Different Similarities 1[1]
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Nang matapos ikuwento ni Eric ang mga nangyari sa kanila ni Pat, kung pano sila nagkakilala, kung bakit sila nagkalayo at kung pano sila nagkagulo nung dumating sa eksena si Jake at nang sa wakas ay talikuran na siya nito ng tuluyan may ilang buwan na ang nakakalipas ay kitang kita nito ang galit sa mukha ng kaniyang kaharap, hindi parin sila tapos kumain ng inihandang espesyal na tanghalian ni Eric at hindi hahayaan ni Eric na masira ang tanghalian na iyon.
“Don't let it ruin our lunch, babe. At least what he did paved the way for us to meet.” nakangiting sabi ni Eric desperadong bawiin ang masayang atmosphere bago pa man niya simulan ang kwento kanina.
“Yeah, you're right.”
Saglit silang nagkatinginan at nagngiti-an.
“You know what story that would be really interesting while we're finishing lunch?”
“What?” tanong ni Eric.
“The story about how we met.”
Napangiti si Eric at sinimulan ng ikuwento ang nangyari matapos siyang talikuran ni Pat may walong buwan na ang nakakaraan.
---Eight Months Earlier---
Saglit na nabingi at nagdilim ang paningin ni Eric. Nung una pa lang siyang nagtrabaho sa kumpanyang iyon ay alam na niyang homophobe ang kaniyang boss, hindi niya pinansin ang mabababang pasaring nito sa tuwing maisipan ng boss niya laitin siya, minsan ay nagbibingi-bingihan siya, pero iba ngayon, alam niyang wala siyang ginawang mali at hindi siya ang dapat maagrabyado ngayon.
Nang buksan na ni Eric ang kaniyang mga mata at nang bumalik na ang kaniyang pangrinig ay tahimik niyang ipinagdasal na sana tapos na sa mga pasaring ang kaniyang boss, pero hindi nasagot ang dasal niyang iyon.
“You should try having your gayness squeezed out of your system, maybe by then you can do your job properly!” singhal ng boss ni Eric.
“With all due respect, sir, you said that I have a month to finish the project, It was only a week in after you gave me the instructions---”
Totoo, ilang linggo pa lang nang talikuran ni Pat si Eric na parang isang gamit na pinagsawaan at kailangan i-diskarga, nasaktan siya, tila tumigil ang mundo niya pero pinilit niya ang sarili na huwag iyong makaapekto sa kaniyang trabaho at sa tingin naman niya ay nagtagumpay siya doon.
Pero may mga tao lang talaga na kapag alam nilang nasa putikan ka na ay lalo ka pa nilang ilulublob doon para lang makitang nahihirapan ka, at hindi iba ang boss ni Eric sa mga ganoong tao.
“So you're blaming all these on me?!” singhal ulit ni boss, hindi nakasagot si Eric, alam niyang hindi magandang makipagtalo dito ngayon, alam niyang lilipas din ang problemang iyon.
“Sorry, Sir. It will not happen again.” nakayukong bulong ni Eric. Nakita ni Eric ang ngiti ng isang masamang tao na nagtagumpay sa kaniyang pangaapi, agad na lang siyang tumalikod at pabalik na sana ulit sa kaniyang upuan nang magsalita ulit ang kaniyang boss.
“Tigil tigilan mo kasi yang kabaklaan mo---” hindi na narinig ni Eric ang mga sunod na sinabi ng kaniyang boss, tinignan niya ang mga reaksyon ng taong nakapaligid sa kaniya sa loob ng malaking opisina na iyon, ilan ay hindi makapaniwala sa sinabi ng kanilang boss ang ilan ay humahagikgik at ang ilan naman ay nagbubulung-bulungan.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga andun ang kaniyang sexual orientation pero sa ilang taong pagtratrabaho niya doon at ilang beses na palabasin na ang pagiging bakla ay isang kasalanan at kahihiyan ay siya namang ikinapuno na ni Eric. Tinignan ni Eric si Mike na nakatayo sa hindi kalayuan, hindi ito makatingin ng daretso sa kaniya at hindi man lang siya ipagtanggol sa mga taong nakapaligid na humahagikgik na kala mo isang atraksyon sa perya si Eric.
At duon, lalong nainis si Eric.
Hindi inaasahan ng kaniyang boss ang biglaan niyang pagharap at ang pagretract ng kaniyang nakasaradong palad para bumuwelo para sa isang malakas na suntok. Nagtama ang kamao ni Eric at panga ng kaniyang boss, lalo siyang nakuntento nang marinig ang isang malutong na tunog na nagmula sa panga ng kaniyang boss.
Napahiga ang kaniyang boss sa maduming carpet ng kanilang opisina, sapo sapo ang kaniyang panga at mangiyakngiyak na sa sakit, tatayo na sana ito ng apakan ni Eric ang dibdib nito na siyang pumako sa pagkakahiga nito. Narinig ni Eric ang malalakas na hinga ng hangin mula sa mga kaopisina niyang gulat na gulat sa kaniyang ginawa. Umupo si Eric sa tapat ng ulo ng lalaking dati ay tinawag niyang boss, marahas na inabot ni Eric ang baba ng kaniyang boss at iniharap ang mukha nito sa kaniyang mukha.
“Kulang pa yan sa mga pangiinsultong ginawa mo sakin. Ngayon, sa oras na may magtrabaho ulit na bakla under mo, bago ka magsalita at bago mo laitin at ipahiya ang pagkatao ng baklang 'yon maaalala mo ang ginawa ng baklang 'to sa panga mo!” singhal ni Eric sabay marahas na pinakawalan ang baba ng kawawang lalaki, tumayo na si Eric at kinuwa ang bag niya sa kaniyang lamesa.
Tahimik ang buong opisina habang naglalakad si Eric papunta sa elevator. Papasok na sana siya ng magbukas ang mga pinto nang biglang may pumigil sa kaniya. Si Mike. Binigyan niya ito ng isang nakamamatay na tingin.
“You could've done something. You knew what I've been through these past few weeks and still you just stood there and let the lion eat me. Now, let go of me.” singhal ni Eric, agad na natakot si Mike, nun niya lang nakita ang kaibigan na ganun, alam niyang naghihinakit si Eric at ang kutyain siya ng boss niya sa ganoong paraan ay alam niyang napuno na ito kaya't hindi niya ito masisisi, hiniling na lang niya na sana hindi doon matapos ang pagkakaibigan nila.
Habang sumasara ang pinto ng elevator ay dun din sa puntong iyon bumagsak ang ilang luha mula sa mga mata ni Eric.
000ooo000
Nakatitig si Eric sa harap ng salamin ng kaniyang banyo, hindi niya lubos maisip kung panong sa loob lamang ng isang buwan na pagtalikod sa kaniya ni Pat ay tila ilang taon na ang lumipas mula sa kaniyang edad base sa kaniyang itsura, mahaba na at wala sa ayos ang kaniyang buhok, ilang linya narin ang ibinaba ng kaniyang bigat, lumalaki na ang mga bag sa ilalim ng kaniyang mga mata at miya mo wala siyang pambili ng pang-ahit dahil sa kapal ng kaniyang bigote at balbas.
Wala sa sariling binuksan ni Eric ang medicine cabinet, tinitigan ang isang bote ng pills kung saan kapag ininom ng isang lagukan lang ay maaari niyang ikamatay. Binuksan niya ang botelya at nagbuhos ng may limampung piraso ng tebletas sa kaniyang palad, panandalian niyang isinara ang medicine cabinet at muling nakipagtitigan sa kaniyang repleksyon.
Hindi siya makapaniwalang hahayaan niya ang kaniyang nararamdaman na tapusin ang kaniyang buhay. Kasabay ng malakas na panaghoy ay ibinato niya mga tabletas sa kalapit na pader. Hinayaan muli ni Eric na balutin ng luha ang kaniyang mga pisngi.
“There's no one else to blame but me. I let Pat be my world and now that he's gone, everything went crashing down.” sabi ni Eric sa kaniyang sarili habang may hinahanap sa kaniyang phonebook.
“Dad? I- I need your help.”
000ooo000
Hindi makapaniwala si Henry sa kaniyang nakita nang pagbuksan siya ng kaniyang anak ng pinto. Hindi na niya ito hinayaan pang magsalita, binalot na lang niya ito ng kaniyang mga bisig at mahigpit na niyakap habang si Eric naman ay muling ibinuhos ang kaniyang luha, ngayon, sa balikat ng kaniyang ama.
Ilang minuto at kumalma na si Eric, iginala ni Henry ang kaniyang mga mata sa loob ng apartment ng anak, hindi niy alubos maisip kung paanong ang kaniyang masiyahin atpuno ng buhay na anak ay nagkaganoon dahil lang sa isang lalaki. Ikinuwento ni Eric lahat ng nangyari simula sa pagtalikod sa kaniya ni Pat hanggang sa kung paano ay unti unting bumabagsak ang mundo niya, halata ni Henry na nahihiyang magsabi sa kaniya ang kaniyang anak, alam niyang malakilaking tulong ang dapat na ibigay niya dito kesa sa hinihingi ng anak.
“You don't have to ask, Eric, you're my son, sure I will help you.” alo ni Henry sa anak na nagsisimula na ulit lumuha.
000ooo000
“You can stay at my house until you're back on your feet---”
“What about tita Shelly?” tanong ni Eric habang nasa sasakyan na sila papunta sa bahay ng ama kasama ang mga damit at iba pa niyang gamit mula sa apartment niya. Nun lang naalala ni Eric ang kaniyang step mother.
“What about her?” balik ni Henry.
“Is she OK with this?” tanong ulit ni Eric.
“She'll be fine with it.” matipid na sagot ni Henry. May kung anong nagsabi kay Eric na hindi siya tuluyang nakukumbinsi sa sinabi ng kaniyang ama.
“I know a firm who can hire you.” pagiiba ni Henry ng usapan na hindi naman nakaligtas kay Eric.
“OK , dad, I'll print some updated CV's tonight.” sabi ni Eric sabay tango naman ni Henry.
Nang makarating ang magama sa bahay ni Henry ay hindi mapigilan ni Eric ang mamangha, alam niyang big-shot ang kaniyang ama pero hindi niya inaakalang pwede na itong ilista bilang ksapi ng mga tinatawag na “filthy rich” ng bansa. Napangiti si Henry nang makita ang itsura ng manghang manghang anak.
“You can stay here as long as you want.” nangingiting sabi ni Henry. Ang totoo niyan, wala na siyang balak na i-alis ang anak mula sa kaniyang paningin, hindi lang dahil sa depresyon nito kundi dahil nadin gusto niyang bumawi dito lalo na't halos hindi sila nito nagkasama maski noong bata pa si Eric.
“Well staying in a house this big surely makes me think about staying... for good.” sagot ni Eric habang manghang mangha paring tinitignan ang bawat sulok ng labas ng bahay.
“Leave you things here, I'll have manang get it later. I want you to meet your tita Shelly.” masuyong sabi ni Henry, hindi nakaligtas kay Eric ang tila ba batang pagiging excited ni Henry.
Nang pumasok na sila ng bahay ay lalong namangha si Eric, mas elegante ito kesa sa bahay na kinalakihan niya noong kasal pa ang kaniyang mga magulang at noon ay akala niya na wala ng mas eelegante pang tao kesa sa kaniyang ina. Inaya ni Henry si Eric papunta sa sala, doon, nagiintay si Shelly, saglit na kinilatis ito ni Eric.
Bata pa ito, tila asa late 30's, maputi at talaga namang donyang donya na ang dating sa kabila ng batang itsura. Saglit itong nagtaas ng tingin mula sa binabasang magazine at ngumit. Isa sa pinakapekeng ngiti na nakita ni Eric sa tanang buhay niya.
“Hun, this is my son, Eric, Eric meet your tita Shelly.” agad na lumapit si Shelly sa kaniyang asawa at binigyan ito ng isang matipid na halik saka humarap kay Eric sabay abot sa kamay nito kung saan sobra ang pagkakapisil at itinuloy sa isang saglit na yakap.
“Nice to finally meet you, Eric darling.” sabi ni Shelly, muntik ng mapairap si Eric sa sinabi ng babae, buti na lang at napigilan niya ang kaniyang sarili. Sa palagay kasi ni Eric na hindi lang ngiti ng peke dito kundi ang buong pagkatao nito lalong lalo na ang pagiging mabait nito.
“Hon, there's a message for you from the office.” sabi ni Shelly nang humiwalay ito sa saglit na yakapan.
“OK, saglit lang ako, tawag lang ako saglit sa office.” paalam ni Henry.
Pagkatalikod na pagkatalikod ni Henry ay agad na nabura ang pekeng ngiti sa mukha ni Shelly nang humarap ulit ito kay Eric, itinaas baba nito ang kaniyang tingin sa anak ng kaniyang asawa. Muling pinigilan ni Eric ang sarili na dukutin ang mapanghusgang mata ng bagong asawa ng kaniyang ama.
“I don't like you.” walang prenong sabi ni Shelly, sasagutin na sana ito ni Eric pero naalala niya kung asan siya at kung sino ang may ari ng bahay na iyon. Agad siyang nahiya para sa kaniyang ama.
“Let's get something straight. I'm the wife, it's only right and fitting for me and my unborn son to have Henry's money, not you. You have no place here.” sabi ni Shelly sabay himas sa kaniyang tiyan, nun lang napansin ni Eric na medyo malaki nga ang tiyan ng babae sa kaiyang harapan. Pinigilan muli ni Eric ang kaniyang sarili, hindi pa man kasi patay ang kaniyang ama ay may pinaplano na ang babaeng kaniyang kaharap, sa totoo lang ay wala naman siyang kursunada sa pera ng ama pero hindi niya rin naman hahayaan na gamitin ng babaeng kaniyang kaharap ang ama.
Ipagtatanggol na sana ni Eric ang sarili at ang kaniyang ama nang magsalita ulit ito.
“Totoo niyan, hindi lang naman ako ang may ayaw sayo dito eh. Sinabi narin sakin yan kanina ng dad mo bago siya umalis kaninang umaga. He's doing this not because he cares but out of obligation.”
Tila naman nakalunok ng bato si Eric sa sinabing iyon ni Shelly. Hindi siya makapaniwala pero hindi rin siya magtataka kung ganon nga ang nangyari, madalas wala noon si Henry sa buhay niya kaya't hindi nga malayong obligasyon lang ang tingin nito sa kaniya. Kung kanina ay gusto pang ipagtanggol ni Eric ng kaniyang ama, ngayon, hindi na niya alam kung ano pa ang dapat isipin.
“Ma...” sabay na nagulat si Eric at Shelly. Tumayo si Shelly at ipinakilala ang bagong dating.
“This is my eldest son, Ted, Ted this is Eric, Henry's son.” malamig na sabi ni Shelly. Nagtama ang tingin ni Ted at Eric, nagulat si Ted sa nakita sa mukha ni Eric, wala itong kasing lungkot, ang mga mata nito ay namamaga at tila laging iiyak, ang balat nito ay namumutla at ang dulo ng mga labi nito ay nakaturo pababa.
“Nice to meet you, Ted. Excuse me.” halos pabulong na na sabi ni Eric. Nang makatalikod ito ay agad na pumlaster sa mukha ni Shelly ang ngiti ng tagumpay, hindi ito nakaligtas kay Ted.
“What did you do, Ma?” umiiling na sabi ni Ted.
“Inilagay ko lang siya sa dapat niyang kalagyan.” siguradong sagot ni Shelly na tila ba tuwang tuwa sa kaniyang ginawa.
“You know what, Ma? Lahat ng masasama mong ginagawa will eventually get you back.” umiiling na sabi ni Ted.
“I'm doing this for us.” di makapaniwalang pagtatanggol ni Shelly sa sariling anak.
“Maraming paraan para ipakita samin na mahal mo kami, Ma, and being an ice queen to tito Henry's son is not one of them. I don't want to do anything with what you're planning.” singhal ni Ted sa noon ay gulat na gulat na si Shelly sabay talikod.
000ooo000
Ini-start na ni Eric ang kaniyang sasakyan, nanlalabo ang kaniyang mga mata dahil sa namumuong mga luha mula dito. Sinimulan na niyang i-atras ang sasakyan at i-ayos ito palabas ng bakuran mula sa mansyon ng kaniyang ama. Hindi siya makapaniwala na sa loob lang ng isang buwan ay nawala na sa kaniya lahat.
“I'm broke, I'm jobless and now my dad only wants me because he feels obligated. Pat already turned his back on me, my friends despise me because of the office incident and now my family doesn't want anything to do with me. What did I do to deserve this?! I'm alone and miserable!” halos pahagulgol nang sabi ni Eric sa sarili niya kaya't hindi niya napansin ang tumatakbong si Ted na iniharang ang sarili sa gate pasalubong sa kotse ni Eric.
“Shit!” sigaw ni Eric sabay apak sa preno. Ilang pulgada na lang ang layo ng bumper ni Eric mula sa mga tuhod ni Ted.
“What the hell!” singhal ni Eric sabay baba ng sasakyan.
“Magpapakamatay ka ba?!” sigaw ni Eric.
“Nope.” matipid na sagot ni Ted.
“Ah, I see, going to give me a dose of your own bitchin' huh? Don't worry, your mother made it clear for me!” malamig na sabi ni Eric sabay sakay sa kaniyang sasakyan, hindi niya napansin ang patakbong si Ted, nakita na lang niya itong sumasakay sa passenger side ng kaniyang sasakyan.
“What the---”
“Hey, I'm a good guy, Eric! I love my mom but I don't always agree with her.” balik ni Ted. Saglit itong tinignan ni Eric. Habang si Ted naman ay sumulyap pabalik ng bahay para makita kung nakita siya ng kaniyang ina pero imbis na sa bahay matuon ang kaniyang pansin ay sa mga malalaking bag at isang kahon sa backseat tumuon ito.
“Are you homeless?” nagbibirong tanong ni Ted para naman kahit papano ay gumaang ang loob ni Eric pero imbis na tumawa si Eric ay muling nakita ni Ted sa mukha nito ang sobrang lungkot.
“Well I was supposed to stay here but your mother said otherwise, so yeah, I guess I'm homeless now.” malungkot na balik ni Eric, gusto sanang batukan ni Ted ang sarili sa kaniyang sinabi pero agad din siyang nakaisip ng pambawi dito.
“You can stay with me.” alok ni Ted na ikinagulat naman ni Eric.
000ooo000
Masayang bumaba ng hagdan si Henry. Napasilip siya sa bintana at nakita ang sasakyan ni Ted na palabas ng driveway, ikinibit balikat niya na lang ito dahil sanay na siyang pumaparron at parito ang kaniyang stepson, muli niyang nirepaso sa kaniyang isip ang binabalak na gagawin niya at ni Eric sa hapon na iyon ng magkasama.
“Was that Ted I saw leaving?” tanong ni Henry kay Shelly nang dumating siya sa sala.
“Yes.” matipid na sagot ni Shelly.
Napatigil saglit si Henry nang mapansing wala si Eric sa sala at tanging ang kaniyang asawa na lang ang andun at nagbabasa ng magazine.
“Where's Eric?” tanong ulit ni Henry.
“Oh, he said that he changed his mind and that he doesn't need your help anymore.” walang sabit na pagsisinungaling ni Shelly, tila naman binagsakan ng malaking bato si Henry, hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang nagiba ang isip ng kaniyang anak gayung may ilang oras lang ang nakalipas ay tila isa itong bata na humihingi ng tulong sa kaniya. Napasalampak naman sa malambot na sofa si Henry at tila ba hinigop lahat ng kaniyang lakas.
Natatakot siya sa maaaring kahantungan ng anak lalo pa ngayon na pakiramdam nito ay iniwan siya ng lahat ng tao na kaniyang inaasahan maliban sa kaniya na ama nito.
_______________________________
Different Similarities 1[1]
by: Migs
So who's the mysterious guy Eric managed to snag eight months after? is it Ted?
ReplyDeleteguess what, I'm not going to tell. haha!
Well, I guess you guys have to read the succeeding chapters to find out. ^_^
ENJOY!
Hi! First time to comment here. :)
ReplyDeleteBakit ganon? Naging third person POV na ung narration. Iba na ung style compared sa mga naunang series. Parang mas ramdam kase pag first person eh, just like nung sa AAO. Anyway, this one still has a nice story flow. Definitely another series to look forward to. Godspeed!
-Archer
Hey Archer! Thanks! Anyway, about sa pagpalit ko sa POV... I wrote taking chances in a third person POV, thinking that, as an author i very much needed to change my writing technique so that readers won't be tired or get bored of how the way i write or tell the story. tinesting ko lang naman siya sa TC and i got a hang of it na, hehe, inisiisip ko kasi kapag first person POV emotions lang nung main character ang pwede kong ipakita, unlike sa ginagawa ko ngayon, I can show all the characters emotions, kung baga hindi limited yung pwede kong iparamdam, i don't know if I'm successful in what I'm trying to do--- Err yun lang, hehe. hayaan mo magtatanong ako sa next chapter kung ano ang mas gusto ng karamihan, yung 1st person or yung 3rd person POV.
DeleteThanks though! Ikaw ang unang tao na nakapansin sa pagpalit ko ng style. hehe.
Ano ba talaga? Different o difficult?
ReplyDeleteGdL
it's "different" sorry.
DeleteFor me khit anong side ng POV ok lang.. ang importante lang naman eh madaling maintindihan ng mga mambabasa ito, at Higit sa kahat eh yung nilalaman ng Storya eh may malaking kabuluhan..
ReplyDelete----
Saklap naman ang mga nagyari kay Eric. Buti na lang eh nandiyan si Ted..
hmm. mukhang interesado itong si Ted kay Eric.. If siya nga yung sa present time.. then aabangan ko talaga kung pano sila nagkamabutihan..
----
Thumbs Up! Migz! :)
Halata hindi nagbabasa ng mga comments si Kuya Migs after siya mag post ng Chapter. Matagal ko na tinanong ang pag palit ng style niya sa pagsulat; noong Taking Chances pa ako nagtanong tapos tinanong ko ulit nun sa Prologue ng Different Similarities. Ahahaha...
ReplyDeletePero sa ngayon nalinawan na kung bakit.
Kudos! Kuya Migs.
sana matauhan ang ama ni erick... sobrang ganid ang stepmother... sana malaglag ang bata... wahhhh nakakainis sya.... bruhilda talaga at mukhang pera...
ReplyDeleteramy from qatar
It's like a scene straight out of a movie. Better yet, it's as exciting as watching a film adaptation of a novel or something. Only backwards. If that ever makes any sense lol.
ReplyDeleteWell done! I love how it's not just a Pat-Eric story (though I'm really hoping it would) or an Eric-Ted (if the new guy is Ted) story but also a Henry-Eric story plus, all this hot mess wouldn't be complete without a bitchy stepmom. Can't wait to read the rest!
Galing. ahahan nagcomment ulit ako.. ganda for a start.
ReplyDeleteKUYAAA MIGSS!!.. you already! ahaha
Pero mas feel ko siguro yung first person POV. Hahaha
wicked stepmother much? anyways comment nalang ako ng masmahaba next ep. Still waiting for the story to unfold.
GOD BLESS!! AND INGAT! APIR AND HUG KUYA!
-ichigoXD
Pwede bang after manganak paki hukog sa hagdan tung step mom niya! I hate those of people! First class b*tch na walang breeding...
ReplyDeleteAtar! Nakakaatar!
-jemyro
nakakainis na yang babae na yan ah! ang sarap sampalin!
ReplyDeletekadalasan pag nabulag sa pag ibig hindi makpag isip ng mauz! marami ang mga lalakeng ganun,. . . super bitch nga step mom nya, hope kabaligtaran ng eldest son nya talaga ang ugali.. . hirap nga situation ni erick. . . sana mabilis ang update ng story... kaabang abang , he he he
ReplyDeletenahooked agad ako sa story, iba ka talaga kuya migs.
ReplyDeleteKakalungkot naman ngyari kay eric.
Saang series po ba galing si eric, nakalimutan ko na po eh.
--ANDY
He's from Breakeven Books 3 and 4, Andy. :-)
DeleteWow. Loving it much Migz. The stepmom kontrabida, the kind son and stepbro and a doting father supposedly... Keep the POV. Maganda ang emotions when all the characters gets a fair sh
ReplyDeleteparang magandang theme song dito ung jar of hearts kina pat at eric no? okaya naman ung brown eyes(lady gaga)... match na match!! dapat lagyan mo ng song ung bawat story para mas masaya hahaha :]
ReplyDeleteI hate Shelly!!!!!!! Tsk, tsk, tsk! Great job daddy Migs. Wala ka pa ring kupas. You're still that simple person na nakilala ko but with GREAT TALENT in touching others' life. Keep up your good deeds. Missing the old times. Miss you daddy idol!
ReplyDeleteThanks Idol Dhenxo. I miss you more. Could you PM me your number? I had my phone reformatted eh, don't ask me why, alam mo namang may pagakashunga ako. hehe. pretty please? :-) paki damay narin yung kay Alex, Rovi and Dalisay.
DeleteLast week ko nakita itong blogsite mo at sa wakas nabasa ko na lahat!:) Ang ganda ng mga series mo may connection lahat, at bawat isang istorya ay may kanya-kanyang essence and lesson. Excited na ko sa bagong series ng chasing pavement mo. And aabangan ko rin itong different similarities mo. Keep it up! Keep evolving!
ReplyDeleteCheers!:)
pumapatay ako ng mga elitistang wala sa lugar...sarap ingudngod sa bubog ng lintik ehh... hahaha... kakabwisit lang talaga... niways kuya migs, enuf of he bluff intro... your back with a new one but of course I'm waiting for the CP5///post ka na ulit!
ReplyDeleteka abang abang...
ReplyDelete