Chasing Pavements 9
______________________________
Chasing Pavements 9
by: Migs
Nandon ako at nakasalampak sa dibdib ni Pat, parang batang nahagulgol hinahagod lang nito ang aking likod, di ko alam, pero parang ang kinimkim kong galit, sakit at pagiyak ng limang taon ay binubuhos ko ngayon kay Pat. Para akong tanga. Parang may isang oras na ata ako sa dibdib na yun ni Pat at alam kong basang basa narin ito ng aking mga luha.
“Sorry, pati ikaw naabala pa.” sabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha, nakatingin lang ito sakin at nagaalala.
“Nagtaka nga ako kung bakit si Edward ang una mong hinatid eh.” sabi nito habang pinupunasan narin ang aking mga luha.
“Kailangan ko lang kasi ng makakausap ngayon eh...” palusot ko dito.
“Di ba pwedeng si Edward? Di naman sa ayaw ko, pero diba si Edward ang bestfriend mo? Nung highschool nga, umabot pa sa point na nagseselos na kami nila Dave, nagseselos na ako kay Edward kasi masyado na kayong magkadikit noon.” sabi nito sakin at parang nahiya naman at biglang yumuko.
Tahimik.
“Minsan nga tinanong ko ang sarili ko... ano bang meron si Edward? Anong mali sakin? Bakit hindi ako? Nung mga panahong asa kaniya lang ang atensyon mo.” sabi ni Pat na nahihiya parin at napapakamot na sa ulo at nangingiti, halatang di komportable sa sinasabi niya. Napatitig lang ako sa kaniya.
Tahimik ulit.
“Pero di ako nangahas na sirain kung ano man ang meron sainyo ni Edward, di ko kayo pinakielamanan, kasi alam kong mahal na mahal niyo ang isa't isa.” sabi ulit ni Pat.
“Kahit di mo naman sabihin Miggy boy eh, halatang halata sa tinginan niyo, yung biruan niyo, kung pano kayo magusap at marami pa, nasaktan ako nung una pero tinanggap ko. Nung nangyari sayo yung sa prom, galit na galit ako, sa sobrang galit muntik ko ng magulpi si Edward, pero alam ko masasaktan ka kaya di ko rin nagawa, nung umalis ka gustong gusto kitang sundan pero pinigilan ko ang sarili ko, sabi ko sa sarili ko kung sa pagbalik mo hindi na si Edward ang tinitibok niyang puso mo, saka ako papasok sa eksena, pero hindi, unang kita ko pa lang sayo kaninang umaga, alam ko na si Edward parin ang nandyan.” mahabang sabi nito, habang tinuturo ang aking dibdib, wala akong nagawa kundi ang yakapin siya.
“Sana ganun din ang gawin mo ngayon, tanggapin mo sana, kahit na sa proseso ng pagtanggap na iyon ay masasaktan ka.” sa sinabing yun ni Pat ay lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.
“Siya nga pala, anong plano mo sa kasal...?” pero di na niya naituloypa ang sasabihin nang biglang tumawag si Matt, inilapit ko ang telepono sa tenga ko.
“Kuya, si Kuya Edward nasa labas ng bahay, di daw siya aalis dun hangga't di ka nakikipagusap sa kaniya.” sabi sakin ng kapatid ko sa kabilang linya.
“Pat...” umpisa ko pero nakita kong nakangiti na ito sakin.
“Si Edward, gusto kang makausap.” nanghuhulang sabi nito sakin napatango na lang ako bilang sagot.
“Sige na, uwi ka na, baka kung ano pa gawin nun na ikagalit nila Tita.” sabi nito sakin, pero bago ito lumabas ay niyakap ako ulit ito ng mahigpit.
“Basta, andito lang kami lagi.” sabi ni Pat sakin saka pinahiran ang natitirang butil ng luha sa aking pisngi.
0000ooo0000
Nagsimula na akong pumihit para makabalik na sa street namin, wala pa man ako sa kanto ay bumuhos na ang malakas na ulan, agad kong pinaharurot ang sasakyan. Nabungaran ko si Edward na nakatayo sa gitna ng kalsada, basang basa na ito pero daretso parin sa pagtingin sa aking sasakyan, ayaw nitong umalis doon, itinabi ko ang sasakyan at ng makalabas ako dito ay pinilit ko si Edward na sumilong sa terrace ng aming bahay.
Abala ako sa pagpagpag ng mga butil ng ulan sa aking buhok nang magsalita ito.
“Bakit ako ang una mong hinatid?” may tonong sabi ni Edward.
“Ha?” naiirita kong sabi dito.
“Ano? Para makasama mo ng mas matagal yang Pat na yan?!” sabi nito sakin madilim na ang mukha nito, lalo akong naguluhan sa kinikilos nito, tumalikod na ako at saka tuloy tuloy na pumasok ng aking kwarto, pero nakasunod pala ito at bago ko pa ma-isara ang pinto ay tinulak na niya ito kaya't nakapasok siya.
“Bakit di ka makasagot?!” sigaw nito pero napuno na ako sa mga akusasyon nito kaya't binigyan ko na ito ng isang malutong na suntok.
“Ano bang problema mo?!” sigaw ko pabalik dito, natahimik na lang ito, tila nahimasmasan atsaka umupo sa aking higaan.
“Kaya ko kayo hinabol kanina at pinilit ang sarili ko sa inyo ay para makausap ka, Ilang linggo ka ng nandito pero di pa tayo nagkakausap ng maayos, tapos kanina kada oras na lumalapit ako sayo at sinusubukan kang kausapin ay saka mo naman ako hindi pinapakinggan, tapos itong huli mas una mo akong hinatid kesa kay Pat, lalo akong nainis. Pasensya na.” sabi nito sakin habang hinihimas ang panga niya. Tumayo ako at pumunta sa pinto.
“Matt, paki kuwa mo naman ako ng yelo, paki durog nadin at pakibalot ng bimpo.” sigaw ko sa kapatid ko na nasa baba at nanonood ng TV, di na ito sumagot pero alam kong sumunod ito sa utos ko. Nilapitan ko si Edward at tinignan ang panga niya na tinamaan ng kamao ko.
“Hala! Ano ginawa mo, kuya?!” bungad ni Matt.
“Shatap! Bumaba ka na dun.” sabi ko dito at tinignan lang ako nito ng masama. Inilapat ko ang yelo sa pisngi ni Edward, nakayuko lang ito at basang basa parin maya maya ay inabot nito ang aking kamay, nabitawan ko na ang yelo parehong kamay ko na ang nasa magkabila niyang pisngi, malungkot ang mga mata nito.
“Ano bang nangyari satin, Migs? Dati close na close tayo, dati ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo, ano bang nangyari?” sunod sunod na tanong nito, di na ako sumagot pa at tinanggal ko na ang mga kamay ko sa pisngi niya tumalikod at kumuwa ng tuyong damit, nagpalit na ako at binigyan ko siya ng tuyong damit para makapagpalit narin.
Tahimik lang kami habang nagpapalit. Maya maya pa ay naramdaman ko na lang na niyakap ako nito.
“Sorry.” mahinang sabi nito sakin, di ko na napigilan ang sarili ko at nagsimula nanamang tumulo ang aking mga luha.
“Di mo alam kung pano ako nalungkot nung gabi ng Prom, kung pano ako nalungkot nung umalis ka ng di nagpapaalam at kung pano ako halos mabaliw nung ni isang beses ay hindi ka bumalik sa loob ng limang taon, di ka nagtext o ano man.” lalong humigpit ang yakap nito sakin patuloy naman sa pagpatak ang luha ko at nakayukyok parin ako sa leeg nito, itinulak ko siya palayo sakin.
“Suntukin mo ulit ako, sampalin, pagtatadyakan, sigawan kung gusto mo patayin mo na ako, makita ko lang na ngagalit ka, malaman ko lang kung ano ang dahilan mo.” sabi nito sakin habang tinutulak ko parin siya palayo at habang mahigpit parin ang kapit nito sa aking mga braso. Hanggang pumutok na ang galit sa aking dibdib.
“Hindi mo ako pinaglaban!” sabi ko dito habang sinusuntok ang dibdib niya.
“Hindi ko alam kung pinaglalaruan mo ako o ano! Di naging malinaw ang lahat! Niloko mo ako! Iniwan mo ako sa ere!” sunod sunod kong sabi dito habang unti unting nauubos ang lakas sa aking mga tuhod, lumuhod nadin sa tapat ko si Edward.
“I'm sorry, naduwag ako, di ko maamin sayo, di kita magawang ipaglaban, I'm sorry na di ko manlang nasabi sayo na mahal kita.” sabi nito sakin saka ako niyakap ulit ng mahigpit lalo naman akong naiyak. Bahagya itong kumalas sa kaniyang pakakayakap sa akin at inilagay ang magkabila niyang kamay sa aking mga pisngi, sandali kaming nagtitigan at maya maya pa ay nagsalubong na ang aming mga labi, may pagtangis at pananabik ang halik na iyon.
Tahimik na kami ulit, magkatabi na kaming nakahiga ngayon sa aking kama, nakatalikod ako sa kaniya at siya naman ay nakayakap parin sakin. Malakas parin ang ulan sa labas. Di man namin nasabi pero alam kong nagkapatawaran na kami, maya maya pa ay pilit niya akong pinaharap sa kaniya at muling naglapat ang aming mga labi. Bahagya siyang kumalas sa aming halikan.
“Gaano mo ako kamahal, Migs?” tanong niya sakin, pero hindi na ako sumagot, inilapat ko nalang ulit ang labi ko sa mga labi niya.
0000ooo0000
“Kuya!” sigaw ni Matt, napabalikwas naman kami pareho ni Edward.
“Kuya, yung babaeng bakla nasa labas nanaman.” natatawang sabi ni Matt sakin di naman nito nahalata ang ayos namin ni Edward, bago ako bumaba ay inayos ko muna ang aking sarili.
“Miguel! Ano ba! Kanina pa kaya ako...” di na naituloy ni Faye ang sasabihin niya ng makitang kasunod kong bumababa si Edward ng hagdan.
“Kuya Edward sabi ni Kuya Marc, kain lang daw kayo dun sa kusina.” sabi nito kay Edward, sumunod naman ito kay Matt na hindi manlang tinatapunan ng tingin si Faye. Humarap ako sa babaeng bakla at hindi pagtaas ng kilay, hindi mapanuring tingin at hindi naniningkit na malisyosong tingin ang binigay nito sakin kundi nagaalalang tingin.
“Halika nga dito.” sabi nito at hinila ako palabas ng bahay at tumigil kami sa terrace.
“Alam mo namang ikakasal na siya diba?” tanong nito sakin, di ko agad ito na absorb at tumawa pa nga.
“Ha? Joke ba ito?” tanong ko sa kaniya habang unti unting napapalitan ng kaba ang pagtawa kanina. Unti unti ko ng nararamdaman ang pagsikip ng dibdib at ang panginginig ng aking mga kamay.
“Hindi, seryoso ako. Nakatanggap ako ng invitation, siya mismo ang nagbigay sakin, maliit na sobre yun.” bigla akong natigilan sa sinabing yun ni Faye ayon sa kaniyang pagde-describe ay parang nakakita na ako ng sinasabi nitong sobre. Agad akong napatingin sa basurahan malapit sa terrace. Agad akong lumapit dito at kinalkal ito na parang basurero.
Napatigil ako ng makita ang sobre na may nakalagay na “To: Miguel Salvador” sulat kamay ito ni Edward, halos nasa dulo na ng basurahan ang sobre, pero buti na lang ay andun parin ito.
“Migs?” tanong ni Faye sakin, para namang hinigop ang lakas ko at napaluhod na lang sa tabi ng basurahan. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Edward at Matt, napatingin sa hawak ko si Edward.
“Hala kuya! Bakit ka nagkalat!?” sabi naman ng kapatid ko.
Unti unti akong tumayo at bumalik paakyat ng aking kwarto, sumunod naman sakin si Faye at Edward para akong tumakbo ng ilang kilometro at basta ko na lang ini-upo ang sarili ko sa kama ko.
“Akala ko sinabi mo na sa kaniya?!” bulyaw ni Faye kay Edward.
“Pinabigay ko kay Al yung invitation, akala ko alam na ni...” natigilan si Edward.
“Kasalanan ko, di ko binasa, tinapon ko ito sa basurahan.” sabi ko at pareho silang napatigil.
“Faye, balik ka na lang bukas, please? Usap lang kami ni Edward.” sabi ko kay Faye, di na ito tumutol at tuloy tuloy ng lumabas ng kwarto ko.
“I'm so...” simula ni Edward ng makalabas na si Faye ng kwarto.
“Don't!” pigil ko sa sasabihin niya.
“Ano pala ibig sabihin nung nangyari kagabi?” tanong ko kay Edward, napayuko ito.
“Akala ko, pipigilan mo ako sa plano kong magpakasal, akala ko babalik ka na sakin, akala ko, ipaglalaban mo parin ako.” sabi ni Edward sakin habang patuloy paring nakayuko, nagpintig ang tenga ko at naibato ko sa kaniya ang invitation.
“Tignan mo ang picture ng magiging asawa mo. Tingin mo kung ipaglalaban ko kung ano tong meron tayo, tingin mo magiging masaya tayo? Hindi, Edward, walang mangyayari kung ako na lang ng ako ang lalaban. Kung itutuloy ko tong katangahan na to, magiging katulad lang din ito nung nangyari satin noon, magkakasakitan lang tayo.” sabi ko dito. Napaupo na din si Edward at tinakpan ng mga kamay niya ang kaniyang mukha.
Tahimik.
“Mahal mo ba siya?” tanong ko dito.
“Mas mahal kita.” sagot nito.
“Kaya mo bang ipaglaban yang sinasabi mo?” tanong ko ulit.
Tahimik.
0000ooo0000
“Malapit na ang kasal ni Edward ah, nagusap na ba ulit kayo?” tanong sakin ng tatay ko na ikinauntog ko naman sa hood ng aking kotse, bigla kasi itong sumulpot habang nagaayos ng makina ng aking kotse.
“Pa naman, bakit ba bigla bigla kang nasulpot?” humagikgik lang ito, pinagpatuloy ko ang pagkutingting ng makina ng aking kotse.
Tahimik.
“Alam mo nung lumipat yang sila Edward diyan sa kabila at nung nakipagkilala siya sayo, nun ko lang nakita ikaw na sobrang saya, nung una di ko ito pinansin pero nung magtagal mas lalo kong napapansin ito at napapansin ko rin na higit pa sa pagkakaibigan ang turingan niyo, pero ikinibit balikat ko lang ito.”
Tahimik. Patuloy parin ako sa pagkalikot ng makina ng sasakyan ko.
“Alam kong hindi mo kaya na wala siya, Hijo, alam kong ganun din siya pero alam ko rin na ikakasal na siya at yun ang tama, kung ano ang meron sainyo ay di pa tanggap ng lipunan, alam kong ito rin ang pangarap ni Edward, ang magkapamilya, pero di ko kayang nakikita kang nagkakaganiyan, Hijo.” Mahabang litanya ng matanda sa likod na tinatawag kong tatay. Medyo nangingilid na ang luha sa aking mga mata.
“Ikakasal siya pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na kayo pwedeng maging mag kaibigan.” habol nito.
Tahimik ulit, nararamdaman ko ng namumuo na ang luha sa aking mga mata.
“Hijo, wag mong isara ang puso mo sa kaniya, wag niyong i-deny ang sarili niyo sa pinaka simpleng paraan ng pagmamahalan, ang pagkakaibigan.” sa sinabing yun ng aking tatay ay napaharap ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
“Lakad na, alam ko magpapatahi na sila ng amerikana para sa kasal.” sabi nito sakin saka magiliw na ngumiti.
Itutuloy...
ahehehe....ka excite nman pu 2....sna po pg d'ka busy lgi my update....tnx :)
ReplyDeletebakit ganon... wag naman gago ka Edward kung mahal mo si Migs ipaglaban mo siya magmahal ka lang sa isang tao gago ka.... huhuhu
ReplyDeletelove it(",)
-SHANEJOSH-
yes.. meron na.. tnx.. :) ang ganda tlga.. nxt na uli.. haha
ReplyDeleteP*T*ng*N*!!! nabitter naman ako dun...lecheng edward yan!!! paasa kang leche ka!!!hahaha wala kang bayag na gago ka!!!ahahaha nakakabwisit...at ang sakit sakit, SOBRA!!! kawawa ka naman migs!
ReplyDeletei hate it... i dont want it... especially after reading the story... it keeps me thinking negative thoughts... it make me so SAD... but still MIGS... it your call... your story... happy for the story but still sad... i dont want to think about it thou... '[
ReplyDeleterange
Ouch!!!! Sakit naman!!!!!
ReplyDeleteparang similar ito nung LAIB, kaya pala may pinaghuhugutan ka..ingat :)
ReplyDeleteKwento mo talaga to nung hs days mo? hang lupet kasi napahiya ka sa buong school, syempre nagtatanong lang naman diba:) gusto ko lang i clarify..
guess what natapos ko na rin to basahin from the start:)
migs no offense ha, pero mas BAKLA pa ata sau si edward ni hindi ka pinaglalaban, sa ganyan sitwasyon, ayokong magsabi kung sino ang mas tanga at sino ang nagtatanga tangahan, di naman kasi ako nakadanas pero pag titinganan on bird's eye view, parehas kayong umaasa sa tadhana, u know there are things in life worth fighting for, kung di nyo mapaglabanan ang nararamdaman nyo at di nyo mapangatawanan is because the two of u are clinging into past and still hoping for a miracle, ewan lang kasi mukhang di pato ang conclussion ng kwento pero ang point ko, kung di talaga pwede wag mag stuck sa nakaraan, masakit talaga ito, alam mo mahal nyo ang isat isa pero ayaw nyo namang harapin ang realidad nito para makagawa kau ng paraan or kung pano nyo lalampasan, hay buhay mahirap talaga ang buhay nating mga bi, pero i wish u all the best parati, di nabawasan ang paghanga ko sau,u never fail me sa mga novels mo, and i know now kung saan mo hinuhugot ang emotions ng mga novel mo, migs ur still one hell of a writer (",)
ReplyDelete-josh
Hintayan ng hintayan
ReplyDeleteSAkitan ng sakitan
Tama namn ang tatay...
Kelangan nyong manatiling magkaibigan
(pinakasimpleng paraan ng pagmamahal)
nice!
Kaya lang... ang sakit no! hehehehe...
Great! Inaabangan ko talaga 'to...
NExt na po hehehhe...
Salamat! GOD BLESS!
-Mars
you're a hell of a writer. The story tugs strings that makes my eyes wet.
ReplyDeleteKUDOS
-ichigoXD