Breakeven (Book1 Part6)
____________________________________
Breakeven (Book1 Part6)
by: Migs
“Ano bang binabalak nitong kumag na ito?”
Tanong ko sa sarili ko habang andun ako at naiwan sa lamesa naming dalawa, akala ko nung una may nasabi akong di maganda kaya bigla itong umalis, pero bigla naman itong sumulpot sa entablado at masayang nagbububulong sa miyembro ng banda, may tinawag pa itong isang tao at na may hawak na saxophone, lalong nangunot ang noo ko.
“One, two, three.” bilang ni Ram at nagsimula ng tumugtog ang banda.
0000oooo0000
“Napapadalas ata ang paglabas niyo?” walang ganang tanong sakin ni Edison habang nilalaro nito ang kaniyang maliit na stuffed toy.
“Ha?' tanong ko naman, kunwari ay di ko naintindihan ang tanong niya dahil atubili ako sa paggawa ng aking article.
“Sabi ko, napapadalas ata ang pagde-date niyo.” ulit nito. Di ako sumagot. Tumayo ito saka nag buntong hininga.
“Ilang linggo na din kayong lumalabas ah, baka nagkakamabutihan na kayo niyan?” sabi nito na talaga namang nakapagpatulala sakin.
Matapos kasi yung unang labas namin ay masyado kaming nag enjoy sa isa't isa kaya naman halos gabi gabi na kaming nalabas, at di lang yun, kada gabi ng aming date ay may bagong pakulo si Ram na talaga namang nakapagpapakilig sakin.
Nagising ako sa aking pagmumunimuni na iyon ng makaramdam ako ng pagtuktok sa noo ko, nasa harapan ko ngayon si Edison, magkatapat na magkatapat ang mukha namin, nakakunot ang noo nito at ang hintuturo ay nasa noo ko at tinutuktok ito.
“Ano bang ginagawa mo?!” tanong ko dito sabay hawi ng kaniyang hintuturo.
“Akala ko kasi nastroke ka na, nakangiti ka kasi tapos di na kurap hindi ka na nga ata nahinga eh.” matawa tawang sabi ni Edison.
“Naalala ko lang kasi yung mga date namin ni Ram.” sabi ko dito, bigla itong tumalikod at bumalik sa kanikanina lang na inuupuan niya. Matagal kaming natahimik, kaya itinuloy ko na lang ang paggawa sa article ko.
“Di mo pa ba sasabihin sa kaniya ang tungkol diyan?” tanong ni Edison sabay turo sa laptop ko pinepertina ang aking ginagawang article.
“There goes the million dollar question.” sabi ko sa sarili ko. Di na ako sumagot sa tanong na iyon ni Edison, nagbuntong hininga ito saka marahas na tumayo at hinatak ang kamay ko.
“Ahhhh! Saan mo ako dadalin?!” sigaw ko dito pero di na ito sumagot.
0000oooo0000
“Saan ba tayo pupunta?” kinakabahan kong tanong habang sinusuot ang seatbelt.
“Basta!” marahas na sabi nito.
“Bakit kailangang magmadali?” muli kong kinalas ang seatbelt ko at inabot ang seatbelt niya at isinuot ito sa kaniya, panandalian itong tumingin sakin saka ngumiti.
“Para maabutan natin.” sagot nalang nito pagkabalik na pagkabalik ng mata niya sa daan at habang sinusuot ko ulit ang seatbelt ko.
Malapit na kami sa MOA nang biglang magliwanag ang kalangitan.
“Dyan ba tayo pupunta?” tanong ko dito habang turo turo ang kalangitan. Tumango lang si Edison.
Di na kami nakapasok sa mga parking lot, tumigil na din ang daloy ng traffic nagsimula ng magsiakyatan ang mga tao sa kanilang mga sasakyan at ang ilan ay nagsilabasan na mula dito. Biglang kinalas ni Edison ang seatbelt niya at lumabas ng sasakyan saka umupo sa bubungan nito, ginaya ko naman siya.
Maganda ang display ng mga fireworks, kasabay nito ang magandang musika, maraming tao ang napapapalakpak sa tuwing magliliwanag ang kalangitan at unti unting babagsak ang namamatay na ilaw mula dito. Tinignan ko si Edison at masayang masaya ito sa napapanood, nakangiti ito na parang bata, napagiti na din ako.
Biglang nagvibrate ag telepono ko sa bulsa, tinignan ko kung sino ang natawag, at ng makita ang pangalan at mukha ni Ram sa screen ay agad ko itong sinagot.
“Hello, San ka?” tanong nito sakin.
“Ah, eh kasama ko si kuya mo, nanonood kami ng fireworks.” sabi ko dito.
“Ah ganun ba? Aayain sana kita lumabas eh.” sabi nito, nanghinayang naman ako pero ng mapasulyap ako kay Edison ay parang nawala ang panghihinayang na iyon.
“Ah ganun ba...”
“Di bale kausap naman kita ngayon eh, masaya na ako doon.” sabi nito pero di yun ang ikinagulat ko, ang ikinagulat ko ay ng bigla itong kumanta.
Lintik na pag-ibig
Parang kidlat
Puso kong tahimik na naghihintay
Bigla mong ginulat
'Di ko man lang napansin ang iyong pagdating
Daig mo pa ang isang bagyong namuo sa malayo
Ihip ng hangin biglang nag-iba
Sinundan pa ng kulog at kidlat
Sa biglang buhos ng iyo sa akin
Ako'y napakanta
Para akong napako sa pagkakarinig ng malamig na boses ni Ram at ang magandang tunog na nanggagaling sa gitara nito, napangiti ako. Naalala ko bigla ang una naming date.
Di naman kagandahan ang boses ni kumag pero kung kumanta ito ng Lintik na Pag-ibig daig pa ang bokalista ng banda kung hiyawan ng mga manonood, maya maya pa ay tinignan ako nito ng daretso habang nakanta.
Kasabay ng alaalang yun ay ang pagliwanag ng kalangitan, kasabay ng pagsabog ng paputok sa kalangitan ay ang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.
Habang nagaayos ako ng mga files sa opisina ni Ram ay biglang may nagpiring sa aking mga mata. Malambot na tela ang ipiniring sakin at mahigpit ito, inalalayan ako ng nagpiring sakin at isinandal sa pader, sinubukan kong tanggalin ang piring pero mabilis ang loko at itinaas ang magkabila kong kamay at inilock ito doon ng sarili niyang kamay. Malaki ang kamay nito kaya't alam kong lalaki ito.
“Paparusahan kita hangga't di mo nahuhulaan kung sino ako.”
Pero nung nagsalita ito alam ko agad na si Ram ang nagpipiring sakin, kaya naman nakaisip akong makiride kay kumag.
“Superman?” tanong ko dito.
“IGHHHH! Mali!” at isang masuyong halik ang ginawad niya sakin. Nagulat ako pero di ko nagawang pigilan pa ito sa plano niya.
“Batman?”
“IGGGGHHH! Mali ulit!” sabi ulit nito saka masuyo ulit akong hinalikan.
“Richard Gutierrez?” di na ito sumagot at hinalikan niya ulit ako mas mainit na ang halik nito.
“Alju...” di na ako nito pinatapos at hinalikan ulit ako nito.
“Mr. Martin, tingin ko sinasadya mong magkamali.” sabi ni Ram saka pinakawalan ang aking mga kamay at inalis ang piring. Nagtama ang aming mga tingin, nakangiti itong parang nangaakit. Saka masuyong nagdampi ulit ang aming mga labi.
Kasabay nito ang pagdagundong ng aking puso at ang pagliwanag ulit ng kalangitan, pula, berde at asul ang kumulay naman ngayon sa kalangitan.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ni Ram ay naabutan ko itong nakahiga sa sofa at nakatalukbong dito ang proposals na kanina siguro niya pa binabasa.
Inalis ko ang pagkakataklob ng papel sa mukha nito, muling tumambad sa harapan ko ang napakagwapong mukha nito.
“Bakit ka ba naman gumwapo ng ganiyan.” sabi ko.
Nasa ganon akong pagiisip ng biglang dinilat ni Ram ang kaniyang mga mata at inabot ang kamay ko na may hawak na cup ng kape at marahan akong hinila papalapit sa kaniya, nagkapalit ang aming posisyon ako na ngayon ang nakahiga sa sofa at siya na ngayon ang nakadungaw sakin.
“Do I smell Caramel Macchiato?” tanong nito sakin habang di piniputol ang aming pagtititigan.
“Yup, favorite mo.” mahina kong sabi, ngumiti ito at unti unting nilapit ang mukha niya sa mukha ko. naglapat ang mga labi namin, masuyo pero puno ng emosyon.
Muling dumagundong ang paligid pati na ang aking dibdib, bawat liwanag ng kalangitan siya ring liwanag ng pagkakaintindi ko sa nararamdaman ko sa lalaking nakanta sa kabilang linya.
“Musta lunch with kuya?” tanong nito, pero di na ako nakasagot dahil bumida na ang kanta sa commercial sa maliit na screen ng elevator.
Napatingin ako kay Ram at nakita itong magiliw na nakangiti sakin.
Oh, kiss me beneath the milky twilight
Lead me, out on the moonlit floor
Lift your open hand,
Strike up the band and make the fireflies dance
Silver moon's sparkling,
So kiss me.
Tudyo ng kanta sa commercial, parang nagiba ang buong paligid, wala na kami ngayon sa loob ng isang elevator, nasa isa kami ngayong park, kung saan ang tanging buwan lang ang aming ilaw, naramdaman kong ipinatong ni Ram ang kaniyang kanang kamay sa aking kaliwang balikat, matapos nito ay hinaplos niya ang aking pisngi pagkatapos ay pinisil ang aking baba na siya namang iminuestra niya papalapit sa kaniyang mukha.
Oh so kiss me
So kiss me
So kiss me
So kiss me
Di ko maintindihan ang nararamdaman ko habang naalala ang mga nangyaring yon sa pagitan namin ni Ram.
Lintik na pag-ibig
Parang kidlat
Puso kong tahimik na naghihintay
Bigla mong ginulat
At natapos na nga ang kanta ni Ram sa kabilang linya ng telepono.
“Mahal ko na ata si Ram.” sabi ko sa sarili ko, kasabay ng realisasyon na yun ay ang makukulay na paputok na nagbabadyang patapos na ang display at ang pagdagundong ng paligid kasabay nito.
“Wish you were here.” sabi ni Ram sa kabilang linya. Di ako agad nakasagot, tinignan ko si Edison sa aking tabi, tinignan ako nito at ngumiti.
Pero bago ko pa man masagot ang sinabing yon ni Ram ay may kakaiba nang pakiramdam ang bumalot sa aking buong pagkatao, tinignan ko ang aking kaliwang kamay na siyang pinakamalapit kay Edison, nababalot na ito ng kaniyang kamay at pinipisil na iyon, inabot na nito ang aking mukha at unti unting lumapat ang kaniyang mga labi sa aking labi.
Kasabay nito ay ang pagtatapos ng fireworks display, nagliwanag ang buong kalangitan, unti unting nawala ang mga nakakasilaw na ilaw hanggang ang natira na lang ay ang dalawang heart shaped na pinagdikitdikit na beads mula sa paputok. Nagpalakapakan at naghiyawan ang mga tao sa paligid, habang kaming dalawa ni Edison ay masuyo nang naghahalikan sa bubungan ng kaniyang sasakyan.
Itutuloy...
awww. excited na akong nabasa yung kasunod. sana maipost niyo na po as soon as possible. thank you :)
ReplyDeletenaks, bumigay na si ram. sa wakas!!!
ReplyDeletenice one migs!
nice!!! pace up...pace up!!! :)
ReplyDeleteR3b3L^+ion
Like ko si Edison for Martin!! Sana naman sila sa bandang huli hehehe
ReplyDeleteMas kinikiliG aq pag c ram kasama nya.' hehe
ReplyDeletewah i really have fallen for this series!
ReplyDeletenakakainis writer nito, binigyan ako ng kinakaadikan!(hehehe bumabanat lang :D )
sana sila na lang ni Edison, in the first place si edison naman reason ng pagkakagusto nya sa guys eh.
but then again kahit anung ka-sweetan sa akin nung una kong minahal, kung may mahal na akong iba... tsk tsk narelate ko sa buhay ko...
Basta I love this series na, can't wait for the next chap...
Sana may back stories about migs, enso, kiko at sa iba pa.
Kasi si jon dami appearance sa ibang stories si migs sa book 1 lang halos.
MORE POWER TO YOU!
Edison naman kasi pakipot ngayon tuloy ano naguguluhan na si Martin sa magkapatid.... can't wait for the next chapter dude!... thanks much!
ReplyDelete-SHANEJOSH-
awst...
ReplyDeleteKasarap ng buhay Martin ah. Sino na kaya pipiliin nya... :D
ReplyDeletewow i love it even the fireworks....
ReplyDeletegaling u tlga migs......
tnx po
LINTIK na PAG-IBIG! XD ♫
ReplyDelete