Breakeven (Book2 Part2)


_____________________________________
Breakeven (Book2 Part2)
by: Migs




Tumabi ang lalaking atribido sa kabilang dulo ng bench at sunod na umupo naman ang kaniyang aso, nasa gitna namin ito ngayon. Pasipol sipol ito na kala mo isang empleyado na katatanggap lang ng kaniyang 13th month pay. Tinapunan ko ito ng tingin, di ito tumingin sakin at daretso lang sa panonood sa mga batang naglalaro sa harapan namin, nagulat ako ng biglang dumungaw ang aso at dinilaan ako sa mukha.




Sorry.” sabi ni Kevin.



Ganyan talaga si Joey, ayaw niyang may nakikitang umiiyak.” makahulugang sabi nito sakin sabay turo sa kaniyang pisngi, isinunod ko naman ang aking kamay sa aking sariling pisngi at doon ko nalamang natulo parin pala ang aking mga luha.



Joey, I don't want to see you licking somebody elses' face ok, you have to behave or else I will not let you out for a walk anymore.” sabi ni Kevin sa aso, umingit lang ito at ipinatong ang baba sa aking kaliwang balikat.



Tahimik.




Love problem?” bulalas ni Kevin sa kabilang dulo ng bench, di ko ito pinansin nung una.



Drei?” tawag nito sakin.



I-I'm sorry? Akala ko kasi si Joey parin yung kausap mo eh.” sabi ko dito. At napatawa naman ito.



Cute.” bulong nito pero nagkunwari akong di ko ito narinig.



Ano ulit yun?” tanong ko.



Ah wala, sabi ko cute magpalipad ng saranggola yung mga bata, gusto mo i-try?” tanong nito sakin. Umiling ako pero biglang tumahol si Joey sa tapat ng aking tenga.



Gusto ka niyang kasama.” sabi ni Kevin.



Tranlator?” tanong ko sa sarili ko at maya maya pa ay dinilaan nanaman ako ng malaking aso.



0000oooo0000



Paikot ikot si Joey sa baba ng aming pinalilipad na saranggola, para bang pag naabutan niya ito na mababa ang lipad ay tiyak kong sasakmalin niya ito, katabi ko naman si Kevin na nagpapalipad ng saranggola, di ko alam, pero parang nababawasan ang hinanakit na nararamdaman ko habang pinapanood ang saranggola na lumilipad.




It's nice to see you smile.” sabi ni Kevin sa aking tabi.



Bakit ka nga pala umiiyak kanina?” tanong ulit nito sakin.



Ah eh wala naman, saka wala ka na do...”



““ALAGWA! ALAGWA!”” sigaw ng mga bata at nakita ko na lang ang isang malaking saranggola sa hugis na genie na bumabagsak papunta sakin. At isang mahapding pakiramdamn na lang ang naramdaman ko sa aking ulo at ang malalakas na tahol ni Joey ang aking huling narinig bago ako mawalan ng malay.



0000oooo0000



Ramdam ko ang pagbuhat sakin ng isang malaking lalaki, sumisigaw ito pero di ko masyadong maintindihan kung ano ang sinasabi nito, sa aming likod ay may asong tahol ng tahol, sinubukan kong imulat ang aking mga mata pero leeg lang ng lalaking nagbubuhat sakin ang aking naaaninag saka ako nahilo at nawalan ulit ng malay.



Pumasok kami sa isang malamig na lugar, may makirot na bagay akong naramdaman sa aking kanang kamay, parang may karayom na sinusuot sa aking ugat, sinubukan ko itong igalaw pero nanghihina ako.




0000oooo0000



Idinilat ko ang aking mga mata at nasa isang kulay asul na kwarto ako, halos lahat ng bagay sa loob ng kwartong yun ay asul, itinutok ko ang aking tingin sa lalaking nakayukyok sa upuan malapit sa aking hinihigaan, mukhang tulog ito, ipinikit ko na lang ulit ang aking mga mata.



0000oooo0000



We need to run some more test, and we need to keep him hydrated, mukhang ilang araw ng hindi nakain si Drei, if kumakain hindi naman sapat, I think its not because of the kite hitting his head that made him lose consciousness, sa tingin ko ay di pagkain ng maayos atsaka over fatigue ang dahilan, but still sabi ko nga kanina we still have to run some test.” sabi ng isang babae na hindi ko kilala, di ko na iminulat kasi ang aking mga mata, tinatamad akong i-mulat ito.



Drei, gumaling ka na please.” bulong sakin ng lalaki, pero di ko parin minulat ang aking mga mata at tinatamad pa ako.





Bakit sabi sakin ng mga katrabaho mo sa office di ka nanaman daw pumasok?!” sabi sakin ni Ram habang pinapanood ko itong nagluluto ng pagkain para sakin.




Hoy! Sumagot ka! Aba Drei, hindi sa lahat ng oras andito kami para sayo!” sigaw ulit nito at umiling iling.



Napangiti ako, eto lang naman talaga ang motibo ko kaya ako nagpapagutom at hindi nagpapakita sa opisina eh, dahil gusto kong magalala sakin si Ram, kahit papano kasi nararamdaman ko na importante ako para dito.



Nako! Papatayin ako nito ni Dalisay eh!” sabi niya na ikinasibanghot naman ng mukha ko.



Ibinilin ka niya sakin, di mo maiaalis sa kaniya ang pagaalala.” sabi nito ulit sakin saka hinawakan ang aking pisngi at kinurot ito.



Daig ko pa may alagaing anak eh! Sige na, babalikan kita mamya at bukas ng umaga.” sabi ulit nito sakin, nginitian ko lang ito, pero bago siya lumabas ng bahay ay nakita ko ang lungkot sa mga mata nito.




Ibinuka ko ang aking mga mata at naramdamang may namumuong mga luha sa mga ito, nakita kong nakadungaw sa mukha ko si Kevin at pinilit ko ulit na makatulog.




0000oooo0000



Kaano ano niyo nga ho ulit yung pasyente?” tanong ng isang babae, di ko na ito pa pinagtuunan ng pansin at nagpasya ulit na bumalik na lang sa pagkakatulog.



Boyfriend ko siya.” sagot ng pamilyar na boses ni Kevin, bigla akong napaupo sa sinabi niyang yun, pati ang nurse na siya pa lang kausap ni Kevin ay nagulat.



ANONG BOYFRIEND?!” sigaw ko kay Kevin, napakamot naman ito sa ulo nangingiti ngiti.



Ahmm nurse pwede bang maiwan mo muna kami, may paguusapan lang kami nitong honey ko.” malambing na sabi ni Kevin sa nurse, napangiti naman ang nurse na miya mo kinikilig.



Kinikilig ka pa diyan! Eh kung kuwanin ko yang cap mo at isampal ko sayo, eklaterang to!” sigaw ng isip ko sa atribidang nurse.




Anong kaguluhan to? Anong boyfriend? Kailan pa?!” sabi ko dito, napadako naman ang aking mata sa suot ni Kevin na t-shirt may natuyo pang dugo dito, kinapa ko ang aking ulo kung saan lumanding ang saranggola.




5 stitches.” sabi nito at binigyan ako ng isang basong tubig.




Magpaliwanag ka.” sabi ko sa pagitan ng bawat lagok, ngumiti si loko at napakamot ulit sa ulo.




You were bleeding like mad, dinala kita sa ER but all they did was put a gauze on your head, sabi nung nurse to stop bleeding daw, but the gauze kept on getting soaked so sabi ko kung ano ang dapat gawin, sabi nung nurse intayin ang immediate family mo, wala naman akong makita sa phone mo kundi ang nakalagay na Wifey, iniisip ko na baka asawa mo only to find out that she's in Marinduque, tas tinawagan ko yung madalas mong tawagan na naka record sa log mo, sabi dun isang Ram Saavedra so I contacted him, only to find out that he's out of town as well at bukas pa makakarating so I came up with the plan na magpanggap and yun nga nagpakilala akong boyfriend mo, para lang payagan nila na tahiin yang ulo mo.” mahabang paliwanag nito, tinapunan ko siya ng isang naniningkit na tingin, napakamot ulit ito sa ulo at nangingiti ngiti si kumag.




You didn't call anybody else? At abkit kailangang boyfriend? Di ba pwedeng pinsan or something?” tanong ko pa.




They won't believe me, akala nila dugudugu gang ako. Saka boyfriend ang una kong naisip eh.” natatawang sabi nito at kumamot nanaman sa ulo.




Thank you.” naibulalas ko na lang, sumeryoso ito saka magiliw ulit na ngumiti.




Ilang araw na ba ako dito?” tanong ko habang nagtetext sa mga pwedeng makatulong sakin.




Magdadalawang araw na.” sabi nito, napatingin ako sa damit niya.




Bakit di ka pa umuwi at magpalit ng damit?” takang tanong ko dito.




Di kita maiwan eh, si Joey nga iniwan ko sa guard house ng ospital eh.” sabi nito, na touch naman ako.




Ok na ako Kevin, pwede mo na akong iwan nakakaawa naman si Joey.” sabi ko dito at tumingin lang ito sakin.




Ok lang naman ako eh.” sabi nito sakin.




Tumigil ka nga! Magdadalawang araw ng natuyo ang dugo ko dyan sa damit mo oh.” turo ko sa damit nito at napakamot nanaman si kumag sa ulo niya.




Yung tutoo Kevin, binabalakubak ka ba?” tanong ko dito, nagdikit naman ang kilay nito sa pagtataka habang inaayos ang sarili pauwi.




Bakit naman?” tanong niya.




Kanina ka pa kasi kamot ng kamot sa ulo eh.” napatawa siya at nagpaalam na uuwi muna, pero bago yun ay lumapit muna ito sakin at hinalikan ako sa noo.




Babalik ako, dapat pag nakabalik na ako ikwekwento mo na sakin lahat kung bakit ka naiyak nung isang araw sa park ah?” bulong nito sakin saka ngumiti.




Naalala ko nanaman kung bakit nga ba ako nasa park nung araw na iyon, gusto kong alamin sa sarili ko kung bakit ko pa pinagsisiksikan ang sarili ko kay Ram gayong may Martin na ito at mahal na mahal niya pa ito. Gusto kong alamin sa sarili ko kung bakit di ko magawang bumitaw.




Nasa ganito akong pagmumunimuni ng biglang tumunog ang cellphone ko.




Malapit na ako, kauuwi ko lang galing Bacolod, ok ka lang ba? Ano ba kasing ginagawa mo sa park na yun at bakit ka nagsasaranggola?” tanong ni Ram sa text message na dumating na iyon.




Napabuntong hininga ako, kundi pa ako maaaksidente di niya ako itetext ng ganitong kahaba, madalas walang reply kung magrereply naman “K.” at “Can't.” lang ang sagot nito, nakakapanlumong isipin na sa mga ganitong pagkakataon lang ito nagbibigay ng pansin sakin, sa mga oras na di ako pumapasok, o kaya sa mga oras na ginugutom ko na ang sarili ko. napabuntong hininga ulit ako.



Ipinikit ko ang aking mga mata at nagpahinga lang saglit.




0000oooo0000



Bigla kong iminulat ang aking mga mata dahil sa pagkakarinig ng isang pamilyar na boses, hinayaan ko munang masanay ang aking mata sa liwanag ng kwarto bago ito luminaw at mabungaran si Ram, nakikipagusap ito sa isang doktor.




All his exams turned out to be ok, kaya siya tulog ng tulog is because I think di siya nakakatulog ng maayos before the accident at kaya di pa masyadong bumabalik ang lakas niya is because di maayos ang pagkain niya, pero after nun everything's ok, his CT's are normal so as his x-ray, pwede na siyang lumabas ng ospital bukas.” mahabang paliwanag ng doktor, nagpasalamat naman si Ram dito at lumabas na ang doktor mula sa aking silid.



Nagtama ang aming mga tingin, pinipigilan kong lumabas ang mga pesteng luha, may pagaalala ang kaniyang tingin at may halo ito ng lungkot. Dahan dahan itong lumapit, biglang bumukas ang pinto.



Dyarannnn! Andito na ulit ako! Tignan mo oh, pinadalhan ka ni Joey ng get well soon card.” sabi ni Kevin at inabot sakin ang isang hallmark na card at sa loob nito ay may footprint ang malaking aso na si Joey, napangiti ako.



Sino siya?” tanong ni Kevin kay Ram.



Siya si Ram, kaibigan ko. Ram meet Kevin... Si Kevin... b-boyfriend ko.” sabi ko at nagulat pareho ang dalawang lalaking nasa harapan ko.



Itutuloy...

Comments

  1. nakakakilig na matatawa ako sa last part. Ganda pa din ng story... ayeeee

    -flashbomb

    ReplyDelete
  2. it is amazing how you weave several stories into one central plot... or should i say how you spin off other stories from the original story and yet ensure that they are all connected... yes, connected and interrelated.

    truly a hallmark of extreme creativity and inventiveness... :)

    please know that i have loved your stories from migs and ed and ram,to jon and enso, to ram and drei, to kiko, then back to ram and martin, then ram, drei and kevin...

    i re-read the previous stories and much to my amazement, all the bits and pieces in the previous stories have so far been consistent, as the details remain what they were before and carried over to the new ones...this is indeed wonderful!!!

    thank you for your stories. may you and your stories serve as inspiration to other budding authors :)

    regards,

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  3. Wah!
    Uber cute ang last part ng chap!

    May kilig... grrrr can't wait na naman ako sa next chap kahit na naiinis ako sa nangyari kay edison.

    As I commented before, sana mapadaan ulit sa kwento si Cha, I miss her. Or if possible, guess apperance ng mga other previous characters. Mega-cute kasi eh.

    Amp talaga ikaw Mr. Migs.
    You gave me an addiction!

    Babasahin ko na rin muna nga yung ibang stories mo. I focused kasi sa LAIB 1, 2, 3, 4 at Breakeven eh.

    I hope to meet you someday, if u will ask why...
    bakit nga ba...
    Ewan ko ba.
    Feel ko makikita ko ang isang famous person.

    IDOL NA TALAGA KITA.
    KAW NA.
    THE BEST KA EH.

    -RHAI CHU-

    ReplyDelete
  4. AYOS!!!!!!!!!!!! Go Kevin!!! Ganda ganda Migs! Di ako nag comment sa Ending ng part 1, nakakaawa namn kasi si Edison hahaha

    ReplyDelete
  5. Wahahhaha!
    Nice!

    Hhahahahha!
    Nakakagulat ang kwento hehhehe...

    Ganda talaga ahhahah!

    Salamat...

    -Mars

    ReplyDelete
  6. hehehe swabeeee talga ang lahat ng sotries mo migs..xnxa na at mdyo minsan ay silent reader ako..

    ReplyDelete
  7. congrats endng ng book 1 mo at good luck sa book 2..ang galing mo talagang maagsulat...boto pa man din ako kay edison para kay martin....hehehe..pero sa huli si ram ang pinili ni martin...

    first time kong makapagcomment dito..hehehe..

    >emray08<

    ReplyDelete
  8. love ko ang part na to kinilig akong bigla kay kevin sweet and kwela sya siguradong di luluha si drie dito pag sila nagkatuluyan.

    ReplyDelete
  9. nice... ganda ganda.. :)

    ReplyDelete
  10. Nakupo. Sana maghiwalay na si ram at martin para to the rescue c edison... Ang bad ko... Hehe

    ReplyDelete
  11. anu b yan kkbreak lng my kpalit agad,bat kya mga bi madali mgpalit ng love...is it feel really love or just lush virus,asking lng po.
    tnx.............

    ReplyDelete
  12. nice...kinikilig ako..witwiw..hahaha

    ReplyDelete
  13. sino dito ang gusto nang maging boyfriend si migs

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]