang ganun ganun na lang niya nasaktan si Eric.



0000ooo0000



Cold treatment, yan ang pinapatikim ngayon ni Ted kay Eric, paminsan minsan ay para lang siyang gamit sa loob ng apartment kung tratuhin niya, parang hindi siya nito nakikita, hindi sinasagot ang kaniyang mga tanong at hindi ito tumitigil sa iisang kwarto kung saan siya nandun.



Di na ito iniintindi pa ni Eric pero hindi parin nun naalis na masaktan siya. Napalapit na sa kaniya si Ted sa ilang araw pa lang na pagtira niya doon, siya na ang pinakamalapit sa isang kapatid na kailanman ay di siya nagkaroon, siya ang kaisaisahan niyang kaibigan sa lugar na iyon, maliban kay Ardi.



Nagsimula na si Eric sa opisina nila Ardi, para kay Eric ay mabuti ang pagkakaroon niya ng trabaho para makaiwas narin sa malamig na pagtrato sa kaniya ni Ted. Mababait naman ang kaniyang mga kaopisina pero napapansin niyang tila ba malamig ang mga pakikitungo nito kay Ardi. Nung ding araw na nagsimula siya sa opisina ay agad siyang pinatawag sa opisina ni Alvin.



I'm sorry, Eric, I was not feeling well that day---” yun lang ang narinig ni Eric mula sa sinasabi ng kaniyang boss dahil nagsimula na siyang maguluhan, di mapigilan ni Eric ang sarili niya na titigan si Alvin, hindi parin ito makatingin ng daretso sa kay Eric, katulad nung una nilang paguusap ay di ulit ito mapakali at namumula nanaman, sa galit dahil napipilitan lang siyang humingi ng tawad kay Eric o dahil sa hiya, di alam ni Eric.


Eric?” tanong nito na siyang gumising pagmumuni muni nito.


Sir?”


I said, the projects that you'll be handling will be given tomorrow--- are you even listening to me?” agad na kinabahan si Eric naisip na ka ha-hire pa lang sa kaniya ay tutulogtulog na agad siya sa trabaho, ang malala pa sa harapan ng kaniyang boss. Pero hindi galit ang nakikita niya sa mukha ni Alvin, nakikita niya na nagsisimula na itong mapangiti pero pinipigilan lang nito, tila ba pinipigialan nito ang pagka-aliw niya kay Eric. Nawirduhan nanaman si Eric dito.


May split personality nga ata ito.” bulong ni Eric sa sarili niya saka sumagot.


Th-Thank you, Sir.” yun na lang ang tanging nasabi ni Eric, inabot niya ang kamay kay Alvin para makipagkamay sa dito pero tinignan lang nito ang kamay ni Eric, tila ba hindi nito naiintindihan ang intensyon ni Eric na makipagkamay. Napahiya si Eric. Pasimple niyang ibinaba ang kaniyang kamay at lumabas na ng opisinang iyon.



Nang buksan ni Eric ang pinto ay nakita niya si Ardi na palakad lakad sa labas ng opisina, tila hindi ito mapakali. Nang magtama ang kanilang mga tingin ay agad na lumiwanag ang mukha nito. Napangiti din si Eric, napakaamo ng mukha nito at ang ngiti nito ay nakakagaang ng loob. Lumapit na si Ardi kay Eric at inalam kung ano ang nangyari, sinabi ni Eric dito na humingi ng tawad ang kanilang boss, lalong lumaki ang ngiti nito sa mukha.



Sa sobrang tuwa ni Ardi ay wala sa sarili nitong niyakap sa gitna ng buong opisina si Eric, at ang pagyayakapan na iyon ay nakakuwa ng maraming pagtaas ng kilay at kakaibang pagtahimik ng buong floor, nung saglit din na iyon ay lumabas si Alvin ng kaniyang opisina at nakita ang pagpapalitan ng yakap na iyon ni Eric at Ardi.



Hindi nakaligtas kay Eric ang pagtense ng panga ni Alvin at ang agarang pagtalikod nito at pagpasok ulit ng opisina. Hindi napansin ni Ardi ang kanilang boss dahil nakatalikod ito sa pinto ng opisina nito. Lahat ng nangyaring iyon ay ikinibit balikat na lang ni Eric lalo na ng ayain siyang kumain sa labas ni Ardi dahil sa wakas ay uwian na nila mula sa opisina.



So uhmm Eric---” simula ni Ardi habang naglalakad sila papaunta sa restaurant na kanilang napagusapan. Nagulat naman si Eric sa biglaang pagkahiya ni Ardi.



uhmmm so, I'm going to pay for dinner so I –uhmmm--- so---” kinakabahang simula ni Alvin.



Wait. Is this your way of asking me out on a date? Just like the last time before we were brutally interrupted?” natatawang tanong ni Eric. Nagtaas ng tingin si Ardi at tila ba natatawa narin sa kaniyang ipinakitang kahihiyan.


Don't laugh at me! I don't usually ask people out, you know! Hehe! I'm usually the one being asked out.” sabi ni Ardi sabay taas at baba ng kilay. Napahagikgik si Eric pero agad ding sumagi sa isip niya si Ted.


Ardi, I'm really sorry for what happened last time with Ted I don't know what got into him.”


I know.” bulong ni Ardi sabay iling. Sa sobrang hina ng bulong na iyon ay hindi iyon narinig ni Eric.


Wha--”


I said it's OK.” paglilinaw ni Ardi para matakpan ang unang nasabi.


So this is a date?” nahihiyang pagkukumpirma ni Eric dahil sa puntong iyon ay hindi niya parin alam kung saan ba siya lalagay pagdating kay Ardi, inaamin niyang may nararamdaman siyang kakaibang koneksyon dito pero hindi niya alam kung ganon din si Ardi sa kaniya. Muling namula si Ardi.


Yes I want this to be a date, that is, if it's OK with you.”


Yes, I'm OK with it.” bulong ni Eric na nakapagpangiti sa dalawa.



0000ooo0000



Nakangiting umuwi si Eric pero agad din iyong nabura nang makarating siya sa tapat ng kanilang front door, pagpasok niya ay nadatnan niya si Ant na parang batang hindi mapakali sa sofa, naglalaro ito ng Play station at napansin lang siya nito nang matalo ito sa kaniyang nilalaro. Agad itong ngumiti kay Eric at kumaway, nginitian din ito ni Eric at nagpaalam na pupunta lang saglit sa kaniyang kwarto. Pagkatalikod na pagkatalikod ni Eric ay siya namang sulpot ni Ted. Nakangiti ito nung una pero agad din iyon nabura nang makita nito ang kadadating lang na si Eric.



hi Ted.” bati ni Eric dito pero inirapan lang siya nito at nilagpasan, umupo ito sa tabi ni Ant. Nang ibalik ni Eric ang tingin niya sa gawi nila Ant at Ted ay nakita niyang nakatingin sakaniya si Ant, binigyan niya lang ito ng isang malungkot na ngiti at sinuklian iyon ni Ant ng isang tingin na miya mo humihingi ng tawad.



Dude! WTH?!” umalingawngaw na sigaw ni Ted bago pa makapasok ng kaniyang kwarto si Eric.



What the heck is wrong with you? Why are being an ass to Eric? He doesn't know anything about what that asshole did last year! Geez! Give Eric a break! You're behaving like a jerk, you know that?! You're supposed to be the Mr. Congeniality of the group, you're supposed to be this sweet, handsome and alluring guy, geez, Ted go snatch Merv's title will you, be an asshole?!” sigaw ni Ant.



OK... OK... geez! Calm down big guy! I'll apologize, OK---”



And you should explain why you act that way when---” putol ni Ant pero pinutol din ni Ted ang sana'y sasabihin din niya.



NO!” putol ni Ted.



But, Eric deserves to know the truth pagkatapos mo siyang tratuhin ng ganun, dude.”



Matagal hindi sumagot si Ted.



And besides, kung gusto ni Eric yung jerk na yun, hindi ba dapat lang talaga na sabihin mo kay Eric kung bakit niya kailangan layuan ang national jerk na yun?” hindi sigurado ni Eric kung sino ang tinutukoy ng dalawang magkaibigan pero nag-assume na lang si Eric na si Ardi ang pinaguusapan nila, kung tutuusin, nagsimula lang naman ang iringan nila ni Ted nung nakita niya silang magkasama ni Ardi.



I guess you're right.” sagot ni Ted.



I'm always right, dude!” sagot ni Ant sabay tawa ng malakas.



Anong dapat kong malaman tungkol kay Ardi? Bakit naisip nila na kailangan kong layuan si Ardi?” tanong ni Eric sa sarili niya. Narinig niyang itinuloy na nila Ant at Ted ang kanilang laro kaya't isinara na niya ang kaniyang pinto at humiga na ng kama, pilit na inaalis sa kaniyang isip ang mga narinig na palitan ni Ted at Ant.



0000ooo0000




Dahandahang iminulat ni Eric ang kaniyang mga mata, nakatulog na pala siya habang nagiisip kanina kung ano ang maaaring ginawa ni Ardi kay Ted at galit na galit ito dito na umabot na sa pagbabawal ni Ted kay Eric na kaibiganin si Ardi. Inalog niya ang kaniyang ulo para magising pa ng konti at para narin maalis sa kaniyang isipan ang pinagawayan ni Ted at Ardi.



Inililigpit niya ang kaniyang pinagtulugan nang makaramdam siya ng gutom. Nagpasya siyang maghanda ng kaniyang makakain dahil sigurado niyang di siya ipaghahanda ni Ted at lalong hindi siya nito aayain para maghapunan, pero laking gulat niya ng maabutan nitong pang dalawang tao ang nakaahin sa hapagkainan. Lumingon lingon siya para malaman kung andun pa si Ant o kaya may iba pang kasama si Ted pero nalaman niyang silang dalawa lang talaga sa buong unit.



G-Gigisingin na sana kita para kumain---” simula ni Ted pero agad din itong tumigil ng isiningkit ni Eric ang kaniyang mga mata. Nagbuntong hininga si Ted.



Eric, bati na tayo.” parang batang sabi ni Ted sabay yuko. Pinigilan ni Eric ang sarili na mapangiti. Lumapit siya dito at mahinang sinuntok ang malaking braso nito, nagtaas ng tingin si Ted at ngumiti ito, nagulat nalang si Eric ng bigla siya nitong yakapin ng mahigpit.



Uhmm, Ted--- medyo mahigpit yung yakap mo. Konti na lang di na tayo makakapagusap dahil baka mamatay na ako--- dahil di ako makahinga.” pahina na ng pahinang sabi ni Eric kay Ted nang bitawan siya ng huli ay humahagikgik itong humingi ng tawad, muling pinuno ng hangin ni Eric ang kaniyang mga baga.



Kain na tayo!” sigaw nito at parang batang sabik na sabik sa fried chicken kung kumilos sa loob ng kusina.



Halos sabay silang umupo, magkatapat sila nito, tinignan ni Eric ang inihanda nitong pagkain. Spaghetti, fried chicken, garlic bread, salad at soda. Tinignan niya ulit si Ted nagantanda ito sabay lagay ng isang malaking piraso ng manok sa kaniyang bibig. Di na napigilan ni Eric ang mapangiti at mapailing.



Nang matapos na silang kumain ay naramdaman ni Eric ang muling pagtahimik ni Ted, marahil pareho sila ng iniisip. Ayaw na sana ni Eric pang pagusapan ang nangyaring tampuhan sa pagitan nla pero kailangan talaga lalo na at ang pakikipagkaibigan niya kay Ardi ang nakataya.



Eric, I want to say sorry---”



Shhh, OK na iyon, alam kong gusto mo lang akong protektahan laban kay Ardi, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit.” tumango naman si Ted sa sagot na iyon ng huli habang kunwari ay abala sa pagliligpit ng plato.



Ayoko sanang magmukhang naninira pero hindi talaga magandang makipagkaibigan sa taong yun---” natigilan saglit si Ted at umiling sabay buntong hininga. “---Player siya, Eric, wala siyang puso, lahat ng napapalapit sa kaniya nasasaktan.” napakunot ang noo ni Eric nang marinig ang sinabing ito ni Ted.



And you're telling me this, because...?”



Because I can see how you look at him, Eric, I can also see that he's flirting with you. I should've said this to you calmly nung nakita ko kay sa restaurant pero naunahan ako ng galit---”



Wait. Bakit ka nagagalit? Did he do this to someone close to you?” tanong ni Eric kay Ted. Narinig ni Eric na nagbuntong hininga si Ted.



You know Alvin?” tanong ni Ted.



Yes, he's my boss. Why?” naguguluhang sagot ni Eric at nagsisimula ng mairita dahil pakiramdam niya ay umiiwas si Ted sa totoong punto ng kanilang usapan.



Alvin is his ex boyfriend.” natigilan si Eric sa sinabing ito ni Ted, naisip niya bigla kung paano kinausap ni Ardi si Alvin para payagan siyang magtrabaho at mapapayag ito na humingi sa kaniya ng tawad.



So?” tanong ni Eric, pero unti unti naring bumababa ang kaniyang kumpiyansa kay Ardi.



He cheated on Alvin, Alvin broke up with him sa sobrang galit pero bago yun alam ng lahat kung gano nila kamahal ang isa't isa, di ako magtataka kung up to now mahal parin nila ang isa't isa pero ayaw na lang makipag commit ni Alvin ulit sa kaniya dahil sa pride or self preservation and dignity, di ko alam.”


Tapos?” tanong ulit ni Eric, nawala na sa isip na tanungin si Ted kung pano niya ito nalaman.



Tinanong siya ni Alvin kung ano talaga ang nangyari nung nahuli siya nito isang gabi nung may party ang company nila, the asshole blamed it all on the poor guy he seduced. Kumalat ang chismis, napasama ang lalaki sa mga kakilala nito at ang masama pa nalaman ng lahat na bading ito, nasira ang pangalan nito lalo na sa pinagtratrabahuhang law firm dahil lang ayaw aminin ng gagong yun na siya talaga ang umakit dun sa lalaki. Siya ang nagpakalat nung chismis--- Eric, he's trouble.” kwento ni Ted, nakatalikod ito kay Eric kaya di nito makita ang mukha ng huli habang nagkwekwento pero bakas sa boses nito ang lungkot. Naisip bigla ni Eric ang tingin ng mga tao sa kaniya nung magyakap sila ni Ardi kanina.



You have nothing to worry, Ted, out ako, remember?, so kung sakaling may gawing tsismis si Ardi tungkol sa sekswalidad ko, wala na yung magagawa sakin sa opisina. Alam na nila na bading ako, Ted and besides pano niyo nalaman na hindi yung lalaki ang umakit talaga kay Ardi?” sabat ni Eric, umiling si Ted.



Ilang linggo pa ang lumipas, nakipagkita ulit yung lalaking sinet-up nung gagung yun, di niya alam na naka record ang paguusap nila, kinumpronta siya nung lalaki, tinawanan lang siya ng gagong yun at sinabihan ng “eh ano ngayon? At least ang ALAM nila Alvin at ng mga nakakakilala satin na ikaw ang umakit at hindi ako” umamin siya sa katarantaduhang ginawa niya nang hindi niya nalalamang naka record ang paguusap na iyon. Kumalat ang tape, nalaman ng lahat kung gano siya kasama.” kwento ulit ni Ted.



Wow! Di ko alam na magagawa ni Ardi iyon.” sabi ni Eric pero pumasok ulit sa isip niya ang nauna niyang tanong na hindi parin nasagot sa kwento.



Sino nga ulit sa mga kaibigan mo ang tinarantado ni Ardi kaya ka galit na galit sa kaniya?” tanong ulit ni Eric, humarap na sa kaniya si Ted, dun napansin ni Eric na umiiyak na ito.



Ako yung tinarantado niya. Buhay ko yung sinira niya.”



Agad naninikip ang dibdib ni Eric.



Naaalala mo yung sinasabi ni Mervin na muntik ng gulpihin ni Ant noon? Yung sinabi kong ex-bestfriend ko? Yung tinatawag nilang Ross? Ross and Ardi are one, Eric. Ross' full name is James---”



James Rosberto Ardinato.” pagtatapos ni Eric sa pagpapakilala ni Ted sa totoong Ardi, hindi siya makapaniwala na hindi niya agad naikunekta ang mga katotohanang isinasampal na sa kaniya noon pa lang nang una silang nagkakilala ni Ardi.



Itutuloy...




___________________________
Different Similarities 1[5]
by: Migs