Wednesday, February 29, 2012

Different Similarities 1[6]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Saglit na binalot ng katahimikan ang buong kusina. Hindi parin makapaniwala si Eric pero unti-unti narin niyang naikukunekta ang lahat, ang sobrang galit na nakita niya sa mukha ni Ted nang makita ulit nito si Ardi noon sa restaurant, ang mga tingin ng tao nang magyakap sila sa office at ang huli ay ang kinikilos ni Alvin. Alam din ni Eric na hindi nagsisinungaling o nagiibento ng kuwento si Ted dahil alam niyang tunay na emosyon ang nakikita niya sa mukha ngayon ni Ted.


Emosyon na nakita niya sa sarili niyang repleksyon may ilang araw lang ang nakakalipas nang humarap siya sa salamin.



I'm sorry, Ted.” simula ni Eric, umiling lang si Ted at pinahiran ang kaniyang mga luha saka nagbigay ng isang matipid na ngiti.


Matagal na 'yon, nalinis naman yung pangalan ko eh. Ang iniisip ko ngayon yung sa pagitan niyong dalawa---” saglit na nagalangan si Ted tila ba pinagiisipang maigi ang kaniyang sasabihin. “---I mean, alam na ng lahat na player siya, na sinungaling pero hindi ko alam kung ano yung namamagitan sainyo, malay ba naming nagbago na siya at ikaw ang makapagpapatino sa kaniya. I mean---” halatang nahihirapan si Ted sa gusto nitong iparating kaya't nagbuntong hininga muna ito, pumikit saglit saka nagpatuloy.


I mean, I don't want to be a manipulative bastard, Eric, that's your life, I'm not comfortable with the idea but I don't want to dictate your actions para lang sa huli magsisi ka.”


But I believe you, Ted, I don't want anything to do with that jerk anymore.” sabi ni Eric sabay yakap kay Ted na ikinagulat naman ni Eric.


Thanks Eric, you don't know how much that means to me, but I think you should give it a chance, if he fuck this one again, then Ant and I will deal with that bastard. A year is a long time, Eric, for all we know he has changed already.” nakangiting paniniguro ni Ted, hindi naman mapigilan ni Eric ang mapangiti din pero ang totoo nun ay malalim ang kaniyang iniisip, hati ang kaniyang nararamdaman.



Gusto niyang bigyan ng pagkakataon ang kung ano mang pwedeng mangyari sa kanila ni Ardi pero kasabay nun ay masama rin ang loob niya dito dahil sa ginawa nito kay Ted kahit may katagalan na ang nangyari.



0000ooo0000



Nagulat si Ardi nang bigyan siya ng nakamamatay na tingin ni Eric kinabukasan nang magkita sila sa opisina. Nagtaas ito ng kamay na kala mo sumusuko, nagdikit ang kilay at tila natatakot sa maaari niyang nagawa, unti unti narin itong namumutla, di na napigilan ni Eric ang sarili niya, pakiramdam niya ay mali ang ginagawa niyang iyon kay Ardi, wala sa sarili siyang napaupo at marahang itinakip ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha.



Eric?” tawag ni Ardi, umupo narin ito malapit kay Eric, nagangat ng tingin ang huli.


Why? Why did you do that to Ted?” natigilan ulit si Ardi sa tanong na iyon tila ba ilang minuto pa ang lumipas bago ito nakasagot. Halatang hindi ito kumportable sa pinaguusapan nila, para bang gusto na nitong tumalikod at umalis.



Naipit lang ako, Eric, mahal ko si Alvin, ayaw ko siyang mawala---”



Kaya sinira mo ang buhay ni Ted?” muling binalot ng galit si Eric sa sagot na iyon ni Ardi.



It's not like that, Eric, the rumors are already circulating, I have to clean my name--- I know, I know that you think I'm an asshole for doing that to Ted but I'm also desperate, Eric.” nagmamakaawang sabi ni Ardi. Muling nahati ang nararamdaman ni Eric, nakaramdam siya ng awa kay Ardi pero hindi parin naaalis ang galit.



Natigilan saglit si Eric nang may sumagi sa isipan niya, tila ba hinila ng pagkakaton ang oras at ibinalik siya sa nakaraan kung saan asa pagitan siya ng relasyon ni Pat at Jake, naalala niyang nakagawa rin siya ng ilang bagay na hindi niya naman dapat ginawa noon dahil mahal na mahal niya si Pat kahit na alam niyang masasaktan si Jake pero dahil mahal na mahal niya si Pat ay binalewala niya ang maaaring maramdaman ni Jake, ang maaaring kahantungan ng pagiging desperado niya.


Saglit na nangilid ang mga luha ni Eric, ngayon, kahit papano ay alam na niya ang maaaring naramdaman ni Ardi noon. Nagmahal lang siya. Nagmahal lang sila.


Ardi, Alvin and Ted share different similarities with Pat, Jake and I, at one point in that crazy triangle I shared with Jake and Pat, like Ardi, I've been desperate and an asshole too.” bulong niya sa sarili niya nang maisip niya ang pagkakahawig ng mga nangyari.


That was a year ago, Eric, everybody can change.”


I'm sorry Ardi. I really like you, you've been nothing but kind to me and that news really scared me.”


Ayaw ko namang maging mabait ka sakin at mapalapit sakin dahil lang may utang na loob ka sakin, kaya kung ayaw mo talagang makipagkaibigan sakin at napipilitan ka lang dahil sa utang na loob mo sakin, please don't, maiintindihan ko, what I did was unforgivable---” simula nito, pinigilan na ito ni Eric sa pamamagitan ng paghawak ng kamay nito.


Give him a chance.” pumasok sa isip ni Eric ang sinabing iyon ni Ted.


No. I really want to be your friend, Ardi. I really like you and now I believe that you're not that person anymore. I want to be your friend, Ardi, hindi dahil may utang na loob ako sayo kundi dahil alam kong mabuti kang tao sa kabila ng mga nagawa mo noon.” sabi ni Eric dito sabay ngiti na masuyo namang ibinalik ni Ardi sa pamamagitan ng isa ring masuyong ngiti habang magkahawak parin ang kanilang mga kamay.



Like me, everybody deserves a second chance.” sabi ni Eric sa sarili niya.



Ehem!” paglilinaw ng lalamunan ni Alvin sa likod ng dalawa na ikinatalon naman ng mga ito.



There's tons of work to do. I believe you guys are paid to work and not to uhhmmm hold hands and be mushy with each other.” singhal ni Alvin, agad na nagbitiw ang dalawa at bumalik na si Ardi sa kaniyang lamesa na hindi naman kalayuan. Nang tumalikod na si Alvin at nang makabalik na ito sa loob ng opisina niya ay muling nagtama ang mga mata nila Ardi at Eric at sabay na humagikgik.



0000ooo0000



Malapit ng matapos ni Eric ang kaniyang ginagawa nung hapon na iyon nang may biglang sumulpot sa kaniyang harapan. Si Ardi, nakangiti at may hawak na isang bouquet ng roses at isang box ng chocolates, nun niya lang ulit na appreciate ang itsura ni Ardi. Naka long sleeves ito at naka faded jeans tapos naka black chuck taylor na sneakers, hindi man ito magarang magdamit ay miya mo ito model na ginupit mula sa isang life size na magazine, hindi man ito magayos ng buhok ay miya mo parin pinaayos sa salon ang buhok nito, maski hindi ito magahit ay hindi ito maduming tignan at higit sa lahat kahit lumipas na ang sampung oras ng trabaho ay mabango parin ito.



These are for you.” sabi nito na gumising sa nananaginip na utak ni Eric.


What are these for?”



Hey! Friends give flowers to each other aaannddd---” pabitin nito. Napataas ng kilay si Eric.


And what?” nangingiting tanong ni Eric.


Let's just say that these are my bribe for you to say yes to what I'm going to ask---”


Well, that depends on the question, Ardinato.” nakangiti nang sagot ni Eric.


The question is; can I invite you to dinner?”


Oh you mean a date?” biro ni Eric.


Yes, a date. Geesh Eric!” natatawang sabi ni Ardi.



Malapit na ang dalawa sa may gawi ng mga elevator nang mapansin ulit ni Eric ang mga masasamang tingin ng kanilang mga ka-opisina ang ilan pa nga ay hindi itinatago ang kanilang mga pag-iling, sa sobrang pagka-abala ni Eric ay hindi na niya napansin ang malabatong katawan ni Alvin na biglang sumulpot at humarang sa daan.



Oh shit!” singhal ni Eric lalo pa at nahulog ang mga papeles na hawak ni Alvin, hindi na nagaksaya si Eric na tulungan si Alvin sa pagpupulot habang si Ardi ay matamang lang na nakatingin kay Alvin.


S-sorry po, sir.” paghingi ng tawad ni Eric, hindi na sumagot si Alvin at dumaretso na ng tayo, inabot ni Eric ang huling papel na kaniyang pinulot, nun niya napansin na nakaplaster sa papel na iyon ang kaniyang mukha, nagdikit ang kaniyang mga kilay, napansin niyang kopya iyon ng kaniyang CV kaya't ikinibit balikat nalang niya iyon. Marahas na inagaw ni Alvin ang papel sa kamay ni Eric at agad na itinago sa expandable envelope na kaniyang hawak.


Ingat sa paglalakad next time, Eric.” bulong ni Alvin, nagtaas ng tingin si Eric at nagtama ang kanilang mga tingin, agad na nagbawi ng tingin si Alvin at tumingin kay Ardi na masuyo ring nakatingin sa kaniya. Napansin ni Alvin ang mga bulaklak at kahon ng tsokolate.


Going somewhere?” tanong ni Alvin, ngayon kay Ardi na ito nakatingin, saglit na nagtitigan ang dalawa.


We have a reservation at Rosalie's” sagot ni Ardi, hindi parin inaalis ang tingin kay Alvin, hindi naman maiwasan ni Eric ang mailang.



Saglit ulit natahimik ang tatlo. Tila naman nanonood ng sine ang mga taong natira sa floor at ang bida sa palabas na iyon ay si Alvin, Ardi at Eric.



Why do I feel like being in the middle of Pat and Jake again?” tanong ni Eric sa sarili niya habang tinitignan si Alvin at Ardi.


Mind if I join you guys? I'm actually starving and I'm craving for pasta, Rosalie's serves the best pesto in town.” sabi ni Alvin. Saglit na nagtense ang panga ni Ardi habang si Eric naman ay nagdikit na lang ang mga kilay. Magsasalita sana si Ardi, sa palagay ni Eric ay tatanggi ito sa gustong mangyari ni Alvin pero pareho lang silang nagulat nang manguna na ito papunta sa sasakyan ni Ardi.



Nagkatinginan na lang si Ardi at Eric at wala na lang nagawa kundi sundan si Alvin. Agad namang kinabahan si Eric, tila ba alam niyang hindi magiging maganda ang kalalabasan nung gabing iyon.



0000ooo0000



Nang makarating sila sa restaurant at nang i-upo sila ng maitre d' sa pang-apatan na lamesa ay natural lang na si Eric at Ardi ang magkatapat, bakante ang upuan sa kaliwa ni Ardi at bakante naman ang nasa kanan ni Eric, ang hindi inaasahan ni Eric ay ang pagpapaisod sa kaniya ni Alvin at ang dalawa naman ang magkatapat. Tila na ichipwera si Eric pero pilit niyang itinago ang pagkainis, hindi nakaligtas ang ginawang iyon ni Alvin kay Ardi at naningkit ang mga mata nito at nagtense ang panga.



Lilipat na sana si Ardi sa bakanteng upuan sa kaniyang kaliwa para sila ulit ni Eric ang magkatapat habang kumakain pero...



Nice, an extra chair!” singit ni Alvin sabay tayo at lagay ng mga bag niya sa bakanteng upuan sa kaliwa ni Ardi. Sa ginawang yun ni Alvin ay napanganga na si Ardi dahil hindi ito makapaniwala sa ginagawa ni Alvin, si Eric naman ay ina-absorb parin ang mga nangyayari.



Nang dumating na ang kanilang mga pagkain ay napagisipan ni Ardi na hindi niya hahayaang sirain ng ilang bagay na ginagawa ni Alvin ang kanilang gabi ni Eric kaya't naisip niyang hayaan na lang ito at huwag pansinin kung kinakailangan.



So where do you wanna go tomorrow after work?” nahihiyang tanong ni Ardi kay Eric nang makita niyang lumingon si Alvin para tawagin ang waiter, napangiti si Eric, sasagot na sana siya nang marinig nilang humagok si Alvin, tila ba nagsasabi ng 'C'mon, Ardi, are you for real?!'


Nakita ni Eric na sisinghalan na ni Ardi si Alvin, pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito, tila naman kumalma si Ardi sa ginawang 'yon ni Eric. Napahagok ulit si Alvin nang makita niya ang paghahawak ng kamay ng dalawa, agad siyang nainis at kinuwa ang kaniyang baso at uminom ng iced tea. Napangiti naman si Ardi sa ginawang iyon ni Eric.



Nagulat na lang ang dalawa na noon ay magkahawak parin ng kamay nang bigla silang makaramdam ng malamig na likido, agad silang napatalon at tumayo para umiwas sa natapong iced tea na mabilis na gumagapang papunta sa dulo ng lamesa at papunta sa kanilang mga damit.



What the hell?!” “Shit!” “Oh fuck! Sorry!” Sabay sabay na sabi ng tatlo. Pinupunansan ni Eric ang kaniyang t-shirt na natapunan habang si Ardi naman ay masamang tinitignan si Alvin na hindi nagpatalo ng tingin sa kaniya.


Are you OK, Eric?” mahinahon pero may katigasang sabi ni Ardi, isang tono ng boses na hindi kinasanayan ni Eric.


Yes---” sabi ni Eric habang tumatango-tango, may sasabihin pa sana siya ngunit hindi na siya pinagbigyan ulit ni Ardi na magsalita.


Can. I. Talk. To. You, Alvin. Alone.” hindi patanong ang tonong iyon ni Ardi at sinadya niya iyon para makuwa ni Alvin na hindi siya natutuwa dito. Nakuwa naman ni Alvin ang gustong mangyari nito.


Sure.” mahinahong sagot ni Alvin sabay ngiti na ikinainis lalo ni Ardi.



Lumabas ang dalawa ng restaurant na ikinataka ng mga taga serve doon, ikinibit balikat na lang ng mga ito iyon at pumunta kay Eric para malaman kung ano ang kailangan nito habang nililinis ang lamesa kung saan may natapong iced tea. Kitang kita naman ni Eric ang dalawa na naguusap. Hindi kaila na may tensyong namamagitan sa dalawa.



Tila naman nauntog si Eric nang biglang may pumasok sa isip niya. Pamilyar sa kaniya ang nangyayaring iyon, tila isang deja vu.



This is exactly like being in between Pat and Jake.” bulong ni Eric sa sarili niya nang marealize ang pagkakahalintulad.



Naisip niya ang sinabi ni Ted may ilang oras lang ang nakakaraan.



He cheated on Alvin, Alvin broke up with him sa sobrang galit pero bago yun alam ng lahat kung pano nila kamahal ang isa't isa, di ako magtataka kung up to now mahal parin nila ang isa't isa pero ayaw na lang makipag commit ni Alvin ulit sa kaniya dahil sa pride or self preservation and dignity, di ko alam.” nang matapos umandar ang sinabing iyon sa utak ni Eric na parang tape ay wala sa sarili siyang humarap sa bintana at tinanaw ang dalawa.


Nakikita niya kung pano magtalo ang dalawa. Sumagi sa isip ni Eric ang ginawa ni Alvin, naisip niya kung pano nito isingit ang sarili sa pagitan nila ni Ardi, naisip niya kung paano nagpumilit na sumama siya sa dinner gayung alam niyang may ideya na ito na date ang pupuntahan nila Ardi.



He's marking his territory.” sabi ni Eric sa sarili. Alam niyang may posibilidad na ayaw na lang makipagcommit ni Alvin kay Ardi pero andun parin ang pagmamahal niya dito at malamang ay ayaw niya itong mapalapit kay Eric.


Do I really want to go through this situation again? Do I want to go through what I went through with Pat and Jake?” tanong ni Eric sa sarili habang pinapanood si Ardi at Alvin na papalapit ulit sa kanilang lamesa.



0000ooo0000



What the hell is wrong with you?!” singhal ni Ardi, napailing naman si Alvin, hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Ardi.


You very well know what my problem is, Ardi.” kalmadong sagot ni Alvin.


Isn't this what you want?! For me to move on?!”


Your way of 'moving on' is wrong! Sinabihan na kita and still you wouldn't fucking listen!” nawawala na ang resolba ni Alvin at nakikipaglaban na ito ng singhalan kay Ardi. Napailing naman si Ardi sa sagot ng kaibigan.


Each of us have our own way of moving on, Alvin! So deal with it!” singhal ni Ardi sabay talikod, pasok ulit ng restaurant at balik sa kanilang lamesa, hudyat na tapos na ang kanilang pagtatalo.


Why are you doing this, Ardi?” tanong ni Alvin sa sarili niya habang umiiling na sinundan si Ardi papasok.



Nang umupo ulit sila at ipinagpatuloy ang pagkain ay may napansin si Alvin na kakaiba kay Eric, hindi niya masabi kung ano ito, hindi niya lang alam na hindi magtatagal ay malalaman niya kung ano ang nagbago kay Eric.



Itutuloy...




_______________________________
Different Similarities 1[6]
by: Migs

17 comments:

  1. Salamat sa mga patuloy na nagco-comment. Sa mga silent reader, i would really appreciate it if you guys step out of the shadows and share what you guys think about the story. ^_^ I don't bite. ;-)

    Sa mga nagtatanong about Chasing Pavements, maybe sa third week ng March? hehe, medyo busy talaga eh. ^_^

    Salamat ulit!

    ReplyDelete
  2. i love you migs...


    ads

    ReplyDelete
  3. kuya Migs, mamarkahan ko na ang 3rd week ng march!LOL...

    ReplyDelete
  4. Naging palaisipan sakin kung sino talaga ang nakatuluyan ni Eric. (have an answer but needs more proof)

    Kudos! Kuya Migs.

    ReplyDelete
  5. grabe na ang tensyon sa pagitan ni alvin at ardi ah. sa tingin ko mahal pa rin ni alvin si ardi pero hindi na mahal ni ardinato si alvin at si eric na ang gusto nya. sa tingin ko nagseselos si alvin sa dalawa. naaawa ako kay ted sa nangyari sakanya last year. sana sila yung magkatuluyan ni eric kahit pareho silang gay. excited na ako sa CP5 =)

    nga pala ako yung anonymous na nagcomment sa 5 na walang name.

    -Mike

    ReplyDelete
  6. Anu ang malalaman ni alvin kay eric? Sana ted and eric na lang... :))

    ReplyDelete
  7. aww! Poor eric. :(

    i think its Ted???

    --ANDY

    ReplyDelete
  8. ang gulo!!!! waaah! mali iniisip ko last chap, sure nah! T.T Anhirap hulaan ang story nito kaya mas kaabang-abang! hihi! MORE POWER KUYA MIGS! :D

    -->nIx

    ReplyDelete
  9. Eric&Ardi, Alvin&Ted, Eric&Alvin, Ardi&Alvin but definitely not Ardi&Ted. Sabi nga ni Mark Ryan... "ROLL-THE-DICE and find out".

    ReplyDelete
  10. I still don't understand Ardi's role in the story.

    And also, it got me thinking that maybe the story is written in backwards. I mean, maybe the very first chapter is actually the ending, and the rest of it are just flashbacks. Ugh, I hope not, I really want Pat and Eric to end up together!

    ReplyDelete
  11. Grabe, stuck on the past pa silang lahat. Si eric kay pat. si alvin kay ardi. Si ardi sa kasalanan niya. si ted sa ginawa sa kanya. Pero mukhang magiging experience lang sila ardi at alvin well si Pat pa rin naman talaga ang mahal niya kahit anung deny nya.

    ReplyDelete
  12. hirap ng ganitong sitwasyon...nasa love triangle ka di mo alam kung asan ka lulugar.

    ReplyDelete
  13. Author Migs!!!! musta?? ngyon lang ulit ako nakadalaw :D and swear busy kung busy...siguro di mo na ko na tatandaan, as of now..

    Promise every week ko na dadalawin tong blog mo :D na miss ko stories mo :D
    and remember nung last time na sinabi ko na imamarathon ko lahat ng bakante kong months..october ata yun last pa, tapos ko na ngayon..di ko lam na nag-mild depression ka. buti naman nakahanp ka ng pagkakabushyan mo :D
    tapos ko na rin basahin si BB and taking chances, and as i expected and i always like yung mag cross over yung mga characters from the past stories mo tuwang tuwa ako!!
    ngayon eto naman bago meron kayang mag jujumpp over ulit? :D

    aR

    ReplyDelete
  14. Uy Migs! Favorite line na nila yong "Roll the dice and find out!" hahaha... Nakakatuwa naman... Salamat kay gerald!
    Unti-unti ng nagkakalinaw... I just hope na di masaktan uli si erick... Tama sila, ang hirap hulaan ng story nito kasi ang daming possibilities... Uulitin ko... Roll the dice and find out... Hehe miss u migs!

    ReplyDelete
  15. c Ted n tlga ang Mr Congeniality.....sya na at wala ng iba p

    ReplyDelete