Chasing Pavements 5



____________________________
Chasing Pavements 5
by: Migs



Mahigpit parin ang pagkakayakap sakin ni Edward. Kanikanina lang matapos kong mahulog sa puno ng santol at isugod sa ospital nalaman ko na mahal pala din ako ng taong mahal ko.



Natakot lang ako kanina, akala ko mawawala ka na.”


Natatakot daw siyang mawala ako.” sabi ko sa sarili ko sabay pasikretong napangiti. Ayaw kong gumalaw sa aking kinahihigaan, baka kasi magising si Edward, lalo kong isiniksik ang sarili ko sa kaniyang katawan at naramdaman kong lalong humigpit ang yakap nito sakin. Unti unti kong isinara ang aking mga mata at hinayaang kainin ng antok ang aking diwa.



Pagkagising ko kinabukasan wala na si Edward sa aking tabi, tumingin ako sa may bintana at nakitang may nakaipit na sulat doon.



Di na kita ginising, alam ko namang puyat ka sa kakatitig sakin eh. Bilisan mo na ang pagbasa sa sulat na ito ah? Pihado ko late ka nanaman. Kita na lang tayo sa labas ng bahay niyo mamya.”



Di ko mapigilang mapangiti matapos basahin ang sulat.



Migs! Gumising ka na at maligo! Male-late ka nanaman!” sigaw ng kuya ko sa labas ng aking pinto, nagmadali na lang ako sa pagligo at pagbibihis, di maiwasang ma-excite na muling makita ang aking bestfriend.



Paglabas na paglabas ko ng pinto namin bumungad sakin si Edward, nakangiti ito.



Sabi na eh, malelate ka eh.” bungad nito sakin.




Edi sana pala ginising mo na ako.” sabi ko na lang dito.



Alam ko naman kasing pinagpapantasyahan mo pa ako kaya di na muna kita ginising.” nakangising sabi nito sakin, habang niyayaya akong sumakay na sa sasakyan niya.



Habang naglalakad sa harapan ng kotse ni Edward ay di ko mapigilang maexcite, pero ang nararamdaman kong iyon ay parang lobo na patuloy sa paglobo pero biglang pumutok nang makita ko si Essa na nakasakay sa passenger seat. Inirapan ako nito, kaya naman biglang pumangit ang araw ko.



0000ooo0000



What?! Finally!” sigaw ni Faye ng ikwento ko dito ang pagamin sakin ni Edward.



Finally what?” tanong naman ng bagong dating na si Pat.



Wala, di concern dito ang mga basketball players ng school, kaya please fuck off?!” singhal ni Faye kay Pat.



Hag!” iritang sabi ni Pat atsaka kinausap na lang si Dave na kanina pa nagprapractice tugtugin ang kaniyang flute.



Pero kanina lang din sinundo niya sa bahay si Essa, kasabay pa nga namin sa pagpasok.” bulong ko ulit kay Faye sabay tingin sa kinauupuan nila Essa kung saan nandun din si Edward, na masuyo namang kumaway ng mapansing nakatingin kami sa kaniya.



Nako, kailangan mong linawin yan sa kaniya, baka masaktan ka, ikaw din.” sabi ni Faye na talaga namang nakapagpatameme sakin. Tinignan ko ulit si Edward at napansing naka angkla ang kamay ni Essa kay Edward.



0000ooo0000

Oh, bat andito ka pa, Miggy boy?” bungad sakin ni Pat nang maabutan niya ako sa labas ng gate ng skwelahan namin.



Iniintay ko kasi si Edward eh.” sabi ko dito. Kumunot naman ang noo nito saka tumingin sa orasan niya.



Mag-aalasyiete na Miggy boy, wala ng tao sa loob kundi ang mga varsity saka ang nasa CSG office.” sabi nito sakin na ikinagulat ko din.



Napaisip naman ako bigla, kasi simula noong mga bata pa kami ni minsan di pa ako binullshit nitong si Edward, saka ko din napagtanto na di parin ako pinagintay ni Edward, ngayon pa lang. Di ko naman napansin na matagal na pala akong natahimik at nagiintay pala ng sagot si Pat mula sakin.



Gusto mo sabay ka na sakin pauwi?” alok nito sakin. Tumango na lang ako bilang sagot.



0000ooo0000


Thanks, Tita.” habol ni Pat sa aking ina habang inihahatid siya palabas ng bahay.


Sarap ng luto ng Mommy mo, parang gusto ko tuloy na i-hatid ka lagi pauwi.” nakakalokong sabi ni Pat.


Ako lang ang maghahatid sa kaniya.”



Pareho kaming napaharap ni Pat sa may gawi ng gate, andun na pala si Edward at blangko ang mukha nito. Tinignan ko si Pat at naintindihan naman nito ang ibig sabihin ng tingin na iyon.


Sige Miggy boy, una na ako.” sabi ni Pat.


Salamat nga pala ulit, Pat.” sabi ko dito sabay tingin kay Edward, sumarado na ang mga kamay nito at handa ng umamba kay Pat.



Sige ingat!” sarkastikong sabi ni Edward habang napasok si Pat sa sasakyan niya.



Bakit nandito yung ulupong na yun?!” tanong ni Edward.



Nakita niya kasi akong nagiintay sa labas ng school at 7pm kaya sinabay na niya na ako pauwi.” sabi ko kay Edward, nangunot naman ang noo niya saka biglang tinampal ang noo ng may maalala bigla.



Shoot! Sorry, Migs.” sabi nito sakin.



Kay Pat ka mag-sorry saka bakit ba ganun mo na lang kausapin yun?! Parang di ka namin kabarkada ah! Ay oo nga pala, sila Essa at Cyril na nga pala ang mga kabarkada mo ngayon.” sabi ko dito na ikinagulat niya naman.



Sige na, dami ko pang gagawin na assignment.” sabi ko dito, kumunot ulit ang noo nito at may sasabihin pa sana ng ibagsak ko ang pinto sa mukha niya.



Ma, pag hinanap ako ni Edward, sabihin niyo natutulog na ah?” sigaw ko sa nanay ko na nagliligpit padin sa may kusina.



Agad akong umakyat sa may kwarto ko para isara na ang bintana kung sakaling maisipan niyang duon dumaan, pinatay ko na din ang ilaw sa kwarto at nagtalukbong na ng kumot, maya maya ay narinig kong may kumakatok sa aking bintana pero di ko ito pinansin.



0000ooo0000



Migs.”


Untiunti kong iminulat ang aking mga mata at nakitang nakatungo si kuya sakin at inaalog ako para magising, muli kong isinara ang aking mata sa sobrang antok.




Migs, si Edward nasa labas parin ng bintana mo, kanina pa yan dyan, sabi ni Mommy kung hindi mo siya papapasukin baka mahulog pa yang timang na yun dun sa puno.” sabi ng kuya ko.




Sinimulan ko ng bumangon at naiinis na kinusot ang mata ko sa sobrang pagkairita. Lumabas na si Kuya ng kwarto ko na umiiling iling pa. Binuksan ko ang bintana, walang sinayang na panahon si Edward at dalidaling sumuot dito at niyakap ako ng mahigpit.



Sorry na.”



Matulog ka na.” sabi ko dito at sinimulan ng umakyat ulit ng higaan.



Hindi. Hindi ako matutulog hangga't di tayo naguusap.” sabi nito na lalo kong ikinainis.



Edi wag kang matulog.” sabi ko dito saka tuluyan ng pinikit ang aking mga mata. Naramdaman kong gumalaw ang aking kama miya miya pa ay naramdaman kong isinisiksik ni Edward ang sarili niya sa akin at niyayakap ako ng mahigpit.



Sorry na sabi eh.” ulit nito.



Alam mo ba kung gaano akong katagal na naghintay?” sabi ko dito, di ko maiwaglit ang galit.



Sorry, sorry, si Cyril kasi, inaya akong mag Counter strike eh.” sabi nito at itinapat niya ang kaniyang bibig sa aking batok, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga.




Di na mauulit promise.” sabi niya.



0000ooo0000


Masaya akong nakikipaglaro ng chess kay Dave habang masaya namang nanonod sila Pat at Faye samin nang biglang dumating si Edward na kala mo pinagsakluban ng langit at lupa, hinila ako nito palayo sa aming grupo, agad na tumayo si Pat at Dave pero itinaas ko ang aking kanang kamay na nagsasabing ok lang.


Bakit di mo ako ginising? Kanino ka nakisabay papasok?!” nanggagalaiting sabi sakin ni Edward.


Isinabay ako ni Kuya papasok, saka bakit kita gigisingin? Sino bang may sabi sayo na magintay ka ng matagal sa labas ng bintana ko at sino bang maysabi sayo na sa kwarto ko ikaw matulog?” sarkastiko kong sabi dito, ibinuka na nito ang kaniyang bibig para makipagtalo pero nagring na ang bell bilang hudyat na oras na para sa unang subject.


0000ooo0000



Pagbukas ko ng aking locker nung hapon na iyon ay nagulat ako ng may makitang isang plato sa loob nun na may nakalagay na flat tops at sa bawat flat top ay may mga letra na nangsasabing “I'm Sorry.” di ko mapigilang hindi mapangiti. Biglang sumulpot si Edward sa aking likod.


Mamya, ako ang maghahatid sayo pauwi.” sabi nito sakin ng nakangisi.



0000ooo0000


Saktong palabas na ako ng gate ng school ng mapansing nakaparada sa kabilang bahagi ng kalye ang sasakyan ni Edward, lalapitan ko na sana ito pero agad din akong tumigil ng makitang naka upo na sa loob si Essa. Agad agad akong umatras at sa gate na sa likod ng school dumaan.


Tahimik ang buong sasakyan ko habang tinatahak ang daan papunta sa skwelahan namin nung highschool. Walang imikan, nasa passenger seat ngayon si Pat habang si Fey ay napagigitnaan ni Dave at Edward sa likod.


I can't believe na sinama pa natin yan.” iritableng sabi ni Pat kay Edward.



Di naman nagrereklamo si Migs diba?” iritable ding sabi ni Edward.



Di namin kailangan ng kaibigang nangiiwan at traydor.” sabi naman ni Dave.



May I remind you na dalawang linggo na dito si Migs, at ni isa sainyo walang nagpakita sa party niya nung umuwi siya. So munch for friends na hindi nangiiwan.” mahabang sabi ni Edward. Natahimik lahat. Tinignan ko si Edward mula sa rear view mirror ko. Binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin napansin niyang nakatingin ako sa kaniya kaya naman ibinalik niya ang tingin sakin.



Parepareho silang di nakapunta sa bahay noon, panong nalaman ni Edward na wala din ang apat na ito doon.



Late ko na natanggap yung invitation and I was at work nung araw na yun.” sabi ni Pat.



Kakauwi ko lang from SG” sabi ni Faye.



Di ko type ang catering services na inarkilahan ni Tita, sorry Migs.” sabi ni Dave, tinignan ng tatlo ng masama si Dave. Napangiti naman ako, muli kong ibinalik ang aking tingin kay Edward mula sa salamin at kinindatan lang ako nito sabay ngisi.



What?!” balik tanong ni Dave sa mga nagsisipagtingin sa kaniya ng masama.



Maganda ang pagkakagayak ng buong school, andyan ang pamosong kulay ng aming school na siyang ginawang kulay ng mga banderitas at ng matataas na flag sa buong school grounds. Andyan din ang drum and lyre at iba't ibang booth ng school organization, may mga tent para sa bawat batch kung saan may kaniya kaniyang pabonggahan ng catering at table setting.



Nagpunta na kaming lima sa aming tent, madami ng andun na batch 2004 ang ilan may dalang mga bata at ang ilan naman ay kaniya kaniya ang papicture at ilan ay masyadong busy sa kanilang pagkwe-kwentuhan.



Tahimik lang ako na umupo sa napili naming table nila Faye, di naman kasi talaga ako magaling sa mga ganitong pagtitipon. Kung tutuusin nga, talagang pinilit kong kalimutan na may Homecoming kami, isa pa, di ko na gusto pang makita ang ilan sa mga kaklase ko nung highschool. Nagulat na lang ako ng biglang may naramdaman akong humahawak sa aking mukha.



Ibang klase talaga.” sabi ni Faye, habang nilalamutak ang aking mukha.




Ano bang gusto mong palabasin, Faye?!” naiirita ko ng sabi dito, habang di paawat si Faye sa paglamas sa mukha ko.



Wala lang, di kasi ako makapaniwala sa laki ng pinagbago ng itsura mo.” sabi nito habang pinipisil pisil ang ilong ko.



Contacts?” tanong nito uli sakin. Tumango lang ako bilang sagot.



Marunong ka na ding gumamit ng wax ah? Pati pananamit ibang iba na.” sabi niya ulit. Habang umuupo si Edward sa aming pwesto, nagkatinginan si Faye at Dave si Pat naman ay sumimangot.



Dati pa naman gwapo si Miggy boy ah.” sabi ni Pat, napatingin ako dito at kinindatan lang ako nito. Nagulat kaming lahat ng biglang nagkalansingan ang mga kubtertos sa pwesto ni Edward at masama ang tingin nito kay Pat.



Teka, alam mo na ba yung...” bulong sakin ni Faye pero di na natuloy ang kaniyang sasabihin ng biglang sumigaw si Dave at itinuro na pwede ng pumila sa buffet.



Saglit lang, maglalaho lang kami ni Dave pansamantala, i-save niyo itong table ha?” sabi ni Faye at naglaho na ito kasama si Dave sa likod ng mahabang pila para sa pagkain.


Nagkatinginan kaming tatlo nila Pat at tumahimik muli ang paligid.




Itutuloy...

Comments

  1. such a great story talaga...its worth the wait! kahit na feeling ko ung span ng time sa pag-aantay ko sa update neto eh, isang dekada katagal...worth it pa din!!!

    -tristfire

    ReplyDelete
  2. next na po. please. :)

    ReplyDelete
  3. ayos!!! day starter ko to!!!! kilig factor!

    ReplyDelete
  4. nakakakilig!!!!! hahhaa...

    ReplyDelete
  5. ayeeeee..... kilig to the bones grabe as in! hehehe


    -SHANEJOSH-

    ReplyDelete
  6. Next chapter na po sir migs... Ganda :)))

    ReplyDelete
  7. like your story boss migs! from LAIB book1 to 4 binasa ko yan pati ibang stories na gawa mo. pero ngayon lang ako nag comment sa story mo. hehehehehe. galing galing mo gumawa ng story boss. sana mag update ka na sa kwento mong to tapos sa breakeven kasi di na ako makapag hintay mabasa ang next chapter.hehehe. gusto ko malaman kung ano nangyari sayo nun kasi eh.ehehehehe. parang may similarities sa nangyari din sakin sa takbo ng story na nababasa ko by chapter. hmmmm.
    Godbless lagi boss migs! ingat!

    P.S. please add me sa fb.....marqymarc@gmail.com.... boss Q un ha? hindi G. (lagi kasi napagkakamalang G iyan eh. tsk tsk) hope maging friends tayo.. =)

    ReplyDelete
  8. hi migs gandanang story mo next chapter na po plzs tnx...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]