Thursday, May 10, 2012

Different Similarities 2[11]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Naka-kunot noong tinignan ni Kyle ang papalapit na si Kevin mula sa kaniyang kinauupuan sa den, kasa-kasama ang gadambuhalang aso na si Joey. Hindi niya parin maintindihan kung bakit napapadalas ang pagbisita sa kanila ni Kevin, sa sobrang dalas ay araw-araw na ito sa loob ng buong linggo na iyon tumatambay sa bahay nila Kyle na siya naman lalong ikinapagtataka ni Kyle. Habang naka-kunot noo ay sumulyap siya sa kinauupuan ni Pat at nakitang lumiwanag ang mukha nito nang makita rin na papalapit na si Kevin. Katulad ng naisip nung nakaraang araw ay muli niya ngayong napansin na tila ba naging mas masiyahin si Pat sa tuwing magpapakita si Kevin sa kaniyang bahay.

Nanonood ulit sila Pat, Kyle at Nina ng CSI at nang makita ni Pat na muling bumalik ang magagandang ngiti sa mukha ng kaibigan na si Kevin na noon ay padating palang ay hindi mapigilan ni Pat na magliwanag ang kaniyang mukha. Alam niyang excited na ang kaniyang kaibigan sa pagbalik ng boyfriend nito at masaya siya para dito.


Pero nang makapasok na si Kevin sa loob ng den ay agad na nabura ang masayang mood na iyon ng dalawa.


Hi guys!” bati ni Kevin sabay tabi kay Pat.


Andito ka nanaman?!” bati naman dito ni Kyle na ikinagulat ng tatlo at ikinatahimik ng paligid.


Naisip ni Pat na marahil ay hindi lang naging maganda ang araw nito sa ospital kaya ganito na lang ang mood nito at ayon din sa kaniyang personal na experience sa pagiging taga tanggap ng masamang mood na iyon ni Kyle ay alam niyang hindi ito ikatutuwa ni Kevin kaya't sinubukan niyang pagaangin ang mood ng paligid bago pa ito pagmulan ng away.


That's because the last episode was such a cliff hanger!” nakangiting sabi ni Pat pero ang totoo ay kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung mapapagaang niya nga ba ang mood ng bawat isa. Napansin ni Pat ang pag-irap ng mga mata ni Kyle na lalo niyang ikinakaba. Saglit namang tumingin si Kevin kay Pat, nang makatanggap Kevin ng isang nagsusumamong tingin mula dito ay naisip na lang niya na sakyan ito at huwag na lang pansinin ang sinabi ng bayaw.


Yup. There's something about what Horatio said last night that got me coming back for more---” nakangiting sabi ni Kevin saka tumingin kay Kyle at sumeryoso saglit. “---I hope I'm not intruding or something.”


Of course you're not---” simula ni Nina habang tinitignan ng masama si Kyle pero agad din siyang pinutol nito sa pagsasalita.


Oh sure you can watch CSI with us--- anytime. You're not intruding or something.” sarkastikong sabi ni Kyle sabay tayo at lumapit kay Joey.


Come boy!” aya ni Kyle sa aso at nagtungo na sa labas papunta sa tree house kung saan andun si Liam na muling pinupuno ng drawing ang sketchpad.


Natameme ang tatlo sa sinabi ni Kyle habang pinapanood ng mga ito ang huli palabas sa bakuran. Makailang saglit pa ay naiwang may malalim na iniisip si Kevin sa tabi ni Pat. Napansin ito ni Pat at Nina pero si Pat ang siyang unang umalo dito.


Sigurado ako hindi lang naging maganda ang araw ni Kyle, huwag mong masyadong dibdibin iyon, mamya, tignan mo, lalapit yan sayo at magso-sorry.” tumango na lang si Kevin sa sinabi na ito ni Pat na ikinahagok naman ni Nina na tila ba nagsasabi na 'yeah right! Si Kyle magso-sorry?!' tinignan ni Pat ng masama si Nina, imbis kasi na tumulong ito sa pagpapagaang ng loob ni Kevin ay ginagatungan pa nito ang pagaalala ng kapatid.


0000ooo0000


What do you think is his problem?” tanong ni Nina kay Pat nang mahuli ulit niya itong nakatingin sa may bintana sa gawi ng tree house kung saan masayang naglalaro si Kyle at Liam.


I don't know. Ganyan ba siya ka-moody dati?” pabulong na tanong naman ni Pat kay Nina sabay sulyap sa gawi ni Kevin na masaya namang nakikipag-usap kay Drei sa telepono nito.


He was never moody, Pat. I don't think the word 'moody' is in Kyle's vocabulary before now--- Oh shit!” halos mapaiktad si Nina nang biglang may sumagi sa kaniyang isip.


What?” gulat at nagaalalang tanong ni Pat.


I think alam ko na kung anong problema niya.” makahulugang sabi ni Nina sabay bato ng nagaalalang tingin kay Pat. Agad namang nakaramdam ng kaba si Pat pero unti unting napalitan iyon ng pagkalinaw, dismaya at kapiranggot na galit at sakit habang ikinukuwento ni Nina ang tungkol sa napagusapan nila ni Kyle noong nakaraang araw, dahil pakiramdam niya ay hinusgahan nanaman siya ni Kyle pero nalinawan din siya na maaaring may kasalanan nga siya, tutal naglalandian naman talaga sila ni Kevin pero naisip niya rin na sana ay kinausap siya ng kaniyang kaibigan bago pa man ito magalit katulad ng ipinakitang pagkainis kanina kay Kevin.


Nagaalala lang siya kay Liam, Nina.” alo ni Pat nang muling magalburoto si Nina pagkatapos niyang sariwain ang napagusapan nila ni Kyle.


It's just that he's too afraid about what his son might ask or might think. It wouldn't be a big deal if it was a straight couple who's flirting in front of the kid. Natatakot siyang ipaalam sa kaniyang anak na may mga taong bakla at tomboy at iyon ang kinaiinisan ko.” mahabang paliwanag ni Nina.


Kung yan ang rason mo para magalburoto edi sa mga nagpauso ng homophobia at nagpakalap ng pagiging makitid ang utak patungkol sa ating mga kasali sa third sex ka nagagalit at hindi sa katulad nila Kyle na ang tanging kasalanan lang ay lumaking ganyan ang paniniwala at literal na naniwala sa mga pangaral na iyan.” balik naman ni Pat na ikinaisip maigi ni Nina.


Saglit silang binalot ng katahimikan.


Alam mo, may point ka.” amin ni Nina matapos ang mahaba-habang pag-iisip.


Lagi naman eh.” mayabang na balik ni Pat na ikinairap ni Nina.


Alam mo, ikaw lang talaga ang isa pang tao na nakakapagpatameme sakin.” wala sa sariling sabi ni Nina, hindi mapigilan ni Pat na tanungin kung sino pa yung isa kahit pa may ideya na siya kung sino ito.


Who's the other one that can make you shut up?” tanong ni Pat sabay ngisi.


Karen. My twin sister.” malungkot na sagot ni Nina. Muli silang binalot ng katahimikan, tanging ang kinikilig na si Kevin lang na kausap parin si Drei sa telepono ang pinagmumulan ng ingay sa pagitan nila.

0000ooo0000


Nina said the pizza will be here soon and she said that I have to make you guys stop playing and wash your hands before the pizza arrives.” bungad ni Pat nang makaapak na siya sa loob ng tree house matapos niya itong akyatin.


PATWICK! It's toooooo early for dinner! Daddy and me still wants to play!” sabi naman ni Liam sabay nguso.


It's supposed to be Daddy and I not me, Liam.” pagtatama naman ni Kyle sa sinabi ng anak na ikinapaling ng ulo ni Liam sa kaliwa.


That's what I said.” sabi ni Liam sabay yakap kay Pat. “I'm tired.” sabi nito nang lumapat ang kaniyang maliit na katawan kay Pat. Ang tagpong ito ay ikinangiti naman ni Kyle, hindi mapigilang maisip na hindi lang siya ang natutuwa kay Pat, pati rin ang kaniyang apat na taong gulang na anak ay nawiwili kasama ito. Natigilan saglit si Kyle.


Wala naman atang may ayaw kay Pat.” sabi ni Kyle sa sarili habang pinapanood si Pat na inaalo si Liam at kinukumbinsi na maghapunan muna bago matulog.



Sa sinabing ito ni Kyle sa sarili ay naisip niya rin na ang problema lang ay hindi lang siya at si Liam ang natutuwa kay Pat sa oras na andun ito sa kanilang bahay. Kasama niya at ng anak si Kevin at Nina na para sa kaniya ay kahati nila sa atensyon ni Pat, lalong lalo na kapag nagsimula ng landiin ito ni Kevin.



How the heck did Joey got up here?” tanong ni Pat na gumising mula sa pag-iisip ni Kyle. Si Joey naman ay hindi mapakali sa isinuot na boots sa kaniya ni Liam para maging makatotohanan ang kanilang paglalaro.


He climbed the tree, Pat.” umiirap na sagot ni Kyle na tila ba nagsasabi na 'obvious ba?' nang ibalik niya ang tingin kay Pat ay nakita niya itong naniningkit.


Liam, what are we going to do with smart as--- butts like your daddy?” naniningkit parin na tanong ni Pat sa bata na agad namang nakuwa ang kaniyang ibig sabihin dahil agad na nagliwanag ang mukha nito at ngumiting nakakaloko.


We should give him the tickle punishment so he wouldn't be a smart butt anymore!” sigaw ni Liam sabay talon padagan sa kaniyang ama at kiniliti ito sa tagiliran. Nagsimula ng gumulong-gulong si Kyle sa kahoy na sahig ng tree house katatawa, nakisali na si Pat sa pangingiliti habang si Joey naman ay paikot ikot sa naguumpukang katawan ni Liam, Kyle at Pat atsaka tumatahol ng malakas.


I give! I give!” sigaw ni Kyle nang hindi na niya makayanan ang pangingiliti. Nangingilid na ang kaniyang luha at halos mapaihi na siya sa kakatawa.


OK.” agad na pagsangayon ni Liam sa gustong mangyari ng ama saka umalis sa pagkakadagan dito at inaya na si Joey na bumalik sa loob ng bahay. Naiwan namang Nakadagan si Pat kay Kyle at saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Agad na tumayo si Pat at umiwas na lalong malunod sa pakikipagtitigan kay Kyle, iniisip na baka may magawa nanaman siya na kaniyang pagsisisihan sa huli. Sa biglaang pagtayo na iyon ni Pat ay tumama muli ang kaniyang ulo sa bubungan ng tree house.


Agad na napupo si Pat at sinapo ang kaniyang bunbunan dahil sa sakit. Nagaalalang lumapit si Kyle at tinignan ang bunbunan ni Pat. Iniangat ni Kyle ang mukha ni Pat para matignan itong maigi, inalis ang pagkakasapo ng kamay at matamang tinignan ang magagandang mata ni Pat at inilagay ang magkabilang kamay sa mga balikat nito. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mga mukha.


Are you OK?” tanong ni Kyle, tunay ang pagaalala na narinig ni Pat sa sinabi nito pero agad niya ring ginising ang sarili. Iniisip na nagaalala sa kaniya si Kyle dahil magkaibigan sila at wala ng iba. Hanggang sa pagiging magkaibigan lang ang pagaalala na iyon. Tumago si Pat at hinawi ang mga kamay ni Kyle sa kaniyang mga balikat.


We should go. Dinner should be ready by now.” malamig na sabi ni Pat dahil pinipigilan niya ang umaapaw na emosyon na lumabas sa kaniyang boses para hindi ito mahalata ni Kyle.


Tila naman sinipa si Kyle sa ginawang ito ni Pat. Alam niyang kasalanan niya kung bakit ilag sa kaniya si Pat sa tuwing nagiging masyadong malapit ang kanilang mga katawan. Pinagbintangan niya itong nangmomolestya ng bata at pinagsamantalahan ang kaniyang kahinaan at kalasingan nung gabing iyon.


0000ooo0000


Tahimik na nagsimlua ang hapunan ng grupo. Si Nina kasi ay hindi parin kinikibo si Kyle, si Pat naman sinasariwa ang nangyari sa loob ng tree house, si Kevin ay hindi magawang kumibo dahil natatakot siya na muli siyang singhalan ni Kyle, si Liam naman at Joey ay nagpapabilisang kumain. Nang igala ni Kevin ang kaniyang tingin ay nakita niya na balisa si Pat.



What's wrong?” bulong ni Kevin kay Pat na ikinagising nito mula sa pag-iisip sa mga nangyari sa tree house.


Oh. Uhmmm Nag-iisip ako ng bagong design para sa bago kong project sa opisina.” pabulong din na sagot ni Pat gayong hindi niya alam kung bakit kailangang bumulong.


You know what, I know a couple of architects, you should try talking to them sometimes. You know to exchange ideas, designs and stuff.” pabulong na suhestyon ni Kevin, itatanong na sana ni Pat kung ano ang pangalan ng mga arkitektong kilala ni Kevin nang biglang nagsalita si Kyle.


Yung totoo, Pat? Kevin? Nakakapika na ang palagi niyong pagbubulungan! What? Nina and I are not good enough to know what you guys are talking about?” singhal muli ni Kyle na ikinayuko ni Kevin, ikinagulat ni Pat at ikinairap naman ni Nina.


We were just talking about---” simula ni Pat pero agad din siyang pinutol ni Kyle.


Save it!” singhal muli ni Kyle sabay tayo at muling lumabas ng bahay, ni hindi nagalaw ang kinuwang pizza.


Seriously! What the heck is wrong with him?!” tanong ni Kevin kay Nina.


Oh. He thought you and Pat are fucking each other and that you are setting a bad example for Liam.” kaswal na sagot ni Nina na ikinagulat ni Kevin, Pat, Liam at pati narin ng aso na nagsimula ng tumahol.


Uh-oh. Aunt Nina said the 'f' word.” singit ni Liam sabay paling sa kaliwa ng ulo.



Tinignan ng nakakalokong tingin ni Pat si Nina na ikinairap ng huli habang si Kevin naman ay nagtataka sa kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Liam. Ipinaliwanag ni Pat kung ano ang ibig sabihin nito, pagkatapos magpaliwanag ni Pat ay agad na naisip ni Kevin na maganda iyong ice breaker sa pagiging gloomy ng mood ng bahay gayong hindi niya alam kung magiging maganda ito para sa kaniyang kapatid na si Nina.



We should clean Aunt Nina's mouth now.” mungkahi ni Liam pagkatapos na pagkatapos nilang kumain pare-pareho. Tinignan ng masama ni Nina si Pat at Kevin na may mga nakakalokong ngiti na nakaplaster sa mukha.


0000ooo0000


Patrick, stop it or I'm going to cut your balls off!” singhal ni Nina. Mahigpit kasi ang pagkakahawak dito ni Pat at Kevin papuntang kusina para linisin ng sabon ang bibig nito sa harapan ng kusina. Narinig ni Liam ang pag-singhal na iyon ni Nina kaya't agad nitong tinakpan ang kaniyang pundyo sa takot na gawin din sa kaniya ng kaniyang tiyahin ang banta nito kay Pat.



Sa ginawang ito ni Liam ay hindi mapigilan ni Nina ang mapangiti. Ngayon na lang ulit siya naging ganito kasaya. Nagyon na lang ulit siya nag-enjoy na parang bata. Kinuwa na ni Kevin ang sabon at pinabula ito sa kaniyang mga palad.


No! Please.” humahagikgik na pagmamakaawa ni Nina pero hindi siya pinakinggan ni Pat at Nina na nagsisimula naring humagikgik. Tila ang mga matatanda ay naging kasing edad na lang ni Liam, nagkakasiyahan na miya mo magkakalaro na naggagaguahan. Pero ang kasiyahan na iyon ay hindi nagtagal dahil narinig ni Kyle ang kaguluhan na iyon habang nakaupo ito sa may den.

Nang maabutan na nagkakasiyahan si Pat, Kevin at Nina at pati narin si Liam na humahagikgik habang yakap-yakap si Joey ay hindi maiwasang magalit ni Kyle lalo pa nang makita nito ang pagtitinginan ni Pat at Kevin na tila ba nageenjoy sa pagpaparusa kay Nina. Ang tingin na sila lang dapat ni Pat ang nagsasalo sa tuwing may binabalak silang pangaasar na gagawin kay Liam.


Wow. This is real mature of you guys!” singhal ni Kyle sa may pinto na ikinahinto ng lahat. Si Pat ay napatayo ng deretso at nagtaka sa kung ano naman ang ikinagagalit nito ngayon gayung ginawa rin naman ito ni Kyle sa kaniya noong nagmura siya sa harap ni Liam noon. Si Kevin ay hind mapigilang sisihin ang sarili dahil pakiramdam niya ay simula nung tumambay siya doon kila Kyle ay nagismula na itong maging moody kahit pa alam naman niyang wala siyang ginagawang masama. Si Nina naman kahit may bula pa ang bibig dahil sa pagsabon dito ni Kevin ay hindi rin mapigilang magalit sa brother in law.


Daddy, Aunt Nina said the 'f' word.” seryosong sabi ni Liam na ipinalangin ni Pat na makapagpapakalma sa kaniyang ama. Pero hindi sinagot ang dasal niyang ito.


The 'f' word is just one of your Aunt Nina's favorite swear words, Liam. You shouldn't be surprised anymore. That is how foul your aunt Nina's mouth is.” balik naman ni Kyle na agad ikinatalikod ni Nina at hinugasan ang kaniyang bibig. Magsasalita na sana si Nina nang muling nagsalita si Kyle.


You might also think about listening to your Uncle Kevin. Slut-y words tend to get out of his mouth every now and then.” insulto ulit ni Kyle, kitang kita ni Pat kung pano gumapang ang pagkalito sa mukha ni Liam at nang ma-realize siguro nito na inaaway ng kaniyang ama ang mga kapatid ng kaniyang ina ay nagsimula ng mangilid ang mga luha nito.


Daddy?” pagkuwa ng atensyon ni Liam kay Kyle pero hindi ito pinansin ng huli dahil abala ito sa panonood sa mga mukha ni Nina at Kyle, pinanood niya kung pano maglaro ang galit, pagkadismaya at sakit ng kaniyang sinabi sa mga mukha nito. Pinaghandaan na niya ang isang mainit na pakikipagsagutan kay Kevin at Nina pero nagulat siya ng magkasunod itong lumabas ng pinto palabas sa bakuran. Matapos sumara ng pinto sa likuran ni Kevin ay nagsimula nang makaramdam ng galit sa sarili at pagkahiya sa kaniyang mga ginawa sa mga kapatid ng kaniyang namayapang asawa.


Liam, buddy, why don't you and Joey play in your room for a while? Your daddy and I are just going to talk.” nagising si Kyle sa sinabing ito ni Pat, nakita niyang nakatingin sa kaniya ang anak, may lungkot sa mga mata nito at nagsisimula narin itong humikbi, gusto niya itong yakapin at gusto niya sanang magpaliwanag pero ipinako parin siya ng hiya mula sa kaniyang kinatatayuan. Tumango ang bata sa mungkahi ni Pat at inaya na nito ang gadambuhalang aso papunta sa kaniyang kuwarto.


What the hell is your problem?!” singhal ni Pat, sa unang pagkakataon ay narinig niyang nagalit si Pat at hindi nagbalak na magpatalo si Kyle.


You and Kevin are my problem! Flirting in front of Liam, whispering like we're no good to know what you guys are talking about--- What? I turned you down and you jumped the bones of the first guy you became close with?!” muling nakaramdam ng tila ba tinatadyakan si Pat sa panibagong bintang o insulto na ito ni Kyle.


Wait. Let me get this straight. You already called me a rapist and a child molester, and now you are calling me a slut?! I mean, Kyle, seriously?!” mahinahon pero puno ng galit na tanong ni Pat kay Kyle. Hindi na nakapagsalita pa si Kyle, nagsimula na siyang kabahan sa nagiging takbo ng pagtatalo na iyon. Dahan dahang lumapit si Pat kay Kyle na ikinaatras ng huli dahil sa takot na nakikita mula sa mga mata ni Pat. “You pushed me away. You made me feel bad because according to you I took advantage of you that night and now when you saw me innocently flirting with someone, you automatically assumed that I'm desperate enough to fuck the first guy I met?! Ganoon na ba kalalim ang pagkakakilala mo sakin to judge me that easily?!” inintay ni Pat na sumagot si Kyle at nang hindi ito nagsalita ay ipinagpatuloy niya ang paglalabas ng galit dito.


Nina and I thought that you have a problem with me and Kevin flirting in front of Liam but after you said your last piece, you know what I think now, Kyle? I think that you felt betrayed, I think that your ego got bruised because when you saw me flirting with another guy you realized that you're replaceable, that you are not the only guy I can like, that you're just another guy whom I can have feelings with and there are still millions out there who I can run to once you turn me down. What, Kyle? Did I stepped on your ego that hard?!” sa lagay na ito ay napasandal na si Kyle sa pader ng kusina at halos tatlong pulgada na lang ang layo ng kaniyang mukha mula sa mukha ni Pat.


And you know what else I think, Kyle? I think you're pathetic, a narrow minded asshole, a selfish son of a bitch and the king of homophobe-landia---” ang mga pangiinsulto na ito ni Pat kay Kyle ay nagdulot ng ilang matitinding emosyon na hindi niya kailan man naramdaman pa.


Hindi na natapos pa ni Pat ang kaniyang paglilitanya dahil may isang pares na ng mga labi ang lumapat sa kaniyang mga labi at hindi nagtagal ay marahan na siyang napapikit dahil sa sarap sa pakiramdam ng halikan na iyon---



Itutuloy...


_______________________________
Different Similarities 2[11]
by: Migs

58 comments:

  1. Muli, maraming salamat po sa mga nag-comment. Late post nanaman. haist! haha! Guys, pakidalaw ang zite ni Zekiel, isa siya sa pinakabagong manunulat ng bi romance sa mundo ng blogosphere at sinisiguro ko sainyong hindi kayo magsisisi sa pag-follow sa kaniyang blog.

    eto oh, try niyo. :-)... http://zildjianstories.blogspot.com/ siya yung may pic sa baba. :-)

    Stringx: baka nga magkapatid tayo. haha! marami na ngayon ang possessive kasi marami ng ahas. :-D tama ba? haha!

    frontier: thanks din! :-) though I'm not sure about the kilig moments. I'm trying to limit them na eh, para naman hindi ako mastuck sa mga teenybopper na theme ng storya. :-)

    Midnytdanzer: haha! sige nga! sayawan mo kami! :-)

    rei: baka confused pa kasi si Kyle. haha!

    ras: nose bleed naman ako sa sinabi mo! haha!

    jetlander: thanks! Hindi kaya ako inspired! matagal na akong hindi naiinspire! hahaha! nada ang love life eh! haha!

    Glitterati: you must really hate how i end my stories sometimes. haha! I love that "Let's just be friends and shit because we're good at being one." kind of story. :-D

    russ: dilis na lang ang mga straight ngayon na o-over fish pa. haha!

    Vince: i don't know, I'm just not good at receiving complements. ;(

    Erwin F.: try "it's fun playing in two different worlds. you should try it." hahaha!

    blue fox: I'm afraid that's not going to happen after this chapter. haha!

    TJ: friendly ako talaga. shy lang. hehe! thanks!

    --makki--: yun lang angs sasabihin mo?! joke! haha! thanks sa palaging pag-co-comment! :-)

    aR: sorry to disappoint you pero malapit na 'to matapos. haha! may happy ending na kaya si Ram! ano kaba! haha!

    John: Kyle is a doctor and he still finds time to watch CSI and get jealous. hahaha! this story line is far from being realistic kung yan ang gusto mong marinig. ahahaha! likot lang talaga ng imagination ko. :-)

    --kean:]: nakakakilig parin ba? haha! di pala ako successful sa sinasabing EMOTION CONFINEMENT ni Sir Josh sa paggagawa ng story. Yan kasi ang pinagaaralan kong gawin. haha!

    xheanne: uso naman ang indenial ngayon, hayaan mo siya. hahaha! thanks!

    _ichigo XD_: namiss kita! or your comments, rather! thanks!

    wastedpup: wala ng selosan masyado sa chapter na ito. hihi.

    gerald: haha! thanks! i try to eliminate these filler chapters but i son't know how to. haha! pinagaaralan ko parin yan na tanggalin. haist.

    egay: nako wala ng kilig moments. complicated moments pwede pa. :-) thanks!

    -Mike-: pauwi na si Drei! haha! Nursing ang course mo?! gusto mo ba talaga yan, nako hijo kung may pagkakataon pa umatras ka na. mahihirapan ka pagkagraduate, promise. well, para sakin lang naman yun. hihi! :-)

    #28: nice blogger name! :-)

    --ANDY: bilol ka parin? haha! tingin ko ibig mong sabihin LUMILIKO hindi kumikilo. haha! I love you too. Oh OK na? haha! (napilitan lang. haha!)

    allan: nice quotes. I enjoy them! thanks!

    Mr. Brickwall: ako din araw araw puyat. haist talaga. may galit ka kay Kyle? haha!

    jemyro: napansin ko lang! haha!

    Aba- ang gusto niyo ata ay back to back lang ang chap! haha! mas madami kasing comments kapag ganun eh. OK lang naman sakin kung hindi kayo makakapag-comment alam ko namang may buhay din kayo. haha! :-)

    My last post got 456 visitors for the first 2 days being posted. Sana maski yung 300 sa mga yun makapagfollow sa blog ko o kaya naman mag-comment. sigurado pag nangyari iyon magiging inspired pa akong mag-sulat. (parang Emotional blackmail lang.) haha! Seriously. Thanks guys! nag-comment man o hindi! :-D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Literally, maraming ahas nasa Zoo. Figuratively, marami ring ahas, nasa tabi-tabi, mag-ingat baka makagat. Ahahaha...

      I always wanted a big brother, panganay kasi ako hindi ko alam kung ano ang pakiramdam na may matandang kapatid sa pamilya.

      Nagbabasa rin ako sa mga stories sa blog ni Zildjian. :)

      Basa muna. >_<

      Delete
  2. Waaaaaahhhhhhh hahahaha i like it!!!

    KV

    ReplyDelete
  3. wahahaha
    first to read.....

    nice one migz, I think nageexcuse lang si kyle ang totoo is nagseselos lang sya sa closeness ni Pat at Kevin hehehe.

    Thanks migs for an exciting chapter.
    God Bless and Keep on writing.

    ReplyDelete
  4. gondo gondo!kinilig ako dun, hahaha XD

    ReplyDelete
  5. Kuya!!!nakanganga na ako sa chapter na to! haha! sorry for not commenting lately. :( Medyo naguluhan lang sa mga nangari sa buhay2 although masaya naman. haha! Thanks again for the story and I am, as always, looking forward to a back-toback chapter. haha! (abusado lang minsan. XD)

    Still a great story, still a great twist of the story, kulang nlang makita ni Liam si Kyle at Pat na magkahalikan at talagang gugulo na ang lahat! haha! Anyway, ganda parin talaga ng mga akda mo and it keeps geeting better. Mas naging unpredictable siya at un ang pinakagusto ko sa lahat. :D :D : Again, thank you very much kuya! :D :D :D

    Btw, about sa reply mo dati, hanggang ngayon may "R" syndrome parin ako eh, di na nga lang ganun kalala. haha!XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. -->nIx nga pala ito. haha

      Delete
    2. Makialam ako ah, "R" syndrome?

      Delete
    3. @stringx: pauso ko lang yan. haha! "S" deficiency: yung mga tao na bulol sa "s" or yung mga tao na kinakagat ang mga labi nila kapag nagsasabi sila ng isang salita na ma-"s" (i.e. mississippi) "R" syndrome naman yung mga bulol sa "R" tulad ni Liam. hehe. Pareho kong problema yan nung bata ako, nawala lang nung nag braces ako saka nang i-therapy ako ng kapatid ko na speech therapist. :-)

      Delete
    4. Ahh... Yan lang pala. Salamat sa information. :D
      Buti na lang wala ako ng R syndrome at S deficiency.

      Delete
    5. kuya lht po ng sinulat mo png phr.. kmo

      Delete
  6. Horatio - CSI: Miami pala. Akala ko 'yung original na CSI; D.B. Russell na ang supervisor ng team sa current season after Langston.

    Wow! May confrontation na naganap; the much-awaited confrontation nina Kyle at Patwick sa kanilang naramdaman.

    See! If you just spill the beans, the truth prevails.

    Cute ni Liam!

    Kudos!

    ReplyDelete
  7. First time to comment! *silent reader. Ill put my comment na para ganahan ka magsulat! Ehehe.. I really like your stories! Three days palang ako nagbabasa sa blog mo pero i manage to read all your stories! na hook kasi ako. Ang ganda ng storiea mo! Sana mabilis ung update ngaun. Nagugustuhan ko yung akbo now! Ehehe keep it up po :-)

    - ivan d.

    ReplyDelete
  8. "When I saw you I was afraid to meet you. When I met you I was afraid to kiss you. When I kissed you I was afraid to love you. Now that I love you, I am afraid to lose you."

    ReplyDelete
  9. A kiss is a lovely trick designed by nature to stop speech when words become superfluous.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Love this quotes. This is true sometimes.

      Delete
    2. ang galing naman ni Mr. Allan, swak na swak dito sa huling part. Kuya Migs ang galing mo talaga. iloveu.


      -=mYc0=-

      Delete
    3. "Hindi mo kailangang maging mabait palagi. Ipakita mo rin ang bad side mo nang malaman mo kung sinong nakakatanggap sayo."

      Delete
  10. Hi Migs! darating din ang magpapa inspire sa iyo ng todo todo :) This chapter is one of my favorites! Liam is so adorable :)

    ReplyDelete
  11. Ang sarap naman nung last scene.. Thumbs up migs.. ive been following your stories... nice job... Sensya na ngayon lang ako nakapag comment.. kudos!

    ReplyDelete
  12. hi migs. Ang galing naman ng chapter na to. Boom! Ayun naghalikan na sila. Hahaha di na nakapagpigil si kyle. Sakto ung quote ni Mr. allan above. Next na po.

    ReplyDelete
  13. NGANGA! Un ang nangyari sa akin. Ayan na naman e. Nung kumain ng "hotdog" si Pat nagalit si Kyle. Ngayon si Kyle naman kumain ng "Kisses" baka si Pat naman ang magalit. Hahaha sana ibang klase ang magalit. :)))

    ReplyDelete
  14. Ewan. Para akong engot natatawa sa binabasa ko di naman nakakatawa. Baliw lang hahaha. Ayieee di na nakapagpigil si Kyle buti nga ng tumahimik daldal kase. lol

    ReplyDelete
  15. Waaah!! Love din ako ni kuya migs! (kahit napilitan lang) Love ako ni kuya migs! Lol!

    I love you more Kuya Migs!!!

    Pero I hate you muna ^^v kasi binitin mo kami sa chapter na to. Haha! Ang ineexpect ko pa naman eh magwowalkout si pat after nya sigawan si Kyle, pero hindi, hinalikan sya ni Kyle!!! Galing mo kuya migs!!

    Siguradong si Eric at Alvin ang tinutukoy ni Kevin! Gusto ko sila makita sa story na to. Haha!

    kuya migs thanks sa mabilis na update. Happy na ulit ang araw ko, pantanggal ng pagod.

    --ANDY

    ReplyDelete
  16. Seryoso??? Kiss agad?? Haha... Kinikilig ako at ang lips ko "o" haha.. Talagang kelangan nakahawak dun si liam?? Haha...ang cute... Kakatuwa... Galing!! Clap clap!!!

    ReplyDelete
  17. omg. ayan naghalikan na. sana naman mag aminan na ng feeelings. hehehe

    rei

    ReplyDelete
  18. naks..ganun! sa halikan lang pala ang ending..hehehe awayin ko nga din ang hubby ko pra ikiss ko din siya hehehe..

    dilis? sa tingin ko lumot na lang ang straight migs ngayon..hahaha..

    ReplyDelete
  19. I dunno what to say with this chapter. Nganga muna ako..

    But I always knew that Kyle is a ticking time bomb, and I think he just exploded, nice narrative Kuya Migs.(sorry cno ba mas matanda sa atin..?? I'm 23) hehe

    ReplyDelete
  20. ahh! kinikilig ako! ahhhhh! im imagining how kyle kissed patwick! and how pat liked it! ahhh!

    ReplyDelete
  21. Okay.... *note to self*

    " Pagkatapos maging architect, humanap ng single dad na may 4 year old kid"

    =)))) kidding HAHAHA,

    On a serious note, masasanay ka rin sa complements kuya migs, I think being complemented is one of the best experience one could ever have, =) wala lang, just felt the need to share that thought ;)

    Liked this chapter by the way, nabubuhayan ako ng loob sa crush ko ,>:) hahaha looking forward for more =) take care kuya =)

    ReplyDelete
  22. grabe....si zikiel? gusto ko rin ang mga stories niya. parang pareho kayo ng style nga eh.... yon bang magkadugrong dugtong ang mga kwento. GALING nyong dalawa.

    palagi kong inaabangan ang mga susunod na chapters at kwento ninyo. Wish ko ring macompile niyo ang mga ito at gawing book.
    isa ako sa unang unang bibili.

    Blessings....

    ReplyDelete
  23. Wowowoh.. Napaka ill-tempered naman ni kyle. Whew.. Yan na ata pinaka nakakairitang manifestation of jealousy. Haha. Kasi naman di pa diretsahang umamin ng feelings kay pat para di sila pare-parehong nangangapa. Ang pobreng liam tuloy ang nagsa-suffer. And on pat's part, he easily gave in to his feelings for kyle. Wag ganun, pahirapan mo muna para di ka i-take for granted. Haist.. Affected much? Galing xe ni sir migs eh. Hehe next chap na nga.. :)



    blue fox

    ReplyDelete
  24. Aww matatapos na siyaXD hambilis lang haha

    Shoot to kyle he deserves that from patrick..narrowed minded people so retarded they easily judged people what they see outside pfft...wala lang na feel ko situation ni pat..feelingero ako lang talaga akoXD

    anyway isang OMG!!!! did kyle just kiss pat?? anu yun too much criticism kaya only kissing can make pat stfu? sana itulak siya ni pat!! Go pat wag bibigay!!! haha...panu na lang kung bumalik si liam? boom!!

    And Ram..anu yan sa next book na bayan;) h

    ReplyDelete
  25. ayun oh! kiss.... tapos torrid kiss.... tapos putukan ulit! LOL happy new year ulit kina Kyle at Pat! bwahaahah

    ayiiiee! nice chapz migz! idol!

    ReplyDelete
  26. seriously? Un ung end ng chapter? Geeez, sobrang BITIN! Andun na e..hehe
    mapapamura ka talaga kilig.
    Next na yan! Lol
    -frontier

    ReplyDelete
  27. ahhh the power of true love's kiss. They say it has the ability to break all curse - even the most powerful one. And that curse is cast upon these people which are known to us as homophobes. What the hell am I writing? Sorry Migs for adding some fairy tale flavor to my comment. I've been watching this Once Upon a Time series for quite sometime now. And it's very addicting, like this story. I wasn't expecting a kiss from that homophobe. HAHAHA!And thank God, IT'S FRIDAY. :)

    ReplyDelete
  28. Sorry Kuya Migs!

    Late ang comments ko bago ka naka update pero rest assured, maglalagay pa rin ako sa mga previous parts. Syempre! ganda ng story mo eh! :D

    You could sense na may jealousy kay Kyle dahil sa mga kinikilos at iniisip niya also, the similarities between Karen and Patwick like Patwick is the only one who can make Nina shut up and brighten up Liam's mood in an instance.

    Sa wakas! The KISS!
    or what you would say....
    "Magic and Fireworks"

    hahahahaha. kinuha sa "Taking Chances". Pumasok kasi agad sa isip ko eh. :P

    I can't wait for the next parts Kuya Migs!

    Go! lang ng Go! Kuya Migs! :D

    Supporting you always,
    - Jay!:)

    P.S. Dapat may "Magic and Fireworks" din sa susunod. hahahah. :D

    ReplyDelete
  29. Woooooooahhhhh

    sarap ng kiss lols

    #28

    ReplyDelete
  30. Ang ganda!!

    Ikaw na talaga kuya migs!! Kahit intoxicated ako. Waah. Napabilib mo ulit ako. You always make us anticipate for more. Waaah.. keep up the good work.

    Anyways. Kumusta na kayo ng anak mo? Still waiting for your chasing pavements .. anyways good luck parin sa love life mo! And wishing you all the best!!! Ingat lagi and god bless kuya!!!

    Still praying for you!! Haha...

    _ichigo XD_

    ReplyDelete
  31. ayan na. di na mapigilan ni kyle ang totoong nararamdaman para kay pat. must be some kiss that they are sharing in the end... keep this up Migz. I Love You bro. :))

    ReplyDelete
  32. Kala ko ba wlang kilig? Ang dami kaya! hahaha and this chapter was sealed with a KISS!!!!!! What a way to end my day...

    ReplyDelete
  33. Naku Migs ayoko na dagdagan ang bad exp. Ko sa work ko. I flirted with a client dati and tamana. Baka matukso pa ako sa ojt ko.

    Anyway tambling ako sa chapter na ito. Kissssssssss! Kyle is so cornered that he gave Pat a kiss para matigil ito. Liam is still cute. Now restless nanaman ako till mabasa ko ang next chapter.

    ReplyDelete
  34. Naku Migs ayoko na dagdagan ang bad exp. Ko sa work ko. I flirted with a client dati and tamana. Baka matukso pa ako sa ojt ko.

    Anyway tambling ako sa chapter na ito. Kissssssssss! Kyle is so cornered that he gave Pat a kiss para matigil ito. Liam is still cute. Now restless nanaman ako till mabasa ko ang next chapter.

    ReplyDelete
  35. my eyes went from this -_- to this O.O!!! loko kang kyle ka bibigay ka rin pala dami pang satsat.


    -Levi-

    ReplyDelete
  36. Late comment na naman! pasensya na kuya migs!

    yan dapat kyle. paspasan na agad! agad-agad! hahaha. para walang piglas, walang palag, walang kawala.

    wawa naman si nina at kevin.

    sana yung ending neto magfastforward. yung tipong 10yrs later. gusto malaman after story ni cutie liam. :)

    ReplyDelete
  37. No, you're not a failure. Sadyang ganun lang talaga ako, mababaw ang kileg. Haha. [O diba? Parang luha lang. Lol]

    Haha. As usual, Thanks sa nakakakileg na nakakainis na din na chapter, Haha.

    ReplyDelete
  38. boom sapul si kyle kay pat hahahaha tama yang ginawa ni pat kay kyle. ito kasi si kyle hindi na lang sabihin na nagseselos sya eh halata naman sa kinikilos nya. naku pat kung magiging kayo ingat ka sa bibig ni kyle kasi kung anu anu mga sinasabi then sa huli biglang magsisisi. kawawa tuloy si liam.

    for sure si alvin at eric yung tinutukoy ni kevin. sana pag pinakilala ni kevin yun kay pat eh sila na ni kyle para mas masaya. =)

    kuya migs gusto ko po talaga mag nursing at baka ituloy ko po ito sa medicine papaalam po muna ako sa mga magulang ko magmedicine hehehehe

    -Mike

    ReplyDelete
  39. excited sa nangyari sa last part neto, next chapter plzzzzzzzz. . . he he he

    ReplyDelete
  40. whoah! didn't expect the kiss from Kyle. (kilig much hihi) the story is getting more and more exciting na, next chapter now na!!!! hehe

    -leian-

    ReplyDelete
  41. Next chapter na mr. Author! Pls? Pde back to back ulit? Makapagrequest lang? Ahaha

    Marlone :-)

    ReplyDelete
  42. All that remains to the mother in modern consumer society is the role of scapegoat; psychoanalysis uses huge amounts of money and time to persuade analysis and to foist their problems on to the absent mother, who has no opportunity to utter a word in her own defense. Hostility to the mother in our societies is an index of mental health........................................

    ReplyDelete
  43. happy mothers day sa laht ng nanay

    ReplyDelete
  44. Let me tell ya 'bout the birds and the bees. And the flowers and the trees. And the moon up above. And a thing called love. Let me tell ya 'bout the stars in the sky. And a gay(lol) and a guy. And the way they could kiss,

    ReplyDelete
  45. i'm planning to write a story..'my background ako pero news writing hindi ko forte ung mga ganito eh...any pointers my dear? for sure it will help me a lot...

    -ryan pla ito-

    ReplyDelete
  46. Love is the power to see similarity in the dissimilar.

    ReplyDelete
  47. uh-oh... isa na namang mainit na hubaran, este, bakbakan ang nagbabadya xD

    grbe, nahhook tlaga aq x.x

    ReplyDelete