Wednesday, April 20, 2016

Imaginary Love 5

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


                Pinandilatan ko ng mata si Jeff na binato lang ako ng isang kinakabahang ngiti. Halatang hindi niya sinasadya ang sinabing iyon, lilinawin ko na sana ang sinabing iyon ni Jeff nang biglang nagsalita ulit ang aking ama. Nagtanong ito kay James tungkol sa mga gamot at iba pang pwedeng magawa na pwedeng makatulong sa aking ina. Magalang at propesyonal naman itong sinagot ni James pero hindi nakaligtas sakin ang paminsan-minsan nitong pagsulyap sakin na sinasabayan naman ni Jeff ng pagsiko sa aking tagiliran.

            Magtatanong pa sana ulit si daddy nang biglang magring ang telepono ni James. Agad itong nag-excuse sa amin at sinabing kailangan niyang sagutin ang tawag na iyon, kinuwa ko iyong uportunidad na pandilatan lalo si Jeff.


“Anong problema mo?” singhal ko dito.


“Sumusulyap siya sayo!” excited na pabulong na sabi sakin ni Jeff na miya mo batang babae na kinikilig. Sisikmatan ko sana ulit ito nang biglang magsalita si daddy.


“San ka magste-stay niyan?” tanong nito sakin. Agad akong nagbaba ng tingin at umiling.


“Di ko agad naisip yan, dad eh. Pumunta lang ako agad dito.” Sagot ko sa tatay ko na tumango-tango.


“Sa tita Angie mo ako tutuloy---” malungkot na saad nito. Hindi ko na ito hinayaang matapos.


“Maghahanap na lang po siguro ako ng matutuluyan. Alam ko naman pong ayaw sakin ni tita Angie.” Saad ko dito na marahan ding tumango tango.


“You can stay with me. Kayo din po, sir. May bahay po ako malapit dito, pwede po kayo magstay pareho dun.” Alok ni Jeff na ikinagulat ko. Ang alam ko ay sinamahan lang ako umuwi ni Jeff at wala sa plano nito na samahan ako hanggang matapos ang pinagdadaanan ko ngayon.


“Naku hijo masyado naman atang abala iyon.” Saad ni daddy na agad pinabulaanan ni Jeff.


“Naku hindi po kayo nakakaistorbo. Saka hindi narin ako sanay na wala ‘tong si Ryan sa tabi ko.” Saad nanaman ni Jeff sabay akbay sakin na muling ikinalaki ng mga mata ko dahil sa gulat, nagulat ako dahil mukhang hindi nanaman pinagisipan ni ulupong ang kaniyang sinabi at lalo nanamang nadadagdagan ang ipapaliwanag ko sa aking ama. Sumulyap ako sa aking ama at  kitang kita ko ang gulat din sa mga mata nito.


            Alam kong ibig sabihin lang ni Jeff na hindi na siya sanay na wala ako sa tabi niya ay bilang magkaibigan lang hindi bilang magkasintahan pero matapos ang pakilala niya sa kaniyang sarili kanina sa aking ama at kay James na hanggang sa ngayon ay hindi ko pa nalilinaw ay alam kong iniisip na nga ni daddy na kaming dalawa na nga talaga ni Jeff.


Agad nangunot ang noo ni Jeff sa pandidilat ko nanaman na iyon sa kaniya at nang mapagtanto niya siguro ang kaniyang sinabi at halong pagakbay pa ay agad nanaman ako nitong tinignan na tila ba sinasabi niyang hindi niya iyon sinasadya sabay bawi ng kaniyang kamay sa aking balikat.


Binalik ko ang aking tingin kila James para lang makaligtas ako sa mapanuring tingin ni Daddy pero lalo akong nanliit nang makita kong mariin din ang tingin sakin ni James habang nakikipagusap sa telepono. Naputol lamang iyon nang biglang sumilip ang isang nurse mula sa pinto ng ICU at hinihiling na kausapin si daddy.


Mabilis akong humarap kay Jeff na ikinagulat din nito at nakita kong binalot din ng kaba ang mukha nito.


“Bakit partner ang pakilala mo sa sarili mo kay daddy? Kalian pa tayo naging magpartner?” singhal ko dito.


“Di ko sinasadya yun! Sasabihin ko sana magpartner tayo na duktor sa baryo. Buddy buddy kung baga.” Mahinang saad ni Jeff.


“Tapos ngayon sasabihin mo sa tatay ko na hindi ka sanay na hindi ako kasama?! Tapos aakbay ka pa?” singhal ko nanamang patanong dito.


“Eh araw araw ba naman tayong magkasama sa loob ng limang taon eh---” simula nito pero agad ko itong binara.


“Pero hindi ganun ang intindi nila. Akala nila kaya mo sinabi yun kasi dahil nga magkarelasyon tayo!” balik ko naman dito. Nakita kong sumulyap si Jeff kila James at nang ibalik nito ang tingin niya sa akin ay naniningkit na ang mga mata nito na tila ba pinaghihinalaan niya ako sa isang krimen.


“Are you trying to send the I’m-still-single message to your Ex kaya ayaw mong akalain niya na tayo?” tanong nito sabay taas kilay na tila ba nahuli niya ako sa krimen na kanina lang ay pinaghihinalaan niya sakin.


“What?! Of course not!” pagkakaila ko dito.


“Uhhummm” malisyosong saad ni Jeff. Sisikmatan ko sana ulit ito nang magsalita si James.


“Where have you been, Ry? Ilang taon na ba three or four years na ata simula nung huli tayong magkita---” simula nito James, muli ko itong hinarap at nun ko lang napansin na wala na pala ang residente sa tabi nito, nagising lang ako sa pagiisip kung nasan na napunta ang residente nito nang marinig kong putulin ni Jeff sa pagsasalita si James.


“Five years.” Mariin na saad ni Jeff.


“Excuse me?”


“He’s been with me for five years. So five years na nung iwan mo siya.” Sagot ni Jeff. Agad akong tumingin dito pero wala akong nakita ni anong emosyon sa mukha nito. Sunod kong tinignan si James at nagulat ako nang makita itong nakatingin sakin. Puno ng lungkot ang mukha nito.


“I--” simula ni James pero muli siyang naputol nang lumabas ang tatay ko ng ICU.


“Everything OK?” nagaalala kong tanong dito lalo pa nang makita ko itong tila ba pagod na pagod. Mariin lang tumango si Daddy bilang sagot.


“Sinabi lang nila kung ano pang kailangan nila.”


“Gusto niyo na po bang magpahinga? Malapit lang po dito yung bahay.” tanong ni Jeff kay Daddy na nagpakawala lang ng isang matipid na ngiti.


“Oo sana, gusto ko ng magpahinga. Kaso baka kailanganin ako dito. Salamat Jeff ha.”


“Tito, hindi niyo naman kailangang mag-stay. Stable naman ngayon si tita and i-a-update ko na lang po kayo or tatawagan kung kailanganin po kayo dito.” Singit naman ni James. Sinulyapan ko ito at nakita kong matapos nitong tignan ang aking ama ay kay Jeff naman nito ibinaling ang tingin. Mariin na tingin na tila ba nakikipagtunggali kay Jeff. Tinignan ko si Jeff at blangko lang ang mukha nito at nakatingin din kay James.


“OK. Salamat James.” Saad ni daddy.


“Thank you.” Saad ko din dito na sinagot lang nito ng pagtango. Sabay sabay na kami tumalikod nang bigla ulit nagpahabol si James.


“Ry, wait. Anong number mo?”


            Natigilan ako. Hindi lang dahil sa tanong nito pero dahil din biglang nagtense ang buo kong katawan nang maramdaman ko ang paghawak ni James sa aking balikat.


“Bakit?” tanong ni Jeff kay James.


“Para ma-update ko sila ni tito.” Simpleng sagot ni James na ikinagising ko na din sa sobrang imahinasyon na dinadanas ng utak ko sa simpleng tanong na iyon ni James at ang pagdampi ng kamay nito. Inabot sakin ni James ang kaniyang telepono at nilagay ko doon ang aking numero.


000ooo000


            Hindi ko napigilang mapanganga nang makarating kami sa bahay ni Jeff. Hindi ito bahay kundi mansyon. Nagkapalitan kami ni Daddy ng tingin nang makababa kami ng taxi at habang tila ba excited si Jeff na buksan ang gate ng malaking bahay.


“So siya yung kasama mo sa province?” tanong sakin ni daddy habang naglalakad papasok ng bahay ni Jeff. Ngumiti ako at tumango pero agad din akong sumeryoso.


“Dad, we’re not together. Ibig sabihin kanina ni Jeff about dun sa ‘partners’ na sinasabi niya ay parang buddy buddy lang kami---” simula kong paglilinaw sa tatay ko pero agad ako nitong kinawayan na siyang nagsasabi na wala siyang pakielam sa mga sinasabi ko.


“You know I love you, gay and all pero anak wala na akong interes pang malaman ang love life mo at kung ano mang gusto mong gawin susuportahan kita. May itatanong lang ako, masaya ka ba ngayon?”


“Gusto ko naman ang ginagawa ko ngayon at masaya naman ako.”


“Then I’m OK with that.” Saad ng tatay ko sabay ngiti.


            Pagkapasok na pagkapasok namin ni daddy sa bahay nila Jeff ay muli kaming namangha sa ganda ng mga mwebles at aliwalas ng buong lugar. Sinalubong kami ng ilang kasambahay na kung kausapin si Jeff ay tila ba mga kapatid niya ang mga ito.


“Kayo na bahala sa mga gamit nila tapos paki ayos na lang yung dalawang kwarto.” Saad nito sa mga kasambahay na agad namang sinunod ang mg autos niya.


“Sir I’m sure gutom ka na. Ipaghahanda ko kayo ng makakain.” Masayang saad nito na tila ba masaya na may bisita siya.


“Anak, Jerry na lang ang itawag mo sakin o kaya tito.” Nakangiting saad ni daddy na nagdulot din kay Jeff na mapangiti.


            Inaya na kami nito sa malaking kusina na may sariling kainan na din na hiwalay pa sa mismong dining area, ilang beses na tumayo si daddy para tignan ang ginagawa ni Jeff na manghang mangha sa ideya na marunong magluto si Jeff na lalong nagpalaki sa ngiti ng loko.


“The presentation is good. Now let’s see if it tastes good also.” Nanlolokong saad ni daddy na ikinakaba ni Jeff at ikinahagikgik ko naman. Para kasing bagong kasal na babae si Jeff at tila naman mapanghusgang biyenan na babae ang daddy.


“Wow.” Gulat na gulat na saad ni daddy.


“San ka natuto magluto, Jeff?” manghang mangha na tanong ni daddy.


“After med school and boards nag culinary school po muna ako bago magresidency pero bago lahat yan, bata palang po ako tinuturuan na ako ni daddy and mommy na magluto na parehong chef.” Saad ni Jeff na kumakain nadin tulad naming dalawa ni daddy.


“Wait wait wait--- med-school?” taas kilay na tanong sakin ni daddy. Tumango ako saglit at ngumiti.


“Endocrinologist si Jeff, dad. Pumunta siya sa province para magvolunteer.”


“Wow.” Saad ulit ni daddy sabay kain ulit.


“When are you going to marry my son?” seryosong tanong ng tatay ko na ikinagulat naming dalawa ni Jeff.


“Dad!”


“Tito straight po ako.” Nahihiyang saad ni Jeff.


“Sus wala ng straight ngayon. Ruler nga bendable na eh.” Humahagikgik na saad ng tatay ko habang kumakain. Nagkatinginan kami ni Jeff at nagkatawanan na lang din habang kumakain.


000ooo000


“Your dad is funny.” Humahagikgik na saad sakin ni Jeff habang tinutulungan ko siyang magligpit.


“At hindi mo sinabi sakin na milyonaryo ka pala.”


“Hindi mo sinabi sakin na panget pala si James.”


“Sira!” sigaw ko dito na ikinahagikgik nanaman ni Jeff.

“Pero seryoso, Ryan, OK ka lang ba?” seryosong tanong ni Jeff na ikinabuntong hininga ko na lang.

“OK lang naman pero ngayon pa lang hindi ko pa man nakikita si mommy alam kong hindi na maganda ang lagay niya. Dad is a doctor himself and makita lang yung mukha niya after leaving the ICU kanina alam ko na na pangit ang lagay ni mommy.” Malungkot kong saad. Nagulat ako nang bigla akong hawakan ni Jeff sa balikat at mariin itong pinisil.

“Hey. Kung kailangan mo ng tulong andito lang ako.” Saad ni Jeff na nakapagpagaang ng loob ko.

“Thank you.” Saad ko dito sabay ngiti.

“Tingin mo payag ang dad mo sa extra marital affair?” tanong ni loko sabay taas baba ng kilay na ikinahagalpak ko ng tawa.

“Gagu!”

“Aww! C’mon Ry I’m horny! I’m tired of my hand.” Tila batang saad ni Jeff na agad kong binatukan. Agad tumawa si loko na siyang nagtulak din sakin na mapatawa.


“Jeff” tawag ko din nang makabawi na ako sa pagtawag.

“Hmmm?” tanong nito habang inaayos sa isang lalagyan ang ulam na niluto niya.

“Thank you.” Mariin ko saad dito sabay ngiti. Tinignan ako nito at ngumiti din.

“Anytime, dude. Though mas OK kung may blowjob pero OK nadin ang thank you.” Nagloloko paring saad ni Jeff.

“Jeff?”

“hmm?”

“Tingin mo ready na ako makaharap ng matagal sila James at Ivan, yung kaming tatlo lang talaga? I mean, hindi siya malabong mangyari ngayon.”

“Oo naman. Kapag hindi mo kaya tawagan mo agad ako tatadyakan ko sila pareho. Kayang kaya ko yung si James. Sus. Liit ng kaha nun.” Saad nanaman ni Jeff na muling nakapagpatawa sakin.

“Pero if it means a lot to you at gusto mo talaga silang makaharap ng kayo lang then I’ll distance myself pero marinig ko lang na naaagrabyado ka na kahit pa ayaw mo akong sumingit sa usapan tatadyakan ko parin sila.” Pagtatapos nito sabay ngiti at gulo sa buhok ko na para bang nakatatanda ko siyang kapatid.

“Tapos kapag friends na ulit kayo aayain ko siya sa gym para naman lumaki laki yung katawan niya. Mukhang chick magnet din siya eh, nakita mo ba yung nakabuntot sa kaniyang residente. Grrr! Gusto ko siyang hubaran dun sa hallway kanina eh ang seksi! Bebot na bebot---!”

            Umiiling ko na lang na pinakinggang ang kamanyakan ni Jeff habang tinatapos namin ang pagliligpit.


Itutuloy…


Imaginary Love 5

By: Migs

10 comments:



  1. I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizers. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts

    Red 08: thanks sa pagcomment at pagbabasa! 

    Rage: Nice! Masarap magmahal ang duktor, Rage. Wag mo na pakawalan yan! ;-) Salamat sa pagiwan ng comment!

    Russ: nako! Hindi ko iboboto ang mga Makati. Salamat sa pagiiwan lagi ng comment!

    Anonymous April 13, 2016 at 7:47 PM: sir, iwan po kayo ng pangalan or nick nextime para mapasalamatan ko po kayo ng maayos. 

    Nix: Nako wala na ako balita kila Sir Neph. Si Sir Josh ngayon ko lang ulit nakausap. Sure. Pwede mong iprint ang stories ko para kay BF.  i-hi mo nadin ako sa kaniya! Salamat!

    P E D R O: pipilitin ko pong subukan na makapagpost/ update ng twice a month. miguisalvador@yahoo.com yan po ang dummy account ko.  wala po siyang picture. Hindi ko na siya maasikaso kasi… 

    jasper paulito: Salamat sa araw araw na pagbisita sa blog ko!

    Makoy: Salamat! 

    MERON DIN PO AKONG MGA SHORT STORIES. PARA PO SA MGA BAGO SA BLOG KO PWEDE NIYO DIN PO SILA MABASA. CLICK NIYO LANG PO YUNG LINK NG SHORT STORIES SA TABLE OF CONTENTS SA GILID NG BLOG! SALAMAT!

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Hooray meron na palaaaaaa hahahahhahaha! nag-enjoy si bf sa taking chances. Sabi niya may mga characters siyang di naintindihan sabi ko naman malamang di mo binasa in order mga sotry eh. inuna niya aksi mga hilig ko hahahah!

    Anyway, salamat again kuya! ��

    -nix

    ReplyDelete
  3. Yes! Update! The story is getting more interesting! Hooked! Galing niya oh!

    /dilos

    ReplyDelete
  4. OMG! You make me so happy, kuya migs! Ay grabe naman, fc much naman yung word na "kuya" haha.

    Napakafucked-up kasi ng araw ko ngayon and thanks to you and to your update. Somehow nabawas-bawasan ang pagkabadtrip ko sa mundo.

    Ay friend na po pala kita sa fb hehe, akala ko po kasi ndeactivated na yung account mong 'yon.

    Old reader na po ako dito! Since 2010! Nagpalit lang ako ng anonymous name pero dati na po akong nag cocomment sa mga past stories mo. :D I'm such an avid fan hahaha. Okie simulan na natin ang pagbabasa!

    -P E D R O

    ReplyDelete
  5. Huhu bitin pero oks lang! Na-good-vibes naman ako sa update! Nakakakilig, nakakatawa. hahaha - P E D R O

    ReplyDelete
  6. Wow may update naaaaaa! Ang thoughtful ni Jeff! And I'm excited sa meeting ng tatlo!

    Masarap ba magmahal ng doktor? In my case parang hindi eh. Kasi doktor din ang gusto nya and I'm not good enough for him daw. Aray naman di ba? Lol

    ReplyDelete
  7. Haha kung totoo na walla ng straigjt pati ruler bendable na din dami kuna sguro jowa now. Haha

    I like jeff character. Chill chill lang..

    Tnx migsss..

    ReplyDelete
  8. Sa lahat ng mga blog site na may ganitong tema, ikaw na lang ang sinusundan ko migs! Keep it up, take care �� - LEO

    ReplyDelete
  9. Nakakatuwa ang mga hirit at banat ni Jeff. Kahit awkward na yung situation napapagaan nya.
    Looking forward sa paghaharap ng tatlo.

    Makoy

    ReplyDelete
  10. I really love your story kuya Migs, ang dami kong nalalaman na medical terms dahil sayo. Idol na idol kita sa pagsusulat!

    -JM Perez-

    ReplyDelete