Saturday, April 30, 2011

Breakeven (Book1 Part5)


_________________________________


Breakeven (Book1 Part5)
by: Migs



Di parin maituloy ni Edison ang kaniyang sasabihin, nakayuko parin ito, pero malakas na ang aking hinala na aamin na siya sa tunay na nararamdaman niya sakin.



Matagal na akong in love sa... sa...” di paman natutuloy ni Edison ang sasabihn ay napatayo na ako at sinisimulan na ang magtatalon sa tuwa nang...



Matagal na akong inlove sa sarili ko.” tapos nito sa kaniyang gustong sabihin.



Weeetwitwitwit.” sabi ng nakakaloko kong utak, habang ako ay napatigil sa isang di nararapat na selebrasyon. There, I was caught in between jumping and shouting “Hooray!” Tinignan ko si Edison at halatang pinipigilan nito ang kaniyang pagtawa.



Sabi ko nga.” sabi ko habang binabawi ang composure at muli akong umupo, nadako ang aking tingin sa kabilang lamesa at nakita na matawatawa narin ang mga ito.



Ano ba kasing iniisip mo?” humahagikgik na sabi ni Edison.



Wala.” matipid kong sabi dito, ngayon ako naman ang napasibanghot sa inis.



Wala ako sa mood na bumalik sa opisina ni Ram. Tinitignan ko ang listahan ng aking gagawin para sa aking article, wala naman talagang nakalagay dito kung hindi ang... “LANDIIN MO SI RAM!” na siya namang ginagawa ko na. Sumakay na ako sa elevator at ng malapit na itong sumara ay humabol si Ram.



Musta lunch with kuya?” tanong nito, pero di na ako nakasagot dahil bumida na ang kanta sa commercial sa maliit na screen ng elevator.



Napatingin ako kay Ram at nakita itong magiliw na nakangiti sakin.



Oh, kiss me beneath the milky twilight
Lead me, out on the moonlit floor
Lift your open hand,
Strike up the band and make the fireflies dance
Silver moon's sparkling,
So kiss me.



Tudyo ng kanta sa commercial, parang nagiba ang buong paligid, wala na kami ngayon sa loob ng isang elevator, nasa isa kami ngayong park, kung saan ang tanging buwan lang ang aming ilaw, naramdaman kong ipinatong ni Ram ang kaniyang kanang kamay sa aking kaliwang balikat, matapos nito ay hinaplos niya ang aking pisngi pagkatapos ay pinisil ang aking baba na siya namang iminuestra niya papalapit sa kaniyang mukha. Iba ang pagkabog ng dibdib ko.



Bakit ganito ang nararamdaman ko?” tanong ko sa sarili ko.



Oh so kiss me
So kiss me
So kiss me
So kiss me



Natapos na ang commercial sa maliit na screen ng elevator at bumukas na ang pinto nito.



Ehem.” pagaalis ng bara ni Janine sa kaniyang lalamunan.




Biglang napaltan nanaman ng nakakatamad na makintab na dingding at sahig ng elevator ang paligid. Hindi na natuloy ang aming paghahalikan. Si Ram marahil sa sobrang pagkahiya dahil sa nahuli kami ng kaniyang sekretrya ay biglang dumeretso at naglakad papunta sa kaniyang opisina.




So ano namang nakita mo diyan sa kumag na iyan?” nagiinsultong tanong ni Janine sabay turo pa kay Ram na parang nagpa-panic na sa loob ng kaniyang opisina. Hindi ito mapakali.



Fireflies, bright moon, green grass and milky twilight.” nananaginip ko paring sagot kay Janine.




Ay, bagay nga kayo.” nakangising sabi ni Janine saka sumunod sa boss nito at naglakad na papaasok ng opisina.



Anong ibig mong sabihin?” tanong ko dito bago pa siya makapasok ng tuluyan sa opisina, di na ito sumagot at itinuro na lang ang kaniyang hintuturo sa sentido at pinaikot iyon doon, iminumuestra na pareho kaming baliw ni Ram. Binigyan ko lang ito ng naniningkit na tingin.



Naiwan ako sa labas ng opisina, tanaw ko mula sa loob nito si Ram at Janine, i-pinokus ko ang aking tingin kay Ram.



Sabi ko, ako ang manglalandi sayo, pero bakit parang ikaw ang lumalandi sakin?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin kay Ram. Dumako sakin ang tingin nito at magiliw na ngumiti at nagmuestra na pumasok na din ako.



“Ok, pero tandaan mo, don't fall in love.”



Um-echo ang boses ni Edison at bigla kong napaisip sa sinabi niyang yun.



Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagkabog ng dibdib ko kanina habang nakamuestra si Ram sa harapan ko na parang hahalikan ako?” tanong ko ulit sa sarili ko, inalog ko ang aking ulo para mawala ang maling iniisip na iyon.



0000oooo0000



Lumabas muna ako saglit kasama si Janine, katatapos lang kasi naming trabahuhin ni Ram ang natira pang limang portfolio ng proposals.



Java chip, Venti.” sbi ni Janine.



Nakuh, di yan ang gusto ni Ram.” sabi ko kay Janine, nalito naman ang barista, naniningkit ang mata ni Janine.



Caramel Macchiato, Grande.” sabi ko sa Barista. Masama parin ang tingin sakin ni Janine habang iniintay namin ang aming order.



0000oooo0000




Sabihin mo nga, ano ba talaga kayo ng boss ko?” taas kilay na tanong sakin ni Janine.



Bestfriend ko ang kuya niya.” nangingiti kong sabi dito.



Bakit ganun na lang kayo kung magdikit sa loob ng elevator, hmmmm?” parang si ina magenta sa okay ka fairy ko na sabi ni Janine.



Ah eh, napuwing kasi ako kaya hinihipan ni Ram ang mata ko.”



Weh?” malditang tanong sakin ni Janine.



Ano bang haka haka mo?” tanong ko kay Janine.



Na gusto mo si Ram.” sabi ni Janine habang tinitignan ang kutiks sa kamay.



Pano mo naman nasabi?” tanong ko ulit dito.



Well, unang una, alam mo ang favorite coffee niya, pagkain, damit mi ultimo channel sa TV alam mo kung ano ang favorite niya!...” usisa sakin ni Janine na may kasabay pa na pandidilat.



Well, hindi lang basta damit, alam ko ang gusto niyang brand hindi lang sa t-shirt at pantalon kundi pati ang sa underwear, hindi lang din basta pagkain, alam ko rin ang paborito niyang inumin, dessert pati na ang tipo ng table setting na gusto niya, hindi lang basta channel, alam ko rin ang level ng volume ng pinapanood niya, which I may add ay kung hindi superman, malamang dragonball Z.” sabi ko dito at ng tignan ko si Janine ay hindi lang nanlaki ang mata nito, napanganga din to. Nagulat din ako sa mga sinabi ko.




Anak ng pating! Umamin ka nga! Ang kuya niya ba o ang boss ko ang bestfriend mo?!” sigaw nito sakin, napahagikgik na lang ako.



Pero ang totoo naguluhan din ako, di ko alam na marami pala akong alam sa mokong na ito, dun ko lang na appreciate kung gano ako ka-close dito. Agad namang umupo si Janine sa table nito at nagmake up, pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ni Ram ay naabutan ko itong nakahiga sa sofa at nakatalukbong dito ang proposals na kanina siguro niya pa binabasa.



Inalis ko ang pagkakataklob ng papel sa mukha nito, muling tumambad sa harapan ko ang napakagwapong mukha nito.



Bakit ka ba naman gumwapo ng ganiyan.” sabi ko.



Nasa ganon akong pagiisip ng biglang dinilat ni Ram ang kaniyang mga mata at inabot ang kamay ko na may hawak na cup ng kape at marahan akong hinila papalapit sa kaniya, nagkapalit ang aming posisyon ako na ngayon ang nakahiga sa sofa at siya na ngayon ang nakadungaw sakin.



Is this Caramel Macchiato?” tanong nito sakin habang di piniputol ang aming pagtititigan.



Yup, favorite mo.” mahina kong sabi, ngumiti ito at unti unting nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naglapat ang mga labi namin, masuyo pero puno ng emosyon.




0000oooo0000



Ok ka lang?” nagtatakang tanong sakin ni Ram, habang nagmamaneho pauwi samin.



Lutang na lutang pa kasi ang aking pakiramdam kahit ilang oras na ang nakaraan mula ng maghiwalay ang mga labi namin ni Ram.



Oo naman, ikaw ba naman halikan ka ng isang gwapong tulad mo.” sabi ko sabay hagikgik.



Pagod ka na ba?” tanong nito sakin.



Di pa naman bakit?” takang tanong ko dito.



Basta!” sabi nito sabay kabig ng manibela, napakapit naman ako at napapikit dahil sa marahas na paglikong yun.



0000oooo0000



Ipinarada ni Ram ang sasakyan sa tapat ng isang bar ang sasakyan niya, maraming tao hanggang sa labas ng bar, mahaba ang pila ng mga taong nagiinatay na makapasok, pero kami, hindi na kami pumila daredaretso lang si Ram at hila hila ako nito, ni hindi na nga kami tinignan ng bouncer.



Bakit di na tayo pumila?” tanong ko kay Ram sabay turo sa mahabang pila, kinindatan lang ako nito.



Pagkapasok na pagkapasok namin ay parang si Ram ang may ari ng lugar, dahil ilan sa mga nagtatarbaho dun ay miya't miya na ang bati sa kaniya, di rin kami nahirapang maghanap ng mauupuan ang maganda pa doon ay malapit kami entablado, kung saan andun ang live band.



Sabihin mo nga sakin ang totoo. Sayo ba itong bar na ito?” tanong ko sa kaniya.



Di ah!” sabi lang nito saka humagikgik na naman.



Di pa man tinatawag ni Ram ang mga waiter para kumuwa ng order namin ay naghatid na ito ng ilang pagkain at maiinom sa table namin.



Pano nila alam? Di ka pa naman na order ah.” sabi ko kay Ram, kinindatan lang ako nito.



Siguro, dito mo dinadala lahat ng dine-date mo no? Kaya siguro kilalang kilala ka na dito at alam na alam na nila ang mga o-orderin mo.” nagulat si Ram sa sinabi kong iyon saka humagikgik ulit, pinisil nito ang ilong ko.



Ang kulit mo, napakadami mong iniisip.” sabi nito sakin, pumalakpak ito at lumapit ang isang waiter.



Tol, parang may kulang.” sabi ni Ram sabay tingin sa gitna ng lamesa tapos ay ibinalik ang tingin sa waiter at kinindatan ito, tila naman nagets ng waiter ang ibig sabihn nito kaya't tumango na lang ito.



Palinga linga ako at nageenjoy sa mga nakikita sa paligid, andyan ang mga nagsasayawan ang mga magbabarkada na nagkakasiyahan nandyan din ang mga headturners na talaga namang pinipilahan para lang makausap at makasayaw. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Ram ay nagulat kong nakatitig pala ito sa akin.



Para kang bata, kung makalingon ka parang ngayon ka lang nakapasok sa ganitong lugar.” sabi niya sabay hagikgik.



Medyo napahiya ako sa sinabi niyang yun kaya naman yumuko na lang ako. Nagulat ako ng abutin nito ang aking kamay sa ilalim ng lamesa at pinisil pisil iyon. Lalo akong napayuko ng bumalik ang waiter na may daladalang vase na puno ng bulaklak. Tinignan ko si Ram, humagikgik lang ito.




Gago ka talaga.” kinikilig kong sabi dito.



Yup, Gago ako. Gwapong gago.” sabi nito.



Tinignan ko lang ito ng masama pero di ito natinag at pinisil lang ang aking kamay sa ilalim ng lamesa. Kung ano ano na ang napagusapan namin tungkol sa mga kalaro namin dati, kay kuya, kay Janine pero ang pinaka highlight ng gabi ay ang pagkwewento niya tungkol kila Migs at Drei. Para sakin napakatapang na tao ni Ram para ikwento sakin ang tungkol sa mga dati niyang karelasyon, walang pinapakitang emosyon pero sa kabila non alam kong masakit ito para sa kaniya.



I don't know what's wrong with me.” natatawa niyang sabi, di muna ako sumagot at inabot ang kaniyang kamay.



Because you're too perfect for them.” sabi ko dito na ikinangiti naman ni Ram. Nagulat na lang ako nang bigla itong tumayo at naglakad papuntang backstage. Naiwan naman ako dun na parang isang batang may ginawang kasalanan.



May nasabi ba akong mali?” sabi ko sa sarili ko habang pinapanood si Ram na mawala sa likod ng stage. Nagpakawala nanaman ako ng isang buntong hininga, inilabas ko ang aking tickler sa aking bulsa at nagsimula ng magsulat ng mga key points para sa aking article ng biglang tumigil ang live band. Nagulat ako sa nakita ko, si Ram nasa entablado at may hawak hawak na mic.




Itutuloy...

Wednesday, April 27, 2011

Chasing Pavements 3


____________________________
Chasing Pavements 3
by: Migs



Nang marinig ko pa lang ang boses ni Edward ay parang kukumbulsyunin na ako kanina.



At may mga bagay lang talagang di na dapat balikan.



Sabi nanaman ng utak ko habang nagmamaneho palabas ng village, di ko kinaya kahit mapalapit lamang sa presensya ni Edward, ibinabalik niya lahat ng sakit na matagal ko ng kinalimutan. Di ko maintindihan yung sarili ko, para akong isinilid sa isang malaking kahon na kung saan kulang ang supply ng oxygen kaya naman sumakit ang ulo ko at ang dibdib ko, di ko na nakayanan. Bigla kong itinabi ang sasakyan sa gilid ng highway ng makalabas ako ng village na siya namang ikinagalit ng sasakyan sa likod ko.



USE YOUR DAMN SIGNAL!” sigaw ng driver nito ng makatapat ito sa bintana ko. Yumuko ako at ipinikit ang aking mga mata.




Migs, andito ka na pala.”



Ah eh, Oo, kaninang hapon lang.” kinakabahan kong sabi kay Edward habang naharap dito. Nginitian naman ako nito na siya ko namang sinuklian ng isang kinakabahang ngiti.



O siya, una na ako. Al, salamat sa beer.” tawag ko sa nakakabatang kapatid ni Edward na ikinapanic naman nito at aktong hahabol sakin nang pigilan ito ng aking kapatid.



Migs, teka kararating ko lang ah.” nawala bigla ang ngiti ni Edward sa mukha nito.



Ah eh, nagpromise kasi ako kay Faye na bibisitahin ko siya pagbalik ko eh.” kinakabahan kong sabi dito.




Samahan na kita, delikado papunta doon.” sabi nito sakin, na lalo ko namang ikina-panic.




Ah eh, hindi na, nakakahiya naman sayo, baka mapagod ka lang.” sabi ko dito at nagmadaling, pumunta sa kotse ko at pinaandar na ito palayo.



Inuntog ko ang ulo ko sa manibela ng aking sasakyan. Di ko alam ang ikinagaganito ko, kahit naman kasi papano ay alam kong magkikita din kami pero di ko inexpect na ganon kabilis at ganon ka awkward. At bukod dun sa mga nauna kong nararamdaman ay nadagdagan pa ito ng sakit at galit.




Eto na nga ang sinasabi ko eh. Babalik at babalik itong sakit na ito.” sabi ko sa sarili ko.




Toy! Dagdagan mo naman ang bayad mo! Dinumihan mo na nga yung upuan ng tricycle ko eh.” sabi ng driver ng sinakyan kong trike mula sa skwelahan namin kung saan dinaos ang aming JS prom.



Iritable akong naglakad pabalik sa kinaroroonan ng trike at pabalang na ibinigay kay manong ang biente pesos na nasa bulsa ko. Inilabas ko ang aking cellphone at tinawagan si kuya.



Anong nangyari sayo?” gulat na tanong nito sakin, habang minamata ang tumutulo pang kulay pulang likido mula sa aking damit. Di na ako sumagot.




Ikuwa mo na lang ako ng maisusuot galing sa kwarto ko, please?” makaawa ko dito.



Sige saglit lang, sa likod ka na din dumaan at ibalot mo sa plastic yang damit mo, ako na magpapa laundry para di malaman nila Mommy.” nagaalalang sabi sakin ng aking kuya.




Nakapanhik na ako sa aking kwarto at humarap sa salamin, may ilang kulay pula pang likido ang di ko matanggal sa aking buhok, naaawa ako sa sarili ko kaya naman inialis ko na ang mata ko mula doon.




Migs?” tawag ni kuya habang nakatok pa sa aking pinto.



Bukas yan, kuya.” sabi ko habang pinapahiran ang aking luha.



Andyan si Edward sa baba.” sabi ni kuya.



Sabihin mo natutulog.” malamig kong sabi.




Gusto ko lang siyang makausap saglit, kuya Mark. Please.” naririnig kong boses ni Edward mula sa naka awang kong pinto.




Tulog na Edward eh.”




Agad kong narinig ang pagsara ng gate, napadako ang tingin ko sa bintana ko na katapat ng bintana ni Edward sa katabing bahay, agad ko iyong pinuntahan at sinara ang bintana, inabot ko ang tali ng venician blinds ng aking bintana, pero bago ko pa ito mahila upang sarhan ay nakita kong bumukas ang ilaw sa kabilang kwarto at nakita ko ding tumatakbo si edward palapit sa bintana niya, pero huli na, naisara ko na ang venician blinds.



Bumalik ako sa aking higaan at nagpasya ng matulog ng makarinig ako ng pagkatok sa aking bintana.




TOK TOK TOK” iniangat ko ang aking ulo at sa labas ng aking sasakyan ay isang pulis.



May problema ba, Sir?” tanong nito sakin nang maibaba ko na ang aking bintana.



Ay wala naman boss, may iniintay lang.” sabi ko dito.



Ah ganun po ba? Siguro po mas maganda kung humanap po kayo ng ibang paparadahan, kasi medyo nakakasikip po pag dito kayo paparada.” magalang na sabi sakin ng pulis.



Ay sensya na po, boss.” sabi ko dito at pinaandar na ang aking sasakyan.



Ang totoo niyan di naman talaga ako pupunta sa bahay ng kaibigan kong si Faye tulad ng pagpapalusot ko kay Edward kanina, pinapapunta ako ni Faye, Oo, pero di ako pupunta dun sa kanila sa dioras ng gabi, unang una matalahib dun at nakakatakot dumaan, pangalawa di ko na ito masyadong kabisado.



Napansin ko na lang na sa isang gasoline station ako dinala ng sarili kong mga paa, bumili ng ilang ma-kukutkot at pagkatapos ay nagmuni muni sa loob ng aking sasakyan, sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko na lang ulit ang sarili ko na naghahanap ng magandang stasyon sa radyo na kalakip ng aking sasakyan. Muli kong narinig ang kantang “Chasing Pavements.” at sa pangilang pagkakataon ako'y napapikit ulit.



Tigilan niyo nga si Migs!” sigaw ni Edward sa aking mga kaklase na pinagkakaisahan nanaman ang aking mga gamit sa locker. Agad namang nagtakbuhan ang mga bully kong kaklase.



Oh.” sabi ni Edward habang inaabot sakin ang aking notebook.



Salamat.” sabi ko dito.



Bakit kasi hinahayaan mo silang ganunin ka eh?!” nanggagalaiti parin nitong tanong sakin.



Kung lalaban ako sa kanila, sino na lang ang gagawing katatawanan sa skwelahang ito?” nagbibiro kong tanong kay Edward.




Tado ka talaga!” sabi nito sakin at ginulo ang aking buhok. Tumahimik na lang ako.



Pano ka na lang kung wala ako?” seryosong tanong ulit nito sakin.



Andyan naman si Faye, Pat atsaka si Dave. Ok lang ako maski mawala ka.” nagbibiro ko ulit na sabi dito.



Ah ganun?!” sabi ni Edward saka nagpakawala ng isang matalim na tingin atsaka daredaretsong naglakad palayo.




Ilang araw din akong di pinansin ni Edward, ilang beses kaming nagkakasalubong pero maski ngiti di niya maibigay, hanggang sa di ko nadin natiis. Nakita ko si kumag na nakadapa sa kaniyang kama at nakatalukbong ng unan ang ulo nito habang tinatanaw ko siya sa aking bintana, nakaisip ako paraan para pansinin niya ulit ako, isa lang naman ang di niya kayang tanggihan eh.



TOK TOK TOK” inialis nito ang pagkakataklob ng unan sa kaniyan ulo at inilingon ang kaniyag ulo sa direksyon ng pinto.



TOK TOK TOK” pag ulit ko sa pagkatok sa kaniyang bintana. Sumimangot ito ng makita ako na nakaupo sa pinakamalaking sanga ng puno ng santol malapit sa kaniyang bintana. Nung una ay di ako nito pinansin at itinupi ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib atsaka tumalikod.



TOK TOK TOK” pag ulit ko sa pagkatok sa kaniyang bintana, iwinagayway ko na ang isang basket ng macaroons, naningkit ang mata nito sa nakita at dahan dahang lumapit at binuksan ang bintana.



Ano yan?” turo niya sa basket na daladala ko.



Macaroons. Sorry na, bati na tayo.” sabi ko dito.



Hmpft!” atsaka ibinalik ang pagkakatupi ng kaniyang mga kamay sa dibdib. Kumuha ako ng isang piraso ng macaroon at kumagat dito.



Sayang naman to kung hindi mo tatanggapin, ako pa naman ang nagluto nito, ansarap oh, spesyal talaga to para sayo.” sabi ko habang tinatakam si kumag sa kinakain kong macaroon.



Ikaw kasi eh! Kung ano ano pa sinasabi mo! Buti nga nagaalala ako para sayo eh! Sige dun mo na lang yan ibigay kila Pat!” sabi nito habang nakasimangot padin.



Haist, sayang talaga tong mga macaroons, sige itatapon ko na lang, tutal ayaw naman ng pagbibigyan ko ng Miguels special macaroons eh.” kunwaring nalungkot kong sabi.



Ah eh, sige na nga! Akin na!” sabi ni Edward at nagpakawala ako ng isang matingkad na ngiti.




Inimbitahan na ako ni Edward na pumasok sa loob ng kwarto niya at nagsusumbatan na kami tungkol sa katatapos lang namin na tampuhan.



Napaka matampuhin mo kasi!” sumbat ko dito.



Aba! Ako itong nagiisa mong bestfriend tapos magkakasya ka na sa proteksyon nila Pat, Faye at Dave?! Ako lang dapat na bestfriend mo ang magtatanggol sayo!” sabi nito habang sabay sabay na nginunguya ang tatlong macaroons.




Nagbibiro lang kasi ako!” sabi ko naman.




Saka sinong di masasaktan dun sa sinabi mong ok lang na mawala ako?!” may himig tampo nanamang sabi nito sakin, napatitig lang ako sa kaniya at nagtaka bigla, namula naman ito at biglang iniwas ang kaniyang tingin sakin.



Miguel!!!” sigaw ng aking Ate mula sa aking kwarto.



Kinuwa mo yung ginawa kong macaroons ano?! Humanda ka sa akin pag naabutan kita!” pahabol pa nito, dahan dahan kong ibinalik ang tingin ko kay Edward at nagulat ng bigyan ako nito ng naniningkit na tingin at isang haklit sa batok.




Miguels special macaroons pala ah!” sigaw nito sa akin, saka dumampot ng ilang macaroons mula sa basket at isinalpak ito sa aking bibig saby akbay sakin at kurot sa pisngi.




Magdadalawang oras na din ako dun sa loob ng aking kotse sa harapan ng isang gasoline station. Di ko parin maisip ang sarili ko na haharap kay Edward, kaya naman sinadya kong tagalan bago bumalik.




Di ko alam kung anong pwedeng sabihin, kung anong pwedeng gawin at kung anong pwedeng maramdaman pag kaharap ko na siya, kaya mabuti na ito, mas konti ang pagkakataon na makita ko siya, mas maganda.” sabi ko sa sarili ko.




Pero pagkatapos ang isa pang oras at nang maubos ang isang balot ng chichirya at 1.5L na coke naisipan ko na ding umuwi na.




Uwi na.” sabi ng naiirita ng si Edward sa kabilang linya.



Di pa pwede 'ward, tatapusin ko pa yung term paper ko, saka babasahin pa namin ni Pat yung sa social studies.” sabi ko dito habang nagtitipa ng mga salita sa keyboard ng PC ni Pat.



Susunduin kita dyan.” sabi nito.



Wag na. Kaya ko na ito.” sabi ko habang nakikipagbuno sa keyboard.



Uwi na sabi eh.” pangungulit pa ulit nito sakin.



Wag nang makulit.” seryoso ko ng sabi dito.



Sige sige, ikaw bahala.” sabi ni Edward na parang may himig ng pagtatampo.



Habang papalapit ng papalapit ang sinasakyan ko may naaaninag akong isang tao na naka upo sa labas ng gate namin.



Nanginig ang buong kalamnan ko, di ko ineexpect na magiintay dito si Edward. Halos tatlong oras na akong nagtigil sa gas station, pero inintay parin ako nito.



Bakit mo pa ako inintay? Diba sabi ko sayo kaya ko na ito? Dyan lang naman ako kila Pat galing ah? Tinapos lang namin yung term paper ko.” mahabang sabi ko dito nang bigla akong yakapin nito.



Itinigil ko sa harapan ng bahay namin ang aking sasakyan at nagulat ng biglang tumayo si Edward sa pagkakaupo nito at binuksan ang pinto ng kotse ko at kinalas ang seat belt na nakayakap sa katawan ko, bigla ako nitong hinila patayo at niyakap ng mahigpit.



Wag ka ng aalis ah.” sabi nito sakin, nangilid naman ang luha ko.



Namiss kita.” sabi pa ni Edward.





Itutuloy...

Monday, April 25, 2011

Breakeven (Book1 Part4)


_______________________________

Breakeven (Book1 Part4)
by: Migs



Pumunta kami ni Ram sa pinkamalapit na table at duon na namin kinain ang shawarma na inorder namin, di parin ako tinitigilan ng aking isip tungkol sa gagawin kong plano kaya naman tahimik ko lang na kinakain ang shawarma.



Himala, ngayon ka lang di nangungulit.” pangaalaska sakin ni Ram. Binigyan ko lang ito ng isang ngiti.



Ang totoo niyan may gusto akong sabihin sayo, Ram.” sabi ko sabay yuko.



Ano yun?” tanong ni Ram habang nilalantakan na ang kaniyang pangatlong shawarma.




Di ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa article o hindi, pero naalala ko ang sinabi ng aking boss sa telepono kanikanina lang, di ko kayang mawala ang aking pangarap. Tinitigan ko ulit si Ram, napakatakaw parin nito at wala parin pakielam kahit na may tumulong sauce sa kaniyang damit o kaya naman ay may mumo na dumikit sa gilid ng kaniyang bibig.




Ang totoo niyan kaya ako nagtarbaho sayo kasi...” panimula ko, pero isang babae sa kabilang table ang pumukaw sa aking pansin at nakita ko na may hawak hawak itong isang magazine, ang magazine kung saan ako magsusulat sa susunod na mga buwan.




Wala sa sarili kong kinuwa ang isang tissue at pinahiran ang dumikit na mumo sa sulok ng mga labi ni Ram, napatigil siya sa ginawa kong iyon, kumuwa ulit ako ng isa pang tissue at pinahiran ang tumulog sauce sa kaniyang damit. Nanlaki ang mga mata ni Ram, umayos ulit ako sa pagkakaupo at hinawakan ko ang kaniyang kamay at marahang pinisil ito.




Ang totoo niyan kaya ako nagtarbaho saiyo kasi, gusto kong mas mapalapit sayo.” wala sa sarili ko nanamang nasabi.



0000oooo0000



Lumipas ang maghapon at wala kaming ginawa ni Ram kundi ang maglandian, andyan yung paminsan minsang magsasalubong ang aming mga tingin at saka kami tatawa na parang mga tanga, andyan yung paminsan minsan ko siyang nahuhuli na nakatingin sakin tapos biglang babawiin ito pag tumingin ako sa kaniya, andyan din yung kunwari ay di sinasadyang magsasalubong ang aming mga kamay pero ang totoo ay sadya ito at para narin maka chansing ng konti.




Natapos ang aming isang araw at inalok ako ni Ram na ihatid niya ako pauwi, di na ako tumanggi, tinext ko na lang si Edison at sinabing ihahatid ako ni Ram. Madalas kasing si Edison ang sumusundo sakin at naghahatid pauwi tutal ay magkalapit lang naman ang mga bahay namin.



Masaya akong lumapit sa kotse ni Edison ng makitang dumating na ito giling sa kanilang opisina, bagsak ang mga balikat nito at kala mo pinagbagsakan ng langit at lupa.




Rough day?” pangaasar na tanong ko dito. Tumango lang ito. Sinundan ko ito papasok ng bahay niya at kinukulit ng kinukulit, pero parang kulang ito sa Enervon dahil latang lata ito.



Nga pala, sinimulan ko na ang plano ko, tingin ko magiging ok ang takbo nito at maisusulat ko na ang article ko, infact may intro na akong naisulat eh.” pagmamayabang ko kay Edison.




Ibinagsak nito ang sarili sa sofa at inilabas sa bulsa ang maliit na teddy bear.




Akala ko ba di mo na itutuloy?” walang ganang sabi nito.



Eh kasi tumawag yung editor in chief eh, sabi kung di ko kaya, magbalot balot na ako.” sabi ko dito, bigla namang tumayo si Edison.




San ka pupunta? Hoy!” sabi ko dito pero tuloy tuloy parin itong naglakad papalayo. Naabutan ko ito sa kusina at naghahalungkat sa ref at sa lalagyanan ng mga kasirola.



Wala parin itong imik at nagsimula ng magluto ng kung ano. Naisipan ko na bakit hindi ko ikwento ang nangyri sakin kanina habang nagluluto si kumag, kaya naman tuloy tuloy kong kwinento ang mga nangyari at ng makarating ang kwento dun sa parte na sinabi ko kay na gusto ko siyang maksama para lalong mapalapit dito ay biglang nahulog ang sandok na hawak hawak ni Edison.



Ok ka lang?” tanong ko dito, pero tumago lang ito at pinulot ang sandok.



Huy magsalita ka naman diyan!” sabi ko kay Edison pero nakatalikod parin ito sakin at ng humarap ito ay nakita ko na nakasibanghot na talaga ang mukha nito.




Ngayon ko lang itong nakita na ganito, kahit kasi anong hirap ng problema na kinakaharap nito ay di ito basta basta sisimangot, siya ang tipo kasi ng tao na nakadipa pa ang kamay na sumasalubong sa problema.




Sa tingin mo ba kulang pa yung ginawa ko?” nagaalala kong tanong kay Edison, habang nakain ito.



Kasi andun naman na sa isang sentence na yun ang lahat ng gusto kong mangyari eh, diba?” tuloy tuloy ko paring sabi dito habang kumuwa ng tinidor sa kusina at nakihati sa ginawang salad ni Edison at tinikman ang kaluluto lang na steak.




Alat naman niyan.” turo ko sa steak na lalong ikinasimangot ni loko.




Hanggang sa matapos na si Edison kumain ay ni isang salita, komento o suhestyon ay wala manlang lumabas sa bibig niya, sasagot siya sa paminsan minsang tango o kaya naman ay iling. Tuloy tuloy siyang pumunta sa kaniyang kwarto na akma ko namang sinundan.




Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko itong nakayakap sa kaniyang life size na teddy bear na siyang laging nasa kama niya.




Huy! May problema ba?” di ito sumagot kaya naman umupo ako sa paanan ng kaniyang kama.




Ngayon lang kita nakitang ganyan ah? Sabihin mo kaya sakin, baka makatulong ako.” sabi ko dito at inalog alog siya.




Sige dito lang ako hangga't di ka nagsasalita.” banta ko dito, pero hindi parin ito nagsalita, maya maya lang ay narinig ko na itong nahilik. Napangiti ako.




Etong kumag talaga na to, masandal lang sa malambot na bagay tulog ka agad.” sabi ko sa sarili ko habang kinukumutan si loko.



Goodnight.” marahan kong sabi, pagkatalikod na pagkatalikod ko ay narinig ko itong nagbuntong hininga, saka nagtuloy sa paghilik. Di ko na ito pinansin at dahan dahan na akong lumabas ng kwarto.




0000oooo0000



Pagkatapos na pagkatapos kong maligo at magbihis ay dali dali akong bumaba para magalmusal, nabungaran ko sa aming kusina si Ram, abala ito sa pagaayos ng lamesa at pagluluto.




Ram?! Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko dito.



Wala naman, gusto lang kitang makita agad.” sabi nito sabay pakawala ng isang ngiti.



Ang sweet nampotah!” sabi ko sa sarili ko.




Ang sarap ng agahang niluto para sakin ni Ram, at habang nakain kami ay di ko maiwasang mag enjoy sa pakikipagusap dito, akala ko kasi dati puro hangin lang ang alam na kwento ni Ram, yung tipong payabanagan lang, di ko rin inaasahan na pwede palang makausap ito sa mga may sense na bagay. Nasa ganito akong pagmumuni muni ng bigla kong narinig na nagbukas ang front door.




Martin, halika na, malelate na tayo!” sigaw ni Edison at ng maabutan kami ni Ram na magkasama sa kusina ay napahinto ito.



Goodmorning kuya!” magiliw na sabi ni Ram.




Mornin'” labas sa ilong na sabi ni Edison. Tumingin ito bigla sakin, di ko naman alam kung ano ang gagawin ko.




Sasabay ka ba?” tanong nito sakin.



Di ako makasagot, dali dali akong tumayo at kinuwa ang aking mga gamit.



Di na kuya, ako ng bahala kay Martin.” sabi naman ni Ram.


Matagal kaming binalot ng katahimikan. Di ko alam kung kanino ako sasama at kung anong mararamdaman ko.




0000oooo0000



Ang weird ni Edison nitong mga nakalipas na araw, madalas wala sa mood at kala mo laging pinagbagsakan ng langit at lupa, kaya naman naisipan ko na ayain itong mag lunch. Medyo nahuli ako ng paglabas ng opisina ni Ram kaya naman nagmamadali akong pumunta sa napagusapan naming lugar ni Edison. Pagdating na pagdating ko sa lugar ay agad akong sinalubong ng receptionist ng restaurant.




For a while sir.” sabi nito sakin, saka hinanap ang pangalan ni Edison sa listahan ng nagpareserve.



Di ko mapigilan ang sarili na tanawin ang kinauupuan ni Edison, nakita ko itong inaayos ang sariling damit at kala mo may pinaghahandaan ng makita ako nito ay magiliw itong kumaway sakin. Napangiti lang ako, parang balik sa normal si mokong.




Pagkahatid na pagkahatid sakin ng waiter sa aming upuan ay agad akong kinamusta ni Edison na kala mo matagal kaming hindi nagkita. Nginitian ko lang ito.



0000oooo0000




Ano bang inaarte mo nitong mga nakaraang araw?” tanong ko dito na ikinasamid lang nito, inabutan ko siya ng isang baso ng tubig.



Matagal kaming natahimik, at ng makabawi sa pagkasamid si Edison ay nagkasya naman kami sa pakikipagtitigan.



Meron lang gumugulo sakin.” matipid na sabi nito, pero di ako naniwala.



Sa tinagal tagal naming magkakailala nitong kumag na ito ay saulado ko na lahat ng kilos nito at hindi ko pa ba nasabi? Sampung taon na akong inlove sa kumag na ito kaya malamang kahit ang nararamdaman nito na pilit tinatago sakin ay may ideya ako, at madalas tama ang ideya na iyon. At ang pagkalas niya sa mahabang titigan na iyon ang lalong nakapagpatunay ng aking hinala.




Weh?” pangaasar ko dito.



Edi wag kang maniwala.” nakasimangot nanamang sabi nito sakin.



Sabihin mo nga sa akin, tungkol ba ito sa lovelife mo?” tanong ko ulit dito. Nasamid nanaman ang mokong.




Sa ilang taong pagkakaibigan namin ang tanging ikinahihiya lang na sabihin nito sakin ay ang tungkol sa buhay pagibig niya at sa tingin ko, ito ang bumabagabag sa kaniya ngayon. Nagkatitigan ulit kami, para kaming mga bida na tampok sa lumang cowboy film, kung saan nagtititigan ang dalawang matapang na cowboy saka huhugot ng baril at patatamaan ang isa't isa. Siya nanaman ang unang kumalas sa titigan na iyon. Ako nanaman ang nanalo, lalo naman itong nagpatibay sa aking hinala.




Yes, I'm in love. Matagal na.” amin nito na ikinagulat ko naman.



Di ko alam pero parang sa duel na iyon naming dalawang cowboy na akala ko ako na ang lamang ay ako pala ang napuruhan. Iba ang pagdagundong ng aking puso sa loob ng aking dibdib.




Eto na ba iyon? Ito na ba ang iniintay kong pagamin mula sa kaniya.” sabi ko sa sarili ko. Pero agad kong inalog ang aking ulo at iwinaksi ang ideyang iyon mula sa aking utak.




Straight siya, nagaassume ka lang.” sabi ko ulit sa sarili ko.





Oo, matagal na akong in love sa...” sabi ni Edison sabay yuko.



SHIT!!!! eto na yon! Mahal din ako ni Edison!” sigaw ulit ng utak ko.



Matagal na akong in love sa... sa...” di parin maituloy na sasabihin ni Edison.



Itutuloy...