Monday, May 30, 2011

Breakeven (Book2 Part5)


_________________________________
Breakeven (Book2 part5)
by: Migs




Nagulat na lang ako ng maabutan kong nakapatong na si Kevin kay Ram at papapakin na ito ng suntok, sinubukan kong hilahin si Kevin pero di parin ito patinag kaya naman pinigilan ko na lang ang paglanding ng kamao nito sa mukha ni Ram.



Tama na Kev, please!” sigaw ko at nakaisip ako ng isang paraan para maawat ito, niyakap ko ito at hinila palayo kay Ram.



Congrats, your boyfriend is really a jelous type and he can also throw a punch, akala ko maglalabas lang siya ng lightsaber or something eh.” pangaalaska nanaman ni Ram habang pinapagpag ang sarili sa mga naninkit na dumi sa kaniyang damit.



Tarantado ka pala eh!” sigaw nanaman ni Kevin niyakap ko ulit ito para tumigil.



He passed.” sabi ni Ram sabay kindat sakin.



Why are you kissing that son of a bitch?” tanong ni Kevin na talaga namang ikinagulat ko.



Whoah! Relax.” sabi ko dito at sinenyasan na si Ram na umalis na siya.



Sige, see you later, guys.” magiliw na sabi ni Ram atsaka tuloy tuloy na lumabas ng pad ko.



Oh, tubig.” sabi ko dito. Kinuwa naman nito ang baso ng tubig at tumungga.



Akala ko wala na kayo nun?” tanong nito.



Wala na nga, relax ka lang, sinusubukan ka lang nun.” sabi ko dito sabay tapik sa balikat niya, bigla nito iyong hinila at hinawakan ng mahigpit.



Ayaw na kitang makikita na nakikipaghalikan don ha?” sabi sakin ni Kevin na may tono ng otoridad sa boses niya.



Teka teka, nagpapanggap lang tayo remember?” pagpapaalala ko dito.



Tandaan mo na hindi ko hiningi na ako ang gawin mong kunwaring boyfriend, kaya kung ayaw mong sabihin ko ang totoo sa ex mo, we have to do this MY way. At gusto ko na hindi ka na makikipaghalikan dun sa damuhong yon kahit kailan! Ngayon kumain na tayo!” sabi niya sakin na literal namang ikinanganga ko. Tumahol naman si Joey bilang pagsangayon sa aya ni Kev na kumain na.



Ano ba itong pinasok ko?” tanong ko sa sarili ko.



0000ooo0000



Para kaming di magkakilala habang nakain ng tanghalian, paminsan minsan ko itong sinusulyapan at sa tuwinang sulyap na iyon ay nakikita ko itong nakasibanghot, paminsan minsan ding magdadabog. Nang matapos ito ay bigla itong tumayo at bago pa man makalayo ay bigla itong nagsalita.



Lilipat na ako dito bukas.”



What?!”



Sabi ko lilipat na ako dito bukas, para mabantayan kita.” napailing na ako ng linawin niya ang aking tinatanong.



Teka teka, parang things are getting out of control.” sabi ko dito, nagbuntong hininga ito.



Aalis ako, once nakuwa mo na ang gusto mo. Ang gusto mo lang naman ang pagselosin si Ram diba? Gusto mo lang naman na sabihin sayo ni Ram na tama na kasi nagseselos na siya o kaya tama na dahil babalikan ka na niya at tama na ikaw na ang nanalo.” mahabang sabi nito. Tumango lang ako. Nagbuntong hininga ulit ito at tuloy tuloy ng lumabas ng pad ko kasama si Joey.




0000ooo0000



Dinala na kinabukasan ni Kevin ang kaniyang mga gamit, di ko mawari pero parang ok lang naman sakin na dito siya tumira ang di ko lang lubos maisip ay ang magiging reaksyon ni Ram pag nalaman niyang sa iisang bahay na kami nakatira ni Kevin.




Masaya akong sinalubong ni Joey samantalang si Kevin ay medyo malamig parin ang pakikitungo sakin. Abala si Joey sa pagdila sa aking pisngi ng mapansin kong umupo si Kev sa upuan malapit sa sofa na kinalalagyan namin ni Joey. Nagtanggal ng bara si Kevin sa kaniyang lalamunan, di ko ito pinansin kaya't inulit niya naman.



Yes, Kev? May sasabihin ka ba?” tanong ko dito na medyo naiirita dahil hindi pa ito makipagusap ng daretso sakin, ibinaba ni Joey ang kaniyang malaking ulo at ginawang unan ang aking hita saka umingit.



Ayaw mo kasi akong pansinin, kanina pa ako dito ah.” sabi nito na may himig ng pagtatampo.



Aba, malay ko bang gusto mo palang pansinin kita.” nangingiti kong sabi dito. Umiling ito at nagbuntong hininga.


Panong gusto mong arrangement sa bayad sa upa at iba pang bills?” tanong nito.



Ako nang bahala dun.” sabi ko dito at umiling nanaman ito.



Gusto ko hati tayo.” sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata.



Ako na ngang bahala don, ang kulit.” sabi ko dito sabay ngumiti.



Joey, stop it.” sabi nito sa aso, sumunod naman si Joey at tumigil na sa pagdila sa aking pisngi at nagpunta na sa kaniyang higaan, tumabi sakin si kevin at umakbay, lalayo sana ako at aayaw sa ginawa niyang yun ng pigilan ako nito.



Tandaan mo, ikaw ang may gusto nito kaya I think nasa akin ang desisyon kung pano ang mangyayari sa pagpapanggap mong ito.” sabi sakin ni Kevin.



Bina-blackmail mo ba ako?” tanong ko dito.



Siguro.” sabi na lang nito at humagikgik.



Now I want your head on my shoulder.” sabi nito na pautos, umiling na lang ako at nang mapansin kong sa TV ulit nakatuon ang pansin nito ay lihim akong napangiti saka sinandal ang aking ulo sa kaniyang kaliwang balikat.



0000ooo0000



Napadilat ako ng maramdamang humahagikgik si Kevin, nanonood pala ito ng isang comedy film habang ako naman ay nakatulog, ngayon ay nakasandal na ako sa kaniyang matipunog dibdib. Lalo kong iniyukyok ang sarili dito, ang bango bango kasi nito, lalakinglalaki ang amoy, isa pa ramdam na ramdam ko ang init sa katawan nito lalo pa't isang manipis na putting t-shirt lang ang suot nito.



Huwag mong panaypanayin yan, baka masanay ako.” sabi niya na bigla ko namang ikinatayo.



Areko!” sigaw nito ng magkauntugan kami.



Ok ka lang?” pagaalalang tanong nito habang tinitignan ang tahi sa aking ulo, di ko mawari pero parang natuwa ako sa pagaalala niyang yun. Iba siya sa pagaalala ni Ram, pero halos pareho lang ito sa pakiramdam.



Oo, ok lang ako. Bakit naman kasi bigla bigla kang magsasalita ng ganun?” tanong ko dito. Hinila lang nito ang aking batok at pinahiga ulit ako sa kaniyang dibdib.



Dami dami pang sinasabi.” bulong nito.



Ano kamo?” tanong ko dito.



Wala!” sabi nito sabay hagod ng kamay niya sa aking buhok. Tinitigan ko ito, parang nung isang araw lang estranghero lang ito para sa akin, isang atribido na masyadong curious kung bakit ako naiyak, isang tao na may hawak na aso na siyang kumain ng nilapag kong hotdog, isang lalaki na maputi may kulot kulot na buhok, nakasalamin na miya mo nerd, isang nerd na gwapo at macho.




Isang pakielamerong nerd na gwapo.” sabi ko sa sarili ko habang patuloy ito sa paghagod sa aking buhok. Maya maya pa ay tinangay nanaman ako ng antok.



0000ooo0000



Nagising ako kinabukasan na nakasandal parin si dibdib nito, nakabukas parin ang TV pero mahina na ang volume nito. Mahigpit ang pagkakayakap sakin ni Kevin, nakasandal ako sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib kaya naman ang kaliwang kamay nito ang nakapulupot sa aking dibdib na parang pinipigilan akong mahulog sa sofa. Tatayo na sana ako ng maramdaman kong lalong humigpit ang pagkakakapit nito sakin.



Papasok pa ako.” bulong ko.



Dito ka lang.” sabi nito sakin habang nakapikit parin.



Malelate na ako.”



Five minutes.” tawad nito, di na ako nakaalis at sa loob ng limang minutong iyon ay lalong humigpit ang kapit nito sakin na lalo namang nakapagpayukyok sa akin sa kaniyang dibdib.



0000ooo0000


Ihahatid kita.” pagpupumilit nito kinabukasan.



Hindi na.” sabi ko naman, itiniklop nito ang kaniyang mga kamay sa dibdib at sumimangot. Napairap na lang ako.



Fine.” sabi ko, lumiwanag naman ang mukha nito sabay hila sakin papuntag kusina at kumain na kami ng agahan.



Parang housewife ang arte ni Kevin, halos lahat siya ang nagaasikaso, pagkain, paglilinis pati ang pagaalaga sakin siya din ang punong abala.



Tabingi ang neck tie mo.” sabi nito sakin sabay lapit at kinalas ulit ang akin necktie. Tinitigan ko siya, nakangiti ito na parang gustong gusto niya ang ginagawang pagaalaga sakin.



Bakit mo to ginagawa, Kevs?” tanong ko dito, tinignan naman ako nito.



Sabi ko nga kasi sayo diba, kung gusto mong pagselosin si Ram at bumalik siya sayo sa pamamagitan ko, kailangan ako ang masusunod kung pano natin iyon gagawin, yun lang naman ang kapalit na hinihingi ko eh.” sabi nito sabay ngiti ulit at ibinalik ang atensyon sa pagaayos ng aking kurbata.



Pero bakit eto yung gusto mong kundisyon? Bakit kung ikaw ang masusunod, bakit hindi na lang bagong computer o kaya cellphone ang kapalit? Bakit kailangang ang kapalit eh ang pagaalaga mo pa sakin?” tanong ko dito, natigilan naman ito at biglang tumalikod.



Haha! Ikaw talaga kung ano ano ang naiisip mo, napuruhan ka ba nung saranggola?” pagbibiro nito sakin sabay baling kay Joey. Tatanungin ko pa sana ito ng kausapin niya si Joey.



Joey, aalis lang kami ha, behave ka lang dito, don't chew anything from Dalisay's wardrobe, especially the jimmy choo's, ok? Love you, baby.” sabii nito sabay yakap kay Joey.




0000ooo0000



Whoah! Drei! He's a catch!” sigaw ng seketarya ko ng ipakilala ko si Kevs dito, ito kasi ang isa sa mga nasa checklist ni Ram, dapat makilala si Kevs ng dati naming mga katrabaho at aprubahan nila ito.



Goodlooking and a gentleman.” sabi naman ng isa sa mga taga advertising dept. na ka-close din namin ni Ram. Napakamot lang sa ulo si Kevin at nangingitingiti sa tabi ko.



Sige na, nagiintay na si Joey sa flat.” sabi ko dito, ngumiti naman ito sakin.



Walang goodbye kiss?” tudyo ng mahadera kong sekretarya. Binigyan lang ako ni Kevin ng nagtatanong na tingin, wari ba ay nagtatanong ito kung ok lang. Hinawakan ko ito sa batok at masuyong hinalikan sa labi, kakalas na sana ako sa halikang iyon ng si Kevin naman ang humawak sa aking batok at lalalong idiniin ang sarili sakin.




Witwew!” sipol ng isa pa naming katrabaho, maya maya ay napapikit nadin ako hanggang sa makaramdam ako ng pagtusok ng isang daliri sa aking tagiliran. Di ko ito pinansin nung una pero naging madalas ito at may tumawag nadin sa aking pangalan.



Drei.” napatigil na kami pareho ni Kevin sa mainit na halikang iyon. Napakamot lang ito sa ulo at nangingitingiti na ikinakunot naman ng noo ko.



Tama ba ang nakikita ko, nagustuhan ni mokong yun?” tanong ko sa sarili ko.



That's public display of affection you know, and I think the company has rules pertaining to that.” sabi ng isang lalaki sa likod ko.



Namutla ako at tinignan ang akin sekretarya, alam na niya ang tingin na yun, ang ibig sabihin nun ay...



Matagal na ba siya dun sa likod ko?”



At sumagot ang aking sekretarya sa pasimpleng pagtungo, bumaling ulit ako kay Kevin at binigyan ito ng isang smack.



See you later, Hon.” nagulat ito pero ng makita si Ram sa likod namin ay tumango lang ito at ngumiti, dinaanan nito si Ram at tinignan ng masama. Humarap ako kay Ram at binigyan ito ng isang ngiti.



Halika sa Conference Room, may paguusapan tayo.” sabi ni Ram sakin sabay hila sakin papuntang Conference Room.





Itutuloy...

Chasing Pavements 10


_____________________________
Chasing Pavements 10
by: Migs



Kumalembang ang bell sa pinto ng shop kung saan nagtatahi ng mga pasadyang amerikana at gowns para sa mga ikakasal.



Kuya Migs!” sigaw ni Al ng makita ako.



Aray.. aray... aray.. aray.” bulalas ni Edward ng matusok ito ng aspili ng bigla itong humarap para makita ako.



Ako po yung best man.” sabi ko sa nagsusukat, ngumiti naman si Edward sakin na sinuklian ko na lang ng isang magiliw na ngiti, lumapit ito sakin at niyakap ako.




0000ooo0000



Andito ulit ako, tulad nang sa simula paikot ikot ulit ako sa loob ng village, alam ko na hinahanap na ako sa simbahan dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang kasal ng aking bestfriend, pero di ko parin makita ang sarili ko na masayang nakatayo sa tabi niya habang naglalakad sa pasilyo ng simbahan ang magiging asawa niya. Bigla na lang nabasag ng pagring ng telepono ko ang aking pagmumuni muni.



Hello?”



Kuya, hinahanap ka ni Kuya Edward, gusto ka niyang makausap.” sabi ni Al sakin at agad naman akong pumunta sa simbahan.



0000ooo0000


Bumaba ako ng aking sasakyan at hinayaan ko ang aking mga mata na angkinin ang ganda ng paligid, para itong isang kapilya pero malaki ng kaunti, maganda ang garden na nakapalibot sa labas nito. Nagbuntong hininga ako, pero imbis na gumaang ang aking loob ay lalo itong bumigat. Hinanap ko sa bawat sulok ng simbahan si Edward pero sa side chapel ko ito nakita, nakaupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy at nakatakip ng mga palad ang kaniyang mukha.



Edward?” tawag ko dito, pero di ito tumunghay.



Migs, tama ba itong gagawin ko?” tanong nito sakin ng maramdaman ang pagtabi ko sa kaniya.



Sanadali kaming napataimik.



Mahal mo ba siya?” tanong ko ulit dito.



Oo.” sabi niya, para namang may tumarak na kutsilyo sa aking dibdib, pero binale wala ko iyon. Naalala ko bigla ang sinabi sakin ni Pat.



“Tanggapin mo sana, kahit na sa proseso ng pagtanggap na iyon ay masasaktan ka.”



Oh, yun naman pala eh, edi tama yan.” sabi ko na lang dito at pinatayo na siya, inayos ang kaniyang kurbatang kulay puti.



Ok lang ba ito sayo?” tanong nito sakin.



Kung san ka masaya dun ako, Edward.” sabi ko dito pero nararamdaman ko ang puso ko na tumututol sa sinabi kong iyon.



You will make a perfect groom.” sabi ko dito nang matapos ko nang ayusin ang neck tie nito.



Salamat.” sabi niya. Ngumiti lang ako.



Pwede bang humingi pa ng isang favor?” tanong ulit nito sakin.



Shoot.” sabi ko naman at hindi na siya nagsalita ulit.



Nagulat na lang ako nang inilapat na niya ang mga labi niya sa labi ko, masuyo ang halik na yun, hindi ring maikakaila na puno ito ng emosyon at ng humiwalay siya sa halik na yun ay pinanatili niyang nakadikit ang aming mga noo, nakapikit parin ito at parang ninanamnam ang aming nalalabing oras, iniyakap nito ang kaniyang mga kamay sakin, ganun din ang ginawa ko, magkadikit parin ang aming mga noo, unti unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Nagtama ang aming mga tingin.



Dyan ka lang diba? Di mo ako iiwan diba?” parang bata na nagaalala ang tanong nito sakin.



Oo, dito lang ako.” at isang luha ang tumulo sa aking pisngi.



0000ooo0000



“Perfect.”



Yan ang salitang namutawi sa aking mga labi, napakaganda kasi ng pagkakaayos ng simbahan, hindi man ito kalakihan pero ang pagkakagayak nito ay talaga namang nakakahanga, nagpaganda din dito ang mga bulaklak na magaganda ang pagkakaayos, pati na ang altar na pinuno ng puting mga rosas ay maganda din.



Tumayo na kami ni Edward sa may dulo ng pasilyo, iniintay ang kaniyang mapapangasawa. Nagsimula nang magprusisyon ang mga abay, di pangkaraniwan ang kasal na ito dahil walang mga bata, walang batang babae na magsasaboy ng bulaklak, isang dalagita ang siyang humalili sa pwesto nito. Sumunod ay ang ring bearer, si Matt ang aking nakababatang kapatid ang siyang gumanap dito.



Nagsimula ng tugtugin ng piyanista ang tugtog pangkasal, bumukas na ang malalapad na double door sa unahan ng simbahan, pumasok ang nakaksilaw na sinag ng araw sa labas ng simbahan at pumasok dito ang isang babae na nakaputi.




Migs, ito nga pala si Mae, siya ang mapapangasawa ko.” pakilala ni Edward.



Bigla naman akong napatayo sa aking kinauupuan at itinigil bigla ang paglalaro ng dota sa PC nila Edward.



Hi.” sabi ko dito at saka kinamayan ito. Napahagikgik naman si Al na siyang kalaban ko sa dota.



Teka lang Migs ah, puntahan lang namin sila Mommy.” tukoy ni Edward sa kaniyang ina na nagluluto sa kusina.



Pssss! Hi.” pangiinis na sabi sakin ni Al. Binatukan ko lang ito na lalo naman nitong ikinahagikgik.



Matagal na ba silang magkakilala?” tanong ko kay Al habang busy sa paglalaro ng dota.



Mga 3 years nadin.” sagot ni Al na tutok din sa paglalaro ng dota.



Alam mo kuya kung nagstay ka lang, kung binigyan mo lang ng pagkakataon si kuya magpaliwanag, siguro wala yang si ate Mae sa eksena ngayon.” sabi nito, napatigil naman ako sa pagpipindot ng keyboard at napatitig lang sa screen ng computer. Narinig kong nagbuntong hininga si Al saka ako hinampas sa braso.



Hoy! Yung nilalaro mo!” sigaw nito sakin.




Napakaganda ni Mae habang naglalakad sa pasilyong iyon, para itong anghel na bumaba mula sa langit, hindi eksaherado ang gown nito, tama lang, simple, pati na ang make up at ayos ng buhok. Hindi na nga kailangan nito ng make up. Maganda na siya maski wala ito.




Di ko mapigilan ang mapatitig kay Mae habang nakain kami sa hapag kainan nila Edward, maganda ito at sa kilos pa lang alam mong mabait ito, soft spoken at mahinhin, kaya't tuwang tuwa naman sila Tita habang nakikipag usap dito.



...tanggapin mo sana, kahit na sa proseso ng pagtanggap na iyon ay masasaktan ka.”



Muli ko nanamang naalala ang sinabing iyon ni Pat atsaka maganang kumain at nagplaster ng isang totoong ngiti na hindi angkop sa aking nararamdaman.



Nang makarating na si Mae sa harap namin at ng ibigay ng ama nito ang kamay nito kay Edward ay parang namanhid na ang aking buong katawan maliban sa dibdib na bahagi. May parang nakasandal duon na isang gorilya. Mabigat sa damdamin. Pero pinilit ko paring ngumiti. Bago pa umakyat si Edward kasama ang kaniyang inaalalayang magiging asawa ay sumulyap ito sakin at nagbigay ng isang ngiti.


Nagsimula na ang seremonyas, tutok ang aking mata sa mga kinakasal pero lumilipad sa kawalan ang aking utak.



Sana panaginip lang.” sabi ko sa sarili ko, pero may nakaplaster parin na ngiti sa aking mukha.



I do.” sabi ni Mae sa tanong ni father. Muling nagsalita ang pari at binalingan ng tanong si Edward.



Matagal bago ito sumagot, bahagya kong ibinaba ang aking tingin at ng itaas ko ulit ito at nagpasyang ibalik ang aking tingin kila Edward ay nagulat nalang ako ng makitang nakatingin ito sakin. Mayamaya pa ay humarap ulit ito sa pari.



I do.” sabi nito.



Lumipas na ang wedding ceremony at nakita ko na lang ang sarili ko na nagsasaboy ng butil ng bigas sa bagong kasal, nung ginagawad pa lang ang seremonyas ay parang inihagis ako sa isang nagyeyelong swimming pool, masakit, pero tiniis ko, hirap na hirap na ako sa kakangiti pero tiniis ko. Bigla kong naalala ang tanong nito sakin nung gabing umuwi kami galing sa after party ng alumni homecoming.



“Gaano mo ako kamahal, Migs?”



Ganyan kita kamahal, Edward.” bulong ko sa sarili ko, umaasa na marinig niya ito habang abala ito sa mga nakikipagkamay sa kaniya palabas ng simbahan.



0000ooo0000



Ok ka lang, kuya?” tanong sakin ni Al nang siguro ay mapansin nitong wala akong imik sa aking kinauupuan sa reception.



Biruin mo si Kuya, kinasal na.” sabi nito na nakatingin sa akin na kala mo kinakabahan sa magiging reaksyon ko sa sinabi niyang yun.



Kuya, tungkol nga pala dun sa nakita ko nung gabi na umuwi ka, hayaan mo di ko ipagsasabi.” sabi nito na ikinagulat ko.



Sa totoo lang ay nakalimutan ko na nakita nga pala kami noon ni Al na naghahalikan ng kuya niya nung gabing bumalik ako dito sa Cavite. Nagpakawala lang ako ng isang magiliw na ngiti saka ginulo ang buhok nito.



Kuya naman eh!” sabi nito.



Nga pala, bakit ka nagpainom nung gabing yun?” tanong ko dito, bigla naman itong namula.



Uyyyy nagblush si utoy, siguro kaya ka nagpainom dahil sinagot ka na ng nililigawan mo ano?! Binata na si Utoy.” sabi ko dito sabay sundo't sa tagiliran niya. Bigla namang sumulpot ang kapatid ko na may dalang isang bandehado ata ng pagkain at sinisimulan ng lantakan ang lechon.



Nako kuya, sino pa nga ba ang rason kung bakit nagpainom yan.” sabi naman ng kapatid ko habang nginunguya ang lechon.



Sino?” tanong ko dito habang patuloy parin sa pagtusok sa tagiliran ni Al, napansin kong tinadyakan ni Al ang paa ng kapatid ko na ikinangiwi naman nito.



Sino nga?” pangungulit ko.



Tanga ka ba kuya o talagang manhid ka lang?!” sabi ni Matt habang hinihimas ang paananan niya, tinignan ko naman si Al, nagsisimula na itong magpanic pero pinisil ko lang ang pisngi nito sabay gulo ng buhok niya. Tumawa naman si Matt sa ginawa kong iyon.



0000ooo0000



Di ko na inintay pang matapos ang reception, nagmaneho na ako pauwi kasabay ang kapatid ko at si Al, di ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko, umakyat ako sa aking kwarto at hinila ang tali ng venecian blinds at binuksan ang bintana na matagal kong pinanatiling nakasara, humakbang ako palabas dito at umupo sa malaking sangha ng puno ng santol, napangiti ako sa sarili ko.



Kuya, anong ginagawa mo diyan?” tanong sakin ng kapatid ko.



Wala, gusto ko lang maramdaman...” napatigil ako, medyo nalungkot pero agad ding gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos magbuntong hininga at humarap sa kapatid ko at nginitian ito.



Ahhh, gusto mo lang maramdaman ulit kung pano maging unggoy, gets ko na.” sarkastikong sabi nito saka umiling iling.



Nga pala, may bisita ka sa baba.” nagtaka naman ako sa sinabi niyang yun, agad akong pumasok pabalik sa loob ng kwarto ko at bumaba papuntang sala, sinusundan ko parin ang kapatid ko, bago ako makababa ng hagdan ay narinig kong nagbukas ang frontdoor at narinig ang boses ni Al, tinatawag nito si Matt.



Napatigil akong bigla at muntik ng mahulog sa hagdan ng makita kung sino ang sinasabing bisita ng aking kapatid.



Alex?” sabi ko.



Bagay pala sayo ang amerikana, Migs.” sabi ng lalaking nakatayo sa may sala namin.





*-*-*- pagwawakas ng unang libro -*-*-*

Thursday, May 26, 2011

Breakeven (Book2 Part4)


_________________________________
Breakeven (Book2 Part4)
by: Migs




Matagal nakatitig si Ram sa picture na yun at parang malalim ang iniisip, nasa balikat ko parin ang kamay ni Kev at pinipisil iyon, parang sinasabi na andun lang siya, na hindi niya ako pababayaan. Tahimik lang ang paligid, tanging ang ingit ni Joey ang maririnig, parang naiintindihan ng asong iyon na may tensyong nagaganap.




Ay, unli? Di ka maka move on?” bulalas na sabi ni Kevin, pinigilan ko ang sarili ko na mapatawa. Tinignan naman siya ng masama ni Ram.



Madami pa diyang picture frame oh, pwede mo nang i-let go yan, move on na sa next frame. Go on.” pagpapatuloy ni Kev, nakita kong kumislap ang mata ni Ram at alam kong napipikon na ito, humarap na ito kay Kev at sisimulan na sanang makipagsagutan dito ng bigla akong gumalaw.



Ok, lunch, Kevin, bili ka na ng lunch, I'm sure gutom na tayong lahat.” tumahol naman si Joey bilang pagsang ayon at binigyan ko na si Kev ng pambili at iniabot dito ang t-shirt niya, hinatid ko ito hanggang pinto.



Ano bang gusto niyang Ram na yan ha? Iniinis niya ako.” sabi ni Kev, napangiti naman ako at tinitigan ito.



What?!” singhal nito sakin.



Bigay todo ka naman ata sa role mo bilang KUNWARING boyfriend ko?” natigilan si Kev, namula at biglang yumuko. Lalo akong nagtaka sa kinikilos nito.



Ako nang bahala sa kaniya, pagbalik mo I'm sure wala na siya.” paniniguro ko dito. Tumingin sakin at saka nagpaalam na bababa na.




Bago ako pumasok ulit sa aking pad ay nagbuntong hininga muna ako. Naabutan ko si Ram na nilalaro si Joey.




Bakit ka ba nandito?” tanong ko dito.



Masama na bang bisitahin ka?” sarkastikong tanong nito sakin. Tinignan ko lang ito ng masama.



What?! Malay ko ba kung hinuhuthutan ka lang nung dork na yun?! Malay ko bang serial killer pala yun tapos gusto ka lang patayin?! Malay ko bang Dugudugu gang lang yun?” biglang tumahol si Joey at labas pangil na tinignan si Ram.



Well, hindi, mabait na tao si Kev at.. at... mahal namin ang isa't isa.” sabi ko dito.



Bullshit!” sabi nito na ikinanganga ko lang.



Bakit? Di mo ba inasahan na magiging masaya ako sa iba, maliban sayo? Di mo ba inasahan na makakarekober ako sayo?” tanong ko dito at tinignan lang ako nito ng patagilid.




Di naman sa ganon, Drei.” Lumapit ito sakin at inilapat ang kaniyang magkabilang kamay sa aking balikat.




Gusto ko lang makasiguro na magiging masaya ka sa kaniya, na hindi ka niya sasaktan. Pag nasiguro ko na ito, saka magiging panatag ang loob ko.” tuloy pa nito.




Pumapasa ba naman siya sa panglasa mo?” pangaasar ko dito, napatawa siya.




So far.” matipid nitong sagot saka tumalikod at muling ginala ang kaniyang mata sa loob ng aking pad, nagbuntong hininga saka naglakad lakad.




Anong ibig sabihin mong so far?” tanong ko dito.



Well, gumawa ako ng checklist.” naglolokong sabi nito at inirapan ko naman ito.



Seryoso.” sabi niya.



Seryoso?” paglilinaw ko.



Ano ano aber ang nasa checklist mo?” tanong ko dito.



Well dapat may stable job siya.”



Tumango ako.



Check.” sabi ko dito.



Mabait at maaalalahanin.”



Check. Ckeck.” sabi ko ulit. Mukhang nafufustrate na si kumag.



Dapat marunong magluto.” sabi niya.



Check.” sabi ko ulit sabay turo sa natirang agahan na niluto ni Kevin kanina.



Dapat alam niya ang kay Dalisay and at least magbigay ito ng interes na gusto niyang makilala si Dalisay.” sabi ni Ram na naniningkit pa ang mata.




Okay, masyado pang maaga para makilala niya si Dalisay.” sabi ko at binigyan ako ng isang matalim na tingin ni Ram.



Fine! Fine! Bukas na bukas ipakikilala ko siya kay Dalisay.” habol ko, tumalikod ulit si Ram at inusisa ulit ang mga libro sa aking book shelf.




Dapat makilala siya ng mga dati kong katarbaho sa company ni Dad at makilatis nila kung okay si Kevin para sayo.” sabi nito na kala mo nakaisa nanaman sakin.



Kailangan pa ba...” di ko na naituloy ang sasabihin ko ng binigyan nanaman ako nito ng matalim na tingin.



Fine.” sumusuko kong sabi.




Di ko alm kung malulungkot ako sa ginagawang ito ni Ram, alam kong nagaalala siya at isipin lang ito, na nagaalala siya ay di na mapaliwanag ang aking tuwa. Di ko mapigilang mapaisip kung ano nga ba ang intensyon nito, pero yung mismong pagaalala, yung tipong nagaalala siya para sa akin ay masaya na ako.




Tapos, dapat fit din, walang bisyo.”



Check.” wala sa sarili kong sabi.



At higit sa lahat, syempre, yung hindi ka sasaktan.”



Check!” sabi ko ulit.



Kung hindi man kasing gwapo ko ay at least nasa kalingkingan ko.” pagmamayabang nito.



At bakit?! Cute naman si Kevin, maamo ang mukha, maputi, makinis ang balat di rin naman papahuli sa ganda ng katawan mo at saka...”



At saka dork?” pagtutuloy nito s hindi ko natapos na sentence.



A CUTE dork.” pagtatanggol ko.



Oh please. Mukhang matatapos niyan ang starwars ng pasulong sa isang araw ng walang tayuan eh. Pustahan tayo saulo niya lahat ng characters dun.” pangaalaska ni Ram.



Eh ano naman ngayon?! Sasamahan ko pa siyang manood ng isang buong araw ng walang tayuan.” sabi ko dito.



Talaga lang ha? Eh ni hindi ka nga makatagal sa one and a half hour na pelikula eh.” sabi nito sakin at palapit na ng palapit ito sakin tanda ng hindi siya papatalo.



Para sa kaniya gagawin ko.”



TING! Sa sinabi kong yun ay napakunot ang noo ni Ram, tinignan ako nito at ina-assess ang mukha ko kung totoo ba ang sinabi ko sa kaniya, tinignan ako nito na parang i-ne- X-ray, bahagya pang tumaas ang kilay nito. At nang wala siguro itong makitang pagaalinlangan sa mukha ko tungkol sa sinabi ko ay tumalikod ulit ito.



Dapat napapakilig ka niya.” tuloy nito.




He just did a while ago nung pumayag siyang i-bili tayo ng lunch.” sabi ko.



Dapat good kisser.”



Check!” at tinignan nanaman ako ng masama ni Ram.



Dapat gentle sayo at hindi ka pinagbubuhatan ng kamay.” naniningkit ulit na sabi ni Ram.



Check! Anlambot kaya ng mga kamy niya and he's the perfect gentleman.” sabi ko dito. Napatahimik uli ito at tinignan ulit ako ng masama.



Para saan nga ulit tong ginagawa natin?” tanong ko ulit dito saka siya muling umiling at napangiti.



Para makasiguro na magiging maayos ka sa piling niya, na magiging masaya ka.” sabi nito na may halong paniniguro.



At hindi dahil gusto mo siyang alisin sa buhay ko dahil nagseselos ka?”



Nope, ni hindi sumagi sa isip ko yan.” sabi nito sakin na ikinataas naman ng kilay ko.



Ok. Let's continue.” sabi ko na lang.



Ano ang reaksyon niya nung sinabi mo ang tungkol kay Dalisay?” tanong nito sakin, napalunok ako bigla medyo napatagil din ang sagot ko.



Tinanong niya kung ano nangyari at nakisimpatya siya.” sabi ko dito.



Eh nung sinabi mo ang tungkol sakin?” tanong niya ulit, natigilan nanaman ako at bahagyang napanganga.


Ayun nagselos lalo na nung hinlikan mo ako nung isang araw sa ospital.” sabi ko dito at nangiti ng kaunti, napatawa naman siya.


Buti naman.” sabi nito.



Buti naman ano?” tanong ko ulit.



Buti naman at marunong siyang magselos, kasi kung hindi ay nasisiguro kong hindi pagmamahal ang nararamdaman niya sayo.” napatigil nanaman ako sa sinabi niyang yun at bahagyang napaisip. Muling bumalik sakin ang eksena sa ospital nung isang araw.




Ahhh. So pano, una na ako.” paalam na lang ni Ram sabay lumapit sakin at hinalikan ako sa labi, nagulat ako sa ginawa niyang yun at agad na napatingin kay Kev na biglang iniwas ang tingin.



I-i-ingat.” nasabi ko na lang pero di na siya tinignan pa ni Kev, mukhang di naman ito alintana ni Ram kaya't tuloy tuloy na na lumabas ng kwarto.



Sino ba yung hunghang na yun? Boyfriend mo?!” sabi ni Kev na may tonong sarkastiko.



Ex boyfriend.” sabi kong pagbibigay diin sa salitang Ex.



Nagselos nga kaya agad si Kevin? Ibig sabihin ba nun gusto niya ako?” tanong ko sa sarili ko, pero umiling din ako agad.



At meron pang isang test.” basag ni Ram sa aking pagmumuni muni.



Ano nanaman yan?” kinakabahan kong tanong dito.



You'll see.” mahanging sabi nito at lumapit sakin, nakunot ulit ang noo ko lalo na nung masyado ng malapit ang aming mga katawan na halos magkadikit na ito, tinignan ako nito sa mata at saka ngumiting nakakaloko.



Anong binabalak mo, Ram?” tanong ko dito. Ngumiti lang ito.




Narinig ko ng pumihit ang front door, napatingin ako dito kasabay nito ay ang pagyakap sakin ni Ram atsaka sinalubong ang aking mga labi. Tinulak ko ito, pero lalong napasama napahiga na kami pareho sa sofa, nadadaganan ako ni Ram. Nagsimula ng tumahol si Joey sabay nito ay narinig kong nagbagsakan ang ilang bagay, napatingin ako sa gawi ng pinto at nakita ko si Kevin na namumula sa galit at sa paanan nito ang mga pinabili kong pagkain. Agad akong tumayo.



Kev, wait.” sabi ko.



Pero sumugod na ito papunta sa kinatatayuan ni Ram, amba amba ang isang suntok sabay nito ang pagwawala ni Joey.




Itutuloy...