Breaking Boundaries (Prologue)
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Double cheeseburger, large fries, large coke at 6 pieces mc nuggets ang kasama ko sa hapagkainan ngayon, nito na lang ulit ako nakakain sa isang fastfood chain, di maikakaila ang tuwa na nararamdaman ko. Naramdaman kong gumalaw si Ivan sa aking tabi, siya ang aking assisstant maglilimang taon ko na siyang kasama, para na siyang kapatid para sakin. Kaya naman bawat kilos nito ay saulado ko na.
“Ivan, sige na lapitan mo na, baka mamya makawala pa yan.” sabi ko sabay hagikgik.
“Sir Marcus naman, alam niyo naman pong di ko kayo maiiwan dito magisa.” sabi nito, may himig ng pagkahiya sa boses nito.
“Tapos mo na lahat ng dapat mong tapusin, diba? Saka dito lang naman ako eh, uubusin ko ang fries ko.” pangungumbinsi ko dito.
“S-sige po, dyan lang po kayo, Sir Marcus ah, babalik ako agad.” nahihiya paring sabi nito.
“Ah eh, Ivan, siguraduhin mo lang na wala pang boyfriend yang lalapitan mo ah, kung sakaling magkaroon ng away di ko kayang sumaklolo sayo.” biro ko dito at sabay kaming napatawa. Pinisil ni Ivan ang balikat ko bilang tanda ng pasasalamat sabay tayo.
Masaya ako at nakawala rin ako sa wakas sa nakakasakal na mundo ng aking opisina, being a company's VP has it's perks pero it definintely has it's downside also, lalo na para sa katulad ko. Napansin kong umingay ang paligid, dumami ang tao dahil marahil tanghalian na at may mga estudyante na na naglabasan sa kanilang school para sa lunch break.
Sinubukan kong imaginin ang nangyayari ngayon sa aking paligid. Sinubukan kong ipinta sa aking isip ang mahabang counter kung saan kumukuwa ng orders ang mga crew at kung saan nagbabayad ang mga customers, in-imagine ko ang mga estudyanteng naghaharutan at nagkukulitan sa pila at ang mga crew na busy sa pagtratrabaho.
“Excuse me, Sir. Can I have this chair, kulang kami ng isang upuan eh.” pahayag ng isang babae. Naglaho ang mga imahe na aking ipininta sa aking isip. Bumalik sa madilim at blangkong itsura ang paligid.
“I'm sorry Miss, I'm blind and I don't know how many chairs are there alloted for this table, I have my assistant with me and I don't want him to stand the whole time while I'm finishing my fries in case I gave his chair to you.” magalang kong sabi sa babae. Natigilan ito saglit, suminghap atsaka nagsalita ulit.
“There are four chairs alloted for this table, sir.” magalang ding balik nito sakin.
“Oh, ok then, you can have two chairs.” sabi ko dito sabay ngiti.
“Tha-thank you.” sabi nito, tumango lang ako.
“Bu-bulag pala si-siya.” bulong ng babae sa kaniyang mga kasama, isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko.
Totoo ang sinasabi nila, isa sa mga senses ang mawala sayo and the other's will go on overdrive. I lost my eyesight and after sometime I mastered my other senses, I could hear well kahit na may isang dipa ang layo mo sakin at nabulong ka sa kasama mo, same with sense of smell and touch.
Of course, hindi naging ganitong kadilim ang paligid ko sa loob ng twenty eight years kong nabubuhay sa mundo. Naaalala ko ang itsura ng nakagisnan kong mundo. Magulo, siksikan at puno ng ingay pero sa kabila ng ingay, gulo at nagsisikang tao ay meron akong hindi napapansin na tahimik na nagmamasid. Ang matitingkad na kulay ng bulaklak, mga matatayog na puno at ang kalangitan na may mayamang kulay bughaw na may panakanakang kulay puti na ulap.
These are the simple things that I took for granted before. Ngayong wala na akong kakayahang makita pa ulit ang mga iyon saka ko naramdaman ang matinding pagsisisi. Nagsisisi ako kung bakit di ko pa nagawang saulohin lahat ng mukha ng mga taong kilala ko at ni hindi ko nagawang magbigay ng oras para pansinin ang magagandang tanawin at iba pang magagandang bagay.
“Excuse me.” basag ng isang lalaki sa aking pagmumuni muni, di ako sumagot sapagkat di ko alam kung ako nga ba ang kinakausap nito.
“ahm excuse me, Sir, pwede makishare ng table? Puno na kasi yung ibang lamesa eh.” paalam nito, medyo pamilyar ang boses nito, di ko parin ito pinansin.
“Sir?” tawag ulit nito sabay kalabit sakin.
“Oh, I'm sorry, didn't know you were talking to me.” paghingi ko ng paumanhin dito, tulad ng ibang tao na nakaalam ng aking pagiging bulag sa unang pagkakataon ay napasinghap din ang lalaking nagtanong sakin. Di mo kasi masasabi na hindi ako nakakakita, lalo na kapag nakasuot ng aking shades.
Pero mas matagal ang pananahimik ng isang ito, kundi ko lang nararamdaman na nakatingin ito sakin at naririnig ang mabibigat na paghinga nito sa aking tabi ay marahil naisip ko na na umalis na ito. Napasinghap ulit ito.
“Pwede kang umupo sa isang upuan, pero leave the other one vacant.” sabi ko dito.
“T-Thank you.” bulalas ng lalaki, may iba sa boses niya. Parang narinig ko na iyon dati, pero syempre naisip ko na pati ang boses ng mga tao ay may nagkakapareho rin.
Naamoy ko ang mga pagkain na nilapag nito sa lamesa. Double cheeseburger, large fries, large coke at 6 pieces mc nuggets, pareho kami ng inorder. Napangiti ako. Di ko mawari pero hindi lang iyon ang aking napansin, nararamdaman kong sakin ito nakatingin. Di lang basta tingin, nakatitig siya sakin. Di na ito bago sakin. Marami sa aking nakakasalamuha ang tumititig sa aking mukha, tila ba naniniguro kung bulag nga ako.
Mayamaya pa ay narinig ko ulit ito magsalita.
“In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit, Amen. God is good, God is great, Thank you Lord for all these grace. In the name of the Father, the Son and the Holy Spirit, Amen.”
Natigilan ako sa narinig kong iyon. Isang tao lang ang kilala kong ganoon magdasal ng before and after meals.
“Tara na Maki! Nagugutom na ako.”
“Eto na Jana!” sigaw ko sa aking bestfriend.
“Nagugutom na ako.” bulalas ulit nito, sa totoo lang ako din, matapos naming makipagbuno sa mga iba't ibang chemical reagents, flask at testubes ng tatlong oras ay sino nga bang di magugutom.
“Eto na nga eh pipila na!” sabi ko naman dito habang sinisiko ang mga nauna naming kaklase sa pila sa cafeteria.
Tatlong buwan na ang nakakalipas nang maging magkapartner kami ni Jana sa subject naming chemistry. Nung una ay nagaalangan akong kausapin ito sapagkat isa ito sa mga tinitingala sa aming batch, maganda, matalino at mabait, ang tatlong “M” na hinahanap ko sa isang babae, pero nang makasama ko ito sa isang seatwork saka ko na laman na napaka down to earth pala nito at simula noon ay halos araw araw na kaming magkasama.
“Oh ayan, favorite mo.” sabi ko dito nang abutan ko itong nakayuyok sa kaniyang libro.
“YEHEY!” sabi nito at tinulak sa isang tabi ang makapal niyang libro. Sinimulan ko ng ayusin ang aming kakainin at nang sa aktong susubo na ako ay...
“Hep hep hep!” pigil nito sakin.
“What?! Di ka pa ba nanlalambot dun sa ginawa natin kanina sa lab?” sabi ko dito.
“Di pa tayo nagpre-pray.” sabi nito at inirapan ako, mayamaya ay iniyuko na nito ang kaniyang ulo, nagantanda at pinagsalubong ang dalawang kamay na miya mo bata.
"God is good. God is great. Thank You Lord for all these grace."
Nakapikit ito, di ko mapigilan ang mapatitig sa maamo at napakaganda nitong mukha. Pagkatapos na pagkatapos nitong magadasal ay agad nitong kinuwa ang kutsara't tinidor at sumigaw ng...
“Chicken Nuggets, you're mine!” sabi nito saka nilantakan ang kaniyang chicken nuggets.
“Ganda ganda mong babae kung maka kain ka kala mo ka mauubusan.” bulong ko pero narinig ako nito at tumawa ng malakas.
Naramdaman kong nawala lahat ng kulay sa aking mukha. Di makapaniwala sa aking narinig, walong taon na ang nakakaraan pero parang napakalinaw parin itong nakaukit sa aking alaala na para bang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon.
“Chicken Nuggets, you're mine!” sigaw ng lalaki sa aking tapat. Lalo akong nanlumo sa narinig.
Naramdaman ko ang pagupo ng isang tao sa isa pang bakanteng upuan sa aking tabi na nakalaan kay Ivan. Wala na akong lakas pang makipagtalo sa taong nangahas umupo doon ng walang paalam.
“Sir, ok ka lang ba?” tanong sakin ni Ivan. Napabuntong hininga na lang ako ng malaman kong hindi pala kung sinosino na lang ang umupo doon. Tumango lang ako sa tanong niya.
“Di niyo pa po nauubos ang binili niyo.” sabi sakin ni Ivan. Di ko magawang sumagot dahil nararamdaman kong sakin nanaman nakatingin ang lalaking naki-share ng table sakin kanina.
“N-nawalan n-na ako ng g-gana eh.” bulalas ko kay Ivan.
“Nako, Sir, kailangan niyo pong kumain ng marami bago kayo uminom ng gamot niyo. Kahit ubusin niyo na lang po yung double cheeseburger niyo.” panungumbinsi ni Ivan sakin. Tumango na lang ako.
Tahimik. Ramdam kong sakin parin nakatingin ang lalaki.
“Pareho kami ng boss mo ng kinakain.” pabulong na sabi ng lalaki kay Ivan.
“Nako, tol, wag na kayong magatubili pang bumulong naririnig din kayo ng boss ko, diba Sir Marcus?” baling sakin ni Ivan, tumango lang ako at naramdaman ko ang pagpisil ulit nito sa aking balikat.
“S-sorry.” sabi ng lalaki.
“Di k-ko lang k-kasi mapigilang m-mapansin na pareho tayo ng hilig kainin.” sabi ulit nung lalaki pero di ko na ito pinansin.
“Siya nga pala, Jeffrey Gonzales.” pakilala nito samin dalawa ni Ivan.
Lalo akong kinabahan at nangilid na ang aking mga luha. Luha na hindi ko alam na meron pa pala ako sa loob ng walong taon.
“Ivan, pare at ito ang aking boss na si Marcus Tiangsan.” pakilala ni Ivan sa sarili at sakin.
Tahimik. Nagpapakiramdaman lahat. Naramdaman ko na lang na may umabot ng aking kanang kamay at inalog iyon. Parang may kuryenteng dumaloy mula sa kaniyang kamay papunta sa aking katawan. Lalo akong nanghina. Agad kong inalis ang aking kamay sa pagkakahawak ng lalaki.
“Ivan, we need to go, may tatapusin pa pala ako sa opisina.” sabi ko sa aking assistant, natahimik naman ito marahil ay nagtaka kung bakit biglaan.
“Ah s-sige po. P-pero Sir Marcus, pwede bang mag- CR muna ako?” kinakabahang tanong sakin ni Ivan, tumango lang ako.
“Excuse me, Jeffrey.” paalam ni Ivan bilang pagbigay galang sa aming bagong kakilala.
“Jepoy na lang, pare.” natigilan ako habang naramdaman kong umalis sa aking tabi si Ivan.
“Ok ka lang ba, Maki?” tanong sakin ni Jeffrey and again my senses went on overdrive.
“Maki this is Jepoy” pakilala samin ni Jana, iniabot ni Jepoy ang kamay nito sakin na malugod ko namang tinanggap kahit na taliwas ito sa aking gustong gawin.
“Torpe mo kasi eh!”sabi ng utak ko.
Halos tatlong taon na kaming mag bestfriend ni Jana at sa tatlong taon na iyon ay di ko maiwasang magkagusto dito, maganda, matalino at mabait, sinong hindi magkakagusto dito? Pero hindi ko rin masabi kay Jana ang aking tunay na nararamdaman.
“Marcus.” pagtatama ko kay Jana.
“Si Jana lang ang nagpangalan sa akin ng Maki.” sabi ko dito habang binabawi ko na ang aking kamay.
“Ok lang yun pare, di ka nagiisa, Jeffrey ang pangalan ko pero Jepoy ang pinangalan sakin ni Jana.” sabat naman ni Jepoy.
“Cute nga eh.” sabat naman ni Jana.
“Sir, are you ready to go?” tanong ni Ivan sa aking likod, tumango lang ako. Inalalayan ako nito patayo pero bago pa man ako maglakad palayo kasama si Ivan ay nagsalita ulit si Jepoy.
“How long are you going to ignore me? Till when are you going to shut me out of your life?” tanong nito.
Napatigil ako, ganun din si Ivan.
“Ivan, let's go.” bulong ko, di alintana ang nanginginig ko ng mga kamay.
0000ooo0000
“Sir, magkakilala po pala kayo nung Jeffrey?” tanong sakin ni Ivan habang nasa loob ng sasakyan. Tumango lang ako.
“Sir, di naman po sa pangengeelam, ho, pero kanina nung bago tayo umalis nung may tinanong siya sa inyo ay kitangkita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata, sa tingin ko nga po iiyak na siya eh.” habol pa ni Ivan, agad kong ibinaling ang aking mga mata sa gawi ng bintana at hindi pinahalata kay Ivan ang tumutulo ko ng mga luha.
_______________________
Breaking Boundaries
Prologue
by: Migs
Migs,
ReplyDeleteyou truly are breaking boundaries here. this is a very good story line with a good plot and i presume good twists as well.
congratulations in advance. this story is surely going to be a big hit!
regards,
R3b3L^+ion
cant wait for the next 1!!!sna ndi mtglan
ReplyDeletethis is really interesting, many bubbles were floating on my mind migs..first there is this past again that were to be rehash over the course of the story. you were really a sentimental writer, you want us (i think) to fully appreciate every character in the story and not just focus on lead characters.
ReplyDeletethis will sound cliché but i will dare say it again, its catchy and very interesting intro, (",)
sana lang mag bakasyon na i need to read all of this, nakakahiya swear :(
ReplyDeleteAuthor migs ngayon lang napadalaw.
Oh Gosh...
ReplyDeleteIsa nanaman Obra...
Migs the Great!!!!!!!!! :)
Wow!....bakit parang familiar ung title...
ReplyDeleteAnyway, I'll surely watch for this hehehe.. excited na ako ehehehe...
-mars
ang ganda!!
ReplyDeletekaabang-abang ulet!! :))
sana bumalik sa dati yung bilis nang pag-update mo kuya migs XD
para hindi mawala yung momentum sa pagbabasa
wow may bago nanam akong aabangan s site mo migs...
ReplyDeleteim sure kakaibang excitement na nanam ito s mga readers mo.
Migs big thanks again.....
iba ka migs iba....
ReplyDeletewow...supoer ganda nmn nan simula....
ReplyDelete-jet
ngayon ko lang to uumpisahan migz at sa lahat ng stories mo nabasa ko na.. senxa na kasi sa lahat ng stories mo never ako nag comment pero nung binasa ko to grabe,, alam ko, one of the best nanaman to! Keep it up Migz! sana makilala kita one day!
ReplyDelete-Jacob
Kasunod po ba to ng breakeven?
ReplyDeleteWho is reading in June 2017? Haha twice ko na tong babasahin :D
ReplyDelete