Tuesday, May 8, 2012

Different Similarities 2[10]

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.

Lame. Yan ang tanging salita na siyang makapag-de-describe ng poker game nilang iyon. Wala ni isa kay Kyle at Pat ang nagsasalita, si Kevin naman ay desedidong-desedido na talunin ang lahat habang si Nina naman ay abala sa pagmamasid kila Kyle at Pat. Hindi nakaligtas dito ang paminsan-minsang pag-sulyap ni Kyle kay Pat at patuloy na pagpako ni Pat sa kaniyang mga mata sa sahig.


I won--- again.” ni hindi na-excite na pahayag ni Kevin na siyang ikinairap naman ni Nina at Kyle.

I think It's time for me to go home.” sabi ni Kevin sabay tingin sa kaniyang orasan. Ang totoo ay maaga pa para umuwi siya pero hindi na siya nag-e-enjoy at kung papipiliin lang siya ay maaaring kay Liam na lang siya nakipaglaro kung hindi lang ito natutulog katabi si Joey.


Oh. Uhmm you're leaving already? I mean, we haven't had lunch yet. I thought you guys are going to have lunch here?” gising ni Kyle sa kaniyang malalim na pag-iisip.


Well it isn't fun staying here, either, Kyle, so I guess that is Kevin's way of saying he's not enjoying anymore.” bulong ni Nina na ikinagawad naman sa kaniya ng palihim na pag-siko mula kay Kevin. Marahang pumito si Kevin, agad namang tumayo si Joey mula sa pagkakahiga sa tabi ni Liam na siyang gumising sa bata.


Joey, where are you going, buddy?” tanong ni Liam sa aso.


Uuwi na kami ni Joey, Liam.” baling ni Kevin sa kaniyang pamangkin sabay yakap dito ng mahigpit.


But I don't want you to leave yet. Can you live here with us?” inaantok na tanong ni Liam sabay kusot sa kaniyang mga mata na ikinahagikgik ng tiyuhin nito.


I'd liked to, buddy. But there are many dogs waiting for me in the clinic. I can't leave them.” palusot ni Kevin sa bata sabay ngiti.


OK.” matipid na sagot ni Liam na hindi naman mahirap kumbinsihin.


I think I better get going too.” pabulong na sabi ni Pat na sa sahig parin nakatuon ang tingin.


I also don't want you to leave yet, Patwick. I miss you, we don't play anymore.” sabi ni Liam sabay yakap sa mga binti ni Pat na ikinalungkot naman ni Kyle dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit nami-miss ng kaniyang anak ang kaibigan na kung tutuusin ay maaari naman nitong makita araw araw dahil kapitbahay lang niya ito.



I missed you too, buddy.” balik naman ni Pat at hinalikan ang bata sa bunbunan nito.


Bye, Kyle. It was nice seeing you again.” paalam ulit ni Kevin habang kasunod naman si Pat na sinusundan naman ni Joey at ng humihikbi parin na si Liam.


Kev, I'll see you tomorrow, yeah?” tanong naman ni Nina sa kapatid sabay yakap.


Yup.” matipid na sagot ni Kevin sabay ngiti ang yakapan na iyon ng magkapatid ay nag-iwan kay Pat at Kyle na balisang magkaharap at di magawang ibaling ang kanilang tingin sa isa't isa. Si Pat, nahihiya at natatakot dahil baka may makita siyang galit sa mga mata ni Kyle sa oras na tumingin siya don at si Kyle naman ay nahihiya sa kaniyang ginawang pagtataboy kay Pat noon na tila ba wala lang sa kaniya ang kanilang pagkakaibigan at pinagsamahan sa loob ng dalawang buwan.


Thanks for the drinks.” pabulong na pasasalamat ni Pat kay Kyle na ikinagulat ng huli. Yun ang unang pagkakataon na nagsalita ang isa sa kanila. Ito lang ang nasabi ni Pat dahil wala na siyang ibang maisip na pwedeng ipagpasalamat kay Kyle, kaya naman kahit gaanong ka-lame niyon ay sinabi parin niya ito wag lang silang balutin ng katahimikan at awkwardness habang nagpapaalam sa isa't isa si Kevin at Nina.


I-I was a-actually going to ask you to stay so we--- C-can we talk?” nakayukong tanong ni Kyle na ikinagulat naman ni Pat. Agad siyang tumingin sa magkapatid na masuyo namang ngumiti sa kaniya.


Maybe Liam and I should go with you for a while, Kevin.” sabi ni Nina, tututol na sana si Pat at Kyle nang mabilis na lumabas si Kevin, Nina, Liam at Joey sa front door at isinalampak ang pinto sa hamba nito.


Saglit na binalot ng katahimikan ang dalawa, hindi parin magawang tignan ang isa't isa.


Do you want some beer?” nagaalangang tanong ni Kyle kay Pat, tumango na lang si Pat at sinundan si Kyle papunta sa kusina pagkasagot.


Look I'm sorry about what happened last week. I know you're not going to hurt Li---” simula ni Kyle habang nakayuko at kumukuwa ng beer sa loob ng ref, agad na nagsalita si Pat, desperado na gawin lahat wag lang mapag-usapan ang nangyari nung nakaraang linggo dahil sa takot na baka pagsimulan pa iyon ng panibagong away sa oras na may masabi sila sa isa't isa na hindi maganda.


Hey, it's OK. I should be the one apologizing---” simula naman ni Pat pero dahil pareho silang ng kinatatakutan ni Kyle ay agad din siyang pinutol ng huli sa pagsasalita.


Hey, we're both sorry and on the wrong that day. We can forget all that has happened and start over. Yeah?” nakangiting mungkahi ni Kyle na umaasang nagustuhan din ni Pat ang mungkahi na iyon. Hindi na sumagot si Pat at simpleng ngumiti na lang ito bilang pag-sangayon sa gustong mangyari ni Kyle.


Deal.”

0000ooo0000


I told you he's the killer!” sigaw ni Kyle nang sa wakas ay inilantad na kung sino ang pumapatay sa kanilang pinapanood na CSI.


Nawala na ang pagaalangan sa pagitan ng dalawa at tila ba magic na nabura lahat ng nangyari at muli silang bumalik sa pagiging magkaibigan, pagkatapos nung tagpo sa kusina ay tila ba inalis sa mga balikat ni Pat at Kyle ang bigat ng nangyari noong nakaraang linggo. Masaya si Pat sa panibagong simula nila na iyon ni Kyle pero nagiingat din siya dahil natatakot siya na baka sa simple niyang pagkakamali o kaya naman ay may ikilos siyang hindi nito magustuhan ay muli silang magkaaway ni Kyle, kaya naman nang tumabi sa kaniya si Kyle noong magsisimula pa lang ang palabas ay agad siyang tumayo at lumipat sa kabilang upuan, napansin ito ni Kyle ngunit hindi na lang siya nagsalita tungkol pa doon.


Alam ni Kyle na pareho na nilang handang kalimutan ni Pat ang nangyari noong nakaraang linggo pero hindi parin nakaligtas kay Kyle ang ipinapakitang takot at pagaalangan sa kaniya ni Pat at ito ay talaga namang ikinalungkot niya. Handa siyang gawin ang lahat bumalik lang ang pagkakaibigan nila sa dati, yung tipong mga bata na walang pakielam basta't nagkakasiyahan. Habang nanonood ang dalawa ay ilang beses na sinubukan ni Kyle na bigyan ng kasiguraduhan si Pat na hindi na niya muli itong aawayin o pagbibintangan pero hindi siya dalawin ng lakas ng loob.


You're good at guessing games, Kyle and I suck at them.” balik naman ni Pat sabay iling, hindi makapaniwala na naisahan nga siya ni Kyle.


Dude, just admit that you are slow when it comes to figuring out the obvious!” sabi ni Kyle at sabay silang napahagikgik, dahil para kay Pat ay may punto si Kyle. Sasagot pa sana si Pat nang magbukas ang front door at iniluwa noon si Nina minus Liam, Kevin at ang malaki nitong aso.


Oh hey! Nice to see you guys talking again.” bati ni Nina nang abutan niya ang dalawa na humahagikgik sa may sala.


Where's Liam?” tanong ni Kyle, hindi pinansin ang pahayag ni Nina sabay tingin sa likod ni Nina, tinitignan kung andun ang kaniyang anak.


Oh he's outside, he's talking to Pauline.” kibit balikat na


Pauline? Liam hate's Pauline, are you sure they are just talking and not punching each other?” nangingiting tanong ni Kyle sa hipag.


Pauline's mom is there with her so Liam has no choice but to stay and listen to whatever Pauline is going to say to him.” umiiling at nangingiting sabi ni Nina. “Hey! You guys didn't answer me! You guys fixed this misunderstanding, yeah?” tanong ulit ni Nina sabay taas ng kilay sa dalawa, tumango lang si Kyle at Pat.


Good. Pat are you going to stay for dinner?” tanong ni Nina. Agad namang tumingin si Pat sa kaniyang relo at hindi makapaniwala sa nakita doon.


Oh I can't, Nina. I promised mom when I called earlier that we will eat out tonight since dad closed another major deal earlier at lunch.” sagot ni Pat sabay tayo mula sa kinauupuan at nagbeso kay Nina.


Patwick, are we going to run tomorrow?” tanong naman ni Liam na ikinagulat ng lahat sa biglang pagsulpot nito, ibinaling ni Pat ang kaniyang tingin kay Kyle na tila ba nagpapaalam dito, masuyo namang tumango si kyle bilang sagot.


Sure, buddy.” sagot ni Pat sa masuyong nagiintay na bata.


Yay!”


What did you and Pauline talked about back there?” tanong ni Nina sabay akay sa bata papunta sa kusina upang maghugas na ng kamay para makapaghapunan na. Nakangiting kinawayan ni Pat si Kyle at tumalikod na at palabas na sana ng front door nang tawagin ulit ni Kyle ang pansin niya.


Hey Pat, how about we watch another season of CSI? I have 'em on DVD.” nakangisi pero namumula ang pisngi sa hiyang tanong ni Kyle, tumango na lang si Pat atsaka magiliw na ngumiti. Hindi narin napigilan ni Kyle ang mapangiti, nagagalak dahil muling bumalik ang unang pagkakaibigan na kaniyang ginawa matapos mamatay ang kaniyang asawa.


0000ooo0000


You--- guys--- run--- like--- this--- every--- morning?--- And--- Liam--- comes--- with--- you---?” humihingal na tnong ni Kyle kay Pat at Louie matapos nilang tumakbo.


Hey, don't under estimate your kid. He's a tough one though minsan gusto niya buhatin ko siya kapag wala siya sa mood.” sabi ni Pat, pabulong na sinabi ang mga huling salita upang hindi marinig ng bata na nakikipagkulitan kay Louie.


Yeah, he's a tough one---” sabi ni Kyle habang nakatingin kay Liam. “Hey. I think I'm going to join you guys every morning.” habol ni Kyle sabay ngisi.


Yeah, I think you should. Your as-butt is getting bigger.” pangiinis na sabi ni Pat ka Kyle.


Careful. Careful. You don't want me to clean your mouth with soap again, right? And my butt is not big! It's sexy! Like J.Lo's” balik naman ni Kyle sabay ngisi.


J. Lo's butt is sexy! But yours? I don't know dude, it's more like a Randy Jackson butt to me.” balik naman ni Pat.


Nu uh! I'm sexy and I know it.”


Well, you're the only one who knows you're sexy and for the rest of the mankind your butt is just uhmmm too big.


Nang makarating sila sa harapan ng kanilang mga bahay ay patuloy parin sa pagiinisan ang dalawa at hindi ito nakaligtas kay Louie, hindi parin ito panatag sa muling pagbubuo ng pagkakaibigan ng kaniyang anak at ni Kyle, sa pakiwari kasi niya ay tila ba nakalimutan na ng kaniyang anak ang masasakit na sinabi ni Kyle sa kaniya noon lang nakaraang linggo.



Pat, is our CSI marathon still on?” tanong ni Kyle bago pumasok sa kanilang gate.


Yeah sure.” sagot naman ni Pat, ibinaling ni Kyle ang kaniyang tingin kay Louie, nakikita niyang hindi parin ito masaya na muling nanumbalik ang pagkakaibigan nila ng kaniyang anak pero hindi nun maiaalis ang respeto dito ni Kyle kaya naman pati ito ay inaya niya.


How about you Louie? Wanna watch CSI with us?” magalang na tanong ni Kyle, binigyan siya ng mapanuring tingin ng matanda bago sumagot.


I'll pass.” matipid na sagot ni Louie na ikinahiya naman ni Kyle.


OK.” tahimik na balik ni Kyle sabay tingin kay Pat na tila ba nagsasabing 'pasok na tayo sa loob, natatakot na ako sa tatay mo.'


Why don't you go ahead and prepare the CD, I'll just have a word with dad.” pagpapauna ni Pt kila Kyle, nakuwa naman agad ni Kyle ang ibig sabihin ni Pat at tumango na lang ito at mabilis na pumasok sa sariling bahay kasama ang anak.


Look, I know what you're going to say. I'm sorry if I'm a bit harsh on him. I just don't want to see you get hurt again.” mainit na sabi ni Louie sabay talikod at naglakad pauwi, iniwan na nakatayo sa harapan ng gate nila Kyle si Pat na nakanganga.



0000ooo0000


PATWICK! Unc Kevin is here! He's looking for you!” sigaw ni Liam pagkapasok na pagkapasok ni Pat sa gate ng bahay nila Kyle. Nakikipagharutan si Liam sa dambuhalang aso na si Joey.


Naabutan ni Pat si Kevin na magiliw na kumakaway sa kaniya sa may front door, si Nina na nakangisi at si Kyle ay may hindi maipaliwanag na reaksyon sa kaniyang mukha.


Nina invited me for the CSI marathon. I hope you and Kyle don't mind--” banggit ni Kevin nang makalapit si Pat sa may pinto sabay napatungo sa hiya, alam niya kasing tila ba nanghihimasok siya sa mga plano ni Kyle, Pat at Nina pero wala siyang ibang magawa sa bahay at alam niyang mababagot lang siya doon dahil asa out of town si Drei para sa isang business meeting.


Napangiti naman si Pat. Itinuturing niya na rin kasing isang mabuting kaibigan si Kevin matapos siya nitong aluhin kahapon sa agahan nang mapansin nitong hindi siya mapakali nang biglang sumulpot si Kyle na galit na galit at hinahanap ang kaniyang anak, kahit pa kakikilala lamang nila ni Kevin at yung tanging maliit na bagay lang na iyon ang kaniyang maituturing na nagawa ni Kevin sa kaniya ay itinuturing narin niya itong isang mabuting kaibigan. Kaya naman nang mapansin ni Pat na tila ba balisa si Kevin at gustong-gusto ng makakasama ay agad niya itong nilapitan.


Ha! Get your butt ready to be kicked. I practiced last night. I'm going to beat your butt, I'm going to be hailed the new poker king!” pagmamayabang ni Pat at inakbayan si Kevin na humagikgik na lang matapos umirap ni Nina habang si Kyle ay nagpahuli sa pagpasok sa sariling bahay at pinanood si Pat at ang magkapaitd na tuloy- tuloy na pumasok sa loob ng bahay.


Poker? I thought we're going to watch CSI?” nagtatakang tanong ni Kyle sa sarili habang pinapanood ang kaniyang mga kasama pumasok ng bahay.


0000ooo0000


Tatlong araw ang lumipas at malungkot parin si Kevin dahil sa hindi parin umuuwi si Drei mula sa business trip nito, kaya naman para hindi mamatay sa lungkot ay naisipan ni Kevin na bunuin ang bawat araw na wala si Drei sa kaniyang tabi sa piling ng kaniyang kapatid na si Nina, brother in law na si Kyle at ang isa na ngayon sa kaniyang matalik na kaibigan na si Pat.


Hindi nakaligtas kay Pat ang madalas na ngayong pag-sama sa kanila ni Kevin kahit pa malayo ang bahay nito. Hindi rin nakaligtas kay Pat ang halatang-halata na lungkot sa mukha Kevin kaya naman maski hindi niya ito sabihin kay Kevin ay ginagawa niya parin lahat maibsan lang ng konti ang lungkot nito. Andyan ang patawanin ito sa tuwing natatahimik ng saglit, ang pilitin itong magkuwento sa tuwing babagsak ang mukha nito kapag may nakapagpapaalala sa kaniya na wala sa kaniyang tabi ngayon ang kaniyang nobyo. Andyan nadin ang paminsan-minsang panglalandi dito maiparating lang na wala siyang dahilang malungkot at ang pagpapaalala dito madalas na namimiss din siya malamang ni Drei na wala sa kaniyang tabi.



Hindi rin nakaligtas kay Kyle ang nagayo'y madalas na pagbisita at pag-tambay ni Kevin sa kaniyang bahay kahit pa ubod ng layo ng pinagtratrabahuhan nito at bahay nito. Hindi rin nakaligtas kay Kyle na nagiging malapit narin si Kevin at Pat sa isa't isa. Sa hinuna ni Kyle ay wala naman siyang problema dito dahil pareho naman ng sexual orientation ang dalawa pero tila ba may tumutulak sa kaniya na pigilan ang paglalapit na iyon ng dalawa. Hindi niya maintindihan kung bakit pero palakas ng palakas ang kagustuhan niyang humdalang sa dalawa lalo na kapag pinapanood niyang nagtatawanan ang dalawa o kaya naman nagbubulungan.


Naisip niya na noon lalo na nung hindi niya magamit ang kaniyang mga daliri ay madalas na sila lamang dalawa ni Pat ang nagtatawanan o kaya naman nag-ga-gaguhan, nagbubulungan kapag may panlolokong ibinabalak kay Liam at sila lamang dalawa ang nanonood ng TV at nagma-marathon ng CSI. Sabay sa naisip na iyon ni Kyle ay napagtanto niyang marahil iyon ang problema, ayaw niyang i-share si Pat sa iba, ayaw niyang may ibang tao na katawanan, kagaguhan at kabulungan si Pat kahit pa brother in law niya ang pinaguusapan dahil naisip niya na siya ang unang naging kaibigan ni Pat kaya't siya lang dapat ang katawanan, kagaguhan at kabulungan nito.


Oo, yun nga ang problema. Yun lang ang problema.” pangungumbinsi ni Kyle sa kaniyang sarili.


So when is he going to come home?” tanong ni Pat kay Kevin habang nagliligpit ng kanilang pinagkainan sa kusina ni Kyle.


Day after tomorrow.” nakangiti at excited na sagot ni Kevin.


So I guess I'm not allowed to flirt with you anymore?” taas babang kilay na tanong ni Pat na ikinahagikgik naman ni Kevin.


I'm sure he won't mind.” taas baba ring kilay na sagot ni Kevin at sabay humagikgik.


Gwapo man si Pat para kay Kevin ay tanging pagkakaibigan lang ang nararamdaman niya dito at alam nyang ganun din si Pat sa kaniya at laking pasalamat niya dito. Kung sa iba siguro iyon ay malamang inakit na siya at mapipilitan pa siyang magkasala kay Drei. Laking pasalamat niya rin dahil kahit papano ay naibsan ang kaniyang pagkalungkot sa tulong ng kaibigan.



Kaya naman kung ang kapalit lang ay ang pakikipaglandian dito pabalik ay bakit hindi niya pa ito ibigay. Alam nilang pareho na walang kahahantungan iyon at tanging libangan lang ito sa kanila.



Ang paglalandian na ito ni Kevin at Pat ay hindi nanaman nakaligtas kay Kyle at Nina. Hindi man nila naririnig ang pinaguusapan ng dalawa ay basang-basa naman ng mga ito ang paglalandian na ipinapakita ng kanilang katawan. Saglit na nagdikit ang kilay ni Kyle atsaka humarap kay Nina dahil hindi na niya mapigilang magtanong, gustong gusto na niyang malaman kung ano nga bang namamagitan kay Pat at Kevin at bakit tila wala na sa kaniya ang atensyon ng kaniyang kaibigan na si Pat. Ang biglaang pagharap na ito ni Kyle at ikinagulat naman ni Nina.



Geesh, Kyle! Huwag ka ngang haharap basta-basta. For a minute there I thought your head is going to snap off your neck.” si Nina na hindi naman pinasin ni Kyle at itinuloy lang ang pagtatanong.


Is it just me or are they flirting with each other?” tanong ni Kyle. Napaisip saglit si Nina.


Alam ni Nina na hindi kailanman lolokohin ni Kevin si Drei at alam niya rin na paraan lang ito ni Pat para pasiyahin ang nalulungkot na si Kevin dahil sa saglit na pag-alis ni Drei pero hindi niya ito sasabihin kay Kyle dahil gusto muna niyang asarin ito.


Why? Are you jealous that Your bestfwend Patwick found someone new to play with?” pa-baby talk na pagaasar ni Nina na ikinaasar naman talaga ni Kyle.


I'm not jealous and I'm never going to be jealous, Nina. It's just that what if Liam walked on them like that? Pano nila i-e-explain sa bata? Pano kung tanungin ako ni Liam? Anong sasabihin ko?” nanunubok na tanong ni Kyle, kahit pa hindi naman talaga iyon ang kaniyang iniisip na sabihin ay sinabi niya parin ito para lang matameme si Nina sa kaniyang pangaasar. Ang sinabing ito ni Kyle ay isang malaking pagkakamali umirap muna si Nina atsaka mainit na sinagot si Kyle.


Tell him that there is nothing wrong with a little flirting either it's from a straight couple or a gay one! Sa tingin ko nga mas maganda yung maaga pa lang na-e-expose na si Liam sa mga ganyan para hindi siya lumaking homophobe at makitid ang utak na katulad mo.” mainit na simula ni Nina, hindi niya alam kung bakit pero meron sa tanong na iyon ni Kyle sa kaniya na sobrang kinainis niya at ikinatayo sa kinauupuan at maglakad palayo kay Kyle.


Hindi mapigilan ni Kyle na pagalitan at tanungin ang sarili kung bakit niya hinayaan ang sarili na tanungin ang nakaka-offend ngang tanong na iyon. Alam niyang hindi iyon ang gusto niyang itanong, gusto lang talaga niyang malaman kung magiging malayo niya na bang kaibigan si Pat dahil na kay Kevin na ang atensyon nito.



Itutuloy...



_______________________________
Different Similarities 2[10]
by: Migs

34 comments:

  1. Hey guys! Thanks sa patuloy na mga nagbabasa at sumusuporta! isang chapter lang ito at medyo filler lang ang dating kumpara sa mga nakaraang chapter, pero importante lahat ang nakasulat dito.

    Muli humihingi ako ng tawad sa tagal ng update. hehe! At muli pinapaalalahanan ko kayo na i-check ang blog na ito.
    http://zildjianstories.blogspot.com/ isa si Zekie sa pinakamatalik kong kaibigan sa mundo ng blogosphere at isa rin siya sa pinakamagaling na bagong writer pagdating sa bi romance genre na story. Mabilis pati yan mag-update! go visit his blog and help him spread his works and talent.

    jemyro: cute chapter ba? haha! si Liam lang naman ata ang binabasa mo eh! haha! Salamat pati.

    John: lahat naman ng straight guys TO lalo na kapag feeling nila hinahabolhabol sila, diba? hehe! Iba ang story na ito ngayon? ibig sabihin ba nun hindi nakakatuwa yung dati? haha! nagpapahinga ako, John. mga isang oras. haha!

    Stringx: whew! akala ko masama na ang dating ko sayo eh. haha! Salamat!

    Mark Ryan: I don't think may mga kilig moment dito sa story na ito. haha! maiba naman. :-)


    Gerald: thanks for the thumbs up! :-) I think the right term to define Nina and Pat's relationship is FRENEMIES. :-) ngayon ko lang nagets yung ibig mong sabiin sa BIOGESIC. haha! slow lang.

    --ANDY: nakiki "I love you" ka na din? haha! Thanks! :-)

    foxriver: Thanks! I'm not sure about the being GREAT part. hehe. Greatness are for GREAT people and I'm soooo far from being one. :-)

    Vince: good luck sa coming out plans mo. Again, like what i said with foxriver-- I don't know about the "Admiring" part of your comment. I'm not the kind of person to be admired, Vince. Thank's though! :-)

    Glitterati: I've always wanted to reply to all your comments but time wouldn't let me, kaya ang posting ko ngayon yung tipong oras na wala akong ginagawa. :-)

    rei: dude, they will keep on coming. I promise you that! :-) Thanks! :-)

    --makki--: putukan nga ang dahilan kung bakit sila nagaway eh! haha!

    MidnytDanzer; Hello, kapag wala ka ng macomment, sayawan mo na lang ako. haha!

    AnonymousMay 6, 2012 2:45 AM: State your name, dude, so i can address you properly! Thanks! I'll be waiting for your next comment with your name attach to it of course! :-)

    AnonymousMay 6, 2012 3:13 AM: I am far from being a genious, sir. thanks for your comment but i would like it more if you attach your name to it next time so i can address you properly. Thanks! :-)

    ReplyDelete
  2. blue fox: thanks for being ermmm hooked. haha!

    Mervin: I don't think a lesbian would appreciate it to be called a fag hag. haha! you're right though, Nina has a fag-hag-ish personality.

    allan: err i don't know what to say. nice quote? :-) stringx and i enjoyed it! Thanks!

    Stringx: ang totoong pangalan ni Nina ay Karnina! haha! naisip ko lang. Kami rin "M" ang simula ng mga pangalan. Sheyt! baka kapatid kita?! haha!

    Almondz: did i say something funny? ;P stay tuned to find out.

    Erwin F.: Cha said that straight guys doesn't exist anymore. haha! I-recruit mo na yan sa dark side! :-)

    russ: madaming isda pero iilan lang ang tunay na malansa. :-)

    -=mYco=-: kung sino man ang nagsabi na robot ako at tanging template lamang ay isusubong ko sa mga friends ko. Kilala mo ba si optimus prime? si David ng artificial intelligence kilala mo? haha! this is me trying to tell a joke. Pagpasensyahan niyo na. :-)

    Kean:]: maraming salamat din sa iyong papuri sa mundo ng aking blog, maliit lang ang mundo nila na mga ginawa kong characters. haha!

    Mr. Brickwall: I'm sorry but there is only 5 more chapters left then epilogue so i'm afraifd this installment is indeed coming to it's end.

    Mike: summer class? ilang sem ba meron kayo? loaded din ang course na kinuwa mo parang nursing?

    aR: inatyin mo kung anong kalalabasan ni Liam. haha! Tama lang ang alam mo, promise, mas gusto ko pa nga ang ganyan eh.

    AnonymousMay 6, 2012 10:51 AM: I don't know about publishing a book. haha! malamang walang bibili kapag nagkaganon. pakilala ka please. :-)

    whobad: thanks! kinabahan ako sa unang part ng comment mo. haha! akala ko may umaaway na sakin.

    hosto: mas gusto ko ang makata. hehe! pwede mo ba akong gawan ng tula? :-D say thanks to Zekie from me! :-)

    ras: hindi na siya epal, kakampi na siya. :-)

    AnonymousMay 7, 2012 7:04 AM: pakilala ka sa susunod ah! thanks! :-)

    wastedpup: OMG! i can't believe hindi kita napasalamatan. sorry. Mwah! haha! even angels has their bitchy side. :-)

    37 comments! whew! another record breaker! thanks guys! to all silent readers and commentors who have gone on hiatus. Please Please Please. leave a comment(again). Your comments pushes me to write more. :-)

    ReplyDelete
  3. Oo nga pala, letter 'M' pala nagsisimula mga pangalan ninyong magkakapatid, nabasa ko sa "Chasing Pavements". Ang layo na tayo'y magkapatid, taga Cavite ka at ako'y taga Cebu. Kung may pagkakataon man, bakit hindi. :D

    Ahahaha... Si Kyle in-denial na sa totoong naramdaman, possessive pa. I know how that feels. xD

    Kudos!

    ReplyDelete
  4. yes, nakaabot din sa wakas....
    Sana maraming kilig chapters with kyle and pat para masaya...hehe

    thanks for the wonderful chapter
    -frontier

    ReplyDelete
  5. Gusto kong sumayaw ng ala ricky martin ng "shake your bon-bon, shake your bon-bon..." hahaha just thingking how big or sexy is kyle's butt. lol

    ReplyDelete
  6. ayan na nga, nagiging mas exciting na.
    sana lang matauhan na si kyle. denial king pa kasi.

    rei

    ReplyDelete
  7. “No relationship is perfect, ever. There are always some ways you have to bend, to compromise, to give something up in order to gain something greater...The love we have for each other is bigger than these small differences. And that's the key. It's like a big pie chart, and the love in a relationship has to be the biggest piece. Love can make up for a lot.
    ..........................................................ras

    ReplyDelete
  8. Hi Migs! I adore this story line, sana palagi kang inspired para may update agad :) I always check your site and zian sa mga updates. Both of you are great writers

    ReplyDelete
  9. Aww. Thanks for that!

    I hope Kyle gets jealous more. I think that's what he needs to realize Pat's more than a friend.
    Speaking of which, I want them to end up together, I hate the "let's be friends because we're good at that"
    shit.

    ReplyDelete
  10. ahahaha natawa ako migs..oo tama ka iilan lang ang malansa..ung straight na isda ay galunggong na lang echos...hayan kyle go lang ng go before mahuli ka..

    ReplyDelete
  11. :))) i'll come out pag architect na ko, baka di na nila ako pag aralin if i do it sometime soon, mahal pa naman ang course ko, baka mawalan rin ako ng tirahan, mahirap na, hahaha, why do you think you're not worthy of admiration? You are a damn good writer, kahit hindi yun yung profession mo, so what's not to admire about that? /:) hihi still looking forward to how this story will turn out, keep up the good work kuya :P

    ReplyDelete
  12. Migs pwede! Cute naman siya.

    What will i say? Come to the darkside.... We have cute guys here? Hehehehe!

    I want more cute Liam moments here. Medyo nawala ang pagbibida niya since bumalik si nina.

    ReplyDelete
  13. What a lousy kyle. Haha. Denial king. Kung ako si pat ganun din siguro magiging reflexes ko. Mahirap na masaktan sa mga bintang na di totoo. Haha kelangang mahirapan muna si kyle.


    blue fox

    ReplyDelete
  14. Hi Mr. Migs! Mababaw na Kung mababaw, but whenever I see an update, I immediately feel so giddy! Kahit Hindi ko pa siya mababasa! Hahaha! Anyway, I think kaya mas madami na ang nag comment ngayon kasi may interaction na with you - given na kasi yung napagaling mo magwrite, Siguro mas natuwa pa sila, well including me narin, kasi friendly ka rin pala. All the best sir!

    TJ

    ReplyDelete
  15. Yung feeling na kayo unang nag kakilala nagkahistory of friendship (history talaga agad2XD)pero the moment he meets your other friend e natangal kana sa frame at parang di na nag exist..been there but in a different scenarioXD haha
    ..naiintidihan ko si kyle..nahihiya lang siya pero deep inside may maliit na Jealousy ang gustong sumingit.

    ..Maganda ang signs na pinapakita ni Kyle..konting selos pa and eventually pedeng marealize na gusto niya si kyle and he's willing to try it or the other way around.

    Ito na yung part na paakyat na sa climax hoho..excited na ko..
    Author Migs i like the way how you relate this story of kyle, syempre for all we know he's straigt and having this experience and developing feelings to same gender is something new to him..maganda yung dinadahan dahan talaga..wag yung biglaan,mamaya curious lang pala si kyle and he'll realize na it's not pat that he wants at isang malaking FRIENDSHIP lang ang mabibigay palaXD

    Ok lang humaba tong story ni Pat lubusin na natin hanggang book 2 lang naman ito, gawin nating epic ang ending ang isang ito, pagsubok para sayoXD, kasi naman sa widower pa at may anak na fall itong si pat, ang harot harot haha..tiis tiis lang muna:)

    ..sana may bangayan moments sila ni pat d/t over jealousy ni kyle and pat realiznig na hangng friends na land din ang gusto niya at masaya na siya dun, ayaw na niya na masira yung friendship nila ulit at maging bad example kay liam, tapos si kyle naman dadmoves kay pat..haha..sorry kunh Nangunguna nananman ako. XD excite lang talaga ako kay Pat..tapos next Book The Adventures of Ram na! haha

    ReplyDelete
  16. Pat is an architect right? I don't think na magkakaroon siya ng ganung kahabang free time - like watching CSI seasons, flirting, hanging out at his neighbor's house and stuff - lalo na that he's now a regular employee. I'm an architecture student so I know how things work in our environment. Ayun lang naman. So far, okay pa rin :) i love how kyle is slowly falling for Pat.

    ReplyDelete
  17. Pat and Kevin, ipagpatuloy lang ang malanding gawain!. Haha. Wag titigilan, malapit ng bumigay si kyle. Hehe..

    Thanks sa cute and kakileg na chapter nato'. :P

    --kean:]

    ReplyDelete
  18. pero kelan po ung update nung chasing pavement book 5 :(
    sobrang minarathon ko po kasi from 1-4 tas bitin pa rin :(

    ReplyDelete
  19. Waah.. ngayon lang uli ako nakapagcomment. Ngayon lang kasi ako nagkatime para magbasa and minarathon ko lang yung different similarities one. Ahaha..

    Kuya migs!! Wala ka parin pinagbago. Galing mo parin magsulat. Haha.. keep up the good work. Ingat lagi nad godbless!!

    _ichigo XD_

    ReplyDelete
  20. Oks lang un migz. Sure naman ako na di mo sinasadya. Pero kahit pa sinadyan mo un, oks lang din. Basta ako, i will support u thru the end. Ganyan kita kamahal, peksman!
    Looks like kyle is being jealous of kevin na. At possessive pa ang ogag. Hahaha. Umamin na kasi. Pakipot pa. More selos factor muna migz so that kyle will have to work his butt off trying to win pat back. Hehehe

    ReplyDelete
  21. Natatawa naman ako kay Pat and Kevin they didnt know Kyle is pissed-off on their flirty-flirty thingy unconsiously, yeah! Nice filler.

    ReplyDelete
  22. Very nice. Uhm kilig lang. Sino kaya ang unang magpaparamdam? Si Pat may takot kay Kyle. Next na kaya ang mga mas kilig moments?

    ReplyDelete
  23. sana hindi muna umuwi si drei para namang habang wala sya eh may time pang makipagflirt sina pat and kevin sa isat isa. pagselosin muna si kyle para bumigay na sya. nasa denial stage kasi sya. good job ulit nina sa ginawa mo kyle. sapul sya eh hahahaha =)

    kuya migs nursing course ko at di ba pag nursing naman talagang may summer class. ang toxic nga eh hehehehe =)

    -Mike

    ReplyDelete
  24. Weeeeeeee anu ka ngaun kyle wahahahaha


    #28

    ReplyDelete
  25. Hayan na!!!! Nagseselos na si Kyle kumikilo na ang tuwid na si kyle!! Haha!

    kuya migs, hindi ko napansin na matagal yung update eh. Normal lang. :)

    ineexpect ko pa naman na sagot mo ay "I love you too." LOL.

    Excited na ako sa chap. 11!!

    --ANDY

    ReplyDelete
  26. Meeting someone was fate, becoming a friend was a choice, falling in-love is not you control.

    ReplyDelete
  27. Maaga ko to nabasa, pero nakatulugan ko magcomment. araw2 puyat. hay buhay...

    nature na talaga ng mga lalaki yan, possessive! ang akin, akin! ganun. kaya ikaw kyle, umayos ka. angkinin mu na kasi para di ka parang timang na kung anu-anu naiisip. bago ka mag-inarte dyan, umayos ka muna. hmp!

    gwapo mu pat. gwapo mu talaga. hahahaha.

    thanks kuya migs. :)

    ReplyDelete
  28. Paano mo nalMan.. Haha.. Echos... Im excited sa next chapter... Inaabangan ko din si joey!!! Haha

    ReplyDelete
  29. nice poh bitin nga lang............................ras

    ReplyDelete
  30. Ay wala bang kilig moment???? Ok lang, I trust you... lahat naman ng gawin mo, it turned out to be good or better yet best! Basta ikaw ang nagsulat, kahit ano pa yan... tatangkilikin namin haha

    ReplyDelete
  31. ha ha ha, ang hirap umamin sa sarili, yan kc!

    ReplyDelete
  32. whopsie! may gulaman, isang ngmamatigas na gulaman ^w^

    and i still want joey -_-

    ReplyDelete