Chasing Pavements 6


____________________________________
Chasing Pavements 6
by: Migs


Para akong pinaglaruan ng oras at bumalik ako sa nakaraan.



Nakasibanghot ang aking mukha habang naglalakad papunta sa back gate ng aming skwelahan. Halos magkadikit na ang aking dalawang kilay at ang nguso ko ay nauuna sakin ng isang kilometro sa pagkakasimangot.



Ihahatid niya daw ako, yung pala ihahatid niya KAMING DALAWA ni Essa, parang hindi naman iyon paghahatid, parang nakikisabay lang naman ako sa isang school bus. Parang mas maganda pa nga ata sa school bus, kasi kahit papano hindi ako third wheel, di ako magmumukhang chaperone. Hindi ako mukhang tanga.” pagmumunimuni ko habang tinatahak ang daan papuntang back gate ng school para lang maiwasan ko sila Edward.




Teka, di nga pala dapat ako nagagalit kay Edward, dahil wala nga pala akong dahilan. Walang kami. Hindi malinaw ang lahat samin.” sabi ko ulit sa sarili ko ng bigla akong sumubsob sa dibdib ng isang lalaki.



Putang ka malas ko naman!” sabi ko sa sarili ko habang inaayos ang aking salamin at pinupulot ang nagkandalaglag kong gamit.



Miggy Boy! Bakit parang biyernes santo yang mukha mo? Bakit ka dito dadaan? Asan ang side kick mo?” sunod sunod na tanong sakin ni Pat habang ihinihiwalay ang isaw sa stick nito sa pamamagitan ng kaniyang ngipin.




Wala. Nagpunta nang Dasma.” sabi ko kay Pat, tinitigan ako nito.



Hinatid si Essa?!” tanong nito sakin habang nginunguya ang isaw.




Oo eh. Ayaw ko namang magmukhang achoy dun sa dalawang yun.” sabi ko dito habang pahaba parin ng pahaba ang aking nguso.




Sus! Halika nga dito, ako na lang ang maghahatid sayo, di hamak naman na mas maganda ang auto ko dun.” pagmamayabang ni Pat habang inaakbayan ako.




0000ooo0000



Oha! Oha! Sabi ko naman sayo, ako ang pinakamagaling sa Counter Strike!” pagmamayabang ni Pat habang naglalaro kami sa PC ko ng Counter Strike.




Yabang! Sabi sakin ni Dave, patayin ka daw eh.” pangaalaska ko dito.




Sus! Asan yung baboy na yun?!” sigaw ni Pat habang nilalantakan ang isang bag ng ruffles sa pagitan namin.




Tahimik.





Miggy boy, may itatanong ako sayo, sana wag kang magalit.” seryosong sabi sakin ni Pat.




Ano yun?” tanong ko dito habang pinindot ang nararapat na key para ibato ang granada sa pinagtataguan ng character ni Pat sa nilalaro namin.




Ano ba kayo ni Edward? I mean, di kasi usual yung pagiging malapit niyo eh.” sabi nito na parang nahihiya.



FIRE IN THE HOLE!” sigaw ng aking character nang maibato na nito ang granada. Pinindot ko ang pause at hinarap ko siya.



Ano bang sa tingin mo?” balik kong tanong kay Pat.




Di ko alam, alam ko lang malapit kayo pero hindi tulad nung sa mag bestfriend.” sabi nito sakin habang nakatingin sa aking mga mata.




Sa totoo lang, Pat, hanggang diyan lang din ang alam ko. Alam ko lang malapit kami sa isa't isa na masasabi mong mas higit pa sa matalik na magkaibigan pero pagkatapos nun. Wala na.” sabi ko dito, di ko namalayan na nangingilid na ang luha ko. tinignan ako ni Pat.




Bakit di mo linawin sa kaniya?” tanong ulit nito.




Natatakot ako. Baka kasi masaktan ako sa isasagot niya.” matipid kong sagot.




Tahimik.




Di ka pa ba nasasaktan sa ginagawa niya ngayon sayo? Ano ka reserve? Kapag nakipaghiwalay si Essa sa kaniya saka ka papasok sa eksena? Kapag wala si Essa ikaw naman ang mahal niya?” sabi ni Pat sakin.




Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha, tama si Pat, sinasaktan ko ang sarili ko. tinitigan ako ni Pat, may kakaiba sa titig na iyon, hindi awa para bang gustong gusto niya ako tulungan pero wala siyang magawa, dahan dahan siyang lumapit sakin at niyakap ako.



Nakakagaang ng loob ang yakap na iyon, kahit patuloy parin ang pagtulo ng luha ko ay parang alam kong unti unti namang nababawasan ng mahigpit na yakap na binibigay ni Pat na yun ang sakit na aking nararamdaman. Nasa ganon kaming eksena ng biglang may nagsalita sa may bintana ng aking kwarto.



Ano to?” mahinahong sabi ni Edward pero ramdam ko ang galit sa dalawang salitang yun, agad kong pinahiran ang aking luha at humarap na kay Edward si Pat naman ay tumayo narin at hinarap na si Edward.




Ah, may naiwan kasi kanina sa school si Migs kaya bumalik siya eh sakto namang andun din ako kaya sinamahan ko na siya, paglabas niya wala na kayo ni Essa kaya nagprisinta na akong isabay siya pauwi tapos nawili kaming maglaro ng counter strike.” mahabang paliwanag ni Pat pero alam kong hindi yun kakagatin ni Edward.




Ah tapos natalo si Migs sa laro niyo tapos umiyak siya kaya niyakap mo?!” sarkastikong tanong ni Edward.




Tahimik. Nagtinginan lang kaming tatlo.




They're giving out batch shirts!” sabi ni Faye at ipinakita samin ang kulay pink na t-shirt na galing daw sa namahala ng aming homecoming.




Lame right?” tanong naman ni Dave habang may nakasalpak na lumpia sa bibig nito.




Edi hubarin mo!” sigaw ng isang babae sa likod nito.




Patrick, eto ang sayo.” sabay bigay nito kay Pat ng isang batch shirt.



Edward, eto naman sayo.” malandi nitong sabi sabay tingin sakin.



Essa, musta ka na?” tanong naman ni Faye dito, umirap lang si Essa saka lumapit sa aking kinauupuan.



Migs, kanina pa kita gustong i-congratulate eh, I can see that you've managed to look good. Very well done.” sabi nito sabay irap at ismid. Pinipigilan ko ang sarili ko na patulan si Essa pero sinagad nito ang pasensya ko nang sabihin nitong...



I can see that Edward finally noticed you.” sabi nito sabay nguso sa puwesto ni Edward. Something inside me snapped.



You know what Essa, kanina parin kita gustong i-congratulate eh.” sabi ko dito, tinignan naman ako nito ng masama at itinaas ang kaliwang kilay na miya mo nagsasabi na wag ko ng ituloy ang aking sasabihin. Nagsimula nang magbalikan ang mga ka-batch namin sa aming tent mula sa buffet table.



And why is that?” tanong nito.



Because you've managed to get fat and ugly at the same time. Nice multitasking, a first from you, I'm sure?” tumawa naman si Dave at Faye ng sabay at nagbulungbulungan ang mga tao sa paligid. Halatang napahiya si Essa sa aking sinabi pero alam kong nagiisip na ito ng mai-reresbak sakin.




Tumayo ako at naglakad palayo papunta sa aking kotse, at nang makarating ako sa tapat nito ay sinipa ko ang gulong nito at sumandal, nawalan nanaman ng lakas ang aking mga tuhod kaya't napadausdos ako hanggang mapaupo. Mali talaga ang desisyon kong sumama dito eh, alam kong may mangyayaring ganito, pero di parin ako nadala. Nasa ganito akong pagmumunimuni nang maramdaman kong may tumabi sakin.




Huwag mo ng isipin yun.” sabi ni Pat, itinunghay ko ang aking ulo at nakita si Edward sa hindi kalayuan.




Wag mo nga kong binubullshit Patrick!” sigaw ni Edward kay Pat matapos nito kaming mahuling magkayakap.



Edward tama na, totoo ang mga sinabi ni Pat.” sabi ko kay Edward, tumigil naman ito pero masama parin ang tingin nito kay Pat.



Magusap nga tayo, Migs.” sabi nito.



Bakit andito sa kwarto mo yan?!” habol pa nito nang bigla nanamang sumabat si Pat.



Teka nga, eh ano naman kung andito ako? Saka bakit mo ba siya pinagbabawalan?! Magkakaibigan naman tayo lahat dito ah?!” sigaw ni Pat. Tinignan ko si Edward at parang nabuhusan ito ng malamig na tubig.



Alam mo Edward, bago ka magaasta ng ganiyan sa tabi ni Migs dapat nililinaw mo muna lahat, naguguluhan na kami lahat dito oh! Di namin alam kung pano kikilos sa paligid ni Migs, di namin alam kung hanggang saan ba dapat ang pinapakita naming concern. Ano ba talagang meron?!” mahabang sabi ni Pat, tameme parin si Edward. Nung alam niyang talo siya sa diskusyunang naming iyon ay nagpakawala ito ng isang buntong hininga.




Fine. Sige Pat, maguusap na kami ni Migs.” nagulat si Pat sa sinabing yun ni Edward atsaka pabalang na lumabas ng aking kwarto.



0000ooo0000



Ano nangyari sainyo kagabi?” tanong ni Pat sakin kinabukasan.



Wala ganun parin, pinangako niya na magbabago na siya sa tuwing andyan kayo.” sabi ko kay Pat saka nagpakawala ng isang matamlay na ngiti.



Yun lang?! Di niya sinabi kung ano meron kayo?” tanong ni Pat sakin, umiling lang ako, sinuntok niya ang locker sa aking tabi, nagtinginan ang mga tao sa paligid.



Layuan mo na siya, Migs. Sinasaktan ka lang niya eh.” sabi nito sakin, tumango lang ako bilang sagot.



Pero taliwas nun ang aking ginawa.



Balik na tayo sa loob.” aya sakin ni Pat. Di ko na ito pinansin, nakaupo kami pareho sa loob ng aking sasakyan, wala na si Edward, bumalik na sa loob ng school.



Parang ayaw ko na.” sabi ko dito.



Alam mo, wag mo na lang silang pansinin, lalo na yang si Essa, hindi lang kasi sila nagkatuluyan ni Edward kaya ganun ang ugali nun.” sabi nito sakin napasinghap naman ako dahil sa pagpigil ko sa aking tawa.



Tahimik. Ramdam kong sa akin parin nakatingin si Pat.



Naaalala mo yung gabing sinabihan mo si Edward na linawin na ang lahat samin?” tanong ko dito. Tumango lang siya bilang sagot.



Hanggang ngayon di naging malinaw yun.” malungkot kong sabi sa kaniya.



Hindi ka lang niya naipaglaban...”



At hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon para ipaglaban yun.” pagpapatuloy ko sa tinutumbok ni Pat.



Di mo na yun kasalanan, Migs. Masyado kang nasaktan, di kita masisisi.”



Yun din ang dahilan ko kaya hangga't maaari di ako umuwi dito sa Cavite. Alam ko kasi na binibigyan ko lang ng pagkakataon si Edward at alam ko rin sa pagkakataon na yun lalo lang akong masasaktan.” nilingon ko si Pat, sakin parin ito nakatitig binigyan ko ito ng isang malungkot na ngiti.



Nga pala, alam mo yung sa kasal...” patuloy ni Pat, pero iniwasan ko na ito dahil masyado nang naging madrama ang araw na ito.



Halika na, nagugutom na ako.” nginitian ko ito at hindi na nga niya pinagpatuloy pa ang sasabihin at pareho na kaming tumulak paloob ng skwelahan.




0000ooo0000



Ayown naman! Sabi ko sayo Dave, babalik sila eh.” sabi ni Faye sa lumalantak parin ng lumpia na si Dave. Iginala ko ang aking tingin at siniguradong wala si Essa sa paligid bago kumportableng umupo sa aking upuan, di naman sinasadyang nadaan ng aking paningin si Edward, malungkot ang mga mata nito na nakatingin sakin. Parang may gusto itong sabihin sakin at ng masyado ng tumatagal ang aking tingin sa kaniya ay binawi ko na ito.



Syempre naman! Di aatras tong si Miggy Boy! Kahit ano pang pasakit ang ibato mo diyan, diba Edward?” nagulat naman si Edward sa sinabing yun ni Pat. Tumango lang ito at ibinalik ang tingin sakin.



Di na kita bibigyan pa ng pagkakataon Edward.” sabi ko sa sarili ko pero naramdaman kong tumanggi sa sinasabi kong yon ang aking puso. Alam kong tulad ng pinangako ko noon kay Pat na iiwasan na si Edward ay parang nararamdaman kong taliwas sa aking sinabi ang aking gagawin.


Napatitig ako kay Edward.



Itutuloy...

Comments

  1. Hay naman.... Linawin mo na kasi Edward! Ano ba kayo ni Migs??? Kukutusan kita eh! hahaha nakisali?

    ReplyDelete
  2. hay nako! bitin na naman...haha mag aantay na naman ako ng 6(?)days just read the next chapter!!!haha pero, as what i have said before...its worth the wait! the story's so good that i always check on it every now and then just for the update(s)...its a shame!!! i became addicted to your stories :))) kudos :D

    -tristfire

    ReplyDelete
  3. bakit nga di masabi ni edward ang nararamadaman nya kay mig???

    and ganda ng story sana mapost agad yung susunod.... thanks sa story.

    ReplyDelete
  4. sana po araw-araw yung update ng posts dito. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]