Tuesday, September 27, 2011

Breaking Boundaries 2

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Tinitignan ko ng masama si Jepoy habang naglalakad kami palabas ng DEANS office, napaka-cool nito, para bang walag problema sa buhay, pagkalabas na pagkalabas namin ng pinto ng office ay nagsimula na itong pumito at maglalakad na sana papunta sa kabilang direksyon ng aking tatahaking hallway ng pigilan ko ito.


Drop it, Jepoy. Anong pinaplano mo?” tanong ko dito, natigilan ito sa pagsipol at paglalakad masuyo itong humarap sakin at ngumiti.


Plano kong makatulong sayo at tumaas ang grades ko para sa summer di ko na kailangang umattend na mga subjects na ibabagsak ko kung di mo ako tu-tutor-an.” natigilan ako sa sagot niya, marahil nakita niya ang pagaalinlangan sa mukha ko. Sa totoo lang di naman bobo itong si Jepoy, tamad lang, kaya di naman siguro magiging mahirap ang turuan siya.



C'mon, Maki. It's a win win proposal. Kailangan natin ang isa't isa, lalo na ngayong wala akong sembreak just so I can catch up with those subjects na ibinagsak ko last sem.” pahayag ulit nito atsaka tumalikod na at naglakad palayo.


It's Marcus, not Maki.” pagtatama ko dito, ngumiti lang ito at binalewala ang aking sinabi.


Sabay ka ng umuwi samin ni Jana mamya. Dun tayo sa bahay namin, kailangan ko ng tulong mo sa accounting.” sabi nito, napailing na lang ako.


Papa Lord, bigyan niyo po ako ng sign kung dapat ko pang ituloy ito.” sabi ko sa sarili ko sa sobrang kaba, kilala ko kasi si Jepoy, pwede akong inisin nito sa buong oras na tinuturuan ko siya at sa totoo lang wala pa akong pangarap na makalbo agad.



Wala pa mang ilang minuto ko hiniling kay Papa Lord ang sign ay agad na niya itong binigay, biglang bumukas ang pinto ng DEANS office na siya namang katapat ng kinatatayuan ko ang siste, sapul ako sa ulo nito. Napahiga na ako sa hallway sa sobrang lakas ng impact. Dumilat ako at nakita ang DEAN na naka dungaw sakin.


Ano ba naman kasing ginagawa mo diyang bata ka?” tanong nito sakin saka ako tinulungan patayo.



0000ooo0000


Nanlulumo kong binasa ang mga report na nakaahin saking harapan ng bigla akong sikuhin ni Jana mula sa aking kaliwa, tinignan ko ito at nagulat ng makita ko itong nakasimangot.


May hindi ka sinasabi sakin.” bungad nito sakin.


H-ha? Di ko alam ang sinasabi mo.” pagmamaangmaangan ko, itiniklop nito ang kamay sa kaniyang dibdib sabay pout ng lips.


Marcus Tiangsan! Nagsisinungaling ka na sakin ngayon?!”


No choice, ayaw kong sabihin sayo na medyo gipit kami dahil alam kong manghihingi ka nanaman sa papa mo, nakakahiya, Jana. And don't worry about kay Jepoy, I backed out.” sabi ko dito sabay balik sa aking binabasa.


Ano bang masama sa konting tulong? And I talked with the DEAN, sabi ko you'll be doing the tutorials for Jepoy.” sabi nito sabay tabi sakin.


Ayoko na Jana, alam mo namang magkaka World War 3 kapag magkasama kami niyang boyfriend mo eh. Nagpasa na ako ng bio data for more student assistant jobs here sa campus.” paliwanag ko dito.


Please, Marcus. Jepoy needs your help and you need the money.” sabi ni Jana sabay hawak sa kamay ko, ito ang ikinatatakot ko, sa tuwing gagawin kasi ito ni Jana ay hindi na ako makakahindi sa kaniya.



0000ooo0000



Nakangiting gago si Jepoy habang nagmamaneho, ako naman ay di mapakali sa likod, kinakabahan sa pantri-trip na gagawin sakin mamya ni Jepoy. Hinampas ni Jana ang braso ni Jepoy, tumigil naman ito sa kakangisi.



Umayos ka mamya kapag tinuturuan ka na ni Maki ah?!” banta ni Jana, tumango lang si Jepoy, halatang nagpipigil sa tawa.



J-Jana, wag na lang kaya?” tanong ko dito.



Tss! Maki, wag ka nga! Kailangan niyong dalawa to!” sabi nito sabay ismid.



Nang maihatid na namin si Jana sa harap ng bahay nila ay dumungaw muna ito sa bintana at pinaalalahanan muli si Jepoy, tumango lang si Jepoy pero may kakaibang ngiti ito. Lalo akong kinabahan. Nang pumasok na si Jana sa loob ng bahay ay biglang lumingon sakin si Jepoy.



Ano ako, Driver?! Lumipat ka na dito sa unahan!” utos nito, bumaba ako at ng aktong aabutin ko na ang handle ng pinto sa passenger seat ay bahagyang umabante ang kotse, nakita ko si Jepoy na humahagalpak ng tawa sa loob.



Tagal mo naman!” sigaw ulit nito pero ng aabutin ko ulit yung handle ay umabante nanaman ito. Nagpintig ang tenga ko naglakad ako palayo dito, pauwi ng bahay.



C'mon Maki, I'm just messing with you, sakay ka na.” saad nito at siya na mismo ang nagbukas ng pinto, nilagpasan ko ito, muli niyang isinara ang pinto at umabante, sinasabayan ang lakad ko. may kung anong kademonyohan ang pumasok sa kukote ko, naglakad ako papunta sa kabilang direksyon, umatras naman si Jepoy.



Maki, sorry na.” sigaw ulit nito, sabay nito ay ang malakas na kalabog, naatrasan ni Jepoy ang isang malaking basurahan.



Wag mo akong tawaging Maki! Marcus ang pangalan ko!” sigaw ko dito.



Bakit kapag si Jana...?”



Bakit?! Ikaw ba si Jana?!” balik ko dito, umiling lang ito.



Agad na bumaba si Jepoy para tignan ang damage sa kaniyang kotse, may gasgas sa bumper nito, pinandilatan ako nito ng mata saka naiiritang sinabunutan ang sarili at nagpapapadyak.



Ang tagal mo naman?! Sakay ka na!” sigaw ko sabay sakay sa may passenger seat.



0000ooo0000



Papatayin ako ni Dad.” bulong nito sabay iling.



San ka ba kasi natutong magdrive?! Ga-bobo mo kasi, diba dapat kapag umaatras nakatingin ka sa likod, sa dalawang side view mirrors saka sa rearview mirror mo? Tatanga tanga ka kasi eh.” pangaalaska ko dito.



Tarantado ka kasi eh! Kundi ka ba naman isang malaking drama queen edi sana di kita hinahabolhabol kanina!”



Eh retarded ka pala eh! Ikaw tong unang nanggago nung abante ka ng abante habang inaabot ko yung handle ng kotse mo eh!” nagsisigawan na naming palitan ni Jepoy. Sasagot pa sana si Jepoy ng magring ang telepono niya.



Hello, Jana?... oh, hun, Oo, ok lang kami pareho. Of course not di kami nagaaway ngayon... you don't have to worry, o sige, I love you too, bye.” habang kausap ni Jana si Jepoy sa telepono ay nakatingin sakin ng masama si Jepoy.



Humanda ka sakin mamya.” pagbabanta sakin ni Jepoy.



0000ooo0000



Kumain ka muna diyan, tignan ko lang yung nilalaro ko.” utos sakin ni Jepoy nung nakarating na kami sa kwarto niya. Binuksan nito ang kaniyang PC pagkatapos ay hinubad niya ang kaniyang polo at sando, tumambad ang magandang katawan nito.



Bagay nga talaga sila ni Jana, ano naman ang panama ko sa isang 'to, mayaman na gwapo pa.” bulong ko sa sarili ko habang nilalantakan ang sandwhich na inakyat ng kasambahay nila.



Saglit lang to promise.” sabi ulit ni Jepoy, nang silipin ko ang kaniyang PC ay naglalaro ito ng SIMS, napamaang ako.



Dalawang oras na ang nakakalipas at hindi parin tumitigil si Jepoy sa paglalaro.



Jepoy, di ba masyadong nakakahiya sakin? Nagiintay ako o, may aaralin din akong lessons ko. magaalas diyes nadin kailangan ko ng umuwi!” pagpupumilit ko dito.



Di yan, maaga pa naman eh!” sigaw nito. Napailing na lang ako.



Isinandal ko ang aking ulo sa tagiliran ng kama ni Jepoy, maya maya pa ay nakatulog na ako.



0000ooo0000



Maki, Makii, Makiiiiii!” napabalikwas ako sa paggising sakin na iyon, tinignan ko ang orasan ko at nakitang alas dose na ng madaling araw, tinignan ko ng masama si Jepoy sabay tayo at kinuwa lahat ng mga gamit ko.



Sabi na, di magandang idea to eh! Ayoko na! Maghanap ka ng ibang magtu-tutor sayo.” sigaw ko dito.



Maki naman eh. Wag ka na munang umalis, nagpromise ako kay Jana eh.” sabi nito sabay hila sa bag ko.



Sabi ng wag mo akong tawaging Maki! Bahala ka sa buhay mo! Mag aral ka magisa mo!” sigaw ko ulit.



“Pleassssseeee!” pagmamakaawa ulit nito. Napabuntong hininga ako at natigilan saglit. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagmamakaawa kita rin sa mata nito ang sinseridad, alam kong hindi ko ito mahi-hindi-an, nagbuntong hininga ulit ako.



Bukas na lang ulit.” pagpapaubaya ko.



Yes!” sigaw nito pero bigla din agad nalungkot.



Pano pag tinanong ni Jana?” nagaalalang tanong nito.



Ay, di ko na hawak yan, tsong.” sabi ko sabay labas ng kwarto niya.



S-sige sige ako ng bahala kay Jana, pero hayaan mong ihatid kita. Wala ka ng masasakyan sa labas, makabawi manlang ako sayo.” alok nito, naningkit naman ang mata ko, alam kong may binabalak nanaman itong loko na ito.



S-sige.” matipid at may pagaalangan kong sagot at lumatay nanaman sa mukha niya ang nakakalokong ngiti.



0000ooo0000



Bago pa man niya ma-i-start ang kotse ay pumasok na agad ako sa passenger seat para di na niya magawa ang kaniyang abante game sakin. Nakangiti paring nakakaloko si Jepoy. Nang makalabas kami ng village ay bigla itong tumigil sa isang convenient store, lumabas ito at nagpaalam sakin na may bibilhin lang.



Bumalik ito na may daladalang dalawang beer in can, nangunot naman ang noo ko.



Eto oh, cheers tayo.” aya nito sakin sabay tulak ng isang bukas na beer in can sakin.



D-di ako nain...” pero di ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay itinaas na ni Jepoy ang kaniyang beer at nagsalita.



Para sa pagkakaibigan!” sigaw nito. Sabay tungga sa kaniyang beer, napansin nitong di ako umiinom kaya't itinulak nito ang beer sakin, pilit na pinainom pero masyadong napalakas ang tulak nito kaya't natapon sakin ang beer.


Ooops.” sabi nito sabay tawa, binigyan ako nito ng isang box ng tissue.



0000ooo0000



Nang makarating kami sa aming bahay ay nagpumilit itong ihatid ako hanggang pinto, baka daw kasi kuwanin ako ng manananggal at mawalan siya ng bagong kaibigan, nagtataka man ako ay pinabayaan ko na ito sa gusto niya. Nang magbukas na ng pinto ang aking ina ay gegewang gewang naman si Jepoy sa pagkakatayo. Ngayon alam ko na ang gusto nitong palabasin.


Hi, Mrs. Tiangsan! Ang lakas palang maginom nitong unico Hijo niyo, hik, aba eh dapat tu-tutor-an ako eh sa isang club ako dinala.” arte ni Jepoy sa harap ng nanay ko, naningkit naman ang mata ng nanay ko sabay tingin s beer in can sa kamay ko.



Ah eh pasensya ka na Jepoy ah? Hayaan mo't pagsasabihan ko. K-kaya mo pa bang magmaneho?” tanong ng aking ina kay Jepoy, sumisinok kunwaring tumango naman si Jepoy. Tinignan ulit ako ng masama ng aking ina.



O siya sige, Jepoy, sige na at magpahinga ka na, sigurado ka bang kaya mo pang magmaneho?” tanong ulit ng nanay ko sabay abot saking tenga para pingutin, mabuti na lang at nakaiwas ako.


Sa totoo lang po, parang di ko na ata kaya, p-pwede po bang dito muna ako magcrash?” tanong ni kumag sa aking ina, tumingin sakin ng masama ang inay sabay pingot sa aking tenga, di na ako nakaiwas saka naman sumagot kay Jepoy.



Sure, Hijo. Kaso wala kaming guest room, pwede bang sa kwarto na lang ni Marcus ikaw matulog?” tanong ng aking ina habang pasakit ng pasakit ang pingot nito sakin.



No problem, tita.” sagot ni Jepoy, pinapasok na kami ni inay, nagpaalam naman na mag c-CR si Jepoy, nakahanap naman ng tyempo ang aking ina.



Kailan ka pa natuto maginom?!” magdadahilan sana ako pero nagtanong nanaman ang aking ina.



Por Diyos, por Santo, Marcus! Ngayon ka pa nagloko kung kailan gipit tayo! Makakarating ito sa ama mo! Hala akyat!”



Pero, Nay!” pagdedepensa ko sana.



AKYAT!” sigaw nito.



Nang makaakyat ako sa kwarto ko ay naabutan ko si Jepoy na pasipolsipol na nakahiga sa aking kama, nakaunan ang ulo sa dalawang kamay habang pinipigilang mapangiti.



Bwisit ka!” sabi ko sabay pasok sa banyo at nagtoothbrush. Napatawa naman si Jepoy. Paglabas ko ay humihilik na si Jepoy, naglatag ako ng mahihigaan sa sahig ng kwarto ko.



Magagantihan din kita.” sabi ko sa sarili ko at natulog na.



Masakit ang buong katawan ko at ang aking tenga ng magising ako, kahit tayo tayo pa ang aking buhok at puno pa ng muta ang magkabilang mata ay agad akong bumaba para kumain, nagugutom na kasi ako.



Oi! Maki! Kain tayo!” sigaw ni Jepoy ng mabungaran ako nito sa may pinto ng kusina. Punong puno ng kanin ang bibig nito at may bahid pa ng tocino ang paligid ng bibig nito.


Marcus nga sabi!” ngumiti naman ito ng nakakaloko.


Tangna, sira nanaman ang araw ko.” bulalas ko at tinignan ako ng masama ng aking ina dahil sa narinig na pagmumura, nabulunan naman si Jepoy sa katatawa.


Itutuloy...


__________________________
Breaking Boundaries 2
by: Migs

Thursday, September 22, 2011

Breaking Boundaries 1

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Halos ihiga ko na ang sarili ko a mahabang mesa na iyon ng National Library dahil sa antok, pinilit ko kasi talagang gumising ng maaga dahil ayaw kong may pinagiintay akong tao, kaya ang siste ako ang madalas na magintay para sa mga taong Ime-meet ko. Tumingala ako at hinanap kung saan maaaring nanggagaling ang malamig na hangin na siyang nagpapapaantok sakin.


Para akong tanga na nakatingala at medyo nakaawang pa ang bibig ng tumunog ang cellphone ko. May nagtext, agad kong inabot ang aking telepono at binasa ang kadadating lang na mensahe.


Sorry, medyo tinanghali ako ng gising eh, andito na kami sa lobby.” sabi ng aking kausap para sa umagang iyon.



Kung ibang tao ito ay malamang nag-walk out na ako o kaya naman ay iintayin ko nga sila pero sisinghalan ko ng sisinghalan at sesermunan tungkol sa punctuality, pero iba itong kausap ko ngayon. Napamaang ako ng makita ang taong aking i-me-meet, si Jana. Ang bestfriend ko, ang pinakamagandang babae sa buong mundo, ang pinakamabait at pinakamatalino.


Habang pinapanood ko ito na naglalakad papalapit sakin ay di ko mapigilang lalong humanga dito, Para itong hindi lumalabas ng bahay sa sobrang puti na siya na mang lalong nagpatingkad sa kulay ng kaniyang buhok na kulay itim na siya ring straight na straight na ang haba ay hanggang bewang. Kahit anong isuot nito ay talaga namang bagay sa kaniya, pero ang pinakabagay sa kaniyang kulay ay ang kulay puti, lalo kasi itong nagmumukhang anghel, gaya ng itsura niya ngayon.


Nang makalapit na si Jana sa aking kinauupuan ay agad itong umikot papunta sa aking kinauupuan at humalik sa aking pisngi. Pinagmasdan ko ang mukha nito, napakaamo, walang kapintasan. Ang sarap titigan.


Ahem. Drool alert!” sabi ng isang lalaki na asa tapat ng kinauupuan ko sa kabilang bahagi ng lamesa. Agad nasira ang araw ko.


Siya si Jeffrey Gonzales, ang pinakamahangin, may pinakamasamang ugali at ang may pinakamakitid na ulo na tao na nakilala ko sa tanang buhay ko, kung gaanong kalaki ng katawan nito ay siyang liit naman ng kaniyang utak. Kung gaano kagandang lalaki naman nito ay siyang bulok ng pagkatao nito. Siya si Jeffrey o mas kilala sa tawag na Jepoy ang aking arch enemy at ang taong umagaw sakin kay Jana.



Goodmorning Jepoy.” sarkastiko kong sabi dito, agad namang umikot si Jana at tinapik ito sa balikat, tumawa lang si Jepoy.



Tatanungin ko sana kung bakit ka na-late pero nang makita ko si Jepoy parang alam ko na agad ang sagot sa tanong ko.” sabi ko kay Jana, tinignan ako ng masama ni Jepoy saka ngumisi.


Goodmorning, Marcus Tiangsan.” sarkastikong sabi sakin ni Jepoy. Inabot nito ang mukha ni Jana at hinalikan ito sa labi.


Ano ka ba Jepoy! Nakakahiya kay Maki oh.” sabi ni Jana, pero walang galit sa sinabi nito, nangingitingiti pa nga ito na miya mo kinikilig.


So, Jana, ito yung nakita kong mga mali sa thesis natin, nilagyan ko na ng highlights para magawan ng paraan. Ito na lang yung aasikasuhin natin ngayon.” pahayag ko dito.


Pss! Show off! Patingin nga ako, baka makatulong ako.” may pagkamahanging sabi ni Jepoy. Inismidan ko ito.



Wag na, baka magoverload ang utak mo at magcrash pag nabasa mo ang unang salita palang sa thesis namin.” nangaalaska kong sabi dito, agad namang bumawi si Jepoy at hinablot sakin ang aking kopya ng thesis.


0000ooo0000


Bakit hindi na lang ibang theory ang gamitin niyo for your study, this theory is complicated, baka mahirapan pa kayo sa defense niyo.” mungkahi ni Jepoy, agad naman akong napamaang, tama siya halos lahat ng hinay-light-an ko na mga may loophole sa aming thesis na baka masilip ng mga panel ay kunektado sa aking piniling theory. Agad kaming nagkatinginan ni Jana habang si Jepoy ay kunot noo paring nagiisip tungkol sa aming theory.


Nginitian ako ni Jana, nagbuntong hininga naman ako.


Ok. I think magandang idea na palitan nga ang theo...” di pa man ako natatapos magsalita ay agad lumatay sa mukha ni Jepoy ang ngiti, ang ngiti ng tagumpay ang ngiti ng pangaasar sakin.


Wow! THE Mr. Marcus Tiangsan nag concede sa isang taong may maliit na utak tulad ni Jepoy Gonzales.” agad namang siniko ni Jana si Jepoy.



Maki, wag mo siyang isipin. I think it would be better if I change the theory, tutal madami ka naman ng nagawa saka parang kailangang kailangan mo ng isang mahaba habang tulog.” sabi sakin ni Jana.


Not just sleep, Hon. I think he also needs to get laid.” nangaasar na sabi ni Jepoy, agad naman itong siniko ni Jana. Ngumiwi naman ito.


Ok lang naman sakin.” sabi ko kay Jana habang binibigyan ng masamang tingin si Jepoy.


Ok, sige, tingin ko tapos na tayo dito. Maki may iba pa bang dapat ibahin?” tanong ulit ni Jana umiling na lang ako.


Yehey! Makakapagdate narin kami! Haha!” sabi ni Jepoy sa tabi nito.


Pero bago yun, pupunta muna ako sa CR.” sabi ni Jana saka hinalikan sa pisngi si Jepoy. Ngumiti naman si loko.


Please don't kill each other while I'm gone.” natatawang sabi ni Jana bago umalis sa aming pwesto, sinaluduhan lang ito ni Jepoy, agad naman akong yumuko at halos isayad ulit ang sarili kong ilong sa notebook na aking sinusulatan.



Nagiisip ako ng magandang salita na pwedeng gamitin para sa aming thesis ng makaramdam ako na para bang may nakatitig sakin, agad kong tinignan si Jepoy, agad itong nagbawi ng tingin, halatang pinipigilan ang sarili na mapatawa. Agad kong ibinalik ang aking atensyon sa aking notebook at maya maya ay nakaramdam nanaman ako na para bang may nakatitig ulit sakin. Tinapunan ko ulit ng tingin si Jepoy, agad din itong bumawi ng tingin, iginawi ang tingin niya sa kabilang direksyon saka sumipol.


Di ko na ito pinansin pa, tumalikod ako dito at humarap sa katabing silya, nagiisip ulit ako ng magandang salita na pwede kong magamit ng biglang may lumagpak sakin na isang maliit na papel na binilog, kasing laki ito ng sago sa halo halo ng chowking. Alam kong si Jepoy iyon na nangiinis lang.


Mayamaya pa ay may tumama nanaman sa aking batok na binilot na papel, nagbuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang aking pagsusulat. Naging madalas na ang pagbato sakin ni Jepoy ng mga binilot na papel na halos mapuno na ng kalat ang aking kinauupuan. Naginit ang aking ulo at binaling ko sa kaniya ang aking tingin, saktong pagharap ko ay lumanding saking ilong ang isang binilot na papel, huling huli si mokong sa katarantaduhang ginagawa. Umiling lang ako at lumipat ng ibang lamesa.



Mayamaya pa ay naramdaman kong may tumabi sakin, si Jepoy, nangungulit parin. Sinimulan kong magsulat ulit. Maya maya ay nakaramdam ako ng pangangalabit, hinarap ko ito, bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Jepoy.



Bakit?!” singhal ko dito. Umiling lang ito.


Wala naman.” sagot nito, ibinalik ko ang aking atensyon sa pagsusulat ulit. Maya maya pa ay kinalabit nanaman ako ni Jepoy. Di ko ito pinansin pero naging panay panay na ang pangangalabit nito na medyo humahapdi na ang lugar na pinagkakalabitan nito.



Bakit ba?!” halos pasigaw ko ng tanong dito, buti na lang at naalala kong asa library pa ako at napigilan ko ang sarili ko mula sa pagsigaw.



Hehe. May binilot na papel ka kasi sa buhok mo.” natatawang sabi nito, agad kong pinagpag ng aking kaliwang kamay ang aking buhok at mula doon ay naglagpakan ang sandamakmak na binilot na papel, tinignan ko ng masama si Jepoy, pinipigilan nitong ngumiti. Inabot nito ang aking buhok at inalis ang ilang natira sa aking pagpapagpag, dun ko muling natitigan si Jepoy, gwapo talaga ito, malaki ang katawan, parang ang sarap yakapin.



Yakapin?! Lalaki si Jepoy, may girlfriend siya, bestfriend mo pa nga! Saka di pwedeng magkagusto ka sa kaniya, lalaki ka, lalaki rin siya.” dikta ng isip ko, dun ko napansing magkatitig na pala kami ni Jepoy, nakaplaster parin sa mukha niya ang pangaalaska pero dun ko lang din napansin na masyadong magkalapit ang aming mga mukha. Agad akong umiwas dito, narinig kong humagikgik si Jepoy sa aking tabi.



Nang masigurong wala ng nakasabit na binilot na papel sa aking buhok ay ibinalik ko ang aking pansin sa aking notebook, marahas kong ipinikit ang aking mga mata tanda ng pagpipigil ng aking galit at kgustuhang yakapin si Jepoy. Habang nakapikit ay naramdaman ko nanaman ang pagkalabit ni Jepoy.



Ano nanaman ba?!” di ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na. Humahagikgik si Jepoy matapos akong bulyawan ng librarian.



Sinimulan ko ng ayusin ang aking gamit, alam ko kasing mangungulit nanaman si Jepoy at kesa naman ma-ban na ako ng tuluyan sa library na iyon ay naisipan ko na lang na lumabas. Di na ako nagpaalam kay Jepoy, nabubwisit ako doon.



Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad akong napabuntong hininga, malakas ang ulan at wala akong dalang payong, wala naman akong sasakyan at lalong wala akong pang taxi. Nagiisip ako ng magandang paraan para makauwi ng makaramdam nanaman ako ng kalabit. Si Jepoy, nakangiting nakakaloko.



Hehe, pinalabas ako ng librarian, nagkalat daw kasi ako, ibinuka ni Jepoy ang kaniyang mga palad at nandun ang mga binilot niyang papael na ginawang panginis sakin kanina.” di ko na siya pinansin at tumingin na lang sa kabilang direksyon. Nakakita ako ng isang bench kung saan pwede akong magpatila ng ulan. Agad kong inilabas ang aking notebook at nagsulat don.



Pwedeng makitabi?” tanong nanaman sakin ni Jepoy, umisod ako ng konti. Maya maya pa ay naramdaman kong nakatingin ito sakin, tinignan ko siya saka nagbawi nanaman ito ng tingin, pinipigilan ulit ang sarili na mapangiti.



Di ko na ito pinansin pa at napabuntong hininga na lang. Saka nagtanong sa sarili kung bakit ang tagal ni Jana. Nasa ganito akong pagiisip ng kalabitin nanaman ako ni Jepoy. Tiningan ko ito, hinahanda na ang sarili na sabihin nitong... “Wala lang.” pero hindi, nakaturo ito sa aking kaliwang kamay.



Kaliwete ka pala?!” sabi ni Jepoy habang nakaplaster nanaman sa mukha nito ang mukha ng isang inosenteng bata na miya mo noon lang nakakita ng taong kaliwete magsulat.



Oh, eh ano naman ngayon?!” bulyaw ko dito. Ngumiti ito.



Ako din eh, kaliwete!” sabi nito sabay agaw ng aking notebook at ballpen saka nagsulat. Di ko alam kung matutuwa o maiinis sa taong asa aking tabi.



Bakit umalis kayo dun sa pwesto natin? Hinanap ko kaya kayo!” sabi ni Jana sa aming likod, napakamot naman sa ulo si Jepoy at yumuko ng ikinuwento ko ang kawalanghiyaan na ginawa sakin ng kumag.



Hay nako, umuwi na tayo, ayaw ko ng magdate!” sabi ni Jana kay Jepoy ng matapos akong magkwento, pareho kaming nagulat ni Jepoy, di ko naman kasi akalain na maaapektuhan ng pagsusumbong ko ang date nilang dalawa.



Hon, kinukulit ko lang naman si Marcus eh.” pagsusumamo ni Jepoy.



Ayoko na Jeffrey Gonzales! Umuwi na lang tayo, parusa mo yan sa panggagalit kay Maki. Saka malakas narin ang ulan oh, ano pa makikita natin niyan sa Intramuros?!” nakatiklop kamay sa dibdib na sabi ni Jana sa kaniyang boyfriend, agad namang sumimangot si Jepoy at tinignan ako ng masama.



At hindi lang yan! Dahil napalabas si Maki ng library dahil sa pambabalahura mo, ihahatid mo siya pauwi sa kanila!” sigaw ulit ni Jana sa kaniyang boyfriend, lalong humaba ang nguso ni Jepoy.



Di ko naman kasalanan na sumigaw siya eh, saka hindi naman siya napalabas. Lumabas siya, Hun.” katwiran nito sa kaniyang nobya, di ako makapagsalita at medyo naiinis ako sa dalawa dahil inipit pa nila ako sa pagitan ng pagaaway nila.



0000ooo0000



Hun, di na ba talaga tayo magde-date?” tanong ulit ni Jepoy kay Jana ng bababa na sana ito ng sasakyan at papasok na sa kanilang bakuran.



Ihatid mo si Maki. Tatawag ako kila Tita Chedeng kaya malalaman ko kung hinatid mo siya o hindi.” sabi ni Jana sa kaniyang boyfriend.



Hun, naman eh.” pangaaalo ulit ni Jepoy pero tumalikod na si Jana at tumatakbaong tinungo ang kanilang frontdoor. Nagbuntong hininga lang si Jana sabay tingin sakin ng masama sa rearview mirror nito.



0000ooo0000



S-salamat.” bulong ko kay Jepoy ng maihatid na ako nito sa aming bahay, di ito sumagot, medyo nakokonsensya naman ako sa ginawa ko.



J-Jepoy, gusto mo bang pumasok muna sa loob?” tanong ko dito, pampalubag loob na lang siguro, tiningan lang ako nito na para bang iniintay na sumigaw ako ng “joke.” Napabuntong hininga ulit ako saka inayos ang aking mga gamit at naghanda ng bumaba ng sasakyan.



Pasensya ka na kung nasira ko ang l-lakad niyo. S-salamat ulit sa paghatid.” bulong ko at tuluyan na akong sumugod sa ulan.



0000ooo0000


Nay, andito na ako.” tawag ko sa aking nanay pagkapasok ko ng bahay, sumagot ito, marahil nasa kusina. Maya maya ay nakarinig ako ng pagkatok sa front door, nagtataka akong tinungo iyon.



Nagulat ako ng pagbuksan ko ang kumatok. Si Jepoy.



J-Jepoy?” tanong ko. Ngumiti ito.



Ah eh, pasok ka.” aya ko dito. Pumasok naman ito.



0000ooo0000


Anak, tamang tama ang dating mo, gusto sana kitang kausapin, tungkol sa tuition fee mo this coming sem, tutal isang sem nalang naman. Pwede bang gawin mo ulit ang pagstu-student assistant mo saka ang pagtu-tutor. Medyo made-delay kasi ang padala ng tatay mo eh.” daredaretsong sabi ng nanay ko nang makapasok kami ni Jepoy ng kusina, ipakikilala ko sana si Jepoy pero di ito napansin ng aking ina at tuloy tuloy na ito sa paglilitanya, pagharap ng aking ina ay nagulat ito sa presensya ni Jepoy.



Ah eh, pasensya na, may bisita ka pala, Marcus, bakit di mo naman sinabi agad.” sabi ng aking inay saka pasimpleng inayos ang buhok pati na ang bestida. Napangiti naman si Jepoy at lumapit sa aking ina.



Hello Tita, Jepoy po pala ang pangalan ko.” pakilala nito sa kaniyang sarili saka bumesobeso sa aking ina na ikinagulat naman naming magina.



0000ooo0000



Aba eh nakakatuwa pala itong kaibigan mo.” pahayag ng aking ina matapos naming makapagkwentuhang tatlo. Tuwang tuwa ang nanay sa kakwelahan ni Jepoy.



Ngayon lang yan, Nay, intayin mong magtransform at mangulit. Makakalbo kayo sa sobrang inis.” pabulong kong sabi, narinig naman ito ng aking ina na nagbigay ng matalim na tingin sakin, napatingin ako kay Jepoy, nangingitingiti ito.



0000ooo0000



Sir, pinapatawag niyo daw po ako?” tanong ko sa DEAN ng department ng BSBA.



Tungkol dun sa hiling mong mag tutor ulit. May lumapit sakin na gustong magpatutor sayo.” sabi nito sakin at iminuestra niya ang kaniyang kamay na nagsasabing umupo ako. Humarap ito sa kaniyang telepono at pinindot ang isang button nito.



Malou, papasukin mo na yung bata.” sabi nito sa receiver ng kaniyang telepono. Agad na bumukas ang pinto ng kwarto at napanganga ako sa nakita kung sino ang aking tututor-an.



Marcus Tiangsan meet Jeffrey Gonzales.” napanganga ako sa sinabi ng DEAN na iyon. Napangisi naman si Jepoy.



Patay na.” bulong ko.



Itutuloy.

_______________________
Breaking Boundaries
by: Migs

Monday, September 19, 2011

Breaking Boundaries (Prologue)


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Double cheeseburger, large fries, large coke at 6 pieces mc nuggets ang kasama ko sa hapagkainan ngayon, nito na lang ulit ako nakakain sa isang fastfood chain, di maikakaila ang tuwa na nararamdaman ko. Naramdaman kong gumalaw si Ivan sa aking tabi, siya ang aking assisstant maglilimang taon ko na siyang kasama, para na siyang kapatid para sakin. Kaya naman bawat kilos nito ay saulado ko na.



Ivan, sige na lapitan mo na, baka mamya makawala pa yan.” sabi ko sabay hagikgik.



Sir Marcus naman, alam niyo naman pong di ko kayo maiiwan dito magisa.” sabi nito, may himig ng pagkahiya sa boses nito.



Tapos mo na lahat ng dapat mong tapusin, diba? Saka dito lang naman ako eh, uubusin ko ang fries ko.” pangungumbinsi ko dito.



S-sige po, dyan lang po kayo, Sir Marcus ah, babalik ako agad.” nahihiya paring sabi nito.



Ah eh, Ivan, siguraduhin mo lang na wala pang boyfriend yang lalapitan mo ah, kung sakaling magkaroon ng away di ko kayang sumaklolo sayo.” biro ko dito at sabay kaming napatawa. Pinisil ni Ivan ang balikat ko bilang tanda ng pasasalamat sabay tayo.



Masaya ako at nakawala rin ako sa wakas sa nakakasakal na mundo ng aking opisina, being a company's VP has it's perks pero it definintely has it's downside also, lalo na para sa katulad ko. Napansin kong umingay ang paligid, dumami ang tao dahil marahil tanghalian na at may mga estudyante na na naglabasan sa kanilang school para sa lunch break.



Sinubukan kong imaginin ang nangyayari ngayon sa aking paligid. Sinubukan kong ipinta sa aking isip ang mahabang counter kung saan kumukuwa ng orders ang mga crew at kung saan nagbabayad ang mga customers, in-imagine ko ang mga estudyanteng naghaharutan at nagkukulitan sa pila at ang mga crew na busy sa pagtratrabaho.



Excuse me, Sir. Can I have this chair, kulang kami ng isang upuan eh.” pahayag ng isang babae. Naglaho ang mga imahe na aking ipininta sa aking isip. Bumalik sa madilim at blangkong itsura ang paligid.



I'm sorry Miss, I'm blind and I don't know how many chairs are there alloted for this table, I have my assistant with me and I don't want him to stand the whole time while I'm finishing my fries in case I gave his chair to you.” magalang kong sabi sa babae. Natigilan ito saglit, suminghap atsaka nagsalita ulit.



There are four chairs alloted for this table, sir.” magalang ding balik nito sakin.



Oh, ok then, you can have two chairs.” sabi ko dito sabay ngiti.



Tha-thank you.” sabi nito, tumango lang ako.



Bu-bulag pala si-siya.” bulong ng babae sa kaniyang mga kasama, isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko.



Totoo ang sinasabi nila, isa sa mga senses ang mawala sayo and the other's will go on overdrive. I lost my eyesight and after sometime I mastered my other senses, I could hear well kahit na may isang dipa ang layo mo sakin at nabulong ka sa kasama mo, same with sense of smell and touch.



Of course, hindi naging ganitong kadilim ang paligid ko sa loob ng twenty eight years kong nabubuhay sa mundo. Naaalala ko ang itsura ng nakagisnan kong mundo. Magulo, siksikan at puno ng ingay pero sa kabila ng ingay, gulo at nagsisikang tao ay meron akong hindi napapansin na tahimik na nagmamasid. Ang matitingkad na kulay ng bulaklak, mga matatayog na puno at ang kalangitan na may mayamang kulay bughaw na may panakanakang kulay puti na ulap.



These are the simple things that I took for granted before. Ngayong wala na akong kakayahang makita pa ulit ang mga iyon saka ko naramdaman ang matinding pagsisisi. Nagsisisi ako kung bakit di ko pa nagawang saulohin lahat ng mukha ng mga taong kilala ko at ni hindi ko nagawang magbigay ng oras para pansinin ang magagandang tanawin at iba pang magagandang bagay.



Excuse me.” basag ng isang lalaki sa aking pagmumuni muni, di ako sumagot sapagkat di ko alam kung ako nga ba ang kinakausap nito.



ahm excuse me, Sir, pwede makishare ng table? Puno na kasi yung ibang lamesa eh.” paalam nito, medyo pamilyar ang boses nito, di ko parin ito pinansin.



Sir?” tawag ulit nito sabay kalabit sakin.



Oh, I'm sorry, didn't know you were talking to me.” paghingi ko ng paumanhin dito, tulad ng ibang tao na nakaalam ng aking pagiging bulag sa unang pagkakataon ay napasinghap din ang lalaking nagtanong sakin. Di mo kasi masasabi na hindi ako nakakakita, lalo na kapag nakasuot ng aking shades.



Pero mas matagal ang pananahimik ng isang ito, kundi ko lang nararamdaman na nakatingin ito sakin at naririnig ang mabibigat na paghinga nito sa aking tabi ay marahil naisip ko na na umalis na ito. Napasinghap ulit ito.



Pwede kang umupo sa isang upuan, pero leave the other one vacant.” sabi ko dito.



T-Thank you.” bulalas ng lalaki, may iba sa boses niya. Parang narinig ko na iyon dati, pero syempre naisip ko na pati ang boses ng mga tao ay may nagkakapareho rin.



Naamoy ko ang mga pagkain na nilapag nito sa lamesa. Double cheeseburger, large fries, large coke at 6 pieces mc nuggets, pareho kami ng inorder. Napangiti ako. Di ko mawari pero hindi lang iyon ang aking napansin, nararamdaman kong sakin ito nakatingin. Di lang basta tingin, nakatitig siya sakin. Di na ito bago sakin. Marami sa aking nakakasalamuha ang tumititig sa aking mukha, tila ba naniniguro kung bulag nga ako.



Mayamaya pa ay narinig ko ulit ito magsalita.




In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit, Amen. God is good, God is great, Thank you Lord for all these grace. In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit, Amen.”



Natigilan ako sa narinig kong iyon. Isang tao lang ang kilala kong ganoon magdasal ng before and after meals.



Tara na Maki! Nagugutom na ako.”


Eto na Jana!” sigaw ko sa aking bestfriend.


Nagugutom na ako.” bulalas ulit nito, sa totoo lang ako din, matapos naming makipagbuno sa mga iba't ibang chemical reagents, flask at testubes ng tatlong oras ay sino nga bang di magugutom.



Eto na nga eh pipila na!” sabi ko naman dito habang sinisiko ang mga nauna naming kaklase sa pila sa cafeteria.



Tatlong buwan na ang nakakalipas nang maging magkapartner kami ni Jana sa subject naming chemistry. Nung una ay nagaalangan akong kausapin ito sapagkat isa ito sa mga tinitingala sa aming batch, maganda, matalino at mabait, ang tatlong “M” na hinahanap ko sa isang babae, pero nang makasama ko ito sa isang seatwork saka ko na laman na napaka down to earth pala nito at simula noon ay halos araw araw na kaming magkasama.



Oh ayan, favorite mo.” sabi ko dito nang abutan ko itong nakayuyok sa kaniyang libro.



YEHEY!” sabi nito at tinulak sa isang tabi ang makapal niyang libro. Sinimulan ko ng ayusin ang aming kakainin at nang sa aktong susubo na ako ay...



Hep hep hep!” pigil nito sakin.


What?! Di ka pa ba nanlalambot dun sa ginawa natin kanina sa lab?” sabi ko dito.



Di pa tayo nagpre-pray.” sabi nito at inirapan ako, mayamaya ay iniyuko na nito ang kaniyang ulo, nagantanda at pinagsalubong ang dalawang kamay na miya mo bata.



"God is good. God is great. Thank You Lord for all these grace."


Nakapikit ito, di ko mapigilan ang mapatitig sa maamo at napakaganda nitong mukha. Pagkatapos na pagkatapos nitong magadasal ay agad nitong kinuwa ang kutsara't tinidor at sumigaw ng...



Chicken Nuggets, you're mine!” sabi nito saka nilantakan ang kaniyang chicken nuggets.



Ganda ganda mong babae kung maka kain ka kala mo ka mauubusan.” bulong ko pero narinig ako nito at tumawa ng malakas.



Naramdaman kong nawala lahat ng kulay sa aking mukha. Di makapaniwala sa aking narinig, walong taon na ang nakakaraan pero parang napakalinaw parin itong nakaukit sa aking alaala na para bang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon.



Chicken Nuggets, you're mine!” sigaw ng lalaki sa aking tapat. Lalo akong nanlumo sa narinig.



Naramdaman ko ang pagupo ng isang tao sa isa pang bakanteng upuan sa aking tabi na nakalaan kay Ivan. Wala na akong lakas pang makipagtalo sa taong nangahas umupo doon ng walang paalam.



Sir, ok ka lang ba?” tanong sakin ni Ivan. Napabuntong hininga na lang ako ng malaman kong hindi pala kung sinosino na lang ang umupo doon. Tumango lang ako sa tanong niya.



Di niyo pa po nauubos ang binili niyo.” sabi sakin ni Ivan. Di ko magawang sumagot dahil nararamdaman kong sakin nanaman nakatingin ang lalaking naki-share ng table sakin kanina.



N-nawalan n-na ako ng g-gana eh.” bulalas ko kay Ivan.



Nako, Sir, kailangan niyo pong kumain ng marami bago kayo uminom ng gamot niyo. Kahit ubusin niyo na lang po yung double cheeseburger niyo.” panungumbinsi ni Ivan sakin. Tumango na lang ako.



Tahimik. Ramdam kong sakin parin nakatingin ang lalaki.



Pareho kami ng boss mo ng kinakain.” pabulong na sabi ng lalaki kay Ivan.



Nako, tol, wag na kayong magatubili pang bumulong naririnig din kayo ng boss ko, diba Sir Marcus?” baling sakin ni Ivan, tumango lang ako at naramdaman ko ang pagpisil ulit nito sa aking balikat.



S-sorry.” sabi ng lalaki.



Di k-ko lang k-kasi mapigilang m-mapansin na pareho tayo ng hilig kainin.” sabi ulit nung lalaki pero di ko na ito pinansin.



Siya nga pala, Jeffrey Gonzales.” pakilala nito samin dalawa ni Ivan.



Lalo akong kinabahan at nangilid na ang aking mga luha. Luha na hindi ko alam na meron pa pala ako sa loob ng walong taon.



Ivan, pare at ito ang aking boss na si Marcus Tiangsan.” pakilala ni Ivan sa sarili at sakin.



Tahimik. Nagpapakiramdaman lahat. Naramdaman ko na lang na may umabot ng aking kanang kamay at inalog iyon. Parang may kuryenteng dumaloy mula sa kaniyang kamay papunta sa aking katawan. Lalo akong nanghina. Agad kong inalis ang aking kamay sa pagkakahawak ng lalaki.



Ivan, we need to go, may tatapusin pa pala ako sa opisina.” sabi ko sa aking assistant, natahimik naman ito marahil ay nagtaka kung bakit biglaan.




Ah s-sige po. P-pero Sir Marcus, pwede bang mag- CR muna ako?” kinakabahang tanong sakin ni Ivan, tumango lang ako.



Excuse me, Jeffrey.” paalam ni Ivan bilang pagbigay galang sa aming bagong kakilala.



Jepoy na lang, pare.” natigilan ako habang naramdaman kong umalis sa aking tabi si Ivan.



Ok ka lang ba, Maki?” tanong sakin ni Jeffrey and again my senses went on overdrive.



Maki this is Jepoy” pakilala samin ni Jana, iniabot ni Jepoy ang kamay nito sakin na malugod ko namang tinanggap kahit na taliwas ito sa aking gustong gawin.



Torpe mo kasi eh!”sabi ng utak ko.



Halos tatlong taon na kaming mag bestfriend ni Jana at sa tatlong taon na iyon ay di ko maiwasang magkagusto dito, maganda, matalino at mabait, sinong hindi magkakagusto dito? Pero hindi ko rin masabi kay Jana ang aking tunay na nararamdaman.



Marcus.” pagtatama ko kay Jana.



Si Jana lang ang nagpangalan sa akin ng Maki.” sabi ko dito habang binabawi ko na ang aking kamay.



Ok lang yun pare, di ka nagiisa, Jeffrey ang pangalan ko pero Jepoy ang pinangalan sakin ni Jana.” sabat naman ni Jepoy.



Cute nga eh.” sabat naman ni Jana.



Sir, are you ready to go?” tanong ni Ivan sa aking likod, tumango lang ako. Inalalayan ako nito patayo pero bago pa man ako maglakad palayo kasama si Ivan ay nagsalita ulit si Jepoy.



How long are you going to ignore me? Till when are you going to shut me out of your life?” tanong nito.



Napatigil ako, ganun din si Ivan.



Ivan, let's go.” bulong ko, di alintana ang nanginginig ko ng mga kamay.



0000ooo0000



Sir, magkakilala po pala kayo nung Jeffrey?” tanong sakin ni Ivan habang nasa loob ng sasakyan. Tumango lang ako.




Sir, di naman po sa pangengeelam, ho, pero kanina nung bago tayo umalis nung may tinanong siya sa inyo ay kitangkita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata, sa tingin ko nga po iiyak na siya eh.” habol pa ni Ivan, agad kong ibinaling ang aking mga mata sa gawi ng bintana at hindi pinahalata kay Ivan ang tumutulo ko ng mga luha.



_______________________
Breaking Boundaries
Prologue
by: Migs