Thursday, May 19, 2011

Chasing Pavements 7


_______________________________
Chasing Pavements 7
by: Migs


Nakatingin ako kay Edward habang nakain kami sa aming tent. Tahimik lang ito, nakakunot ang noo nito na kala mo may malalim na iniisip, halos di rin nito galawin ang kinakain niya, pinaglalaruan niya lang ito ng kaniyang tinidor.


Naka kunot ang noo ni Edward, kala mo pinagiisipang maigi ang patungkol saming lalaruin. Madalas kasi itong magisip ng parusa sa kung sino man ang matatalo sa aming laro, para narin hindi boring. Biglang nagliwanag ang mukha nito. Mukhang may naisip na magandang ideya si mokong.



0000ooo0000



Naniningkit ang mata ko habang tinititigan si Edward. Matatapos na ang school year, malapit na kaming grumadweyt sa higschool kaya naman wala na rin halos kaming ginagawa sa school, kaya ang madalas na siste namin ngayon ay ang maglaro gabi gabi ng Counter Strike sa PC ko hangga't sa magsawa kami.



Ayoko. Maduga ka eh!” sigaw ko dito habang nakasingkit padin ang aking mga mata.



Anong maduga? Saka hindi ka naman lugi sa pustahan pag nagkataon ah?! Baka masarapan ka pa nga.” pabulong ang pagkakasabi ni kumag sa huling limang salita.



Ano yun?” tanong ko ulit dito.



Wala, sabi ko, simple lang naman ah, sa bawat beses na mapapatay kita, may halik na kapalit at sa bawat tagal ng laro natin, let's say tumagal ako ng kinse minutos na hindi mo napapatay, ganun ding katagal ang kiss na yun, titigil lang saglit para huminga.” explain ulit nito habang namimili ng mga gagamitin sa aming digital war.



Utot mo!” sigaw ko dito.



Or I can just rape you here walang pakielam maski marinig pa ng kuya mo o ng nanay mo sa kabilang kwarto.” sabi nito sakin, lalo akong natakot dahil alam kong tototohanin niya iyon.



0000ooo0000



Shit!” sigaw ko, nang sa ikalimang pagkakataon ay natalo nanaman ako ni mokong at ang malala pa bente minutos ang itinagal nito ng walang patayan.



Sus kunwari ka pa, alam ko namang gustong gusto mo, nagapatalo ka nga ata eh.” sabi nito sakin sabay ngisi na nakakaloko.



Lumapit ito sakin, nagsimula na akong umatras, dahil kahit papano naman sa limang beses na pagkakatalo ko ay naaasiwa na din akong makipag laplapan sa kaniya. Pero iba ang dating niya ngayon, seryoso na ito at dahan dahan paring lumalapit sakin, seryoso ang mukha at ng maglapat na ang aming mga labi, sa ikalimang pagkakataon ay napapikit ako at isa nanamang maalab na halikan ang nangyari.



0000ooo0000



Umuwi akong badtrip na badtrip isang hapon dahil pinagintay nanaman ako ni Edward ng isang oras sa labas ng school para lang sabihin na hindi niya ako maisasabay pauwi, kung ano ano na ang inisip ko, andyan ang nakikipagmabutihan nanaman siya kay Essa o kaya ay lumabas nanaman kasama ang kaniyang mga bagong kabarkada, at sa iniisip kong iyon ay bigla akong napatigil.



Wala nga pala akong karapatang magalit. Wala akong karapatang magselos. Wala nga palang linaw ang kung ano mang meron samin, ni hindi ko nga naiisip na may relasyon kami eh.” sabi ko sa sarili ko at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Binuksan ko na ang aking kwarto at biglang nagulat sa aking nakita, si Edward may kinukutingting sa loob ng aking kwarto at biglang napabalikwas ng bigla kong binuksan ang pinto.



Shit!” sabi nito.


Anong ginagawa mo?” sabi ko habang di ko napigilang matawa nang mapagmasdan ko ang suot suot nito.



Asan ba si Matt?! Sabi ko, pigilan ka sa pagpasok dito kahit thirty minutes pa eh!” sabi nito habang kinakamot ang ulo.



Ano to?” natatawa ko ulit na tanong.



Malapit na ang JS diba? Eh since di ka naman papayag na makipagsayaw sakin sa harap ng buong junior class at senior class sa school at dahil hindi parin kita nailalabas para sa isang date, naisip ko na ipagluto ka at naisip ko din na dito kita i-date.” sabi nito na ikinagulat ko naman.



Inaya ako nitong umupo na at ipinakita sakin ang pinagmamalaki niyang luto, di ko mapigilang mapangiti sa nakita ko. Kumamot ulit sa ulo si kumag at ngumiti na kala mo kinakabahan.



Yan lang ang alam kong i-luto eh.” tukoy nito sa mga hotdog na naka ahin sa lamesang sinet up niya sa loob ng kwarto ko. Pero di ko na inintindi yun, sinalubong ko na siya ng yakap.


Habang nakayakap ako dito ay naramdaman kong may inaabot ito, mayamaya pa ay narinig kong tumugtog ang stereo sa likod ko.



Some people live for the fortune
Some people live just for the fame
Some people live for the power, yeah
Some people live just to play the game
Some people think that the physical things
Define what's within
And I've been there before
But that life's a bore
So full of the superficial



Lalo kong hinigpitan ang yakap ko dito at ibinaon ko sa kaniyang dibdib ang aking mukha.



Some people want it all
But I don't want nothing at all
If it ain't you baby
If I ain't got you baby
Some people want diamond rings
Some just want everything
But everything means nothing
If I ain't got you, Yeah



Naiirita akong naglalakad pabalik sa parking lot at papunta na sa aking sasakyan. Sinusubukan kong takpan ang aking tenga mula sa kantang naririnig galing sa loob ng skwelahan.



Yan pa talaga ang kanta?!” bwisit kong bulalas sa sarili ko.



Inimbitahan tayo, Miggy boy.” sabi ni Pat sakin habang si Edward, Faye at Dave ay sumusunod saming dalawa.



Di pa ba ok yung nagpunta tayo sa dito sa school?” naiirita ko ng sabi.



May after party daw sabi ni Ace eh, nagpa-cater daw siya saka para makita narin natin yung resort niya.” sabi ni Faye.



Edi kayo na lang, uuwi na ako.” sabi ko sa mga ito habang hinuhugot ko sa bulsa ng aking pantalon ang susi ng kotse at nang mailabas ko na ito ay siya namang agaw dito ni Pat.



Ha! Ha! Ako ang magda-drive!” sigaw nito.


Hand me the world on a silver platter
And what good would it be
With no one to share
With no one who truly cares for me


Fine! Maglalakad ako!” naiinis ko paring sabi. Habang pinipilit na takpan ang tenga ko mula sa bwisit na kanta.



Di no!” sabi ni Dave sabay tulak sakin sa nakabukas na pinto ng kotse ko.




Migs, nagtatanong na yung iba nating kaklase tungkol sa masyado niyong pagka-close ni Edward.” sabi sakin ni Faye habang nakain sa school cafeteria.



Ha? Anong sabi? Ganito naman na kami dati pa ah.” depensa ko sa sarili ko.



Oo nga pero di naman kayo sobrang close para magpahiran ng catsup sa labi, di rin kayo ganung ka-close para matagal na maghawakan ng kamay.” sabi ni Faye, napatulala ako.



Maiba ako, malinaw na ba sayo kung anong meron sainyong dalawa?” sabi nito sakin.



Napatahimik ulit ako at napalingon kung saan madalas na tumatambay si Edward kasama ang kaniyang barkada, napansin ko din ang mahigpit na pagangkla dito ni Essa at saka mabilis na binawi ang aking tingin mula dito.



0000ooo0000



Bakit ang tahimik mo ngayon?” tanong sakin ni Edward habang naglalakad palabas ng school papunta sa kotse niya sa may parking lot, bubuksan ko na sana ang pinto ng passenger seat ng pigilan ako nito.



I-hahatid ko si Essa.” matipid na sabi nito, alam ko ang ibig niyang sabihin dito, ibig sabihin sa likod ako uupo ngayon dahil kasabay naming uuwi si Essa, napairap na lang ako at sinimulan ng lumakad papunta sa terminal ng dyip pauwi samin.



Teka lang!” sigaw nito sakin sabay hawak sa braso ko. Binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin.



Bakit ba?” tanong nito sakin.



Ano ba talaga tayo?” tanong ko sa kaniya nakita kong nagulat siya, pati ako nagulat sa sinabi ko pero nang may ilang minuto na siyang di makasagot at nagkasya na lamang sa pagyuko ay kumalas na ako sa pagkakahawak niya at naglakad na palayo pero naramdaman kong yumakap siya mula sa likod, buti na lang at walang tao doon sa parking lot.



Di ko pa alam, basta ang alam ko gusto ko lagi kita kasama, ayaw kong wala ka sa tabi ko.” bulong nito sakin habang mahigpit paring nakayakap sakin.



Edward?” sabi ng isang babae, biglang kumalas si Edward sakin saka humarap kay Essa, bahagya akong humarap dito pero gaya ng inaasahan ko naniningkit ang mata nito at hindi maiwaglit sa mukha niya ang pagtataka.



Patuloy na lang ako naglakad patungo sa terminal ng dyip.



Migs.” tawag sakin ni Edward pero di ko na siya nilingon pa at hindi narin niya ako hinabol.



0000ooo0000



Ngayon ka lang nag-aya maginom ah?” tanong sakin ni Pat.



Oo nga, saka madalas sa bahay niyo tayo nagiinom.” segunda naman ni Faye, inintay ko ang sasabihin ni Dave pero puno ng pagkain ang bibig nito kaya naman tinanguan ko na lang ito at sinenyasan na ok lang na wag na siyang magsalita.



May problema ba?” tanong ulit sakin ni Pat.



Wala naman.” malungkot kong sabi dito. Bigla kaming napatingin ni Pat at Faye ng mabulunan bigla si Dave.



Di nga?” tanong ulit ni Pat habang dinadagukan na ni Faye si Dave. Tinignan ko lang si Pat at ng makita niyang di ko na mapigilan ang aking mga luha ay niyakap ako nito, niyakap ng mahigpit.




0000ooo0000



Oh, Mr. Salvador bakit kulang ng isang clearance? Ilang taon ng nagpapalakad sayo sila Ms. Solis, Mr. Sandoval, Mr. Ching saka Mr. Romero ah, bakit wala ata ang kay Mr. Sandoval?” tanong sakin ng librarian na kaibigan ng aking ina. Tumahimik na lang ako.


Lakad kuwanin mo muna ang kay Edward at baka pag hindi ko nakilala ang maglalakad ng clearance nun eh baka di ko pirmahan.” pahabol nito at wala na akong nagawa kundi ang bumalik kila Pat.



Ilang araw na lang JS na tapos graduation na pero bago yun ay kailangan muna naming ayusin ang clearance sa bawat department ng school, simula elementary lagi nang magkakasabay ang aming clearance kasi marami akong koneksyon sa school, lalo na't halos lahat ng andon ay kaibigan ng nanay ko, kaya naman ngayong kulang ng isa ang nilalakad ko ay marami ang nagtataka.



Di parin ba kayo naguusap?” tanong sakin ni Dave at iling lang ang sinagot ko.


Gusto mo ako na ang kumuwa?” sabat naman ni Pat.



Hayaan mo nang si Migs ang kumuwa.” sabi naman ni Faye na busy sa paglaro ng snake sa kaniyag cellphone. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad palayo, pinuntahan ko ang tambayan nila Edward at ng makita ito ay nagpasya na akong lapitan ang mga ito.



Di paman ako nakakalapit ay masama na ang tingin sakin ni Essa at nakayuko na din si Edward, nagbuntong hininga ulit ako.


Hinahanap ni Ms. Sosa ang clearance mo, isabay mo nadin daw sakin.” sabi ko kay Edward, nagpalitan naman ng tingin ang magbabarkada at nang ibigay ni Edward ang clearance nito sakin ay nagsigawan ang mga ito.



Uyyyyyyy!” sabay sabay na sabi ng mga ito, umalis na ako at patuloy parin ang mga ito sa pagkanchaw.



Hoy Migs! Bakla ka ba?!” sigaw ng isang babae na hindi ko maikakailang si Essa, napatigil ako sa paglalakad pero di ako humarap sa kanila.


Essa tama na.” sabi ni Edward.



Kasi diba dapat ako ang gagawa niyan kay Edward, dapat mga girlfriend ang nagawa niyan sa mga boyfriend nila hindi ang bestfriend, hindi ang bestfriend na LALAKI.” sabi ni Essa na ikinahagalpak naman ng tawa ng barkada niya, humarap ulit ako sa kanila, tinignan ko si Edward, nagiintay at nagbabakasakaling ipagtanggol ako ngayon ni Edward, nagbabakasakaling ipaglaban naman niya ang meron kami, pero hindi ito gumalaw ni hindi ito nagsalita. Lumapit na ulit ako kay Edward at inabot ang clearance pabalik sa kaniya.



Tama siya.” mahina kong sabi kay Edward saka naglakad palayo.


Migs.”



Miggy boy! Ok ka lang?” tanong sakin ni Pat mula sa drivers seat, napansin siguro na tahimik lang ako, tumango lang ako bilang sagot.



Wag ka na kasing KJ, akala ko ba nagbago ka na?” sabi uli ni Pat na lalo ko namang ikinatahimik, marahil ay napansin ni Edward ito.



Pat, drop it, ok? Sumama na nga yung tao eh.” tinignan ni Pat si Edward mula sa rearview mirror ng masama.



Pagdating na pagdating namin sa resort ng kakalase naming si Ace ay pare-pareho kaming nagulat sa laki at ganda nito at sabay sabay din silang napatingin sakin.



Parang ibinalik ako sa isang panahon na pilit kong kinalimutan ang pilit kong iniiwasan, ang panahon na ilang beses ko ring iniyakan.



Itutuloy.... 

6 comments:

  1. As usual migs... bitin!!! Adiktus ang kwento mo na to! Next chapter na hehehe!

    ReplyDelete
  2. migs... i hope happy ending kayo ni edward... kung di man si edward... sana happy ka na ngayon. you deserve to be happy... but you have to let go first. :)

    r3B3L^+ion

    ReplyDelete
  3. kaasar..... kung kelan nasa kasarapan tapos bibitinin... HAHAHA.... next chapter na... please... Idol ang galing mo!!!

    -Thokun

    ReplyDelete
  4. ka excite nman 2 story na to!!.
    sna pu lagI my update =))

    ReplyDelete
  5. nxt na po. excited na rin ako. :))

    ReplyDelete
  6. iiiih saltik sa kabitinana naman ako kung what ba ang nangyari sa kanila ni mig?

    but defenitely good story i love reading it.... sana mapost na agad yung continuation ng story please please please hehehehe...

    ReplyDelete