Monday, July 20, 2015

Against All Odds 3 [17]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga habang nagaantay sa napakatigas na gang chair ng LAX. Kakababa niya lang ng telepono, katatapos lang nila ng kaniyang business partner magtalo sa telepono. Saglit siyang nagpakawala ng isang matipid na pagiling. Nitong mga huling buwan ay hindi na sila nagkakasundo ng kaniyang business partner, ito ay marahil dahil din sa hindi nila magandang paghihiwalay bilang magkasintahan. Sa sobrang hindi nila pagkakasundo ay nagpasya na nga ang kaniyang business partner at dating karelasyon na ibenta na ang kanilang nagsisimula ng maging matagumpay na business at umuwi na ng Pilipinas at doon magsimula muli.


Magsimula ng hiwalay.

Against All Odds 3 [16]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Hindi mapakali si Rob, matagal tagal na siyang iniwan ni Star sa loob ng opisinang iyon ni Ian, nakangiti ang batang may ari ng kumpaniya na iyon habang tumatango-tango habang binabasa ang kaniyang resume. Si Ian ang may ari ng kumpaniya na iyon si Ian na may ilang oras lang ang nakakaraan ay kausap niya, ang lalaking hindi niya alam ay nilalait na pala niya. Sino nga ba kasing makakapagsabi na ang nakangiti at batang batang lalaki na iyon na kumausap sa kaniya ang may ari ng kumpaniya na iyon ang may ari ng kumpaniya na nilait lait niya.

Tingin ko gusto lang magyabang nung may-ari nung building. A person who’s always over the top tapos pinagyayabang yung kung ano ang meron siya.”