Breakeven (Book1 Part8; Ending)
_____________________________________
Breakeven (Book1 Part8)
by: Migs
Bago ko pa ipadala sa editor in chief ang aking naisulat ay binasa ko ulit ito.
“Ito ang sinasabi sakin ni Edison noon. Ang magaling na author ay siyang nagsusulat mula sa kaniyang puso at ito ang sinasabi ng puso ko.” bulong ko sa sarili ko pagkatapos na pagkatapos ng aking pagbabasa sa ginawa kong article.
Agad agad kong pinadala sa e-mail ng aming editor in chief ang aking article, alam kong tama ang naging desisyon ko, pero ngayon kailangan ko ng harapin ang magkapatid. Di na ako kumatok sa front door nila Edison, madalas naman akong basta na lang napasok dito, tinungo ko ang bawat kwarto sa first floor pero wala siya doon, kaya naman tumuloy na ako sa second floor, sa kwarto niya ko siya naabutan, nakayakap ito sa kaniyang life size na teddy bear at mahimbing na natutulog.
“Edison.” tawag ko dito, bigla naman itong napabalikwas at tinignan ako, malungkot ang mga mata nito, lumapit ito sakin at yumakap ng mahigpit.
“Gusto ko ng dirty ice cream.” sabi ko dito.
“Ha?” sabay tingin sa labas, nagsisimula na kasing kumulimlim ang langit, nagbabadya ito ng ulan at ang pagkain ng dirty ice cream sa ganitong may kalamigan na klima ay di magandang ideya.
“Sige.” sabi nito sabay ngiti.
0000oooo0000
Tahimik lang kaming nakaupo sa isang bench sa may club house ng villge namin, makulimlim parin ang langit, abala parin kami sa pagdila ng aming mga dirty ice cream.
“May gusto sana akong sabihin sayo Edison eh.” panimula ko.
“Ano yun?” tanong nito sa pagitan ng pagdila niya sa kaniyang icecream.
“Natapos ko na ang article.” sabi ko dito. Natigilan ito saglit saka sumagot.
“Congrats.” balik nito sakin saka ngumiti.
Tahimik.
“Natatandaan mo nung sinabi mo sakin na ang magaling na writer ay nagsusulat ng mula sa puso?” tanong ko dito habang nakikipagtitigan sa aking ice cream.
“Oo, kasi ang pangit nung sinulat mong article para sa requirement mo sa completion bago ka grumaduate.” nangingiting sabi nito, ibinaling ko sa kaniya ang aking tingin.
“Di ako makapaniwala na naaalala niya pa yun.” sabi ko sa sarili ko, nangilid ang aking luha at napangiti din.
“Ganun ang ginawa ko sa article na ito.” sabi ko dito, tumango lang siya.
Tahimik.
“Ano naman ang sabi ng article mo?” tanong nito sakin matapos ang ilang minuto.
“Na...” nagalanagan ako at ibinaling ang aking tingin sa damo na asa aking harapan.
“Na mahal ko ang kapatid mo.” sagot ko dito, napatigil ulit siya saglit. Di ko na nagawa pang ipagpatuloy ang pagkain ko sa ice cream ko nagsimula na rin akong manginig at masaktan sa mga sinasabi ko, sa sobrang sakit nawalan na ng lakas ang aking kamay at nabitiwan ko na ang hawak hawak kong apa, itinakip ko na ulit ang aking mga palad sa aking mukha.
Tahimik, tanging hangin lang na tumatama sa mga punong nakapaligid at ang bahagyang pagsunod ng mga puno sa malakas na hangin ang aming naririnig.
“Natatakot ako na kapag ikaw ang pinili ko ay baka magkasakitan lang tayo at sa huli mawala pa ang pagkakaibigan natin, mas natatakot akong mawala ka sa buhay ko, di ko kakayanin yun.” sabi ko dito habang nakasubsob parin ako sa aking mga palad, naramdaman ko ang kaniyang kanang kamay sa aking likuran at hinagod niya ito. Di parin siya nagsasalita.
Nang makabawi na ako ay iniangat ko na ang aking mukha at tinignan siya, patuloy parin siya sa pagkain ng kaniyang ice cream, pero ramdam ko na nasasaktan siya, tinignan nito ang ice cream ko na nahulog at inalok niya sakin ang kaniyang kinakain, Chocolate flavored ito.
“Kailan mo pa nagustuhan ang chocolate?” wala sa sarili kong sabi dito.
“Matagal na.” makahulugang sagot nito, inalok niya ulit sakin ang ice cream pero tinanggihan ko ito, nagbuntong hininga siya at tumayo, nagsimula ng umambon.
“Wala ka bang sasabihin sakin? Di ka ba magagalit? Di mo ba ako sisigawan? Susumbatan? Di mo ba sasabihin sakin na nasasaktan ka?” sigaw ko dito na ikinahinto niya naman, unti unti ng lumalakas ang ulan, tumakbo ako at niyakap siya mula sa likod, naramdaman ko siyang magbuntong hininga.
“Naaalala mo nung unang beses mong nakita si Marti?” tanong nito sakin habang mahigpit parin akong nakayakap mula sa likod niya, tumango lang ako.
“Ang totoo, napulot ko lang siya, pero nung pinakilala ko siya sayo biglang gumuhit sa mukha mo ang saya kaya inangkin ko na lang ito dahil sabi ko sa sarili ko na gusto ko lagi kitang nakikitang nakangiti ng ganon, kaya naisip ko na magsinungaling na lang at sabihing akin yun at ipangalan siya sunod sayo.” sabi nito sakin, nagulat ako, kasabay nito ay ang malakas na buhos ng ulan.
“Noon palang alam ko na na magiging magkaibigan tayo, at di naglaon naging higit pa dito ang tingin ko sayo, di ko ito masabi sayo dahil natatakot ako na baka mawala ka, hanggang sa dumating yung oras na sinabi mong bading ka, natuwa ako at hindi ako nagkamali nung maglaon ay nararamdaman ko ang paglapit ng damdamin mo sakin, pero nakikita ko din na nagaalangan ka, sabi ko sa sarili ko maghihintay ako. Pero alam ko na ngayon kung para saan ang pagaalangan mo, nung una, ayaw kong pumayag na hindi ako ang magiging subject mo sa article dahil natatakot ako na baka mawala ka, na baka ma-inlove ka sa iba, pero matigas parin ang ulo mo at pinabayaan naman kita sa gusto mo. Nung marealize ko na baka nagkakamabutihan na nga kayo ni Ram ay ipinilit ko na mapasaakin ka, pero it was too late, mahal niyo na ang isa't isa. Mas mabuting ako na lang ang masaktan kesa kayo pang dalawa na mahalaga sakin. Ngayon alam ko na di talaga tayo ang nakatadhana. At kung pinilit ko pa ito ay malamang nagkakasakitan na tayong tatlo ngayon. Ayokong mangyari yun.”
Tahimik.
“Siguro ang mali ko lang is that, I had my chance and I took it for granted.” kumalas na ito sa pagkakayakap ko at naglakad na palayo.
“I'm sorry.” sabi ko.
“Don't be, were still friends at alam kong mahal parin natin ang isa't isa bilang magkaibigan.” matipid na sabi nito saka tuluyan nang naglakad palayo.
0000oooo0000
“Huwag kang maingay!” bulyaw ko kay Janine habang kinukuwa ko ang mga naiwan kong gamit sa opisina ni Ram.
“Di naman ako nagiingay eh! Malay ko bang masasagi ko yung tambak ng portfolio!” sinhal nito pabalik sakin.
“Pag ako naabutan dito ni Ram humanda ka sakin.” sabi ko ulit sa kaniya. Nang makuwa ko na lahat ng aking gamit ay nagpasama na ako kay Janine pababa ng opisina, Sabado noon kaya wala masyadong tao, pero di parin kami sigurado na baka biglang magpakita si Ram.
“Di ka ba niya tinatawagan?” tanong sakin ni Janine.
“Last niyang tawag three weeks ago.” sabi ko dito.
“Tapos?”
“Sabi ko wag muna siyang tumawag.” at naramdaman ko nalang ang pagkakahaklit ng batok ko.
“Libre mo ako ng kape! Dapat wala akong pasok ngayon eh.” sumbat ni Janine sakin.
“Fine.” sabi ko na lang. Pumasok kami sa coffee shop na asa lobby lang ng building ng aming opisina.
Nagiintay na kami ni Janine sa gilid ng counter para sa aming mga inorder na kape ng biglang may sumigaw na lalaki.
“Bakit di mo sinabi agad sakin?” di ako agad lumingon, di ko kasi alam na ako pala ang kinakausap nito, siniko na lang ako ni Janine at dun ko napagtanto na si Ram pala ang sumigaw na iyon.
“You've been avoiding me for almost a month now.” sabi ulit nito nang makalapit na ito sakin.
“Di naman, sobra ka naman, sabi ko wag ka lang munang tumawag.” kinakabahan kong sabi at tumingin na sa paligid, nakapako na samin ang mata ng bawat taong andun.
“Ahhh, kaya pala nagpalit ka ng cellphone number saka ng landline.” sabi nito sakin sabay taas ng kilay.
“ah eh...”
“Tapos malalaman ko si Kuya eh broken hearted dahil sayo. Sinabi sakin na may mahal ka raw na iba.” sarkastikong sabi nito sakin, tinignan ko si Janine para humingi ng tulong pero nagbulag bulagan lang ito.
“Tapos malalman ko na lang rin na pinublish na pala ang article mo, na nangyari namang ako ang subject.” nakangisi nang sabi ni Ram, natampal ko na lang ang aking noo.
“Chris paheram nga muna ng mag na yan.” sabi nito sa barista.
“Page 18.” sabi nito.
“Sabi dito... At first it was all for the sake of this article, I was in love with my boss' brother who happens to be my bestfriend of 10 years, but as I was doing a secretarial job under him, I found it hard to help my self from falling in love with him.” pagbabasa ni Ram sa aking article.
Napahawak ako kay Janine dahil parang nawalan na ng lakas ang aking mga paa.
“At eto pa... Our first unexpected date... ” at patuloy lang sa pagbabasa si Ram hanggang makarating ito sa parte na magkahawak ang kamay namin, ang title ng kanta na kinanta niya sakin at ang mismong damit at pabango na suot niya.
Napapikit na lang ako sa kahihiyan na ginagawa nito.
“Di lang yun, dahil na extra pa si Janine, sabi mo dito na ikinuwento mo kay Janine na alam mo ang lahat mapa favorite shirt ko, favorite brand, sizes pati ang color ng under wear, hindi lang din basta channel na mahilig kong panuorin pati mismo ang level ng volume at brightness ng tv habang pinapanood ko ang aking paboritong palabas ay alam mo.” nangaalaska ng tono ni Ram.
“And after some time I realized that the person I loved for ten years which is my boss' brother is just an infatuation a mere crush compared to the feelings I have for my boss, after all it's my boss who sings love songs to me everynight before going to sleep, it is my boss who fix breakfast for me, who hold hands with me while driving me home...” sabi nito habang binabasa ang malapit ng matapos na article.
“Ngayon, gusto kong malaman kung bakit di mo sinabi sakin agad?” tanong ulit nito sakin ang mga mata ay nakikiusap. Di ako nakasagot.
Tahimik, matagal kaming nagtitigan.
“Kasi naguguluhan parin ako, nung isinulat ko lang yang article na yan saka ko naintindihan ang nararamdaman ko para sainyong dalawa ni Edison.” napayuko ako sa kahihiyan.
Lumapit sakin si Ram at tumingin ng daretso sa aking mga mata.
“Anong ibig mong sabihin na nung isinulat mo lang itong...?” di ko na pinatapos si Ram.
“Sabi kasi sakin ni... May nakapagsabi kasi sakin na ang magandang basahin ay yung mga tipo ng article na galing mismo sa puso ng nagsulat nito, di ko maintindihan kung anong nararamdaman ko para sainyo ng kuya mo nung una at nung ginagawa ko yang article na yan at nung sundin ko ang payo na magsulat ng mula sa puso, yan ang lumabas.” pagpapaliwanag ko habang unti unting bumababa ang aking tingin sa sobrang kahihiyan.
“Ibig sabihin ba nito na totoo lahat ng nakasulat dito at hindi para makaakit ng maraming mambabasa?” tanong nito sakin.
Lumapit ako sa kaniya at inabot ang kaliwa niyang kamay at inilapat ito sa aking dibdib sa tapat ng aking puso.
“Nararamdaman mo ba ang pagtibok niyan? Anong sinasabi niyan sayo?” tanong ko dito.
“Na nagpapalpitate ka? At di ka na dapat magkape?” pabirong tanong nito sakin at naningkit naman ang mga mata ko.
“Ganyan ang tibok niyan nung sinusulat ko yung lintik na article na yon.” makahulugan kong sabi dito.
Matagal na natahimik si Ram, mula sa aking dibdib ay inilagay nito ang kaniyang kaliwang kamay sa aking baba at ginabayan nito ang paglapit ng aking mukha sa kaniyang mukha.
“I love you.” bulong nito sakin habang unti unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko, inilapat ko ang daliri ko sa kaniyang mga labi, nagulat ito at miyamo nabitin sa halik, tinignan ko siya daretso sa mata.
“I love you too.” bulong ko dito.
Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng coffee shop sa pangunguna siyempre ni Janine, tinignan ko ito at bakas sa kaniyang bibig ang mga salitang. “Beking beki, ang lalandi!” na siya namang natabunan ng ingay ng palakpakan, nagpasya na kaming lumabas ni Ram.
Masaya itong lumabas ng building at bigla naman natigilan. Ngumiti ito sa isang lalaki sa di kalayuan, lumapit dito si Ram at sinalubong naman ito ng lalaki.
“Ram?” tawag ko dito at medyo naguguluhan na din, lumapit na ako sa tabi ni Ram.
“Martin, this is Drei an old friend. Drei, this is Martin my boyfriend.” bahagyang nagulat si Drei sa pagpapakilalang iyon, di ko na ito pinansin pa at inabot na ang kamay ni Drei at nakipag shake hands.
“Nice meeting you.” sabi nito sakin, pero halatang hindi yun ang kaniyang nararamdaman, pansamantala akong lumayo para kumuwa ng taxi dahil medyo marami rin ang aking bitbit at dahil walang dalang sasakyan si Ram.
Nagusap sila saglit, tinignan ko lang sila at nagmasid.
“Siya pala si Drei.” bulong ko sa sarili ko, halatang seryoso ang kanilang paguusap, pinara ko ang isang taxi at swerte namang tumigil ito.
“Ram.” tawag ko dito at inaya ng umalis, sinenyasan ako nito na saglit nalang, at humarap muli kay Drei, seryoso parin sila, maya maya pa ay tumalikod na si Drei, nagsuot ng helmet at sumakay na sa kaniyang magarang motor.
Lumapit na sa akin si Ram, halatang may bumabagabag dito pero nang makita ang aking mukha ay magiliw na itong ngumiti, tumabi ito sakin sa likod ng taxi at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.
Tinignan ko ito, daretso lang ang tingin nito at patuloy parin sa pagngiti.
“Pangako ko, hindi ka na masasaktan, Ram.” sabi ko sa sarili ko pero parang narinig ito ni Ram dahil humarap ito sakin at ngumiti.
-Wakas-
Ohhh... Ang sweet naman nito daddy Migs! Ahahah. Magawa nga yung sabi ni Edison. Ahahahah. Galing galing daddy!
ReplyDeleteAntay ko yung Chasing Pavements uber! :DD
-Dhenxo
waaaaaaaaa.... migs... wag nah po mging sad... marami po mg m.sad kung mlungkot kayo...
ReplyDeletechasing pavements naman po ng next post... hehehe... can't wait... ']
outrage
very nice... the stories have come to full circle... i did not realize that this is still part of the story of migs until this chapter...
ReplyDeletegood job... looking forward to drei's story... and the continuation of the saga :)
r3B3L^+ion
may saysay po ang inyong mga kwentong pinopost! d naman po siguro babalik ung mga readers na yun kung d cla nagagandahan sa mga stories mo...
ReplyDeleteKALA KO ANG MAGKAKATULUYAN AY SINA EDISON AT MARTIN...NALUNGKOT NAMAN AKO FOR EDISON! PERO MASAYA NAMAN AKO SA DALAWANG NAGKATULUYAN!
Migs, sana naman pakidalasan naman ung pagpopost oh!hehe maraming salamat sa napakagandang storya ng pag-ibig na iyong sinulat. tnx
-tristfire
Huhuhuh tulad pa rn po ng past comment ko, sana si martin at edison na lang.
ReplyDeleteKaya lang wala na akong magagawa, tapos na yung book.
Hindi na ako papalag.
Nice story.
Sana mahanap ko na ang "THE ONE" ko.
Kakainggit eh.
Pwede po akin na lang si Ms. Charity Sandoval.
Ahehehe paepal lang.
Miss ko na ang pagiging intrimitida pero for a good purpose nya eh.
Kakamiss sya.
Sana magbalik sya :D
-RHAI CHU-
akala ko si edison at si martin ang magkakatuluyan! hehe
ReplyDeleteyung book2 na po. hahaha
ReplyDeletekaiingit naman ang dalawang mag irog sweet sweetan sa taxi hehehe .
ReplyDeletenice sotry ganda talaga sana may mabasa pa kami na mas maganda dito!
Kala ko si edison makakatuluyan ni martin. Si ram pala.. Grabeh. Ang galing mo Migs. Napag tagpi tagpi mo ang mga kaganapan sa mga kwento mo. Da best ka. Super love kita...
ReplyDeleteMatagal ko itong hinanap... Galing Connected pa rin ^^
ReplyDeleteansakit sa ulo. i mean, dahil hindi ako natulog para lang matapos ko ang seryeng ito. time now is 5:20 am. buti na lang at walang pasok mamaya... haaaay... hangga ngayon ay sobrang kinikilig pa rin ako. ^.^
ReplyDeletewell done migs! keep it up! XD
wow kkkilig nman ng ending, sayang nga lng at ndi un bet q n c edison ang nkatuluyan ni martin....
ReplyDeletemigs asan n c marti (teddy bear)?.
galng nman un mga cnusulat mo ay related din s isat isa buti nlng pla ncimulan q basahin un una mo story ....
thanks migs....book 2 n.
you really save the best for the last ^_^
ReplyDeletei just felt sad kay Edison :(
kudos Miggyboi ^_^
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletethey change partners like the seasons.......nothing lasted forever
ReplyDeletewhy ganun? they are going around. Are all bi guys really like that?
ReplyDeleteRam used to be with Miguel...then Drei (and Drei even annulled his wife for Ram but obviously Ram's kind of love is not lasting) and now he is with Martin?
Just like Migs...who used to be with Jon..then Eds and then Ram and then back to Eds?
Or Jon who used to be with Migs...then a one night stand with Paul...then Enso?
And Ed Saavedra ( brother of Cha Saavedra)...is he the same Edison Saavedra (brother of Ram Saavedra?
So all of them are brothers of Cha Saavedra?
That means Miguel had a relationship with brothers ....Ed Saavedra ( brother of Cha in LAIB Book 1) and Ram Saavedra ( brother of Edison in Breakeven Book 1)....OR SIMPLY.....THEY ARE ALL.......???
WHAT THE ...?!
I think you got it wrong ed saveedra is different from eds sandoval which is the brother of cha sandoval....edison saveedra and eduardo sandoval i hope that clears your thougths.
DeleteOkie. Another series was done. Hehe. And that was really great. :P Malapit na akong makahabol. Hehe. Ilang oras na lang ang gugugulin. Haha.
ReplyDeleteBULLSHIT! BULLSHOCKS!! Sobrang Kilig! Honestly, ayoko talagang mag comment kase nakakatamad mag type.. haha.. pero grabe ka author! Kilig every chapter! buset! ang galing mo!!!!!!! Ngayon ko lang kase nabasa to.. off to book 2! hahaha :DDDDDDD
ReplyDelete-patrick :)
nice one Migs! alam mo na! pwedeng real time ang comment ko? hahaha
ReplyDelete- Lance
KUDOS! :)
ReplyDeleteKUDOS!!!! :) tsaka na bongga comment after ko sa ilan pang seris nito. :)))
ReplyDeletemigs! superb!
“Natatakot ako na kapag ikaw ang pinili ko ay baka magkasakitan lang tayo at sa huli mawala pa ang pagkakaibigan natin, mas natatakot akong mawala ka sa buhay ko, di ko kakayanin yun.” Ito yung sinabi ko sa isip ko.. so nostalgic..
ReplyDelete-smartiescute28@yahoo.com