Against All Odds 3 [17]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga habang nagaantay sa napakatigas na gang chair ng LAX. Kakababa niya lang ng telepono, katatapos lang nila ng kaniyang business partner magtalo sa telepono. Saglit siyang nagpakawala ng isang matipid na pagiling. Nitong mga huling buwan ay hindi na sila nagkakasundo ng kaniyang business partner, ito ay marahil dahil din sa hindi nila magandang paghihiwalay bilang magkasintahan. Sa sobrang hindi nila pagkakasundo ay nagpasya na nga ang kaniyang business partner at dating karelasyon na ibenta na ang kanilang nagsisimula ng maging matagumpay na business at umuwi na ng Pilipinas at doon magsimula muli.


Magsimula ng hiwalay.

Sariwa pa sa kaniyang isip ang kanilang huling pinagusapan na parang kahapon lang ito nangyari at hindi maga-anim na buwan na ang nakakalipas.


Alam mong hindi enough yan kung balak mong magtayo ng business chain sa Pinas.” saad niya. Kahit pa hindi naging maganda ang paghihiwalay nilang dalawa ay hindi parin niya magawang magalala dito.


Ha! Concerned?” sarkastikong balik ng dati niyang kasintahan habang nililikom ang mga kontrata na pinirmahan ng mga bumili ng shares niya sa kumpaniyang iyon.


Before going here, sa Pinas ako unang nagtayo ng business and hindi ako naging successful. Isa ang Philippines sa pinakamahirap pagtaguyudan ng business---”


Anywhere but here. Anywhere but with you.” malamig na putol sa kaniya ng kaniyang dating kasintahan na kahit ayaw niyang aminin sa sarili ay talaga namang kumurot sa kaniyang puso. Salamat na lang at hindi nito nakita ang kaniyang mukha dahil alam niyang re-rehistro dito ang sakit na naramadaman sa mga salitang pinakawalan ng nauna.


Akala niya ay iyon na nga ang kanilang huling paguusap na dalawa pero may ilang buwan lang ang nakakaraan ay nagulat siya nang makita niyang tinatawagan siya ng kaniyang dating nobyo habang nakatulala sa napakagandang tanawin sa kaniyang harapan, ninanamnam ang perang kaniyang nakuwa nang ibenta narin niya ang parte niya sa lalong lumalagong business.


Well this is a surprise.” sagot niya sa kaniyang telepono.


Balita ko binenta mo nadin daw ang share mo.” mahanging balik naman ng lalaking tumawag sa kaniya na walang iba kundi ang kaniyang dating business partner at kasintahan.


Balita ko kailangan mo pa ng major stockholders sa bago mong business dyan sa Pinas.” mas mahangin niyang balik. Inaasahan na niya ang tawag na iyon.


Natahimik sa kabilang linya ang lalaking tumawag sa kaniya. Alam nito na nahulaan na niya ang intesyon sa likod ng tawag na iyon. Hindi niya mapigilang mapangiti sa kaniyang sarili habang iniisip na tama ang kaniyang hinala base sa mahabang pagtahimik ng dating business partner sa kabilang linya.


I’m going to sell it back to you after I get back on my feet. I just didn’t expect---” pagkukumpirma ng dating kasintahan sa kaniyang hinala. Lalong lumaki ang kaniyang ngiti.


I already told you what to expect right after you let go of your share here.” balik niya. Hindi napigilan ang sarili na ipamukha ang pagkakamali nito.


You know what forget that I even asked.” iritableng balik nito sa kaniya.


Muli siyang nagbuntong hininga.


Sumagi sa isip niya na ito na marahil ang solusyon sa pagaalinlangan na dinadala niya ngayon. Matapos makuwa ang malaking pera matapos niyang ibenta ang kaniyang shares sa malagong business na itinaguyod nila ay hindi na niya alam ang kaniyang gagawin sa buhay. Gusto na niyang umuwi sa Pinas upang ituloy ang bahagi ng isang pangako na binitawan niya noon pero hindi niya alam kung pano muli magsisimula sa Pinas.


Marami siyang naiwan doon na nais niyang balikan at ayusin kasama na ang nararamdamang takot na maubos lang ang kaniyang naitaguyod sa US at mabalewala ulit ang kaniyang binitawang pangako noon.


Look, I’m sorry---” simula niya muli. Habang iniisip na sino pa ba ang makakatulong sa kaniya na magsimula muli sa Pinas ng walang pangamba kundi ang kaniyang dating magaling na business partner.

Sa pamamagitan ng pag-i-invest sa itinatayo nitong kumpaniya ay meron ng paglalagyan ang kaniyang pera na siguradong lalago pa at sa pamamagitan nito ay matutupad niya parin ang kaniyang pangako.


You were never sorry. You always like it kapag pinapamukha mo sakin na mali ako.”


Hindi niya mapigilang mapangiti. Hindi tono ng pangungutya ang narinig niya kundi pagbibiro. Kilalang kilala nila ang isa’t isa. Hindi naman sila magiging magkasintahan kung hindi muna nila kinilala ang isa’t isa pero ito na ang isa sa mga pinagsisisihan niya sa buong buhay niya. Hinihiling niya na sana ay kinilala na lang niya ito bilang kaibigan at hindi kasintahan. Alam niyang nangingiti din ang kaniyang kausap na iyon. Saglit pang binalot ng katahimikan ang linya bago pa iyon nabalot ng tawanan, bagay na aminin man niya o hindi ay sadyang nami-miss niya.


So are you going to invest na?”


Hindi niya mapigilang mapangiti sa kaniyang naalala na iyon. Mabuting tao ang kaniyang dating kasintahan. Mabait, may itsura, lahat ng katangian na hahanapin mo sa isang taong gusto mong makasama pang habang buhay pero hindi parin niya magawang mahalin ito dahil sa isang tao sa kaniyang nakaraan. Dahil sa pangako na siya ring dahilan kung kaya't nagalangan siyang umuwi ng Pinas.


Muli siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga kasabay noon ay ang paga-announce sa buong paliparan na dapat na silang tumungo sa boarding gate ng eroplano na nakalaan sa kanila.


000ooo000


Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Hindi kasi maikakaila na nasa Pilipinas na siya. Sa itsura, init at amoy palang ay hinding hindi na talaga niya maikakaila. Mabilis siyang naglakas palabas ng paliparan, alam niyang hinihintay na siya ng kaniyang ina. Agad niya itong nakita sa kabila ng kapal ng tao na nagnanais sumundo ng kanilang mga kaanak. Agad itong ngumiti nang makita siya at ibinuhaghag ang kamay bilang sabi na yumakap siya dito.


“Ma! Musta?” bati niya dito sabay yakap.


“I'm good.” nakangiti parin nitong balik sa kaniya sabay gabay sa kaniya papunta sa kanilang sasakyan papauwi.


“How's everybody, Ma?” kamusta niya sa kaniyang ina na agad lumingon palabas ng bintana. Madalas itong itanong sa kaniya ng kaniyang anak maski noong nasa US pa ito kaya naman saulo na niya ang kaniyang sasabihin.


“OK naman lahat.” pagsisinungaling niya habang patuloy lang siya sa pagtitig sa labas ng bintana kaya hindi niya napansin na matamang nakatingin sa kaniya ang kaniyang anak.


Kung noon habang kinakamusta niya ang kaniyang mga kakilala habang naguusap silang magina sa telepono ay naghihinala lang siya na nagsisinungaling ang ina sa mga sagot nito, ngayon ay sigurado na siyang nagsisinungaling nga ito.


“You're lying.” malamig pero mahinang niyang saad na ikinagulat ng kaniyang ina na agad tumingin sa kaniya dahil sa gulat.


“What?” naeskandalong saad sa kaniya ng kaniyang ina.


“I said you're lying. Anong itinatago niyo sakin ma?” malungkot niyang tanong na ikinalusaw ng galit ng kaniyang ina.


“You should find it out for yourself. You've caused it when you left, you should find it for yourself now that you're back.” mataray na saad sa kaniya ng kaniyang ina sabay baba ng sasakyan nang makarating na sila sa kanilang bahay.


Pero sa halip na bumaba rin ng sasakyan at sundan at kulitin ang ina ay inutusan niyang muli ang kanilang driver na puntahan ang kaniyang dating kasintahan at tignan ang kanilang negosyo. Nang matapos sabihin sa kanilang driver ang address ng kanilang pupuntahan ay agad niyang nilabas ang kaniyang telepono at tinawagan ang dating kasintahan.



000ooo000


Kuntento siyang nakaupo sa isang bench habang pinapanood ang paghampas ng alon sa dalampasigan, ang tunog nito ay nakakapagparelax sa kaniya. Agad siyang nagpakawala ng isang kuntentong ngiti at saglit na pinikit ang kaniyang mga mata.


“Hon!” sigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan, agad niyang iminulat ang mga mata at nakita ang isang lalaki na may hawak na surf board na nagmamadaling tumatakbo papunta sa kaniya. Agad siyang natigilan halos mangilid ang kaniyang mga luha sa mata.


Nang makabawi sa sobrang gulat at saya ay agad siyang tumayo at sinalubong ito sabay yakap ng mahigpit dito. Sa sobrang higpit at nabitawan na ng lalaking iyon ang surf board na hawak hawak saka mabilit na mahigpit ding iniyakap ang mga kamay sa kaniyang matipunong katawan.


“Only God knows how much I miss you.” naiiyak niyang saad habang mahigpit paring nakayakap sa basang katawan ng lalaki na tumawag sa kaniyang pansin.


“I miss you too Hon.” masigla nitong balik sa kaniya.


“How---?” simula niya sanang tanong kung paanong magkaharap sila ngayon gayong napakaimposible nito.


“I don't know. All I know is that I want to talk to you so bad and then there you are. Just like magic.” humahagikgik na saad ng lalaki na nakapagpahagikgik din sa kaniya.


Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga habang iniisip na ayaw na niyang umalis sa lugar na iyon. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng nauna at ginabayan ito papunta sa bench na kanina lang ay kaniyang kinauupuan.


“So what do you want to talk about.” tanong niya dito.


Matagal bago sumagot ang lalaki sa tanong niyang iyon.


“Gusto kong sabihin sayo na OK na yung promise mo sakin dati.” balik nito sa kaniya. Tinitigan niya ang mukha nito. Hindi alam kung ano ang magandang sabihin sa sagot na iyon sa kaniya ng kaniyang kausap.


“OK na, natupad mo na yung pangako mo sakin na you'll continue living after I leave you. Yung promise mo na you'll make something of yourself after I pass.” pagpapatuloy nito. Agad na nanlabo ang kaniyang mga mata dahil sa pangingilid ng luha. Para sa kaniya ay muling namamaalam ang lalaking iyon sa kaniya sa ikalawang pagkakataon.


“Natatakot ako na makalimutan kita.” saad niya saka hayagang umiyak.


“I doubt na mangyari yun. We've been through a lot and---” saad ng lalaki saka pinahiran ang kaniyang mga luha na patuloy lang dumadaloy sa kaniyang mga pisngi. “---and our love is the kind of love na mahirap kalimutan even after death.” malumanay nitong pagtatapos.


“Don't be afraid. I love you.” habol nito sabay halik sa kaniyang mga labi.


“I love you too.” saad niya dito pero nakita niyang bakante na ang kaniyang tabi at wala na ni ang anino ng lalaking kanina lang ay kausap at kahalikan niya.


“Sir?” tawag pansin ulit ng isang lalaki. Agad niyang ibinaling ang tingin mula sa nagsalitang lalaki.


Biglang nagbago ang paligid. Wala na ang nakakarelax na tunog ng alon na humahampas sa dalampasigan, wala na ang pakiramdam ng pinong buhangin sa kaniyang paa at wala na ang sariwang hangin na humahampas sa kaniyang mukha at napalitan ito ng amoy ng air freshener at kilay itim na leather seats ng kanilang sasakyan at ang lalaking tumawag sa kaniyang pansin ay ang kanila pa lang driver.


“Andito na po tayo.”


Agad niyang inilingon palabas ng bintana ng kanilang sasakyan ang kaniyang tingin at nakita niya ang isang maganda at bagong building sa tapat ng kinapaparadahan ng kanilang sasakyan. Doon niya napagtanto na nakatulog siya habang nasa biyahe at nananaginip lang siya na nasa beach siya kausap ang isang tao na akala niya ay dahilan upang hindi na siya magiging masaya muli.


Muli siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.


Ngayon alam na niya ang kaniyang dapat gawin. Babalikan niya ang mga taong kaniyang naiwan noon nang bigla siyang nangibang bansa at sa pagkakataon na iyon ay hindi na niya hahayaan pa ang sarili na balutin ng pagaalangan. Hindi na siya matatakot pa na magmahal at matatakot na makalimutan niya ang taong unang nagturo sa kaniya magmahal.


Pero bago ang lahat ng iyon ay kailangan niya munang siguraduhin ang kanilang kinabukasan bago niya pa balikan ang taong alam niyang handa na niyang mahalin habang buhay.


“Thank you kuya. Tawagan na lang kita kapag ready na ako umuwi.”


000ooo000


Tulad ng ibang mga stockholders ng isang kumpaniya ay sinipat niyang maigi ang bawat sulok ng bagong building na iyon. Hindi niya mapigilang mapangiti, lahat ay naaayon sa kaniyang expectation at katulad na katulad iyon ng kumpaniyang kanilang iniwan sa US. Doon pa lang alam na niya na nasa magandang kamay ang kaniyang pera.


Tulad ng itinaguyod nilang kumpaniya sa US ay tila masasaya lahat ng nagtratrabaho sa bagong kumpaniya na iyon, tila ba lahat ay tiwala sa kanilang boss at tila lahat ay isinasapuso ang pagtratrabaho doon.


“Wow. You're actually here.” saad ni Ian sa kaniyang likuran.


Agad siyang humarap sa pinanggalingan ng boses ni Ian. Alam niyang hindi siya welcome doon at alam niyang hindi parin maganda ang nararamdaman sa kaniya ni Ian pero gusto niya lang namang makita ang kinahihinatnan ng kaniyang pera at hindi naman siya mangingielam sa pagpapatakbo dito.


“Hello Ian. Nice to see you again.” saad niya sabay lapit at yakap sa kaniyang dating kasintahan. Agad niyang naramdaman ang pagtense ng buong katawan ni Ian, halatang hindi kumportable sa kaniyang biglaang pagyakap na iyon. Hindi niya napigilan ang mapahagikgik.


Hindi niya gusto na kutyain si Ian sa ikinikilos nito pero hindi niya lang kasi mapigilang isipin na wala paring ipinagbabago ang kaniyang kaibigan ng ilang taon. Mabilis parin itong mailang sa mga simpleng yakap, akbay o kaya kindat tulad noong kakikilala pa lang nila.


Itinulak siya ng marahan ni Ian palayo.


“I wish I could say the same but why are you really here?” namumutla at iritable ng tanong sa kaniya ni Ian sabay hakbang palayo sa kaniya. Agad na nabura ang ngiti sa kaniyang mga mukha sa sinabing ito ni Ian.


“Ian can we just forget everything bad that ever happened between us? Can we just ignore the bad blood?” tanong niya kay Ian sabay buntong hininga.


“Madali para sayo na sabihin yan.” pabulong na saad ni Ian, pilit na itinatago ang sakit na nararamdaman sa kaniyang boses.


Isa iyon sa mga madalas isumbat sa kaniya ni Ian nuong nagsasama pa sila. Pilit ipinapaalam sa kaniya ni Ian na ramdam nito na hindi siya nito mahal ng buong puso. Hindi naman niya masisisi si Ian dito dahil maski siya ay aminado na hindi nga buo ang pagmamahal niya dito na siyang naging dahilan upang maghiwalay sila.

“Ian---” simula niya upang humingi ng tawad at pabulaanan ang ipinahihiwatig nito.

“Why are you here?” tanong ulit ni Ian na tila ba nagpupumilit ng malaman ang dahilan kung bakit siya nandun.


“I just want to see where my money went.” sinserong saad niya na nagsabi kay Ian na mahalaga ito para sa dating kasintahan.


“Fine. I'll have the conference room ready.” saad ni Ian sabay inilabas ang kaniyang telepono upang abisuhan ang kaniyang assistant na ihanda ang powerpoint ng about sa income ng kumpaniya at mga statistics na alam niyang gustong malaman ng mga karaniwang stockholders.


“OK.” saad niya habang lumilingon-lingon.


“So hindi ka pa kumakain at nagpapahinga?” tanong ulit ni Ian.


“Nope.” sagot nito na ikinabuntong hininga ni Ian sabay text muli sa assistant niya, walang duda na nagpahanda ng makakain.


Nang masabihan na ang assistant ay agad na sinamahan ni Ian ang dating business partner sa kaniyang opisina upang isa-isahin ang nasa kanilang kurporasyon, kung ano ang mabenta at kung ano ang tama lang ang kinikita.


“Ian, enough already. My head hurts.” saway ng bagong dating na nakapagpairap kay Ian. Hindi pa sila nakakakalahati sa mga nais ipaalam ni Ian dito.


“Always the child.” umiiling na saad ni Ian pero alam niyang makukuwa ng kaniyang assistant ang pansin ng batang isip na dating kasintahan dahil sa angkin nitong galing sa pagpre-present.


“Fine. Let's go to the conference room---”

“What for?”

“So that everybody can meet you.” sarkastikong balik ni Ian dahil naiiirita na siya sa pagkatigas ng ulo ng kaniyang dating kasintahan.

“Fine.” balik naman niya.

Naglalakad pa lamang sila sa mga hallway at papasok pa lang ng conference room ay panay na ang bati sa kanila ng kanilang mga empleyado karamihan sa mga kababaihan. Hindi niya mapigilang mapangiti.

“I don't think you still need to introduce me to them. Mukhang kilala naman na nila ako.” pangungulit nanaman niya na lalong nakapagpahaba sa nguso ni Ian. Hindi na ito sumagot at binuksan na lamang ang pinto ng conference room.


““good morning!”” sabay sabay na bati sa kaniya ng mga empleyado pero hindi iyon ang kumuwa sa kaniyang atensyon kundi ang pagkalabog ng ilang bagay na hindi sinasadyang bumagsak. Napatingin siya sa unahan ng conference room at doon nakita niya ang tampok sa usapan nila kanina ng namayapang kasintahan sa kaniyang panaginip.


“Rob.” bulong niya sa kaniyang sarili.


Itutuloy...


Against All Odds
3[17]
By:Migs

Comments

  1. Sorry for another late post. :-(

    ReplyDelete
  2. Nice author.. The moment I've read about the business partner, I knew who it is already.. Hope you won't mind if I critique this one though.. Masyadong maligoy itong chapter na ito author and it killed the suspense.. I still like and love your story though.. Thanks for updating..

    ReplyDelete
  3. Bitin.. Hahaha pero ganda.. Kaso nagkajowa pala sia while si rob miserable.. 😢😢😢 nextmonth ba ulit update ser.?

    ReplyDelete
  4. Daddy idol, Jase is back!!!! Waaaaaahhhhh!!!!

    ReplyDelete
  5. Ibang klase twist ng tadhana.. di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni ian once malaman nya na c rob ang dahilan bakit d kaya xa mahalin ng totoo ni jase. at c rob wat wil happen to him. Hays another set of pain..

    Kudos migs..

    ReplyDelete
  6. hi migs kamusta..tagal ko na di nakadalaw dito..wala kasi internet dun sa lugar na napuntahan ko eh..miss ko na mga kwento mo..it is still good..nakakakilig at nakakaiyak parin..hhahaha..idol talaga kita...sana yung next project mo na kwento yung pov nman ng bida..kahit isa lang na kwento..hehehe..na miss ko na kasi eh..tsaka pag ka pov parang CP lang binabasa..love you migs..hahaha..kamusta kayo ng jowa mo??hopefully ok kasi busy ka eh..keep safe -theresellama

    ReplyDelete
  7. Kuya migs!!! Sobrang tagal ko nang d nakakvisit dito busy po sa boards eh (+) thesis but finally graduate nako and magboboards na. Kumusta ka kuyaa?? I hope you're doing fine, well halata naman busy ka kaya late uploads lagi, then again still wishing you all the best. Magbabasa ulit ako ng stories mo, FOREVER A FAN


    -ichigoxd

    ReplyDelete
  8. I'm so excited sa Mga mangyayari kahit alam ko nmn kung ano ang ending nito... ^_^

    -JB :)

    ReplyDelete
  9. Naku Kuya Migs, pahirapan mo si Jase. Letse sya, nagsyota pa pala ng iba eh may iniwan pa syang Rob sa pinas na mesirable. Aargh nakakainis. Sana madami pang chapter, mas maganda na yung kwento.

    -ANDY.

    ReplyDelete
  10. kuya update po please, hahahaha

    ReplyDelete
  11. ...Jase left for US para hanapin ang sarili at ng magtagumpay siya (to make peace with Aaron's ghost and his promise to Aaron's death wish) ay sinubukan niyang makipagrelasyon at kay Ian nga but the thought of Rob never left Jase thats why he couldnt love Ian completely and so the battle for redemption is on : kung tatanggapin pa ba siya ni Rob matapos niya itong iwan na lugmok at durog ang pagkatao... Too painful, too much heart shattering... Dapat pagbayaran ni Jase kahit paano ang ginawa niya kay Rob because he was not fair. Aabangan ko ang kasunod Sir Migs Ang Lupet mo Idol.

    ~Maharett

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]