Against All Odds [epilogue]
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Pinagmamasdan ko si Jase habang natutulog sa tabi ng aking hinihigaang kama, ngayon lang ito ulit nakapagpahinga simula noong lumala ang aking karamdaman, may isang taon na ang nakaraan nang ikinasal kami sa States at simula noon ay namuhay kami na parang magasawa na talaga, sa kabila ng aking pagkakaroon ng sakit.
Awa naman ng Diyos at negative parin si Jase sa HIV, malaki ang isinakripisyo nito lalo na sa sekswal naming pagsasama, ilang beses man ako nitong kulitin ay hindi ko siya pinagbibigyan, hindi ko hinayaang dahil sakin ay masira ang buhay niya.
Tulad ni Nate na ang buhay ay kinuwa rin ng karamdaman na ito ay hindi rin ako nakaligtas sa nakakatakot na katotohanang patuloy na bababa ang aking mga T-cells na siyang tumutulong sa aking ktawan na labanan ang mga sakit. Ngayon masyado nang mababa ang aking T-cells, ilang kumplikasyon ng sakit na ang siyang kumapit sa aking katawan.
Eto na ako ngayon, mahina, marupok at ilang oras lang ay maaari nang bawian ng buhay.
Inabot ko ang isang kumot na nakapatong sa aking kama, maayos at marahan ko itong itinaklob sa katawan ni Jase, bahagya itong gumalaw pero mahimbing parin sa pagkakatulog. Pinagmasdan ko ang mukha nito at napangiti. Para itong batang natutulog.
Tinipon ko ang lahat ng lakas ko at nagbihis, bago lumabas ay nakita ko ang aking journal na sinimulan ko nung kami'y nasa California pa, napangiti atsaka wala sa sariling kinuwa ito saka lumabas ng kwarto at lumabas ng aming condo. Tumingala ako hinayaan kong masayaran ng maiinit na sinag ng araw ang aking mukha. Ngayon ko lang nakita ang totoong ganda ng mundo, ngayon kung kailan mamamatay na ako.
Matatayog man ang building sa paligid ng condo namin ni Jase ay magiliw paring sumisiksik ang bawat sinag ni haring araw na siyang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Maiingay, delikado at mabibilis man ang mga kotse na nadaan sa kalsada sa aking harapan ay nuon ko lang natitigang maigi ang ganda ng bawat mga disenyo nito. Matatayog man ang mga puno at maiitim ang katawan dahil sa polusyon ay napagtanto ko paring magaganda ang mga luntiang dahon nito na may iba't ibang hugis, gayun din ang mga abalang tao na naglalakad papasok sa kanilang mga trabaho.
Napukaw ng isang lalaki ang aking atensyon, balisa ito, hindi ito magkamayaw sa kaka para ng taxi, malas lang nito na walang tumitigil sa kaniyang harapan. Di ko mawari pero parang nakikita ko ang sarili ko dito dati, matikas ang katawan, may itsura at mukhang may utak din ito pero di niya napapansin ang kaniyang paligid.
“Masyado itong Absorbed sa kaniyang buhay na abala na ito na makita ang buhay sa paligid niya.”
Lumapit ako dito, tinitignan ang mga sasakyan at kung saan papunta ang mga ito, ang ilan ay maghahatid sakin sa probinsya ang ilan naman ay sa Manila, nagiisip ako ng magandang mapuntahan nang biglang nagring ang telepono ng lalaking aking katabi.
Shots shots shots shots shots shots
shots shots shots shots shots
shots shots shots shots shots
everybody
Bahagyang napatigil ang lalaki at tinignan ang screen ng kaniyang telepono, napakunot ang noo nito bago sagutin ang tawag.
“On the way na!” sigaw nito sa kausap sa kabilang linya. Sabay kumaway ulit, marahil ay umaasang may titigil na Taxi sa kaniyang harapan.
“Nice ring tone.” sabat ng isang lalaki sa aming likuran, bahagyang nagulat ang lalaking napara ng taxi at agad itong napatalikod, nagkauntugan naman sila ng lalaking pumuri sa ring tone nito. Napangiti ako, Naka boardshorts, T-shirt at flipflops lang ang lalaking pumuri sa ring tone ng lalaking pumapara ng taxi, bakat na bakat ang ganda ng katawan nito sa suot. Agad kong naalala si Nate at napangiti muli.
Napansin kong kumunot ang noo ng lalaking napara kanina ng taxi, sinundan ko ang tinitignan nito. Nakatingin ito sa mga gamit na hawak ng lalaking nakaputi na nahulog nang magkauntugan ang dalawa. Mga sapatos pambabae.
“Drei!” sigaw ng isang babae sa hindi kalayuan, lumabas ito sa isang building kung saan nandun din ang unit namin ni Jase.
“Nakapara ka na ba ng taxi?!” humahangos na tanong ng babae. Lalo akong napangiti ng makitang naka yapak lang ang babae, ibinaing ko ang tingin sa lalaking napara ng taxi, kita sa mukha nito ang pagtataka at selos.
“Di ako nagkakamali, selos iyon, sabi ko na nga ba...” sabi ko sa sarili ko ng mapagalamang tama ang aking hinala. Di na nakasagot ang lalaking nakaputi na nagngangalang Drei, itinaas ng babae ang kaniyang kamay at isang taxi ang tumigil sa harapan nito.
“Thanks Drei! I owe you one!” sigaw ng babae sabay kindat at halik sa pisngi ng lalaking nakaputi, sinara ang pinto at nagsimula ng umandar ang taxi. Muli namang humarap ang lalaking kanina pa napara ng taksi sa kalsada at itinaas ulit ang kamay.
“Ram, Wait! Alam ko ang iniisip mo.” kinakabahang sabi ng lalaking nakaputi na nagngangalang Drei. Di ito pinansin ng lalaking nagngangalang Ram, di ko maiwasang manood. Natutuwa ako sa kanila.
“Wait, Ram, meron ka bang gagawin mamya? Pwede ka bang ayain mag...” pero hindi na naituloy ni Drei ang kaniyang sasabihin dahil pasakay na si Ram ng taxi.
“Wait! Please! Candy and I are not lovers. I'm willing to explain it all over lunch or dinner kung papayag ka, kung papayag kang makipag date sakin?” nagmamadaling saad ni Drei.
“Bakit ka magpapaliwanag? Anong meron? And are you seriously asking me out on a date while still holding your girlfriends stilletos?” sabi naman ni Ram mula sa loob ng taxi, napatingin kami ng sabay ni Drei sa mga hawak nitong sapatos. Napakamot si Drei sa kaniyang ulo. Nakalimutan niya itong ibigay sa babaeng nagngangalang candy.
“Ram, Wait!” sigaw ng isang lalaki na palabas ng motel na katapat lang ng aming condo. Sinipat ni Drei ang lalaking tumawag kay Ram at ang suot ni Ram, nangunot ang noo nito.
“Is that the same shirt you were wearing yesterday at the office?” tanong ni Drei.
Ngayon alam ko na kung san galing si Ram, tulad ni Ram ang suot ng lalaking kalalabas lang sa motel ay gusot gusot din. Mukhang may ginawang milagro si Ram at ang lalaking kalalabas lang ng motel, malamang ito rin ang iniisip ni Drei dahil bumakas sa mukha nito ang pagkairita at selos.
“I'm sorry, but I have to go.” sabi ni Ram kay Drei sabay sakay sa taxi. Ngayon nakalapit na ang lalaking lumabas ng motel magkakatabi na kami ngayon nila Drei sa may bangketa.
Sabay na napabuntong hininga si Drei at ang lalaki na kalalabas lang ng motel, pinipigilan ko parin ang sarili sa pagtawa dahil sa nasaksihan. Noon ko lang napagtanto kung gano talagang mapaglaro ang tadhana. May tumigil na bus sa harapan ko, biyahe ito papuntang probinsya.
“Hmmm... makapag surf kaya.” sabi ko sa sarili sabay hagikgik.
Nagulat ako ng biglang sumakay ng lalaking humahabol kay Ram kanina galing motel. Di maipinta ang mukha nito, barabara nitong ibinagsak ang sarili sa upuan sa tabi ko, masama talaga ang tabas ng mukha nito at halatanghalata na mabigat ang damdamin.
Di ko na ito binigyan pa ng pansin, itinuon ko ang aking pansin sa labas ng bintana, pinapanood ang bawat pagdaan ng mga sasakyan sa kabilang bahagi ng kalsada. Tulad ng mga taong walang iniindang sakit tulad ng lalaki sa aking tabi ay mabilis na namumuhay ang mga taong aking nakikita, di parin alintana ang ganda ng mundo para sa kanilang maayos ang kalagayan.
“Ganito ata talaga, kapag malapit ng kunin ni Lord, ngayon pa lang naaappreciate ang mga bagay bagay.” sabi ko sa sarili sabay hagikgik pero isa ring luha ang tumulo sa aking mata.
“Argghh!” mahina pero nakakagulat na sabi ng lalaki sa aking tabi.
“Ok ka lang?” tanong ko dito habang pinupunasan ang luhang kumawala sa aking mata.
Umiling ito.
“All I wanted is a normal relationship! Pero hindi, sa halip na normal mga walang kwentang lalaki ang nakikilala ko, kung hindi sex ang habol trophy boyfriend naman ang hanap! Sino namang mas mamalas pa sakin?!”
Tinitigan ko ito, halatang halata ang frustration sa kaniyang mga kilos at sinasabi, tumingin ito sakin, marahil ay napansin na nakatitig ako sa kaniya.
“You must think I'm shallow.” bulong nito sabay iling.
“Actually? Yes.”
“Wow that's tact. I mean, meron ka pa bang kilala na mas miserable sakin? Ha?!” sabi nito.
“Yes, Actually he's sitting beside you and staring at you thinking how shallow you are.” nakangiti kong sabi dito. Di siya umimik at nangunot ang noo.
“You see I'm dying, baka bukas o baka mamya, di ko sure ang time eh, pero sigurado akong mamamatay na ako.” nakangiti ko paring sabi dito.
“Whoah! I'm sorry.” pabulong na sabi nito. Halatang nagtataka at nawiwirduhan sakin.
“Don't be.” bulong ko sabay ngiti ulit.
Di na muli pang nagsalita ang lalaki, maya maya pa ay napansin kong nakatulog na ito habang ako naman ay abala sa kakasulat sa aking Journal.
“Hmmm pwede pa lang maging huli na itong entry ko na ito.” nangingitingiti kong naisip.
Everything has been taken care of. Isa na lang ang di ko pa na aasikaso, si Jase. May magaalaga na sa aking mga magulang, alam kong hindi sila pababayaan ni Jase, di naman karamihan ang aking mga kaibigan at sa iilang kaibigan na iyon ay panatag ako na may magaalaga narin sa kanila sa oras na mawala ako, ang tanging kulang na lang ay ang magaalaga kay Jase.
Naaalala ko noong namatay si Nate, halos patayin ko narin ang aking sarili, iniisip na hindi magtatagal ay mauuwi din ang aking kalagayan sa kamatayan pero hindi pa huli ang lahat kay Jase, wala siyang sakit, mahaba pa ang buhay na nagiintay sa kaniya, marami pa siyang pwedeng makilala at marami pang pwedeng gawin.
“Hindi ako papayag na sa pagtigil ng buhay ko ay siyang tigil din ng kaniya.” bulong ko sa sarili ko habang lumuluha.
Nagulat ako ng lumanding ang ulo ng katabi kong lalaki sa aking balikat at napahagikgik ng mapagtantong mahimbing na mahimbing itong natutulog.
“Lord, ano po bang gagawin ko kay Jase?” sabi ko sa sarili ko at nagbuntong hinga na lang.
Nakarating na kami sa terminal ng bus malapit sa beach na dati naming pinagsu-surf-an ni kuya Sam at kung saan ako dinala ni Nate para sa aming first year anniversary. Bahagya kong iniayos ng upo si pogi na natutulog sa aking tabi, mahimbing parin ang tulog nito kaya naman dahan dahan akong tumayo at dumaan sa kaniyang tapat para hindi ito magising.
Pagkababang pagkababa ko sa bus ay agad kong pinuno ng hanging probinsya ang aking mga baga, akin agad naamoy ang amoy ng dalampasigan. Agad akong pumunta sa dalampasigan at tinanaw ang tila walang katapusang tubig dagat na asa aking harap. Napangiti ako.
“kuya Sam, bading ka ba talaga?” tanong ko sa aking napakagwapo at napakabait na nakatatandang kapatid. Napahagikgik ito saka tumanaw ulit sa tubig habang pareho kaming nagiintay ng malakas na alon.
“Ibig sabihin ba nun si kuya Enso ang boyfriend mo?” parang tanga kong tanong dito, tinanong ko pa kasi kahit alam na alam ko naman ang sagot.
“Oo.” matipid na sagot nito.
“Pano sila nanay at tatay? Sabi nila mali daw na magmahalan ang kapwa lalaki.” nahihiya kong sabi dito. Napatawa ito.
“Aaron, walang mali sa pagmamahal, pareho man kayong lalaki, babae o maski babae at lalaki. Saka di mo rin naman mapipigilan eh, kung sino ang itinibok niyang puso mo wala ka narin magagawa kahit pa pareho kayong lalaki.” makahulugang sagot ni kuya Sam, nangunot ang noo ko.
“Hindi ka ba natatakot, kuya?” tanong ko dito.
“Natatakot, pero dahil mahal na mahal ko si Enso, kahit ano pang ibato sakin ng tadhana hindi ko siya hihiwalayan, kahit pa natatakot ako.”
Napangiti ako sa naalala.
“Arte mo talaga kuya! Against All Odds ba ang drama niyo ni kuya Enso?!” natatawa kong sabi sa sarili at nun ding oras na iyon ay umihip ang malakas na hangin.
“Tol...?”
Napalingon ako. Yung lalaking katabi ko sa bus ay asa aking likod ngayon at inaabot sakin ang isang itim na notebook.
“Naiwan mo.” nahihiyang sabi nito.
“Binasa mo ano?” nangingiti kong bintang dito.
“Ah...eh... sorry di ko napigilan. Pano mo nalaman?” tanong nito.
“Wala naman, pangita kasi sa mukha mo eh.” sagot ko. Nangiti naman si pogi.
“Ako nga pala si Rob.” pakilala nito.
“Aaron.” matapos kong magpakilala ay nagsulat ulit ako sa aking journal, binura ko ang title nang ginagawa kong kwento na isinulat ko sa huling entry ng aking journal. Ngumiti ako nang matapos ang aking pagsusulat.
“Against All Odds.” bulong ko sa sarili ko.
Tahimik. Ibinalik ko ang aking mga mata sa pagtanaw.
“Ok ka lang?” tanong ni Rob sakin, ibinaling ko dito ang aking tingin at napangiti.
“Oo naman.” sagot ko dito sabay upo sa buhanginan. Tumango naman si Rob.
“Oh, sige, maiwan muna kita diyan. Siya nga pala, kung kailangan mo ng matutuluyan dun ka na lang sa resort namin tumuloy ngayong gabi. Bibigyan kita ng discount.” sabi nito sabay ngiti.
“Nice, discount for the dying, baka may anointing of the sick din kayo na promo na ino-offer.” biro ko dito, natigilan saglit si Rob at ng marealize nito na nagbibiro ako ay tumawa ito ng malakas.
“O siya basta, punta ka lang sa front desk at ako na ang bahala sayo.” sabi nito, tumango ako at binigyan ito ng isang magiliw na ngiti.
00000oooo00000
Ilang lalaki na ang lmapit sakin, halatang naghahanap ng mga makakadate ang mga ito, pero sa tuwing sasabihin ko sa mga ito na hindi date ang kailangan ko kundi ang makakausap lang ay agad nang tatayo ang mga ito, patuloy parin akong naghahanap ng nararapat kay Jase na siyang hahalili sa aking pwesto sa oras na mawala na ako. Medyo naiinis na ako dahil wala akong makitang nararapat.
“Hey! Andito ka padin? Kanina ka pa dito ah, here dinalhan kita ng makakain.” sabi ni Rob sa saking tabi, nginitian ko ito.
“Kanina ko pa nakikita na tinatanggihan mo ang bawat taong lumapit sayo ah.”
“I'm not interested, di date ang hanap ko kundi kausap.” sabi ko dito sabay ngiti.
“Whoah! Alam ko na favorite cruising spot ng mga malungkot na mga singles ang beach dito. Kaya kung one night stand lang ang hanap mo...” nagbibirong turan ni Rob, umiling ako.
“Hindi talaga date ang hanap ko.” sagot ko ulit dito sabay ngiti.
“Isa pa, di ako bago sa kalakaran dyan sa tinatawag mong cruising, definitely, hindi babae ang hanap kong makausap pero wala ring pumapatok sa mga lalaking lumalapit sakin eh.”
“Sabagay kung kasing gwapo mo ako baka maging choosy rin ako.” balik biro ni Rob, napahagikgik ako.
“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi nga ako naghahanap ng date and besides diba sabi ko sayo mamamatay na ako. Bakit pa ako maghahanap ng date kung mamamatay lang rin ako.” nakangiti kong sagot dito.
“Oo nga, nasabi mo na yan kanina sa bus. Di ko alam na seryoso ka pala.” malungkot na sabi ni Rob.
Tahimik. Tinanaw ko ulit ang malawig na dagat.
“Pwede ba kitang maistorbo saglit?” basag ni Rob sa aking pagmumunimuni.
“Sure.” sabi ko dito.
“Pwede ba akong magstay dito sa tabi mo? Since di ka naman naghahanap ng date. Sarap mo kasing kausap eh saka baka kasi kailangan mo ng kasama ngayon.” nakangiting sabi ni Rob.
Tumango lang ako at umupo na ito sa tabi ko.
“May gusto sana akong itanong dun sa story na sinulat mo yung sa huling entry. Tungkol kay Nathan, pano mo nalaman na mahal mo parin siya sa kabila ng mga nagawa niya sayo saka pano mo nalaman na mahal ka talaga niya matapos ang lahat? Saka sino ang mas mahal mo? Yung kapatid niya o siya?”
Natigilan ako. Tinitigan ko si Rob saglit.
“Pareho ko silang mahal. Napatunayan kong mahal parin ako ni Nathan nung iharang niya ang katawan niya para saluhin ang bala na para sa akin, kung hindi siya humarang malamang di tayo naguusap ngayon...” sagot ko, nagbabadya ang mga luha sa pagpatak. “Narelaize ko na mahal ko parin siya kasabay ng pagbagsak niya sa lupa nang tamaan siya ng bala. Bakit? Dahil di ko na inalintana kung sakin parin ba nakatutok ang baril, di ko na inisip si Sandra at kung anong ginagawa nito, tinitigan ko lang si Nate at sinubukan ang lahat ng aking magagawa para di na lumala pa ang kalagayan niya. Nang nasa ospital na kami matapos ang barilan di ko parin kayang aminin sa sarili ko na may nararamdaman parin ako kay Nate dahil sa galit at ang masama pa nun ay hindi ko magawang pumili sa kanilang dalawa ni Jase dahil para sakin ay pareho ko silang mahal.”
“Kung mahal mo rin si Jase tulad ng pagmamahal mo kay Nate, bakit mas pinili mong lumayo sa kaiya?”
“Dahil sa pagmamahal ko sa kaniya kaya ako lumayo. Binigyan ko siya ng pag-asang mabuhay ng libre sa sakit at libreng magmahal ng ibang tao. May sakit ako, alam ko na hindi magtatagal ay susunod ako kay Nate sa kabilang buhay. Kaya't binigyan ko siya ng pagkakaton na mamuhay sa piling ng iba. Ng libre sakin.”
Muli kaming nabalot ng katahimikan. Ilang bagay ang tumakbo sa aking isip at matapos mabigyang linaw lahat ng aking iniisip na iyon ay wala sa sarili akong napangiti.
“R-rob... pwede mo bang basahin sakin yung mga isinulat ko sa journal ko? Yung huling entry?” tanong ko dito. Tinignan ako nito at tumango, ihinilig ko ang aking ulo sa matipunong balikat ni Rob at tumanaw ulit sa malawig na karagatan at nagtatakipsilim na kalangitan saka masuyong pumikit.
“Against All Odds... Nasa harapan ako ng isang malaki at magandang building. Pinapanood ang bawat labas masok ng mga tao doon, sinusundan ang bawat kilos ng mga nakaputing nurse at mga naka putting coat na mga doktor. Iniisip kung ano marahil ang tumatakbo sa kanilang isip, lalo na ang sa mga taong tila balisa na pumapasok ng emergency room. Nagbuntong hininga ako...”
“Thank you Papa Lord, binigay niyo na ang hinihingi ko. Sana po maalagaan nitong si Rob si Jase.” bulong ko sa sarili ko.
Ipinikit ko na ang aking mga mata...
______________________
Against All Odds
by: Migs
Hey guys! Tapos na ang AAO. I'll be posting breaking boundaries later this week.
ReplyDeleteThanks for all the support, di ko alam kung na meet ko yung expectations niyo dito sa first twenty plus something chapter na story ko. AAO started when a reader challenged me to go out of my comfort zone in writing stories. Kung napapansin niyo sa mga nauna kong work pinakamahaba na ang 10 chapters. Para kasi sakin kapag masyado ng mahaba ang story nagiging dragging na minsan, minsan nawawala sa plot or nalilihis sa totoong story tas andyan pa ang inconsistencies. So isa ang AAO sa mga pinagkahirapan kong story. isang damakmak na neurons ang pinatay ko sa pagpupuyat masiguro lang na hindi siya GAANONG dragging at halos walang inconsistency.
Kaya't sana, sa anonymous na nag suggest noon about, and i qoute. "Mas maraming twist, masmaraming sex scenes, sana heavy drama at hindi pa tweetums, sana nasasaklaw ng realidad." sana lang kahit papano nameet ng standards mo ang kwentong ito. ^_^
Thanks ulit sa lahat! :-)
Next is breaking boundaries.
PS: kung nalito kayo sa time line about sa cameo nila Ram at Drei dito sa story na ito, lilinawin ko lang na habang nangyayari ang scene na iyon sa story ng LAIB book3 ay nagaganap din ang scene na ito sa epilogue ng AAO. So wag kayong maconfuse kung bakit asa iisang scene ulit si Ram and Drei (see Love at it's best Book3.)
Sana suportahan niyo rin ang Breaking Boundaries! :-D
Nakakapanibago lang but again it shows your versatility and how capable you are as an author.. since may kanya kanya taste ang readers kaya cguro tayo may tinatawag na genre kasi knowing hindi nman lahat pede natin i please. Hindi ako mahilig sa heavy kasi hopless romantic ako.. hahaha.. pero I support you kasi I believe in you.. :)
DeleteKung maka comment ako parang kapopost lang.. hahaha.. sa babasa napaka worthwhile niya.. see you soon..
-smartiescute28@yahoo.com
this has been very nice sir, and definitely unique. halos walang patweetums, mature ang character at mga eksena.
ReplyDeletei've been touched with this one, at hindi ko maiwasang ilagay ang sarili ko sa mga tauhan ng kwento.
more power to breaking boundaries!
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteSince nagpromise ako yesterday (or kaninang madaling araw) na magcocomment ako ng matino this is my overview sa buong story.
ReplyDeleteAng story na AAO ay di ko nakita as the typical “migs” iba ang approach mo, pero di ko narealize ito until sa pag labas ng normal chapter. Ang prologue (which wala naman sa original plan mo ata) ay ginawa mo para mabawasan ang flashback scenes sa mga susunod na chapters para narin di kami maging matanong sa kung bakit may “ganito” at may “ganon” na mga dialogues (salamat naman!, lol)
Earlier chapters eh yung after ng separation nina Aaron at Nathan which na explain mo sa prologue ang dahilan (naman! Apir!) kaya naging parang mellow na ang takbo ika nga smooth sailing, pero di ko maailis na isipin na naging mas bold ka sa mga eksena, nawala ang naiveté in regards sa sex, which I find entertaining (adults na tayo, wala sanang maoffend). You transform a simple m2m novel into a sizzling one (sarap balikan ang torrid! lol) at binigyang hustisya mo naman ang mga eksena, ang pandidiri at pagnanasa at kaelyahang naganap sa story (nanood kaba ng pinoy gay kamasutra? Joke!). May mga chapters talaga na parang “wala lang” (sorry migs =>) parang filler pero merong significance sa succeeding chapters, mga stray bits of clues sa magiging takbo o magiging outcome. Merong mga nakagets kaagad me nagdeny pa (gaya ko, ayoko isipin, gusto ko happy kasi, hahahaha). Pero naging giveway na nga as the story progresses, oh well ganun talaga.
Nachallenge ka ata sa mga readers mo kasi parang naging predictable, so imbes na ma assume na namin ang magiging ending nagkaroon ng sandamukal na twists, hilo ako dun honestly kaya nga madalas kong sabihin na update na kaagad (demanding? Hahahaha) nagkaron ng eksena na barilan, away-bati at sa nakakakilig na mga eksens kaya nabuo ang nakakalulang “sino kaya sa magkapatid ang pipiliin” nakaka stress! Then hayun nga sa huli natikman ni Aaron ang kaligayahan sa piling ng magkapatid sa magkaibang panahon, parehas naman nyang mahal diba?
Incorporation of different characters sa ibang stories, which I think napaka cool! Kudos talaga migs! Ang galing mo, naconnect mo sila ha, even sa huli, LAIB, Breakeven at AAO simultaneous na nangyari, wala akog masabi kundi……freak ka! Joke!!!...seriously ang galing talaga, no words can explain =)
So back to the ball game… pano ba naging AAO ito para sakin. AAO siya di lang sa main protagonist (Aaron) kundi pati narin sa 2 taong umikot naging malaking parte ng buhay nya, bakit? Eto:
Aaron- Given na sa dami ba naman ng pinagdaan from “takwil” issue then hiwalayan na cause ng pagiging callboy then pagbangon at pagsisikap na maabot ang pangarap, hanggang sa pagkakaroon ng sakit at pag laban dito at ituloy uli ang pangarap nyang maging doctor aba! Eh sino ba naman ang magquequestion na Against All Odds talaga un!
Nathan- Dahil sa kaartehan nya, diri diri pa siya, eh mahal naman pala! Hiniwalayan, ayun! naging desperado, ginawa ang lahat maging kanya lang si Aaron at ialay ang buhay nya sa pagtatangka ni asungot na Sandra na patayin si Aaron, nagtagumpay naman though me kapalit, pero Against All Odds parin, hehehe
Jase- ah wala itong katanong tanong, talagang Against All Odds talaga, iniimagine ko nga kung ako ang nasa katayuan ni Aaron (less AIDS syempre!) napaka swerte ko, despite my condition eh handa nya akong mahalin muli (putik! keso ng last part migs, kinilig ako dun, hehehehe).
At lastly….
Migs- Sa lawak ng imagination mo, sa pasensya mo saming makukulit sa update at sa…well sa pinagdadaanan mo tinuloy mo parin ang pag gawa, even putting more spice sa story kahit tapos mo na.
Nagpakwela lang ako, kasi madami pa namang pupuri sayo, I exempt mo na ako (parati naman, hehehe) hayaan mo namang mapasaya kita at ang iba mo pang readers…btw hi co readers, kaway kaway! =)
Thank you migs talaga at sana huwag kang magsawa sa paggawa ng story… inspire us more, despite our situation (I don’t want to elaborate), there is this ray of hope that we can be happy even Against All Odds, More Power! (“,)
Migs,
ReplyDeleteJosh said almost all i wanted to say... he just stole my thunder hehehe...
seriously though, i am glad you wrote AAO the way you did. i was one of those who actually begged, forced, cajoled you into writing the erotic scenes (ewan ko lang kung may effect sayo hahaha) kesehoda mang ayaw ng iba.
needless to say, you delivered. and yes,beyond my expectations.
with AAO i can say that you have truly matured, not in age (smile smile) but as a writer. i believe that a writer's maturity can be gauged by how far he takes risks, even at the "potential" negative reactions of his readers. this departure from the norm is the hall mark of maturity.
maturity is creative energy in motion (notice that energy in motion actually means e-motion). and this story is full of it.
i enjoy the liveliness and lightness of your stories, especially the funny anecdotes between edison and jake, and andrei and kevin. no i did not just enjoy them... i loved them.
but AAO is far too different. and in here you just proved to one and all that truly, creative genius does not cease to expand, it does not stagnate, but continues to explore horizons untouched and unseen.
thank you for sharing your god-given talent. it is only in sharing that you can expect to receive.
more blessings to you and jp (haaay hopeless romantic ba ako? hahaha)
regards,
R3b3l^+ion
It has been a far and winding road for you Kuya Migs to cross boundaries and step into a style unlike what you've been used to.
ReplyDeleteYour creative prowess has increased, that's for sure and in doing so, you have not forsaken the quality of work you have done even if you are not used to the style of thinking and writing you used for AAO and in fact, the quality of your work has increased.
You gave more details as to why everything had happened to your story.
I applaud you for your intrepidity.
AAO has been a great story and a story to behold as well.
Thanks for sharing your time and talent in writing AAO. More blessings to you Kuya Migs and I look forward to your next projects.
To this story, I hope not to bid adieu but to see you in Kuya Migs' other stories.. hehehe.
Go! lang ng Go! Kuya Migs! :D
- Jay! :)
Ang ganda talaga nang aao sana my story din si na rob and jase....
ReplyDeletetnx migs again for your great novel...kudos
ReplyDeletetnx 4 giving it a happy ending.galing!!!nkklungkot lng,kc tpos n!!!
ReplyDeletemigs....asan na ung update ng chasing pavement book 4...hehe...
ReplyDeletei hate nathan's character...i cant do what he did...drag ur love one to death?ODK...hes so selfish
heto n naman ako migs..........
ReplyDeletethanks at nagawa mo parin happy ending,masaya at malungkot lng kc- masaya at natapos n lahat ng hirap ni Aaron....-malungkot kc mamimis ko character ni Aaron ngaun tapos n story ng AAO.
AGREE din ako k josh @ r3b3l^+ion s pag analized ng story medyo nalinawan lalo ako--tnx both of you.
migs...thanks for your efforts & sacrifice,& to share your talent (to all your readers out there),to materialized this stoy
against all odds: part 2 (rob and jase) =)
ReplyDeletesalamat sa story... i love it... keep up the good work! =)
ReplyDeleteWew! Malungkot man ang naging ending ay worth it naman…gusto mo gawan ko ng literary critism ito? hehehe…
ReplyDeleteang panalo :)
ReplyDeletewla pa akong masabi...
nasa comp shop lang ako on the way sa pagsakay ng train namiss ko lang tlga magbasa ulit tapos ayun end na pala...
the best tlga si kuya migs :D
▬ waley ang mga first comment....dumudugo mata ko at ilong....tinawag ko pa si meriyam hahahah at Sir Migs...Iba ka...samba much! Salamat po sa pag share nan story....sa pagbabasa ko nan mga stories mo, unti unti ko nan natatanggap sa sarili ko na nagkakagusto ko sa lalaki..at nalilibugan din in denial po kasi ako.......saka takot ko lang sa tatay ko hahaha baka ibitin ako patiwarik ang unico hijo nya eh kyeme pla hahaha, meron po sana akong gustong ihingi sainyo nan payo eh, medyo personal po....eh, eto po email ko kenopet_69@yc...salamat po uli!..
ReplyDeletecheers,
Jet
migs,
ReplyDeletei trust you are okay. na miss ka na namin. we miss your stories too.
kung may pinagdadaanan ka, dito lang kaming tagahanga mo, wishing you well and praying for you.
we may not know you personally, but you have touched our lives deeply through your creations. kaya if you need to reach out to us, even just to rant, the least we can do is listen and commiserate, and pray for you.
be well always, and take care.
regards,
R3b3L^+ion
Sir migs grabe napaluha ako sa story na ito, aaminin ko nadala ako sa bawat eksena, pakiramdam ko isa ako sa mga character ng story ito. minsan naiisip ko pwede ba ito talagang magyari sa tunay na buhay? kung magyayari man sana ito sana happy ending hehehe.nag alala tuloy ako kay jase baka walang mag alaga sa kanya kahit iiwan na sya ni aaron. pwede ba ako na lang hehehehe.
ReplyDeletebasta saludo ako sayo Sir migs. maraming salamat nga pala sa pag babahagi ng mga story mo. aaminim ko may natutunan ako sa bawat story na nababasa ko sa blog mo. sana di ka magsawa sa pag sulat at pag babahagi mo sa ng mga story.
sir migs favor naman paki add ako sa ym/fb mo. eunsolee@yahoo.com.
maraming salamat at ingat palagi.
In fairness pinatay mo yung si Aaron!! ngayon lng may pinatay ka sa story sa ending,, as in nung s/sx plng ng namayat in just weeks ting!! alam ko na kagad + ting kung kanino galing,, BUT wholesome parin yung ending niya though masakit sa puso na namatay anjan naman si ROB!!! for Jase :D
ReplyDeleteAs promise minarathon ko siya tapos na :D :)
ito yung pinakakaantay ko yung mag bra branch out yung other characters from one story to another!
It was Great talaga!! galing galing..
Question lang sino si Rob ulit? XD di ko na marecall pero familiar yung scene..
At promise ko ulit imamarathon ko yung next stories mo + Hahanapin ko story part ni Rob! at
i coconcept map ko na para mayr reference ako!! hahaha
aR
kuya migs! T.T Grabe ang kwentong to.. napaiyak mo ako pero gandang breather ang kwentong to. :) Nga po pala, Nix here. add nyo po ako fb hap, nixonjohn21@yahoo.com .. hehe.. nurse rin ho ako na gusto ring magmedicine..actually magmemed na next school year..hehe.. nakakarelate ako sa karamihan ho ng inyong kwento...minsan nga nasasabi ko sa sarili ko na pareho takbo ng utak natin..XD Ang ganda ho ng mga kwento niyo! Grabe! I can find inspiration sa mga kwento niyo po sa mga kwento kong gagawin at ginagawa. Newbie writer ho kasi ako..haha! anyway, maraming-maraming salamat po sa inyong napakagandang mga kwento na puno ng aral sa buhay! :)
ReplyDeleteNixon John
MIGS ngayon ko lang nabasa to, at hindi ko talaga tinigilan simula prologue hanggang epilogue. Ang hirap magcomment hindi ko alam ang sasabihin ko sa SOBRANG GANDA ng AAO na ito.
ReplyDeleteGrabe ikaw at si kuya mike lang ang nagpaiyak sakin sa ganitong genre ng kwento (m2m)
nung part na nirape ni nate si aaron, dun pa lang ang bigat na sa dibdib kasi simula sa chapter na yun eh alam ko na na hindi ito magiging happy ending talaga.
Basta MAGALING KA! Period.
--ANDY
Superb!!!
ReplyDeleteNgayon lang ako nakapag comment (kaya sulitin ko na po ha) kc masyado ako na-absorb sa mga stories from LAIB, Breakeven at AAO (actually namali yata ako kc mas nauna kong basahin ung chasing pavements at breaking boundaries bago itong AAO). di kc ako nagbabasa ng mga notes before the story eh.. hehehhe
lately ko lang nadiscover tong blog mo nung may tinitrace akong story from another blog. di po ako nagsisi... mas ito na ang pinagpuyatan ko for two weeks now... di ko mabitawan ang mga stories... kahit sobra busy sa work ito pa rin inuna ko.. hehe to the point na muntik na ko sumabit sa isang business presentation ko.. ahehehe.
anyways, lahat yata ng emotion naranasan ko na habang nagbabasa ng mga stories mo... ngayon nga may luha pa ko... ahehe... parang nanariwa ung mga galit at sama ng loob ko na naranasan ko dati pag andun na sa mga scenes ng kataksilan at panloloko.. wahhhh.. pero sobrang saya din sa mga happy endings ng mga successful partners sa story..
basta masasabi ko lang.. sobrang galing mo author sa pagkuconnect ng mga characters and their stories from past book to the present. may times lang na kelangan kong i-trace back ulet ung character from past book/chapter pag nabanggit na sa present book... bilis cguro ng pagbasa ko o slow lang talaga ako... hehe
keep it up idol.
“Aaron, walang mali sa pagmamahal, pareho man kayong lalaki, babae o maski babae at lalaki. Saka di mo rin naman mapipigilan eh, kung sino ang itinibok niyang puso mo wala ka narin magagawa kahit pa pareho kayong lalaki.” makahulugang sagot ni kuya Sam, nangunot ang noo ko.
ReplyDeleteKwentong R-18 pero ito lang ang story na kumuha ako ng line at pinost ko sa FB ko.. Bahala na sila kung anu isipin nila sa akin..
N.B.
May kasamang title yung kinuha kong line para i-acknowledge na sa'yo galing yun..
-Lonely and Blue..
This is a masterpiece. Ang ganda ng pagkakasulat mo sir Migs. Though yung chapter 23
ReplyDelete(ending) ay bitin, but with the epilogue the story felt full circle. May tamang closure at
satisfying yung ending ng story ni Aaron.
Ang galing din ng connections ng story mo. Although pwede siyang maging stand alone story,
I believe na mas maa-appreciate ito pag binasa muna yung mga previous series. For me, these
serve as supporting stories for AAO kasi it gives background to the characters and some
important events na rin. And I am glad na binasa ko lahat ng previous entries mo from start
before reading this.
Saludo po ako sa iyo. I can see how talented and versatile ka pag dating sa pagsulat mo.
Thanks for sharing your talent and stories with us. ^^
-RP
May story naba c rob at jase?
ReplyDeletenakakaiyak naman to. T.T
again your work can't help but put me to tears.
Npaka saklap ng sory nato, but then again it teaches us to appreciate life, and face all its consequences head on, without doubts for we only have one shot at life, and we should make it worthwhile.
Kudos author. Ganda ng plot, and satisfying ang ending.
pero syempre as a person, i still believe in happy endings, realistic or not kase nasa tao naman paano isususlat ang tadhana nya.
Wahh. gumagana nanaman braincells ko sa pagiyak.
GOD BLESS and INGAT lagi kuya migs!!!
sana mas light dito yung taking chances. ahihihi ^^
-ichigoXD
Good read.
ReplyDeleteSalamat, kuya Migs.
Wow, grabe di na ko natayo sa harap ng PC ko dahil sa blog mo.
ReplyDeleteJust pass by in your blog last Monday (april 9 2012) and I have finish reading already Love at its Best Series, Breakeven, Chasing Pavements, this is what I call reading marathon.... Lolz. At ngayon Just finished reading Against all odds.
Napaiyak mo ko Migs sobra nabisto tuloy ng boss ko na hindi ko pa ginagawa ung inuutos nya sa sobrang attached ko sa mga stories mo hehehe.
Mamaya Ko nlang istart basahin ung Breaking Boundaries after ko maggym hehehe baka tumaba na ko kasi wala na ko ginawa kundi basahin ung mga stories mo.
Don't worry from now on lagi ako magleave ng comment and promise lagi ko ng ifofollow tong blog mo.
Hindi na ko magiging silent reader hehehe
Congratulations for you master pieces. I hope to get more inspirations from it.
To all the readers keep reading!!!
Have a nice day and Teecee.
wahhhh!!!
ReplyDeleteang ganda pa rin ng ending though it was very sad ending kela aaron and jase.
ibang-iba ang story na ito sa mga nakaraang story, di lng basta kilig, nandyan ang drama at aral sa buhay. nakaka-enlighten.
tama, dahil masyado nating iniisip mga problema, di na natin naaapreciate ung mga magagandang bagay sa paligid natin.
sana maging aaron ako, isang matatag na tao, marami ring nagmamahal sa kanya.
congrats, sir migs...
ahh e2 pla ung nbasa qng epilogue dti...
ReplyDeleteilang buwan na ang nkakalipas nang sinubukan q mgbasa sa blog m, kaso nga d mobile friendly b4 kya nghhang cp q...x_x
anyway, my ilang stories aq nbasa at isa tong epilogue na to...d q maintindhian sa totoo lang, xempre, ikaw ba nman mbasa m epilogue lang maiintindihan m ba? XD
peo ganun pa man, napaiyak aq neto...
at ngaung mobile friendly na blog m, nbasa q na xa ng buo at naiintndhan q na ang lahat lalu na't sinundan q ung pagkakasunod sunod ng mga kwento mula love at its best book 1... nkakatuwang isipin na kahit na malungkot ang ending nito ay masaya pa rin ako dahil nabasa ko na xa ng buong buo... naaawa aq peo natutuwa pa rn aq sa mga bida... grabe, kanina habang nkahiga aq at ngbabasa sa cp q punas aq ng punas ng sipon sa kakaiyak XD
anyway, d aq nabigo, kumurot ang mga kwento m sa damdamin q... salamat salamat sa pagbahagi ng mga ito... mamayang gabi itutuloy q na ang pagbabasa sa breaking boundaries bago aq mtulog :)
muli, maraming salamat :)
T_T kuya Migs... Naloka ako sa story nito... I sooo loved the creation of this story... Lahat ng klase ng emotion nandito na yata... Napaiyak pa ako lalo nang mabanggit ang love story ni Sam-Enso-Jon(LAIB Book 2)... I thanked God for letting me read this work of yours... Kudos and More power to you, kuya Migs! :)
ReplyDeleteHi Kuya Migs!!!I'm Newbie Here and also your newest follower...
ReplyDeleteI find you writing really great and inspiring!!!
and also amazing na napagdikit-dikit mo yung mga story!!!ANG GALING!!!
I learn this site blogsite from kuya mike site dun kita unang nakilala actually dun ko tinapos ang LAIB pero simula breakeven until AOO dito na ako sa blogsite mo nagbababasa at matatagal tagal na din akong di na naiiyak ang huli pa yata ay ang story ni kuya mike but this story is one of the best!!GRABE!!!
UMIYAK AKO ng walang HUMPAY!!!!
namugto pa nga ang mata ko at kanina sabi ng mama ko lumuluwa na mata ko kakacomputer di lang nila alam seryoso ako nung sinasabi kong umiyak ako kahit ang labas ay pabiro kasi tumatawa ako malamang ayokong malaman nila na umiyak talaga ako!!!
And also my value talaga and lesson that is why I admire your writing!!!
Kayong mga author ng ganto with lesson ang pinaka gusto kong basahin ang storya from this story you taught me how lucky i am and much more things that i can apply to my daily life!!!REALLY INSPIRING!!!
Ayun more power and god bless po Kuya Migs just add another fan to your list!!!
^__^
OVER AND OUT!!!
P.S. hindi ko alam kong mababasa mo to pero patuloy pa rin ako magbabasa at tatapusin ang mga series mo dito!!
ay grabe... super gandang serye.... hanep... mala - WALANG HANGGAN...
ReplyDeletehandsdown ako dito.... at nakakatuwa yung supporting role na from LAIB!!! lalo na sina cha, enso, jon , migs at ed.... heheheheh
OMG!!! Napaiyak talaga ko ng bonggang bongga..di ko akalain na mapahagulhol ako sa iyak..damang dama ko ang bawat karakter ng kwento..parang adun ako...
ReplyDeleteSad lang yung ending..
Can't believe na matagal na palang tapos itong story na ito at ngayon ko lang nabasa ng buo.. at nagmarathon reading pako na usually kinatatamaran kong gawin,hehe.. Seriously, sa lahat ng kwentong nabasa ko, eto palang ang nakagulpi sa mga mata ko..
ReplyDeletesalute ako sa bawat sulok! two thumbs way up migz..
Hands down ulet Migs... =) I'll give you my review pag nagkita na ulit tayo =)
ReplyDelete- Lance
Para sakin ito ang best story na nabasa ko dito sa blog mo. di ko pa din nalilinutan ung mga reaksyon na nagawa ko sa pagbabasa nito months ago. para sakin ulit, ikaw nag best author ng bisexual stories pangalawa lang si Sir Mike. para sakin lang nman. Idol kita Migs :)
ReplyDeleteI won't say anything dahil almost all praises were mentioned ;-)
ReplyDeleteThanks migs. U are the best :-) This story is surely a masterpiece. Keep writing, kuddos!
sinusundan ko talaga ung pagkakasunod sunod ng story,,
ReplyDeletetsaka q na babasahin ung mga iba pa.. hehehehe..
sarap mo siguro makakwentuhan Migs..
taba kasi ng utak mo para makagawa ng kwento na ganito e.. hahahah
Ikatatlo ko ng beses na basahin to! Ang sarap balik balikan! Ang ganda!
ReplyDeleteNamatay na ba si aaron? :( hays
ReplyDeleteNatuldukan narin ang kanyang mga paghihirap. Thank you aaron.. thank you migs...
Sooo 2011 numg huli ko tong nabasa and I red it again naiiyak pa din ako.. I remember nagpost pa ko sa fb na sobrang grabe ka sa Apacible Family hahahahaha
ReplyDeleteSa babasa he is referring to Part 2 ng Love at its best. Yung Scene na pumasok sila Rob, Adreian at Ram.. :)
ReplyDelete-smartiescute28@yahoo.com