Chasing Pavements 2


___________________________________
Chasing Pavements 2
by: Migs



Everybody's laughing. Yung iba di pa nagkasya sa katatawa na lang, ang iba ay nakaturo pa sakin, na akala mo isa akong nakakaaliw na palabas sa isang perya. Popular kids vs. the schools resident loser, yun ang pamagat at yan ang entertainment sa buong campus nung gabi ng JS Prom.



Hinahanap ko ang taong inaasahan kong magtatanggol sakin. Napatingin ako sa inaakala kong magiging kakampi ko, ang taong akala ko ay tatayo sa tabi ko. pero sa tabi ng iba siya nakatayo, nakayuko ito, isang nangiinis na halik naman ang ibinigay ng isang magandang babae sa tabi niya. At duon ko napagtanto hindi ko siya magiging kakampi ngayon, siya pa nga ang naging dahilan ng pagkakapahiya ko ngayon.



Kuya!” napauntag ako sa tawag ng aking nakababatang kapatid kong iyon, sabay nito ang pagkahulog ko sa kama.



Anak ng! Matt! Di ba pwedeng malumanay lang ang paggising niyo sakin?! Hobby niyo ba yan dito?!” naiinis kong bulalas kay Matt.



Good evening din kuya!” sarkastiko nitong sabi.



Ano ba yun?!” naiinis ko paring bulalas.



May bisita ka.” sabi nito sakin at magiliw na nakangiti.



Sabihin mo tulog, nasa CR o kaya mas maganda patay na.” sabay talukbong ng kumot.



Di maniniwala si Albert sayo.” sabi nito sakin.




Sabihin mo busy!” sabi ko pa habang nakatalukbong parin ng kumot. Kinapa ni Matt ang kamay ko saka hinatak.




Nagpromise ka daw na pupunta ka sa inuman namin, bilis na! Di ako papayagan ni kuya Mark pag di ka kasama eh.” pamimilit sakin ni Matt.



Ayown! Manggagamit ka talagang kumag ka!” sabi ko dito sabay batok.



Kuya naman eh! Basta ha?!” sabay tayo at binato sakin ang isang short at t-shirt.



0000oooo0000



Nakalimutan mo na agad, kuya?” sabi sakin ni Al nang makababa ako at marating ang sala.



Kuya, pwede mong isara ang bibig mo.” maagap na sabi sakin ni Matt.



Panong hindi ako mapapanganga, hindi ko kasi inaasahan na magiging ganito ka-gwapo ang batang nasa harapan ko ngayon, dati rati dinadaanan ko lang ito, binabatukan at pinapaiyak, pero ngayon...



Halika na kuya!” sigaw nito sakin at hinila ang kamay ko.



Nakarating kami sa katabing bahay, di ko alam, pero kinakabahan ako. Alam na alam ko ang bahay na ito, kahit ito ay wala paring pinagbago, sa tabi nito ay ang puno ng santol, ang puno na nasa pagitan ng bahay namin at ng bahay na ito.




Kuya, inom na!” bigay sakin ni Albert ng beer.




Salamat.” bulalas ko at muli kong ibinalik ang tingin ko sa puno ng santol.




Pinapasok ko na sa bintana si Edward, may dala dala itong isang CD.



Bakit ba dyan ka parin daan ng daan?! Meron namang front door diba?” maanghang na tanong ko dito.



Eh kasi, bababa pa ako sa hagdan, tas bubuksan yung front door tas bubuksan yung gate tas maglalakad ng konti tas magdo-door bell sa gate niyo tas magiintay pa ako ng may magbubukas tas aakyat pa ako ng hagdan tas kakatok pa ako dito sa pinto mo tas bago ka pa magbukas...” mahabang salaysay ni Edward na ikinatawa ko naman.



Andami mong alam!” sarkastiko kong sabi dito.



Thank you.” sarkastiko rin nitong sabi sakin.



Ano yan?” tanong ko dito sabay turo sa dala dala nitong CD at isinara na ang bintana. Ngumiti lang ito sakin.



Gagu! Di yan pwede dito, baka mahuli tayo ni Daddy.” nangingiti kong sabi kay Edward.



Tado, hindi ito porno!” sigaw nito sakin sabay haklit ng batok ko.



Eh ano yan?” tanong ko ulit habang hinihimas ang parte ng ulo ko na nakatanggap ng haklit.



Eto yung CD na bi-nurn ko para kay Essa.” sabi nito sakin.



Ahhh, eh anong gagawin ko diyan?” sabi ko at hindi pinahalata ang sakit na nararamdaman.



Panuorin mo, tas sabihin mo sakin kung ok na.” pautos na sabi nito sakin.



Di ba makapagiintay yan?” naiirita ko ng tanong dito.



Medyo gabi na oh, tas may pasok pa bukas.” habol ko.



Saglit lang naman to eh.” pamimilit sakin ni kumag at isinalang na ang bala.




Di ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko, inggit ba ito o selos, basta hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, inggit dahil bakit ako hindi ako gawan ng ganito ni Edward at selos dahil alam kong may gusto siya kay Essa at ganun din ito sa babae. Ang alam ko lang matagal na kaming magkaibigan ni Edward at sa matagal na panahon na yun, napalapit na ang loob ko sa kaniya.




Maganda ba?” tanong nito sakin ng matapos ang pinapanood namin.



Sa tinanong niyang yun, muling bumalik ang nararamdaman ko tulad ng naramdaman ko bago ko panoorin ang CD na iyon, panong hindi ko ulit mararamdaman eh nakalagay dun ang pinagsama samang picture nila ni Essa at ang mga salitang. “Happy Monthsarry.”



Kayo na pala ni Essa?” tanong ko dito ng makita ko yung mga huling salita.



Last month pa.” walang ganang sabi ni Edward at humiga sa kama.



Bakit di mo sinabi sakin?” tanong ko dito habang ingat na ingat na wag ipahalata ang himig ng pinagsamang tampo at selos sa boses ko.



Alam ko naman kasing di mo siya gusto eh.” sabi nito sakin. Di na ako sumagot at binuksan na lang ang application ng counter strike sa desktop ko.



Matagal kaming natahimik, ramdam ko na sakin nakatingin si Edward, pero patuloy lang ako sa paglalaro ng counter strike sa PC ko. Maya maya pa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.



Hala pano ako uuwi niyan?” tanong nito sakin.



Edi dumaan ka sa front door.” malamig kong sabi dito.



Eiiiiggggghhhh! Anlayo! Pwede bang dito na lang ako matulog?” tanong nito sakin. Di na ako sumagot, inihinto ko na muna ang paglalaro ng counter strike at pumunta sa banyo para magtoothbrush, pero bago makalabas ng pinto...



Umuwi ka na, baka hanapin ka nila Tita.” malamig ko paring sabi, di na siya sumagot at bumuhos pa lalo ang malakas na ulan.



Pagbalik ko ay nandun pa din si kumag, himbing na himbing na sa pagtulog, bumalik ako sa naka pause na nilalaro at naglaro parin saglit ng biglang mawalan ng kuryente. Wala na akong nagawa kundi ang humiga nadin sa kama at nagpasya ng matulog. Naramdaman ko ang pagiba ng pusisyon ni Edward, pero di ko alam kung san na siya ngayon nakaharap dahil nakatalikod ako sa kaniya. Tahimik na, wala ng maririnig kundi ang pagpatak ng ulan sa bubong. Malapit na din akong makatulog ng bigla kong narinig na magsalita si Edward.



Kaya ko lang naman di sinabi na kami na ni Essa dahil natatakot akong lumayo ka sakin eh. Alam kong ayaw mo kay Essa.” pabulong na sabi nito.




Titig na titig ka diyan sa puno, kuya ah.” sabi ni Al sakin, dun ko na lang napansin na dumami na ang tao sa paligid at nakanta na sa videoke ang aking kapatid na si Matt.




Eto pa oh.” sabi ni Al at inabutan pa ako ng isang bote ng beer.




Matamis pa ba ang bunga niyan?” tanong ko kay Al sabay turo sa puno.



Naku kuya, matagal ng di namumunga yan simula nung pinaputol ni Tito yung ilang sanga, saka simula nung...” pabitin na sabi ni Al, parang nahiya ito bigla, nagblush at napayuko.



Simula nung ano?” pangungulit ko sa kaniya.



Simula nung umalis ka.” napakunot ang noo ko sa sinabi niyang yun. Lalong namula ang pisngi ni Albert.




Hahahahaha! Andami mong alam!” sarkastiko kong sabi dito.



Thank you!” sarkastiko din nitong balik sakin.



Wala sa isip kong inabot ang ulo ni Al at ginulo ang buhok nito, ewan ko kung bakit biglang gumaan ang loob ko simula noong magsabi ito ng thank you na pasarkastiko, di ko maintindihan ang sarili ko, pero parang may naalala ako bigla.



Kuya naman eh.” sabi ni Al sabay ayos ng buhok niya.



Bakit? Nahihiya ka na makita ng girlfriend mo na ginugulo ko ang buhok mo na parang bata?” pangaalaska ko dito, natahimik ito at lalong namula., bigla ko tuloy naisip na baka allergic itong batang ito sa alak, kaya ganon na lang mamula.



Wala akong girlfriend.” sabi nito, ngayon kung possible pa na mamula ang mukha nito ay lalo pa nga itong namula.




Sus, sa gwapo mong yan.” wala sa isip kong sabi, bigla nitong ibinaling sakin ang kaniyang tingin.



Pihikan yan kuya!” singit ni Matt sa paguusap namin ng kaniyang kababata.



Shatap!” sigaw naman ni Al na ikinatawa naman namin ni Matt.



Bakit ka nga pala nagpainom, Pare?!” nangaalaskang tanong ni Matt sa kaibigan na ikinakunot naman ng noo ko.



Wa..wala na..naman.” nauutal na sabi ni Al at pinandilatan nito si Matt at inambaan ng suntok.



Wag ka nga!” sigaw ni Al sa aking kapatid, umalis naman si Matt at bago tumalikod ay binelatan muna si Al.



Ambabata niyo pa talaga.” sabi ko sabay gulo ulit sa buhok ni Al.



Pupunta ka ba sa Alumni Homecoming, kuya?” tanong nito sakin na muntik ko ng ikasamid.




Ang pinaka huli ko kasing gustong mangyari ay ang makita pa ang mga kaklase ko nung highschool, ayaw ko na ring makita ang mga hinayupak kong teacher doon sa dati kong school, parang makita ko nga lang ata ang logo ng school namin, nahihirapan na akong huminga eh.



Kailan yun?” tanong ko ulit dito, hindi pinapahalata na di ko gusto ang aming pinaguusapan.



Sa isang isang linggo na.” sabi nito sakin. Na muntik ko na ulit ikasamid.



Bakit? Iimbitahan mo ang kuya ko as your date?” pangaalaskang sabi ni Matt kay Al na ikinagulat naman nito.



Pakyu ten times!” sigaw ni Al.



Nye nye bunyenye!” dila ni Matt kay Al, biglang tumayo si Al at sinugod si Matt.



Alberto!” sigaw ng isang pamilyar na boses.



Napatigil lahat.



Diba sabi ko sayo, na wag kayo dito sa garahe maginuman?! Meron namang terrace eh! Pano ko ngayon maipapasok yung...sasakyan.” biglang bagal na sabi ng lalaki sa likuran ko.



Migs, andito ka na pala.” sabi ni Edward sa akin.



Bigla akong nahirapang huminga.




Itutuloy...

Comments

  1. i love the variety you put into your stories. but i do look forward to all of them reaching their just conclusions. sayang kasi ang mga kwentong hindi nasusundan, and most especially hindi natatapos. good job! keep it up!

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  2. Nice, nice, nice... Nakakawala ng inip... hayy kanina pa ko bored dito sa bahay, buti na lang nagpost ka ng bagong chapter nito! Thanks Migzzz!!! next na ulit? hahaha

    ReplyDelete
  3. hahaha... natawa ako s hiling mo... at pg.bibigyan kita... beside ako nman din ng ng.comment last tym... 1st pah ako... dat that tym... hehehe...

    noon pah man gusto ko nah yung way mo paano mg.sulat... pero eto yung story nah parang di ko m.antay kung ano ng kasunod... nananabik ako kung ano ng mangyayari... keep it up... antayin ko nah nman ng next chptr...

    range aka outrage

    ReplyDelete
  4. Hi! now lang ako nakapunta dito sa blog u migs! No wonder, maganda din pala mga stories mo!
    abangan ko na rin mga next na stories... merong style, swabe! i like it! keep writing!
    .....HoneyBun....

    ReplyDelete
  5. panalo tong chapter na to.... nagkita na ulit si migs at edward after so many years!!!

    migs, maawa ka... post mo na agad yung next chapter!!!

    hehe

    ReplyDelete
  6. Hello! I love it ten tyms..

    Migs ibinabalik mo kami sa nakaraan ah.. Heeheeh
    Sana d k magsawa!

    "nick

    ReplyDelete
  7. Got a lot of twists there! Interesting. Sobra. (((:

    Can't wait for the next chapter. (: I'll be your biggest fan-boy. (((:
    -UnbreakableJeph

    ReplyDelete
  8. sana may kasunod na hehehhehe...

    very nice po....

    May Edward at Migs ba dati? ehhehehhe...
    ...Migs at Al?...

    -mars

    ReplyDelete
  9. haaayst bakit ngaun ko lng to nabasa???

    ANG GANDA...huhuhu

    ReplyDelete
  10. tama k mervin bkit ngaun lng ntin to nbasa nice dbmtnx migs excited n q matapos to.....

    ReplyDelete
  11. Im reading this again after 3 years! :-)

    Ivan d

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]