Against All Odds 2[42]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
makapaniwala si Ryan sa sinabi ng kaniyang boss. Ito na ba ang
kaparusahan sa lahat ng kaniyang pagtataksil na ginawa kay Dan. Hindi
niya ikinakaila na hindi lang ito pangatlong beses niyang ginawa, ito
ang pangatlong beses na siya ay nahuli pero hindi ibig sabihin noon
na iyon lang ang mga pagkakataon na ginawa ang pagtataksil kagaya
nito.
Hindi
na niya kasi nagawang intindihin pa si Dan. Alam niyang marami at
hindi basta-basta ang pinagdaanan nito pero may pangangailangan din
naman siya. Alam niyang makasarili ito pakinggan pero hindi naman sa
bawat minuto ng kanilang buhay ay iintindihin niya ito at ang tanging
hinihiling lang naman rin ni Ryan ay intindihin din nito na may
pangangailangan din siya.
At
sa oras ng nangyari ang insidenteng iyon ay nagkataon lang na mas
inintindi niya ang sarili niyang pangangailangan.
Para
sa kaniya ay hindi rin basta-basta ang sakit na kaniyang nararamdaman
sa tuwing itutulak siya palayo ni Dan sa tuwing minsang sisimulan
niya itong suyuin para makipagsiping, walang duda na muli nitong
isinasabuhay ang nangyaring bangungot dito mag lalabing isang taon na
ang nakakalipas.
Masakit
ang kamunghiyaan ka sa isang bagay na wala ka namang kinalaman.
Masakit ang ipagtulakan palayo gayong wala ka namang ginagawang
masama. Alam niyang hindi niya dapat sisihin si Dan at wala namang
may gusto na balik-balikan ang masamang nangyari na iyon pero pilit
ding sumisiksik sa isip ni Ryan na siya na lang ba ang laging
magpapasensya, ang laging nasasaktan at laging magbibigay.
Kaya
naman ang madalas na pampalubag loon ni Ryan sa kaniyang sarili sa
tuwing pinagtataksilan niya si Dan at sa tuwing uusigin na siya ng
kaniyang konsensya ay ang ideya na sa ginawa niyang iyon ay “quits”
nadin sila.
“Ryan?”
tawag pansin ng boss ni Ryan dito matapos itong matahimik ng ilang
saglit.
Pero
ngayon wlang nagawa ang pampapalubag loob sa sarili. Hindi niya
maiwasang isipin at sisihin ang sarili na kung hindi sana siya naging
makasarili at pinangunahan ng libog ay malamang wala siya sa
sitwasyon na ito ngayon. Na wala siya sa sitwasyon kung saan hindi
magtatagal ay masasaktan niya ng husto si Dan, ang tanging tao na
kaniyang ilang taon na ipinaglaban ang tanging tao na kaniyang mahal.
“What
am I going to do?” nanlalambot na tanong ni Ryan sa kaniyang
sarili. Parehong pinepertina ang kaniyang nasa panganib na relasyon
at kaniyang kredibilidad sa oras na umusad na ang kaso.
“You
should've thought of that before you had sex with a minor, Ryan. Ian
is seventeen years old he's just here for his OJT---”
Sa
bawat salita, habang tumatagal ang kanilang pag-uusap ay lalong
nakakapagpabigat sa loob ni Ryan. Tila ba nakakulong siya sa isang
bangungot kung saan hindi siya makagalaw, kung saan hindi siya
makahinga at kung saan hindi siya makapagsalita upang depensahan ang
kaniyang sarili.
“He
seduced me!” sigaw ni Ryan nang sa wakas ay hindi na niya maatim
ang bigat ng loob.
“Even
if that's true, Ryan, we cannot ignore the fact that Ian has the
advantage in all of this.” saad ng boss ni Ryan.
Muli
nanamang natameme si Ryan.
“I'm
sorry but you still have to clear your desk by this afternoon, Ryan.
The board members of this firm cannot take the fact that one of their
lawyers is being called a molester.” marahan pero puno ng riin na
saad ng boss ni Ryan na lalong nakapagpalugmok dito.
Wala
na lang siyang nagawa kundi ang dahan-dahang tumayo at lumabas sa
opisina na iyon, takot na takot sa nag-iintay sa kaniya sa pagkasara
na pagkasara ng pinto sa kaniyang likuran.
0000oo0000
“What
the hell?!” sapo sapo sa ulo na saad ni Ryan nang maalimpungatan
siya. Agad niyang iginala ang kaniyang mga mata at nagsimula ng
mag-panic ng makita niyang wala siya sa kanilang apartment at hindi
siya pamilyar sa lugar kung saan siya ngayon nagising.
Nagmadali
siyang nagbihis, habang sinusuot ang kaniyang t-shirt at pantalon ay
hindi rin siya natinag sa kaka-lingon, pinaghahandaan ang biglaang
pag sulpot ng kung sino man na umakay sa kaniya at nagdala sa lugar
na iyon.
Ang
tangi niyang natatandaan ay ang pakikipagtalo niya sa barista ng
isang club matapos siya nitong hindi bigyan ng panibagong inumin
dahil sa sobrang kalasingan, natatandaan niya rin ang masakit na
katotohanan na wala na siya ngayong trabaho, nahaharap sa isang
mabigat na kaso at maaari siyang iwan ng kaisa-isahang tao na
pinahahalagahan niya.
Habang
inaayos ang sarili sa harapan ng malaking salamin sa loob ng kwarto
na iyon ay hindi nakaligtas sa kaniyang napapagod at puno parin antok
na mga mata ang pamumula ng isang bahagi ng kaniyang leeg. Tila ba
isa itong malaking pantal, tila isang nagsisimulang pasa o di kaya
naman ay tila ba isang kagat ng isang malaking insekto.
“Shit!”
bulalas ni Ryan sa sarili nang mapagtanto kung ano ang pamumulang
iyon sa kaniyang leeg.
“Good
morning!” bati ng isang pamilyar na boses kay Ryan na agad na
ikinaharap nito.
Agad
na pumasok sa isip ni Ryan ang mukha ni Melvin nang magkita sila nito
matapos siyang sipain ng bouncer palabas ng club pero hindi lang iyon
ang pumasok sa kaniyang isip kundi ang bawat emosyon sa mukha ni
Melvin habang may ginagawa silang milagro noong nakaraang gabi, ang
bawat reaksyon sa mukha nito sa tuwing sinasabi nito kung gaano siya
nito kamahal ng paulit ulit.
“What
the hell did you do to me?!” pasinghal na tanong ni Ryan kay Melvin
na agad na nabura ang ngiti sa mga mukha.
Di
mawari ni Melvin kung bakit ilang taon na ang nakalipas ay tila parin
pinipiga ang kaniyang puso lalo na ngayon na nakikita nanaman niya si
Ryan na nagmamadaling makalayo sa kaniya at hindi mapakali sa
kakahanap sa lahat ng kaniyang pagmamay-ari. Pakiramdam kasi ni
Melvin ay may sakit siya na nakakadiri o kaya naman ay ang pakiramdam
na kinatatakutan siya dahil masama siyang tao.
“What
the fuck?!” wala nanaman sa sarili sabi ni Ryan habang hinahanap
ang isang pares pa ng kaniyang sapatos na lalong ikinabigat ng loob
ni Melvin.
Inalala
niya ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Oo at lasing si Ryan pero
ito naman ang nagsimula ng lahat. Wala siyang intensyon na
makipagtalik dito, wala siyang intensyon na pagsamantalahan ito, na
pagsamantalahan ang kahinaan nito pero si Ryan na mismo ang gumawa ng
paraan, si Ryan na mismo ang unang humalik sa kaniyang mga labi, ang
unang naghubad at ang unang nagsabi na gusto nitong makipag-sex kaya
naman hindi mapigilan ni Melvin ang masamain ang sinabi nito.
Pakiramdam
niya ay siya nanaman ang nagiging masama. Na siya nanaman ang
kontrabida pero hindi na siya papayag ngayon dahil alam niya sa
kaniyang sarili na nagbago na siya, na hindi na angkop sa kaniya ang
mga katagang iyon.
“That
was not what you said last night.” malungkot na saad ni Melvin na
ikinatigil ni Ryan mula sa kaniyang paghahanap.
Hindi
man niya gusto ay wala sa sariling napaharap si Ryan kay Melvin. Sa
saglit niyang pagtitig dito ay napansin niyang malaki na ang
pinagbago nito hindi lang sa itsura kundi pati narin sa ugali. Oo,
nagmukha itong malinis, nawala na ang mga malalaki at halos itim ng
eyebags nito sa ilalm ng mga mata, nawala na ang hindi inaahit na
bigote at balbas nito at malinis na ang gupit pero ayon sa nakikita
ni Ryan ngayon ay sigurado siya na wala narin ang malalaki at maiitim
na balak nito sa kung sino man ang mapag-trip-an nito, na nawala
narin ang tigas ng puso nito at sigurado narin siya na malinis na ang
hangarin nito.
Bagay
na alam niya namang nasa pagkatao na noon pa ni Melvin ngunit
natatakot lang ito na maging mahina at ipakita ito sa lahat ng
kaniyang kakilala.
“I
don't know what you're talking about.” pilit na singhal ni Ryan
habang tinitignan ng mariin si Melvin, pilit ang pag-singhal na ito
ni Ryan dahil alam niyang tama ang sinasabi nito at ang pilit na
pagsinghal na ito ni Ryan ay hindi naman nakaligtas kay Mevin pero
hindi parin niya napigilan ang sarili na masaktan da pagpupumilit na
ito ni Ryan.
Hindi
niya napigilan ang sarili na mapaluha.
Hindi
ito nakaligtas kay Ryan. Ngayon alam na niya at napatunayan na
lumambot na ang mala-batong puso ni Melvin, bagay na kaniya noong
pinakahihiling-hiling ay sa wakas nangyari na. Hindi ito nasikmura ni
Ryan at agad na itong tumalikod sa huli. Pero bago pa man siya
makalabas ng front door ay nakaramdam siya ng mahigpit na yakap mula
sa likod niya.
“I
thought I was over you. I thought that I have moved on and doesn't
feel a thing about you anymore but after you kissed me last night---
It all went back. I- I still love you, Ryan and I think I-I will
always will.” pabulong na saad ni Melvin habang nakalapat parin ang
kaniyang katawan sa katawan ni Ryan.
Ramdam
na ramdam ni Ryan ang bawat pagtibok ng puso ni Melvin sa kaniyang
likod ang bawat luha na lumalabas sa mga mata nito na bumabasa sa
kaniyang damit.
Ramdam
na ramdam niya ang pagpapahalaga nito sa kaniya. Ramdam na ramdam
niya ang pagmamahal nito habang nakayakap ito ng mahigpit.
Bagay
na matagal na niyang gustong maramdaman mula kay Dan. Matagal na
niyang hinahanap mula kay Dan.
At
ang mga bagay na ito na kaniyang naiisip ang gumising kay Ryan at
nagtulak sa kaniya na alisin ang mahigpit na pagkakayakap sa kaniya
ni Melvin at iwan ito na umiiyak.
0000oo0000
Abala
si Dan sa pagtitig sa monitor kung saan nasa-saad ang mga
importanteng signos ng katawan ng isang pasyente. Abala man siya sa
pagtitig dito ay wala naman dito ang kaniyang isip.
“I'm
sorry.” bulong ng pasyente na siyang naka kunekta sa monitor na
abala paring tinititigan ni Dan, umaarte na hindi niya ito narinig.
“Nothing
to be sorry about. It's not your fault you got sick.” malamig na
sagot ni Dan na ikinaiyak ni Lily, maganda man ang sinabi ng anak ay
hindi naman niya maikakaiala ang pagiging malamig nito.
“I-I'm
sorry, anak---”
“No.
I'm going to make you feel how it was not having anyone.” malamig
na singhal ni Dan at sa wakas ay isinalubong na ang kaniyang tingin
sa tingin ng ina.
Agad
na natunaw ang kaniyang resolba pero ang sakit na dinala niya sa loob
ng lagpas sampung taon ay humaharang sa kaniya upang yakapin ito at
humingi rin ng tawad. Pumipigil na alagaan ito, matulog sa tabi nito,
bantayan ito at yakapin sa tuwing may nararamdaman itong masakit.
“Kung
ganon bakit hindi mo na lang ako ibigay sa ibang duktor? Bakit ikaw
parin ang magpapatuloy sa panggagamot sakin?” natameme saglit si
Dan sa sinabing ito ni Lily at alam niyang may punto ito at dun lang
naamin ni Dan sa sarili kung bakit niya ba talaga ito ginagawa ganong
maaari niya naman ngang ibigay sa ibang duktor ang pag-aalaga sa
kaniyang ina.
Naamin
niya sa kaniyang sarili na sa kabila ng kaniyang pagmamatigas ay
nag-aalala parin siya sa kaniyang ina pero hindi pa niya kayang ibaba
at balewalain ang lahat ng kaniyang galit at hindi niya pa kayang
kalimutan lahat ng sakit.
“Because
I'm not as heartless as you are.” balik ni Dan sabay labas sa
cubicle na iyon sa ICU. Hindi na napigilan pa ni Lily ang lalong
umiyak.
0000oo0000
“You
didn't have to be that harsh, Dan.” bulaga ni Mike pagkalabas na
pagkalabas ni Dan ng ICU. Hindi kasi alintana ng mag-ina kanina na
napapanood ni mike ang palitan nilang dalawa.
“You
don't have the right to judge me.” malamig na balik ni Dan na
ikinatameme ni Mike.
Muli
ng bumalik ang dating Dan. Ang Dan na kilala niya bago pa man nila
ito masaktan. Matapang at may paninindigan.
“She's
your mother!” bawi ni Mike.
“That
was before she decided to believe the rapists who almost killed me.”
Binalot
ng nakapangingilabot na katahimikan ang dalawa. Hindi maipaliwanag ni
Mike kung bakit pero tila ba hinigop ng sinabing iyon ni Dan ang
lahat ng lakas sa kaniyang mga tuhod, kung bakit tila ba may sumipsip
ng kaniyang dugo sa mukha at kung bakit tila ba lumamig ang buong
paligid.
“That
was unfair, Dan. Pinatawad mo ako, anong mahirap sa pagpapatawad sa
sarili mong nanay?” marahang tanong ni Mike kay Dan na tila ba
binuhusan naman ng malamig na tubig.
“She
was supposed to be there to support me, not bail out on me. She was
supposed to fight for me. You were on drugs she was in her right
mind. You were afraid to be disowned by your parents and she has only
me to lose. You can't fight Dave and Marc's powerful parents but she
can! You didn't give up on me, she did. So please stop telling my
that it was unfair for me not to forgive her after forgiving you!”
balik ni Dan.
Nang
hindi na nagsalita si Mike ay naisipan na ni Dan na putulin na ang
pag-uusap na iyon kaya naman tumalikod na siya at nagsimula ng
maglakad palayo.
“She's
sick now because she wouldn't stop drinking when you run away.”
bulong ni Mike na ikinatigil ni Dan sa paglalakad palayo.
Dahan-dahang
humarap si Dan kay Mike na nagsisimula ng umiyak. Nagtama ang
kanilang mga mata at tila ba nahawa ang mga mata ni Dan dahil
nagsisimula na itong mamasa sa mga luha.
“W-what?”
nauutal na simula ni Dan.
“She
wouldn't stop drinking. Mom and I tried to make her attend an
alcoholic support group but she kept on drinking she wouldn't talk to
anyone, she wouldn't eat all she does is drink, cry and blame me.
Every time she's too drunk to shout at me or push me away I snuck
into your house and give her some food. Sometimes she would let me
feed her but sometimes she would push my hand away and eat by herself
and then when she realize what she's doing, she would sometimes throw
the dishes at me. You see, Dan there wasn't a time where she didn't
think of you, when she wasn't sorry you're no there beside her.”
“Drinking?”
wala sa sariling tanong ni Dan kay Mike na tumango na ang tanging
nagawa ay tumango.
“I
cannot bring myself to tell her that I found you at the university
that sophomore year. Natatakot ako na baka bigla siyang pumunta don
at lalo pang magkagulo na sa oras na magkaharap kayo at itaboy mo
siya dahil sa sobrang galit ay lalo siyang malulong sa alak--- but we
have time then. Everything can wait until all is ready. Dan there's
no time NOW. She might be dying soon. We can no longer wait.”
Muling
tumalikod si Dan kay Mike dahil pilit niyang itinatago ang kaniyang
mga luha, nagsimula na muli siyang naglakad palayo
“Dan,
please give her the same chance you gave me a long time ago--- s-she
needs it now.” pahabol ni Mike maski mabilis ng naglalakad si Dan
palayo.
Hindi
inakala ni Dan na magkakaroon pa siya ng ganoong lakas matapos ang
naging usapan nila ni Mike, lakas na lumakad ng mabilis palayo dito.
“Dan,
please give her the same chance you gave me a long time ago--- s-she
needs it now.” paulit ulit na
tumatakbo sa kaniyang isip.
At
ang mga katagang iyon ang tuluyang sumaid sa kaniyang lakas na kanina
lang ay biglang sumulpot. Mabilis siyang pumasok sa isang kwarto sa
loob ng ospital na iyon, kwarto kung saan madalas siyang pumupunta sa
tuwing may bumabagabag sa kaniya.
Saktong
lumapat ang kaniyang tuhod sa luhuran at saktong sinalo ng mahahabang
upuan sa chapel na iyon ang kaniyang mga luha.
0000oo0000
“Calling
Ryan” saad ng screen ng
cellphone ni Dan habang patuloy parin siyang umiiyak sa loob ng
chapel.
“Please
pick up. Please pick up.” umiiyak na hiling ni Dan sa sarili.
Pero
magkakalahating oras na niyang paulit-ulit na tinatawagan ang tanging
tao na iniisip niyang makakapagpagaang ng loob niya.
“Dammit,
Ryan!” di napigilang sigaw ni Dan sabay bato ng kaniyang telepono.
0000oo0000
Pinapanood
ni Ryan ang kaniyang telepono na magkaroon ng sariling buhay. Tila
ito sumasayaw sa tuwing nagva-vibrate, hindi kasi makuwa ni Ryan na
sagutin ang tawag na iyon ni Dan dahil hindi niya makuwang isipin na
muli nanaman niyang nasaktan ito sa kabila ng pagtitiwala nito sa
kaniya ng sobra.
“Another
one, please.” tawag atensyon ni Ryan sa barista. Tinignan siya nito
ng mariin na tila ba nagtatanong kung sigurado ba siya inorder na
inumin.
“Kailangan
mo ba ng makakausap?” tanong ng isang lalaki kay Ryan, halatang
kanina pa nito minamata ang huli. Hindi ito pinansin ni Ryan kaya
naman kumportable nitong ini-upo ang sarili sa stool katabi ng
inuupuan ni Ryan.
0000oo0000
Habang
nakasalampak parin sa mahahabang upuan ng chapel na iyon ay wala sa
sariling sumagi sa isip ni Dan ang sampung taong pagsasama nila ni
Ryan, iniisip na simula noong araw na huli silang nag-usap ni Mike ay
hindi na muli pang naging palagay ang loob niya kay Ryan, hindi na
naging magaang muli ang loob niya dito.
Nawari
niya na tila ba nabuhay sila sa kasinungalingan pareho sa loob ng
labing isang taon.
0000oo0000
Daldal
ng daldal ang lalaking katabi ni Ryan, paminsan-minsan din nitong
hinahaplos ang braso nito at balikat ng huli at hindi ito
nakakaligtas kay Ryan na unti unti ng tinatablan ng pangaakit ng
huli.
“Want
to go somewhere---more private?” pabulong na pagaya ni Ryan na
ikinangiti ng estranghero sa kaniyang tabi.
“Sure.”
matipid na sagot ng lalaki na hindi naman maitago ang pagka excited.
Nang
lumabas na ang dalawa ay may isang lalaki ang humarang sa kanila.
“Not
so fast buddy.” mariing saad ni Melvin.
“I'm
sorry, dude pero nauna ako sayo.” singhal ng lalaki na nakaakbay
kay Ryan.
“You
don't wanna mess with me, DUDE. You are not going to take advantage
of my drunk friend here.” mariin paring sabi ni Melvin. Nakita ng
estranghero na si Melvin ay isang tao na hindi dapat ginagalit kaya
naman hindi na niya sinagad pa ang pasensya nito.
“Screw
you!” singhal ng lalaki saka itinulak ang lasing na lasing na si
Ryan papalapit kay Melvin.
“You
can only wish, Dude.” balik naman ni Melvin sa galit na estranghero
na hindi nagustuhan ang pangengeelam niya.
“What
the hell are you doing?!” pasinghal na tanong ni Melvin kay Ryan na
pagewang gewang na nakatayo sa kaniyang harapan. Nilapitan niya ito
at inakbayan upang makatayo lang ito ng daretso.
“Alam
ba ni Dan ang mga ginagawa mo?! Ak---” pero hindi na natapos ni
Melvin ang kaniyang sasabihin dahil inilapat na muli ni Ryan ang
kaniyang mga labi sa mga labi nito. Hindi napigilan ni Melvin na
labanan ang halik na iyon ni Ryan kahit na alam niyang pagsisisihan
nanaman niya iyon kinabukasan.
Itutuloy...
Against
All Odds 2[42]
by:
Migs
Hey guys! Sensya na sa mahabang hinid pag-update. Alam niyo na ang dahilan.
ReplyDeleteHinid ko narin po muna masasagot ang mga comments niyo from the previous chapter. Magbebente kwatro oras na po ako gising. May pasok pa ako bukas ng maaga.
Good night guys! Sana di kayo mag-sawa at sana din pagpasensyahan niyo na ako.
Sorry talaga guys. :-(
ENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
Namiss ko to migs. :) kahit medyo matagal eh worth it naman :) ........... Kinakain ko na ung mga sanbi kong may bagay si ryan kay dan.....
DeleteGsto ko ung mother ng son scene dito.... Looking forward sa next. Take care migs....
» This is Dee by the way.. Excited mag comment ah..
DeleteAuthor Migs!
ReplyDeleteAo di lp alam, :( school ba yan? or work load or both? :D
cool ang story ngayon, puro pangongonsensya lang,..
To Dan, may point si Mike pero hindi niya pwede sisishin si Dan sa pagiging alcoholic nito, it's a choice..pero still mother niya ang involved, hati decision ko dito..pass siguro ako
Ryan..sexaddict na siya..psss...so lame..kala ko magiging badass siya mg antagonist haha..
Melvin..matino na sya..so where is his brother? parehas ba sila ng work?
Dave and Mark abo na? haha
-aR
brother yata ni Melvin yong nagpolice ba yon?
Deletelahat kami naghihintay ng bawat update mo sa story. dont worry, narito kami para sa yo dahil gusto namin ang story mo, we will from time to time check kung me update ka na, thanks for writing for us!
ReplyDeleteThanks migs for the update ok lang kahit medyo matagal ang update sulit namin eh. Very inspiring chapter na nakakapagbigay ng points sa bawat readers about faithfulness and love, forgiveness and love. Dan wake up she is ur mother!
ReplyDeleteRandzmesia
Mas lalong nagiging interesting ang takbo ng story...
ReplyDeleteWhat will be Dan's resolve?
Hanggang kailan niya paiiralin ang kanyang pride?
Sa tingin ko dalawa ang mamatay sa story na 'to...
THANKS MUCh Migs for the update.
ReplyDeleteThis is the hardest part ang hayaang kainin ng galit ang pagkatao mo. This is what I see on Dan now I can't believe that this is happening to him to think na kahit na ang laki ng pagkukulang ni Lily kay Dan still she is Dan's mother.
I can't comprehend kung baket ginawa ni Ryan un to think na mahal daw niya si Dan, I think its about time na palayain ni Ryan si Dan kasi in the end siya rin ang masasaktan.
Have a great day migz and keep it up.
Yung chapel, it remind me sa AAO1 nung umiiyak dun si aaron. Gosh! Wag sanang un din ang mangyari kay dan o kya ibang kahihihnatnan nya. Please, sana may Happy Ever After sila ni Mike.
ReplyDelete~WaydeeJanYokio
Waaaaaaaaaa...
ReplyDeleteim so happy kahit hindi ko pa nababasa ang chapter na to kasi atlast may UPDATE na..
tnx much kuya MIGS..
1st time ko magcomment dahil sobrang natuwa ako.. sori kung ndi ako nakakapagcomment..
_mew08
nakakahook talaga, nalilinawan na ako sa story, at mukhang mas magugustuhan ko pa yung mga mangyayari, i dont care na kung kanino mapupunta si Dan, kasi nakikita ko yung ganda ng itatakbo ng kwento.
ReplyDeletePalagay ko magkakastory din si Ian?? Dito sa story na to or sa ibang book na??
Excited na ako sobra, ganda talaga, sulit kasi talaga yung paghihintay sa update kasi malaman yung bawat chapter.
Thanks kuya migs sa time, sa update. TC.
Galing talaga migs..kudosss
ReplyDeleteFour thumbs up Migs! ;)
ReplyDelete-dilos
Gusto ko talagang maparusahan sina Mark at Melvin. Pero hindi pwede dahil madadamay si Mike, although yon ang nararapat. And to think na tumino na si Melvin at bagay na sila ni Ryan ang magkabalikan para magkatuluyan na rin sina Mike at Dan. Sana di pa huli ang lahat kina Lily at Dan. Nakakaiyak ang magiging scenes nila sa kwento na to. Tiyak yon. ABANGAN!!!!
ReplyDeleteThis story can go on forever.. I love it!! Stay safe migs.
ReplyDelete-icy-
sa mga ryan-dan jan..naku tignan nyo ang pinaggagawa ni ryan..sa tingin ko kung mahak niya talaga si ryan kakayanin niya kahit na tigang na tiga.g na siya..dapat palayain na ni ryan si dan dahil parang libog lng naman ang meron siya
ReplyDeletesakin ramadam ko si dan tungkol sa mader niya..dapit kasi si lily talaga ang taong hindi siya iiwan sa ere kasi u know naman nanay siya ni dan at di na kasalanan ni dan kung bakit nagkaganyan siya..pero gusto ko pa rin sila mg bati
naku pano na kaya si danny at mikee..sana meron kilig moments sa next chapt...hihihi
btw migs good luck sa work ha..ikaw na..wag masyado magkapagod..u know na baka ma over fatigue ka..and finally di ako magsasawang hintayin ang CP5..lol..cge migs ingat jan
-therese
Finally :)
ReplyDeleteHays. I wish this story would end na. I'm tired of waiting :(
...feeling coh malapit nang mapatawad ni Dan ang kanyang ina...
ReplyDelete...good job poh kua migs...
worth ang paghihintay coh... :-)
fair enough ke melvin.. :p dati i hate him so much, peo ngaun, slight nlng.. :p i can so relate with dan towards his mother..
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletesana maisip nila Mike, Dan, Melvin at Ryan kung kanikanino sila totoong liligaya.
ReplyDeletetagal q d nkapagbasa
ReplyDeletenamiss q to grabe >_<
so intense waaaaaaaaaaa nagmumulto ang mga nakaraan :o