Against All Odds 23

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


________________________
Against All Odds 23
(Ending)
by: Migs



Tinititigan ko ang dalawang sobre mula sa Pinas, isa galing sa aking mga magulang at isa ay invitation ng kasal mula kay Enso. Napakunot noo ako pero hindi ko nalang ito pinansin. Magdadalawang taon na ako dito sa US, nakakuwa ako ng trabaho as Physyician din IM, pero di ako pwede sa mga invasive procedure na maaaring di ko sinasadyang maipasa ang aking sakit.



Mababa na ang aking CD4+ o ang tinatawag na T-cell sa aking katawan pero sapat pa naman ito para pigilan ang mga impeksyon na maaaring tumama sakin, magdadalawang taon narin ng mamatay si Nathan pero hindi ko parin lubos na maisip kung sino ang magaalaga sakin kung humantong na ako sa stage na iyon.



Nilapitan ko ang aking answering machine, pinindot ito at napatingin sa malaking self portrait na nakasabit sa dingding, isa ito sa mga iginuhit ni Nathan nung nabubuhay pa ito. Napangiti ako.



Hoy doc! Si Enso to, pupunta kami diyan, malamang asa duty ka ngayon at baka paguwi mo ay andyan na kami kaya't nagiwan na ako ng message. Magpapakasal kami diyan sa California ni Jon. Wala lang, napagtripan lang namin. Call me back if ever nakauwi ka na from duty.”



Napailing ako.



Magpakasal? Ano naman kayang sumayad sa kukote nung dalawa na iyon?” tanong ko sa sarili ko at napailing ulit. Pinindot ko ulit ang machine at umalingawngaw naman ang boses ni Tita.



Hijo, your inay called me yesterday, she told me that they're going to visit there, natataon namang gusto ko rin magbakasyon diyan kaya't naisip namin na sabay sabay na kaming pumunta diyan. Kung ayaw mo naman na dyan kami sa place mo magstay ay pwede kaming mag check in sa hotel. Call me back when you receive this message. I Love You, Hijo!”



Napangiti ako. Ito na lang ang tangi kong nagsisilbing bintana sa kanilang mga buhay, sulat at tawag sa telepono. Napatingin ako sa paligid, napansin kong wala masyadong room para sa apat na tao kaya't napagdesisyunan kong sa hotel na lang sila patuluyin, pagkatapos non ay inisip ko naman ang kay Enso.



00000oooo00000



Finally!” sigaw ko ng mamataan ko ang dalawang magkasinatahan. Balot na balot ang mga ito, halatang di sanay sa klima.



Sorry, we got lost.” sabat ni Jon sabay alis ng kaniyang gloves at nakipagkamay sakin.



You're looking good.” sabi naman ni Enso na yumakap sakin.



Enso, si J...” pero di na naituloy ni Jon ang sasabihin niya ng sikuhin ito ni Enso sa tagiliran.



So, musta?” tanong sakin ni Enso sabay bitiw ng kinakabahang ngiti, di ako bobo, alam kong may pinaplano ang mga ito pero dahil di pa naman ako sigurado doon ay ikinibit blikat ko muna ito.



Ok naman, medyo mababa ang T-cells pero it's still on the normal range.” pahayag ko.



Teka, maiba tayo. Ano bang naisipan niyo at magpapakasal kayo dito?” tanong ko sa dalawa, napakamot lang sa ulo si Jon at tila ba nawala ang naniningkit nitong mga mata sa pagngiti at si Enso naman ay kala mo dalaginding na kinilig. Pero ramdam ko rin na may itinatago sila sakin.



Siguraduhin niyo yan ah, baka mamya magpapapanull annul kayo o kaya divorce, naku malaking gastos iyan.” pananakot ko, mukha namang effective ang aking pananakot dahil nagkatinginan ang dalawa at miya mo kinakabahan sa aking sinabi.



Joke lang.” bawi ko at tumawa si Enso, halatang peke ito. Kinabahan si loko.



00000oooo00000


Anong ibig mong sabihin na made-delay kayo ni Ed ng ilang araw?! Charity ah! Bestman ko si Migs at bestman ni Enso si Ed at ikaw ang bridesmaid... err... grooms-maid!”



Nagising ako sa pagsigawsigaw na yun ni Enso. Tinatalakan pala nito si Cha sa kabilang linya. Ilang araw na lang at kasal na ng dalawang kumag, habang si Enso ay nape-pressure sa kasal si Jon naman ay palaro laro lang ng Wii. Sapo sapo ko ang ulo ko ng bumulaga ang mukha ni Tita at ng aking nanay sa aking harapan. Bigla akong nahiya at tinakpan ang aking katawan na tanging boxers lang ang suot.



Anak, baka naman sipunin ka. Ang lamiglamig eh, nakaganyan ka lang matulog.” bulalas ng aking ina.



Ano kumare? Mukha naman siyang healthy diba?” tanong ng aking ina kay Tita, pinisilpisil nito ang aking mukha saka yumakap ng mahigpit.



Tita! Kamusta ang flight?” tanong ko dito, ngumiti lang it sakin. Saka humalik sa aking pisngi.



As it turned out ang aking masikip na pad ang naging haven ng bawat bakasyonistang kilala ko, Si Jon at Enso sa guestroom ang aking mga magulang sa aking kwarto at si Tita ay sa kaniyang bahay tumutuloy pero mas madalas siya dito. May tatlo pa ngang dadating, si Migs na ex pala ni Jon, si Ed na kasintahan nito at matalik na ngayong kaibigan ni Jon at si Charity na matalik na kaibigan ni Enso at Jon pati ni Migs.



Kailan nga ulit kasal?” tanong ko sa mga ito habang sapo sapo parin ang ulo ko.



““Sa susunod na araw!”” sabay sabay na sigaw ng bawat tao sa pad ko, agad akong pumasok sa CR at nagpalit ng damit, humarap ako sa salamin at napangiti. Ngayon na lang ulit ako napaligiran ng ganitong karaming tao.



00000oooo00000



God, Enso! What do you need those for?!” gulat na tanong ni Jon sabay turo sa malakanyon sa laki na party poppers.



Jon, there's a crisis ng bigas sa Pinas!” sagot ni Enso sabay iling na tila ba obvious naman ang sagot sa tanong ni Jon.



So?” tanong ulit nit Jon. Nandilat naman ang mga mata ni Enso.



SO IMBIS NA BIGAS ANG ISABOY SATIN WHY NOT CONFETTI NA LANG?!” naghihisterical ng sagot ni Enso.



Naisip mo naman na sa may beach tayo malapit sa golden gate bridge tayo magpapakasal diba? Naisip mo ba na baka liparin yang confetti mo papuntang tubig at kainin ng walang kamalay malay na isda. They might choke on those damn confettis!” balik ni Jon.



Napapadalas na ang pagaaway nila sa mga simpleng bagay. Paminsan minsan ay iniintindi ko na lang ang mga ito dahil alam kong nape-pressure ang mga ito, pero pati ba naman simpleng cube ice or tube ice ang gagamitin sa drinks pagtatalunan.



Have you heard from Migs yet?” tanong ulit ni Jon habang nagte-tennis sa aking Wii.



Ako padin ang gagawa nun?! Wala ka na ngang ginawa dyan kundi maglaro eh!” sigaw naman ni Enso.



Tumayo ako at napailing na lang, pumunta ako sa fire exit at inihinga ang polluted na hangin ng San Francisco. Di ako makapaniwala na kahit sa kundisyon ko ngayon ay di ko magawang magalit sa mga ingay at kaguluhan sa loob ng pad ko. Sa halip natutuwa pa ako. Nagsisimula na akong magisip kung naaabnormal na ba ako o ano.



Ganito talaga siguro pag ma-mamatay ka na, everything seems so light. Di na nakaka stress. Sinusulit kung baga.” sabi ko sa sarili ko at napangiti ulit.




00000oooo00000



Finally!” sigaw ni Jon nang magsulputan na sila Migs, Ed at Cha.



Wedding rehearsals!” sigaw naman ni Enso.



Sinadya kong magpahuli dahil di ko mapigilan ang sarili ko sa naisip na pagiging odd ng magkakaibigan na ito, nasa ganito akong pagmumunimuni nang may umangkla sa aking braso, si Charity pala.



How are you doing, doc?” masiglang tanong nito, binigyan ko lang ito ng isang magiliw na ngiti.



Hanging by a thread. Honestly kung di pa kayo dumating baka nabaliw na ako.” sabi ko dito tumawa naman si Cha.



That's epic, baliw ka na nga may HIV ka pa.” tawa ni Cha, somehow di ako na offend sa sinabi nito, tumawa pa ako ng malakas.



I know right?!” sabi ko dito at sabay kaming tumawa.



Alam mo, yang dalawang pares na iyan? Marami ng napagdaanan yan.” tukoy ni Cha sa dalawa.



Pero wala sa kalingkingan ng pinagdaanan nila ang pinagdaanan mo, kaya naman idol kita eh. If ever na makakapangasawa ako, gusto ko katulad mo. Straight of course.” sabi nito sabay halakhak ulit. Napatawa nadin ako.



Tahimik.



doc, pwedeng magtanong?” bulalas ni Cha habang nakanagkla parin sa aking braso habang pinapanood ang dalawang pares na nagtatalo tungkol sa itsura dapat ng table setting.



Shoot.” sabi ko.



Do you believe in Happy Endings?” tanong nito. Napatahimik ako at napangiti.



You know, after everything I've been thru alam kong nageexpect ka na sabihin kong hindi, pero mali ka, turn around.” at umikot naman ang bruha. Natawa ako.



Every single individual you see in my apartment right now is my happy ending. I wouldn't trade them for the world.” bulalas ko, napatitig naman sakin si Cha.



Tangina! Bakit naman kasi naging bakla ka pa.” bulalas nito at sabay na lang ulit kami tumawa.



00000oooo00000




Maganda ang setting ng kasal, kahit na medyo mahangin sa dalampasigan ay ok lang naman dahil bawing bawi ang mga tao sa magandang view, isama pa dito ang magandang motif. Magaganda ang bulaklak, blue roses ng napili ng dalawang kumag, bawat detalye ay perpekto para sa akin.



Doc, tawag ka ni Enso.” sabi sakin ni migs, agad ko naman itong tinanguan.



Nagpunta ako sa tent na siyang nagsisilbing bihisan at taguan ng gamit ng ikakasal. Nang buksan ko ang telon ay nakita ko na nagbabatuhan ng gamit ang dalawang nakatakdang ikasal. Napakunot noo ako.



Gusto ko lang naman na isuot itong pin na bigay ng tito ko eh!” sigaw ni Jon habang pailagilag sa ibinabatong gamit ni Enso.



Di nga siya bagay sa motif. Kulay maroon yang pin na kasing laki na halos ng mukha mo, mahalay tignan.” sigaw naman ni Enso, di ko naman lubos maisip kung bakit ako ang tinawag ni Migs, aktong tatalikod na sana ako at tatawagin ang aking inay at si Tita ng may isang malaking mama na humarang sa aking daanan.



Excuse me.” bulalas ko dito.



Hindi! Pasok!” sigaw nito, nagulat naman ako pati sila Enso at Jon ay napatigil. Ang tanging iniisip ko ay sinakop na ng mga terorista ang buong amerika at isa ang mamang ito sa mga terorista. Agad akong naglakad palapit kay Enso at Jon.



Kayong dalawa! Upo!” sigaw ulit nito, agad namang umupo ang magkasintahan.



Nang humakbang pa ang mama sa may ilaw saka ko lang napansin na si Jase pala ang mamang iyon. Tinignan ko ito at nangunot ang aking noo, di ako nito tinatapunan ng tingin. Seryoso itong nakatingin kay Enso at Jon.



You have to pull yourselves together! Ikakasal na kayo for heavens sake!” simula nito, di ko parin mapigilan ang mapatitig dito di makapaniwala na sa wakas, matapos ang ilang taon naming di pagkikita ay nasa harapan ko siya ngayon at nangangaral. Pero hindi parin ako nito pinagtutuunan ng pansin.



... ano bang akala niyo? Na laro lang ito?! Isang kutsarang puno ng mainit na kanin at kapag napaso ang dila niyo ay iluluwa niyo?! Ke babawbabaw ng pinagaawayan niyo! Pano na lang kung sulutin bigla ng kapatid mo Jon si Enso? Ano na ngayon ang gagawin mo? Paano kung my psychopath na gustong pumatay kay Jon dahil nagseselos siya dito? Pano na lang kung maghirap kayo tas napilitan kayong magbooking? Pano na lang kung magkasakit kayo, pano kung HIV?!....”



Nagsisimula ng mamuo ang luha ko sa aking mga mata. Di makapaniwala sa mga sinasabi ni Jase. Nakatitig lang ako sa kaniya na para bang isa siyang palabas sa circus.



....Eh kung pin pa lang di niyo na mapagkasunduan, pano pa kaya yung lahat ng sinabi ko. kung nagdadalawang isip pa kayo, might as well back out now hangga't may oras pa. You see, di niyo alam kung gano kayo ka swerte, di nyo alam ang mga sacrifices na ginawa ng maraming tao para sa love, some even sacrificed their own life! Tapos kayo para pin lang ikinagaganyan niyo na?!” sigaw ni Jase, tila naman natauhan ang dalawa. Bumaling ang dalawa sa isa't isa.



I Love You.” bulong ni Jon.



I Love you too.” balik naman ni Enso at naghalikan ang dalawa.



Siya, lakad na. Nagiintay na yung magkakasal sa inyo!” sigaw ni Jase, aktong susunod ako ng bigla akong hatakin ni Jase sa braso na siya namang naging dahilan upang mapasandal ako sa malaking katawan nito.



San ka pupunta?” tanong nito sakin sabay ngiti.



B-bestman p-po a-ako.” bulalas ko dito.



Psss! Di na nila kailangan ng bestman, and to tell you honestly there's plenty of gay men out there who can take your place, uunahin mo pa ba yang role mo kesa sakin na ilang taon mong di nakita.” nagulat ako sa sinabi niyang yun.



Jase, di mo naiintindihan ang kundisyon ko...”



Alam ko, actually, nainsulto nga ako dahil di mo agad sinabi sakin eh! Tingin mo ba mandidiri ako sayo or something?” seryosong tanong nito, napayuko lang ako.



I'm willing to sacrifice my life to be with you. You did that with Nate now let me do it for you. Mahal na mahal kita and no virus can stop me from doing so.” sabi ni Jase at dahan dahan nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ko pero umilag ako. Agad akong lumabas ng tent, pero bago yun, narinig kong nagbuntong hininga si Jase.



Umupo ako sa tabi ni inay at tita dahil may kung sinong bading na ang nasa puwesto ko sa puwesto ng bestman ni Enso. Nagulat na lang ako ng umupo sa tabi ko si Nate.



Sumama ka sakin.” sabi nito.



Ayoko.” napapatingin na si Tita at si inay at itay saming dalawa ni Jase. Biglang dumilim ang mukha ni Jase.



Sasama ka o kakaladkarin kita?” banta nito sakin, kitang kita ang pagkairita sa mukha nito na siya naman nagbigay ng impresyong hindi ito nagbibiro sa pagkaladkad sakin. Dumungaw na ang aking ama at halatang makikipagtalo na kay Jase ng pigilan ko ito.



Ok lang 'tay, ako ng bahala dito.” sabi ko dito.



Sinundan ko ito pabalik ng tent, pansamantala itong nawala at nang bumalik ay hila hila na ang isang nagkakasal, assistant mula sa nagkakasal kila Jon at Enso sa labas at kasunod nito ay si Cha na nakangiting aso.



Anong ginagawa niyo po dito?” tanong ko sa naguguluhan naring assistant ng nagkakasal sabay tingin kay Cha.



Ending your story with a happily ever after.” makahulugang sabi ni Cha.



Nagulat na lang ako ng sumulpot si Tita at ang aking mga magulang sa loob din ng tent, kasunod nito ay si Jase na may dalang dalawang singsing. Biglang naghypermode ang utak ko hanggang sa magcrash, di na nito ma absorb pa ang mga nangyayari. Kasabay ng kasal sa labas para kila Jon at Enso ay ang kasal naman namin ni Jase. Tinignan ko ang aking mga magulang pati si Tita at wala silang katutoltutol sa pinaggagagawa ni Jase. Nagising na lang ako ng abutin ni Jase ang aking kaliwang kamay at isinuot ang isang singsing sabay salita.



I, Jase, take you, Aaron to be my husband, my friend and love, beside me and apart me, in laughter and in tears, in conflict and tranquility, asking that you be no other than yourself, loving what I know of you, trusting what I do not know yet, in all the ways that life may find us.” mahabang salaysay ni Jase habang namamawis ang kamay at nanlalamig ito, bumaling naman sakin ang bawat pares ng mata sa tent na iyon, lalong lalo na ang ngayo'y nakangiti na nagkakasal samin.


Tinignan ko ang aking mga magulang at si Tita at lahat ito ay nagsasabing ituloy ko ang nasimulang seremonyas, di ko lubos maisip kung anong nangyari at sa wakas ay nakapagsalita narin ako.


I, Aaron, take you, Jase to be my husband, my friend and love, beside me and apart me, in laughter and in tears, in conflict and tranquility, asking that you be no other than yourself, loving what I know of you, trusting what I do not know yet, in all the ways that life may find us.” sinasabi ko ito habang nakatingin kay Jase. Di makapaniwala na ikinakasal na kami ngayon.



You may now kiss one another.” bulalas ng nagkasal samin. Nagaalangan akong tumingin ulit kila tita at sa aking mga magulang, magiliw ang mga itong napalakpak at nakangiti.



S-sigurado ka ba dito Jase?” tanong ko kay Jase bago maglapat ang aming mga labi, kinurot nito ang aking pisngi,



Kulit! Di ka ba nakikinig? Sinabi ko na lahat sa vow diba?” sabi nito sabay kamot sa kaniyang ulo, makikipagtalo pa sana ulit ako ng ilapat nito ang kaniyang mga labi sa aking mga labi.



I Love You, Aaron.” bulong nito nang maghiwalay ang aming mga labi, kitang kita ko ang sinseridad sa mukha nito.



I'm willing to sacrifice everything for you Aaron, I'm willing to give all the love you will need, may it be against all odds, I don't freaking care, I love you and that's all that matters.” bulong ni Jase sakin nang maghiwalay ang aming mga labi at habang magkadikit ang aming mga noo.



Sabay ng palakpakan ng mga bisita sa labas ang palakpakan ng aking mga magulang, ni Cha, ni Tita at ng nagkasal samin.



"I Love You too, Jase."




-wakas- 

Comments

  1. Hey guys! I'll be posting AAO's epilogue later.


    Hey, I know i promised you guys about Chasing Pavements being posted every weekend. I'm sorry, I failed you guys. Let's just say, I chickened out. I'm not yet ready to share it. hehe.


    I would really appreciate it if you guys share your insights about AAO's ending. :-D


    Thanks!

    ReplyDelete
  2. Wow, daddy idol! Grabe, the whole story is so intense. But I love how it is being delivered. So realistic! 5 out of 5 daddy idol! :)

    ReplyDelete
  3. Natapos na pala ito. Bitin ako. Pero natuwa ako kasi happy ang ending. Pero nabitin ako kasi ang dami pang tanong na bumabagabag sa akin.

    Hehehe..nakaligtaan ko nga pala dun sa comment mo me epilogue ka.hehehe..sorry.

    Abangan ko yun...

    ReplyDelete
  4. i guess i have to wait for the epilogue, i think there is more to squeeze out with these story, the epilogue would be the requiem...LOL

    sa epilogue na ang bonggang comment..kaya:

    ipost mo na!, hahahaha (",)

    ReplyDelete
  5. yes migs... an epilogue would be really good.

    this is not to say that the ending is not. to shed a tear is not easy for me... but this twist was surprising and emotionally laden.

    very good... very nice.

    regards,

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  6. migs gusto ko din yung ending kasi nag reunion ang mga characters ng LAIB... kulang na lang si ram...

    well, pero ok na rin... siguro mag reunion din yung "branch" nila...edison, ram,marti, andrei, kevin, pat, eric and tim... hahaha

    thanks ulit :)

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  7. yes i agree all the above....
    1st para nga itong reunion ng mga characters ng LAIB
    at epilogue with really good to squeeze out with the story,......
    cnxa n natutuwa lng tlga ko magbasa ng mga comments mo migs.
    syempre natutuwa tlga ko kc happy ending yon love life ni Aaron, at kahit papanu maayos kalagayan nya lalo kalusugan nya.
    compare dun s mga pinagdaanan nya akala ko nga iiyak n naman ako dito.
    diko lng talaga akalain n ito n pala un wakas nya, well its thru medyo bitin nga.
    pls. sana naman bumawi s epilogue.

    migs big thanks again....nice update,...

    ReplyDelete
  8. Hinintay ko po talaga itong last part na ito.

    I love the story and I'm very happy that the ending for Aaron was happy and that he and Jase ended up with each another.


    Parang nakakabitin.. hehehe
    I'll be waiting for the epilogue for AAO. :)


    Thank you Kuya Migs for the happy ending!

    - Jay! :)

    ReplyDelete
  9. nice migs.. the only word for me tonight is SACRIFICE..“I'm willing to sacrifice everything for you Aaron, I'm willing to give all the love you will need, may it be against all odds, I don't freaking care, I love you and that's all that matters. Pahiram nito migs huh post ko lang sa fb ko.. i'l delet aaron and i put ur name for credits..tnx

    ReplyDelete
  10. parang may kulang,
    hindi ko masabi kung anu yun
    basta may hinahanap ako.
    da best ka pa rin...
    may epilogue pa! haha
    /vince

    ReplyDelete
  11. sabi nila ending is teh worst part of any story, I AGREE..eheh I hate it so much, coz it is teh end, maybe the ending of this story but a beginning for the character..:)

    KUDOS !

    ReplyDelete
  12. Mabuti naman may happy ending.
    'And they live happily ever after.'

    ReplyDelete
  13. migs...i love all your stories...honestly most of your set of stories
    are so wonderful!!!

    God bless..and wish ko mas maraming story ka pang ma publish!!!

    ReplyDelete
  14. Mmmmm nasabing happy ending pero parang my kulang,,ganon b talaga dpat ang nanyare,,,subra talaga akong nkulangan....salamat,,

    ReplyDelete
  15. Mmmmm nasabing happy ending pero parang my kulang,,ganon b talaga dpat ang nanyare,,,subra talaga akong nkulangan....salamat,,

    ReplyDelete
  16. hayz..
    naiiyak ako sa story mo Migs.. hahahaha

    sana makakita din aq ng katulad ni Jase.. wag si Aaron kasi auko magkasakit.. hahahah..

    thumbs up sa story mo.. ^^ galing galing.. hehehe

    ReplyDelete
  17. Ilang beses ko na tong binasa pero napapaiyak parin ako. Sarap sa pakiramdam. Nakaka adik XD

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]