Look What Love Did


____________________________
Look what Love Did
by: Migs



I was staring at his magnificent face. Di ko alam kung ako lang ba o sadyang perpekto ang taong to, di naman ganito ang dating niya sa mga kaibigan ko at sa mga taong nakakakilala sa kaniya, pero para sakin siya lang ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo.

Pinapanood ko siyang matulog, alam kong napagod siya sa ginawa namin kanikanina lang. Di ko sukat akalain na mamahalin ko ang isang taong katulad niya. I promised myself not to fall in love with someone or rather not to fall “that much” sa isang tao.

Tinignan kong muli ang mukha niya. Naalala ko ang una naming pagkikita ang una naming pagshe-shake hands, kami ay parehong nagtatarbaho sa isang ospital. Nurse ako gayun din naman siya, pinakilala siya sakin ng aming chief nurse as a volunteer nurse sa ospital na may tatlong taon ko naring pinagtatarbahuhan.


“Al eto nga pala si Joel, bagong nurse volunter...” sabi ng chief nurse namin.


Di ko naman lubos na maintindihan kung bakit dito agad na assign sa area ko si Joel kasi di basta basta naglalagay ng volunteer sa ER o maski sa iba pang special area, kailangan ng training bago pa man ma assign dito.


“Oh, Joel ito nga pala ang senior mo ngayon dito sa ER, dito ka muna, makinig ka sa orientation, si Sir Al mo narin ang magoorient sayo dito” sabi ng chief nurse na siya naman ikinagulat ko kasi andyan naman siya na chief nurse namin, bakit sakin pa? Nang iwan kami ng chief nurse namin kinamayan ako ni Joel at nagpakilala.


Pagkatapos kong I-orient si Joel sa buong ER at sa mga SOP doon. Kung ano ano naman ang tinatanong niya sakin, Nung una oo, aminado ako medyo mahangin ang dating sakin ni Joel, graduate siya ng isang kilalang unibersidad, mukhang mayaman yung tipong di sanay sa mabibigat na trabaho, maputi, yung alam mong walang hirap na dinaranas, tipong spoiled, kasama sa IN crowd, ginagawang hobby ang pagtatarbaho at laro lamang ang buhay sa kaniya.


“Sure ka dito mo gusto mapa assign?” tanong ko sa kaniya na medyo may pagaaalangan kasi ayokong isipin niya na hindi siya welcome.


“Opo Sir, dito kasi sa ER di mo alam ang pwedeng mangyari, araw araw iba ang pwedeng mangyari kung baga di nagiging routine ang trabaho, madali kasi akong magsawa, eh kung sa ward po ako maaasign, malamang routinely ang trabaho dun, madali akong magsasawa.” mahabang sagot ni Joel na may pagkamahina pa at halatang nahihiya. Nakuha ko naman ang point niya at tama siya exciting kasi sa ER lahat ng drama andito sa area na to.


Gumalaw si Joel saking tabi at yumakap sakin. Matagaltagal narin pala akong nakatitig sa mukha niya.


“Pinapanood mo ba akong matulog?” tanong ng napakagwapong lalaki sa tabi ko.


At sinuklian ko na ulit ang yakap niya, alam kong hindi na mangyayari ulit to, kasi pagkatapos ng dalawang araw, ikakasal na siya. Kaya't pilit kong inuukit sa aking utak ang itsura niya, kung pano niya ako yakapin at ang mga halik niya.


Di naman nagkamali ang chief nurse namin at ang buong nursing services sa pag regular kay Joel sa work. Maayos siyang magtarbaho, kung titignan mo nga siyang kumilos parang kasing tagal ko na siyang nagtatarbaho sa ospital.


“You did a great job with Joel, Al” maikling papuri ng chief nurse namin.


Sa buong buhay pagiging volunteer nurse kasi ni Joel, siya lagi ang junior ko, lagi kaming partners kung baga. Pag off ako yun din ang request off niya, kaya naman lahat ng skills ko na adopt na niya, lahat ng mannerisms ko pagdating sa work kuwang kuwa na niya.


“Boss! Thanks ah!” pasasalamat na sabi sakin ni Joel.


“Wala yun boss!” sagot ko naman sa kaniya.


“Know what? I really want to treat you to dinner” payukong sabi ni Joel na akala mo nahihiya sa pagiinvite sakin.


“Sure! Ako pa? Uurong sa libre, di no!” at napatawa kami ng sabay.


“Promise yan boss ah?” sabi niya sakin sabay pindot sa baba ko at inalog ang mukha ko.

Sa araw araw na magkasama kami ni Joel, di ko rin naman napigilang madevelop sa kanya, gwapo siya, matalino, mabait pero alam ko hanggang kaibigan lang kami. Straight siya alam ko.


Nung gabi ring yun lumabas nga kami pagkalabas namin sa duty ng 6pm, dahil medyo may kahirapang umuwi samin pag walang sasakyan pinadala sakin ng tatay ko yung kotse. Akmang bubuksan ko ang pinto ng kotse nang biglang may humila sakin.


“Hephephep! Nagpromise ka sakin boss!” sabi ni Joel. Nagulat ako kasi nakalimuatn ko na may lakad nga pala kami.


“Ay oo nga pala! Edi dito na tayo sumakay. San mo ba balak pumunta?” tanong ko sa kaniya habang binubuksan ko ulit ang pinto ng kotse ko, hinawakan niya ako sa bewang at nilayo sa sasakyan ko.


“Hindi tayo dyan sa kotse mo sasakay.” sabi niya habang hawak hawak parin ang bewang ko at dinala niya ako sa paradahan ng mga motorsiklo. Di ako partikular dun sa motor niya. Pero ito yung mga may malalaking gulong, tipong mga Ducati at Harley ang style.



“Boss hindi ba kailangan ni Batman yan ngayon?” sabi ko na may halong pangaalaska sa kaniya. At sinuntok niya ako sa braso.


“Aray!” napasigaw ako sa sobrang gulat, di naman talaga masakit, nagulat lang ako.


“Ikaw Mr. John Michael Tan ah! Sumosobra ka na!” pagmamaktol kong sabi.


“Di na boss ikaw naman kasi niloloko mo ang baby ko eh.” sabi niya sakin na may halong payakap yakap pa.


“O siyasiya, san ba tayo pupunta boss?” nangingiti kong sabi habang sinusubukang kumawala sa yakap niya.


“Dyan lang sa Tagaytay” nanlambot naman ako sa sagot niyang yun.


Alam kong hilig niya ang malayuang biyahe. Ok lang naman din sakin pero depende sa mode of transportation. Ayoko kasi talaga sa motor, dyan maraming naaksidente. Kita siguro ni Joel ang takot sa mukha ko habang tinitignan ko ang kaniyang motor.


“Ok lang yan di naman ako mabilis magpatakbo saka may helmet tayo saka malapad ang gulong nito ni Baby, di tayo sesemplang dito.” paniniguro niyang sabi sakin. Inistart na niya ang motor at umangkas na ako.


“Joel asan na yung hawakan dito sa likod?” tanong ko sa kaniya habang kainakapa kapa ko ang katawan ng motor kung saan doon madalas nakikita ang hawakan sa likod.


“Tinanggal ko.” sagot naman niya.


“Ha?! Eh, san ako hahawak nito?!” sagot ko na may konting pagaalala.


“Sakin ka nalang humawak, yumapos ka kung gusto mo.” natatawang sabi ni joel.


Nagaalangan akong humawak sa kaniyang dalawang balikat, pero lumingon siya sakin.


“Wag diyan, para akong nasasakal pag diyan ka nakahawak eh, dito nalang.” at pagkasabi niyang yun hinila niya ang isa kong kamay at iniyakap sa kaniyang bewang at sinunod naman ang isa ko pang kamay para iyakap din sa bewang niya. Napasubsob man ako sa likod niya wala parin siyang pakielam.

Ambango niya. Parang di galing duty at hindi pinagpawisan, dahil medyo nakonsyus ako kasi baka naaamoy narin niya ako, mamya amoy pawis na pala ako, kaya medyo lumayo ako sa likod niya para naman di masyadong nakakahiya. Pero pinaharurot niya ang motor at nag over take sa isang truck, sa sobrang takot ko lalo akong napayakap sa kaniya at nang makalampas na kami sa truck naramdaman kong parang tumatawa siya. Di ko naman siya madagukan kasi natatakot akong mahulog.


Nang makarating kami sa Tagaytay di ko alam kung san pa kami nagsususuot. Hangga't sa tumigil kami sa tapat ng isang gate. Katamtaman lang ang laki ng bahay, bungalow pero over looking the Taal lake.


“Kanino tong bahay?” tanong ko kay Joel.


“Sa lolo ko.” sagot naman niya.


Malinis ang loob ng bahay tapos may dalawang kuwarto, pinaupo niya muna ako sa sala tas pumunta siya sa phone para umorder, narinig kong umorder siya ng pizza sa yellow cab na malapit lang sa bahay kung saan kami nandon.


Bumili rin sa labas ng ilang beer si Joel, pero dahil sa sinabi kong uuwi din ako at di kami puwedeng maginom, tinago niya ulit yun sa may kusina. Tawa kami ng tawa habang nakain at nanonood ng TV, nang biglang nawalan ng kuryente. Niligpit na namin yung mga pinagkainan namin. Dahil sa kandila lang yung pinagmumulan ng ilaw namin, di naiwasan ni Joel na matapunan ako ng coke sa katawan.


“Nako boss! Sorry! Palit ka nalang ng damit o kaya maligo ka na din, may damit ako diyan.” alok niya sakin.


Di ko rin natiis ang lagkit at sagwa ng itsura ko ng makitang may tapon ng coke sa uniporme ko, kaya't naligo narin ako at nagpalit ng damit. Medyo magkasize naman kami ni joel, medyo malaki lang ang katawan niya sakin ng konti, kaya't halos sakto lang yung damit na pinaheram niya sakin. Paglabas ko ng banyo wala siya, di ko siya makita tas tawag ako ng tawag sa kaniya, tumingin ako sa garahe andun pa naman yung motor. Tinignan ko siya sa bawat sulok ng bahay pero wala parin. Nakita kong may hagdan papunta sa taas parang yung bubong ng terrace sa baba may second floor para siguro pag gustong tanawin yung Taal lake, pwede dun tumambay.



Umakyat ako at dahil wala paring kuryente dinala ko ang isang flashlight. Nagulat ako ng nakita ko dun si Joel, nakahiga at nakatulala sa langit, medyo maliwanag ang buwan, kaya naman kita ko parin ang hugis ng mukha niya.


“Upo ka dun oh.” turo niya sa isang upuan sa likod niya.


“Sarap mag star gazing.” paanyaya niya sakin, pero imbis na umupo ako sa upuan na itinuro niya, humiga ako sa banig na hinihigaan niya at tumabi sa kaniya, saka ako naki join sa stargazing.


Tahimik.


“Boss may pasok ka ba bukas?” mahinang tanong sakin ni Joel.


“Wala. Diba sabay tayo ng off.” sagot ko.


“Oo, nga pala no.”


“Bakit?” balik tanong ko sa kaniya.


“Tinatamad na kasi akong magmotor pababa ng Manila eh.” sagot naman niya na medyo kinainis ko.

“Edi kung tinatamad ka na, magisa nalang akong uuwi. May dadaan naman diyan sa hi way na bus biyaheng Pasay eh.” pilit na tinatago ang tampo sa boses ko.


“Diba pwedeng uhhmm… diba pwedeng dito nalang tayo matulog?” tanong naman niya tumagilid ako para makita siya, lalo siyang gumwapo sa ilaw na bigay ng buwan sa kaniya at nakita ko ang mata niya na nagmamakaawa. Tumagilid din siya at humarap sakin. Nagulat ako ng hawakan niya ulit ang baba ko at alugin ang mukha ko.


“Ui boss! Dito nalang tayo matulog inaantok na ako at pagod na ako eh, hirap kaya magdrive” pangungulit nanaman niya.


Sa sobrang pangungulit ni Joel at sa sobrang di ko naman gustong umuwi magisa pumayag narin ako, medyo pagod narin ako para umuwi magisa. Tumihaya ulit ako at tinignan ulit ang mga bituin. Matagal kaming nanahimik at laking gulat ko ng biglang hinawakan ni Joel ang kamay ko at pinisil pisil yun, nung bibitaw na ako lalong humugpit ang hawak niya at lalo na akong di nakabitaw.


“Boss ngayon lang. Alam ko namang gusto mo rin to diba?” di ko inaasahan ang sinabi niyang yun.


Ibig sabihin ba nito gusto niya ako? O nagaassume lang ako, naalala ko naman ang panagako ko sa sarili ko, na pipigilan ko ang anumang bagay na pwedeng makasakit sa akin. Dahil tanggap ko naman eh, mga katulad ko hindi magiging masaya, maging masaya man panandalian lang at kapag natapos ang panandaliang saya na yun, sakit naman ang papalit, habang buhay na sakit.


Kaya pinilit kong ialis ang kamay ko sa kamay niya pero di ko parin nakaya at nagulat ako lalo sa ginawa niya, pumatong siya sakin at hinawakan niya ulit ang baba ko.


“Ewan ko ba, di naman ako dating ganito at hindi sakin normal na magkagusto sa kapwa ko lalaki pero boss iba ka, di ko alam…” Sabi niya, pumikit siya at ako’y napapikit narin, naglapat ang mga labi niya sa aking labi.


“Pucha! Kahit ano namang iwas ang gawin ko di parin tumatalab.” sabi ng aking isip habang siyang siya ang aking puso sa pakikipaghalikan kay Joel. Magdamag naming pinagsaluhan ang anumang pwedeng pagsaluhan ng dalawang magnobyo.


Pagkagising ko sa umaga di ko akalaing totoo pala lahat ng nangyari, andito sa harapan ko ngayon ang taong dati ay akin lamang patagong hinahangaan. Pero alam ko ang limitasyon ko, alam ko at sa aking pagkakatanda wala siyang nilinaw sa anumang meron kami. Sinabi niya lang na iba ako at maaaring gusto niya ako pero baka yun ay dala lamang ng lagi naming pagkakasama.


Gumising siya at parang walang nangyari, masayahin parin siya pero ngayon may halo nang pagkabastos ang mga biro niya. Marahil dahil sa nangyari samin, minsan bigla bigla na lang niya akong yayakapin kapag nakatalikod ako sa kaniya at kapag di naman ako pumalag isang kadyot ang ibibigay niya sabay tatawa.


“Hatid kita sa inyo ah?” kinikilig naman ako, kasi ngayon ko lang din ito naranasan.

Pero kinabahan din ako, ano nalang ang sasabihin ng Lola ko? Matagal ng patay ang nanay ko kaya’t di ko na iyon proproblemahin ang tatay ko naman matagal ko ng pinatay dahil sa pagiwan niya samin pero ok na ako dun, ang tanging ikinatatakot ko lang ang lola ko lolo na’t siya ang nagpalaki samin ng kapatid ko.


Nang ma-ihatid ako samin ni Joel dina ako kumapit sa kanyang bewang at sinubukan ko talagang ibalanse ang sarili ko, pano ba naman kasi pano kung makita ako ng mga kapitbahay na nakayakap sa isang gwapong lalaki malamang ako ang paguusapan sa loob ng isang taon. Pagkababa naming agad akong tinanong ni Joel.


“Bakit hindi ka sakin kumapit?”


“Ahhh eh nahihiya kasi ako sayo.” sagot ko naman, magtatanong pa sana siya at di pa nawawala ang kunot ng noo niya sa pagtataka nang biglang bumukas ang front door, si Jen ang kapatid ko ang niluwa nito.


Si Jen ang bunso kong kapatid palibhasa bunso sunod sa layaw, di mo masasabing pangit ang kapatid ko masasabi mo pa na parang di kami magkapatid. Nakita ni Jen si Joel at nagtanong.


“Kuya sino siya?” sabay ngiti ni Jen.


“Ah si Joel katrabaho ko.” sagot ko naman. At kinamayan ni Jen si Joel.


“Hala ka kuya san ka natulog kagabi?! Hinahanap ka ni Lola kaninang umaga.” halatang pagpapacute ni Jen kay Joel. Pero di ko naman masyado pang pinansin yun ang aking napansin ay ang pagtataka parin ni Joel.


Pagbalik ko sa kwarto nagring bigla ang telepono ko, si Joel, bakit daw kesyo parang ikinahihiya ko siya at bakit di daw ako sa kanya kumapit, napatawa nalang ako at inexplain ko na hindi naman kasi alam samin na ganito ako, napaliwanagan naman si Joel at naglalambing na, sana daw ay sa bahay nalang nila ako ulit matulog. Nang matapos ang paguusap namin ni Joel biglang pumasok si Jen sa kwarto ko.


“Kuya ang gwapo naman nung kaibigan mo, lalaking lalaki ang dating saka mukhang artista, ilakad mo naman ako sa kaniya.” at tinawanan ko lang ang sinabi niyang yun at pumunta ng CR para maligo.

Naging Masaya kami sa isa’t isa ni Joel, para na talaga kaming magnobyo kung titignan mo, malambing sa isa’t isa kaso pag nagtawagan Boss parin ang tawag. Natatawa nalang kami minsan pag naglalambingan kami tas boss ang tawag namin sa isa't isa. Pero pinipigilan ko parin na mahulog sa kaniya ng sobra sobra dahil alam ko masakit pag nagkataon.


Minsan nagkakatampuhan din pero dahil di naman malinaw sakin kung ano kami ay pilit ko ring iniiwasang magalit sa kaniya kasi alam ko wala akong karapatan pero minsan sa part niya maski simpleng bagay lang todo na siya magalit, di lang ako makapagtext sa kaniya, di lang makapgpaalam nagagalit na, pero lahat ng yon binalewala ko lang.


Minsan pag sa kanila ako natutulog di pwedeng walang mangyayari at minsan naman kapag samin rin siya matutulog di rin maiwasan na walang mangyayari, in other words, parang kami na talaga na hindi official o ako lang ulit ang nagaassume nun?

May isang taon din kaming ganyan walang patid, mas marami ang sweet moments, andyan yung bigla nalang siyang bubulong pag magka duty kami ng “I love you.” o kaya ay “I miss you.”, na siya namang binablik ko. Pwede naman magsabihan ng ganon ang magkaibigan diba? Ayoko lang magassume mapapahiya lang ako pero lintek masyado na akong nahuhulog.

________________________________________________________________________________

“Kuya! Ang tagal mo!” narinig ko kay Jen mula sa sala.


Wala akong gana bumaba, alam ko kung ano ang gagawin namin ngayon.


“Andyan na si Joel!” sumigaw nanaman si Jen.


Di parin ako nagmadaling bumaba, pagkababa ko nagtimpla muna ako ng kape at nilaklak yun.


“Ano ba yan?! Inom ka kasi ng inom! Di mo pala kaya ngayon magkakape kape ka!” sabi ni Jen malamang nabasa ni Joel ang nasa isip ko kaya't napayuko siya. Masyado na niya akong kilala.


Masyadong mabilis ang pangyayari. Nung una napapansin ko lang na laging may katext si Joel. Di ko naman kailangan pakielaman yun pero syempre dahil tanga ako at masyado akong nahulog sa kaniya, pinuna ko ito at nasimulan na naman ang panibagong away. Ngayon ako naman ang nagsisimula ng maliliit na bagay at pinapalaki ito, pero pagkatapos ng away na yun di ko na siya muli panng inaway.


“Tanga tanga mo kasi, sabi nang wag masyadong mainlove ayan napapala mo” sabat nanaman ng isip ko.


Tapos ng may nahuling katext madalas nang hindi nagpaparamdam tapos di narin nagtetext di ko natiis at pinuntahan ko ang chief nurse nagpaiba ako ng schedule din a kami pareho ni Joel. Balik nanaman ako sa pagtretrain ng mga volunteer. Senior ulit ako na naghahanap ng Junior, mas mabuti nang ganito dapat lumayo na ako, uunahan ko siya, bago pa niya ako hiwalayan edi hihiwalay na ako ng mas maaga, atleast nakapag prepare ako. Alam kong masakit pero alam kong mas masakit pag naunahan niya akong sabihan na ayaw na niya sa kung ano mang meron kami. Ayos na sana, ok na lahat nang makapansin ang mokong.


“Bakit magkaiba na tayo ng schedule?! Nilalayuan mo ba ako?!” pasigaw niyang tanong habang nasa loob kami ng sasakyan ko at hindi kami makaalis kasi anlakas ng ulan.


“Tangina naman Migs! Nasasaktan ako oh! Bakit naman ginaganyan mo na ako?!” sunod sunod niyang sabi, pilit kong pinipigilang mapaiyak, hinatid ko siya sa bahay nila ng di ko sinagot ang mga tanong niya.


At sumunod na nangyari ay nagmamakaawa siya na ibalik namin ang kung ano mang meron samin dati, pumayag ako wala akong magagawa, tanga ako eh. Naging sweet ulit pero alam kong may nagbago, alam kong may iba, di kumpleto.


Isang araw sa sobrang pagod ko at stressed out narin siguro nag parelieve muna ako ng duty, nagpaalam ako kay Joel. Sabi ko sa bahay lang muna ako, magpapahinga. Ito lang ang sagot niya “ok.” nagtaka naman ako kasi ang Joel na kilala ko magtatanong pa kung ano ang nangyari. Magpagaling ako at kung ano ano pa ang sasabihin niya, pero hindi iba ngayon.


Di ako mapakali sa bahay kaya naman pumunta akong mall kasama ang lola ko, ipinasyal ko muna, kumain kami, ipinamili ko siya ng damit at kung ano ano pa. Masaya ang kwentuhan namin ni Lola nang sabihin ni lola na...


“Hijo, diba kaibigan mo yun? Si ano... ahhh” at napalingon ako, si Joel pala at kasunod nito ang isang babae at nang magkita sila nagyakapan pa ang dalawa at ang malala naghalikan pa.


“At aba siya pala ang sinasabing nobyo ni Jen” sabi ng Lola ko.


Di ko napigilan ang sarili ko at napaluha, buti na lang at busy ang matandang ngumuya ng nata de coco ng kinakain niyang halohalo. At simula nun naging buo na ang desisyon ko, lalayo na ako at titigilan ko na siya. Balewala lang naman talaga sakin ang magkaroon siya ng girlfriend normal yun hahanap hanapin niya ang isang babae, lalaki siya eh pero sana sinabi niya, sana nilinaw niya at sana di kapatid ko ang pipiliin niyang syotain. Dahil habang buhay sa tuwing makikita ko si Jen, ipapaalala at ipapaalala niya sakin ang sakit.


Nagda-drive ako papunta sa pina-dry cleanan ng gown ni Jen. Katabi ko si Jen at nasa likod naman si Joel, tahimik, parang batang nahuli na may ginawang kasalanan.


“Bakit naman kasi nagpuyat ka kuya, ngayong alam mong maraming gagawin para sa kasal!” sa pagkakasabi ni Jen ng salitang “kasal” napapikit ako at parang may kung anong kumukurot sa puso ko. Pinipigilan kong mapaiyak.


Umuulan ulit sa labas, malakas, halos walang makita sa wind shield ko. Inaaway nanaman ako ni Joel, Bakit daw lumalayo ako? Bakit daw di ako nakikipagusap sa kaniya? Bakit daw di ko na siya tinetext? at marami pang bakit. Nasa tapat kami ng coastal mall sa may parking lot, kung saan siya nakipagkita para makapagusap.


“Bakit ka nagresign?!” pasigaw ding tanong ni Joel.


“Putang ina naman Al! Di mo ba nakikita na nasasaktan ako?! Ganyan ka ba kamanhid?! Bakit kailangan mong lumayo?!” at sa sinabing yun lumabas ako ng kotse at nagpaulan, maya maya lumabas si Joel ng kotse ko, may dalang payong at niyakap ako.



“Balik na tayo sa loob.” paglalambing niya.


“Di lang kasi kita maintindihan Al eh.” at pinaharap niya ako sa kaniya.


“Bakit ka nagpaulan nalang bigla?” tanong niya sakin.


Pero hindi ko na siya sinagot, kaya naman talaga ako sumugod sa ulan ay para hindi niya makitang nasasaktan ako mas mabuti nang ang ulan na lang ang makaalam na naiyak ako, di ko na kailanagan ipaalam kay Joel na nasasaktan ako. At umalis ulit ako sa pagkakasukob sa payong.


“Kailan pa kayo ni Jen?” tanong ko sa kaniya, kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya.


“Alam kong wala akong karapatan magselos at magalit pero siguro may karapatan akong masaktan, di ba Joel? Alam kong di mo nilinaw kung anong meron tayo, kahit hindi yun malinaw, nasasaktan parin ako.” malumanay kong sagot tama ang desisyon kong umalis sa ilalim ng payong kasi gaya ng ulan ayaw ding tumigil ng mga luha ko sa pagpatak.


Niyakap niya ako at ako ang unang kumalas.



“Di ka na nga aatend sa kasal, di ka pa makikicooperate.” sabi muli ni Jen.


Di ko alam siguro gusto narin ng tadhana na huwag ako makaattend ng kasal, sakto naman kasing yun yung ibinigay ng agency na araw ng lipad ko papuntang UK kaya di ako makakapunta sa kasal. At napasinghap si Joel sa likod, alam ko kung ano ang iniisip niya.

________________________________________________________________________________


“Di ko pala kaya, akala ko kaya na kitang kalimutan, Al” sabi ni Joel pagkatapos ng stag party niya, tanga ko rin kasi nagpapilit naman akong pumunta lasing na siya wala sa sarili at hinalikan niya ako at sa sex nauwi ang lahat.


Pagkagising ko I found myself staring at this magnificent face. Di ko alam kung ako lang ba o sadyang perpekto ang taong to, di naman ganito ang dating niya sa mga kaibigan ko at sa mga taong nakakakilala sa kaniya pero para sakin siya lang na ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo.

Pinapanood ko siyang matulog. Alam kong napagod siya sa ginawa namin kanikanina lang, di ko sukat akalain na mamahalin ko ang isang taong katulad niya. Gumalaw si Joel saking tabi at yumakap sakin. Matagal tagal narin pala akong nakatitig sa mukha niya.


“Pinapanood mo ba akong matulog?” sabi ng napakagwapong lalaki sa tabi ko, at sinuklian ko na ulit ang yakap niya.

“Ayaw ko nang matapos ang gabing to Al.” sabi ng isang lalaki na lubos kong minahal and again hiniling ko na asa gitna ulit ako ng malakas na ulan para di niya mapansin ang luha ko.


Dumating ang araw ng kasal at ang araw din ng alis ko papuntang UK. Mabuti narin siguro yung ganito sabi ko sa sarili ko, wala akong laban kay Jen alam ko yun, siya ang pamilya na pangarap ni Joel at wala akong karapatang pigilan ang karapatan na iyon. Masakit, Oo, pero tinatanggap ko mas mabuti na yung nagmahal at nasaktan kesa sa kailanman ay hindi nagmahal.



-wakas-

Comments

  1. Ang lungkot naman huhuhu... damang dama ko ang sakit!

    ReplyDelete
  2. Nakakarelate ako.. Pinaiyak mo ako ha..

    "nick

    ReplyDelete
  3. hayyy migs... it hurts... nakakadala, you know what? After reading this, nagkulong ako sa CR at nag iiyak... my story is complicated also... sakit!!!

    ReplyDelete
  4. Ang sakit2 naman.' kapatid m pa tlaga nkatUluyan nya ha.' sna d m hnayaAn n mgkaganOn.' pnaglaBan m din sna love m., shitTt ganda ng storya.. AdD m aq jundie_yok@yahoO.coM tnx

    ReplyDelete
  5. Pls wg mOng itiGil ang pagsu2lat sa breakeven.' snusubAy2yan q po xa., WG sna mapuTol.' ganda kaC.. Gbu

    ReplyDelete
  6. Pls wg mOng itiGil ang pagsu2lat sa breakeven.' snusubAy2yan q po xa., WG sna mapuTol.' ganda kaC.. Gbu
    -jundie

    ReplyDelete
  7. taena, first time to view ur blog, ive read ur stories on BOL, at e2 pa ang napili kong buksan na story, u know what i seldom cry even on burials, tsk, e2 ata isa sa nagpaiyak sakin, grabe, bigat!, what hit me most is that the scene of knowing the guy u love was to be wed sa kapatid mo!, WTF!!!!, grabe migs! iba ka!

    ReplyDelete
  8. haaayst kakabasa ko lng ng story na to, ang bigat huh...naiinis ako sau...kasi pinalungkot mo ako...ULIT>...! ahhah tnx sa story..:)

    ReplyDelete
  9. ansakit nito! pero ang ganda po ng story thanks kuya migs! :)

    ReplyDelete
  10. Sobrang naiyak ako... Ang sakit. Ang galing ng kwento. Keep it up migz. :))

    ReplyDelete
  11. ganda ng story. kala q di matutuloy ang ksal at hahabulin sya ni Joel sa airport >.<

    ReplyDelete
  12. tang inang mga tao talaga yan!di makuntento sa kaya mong ibigay!khit ibigay mo buong buhay at pagkato mo sa kanya di pa rin makuntento!...i hate them!.. i cursed them na sana maranasan nila ang ginawa nila sa taong pinaasa at sinaktan nila!...

    ReplyDelete
  13. ang sakit. ang sakit sakit niyan. :(

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]