Thursday, December 29, 2016

Against All Odds 4[2]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. This story is intended for mature audience, it may contain profanity and references to gay sex; if these offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Against All Odds
Book 4 Chapter 2
By Migs

      Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay hindi mapigilan ni Melvin na mamangha sa mga magagandang mata ni Ryan nang muli itong dumilat matapos ang mahabang tulog. Kulay light brown ito, mabibilog at maaamo, mga bagay na hindi pangkaraniwan sa mga pinoy. Ilang beses pang kumurap-kurap si Ryan na tila ba sinasanay ang kaniyang mga mata sa liwanag ng buong kuwarto. Hindi mapigilan ni Melvin ang mapangiti, hindi niya mapigilang ikumpara si Ryan sa isang sanggol na kagigising lang lalo pa nang matapos nitong kumurap-kurap ay binasa naman nito ang mapupulang labi at binukas-sara ang bibig na tila ba may nginunguya.

Sunday, December 11, 2016

Against All Odds Book4[1]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. This story is intended for mature audience, it may contain profanity and references to gay sex; if these offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

                Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nagawa. Habang dahan-dahang dumudulas ang baril sa kaniyang kamay ay kasabay naman nito ang tila ba slow-motion ding pagbagsak ng duguang si Ryan sa kalsada. Siya, kasama si Mike, Dan at ang kaniyang kapatid na si Martin ay tila isinumpang maging mga estatwa at walang magawa kundi ang panoorin lang ang kanilang kasama na unti-unting bawian ng buhay dahil sa sobrang pagdurugo ng sugat nito.


Pinatay ko si Ryan.” Bulong niya sa kaniyang sa kaniyang sarili.

Saturday, June 18, 2016

Imaginary Love 8

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


                Lumipas pa ang ilang linggo at halos gabi gabi na kaming lumalabas ni James, minsan kasama pa namin si Ivan. Tila ba hinila ulit ako ng oras pabalik sa panahon kung kalian mga med students pa lang kami. Unti-unting nabaon ang masasakit na salita na nasabi namin sa isa’t isa noon at nakuwa narin naming pagtawanan ang mga masasakit na nangyari noon.


“I had fun.” Masayang saad ni James nang ihinto na niya ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Jeff.


“Me too.” Masaya kong amin na lalong nagpalaki sa ngiti ni James.

Friday, May 27, 2016

Imaginary Love 7

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


                Nagpakawala ako ng isang buntong hininga, pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Bago ko pa hayaan ang sarili ko na lumabas ng bahay ni Jeff. Si Jeff ay natatawa lang akong pinapanood na tila ba ang paghihirap kong iyon ay nakakaaliw sa kaniya. Nang akala kong kaya ko na ay agad kong inabot ang door knob ng front door ni Jeff pero tila ba naubos na ang lakas ko sa ginawa kong iyon at hindi ko nagawang umapak palabas ng bahay.


“Hey are you OK?” tanong nito nang ilang saglit pa ay hindi parin ako lumabas ng bahay. Tumango lang ako at nagpakawala ito ng isang malalim na hininga at ngumiti.

Saturday, May 7, 2016

Imaginary Love 6

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


                Daig ko pa si spiderman sa bilis ng reflexes. Sa nakalipas na ilang araw na naka-admit si mommy sa loob ng ICU ay walang problema kong naiiwasan si Ivan at si James. Katulad ngayon, laking pasalamat ko at tinawag ako ng kalikasan at kinailangan kong magbanyo, kung hindi ay baka naabutan ako ni Ivan sa waiting area ng ICU, mabilis akong nakapagtago nang makita kong kinakausap ni Ivan si Daddy sa hindi kalayuan.


            Nararamdaman kong magiging malaking eskandalo ang mangyayari kapag nagkaharap kami ni Ivan, hindi naman kasi ganun kababaw ng nagawa ko sa kaniyang kasalanan, hindi na ako magugulat kung sa oras na magkasalubong kami sa hallway ay isang malutong na sampal ang isalubong nito sakin.


            Nagising ako sa iniisip kong iyon nang makita kong binalot ng lungkot ang mukha ni Daddy at nakita ko kung pano ito yakapin ni Ivan. Hindi maganda ang lagay ni mommy at hindi ito kaila samin ni daddy sapagkat pareho kaming duktor pero hindi ibig sabihin nun ay handa at hindi kami nalulungkot sa sitwasyon ni mommy.

Wednesday, April 20, 2016

Imaginary Love 5

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


                Pinandilatan ko ng mata si Jeff na binato lang ako ng isang kinakabahang ngiti. Halatang hindi niya sinasadya ang sinabing iyon, lilinawin ko na sana ang sinabing iyon ni Jeff nang biglang nagsalita ulit ang aking ama. Nagtanong ito kay James tungkol sa mga gamot at iba pang pwedeng magawa na pwedeng makatulong sa aking ina. Magalang at propesyonal naman itong sinagot ni James pero hindi nakaligtas sakin ang paminsan-minsan nitong pagsulyap sakin na sinasabayan naman ni Jeff ng pagsiko sa aking tagiliran.

Monday, April 11, 2016

Imaginary Love 4

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


“Sir hanggang dito na lang po ang byahe.” Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, naabutan ko ang nakangiting kunduktor na nakadungaw sakin at ginigising ako. Habang bumababa ay luminga-linga ako at napagtanto kong hindi ko alam kung nasan ako. Tumingin ako sa relos ko at nakita kong buong araw akong nasa byahe.


“Manong, anong oras po ang byahe pauwi ng Maynila?” tanong ko sa kundoktor.

Tuesday, April 5, 2016

TEASERS

The Contract
(TEASER)

So pinalayas nga ako ng tatay kong ex-sundalo dahil mas gusto kong humawak ng hairbrush kesa sa M16. Kanina sa bahay, bigla na lang niya akong tinanong kung totoo ang narinig niya kay Aling Inyang na chinupa ko ang anak ni Mang Nestor at kung bakla ba daw talaga ako. Di na ako nagsinungaling, sinabi ko sa kaniya na kung ngayon niya lang ba talaga nahalata gayong kumekembot ako kapag naglalakad at nakakaubos ako ng isang lata ng foundation sa loob ng isang lingo.


            Ayun, lumabas ako ng front door na may black eye at  may sampung libo lang na cash para makapagsimula ulit na ginamit ko naman sa ayos. Pumasok ako sa casino at itinaya ang sampung libong iyon na nanalo ng one hundred thousand. Inudyok ako ng katabi ko na itaya ulit yun baka manalo daw ako ng kalahating milyon na ginawa ko naman, ayun natalo ako. Nagkautang pa nga ng fifty thousand.


            Kunot noo ako sa isang tabi habang binabantayan ng malalaking gwardya ng casino nang biglang may papel na kumakaway sa mukha ko. Nagtaas ako ng tingin at may isang matangkad na lalaki na naka amerikana ang may hawak nito. Nasa likod nito ang ilaw kaya naman hindi ko maaninag ang mukha nito. Inabot ko ang papel.


“Kontrata?”


            Tanong ko dito, nakita ko itong tumango. Itinuloy ko ang pagbasa sa kontrata pero wala akong ibang naintindihan kundi ang se-swelduhin ko na fifty thousand per week.


Soon…


000 ----------------------------------------------------0000-------------------------------------------------000




Against All Odds
Book 4
(Teaser)


“Please, just talk to me. Please, say anything. Tatanggapin ko. Kahit murahin mo ako. Kahit sisihin mo ako kung bakit hindi mo ngayon kasama si Danny, OK lang sakin. Just please say something---”


“You can even say you hate me and that you don’t want to see my fucking face again tatanggapin ko just say something.”


“I h-hate you. I d-don’t want to fucking s-see you again, Melvin. Kinasusuklaman kita.”


Soon…


000 ----------------------------------------------------0000-------------------------------------------------000


The Rebound
(Teaser)



Rebound lang ako no?


“What?”


“Panakip sa butas na iniwan niya?”


“What are you talking about?!”


“Tanga na nga ako eh wag mo na ako lalong gawing tanga.”


“What do you want me to say?!”


“I want you to confirm that I’m nothing but a stupid pathetic masochistic fuck na umaasa sa wala kasi rebound lang ako. Panakip butas. Second best. Dakilang sawsawero na hindi magiging masaya kasi umaasa ako na mahalin ng lalaking obvious naman na nakipagrelasyon lang sakin para malimutan yung lalaking nang basted sa kaniya--- kumpirmahin mo na please!”


Soon…


000 ----------------------------------------------------0000-------------------------------------------------000


Against All Odds
Book 5
(TEASER)


            Everything was perfect. I have a loving boyfriend, a handsome and healthy son, Amazing career and a very supportive and accepting environment. Everything was perfect until CANCER took it all away from me. Everything. It took everything starting from my beautiful hair to my beautiful life. I felt robbed. I felt everything was against me. I felt I’m going Against All Odds.


Soon...

AN: Maaari pong hindi ganyan ang pagkakasunod sunod ng pagpublish ko ng mga kwentong ito. :-)

PUNCH IN YOUR COMMENTS, SUGGESTIONS AND VIOLENT REACTIONS!

Saturday, April 2, 2016

Imaginary Love 3

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


      Panaginip lang lahat. Yan ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko sa tuwing gigising ako. Pilit na binabaon sa limot ang mga nangyari.  Ilang araw na ang nakakalipas simula nung nagquit ako sa aking residency at ni isa sa mga araw na iyon na lumipas ay ni hindi ako nagsisi. Ilang araw din matapos akong magquit ay tinatawagan at tinetext din ako ni Ivan pero hindi ko ito pinapansin at nung isang araw, nang hindi na ako nakatiis ay agad kong tinanggal ang sim card ng aking telepono at bumili na lang ng bago.


            Dahan dahan akong bumangon at naginat, ilang saglit pa ay biglang nagring ang telepono ko. Matagal ko pang tinitigan kung ano marahil ang kailangan ng aking ina kaya siya tumatawag ng ganung kaaga.


“Hi Ma. Musta? Musta kayo dyan?”

Tuesday, March 22, 2016

Imaginary Love 2

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

                Agad akong humarap sa salamin pagkapasok na pagkapasok ko sa banyo. Nagsisimula ng mamugto ang paligid ng aking mga mata at namumula  na ang puti ng aking mga mata, pinilit kong isipin na huwag ng umiyak pero hindi ko ito magawa dahil nadin kahit anong pigil ko sa mga emosyon na bumalot sa akin ay natatalo parin ako nito. Dahan dahan akong yumuko at naghilamos, umaasa na baka mawala ang pamumula ng mga mata ko. Umaasa na baka mawala ang nararamdaman ko pero bigo ako.


“Bakit ka ba nasasaktan?!” naiinis kong tanong sa sarili ko.

Sunday, March 13, 2016

Imaginary Love 1

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

                Nakarinig ako ng malalakas na pagkatok sa pinto ng aking apartment na siyang gumising sakin sa mahimbing kong tulog, dahan dahan kong iniangat ang aking sariling katawan mula sa komportableng kama. Saglit kong sinanay ang aking sarili sa aking paligid habang pinipilit kong gisingin ang bawat kalamnan sa aking katawan at pilit na tinatandaan ang nangyari noong nakaraang gabi.


“You feel amazing.”


“Less talking more fucking.”

Sunday, March 6, 2016

Sorry

Hello guys, Migs here. May problem po ako... My mac won't fucking start!!!! Kaya hindi din po ako makapagupdate. Everytime i press the power button a folder with a question mark kept on popping. :-( tapos di siya magsta-start. :-( I already googled it pero hindi siya nakakatulong. :-( I need help guys andun sa laptop na yun ang lahat ng stories natin. :-( medyo tanga lang ako kasi wala akong backup. Sorry. :-/

-posted using my phone.

Monday, February 8, 2016

Halaga [5] BACK TO BACK

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Naniningkit ang mga tingin nito. Parang tinitignan niya kung totoo bang nakatayo ako sa harapan niya o imahinasyon niya lang ako. Nakanguso parin ito na parang bata, indikasyon na hindi niya talaga nagustuhan ang nalaman niya na ang nakatatanda niya palang kapatid ang karelasyon ko ngayon, lalong naningkit ang mga mata nito nang makita niyang hinila ko ang upuan na kanina lang ay inuupuan ko at umupo ulit dito.


What are you doing?”

Halaga [4] BACK TO BACK

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Pilit kong inaabot mula sa mahabang kamay ni Baste ang katatapos ko lang gawin at i-print na report na ginawa ko para kay Gab. Naka kunot ang noo nito at nakanguso. Alam kong alam na nito na hindi para sa akin ang mga pinagkakaabalahan kong mga takdang aralin na iyon. Nagsisimula na akong mainis at alam kong nararamdaman ito ni Baste kaya naman buong alinlangan niyang binigay sakin ang report na iyon.


“Para kanino mo ginagawa yang mga yan?!” singhal nito. Agad akong tumalikod dito at inilagay sa isang sliding folder ang report.

Saturday, January 23, 2016

Halaga 3

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Nagulat na lang ako nang biglang may kumalabog sa aking tabi, tinignan ko ang sanhi nito at nakita ko ang nakakunot noo at nakangusong gwapong mukha ni Baste. Ilang araw na kaming magkasama ni Baste sa dorm na iyon, hindi ko alam kung bakit dito nagsusumiksik si kumag gayong meron namang apartment ang kanilang pamilya dito sa Maynila kaya naman tulad ng inaasahan ay disaster ang ilang araw na iyon na magkasama kaming dalawa.


What?!” tanong ko dito nang makita na ang mga malalaking kamay ni Baste na humampas sa kahoy na lamesa ang dahilan ng kalabog na iyon.