Breakeven (Book1 Part5)
_________________________________
Breakeven (Book1 Part5)
by: Migs
Di parin maituloy ni Edison ang kaniyang sasabihin, nakayuko parin ito, pero malakas na ang aking hinala na aamin na siya sa tunay na nararamdaman niya sakin.
“Matagal na akong in love sa... sa...” di paman natutuloy ni Edison ang sasabihn ay napatayo na ako at sinisimulan na ang magtatalon sa tuwa nang...
“Matagal na akong inlove sa sarili ko.” tapos nito sa kaniyang gustong sabihin.
“Weeetwitwitwit.” sabi ng nakakaloko kong utak, habang ako ay napatigil sa isang di nararapat na selebrasyon. There, I was caught in between jumping and shouting “Hooray!” Tinignan ko si Edison at halatang pinipigilan nito ang kaniyang pagtawa.
“Sabi ko nga.” sabi ko habang binabawi ang composure at muli akong umupo, nadako ang aking tingin sa kabilang lamesa at nakita na matawatawa narin ang mga ito.
“Ano ba kasing iniisip mo?” humahagikgik na sabi ni Edison.
“Wala.” matipid kong sabi dito, ngayon ako naman ang napasibanghot sa inis.
Wala ako sa mood na bumalik sa opisina ni Ram. Tinitignan ko ang listahan ng aking gagawin para sa aking article, wala naman talagang nakalagay dito kung hindi ang... “LANDIIN MO SI RAM!” na siya namang ginagawa ko na. Sumakay na ako sa elevator at ng malapit na itong sumara ay humabol si Ram.
“Musta lunch with kuya?” tanong nito, pero di na ako nakasagot dahil bumida na ang kanta sa commercial sa maliit na screen ng elevator.
Napatingin ako kay Ram at nakita itong magiliw na nakangiti sakin.
Oh, kiss me beneath the milky twilight
Lead me, out on the moonlit floor
Lift your open hand,
Strike up the band and make the fireflies dance
Silver moon's sparkling,
So kiss me.
Tudyo ng kanta sa commercial, parang nagiba ang buong paligid, wala na kami ngayon sa loob ng isang elevator, nasa isa kami ngayong park, kung saan ang tanging buwan lang ang aming ilaw, naramdaman kong ipinatong ni Ram ang kaniyang kanang kamay sa aking kaliwang balikat, matapos nito ay hinaplos niya ang aking pisngi pagkatapos ay pinisil ang aking baba na siya namang iminuestra niya papalapit sa kaniyang mukha. Iba ang pagkabog ng dibdib ko.
“Bakit ganito ang nararamdaman ko?” tanong ko sa sarili ko.
Oh so kiss me
So kiss me
So kiss me
So kiss me
Natapos na ang commercial sa maliit na screen ng elevator at bumukas na ang pinto nito.
“Ehem.” pagaalis ng bara ni Janine sa kaniyang lalamunan.
Biglang napaltan nanaman ng nakakatamad na makintab na dingding at sahig ng elevator ang paligid. Hindi na natuloy ang aming paghahalikan. Si Ram marahil sa sobrang pagkahiya dahil sa nahuli kami ng kaniyang sekretrya ay biglang dumeretso at naglakad papunta sa kaniyang opisina.
“So ano namang nakita mo diyan sa kumag na iyan?” nagiinsultong tanong ni Janine sabay turo pa kay Ram na parang nagpa-panic na sa loob ng kaniyang opisina. Hindi ito mapakali.
“Fireflies, bright moon, green grass and milky twilight.” nananaginip ko paring sagot kay Janine.
“Ay, bagay nga kayo.” nakangising sabi ni Janine saka sumunod sa boss nito at naglakad na papaasok ng opisina.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko dito bago pa siya makapasok ng tuluyan sa opisina, di na ito sumagot at itinuro na lang ang kaniyang hintuturo sa sentido at pinaikot iyon doon, iminumuestra na pareho kaming baliw ni Ram. Binigyan ko lang ito ng naniningkit na tingin.
Naiwan ako sa labas ng opisina, tanaw ko mula sa loob nito si Ram at Janine, i-pinokus ko ang aking tingin kay Ram.
“Sabi ko, ako ang manglalandi sayo, pero bakit parang ikaw ang lumalandi sakin?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin kay Ram. Dumako sakin ang tingin nito at magiliw na ngumiti at nagmuestra na pumasok na din ako.
“Ok, pero tandaan mo, don't fall in love.”
Um-echo ang boses ni Edison at bigla kong napaisip sa sinabi niyang yun.
“Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagkabog ng dibdib ko kanina habang nakamuestra si Ram sa harapan ko na parang hahalikan ako?” tanong ko ulit sa sarili ko, inalog ko ang aking ulo para mawala ang maling iniisip na iyon.
0000oooo0000
Lumabas muna ako saglit kasama si Janine, katatapos lang kasi naming trabahuhin ni Ram ang natira pang limang portfolio ng proposals.
“Java chip, Venti.” sbi ni Janine.
“Nakuh, di yan ang gusto ni Ram.” sabi ko kay Janine, nalito naman ang barista, naniningkit ang mata ni Janine.
“Caramel Macchiato, Grande.” sabi ko sa Barista. Masama parin ang tingin sakin ni Janine habang iniintay namin ang aming order.
0000oooo0000
“Sabihin mo nga, ano ba talaga kayo ng boss ko?” taas kilay na tanong sakin ni Janine.
“Bestfriend ko ang kuya niya.” nangingiti kong sabi dito.
“Bakit ganun na lang kayo kung magdikit sa loob ng elevator, hmmmm?” parang si ina magenta sa okay ka fairy ko na sabi ni Janine.
“Ah eh, napuwing kasi ako kaya hinihipan ni Ram ang mata ko.”
“Weh?” malditang tanong sakin ni Janine.
“Ano bang haka haka mo?” tanong ko kay Janine.
“Na gusto mo si Ram.” sabi ni Janine habang tinitignan ang kutiks sa kamay.
“Pano mo naman nasabi?” tanong ko ulit dito.
“Well, unang una, alam mo ang favorite coffee niya, pagkain, damit mi ultimo channel sa TV alam mo kung ano ang favorite niya!...” usisa sakin ni Janine na may kasabay pa na pandidilat.
“Well, hindi lang basta damit, alam ko ang gusto niyang brand hindi lang sa t-shirt at pantalon kundi pati ang sa underwear, hindi lang din basta pagkain, alam ko rin ang paborito niyang inumin, dessert pati na ang tipo ng table setting na gusto niya, hindi lang basta channel, alam ko rin ang level ng volume ng pinapanood niya, which I may add ay kung hindi superman, malamang dragonball Z.” sabi ko dito at ng tignan ko si Janine ay hindi lang nanlaki ang mata nito, napanganga din to. Nagulat din ako sa mga sinabi ko.
“Anak ng pating! Umamin ka nga! Ang kuya niya ba o ang boss ko ang bestfriend mo?!” sigaw nito sakin, napahagikgik na lang ako.
Pero ang totoo naguluhan din ako, di ko alam na marami pala akong alam sa mokong na ito, dun ko lang na appreciate kung gano ako ka-close dito. Agad namang umupo si Janine sa table nito at nagmake up, pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ni Ram ay naabutan ko itong nakahiga sa sofa at nakatalukbong dito ang proposals na kanina siguro niya pa binabasa.
Inalis ko ang pagkakataklob ng papel sa mukha nito, muling tumambad sa harapan ko ang napakagwapong mukha nito.
“Bakit ka ba naman gumwapo ng ganiyan.” sabi ko.
Nasa ganon akong pagiisip ng biglang dinilat ni Ram ang kaniyang mga mata at inabot ang kamay ko na may hawak na cup ng kape at marahan akong hinila papalapit sa kaniya, nagkapalit ang aming posisyon ako na ngayon ang nakahiga sa sofa at siya na ngayon ang nakadungaw sakin.
“Is this Caramel Macchiato?” tanong nito sakin habang di piniputol ang aming pagtititigan.
“Yup, favorite mo.” mahina kong sabi, ngumiti ito at unti unting nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Naglapat ang mga labi namin, masuyo pero puno ng emosyon.
0000oooo0000
“Ok ka lang?” nagtatakang tanong sakin ni Ram, habang nagmamaneho pauwi samin.
Lutang na lutang pa kasi ang aking pakiramdam kahit ilang oras na ang nakaraan mula ng maghiwalay ang mga labi namin ni Ram.
“Oo naman, ikaw ba naman halikan ka ng isang gwapong tulad mo.” sabi ko sabay hagikgik.
“Pagod ka na ba?” tanong nito sakin.
“Di pa naman bakit?” takang tanong ko dito.
“Basta!” sabi nito sabay kabig ng manibela, napakapit naman ako at napapikit dahil sa marahas na paglikong yun.
0000oooo0000
Ipinarada ni Ram ang sasakyan sa tapat ng isang bar ang sasakyan niya, maraming tao hanggang sa labas ng bar, mahaba ang pila ng mga taong nagiinatay na makapasok, pero kami, hindi na kami pumila daredaretso lang si Ram at hila hila ako nito, ni hindi na nga kami tinignan ng bouncer.
“Bakit di na tayo pumila?” tanong ko kay Ram sabay turo sa mahabang pila, kinindatan lang ako nito.
Pagkapasok na pagkapasok namin ay parang si Ram ang may ari ng lugar, dahil ilan sa mga nagtatarbaho dun ay miya't miya na ang bati sa kaniya, di rin kami nahirapang maghanap ng mauupuan ang maganda pa doon ay malapit kami entablado, kung saan andun ang live band.
“Sabihin mo nga sakin ang totoo. Sayo ba itong bar na ito?” tanong ko sa kaniya.
“Di ah!” sabi lang nito saka humagikgik na naman.
Di pa man tinatawag ni Ram ang mga waiter para kumuwa ng order namin ay naghatid na ito ng ilang pagkain at maiinom sa table namin.
“Pano nila alam? Di ka pa naman na order ah.” sabi ko kay Ram, kinindatan lang ako nito.
“Siguro, dito mo dinadala lahat ng dine-date mo no? Kaya siguro kilalang kilala ka na dito at alam na alam na nila ang mga o-orderin mo.” nagulat si Ram sa sinabi kong iyon saka humagikgik ulit, pinisil nito ang ilong ko.
“Ang kulit mo, napakadami mong iniisip.” sabi nito sakin, pumalakpak ito at lumapit ang isang waiter.
“Tol, parang may kulang.” sabi ni Ram sabay tingin sa gitna ng lamesa tapos ay ibinalik ang tingin sa waiter at kinindatan ito, tila naman nagets ng waiter ang ibig sabihn nito kaya't tumango na lang ito.
Palinga linga ako at nageenjoy sa mga nakikita sa paligid, andyan ang mga nagsasayawan ang mga magbabarkada na nagkakasiyahan nandyan din ang mga headturners na talaga namang pinipilahan para lang makausap at makasayaw. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Ram ay nagulat kong nakatitig pala ito sa akin.
“Para kang bata, kung makalingon ka parang ngayon ka lang nakapasok sa ganitong lugar.” sabi niya sabay hagikgik.
Medyo napahiya ako sa sinabi niyang yun kaya naman yumuko na lang ako. Nagulat ako ng abutin nito ang aking kamay sa ilalim ng lamesa at pinisil pisil iyon. Lalo akong napayuko ng bumalik ang waiter na may daladalang vase na puno ng bulaklak. Tinignan ko si Ram, humagikgik lang ito.
“Gago ka talaga.” kinikilig kong sabi dito.
“Yup, Gago ako. Gwapong gago.” sabi nito.
Tinignan ko lang ito ng masama pero di ito natinag at pinisil lang ang aking kamay sa ilalim ng lamesa. Kung ano ano na ang napagusapan namin tungkol sa mga kalaro namin dati, kay kuya, kay Janine pero ang pinaka highlight ng gabi ay ang pagkwewento niya tungkol kila Migs at Drei. Para sakin napakatapang na tao ni Ram para ikwento sakin ang tungkol sa mga dati niyang karelasyon, walang pinapakitang emosyon pero sa kabila non alam kong masakit ito para sa kaniya.
“I don't know what's wrong with me.” natatawa niyang sabi, di muna ako sumagot at inabot ang kaniyang kamay.
“Because you're too perfect for them.” sabi ko dito na ikinangiti naman ni Ram. Nagulat na lang ako nang bigla itong tumayo at naglakad papuntang backstage. Naiwan naman ako dun na parang isang batang may ginawang kasalanan.
“May nasabi ba akong mali?” sabi ko sa sarili ko habang pinapanood si Ram na mawala sa likod ng stage. Nagpakawala nanaman ako ng isang buntong hininga, inilabas ko ang aking tickler sa aking bulsa at nagsimula ng magsulat ng mga key points para sa aking article ng biglang tumigil ang live band. Nagulat ako sa nakita ko, si Ram nasa entablado at may hawak hawak na mic.
Itutuloy...
ay, nabitin ako!!!
ReplyDeletenako, mukhang naiinlove na rin si martin kay ram!
pano na si edison???!
Ang ganda ng story....
ReplyDeleteKaso pahirapan sa pagbabasa,,, Black na nga ung back ground, black pa din ung font color... wew//
sana po, mejo bilisan ung pagupdate, kahit every other day ok na.
- flashbomb
Daddy Migs!
ReplyDeleteNakakaabitin pero ang saya saya..
Keri lang khit matagal.. Pag pinapatagal kasi.. Lalo kaming neexcite at kinikilig!!
naman bitin.... pero excited sa next part post napo please hehehe... thanks so much(",)
ReplyDelete-shanejosh-
wow binigyan na nang bulaklak kakantahan pa xa... kakakilig naman haba ng hair.
ReplyDeleteHala in love ata c ram kay martin simula pa lang nung una... Paanu na si edison nyan...
ReplyDeleteewan ko ba kung bakit di ako kinikilig kay ram at Martin...siguro dahil kay edison??hehehehe
ReplyDelete