Tuesday, May 3, 2011

Chasing Pavements 4


______________________________
Chasing Pavements 4
by: Migs




Magkayakap kami at walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa, di ko magawang ibalik ang yakap na binibigay niya sakin, pero kahit anong pagmamatigas na gawin ko, di ko parin mapigilan nag luha ko na mamuo sa paligid ng magkabila kong mata.




Nang sa wakas ay pinakawalan na niya ako sa mahigpit niyang yakap saka naman niya inihawak ang magkabilang kamay sa aking mga psingi, tinitigan niya ang aking mga mata at dahil sa pagtitig na yun, tumulo na ang kanina ko pang pinipigilang mga luha.




Malungkot ang titig na binibigay niya sakin, unti unti na ring namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Pero ang pinakaikinagulat ko sa lahat ng ginawa niya ay ang pagsiil sakin ng halik.




Wag mo akong tatakutin ng ganon?!” sigaw ni Edward sakin habang nakahiga ako sa isang stretcher sa isang ER sa malapit na ospital sa amin.




Malay ko bang madudulas ako dun sa punong yun?” sabi ko dito habang nilalapatan niya ng yelo ang malaking bukol sa aking noo.




Dapat kasi, di ka na dumaan dun eh!” galit parin nitong sabi sakin.



Ikaw kaya may sabi sakin na wag makinig sa tatay ko?! Ikaw nga tatawid ka dun kahit gabi na para lang ipapanood sakin yung bi-nurn mong CD para kay Essa eh.”



Ok lang na ako ang tumawid dun. Natatakot lang kasi ako pag ikaw ang tumatawid dun eh!” naiirita nang sabi sakin ni Edward.




At bakit?! Ano tingin mo sakin, lampa?! Ngayon lang kaya nangyari na nahulog ako dun.” giit ko.



Basta.” nagulat ako kasi biglang naging seryoso si kumag at biglang yumakap sakin.



Natigilan ako, buti na lang nakasara ang mga kurtina na nagse-seperate sa ibang stretchers kung hindi, naku baka pinagpyestahan na kami dun.



Ano bang problema, 'ward?” tanong ko dito.



Natakot lang ako kanina, akala ko mawawala ka na.” sabi nito habang nakayakap parin sakin, nakakapanibago talaga ang kumag. Bigla niyang kinalas ang yakap niya sakin, inihawak ang magkabila niyang kamay sa aking pisngi at tinitigan ako, mayamaya pa ay bigla niyang nilapat ang labi niya sa mga labi ko.




Bigla kaming nakarinig ng isang boteng nabasag sa aming likuran na siya namang ikinagulat namin, kaya bigla ring kaming naghiwalay sa halikan na iyon. Nakita namin si Albert na nakatayo malapit sa aking nakaparadang kotse, nakanganga pa ito at kitang kita sa mukha ang pagkagulat. Kumalas na ako sa pagkakalapit ng katawan namin ni Edward at tumalikod na dito.



Migs, wait.” tawag nito sakin.




Pagod na ako Edward.” malamig kong sabi dito.




Pagkapasok na pagkapasok ko sa front door ay parang nawalan ng lakas ang aking mga paa, agad akong napasandal sa nakasarang pinto at itinakip sa mukha ko ang magkabila kong palad at umiyak, umiyak na parang bata.




0000oooo0000



Kuya!” narinig ko habang parang lumilindol.



Matt, inaantok pa ako.” sabi ko dito.



May mga bisita ka.” sabi nito sakin.



Agad akong napaupo at kinusot ang aking mga mata. Tiniganan ko ng masama ang aking kapatid, ngumiti lang ito na parang nakakaloko.



Sino naman yan?” naniningkit ko paring sabi dito.



Wag kang magalala, hindi siya yung tao na pinagtataguan mo.” nagulat ako sa sinabi niyang yun.


Lumapit ka nga sakin nang makapagusap tayo ng maayos.” sabi ko dito at ng makalapit na ito sakin ay agad kong pinilipit ang kamay nito at dinaganan.



Anong sinasabi mong pinagtataguan ko, ha?” sabi ko dito sabay kiliti. Tawa naman ng tawa si kumag.



Wala, wala talaga.” sabi nito sa pagitan ng mga tawa.



Siguraduhin mo ha?!” sabi ko dito habang patuloy parin sa pagkiliti dito. Tumayo na ako at maglalakad na sana papuntang sala ng pigilan ako ni Matt sa pamamagitan ng pagyakap.



Kuya, kahit ano pa yang bumabagabag sayo, kahit ano pang piliin mong maging, tandaan mo mahal kita.” sabi nito sakin na talaga namang ikinagulat ko, nangingilid na ang luha ko.



Oh siya siya bitiwan mo na ako, kung ano ano na yang sinasabi mo, alam ko, sa kakapanod mo yan ng telenovela eh, kalalalaki mong tao, ganyan ka magsalita.” sabi ko dito, naramdaman ko itong humagikgik habang nakayakap parin sa likod ko.



Teka lang kuya, pwede bang, magbihis ka muna saka maghilamos? Samahan mo nadin ng toothbrush. Baka kasi nakakahiyang nakaboxers ka lang na haharap sa kanila, diba?” sabi nito sakin. Napayuko naman ako at tinignan ang sarili ko.



Kasabay kong bumaba papuntang sala si Matt, nakakaloko parin ang ngisi nito lalong lalo na ng sumigaw ang isang babae na ipinalangin kong hindi ko na makita pagkatapos na pagkatapos ng graduation ko noon sa highschool.



MIGUEL!!!” sigaw ni Faye ang natatanging babae na kabarkada ko noong highschool.



..susmaryosep.” sabi ko na ikinahagikgik nanaman ni Matt.



Thanks pogi.” sabi nito sa aking kapatid at pinisil pa ang pisngi nito.



Nga pala, ready ka na ba?” sabi sakin ni Faye na talaga namang ikinataka ko.



Sabi ko sayo nakalimutan niya eh.” sabi ng isang lalaki sa may front door.



Dave!” sigaw ko dito.



Ay, bakit kay Dave excited ka? Bakit sakin hindi?!” nagtatampong sabi ni Faye. Agad ko itong nilapitan at niyakap, pero agad din akong nagsisi dahil naramdaman ko na lang ang mabigat nitong palad sa aking batok.



Aray!” sigaw ko.



Gago ka! Sabi ko sayo puntahan mo ako pagkauwing pagkauwi mo eh!” nakakairitang sabi sakin ni Faye.



Nakalimutan ko na sainyo.” pagtatanggol ko sa sarili ko sabay tago sa likod ni Dave na isang malapad na lalaki.



Makakalimutin ka pa din, Migs?” natatawang tanong sakin ni Dave habang hinaharangan si Faye na maabot ako, para kaming nagpapatintero.



Oo nga di parin nagbabago. Tapos ngayon nakalimutan pa na alumni homecoming natin.” sabi ni Faye na siya namang ikinagulat ko.



0000oooo0000



Ayoko ngang sumama eh.” sabi ko kay Faye at Dave pagkatapos kong maligo, habang silang dalawa ay siyang tuwang tuwa na tumutulong sakin sa paghahanap ng maisusuot.



Eh basta!” sabi ni Faye, samantalang si Dave ay tuwang tuwa sa mga nakikitang action figures na basta basta ko na lang sinalpak sa aking aparador nung pagsawaan ko ito may ilang taon na ang nakakalipas.



Wala namang kakausap sakin dun eh.” pagkasabing pagkasabi ko nito ay pinandilatan ako ng mata ni Faye, wala na akong nagawa kungdi ang pumayag sa gusto niya.



Oy oh!” sabi ni Dave habang naka tuwad paring nakaharap sa aking aparador.


Napalingon kami ni Faye ng sabay at ng humarap si Dave na may hawak hawak na isang picture. Sadya namang nanlaki ang mata ko. Agad na lumapit si Faye at inagaw kay Dave ang picture, namutla ako at napaupo na lang sa aking kama at umiling iling. Lalo kong pinagsisisihan ang pag uwi ko sa Cavite.



Ang taba mo pa dito Dave oh.” narinig kong sabi ni Faye sabay tumawa ang dalawa.



Si Pat, uhugin pa!” sabi naman ni Dave.



Oh shit si Pat!” sabi ni Faye saka nagmadaling bumaba.



Migs si Pat nga pala nagiintay sa labas, tara na!” pinagmadali ako nito sa pagbihis at hinila palabas ng aking kwarto.



Saglit lang Dave, papaalam lang ako.” paalam ko kay Dave.



Pumunta ako sa kwarto ng aking mga magulang at naabutan ang mga ito na nanonood ng Taebo tapes na niregalo ng aking tita.




Oh anak, nasadya ka?” tanong ng tatay ko habang nakatitig sa babaeng nagtutuwad sa screen.



Pupunta po sana ako sa school ko nung highschool para umatend ng homecoming.” paalam ko sa mga ito.



Ahhh, edi sige, ingat na lang anak, may pera ka pa ba?” tanong sakin ng nanay ko na nakaupo sa harapan ng tv at nainom ng iced tea.



Meron pa naman po.” sabi ko sa mga ito.



Sige, wag masyadong magpagabi ah?” sabi sakin ng aking ama habang nakatitig parin sa TV. Tatalikod na sana ako ng bigla akong may naisip na sabihin.



Oo nga pala, Ma, Dad. Binigay yang tape ng Taebo sainyo para gayahin hindi para panoorin.” natatawa kong sabi, nagkatinginan lang ang dalawa at nagkibitbalikat, napailing na lang ako.




Naglalakad na ako papunta sa may hagdan ng mapadako ang aking mata sa bukas na pinto ng aking kwarto, nakita ko sa sahig ng aking kwarto ang litrato na kanina lang ay tinitignan nila Dave at Faye.




Nilapitan ko ito at pinulot, limang tao ang andun sa picture na yun, si Fey ang nasa gitna sapagkat siya lang ang babae, sa kaliwa niya ay kaming dalawa ni Edward na magkaakbay pa sa kanang bahagi naman niya ay si Dave at Pat na magkaakbay din.


Dahan dahan akong tumayo at nilagay ang picture sa pinakatagong lugar sa aking aparador.



At may mga bagay lang talagang di na dapat balikan.



Bumaba ako at lumabas na ng frontdoor, marahan kong pinaglalaruan ang susi ng aking sasakyan habang tinatahak ko ang daan palabas ng aming bakuran. Napatigil ako ng bigla kong marinig ang dalawang boses na nagtatalo.



Ang kapal ng mukha mo, after doing that awful prank kay Migs at pagiwan sa kaniya nung mga panahong kailangang kailangan ka niya, ngayon magpapakita ka sa kanya?!” sabi ng isang lalaki na pakiwari ko ay si Pat.




Di ko siya iniwan, alam niyo yan.” pagtatanggol sa sarili na sabi ni Edward.



Everybody's laughing. Yung iba di pa nagkasya sa katatawa na lang, ang iba ay nakaturo pa sakin, na akala mo isa akong nakakaaliw na palabas sa isang perya. Popular kids vs. the schools resident loser, yun ang pamagat at yan ang entertainment sa buong campus nung gabi ng JS Prom.



Hinahanap ko ang taong inaasahan kong magtatanggol sakin. Napatingin ako sa inaakala kong magiging kakampi ko, ang taong akala ko ay tatayo sa tabi ko. pero sa tabi ng iba siya nakatayo, nakayuko ito, isang nangiinis na halik naman ang ibinigay ng isang magandang babae sa tabi niya. At duon ko napagtanto hindi ko siya magiging kakampi ngayon, siya pa nga ang naging dahilan ng pagkakapahiya ko ngayon.




Napapikit na lang ako sa aking mga naalala. Ipinagpatuloy ko na ang aking paglalakad palabas ng bakuran at huminga ng malalim bago magpakita sa apat.



Miggy boy!” sigaw ni Pat ng makita ako nito, di pa nagkasya sa pagsigaw at lumapit ito sakin at niyakap ng mahigpit, nakita kong siniko ni Fey si Dave at ininguso ang pagyakap sakin ni Pat. Napadako ang aking tingin kay Edward at nakita ko itong nakasimangot at masama ang tingin kay Pat.




Itutuloy...

6 comments:

  1. oh yeahh!!! paganda ng paganda... can't wait for the full revelation!!

    ReplyDelete
  2. Dyspneic moment'


    "nick

    ReplyDelete
  3. madami na po akong nabasa mga gawa mu... At masasabi ko sinubaybayan ko talaga lahat... Pero ung LAIB ang pinaka sinubaybayan q.... Hahaha

    salamat sa pagshare...

    Good luck & god bless...

    >Jaceph Elric<

    ReplyDelete
  4. ayeeeeee.... gustong gusto ko part sa scene ng kapatid ni Migs na si Matt at ang sarap basahin ng kwento mo dude kahit paulit ulit.... please post na next one hehehe.... thanks so much!


    -SHANEJOSH-

    ReplyDelete
  5. migs... khit love ko nah ng work mo... parang feel ko bagay si migs at albert... hehehe... for now... hehhee... just wait n lng ako n2... kung ano ng mangyari... hehehe... keep up the good work... cant wait the next chap... ']

    outrage

    ReplyDelete
  6. nice combination story now/then kakaexcite mga line ng story.... nice talagang basahin.... and sa mga magpapartner talaga sino sino?

    sana mapost agad ang next chapter kakabitin basahin sino talaga

    ReplyDelete