Posts

Showing posts from 2020

The Rebound

The Rebound By: Migs DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. This story is intended for mature audience, it may contain profanity and references to gay sex; if these offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story.  Do not copy or use without written permission             H awak hawak ni Alvin ang librong kabibili niya lamang sa fullybooked. Titig na titig siya dito na akala mo ay iniintay niya itong magsalita, tila ba iniintay niyang sabihin nito na “Kamusta ka? Masakit ba?” Agad na kumunot ang kaniyang noo dahil sa hindi malamang dahilan ay agad na bumigat ang kaniyang dibdib at unti-unti ring namuo ang luha sa kaniyang mga mata.             Doon niya lang napagtanto na simula nang lisanin niya ang bilihan ng libro ay wala siyang kahit na anong nararamdaman. Walang lungkot. Walang poot. Manhid siyan