Thursday, May 30, 2013

Skyband (Teaser)



Cover Created by: Jojimar Lachica
Written by: Zildjian
Blogsite: ZildjianStories


Author's Note:


First things first. Hindi po ibig sabihin na porket gumawa na ako ng teaser nito ay hindi ko na tatapusin ang TDBM ko. Sadyang excited lang ako kaya kahit di ko pa tapos ang TDBM ay ginawan ko na ng teaser ang 3rd series kong ito.


Bakit nga ba ako excited? Iyan ang tanong ko sa sarili ko kanina pagkatapos gawin ni Joji ang cover nito. Well, siguro excited ako una kasi may dahilan na ako para sipaging tapusin ang TDBM ko. Pangalawa ay dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa pagsusulat ko ay ito lamang ang series na agad na natapos sa utak ko ang mga mangyayari.


Isa rin sa mga rason kung bakit medyo excited ako sa series na ito ay dahil balak kong mag-experiment. Iyong gumawa ng isang bagay na hindi ko pa nagagawa sa mga natapos ko ng kwento at syempre ang hanapan ng partner si Brian (Kaibigan ni Dave). LOL! kaya sana ay magustohan niyo ang mga magiging kwento nila at pati na rin ang teaser na ito. Ingat!


Thursday, May 23, 2013

Against All Odds 2[42]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Hindi makapaniwala si Ryan sa sinabi ng kaniyang boss. Ito na ba ang kaparusahan sa lahat ng kaniyang pagtataksil na ginawa kay Dan. Hindi niya ikinakaila na hindi lang ito pangatlong beses niyang ginawa, ito ang pangatlong beses na siya ay nahuli pero hindi ibig sabihin noon na iyon lang ang mga pagkakataon na ginawa ang pagtataksil kagaya nito.


Hindi na niya kasi nagawang intindihin pa si Dan. Alam niyang marami at hindi basta-basta ang pinagdaanan nito pero may pangangailangan din naman siya. Alam niyang makasarili ito pakinggan pero hindi naman sa bawat minuto ng kanilang buhay ay iintindihin niya ito at ang tanging hinihiling lang naman rin ni Ryan ay intindihin din nito na may pangangailangan din siya.

Monday, May 6, 2013

Against All Odds 2[41]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Malamig ang tingin sa kaniya ni Ryan. Alam niya ang dahilan pero pilit niya itong winawaglit sa kaniyang isip. Pilit siyang nagtatanga-tanga-han. Hindi nanaman niya ito napagbigyan kagabi. Kasal na lang ang kulang sa kanilang dalawa pero minsan ay hindi niya parin magawang makipagsiping dito. Hindi dahil labag ito sa loob niya, hindi dahil hindi parin ito ang tinitibok ng kaniyang puso kundi dahil paminsan-minsan ay muli nananariwa sa kaniya ang nangyari sa kaniya noon dulot ng kaniyang mga itinuring na kaibigan.