Tuesday, January 31, 2012

Taking Chances 20

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Magandanag babae ang ina ni Chris, hindi nakakapagtaka kung saan nakuwa ni Chris ang gwapo nitong mukha pero hindi rin maikakaila ni Chino na dito rin nakuwa ni Chris ang pagiging arogante nito. Nakataas parin ang kilay nitong tinulak patabi si Chino para kahit wala man lang nagimbita sa kaniya papasok ay makakapasok naman siya ng pinto, tila naman nainsulto sa ginawang ito ng ina ni Chris si Chino, dahil kagigising lang din ay napagpasiyahan niyang wag magpatalo sa matanda. Tinignan niya ng masama si Chris, si Chris naman ay nagbato sa kaniya ng nangungusap na tingin.


The place looks good. Who's your interior designer?” tanong ng matanda, napangiti si Chino sa sarili niya dahil ine-expect niya na kapag nagsalita ito ay boses ni Bella Flores ang lalabas sa mga bibig nito.


I designed the place myself, Ms---” pabitin ni Chino bilang sabi na hindi niya alam kung anong itatawag niya sa matanda.


Amanda. Call me Amanda.” sagot ng matanda sabay tingin ulit kay Chino. Agad na nakaramdam ng kaunting kaba si Chino.


No wonder the place looks gay.” pasaring ng matanda kay Chino, napalunok si Chino habang si Chris naman ay kinakabahang nakayuko sa isang tabi, bahag ang buntot.


Thank you, Amanda.” balik ni Chino. Nagtaas ulit ng kilay ang matanda.


Why don't we all take a seat.” singit ni Chris pero walang pumansin sa kaniya.


What did you do to my son? Why is he so in love with you?” taas kilay paring tanong ng matanda kay Chino, nagtaas ng kilay si Chino bilang tugon sa matanda.


I didn't do anything to your son, Amanda. Actually, I don't want to do anything with him then because he's such an asshole but eventually I started liking him, asshole or not, your son is actually sweet when he wants to be, an attitude that I'm sure he didn't get from you.” malamig na balik ni Chino sa matanda habang inaanyayahan itong umupo sa sofa. Lalong tumaas ang kilay ng matanda. Napa singhap si Chris sa sinabing iyon ni Chino at mukhang malapit ng umiyak.


And what made you say that?” malamig na balik ng matanda.


Because you have been nothing but a first class bitch for the last 5 minutes that you're here.” malamig na sagot ni Chino, pilit na tinutumbasan ang pagiging malamig ng matanda.


Saglit na natigilan ang tatlo, si Amanda at si Chino ay tila ba nakikipagpaligsahan sa pakikipagtitigan, si Chris naman ay hindi parin mapakali, miya mo nangangati ang puwitan nito habang nakaupo. Ilang saglit pang tumahimik ang buong kuwarto, magsasalita na sana si Chris para mabawasan ng konti ang tensyon nang biglang tumawa ang kaniyang ina.


Nagulat si Chris sa pagtawa na iyon, pati rin si Chino, dahil puno ng kasiyahan ang tawa na iyon, hindi peke at nagulat si Chino dahil mali ulit siya ng akala, akala niya kasi mala Bella Flores din kung tumawa ang matanda.


I like him, Chris.” saad ni Amanda sa kaniyang anak na naguguluhan parin sa mga nangyayari. Sa unang pagkakataon nung umagang iyon ay narinig ni Chino ang malambing na tinig ng isang ina mula sa bibig ni Amanda. Napangiti siya.


Don't be afraid to take some chances.” bulong ng isip ni Chino sabay tingin kay Chris. Wala sa sariling napangiti si Chino nang makita niya ang lalaking marahil nga ay mahal na mahal niya.


Do you want something to drink, Amanda?” saad ni Chino sabay ngiti, nagulat si Amanda at si Chris.


Yes, please.” nakangiti naring sagot ni Amanda. Natigilan si Chris, lalo na ng magkahawak kamay na naglakad ang kaniyang ina at si Chino papuntang kusina. Nang maisip na wala na siyang magagawa ay napailing na lang siya at sumunod na papuntang kusina.


What happened here?” tanong ni Amanda nang makapasok sila ng kusina.


Your son. That's what happened.” umiiling na sabi ni Chino sabay ngiti, nakita niyang nagbaba nanaman ng tingin si Chris dahil sa hiya sa ginawa niyang kalat sa kusina.


I see, alam mo Chino, nagulat nga ako dahil nito lang nung tanungin ako ni Chris kung saan magandang mag-take ng cooking lessons. Tinanong ko kung bakit, sinabi niya it's for someone special to him, now I know kung sino yung someone na sinasabi ng kumag.” humahagikgik na sabi ni Amanda, si Chris naman ay namula at si Chino ay napahagalpak sa tawa.


Well, sa tingin ko hindi successful si Chris sa pagluluto, kung gusto niyo ako na lang ang magluluto.” alok ni Chino, napangiti si Chris at Amanda at miya miya pa ay narinig na nga nila ang pagkalam ng sikmura ni Chris na ikinahagalpak ulit nilang tatlo.



0000ooo0000


Look, Mom, Chino made waffles!” parang batang excited na excited na sabi ni Chris sa kaniyang ina.


Yes, Chris. I think I haven't had waffles for breakfast since---” malungkot na simula ni Amanda agad na natigilan si Chris at nabura ang ngiti sa mukha nito.


Since Dad died.” tapos ni Chris nang makita niya ang nagtatakang tingin ni Chino.


Well, from now on I will cook waffles for breakfast for the both of you.” nakangiting sabi ni Chino, umaasa na kahit papano ay mapapagaang niya ang atmosphere ng kwarto, hindi niya inaasahan ang reaksyon ni Amanda, agad itong tumayo at niyakap siya, naramdaman niya ang marahang paghikbi nito.


You're so sweet, Chino, I'm glad my son found you. Now I know why he's head over heels in love with you.” humihikbi paring sabi ni Amanda. Napahagikgik si Chris.


Excuse her, she has this flair for the theatrics.” humahagikgik ulit na sabi ni Chris habang nilalantakan ang may limang waffles ata ng sabay sabay. Agad na binalot ng hagalpakan muli ang buong kusina.


0000ooo0000


Nagulat si Chino nang biglang sumulpot si Amanda sa kaniyang tabi habang nagliligpit siya ng pinagkainan, ayaw niya sanang maiwan magisa kasama ito pero inatake ng pagsakit ng tiyan si Chris kaya't wala na siyang nagawa. Tinignan niya si Amanda, nahuli niya itong pinapanood ang bawat galaw niya.


Do you love my son, Chino?” tanong ni Amanda, saglit na natigilan si Chino.



Alam niya sa sarili niya na mahal niya si Chris pero hindi pa siya handa na ipagsigawan iyon, natatakot kasi siya na baka masaktan nanaman siya tulad nang nangyari noong nalaman niya ang ginawa nito kasama si Rhoda, pero may kakaiba sa mga tingin ni Amanda na hindi niya matanggihan. Wala sa sarili siyang napatango bilang sagot.


What? I didn't hear your answer, Chino.” pangungulit ni Amanda, di parin makapaniwala si Chino kung gaano kapareho nito ang kaniyang anak.


I love him, Amanda.” walang pagaalinlangang sagot ni Chino, hindi niya napansing bumalik na si Chris at mataman na siyang pinapanood, narinig lahat ng pagamin kanina ni Chino, pero may isang bagay na pumipigil kay Chris para magdiwang at iyon ang kaniyang aalamin.


Then is it OK if I ask you to kiss him in front of me?” nanunubok na sabi ni Amanda. Agad na napatalikod si Chino at nagulat nang andun sa Chris, namula siya sa pagkapahiya dahil sigurado siyang narinig nito ang pagamin kanina. Nakayuko siyang lumapit kay Chris.


Saglit na nagtama ang tingin nilang dalawa nang makalapit na si Chino, sapat na lapit para magsalubong ang mga labi nila.


Chino, you don't have to prove anything---” simulang pag-alo ni Chris.


Shhh.” saway ni Chino kay Chris para tumahimik ito, inabot ni Chino ang labi nito atsaka tumuon para ang labi naman niya ang dumampi sa malalambot at mapupulang labi ni Chris.



There it is. My magic and fireworks.” bulong ni Chino sa kanyang sarili habang sinasamsam niya ang halik na iyon. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay saglit ulit silang nagtitigan, ilang saglit lang ay pareho na silang napangiti.


I love you, Chino.” bulong ni Chris sabay dikit ng kaniyang noo sa noo ng huli. Saglit na natigilan si Chino.


I love you too, Chris.” nahihiyang balik ni Chino, lumatay sa mukha ni Chris ang isang ngiti.


OOKKAAAYYYY! My job here is done! I'll see you two later! Chris, don't lose this one, I like him.” sabi ni Amanda na may kakaiba ring ngiti sa kaniyang mukha. Maglalakad na sana ang dalawa para ihatid ang matanda sa may sasakyan nito nang magsalita ulit ito.


Oh and Chris, sabi ko naman sayo di na kailangan ng tulong ko para malaman mo kung mahal ka ni Chino o hindi eh.” sabi ni Amanda, agad na napatingin si Chino kay Chris, si Chris naman ay di matawaran ang pamumula.


Nang makasakay na si Amanda sa kaniyang sasakyan at nang makaliko na ito sa kanto at pareho na nila Chris at Chino hindi makita ang sasakyan ay agad na humarap si Chino kay Chris, di matawaran ang pagkainis na makikita sa mata nito kaya't agad namang kinabahan si Chris.


YOU ASKED YOUR MOTHER TO SCARE ME SO THAT I CAN TELL YOU HOW I REALLY FEEL?!” nanggagalaiting tanong ni Chino habang tinutusok ng hintuturo niya ang matipunong dibdib ni Chris.


It worked.” maangas na balik ni Chris sabay kibit balikat.


And what if I take all I said back?!” tanong nanaman ni Chino, napangiti na lang si Chris.


I know you wouldn't.” maangas paring balik ni Chris sabay upo sa sofa.


And why is that.” taas kilay na tanong ni Chino.


Because you love me.” nakangiting asong sagot ni Chris, pinigilan ni Chino ang sarili na mapangiti.


Asshole!” singhal ni Chino, binuksan ni Chris ang TV at tinapik ang espasyo sa pagitan ng kaniyang mga paa, nagsasaad ng paanyaya niya kay Chino na doon maupo. Di na nagmatigas pa si Chino at umupo sa pagitan ng mga hita ni Chris at sumandal sa matipunong dibdib nito.


I love you.” bulong ni Chris sabay halik sa bunbunan ni Chino.


I love you, too.” bulong din ni Chino. Hindi na mabura ang ngiti sa mukha ni Chris pagkatapos nun.


0000ooo0000


Nagising si Chris sa malakas na pagring ng telepono ni Chino. Hindi niya napansin na nakatulog na pala silang dalawa ni Chino sa may sofa. Agad niya itong sinagot para hindi magising pa si Chino, natigilan si Chris sa sinabi ng kausap niya sa kabilang linya. Marahan niyang inalog si Chino, nagising ito at binigyan siya ng isang nagtatakang tingin, sinabi ni Chris na may tumawag sa kaniyang telepono, lalong nagtaka si Chino.


Who was it, Chris?” tanong ni Chino, nakita niyang nangunot ang noo ni Chris.


It's Jed, he's in the hospital---”


Oh my Gawd!” sigaw ni Chino dahil sa pagaalala kay Jed.


He's fine, it's Francis, he said you should go there immediately.” balik ni Chris, agad na tumayo si Chino at magtutungo na sana sa kwarto nang mapansin niyang hindi kumikilos si Chris.


Move it, Chris! We have to go to the hospital. Now!” saad ni Chino.


Jed said that 'you' should go to the hospital not 'we'. ” nahihiyang balik ni Chris. Lumapit si Chino kay Chris at hinalikan ito sa labi.


We will go together, Chris. You're my boyfriend. I need you there.” balik ni Chino na nakapagpabalik ng ngiti sa mukha ni Chris.



0000ooo0000



Nang makalapit sila Chino at Chris sa tapat ng pinto ng kwarto ni Francis ay agad silang natigilan nang makita nila ang mga magulang ni Francis, si Jed at Laura na puno ng luha ang mga mata at pisngi, agad na nanlambot si Chino at nakaramdam ng matinding takot. Ayaw niyang mawala ang kaibigan niya, ayaw niyang mawala si Francis. Tanging ang pagsigaw lang ni Jed ang gumising sa kaniyag nagaalalang isip.


There he is, Mom, Dad, tell him the truth! You owe him the truth! You've caused Francis and Chino pain and they are nothing but sweet, caring and loving towards you guys! You owe Chino the truth!”


Hindi maintindihan ni Chino ang mga sinasabi ni Jed at kung bakit ito nanggagalaiti sa galit, ang tangi niya lang gusto ay malaman kung ano ang nangyari sa kaniyang kaibigan na si Francis. Tatanungin na sana niya ang lagay ng kaibigan nang magsalita ang ama ni Francis.


This is all our fault, Chino---” umiiling na sabi ng matandang lalaki pero hindi na nito maituloy ang sasabihin dahil napangunahan na ito ng paghikbi.


The day I told you about the wedding, hijo, I swear, di ko alam na may relasyon pala kayo ni Francis, nagulat na lang kami nang biglang umuwi si Francis na malungkot at hindi namin makausap ng maayos---”


That's because Chino thought that Francis cheated on him, he thought that Francis betrayed him and never talked to Francis again! That's why Francis was so down, Ma!” singit ni Jed, nanggagalaiti parin ito sa galit habang pinagdudugtong dugtong ang mga nangyari.


I swear! I didn't know!” depensa ng ina ni Francis sa kaniyang sarili.


Yes, you didn't, pero may ideya na kayo! Aminin mo, Ma! Let's stop with the charades! You've done enough damage already! You were always this manipulative, Ma! You've thrown me out of the house when I said I'm not going to marry Bea and you practically have Francis on an arranged marriage without him knowing! May ideya ka na sa maaaring totoong relasyon ni Chino at Francis pero mas pinili mong wag munang kausapin sila tungkol dito at sa halip ipinagpatuloy mo parin ang pagpapakasal kay Francis at Laura!” sumbat ni Jed sa kaniyang ina.


Natigilan ang matandang babae na lalong humagulgol sa kakaiyak, indikasyon na lahat ng isinumbat ng kaniyang anak ay totoo. Hindi makapagsalita si Chino, tila napako siya sa kaniyang kinatatayuan.


Chino, hijo, we're so sorry. Francis didn't know about the wedding, akala niya kinakapatid niya lang si Laura, hindi niya maintidihan kung bakit ka biglang lumayo sa kaniya, nasaktan siya, akala niya may nagawa siyang mali and after a month nalaman niya ang about sa engagement nila ni Laura, nagalit siya samin, nagkasagutan kami ng mga tita mo and then he told us about your relationship, di kami makapaniwala nung una, dun pa lang naisip na namin na mali ang aming nagawa and that we haven't learn a thing sa mga nangyari kay Gerard at inuulit pa namin ang mga iyon sa aming bunso.” amin ng matandang lalaki habang inaalo nito ang kaniyang asawa.


Yun din yung gabi na nagmamadali siyang makausap ka, Chino, gusto niyang i-explain sayo lahat ng nangyari, gusto niyang sabihin na hindi ka niya niloko, pero hindi na siya nakaabot sayo dahil sa aksidente, Chino.”


Nanlambot si Chino, halos mapaupo na ito sa sahig sa mga nalaman, buti na lang at naka abang si Chris sa kaniyang likod at inalalayan siya para makatayo ng daretso. Nanlulumo rin si Chris sa kaniyang mga narinig, ibig sabihin nun, hindi sinaktan ni Francis si Chino tulad ng akala nito, alam niyang malaki ang pag-asang magkabalikan ang dalawa kung sakaling ipaglaban ni Francis ang pagmamahal niya dito kung sakaling nagising siya.


Tumatakbo sa isip ni Chino ang pagmamatigas niya sa loob ng isang buwan kay Francis, hindi siya nakipagusap dito kahit gaanong pagmamakaawa ang gawin ng huli, ngayon nagsisisis siya kung bakit hindi niya pinakinggan noon ang kaibigan. Naiinis siya sa sarili, nagagalit siya sa mga magulang ni Francis at ngayon naiinis siya kasi wala na siyang magawa. Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Chris sa kaniyang mga balikat na tila ba nagpapapansin na andun lang siya para sa kaniya, wala sa sariling isinandal ni Chino ang kaniyang sarili sa matipunong dibdib ni Chris. Naramdman niya ang pagtibok ng puso nito.


Why tell me all these things now?” nanginginig na tanong ni Chino, di alam kung ano ang maaaring isagot ng kaniyang mga kausap.


Francis is awake, Chino. He's asking for you that's why we want you to know the truth first before you talk to him. Before you tell him about your relationship with Chris.” umiiling at naluluhang sagot ni Jed habang ang dalawang matanda ay nagulat sa sinabi ng kanilang panganay na anak.


Look what you've done, Ma! Akala ni Chino that Francis has nothing more to offer him other than friendship and he settled with that, looked for someone else to love, he found Chris, who, by the way loves Chino as much as he loves his own life! Ngayon, pano mo i-e-explain sa kagigising palang na si Francis na wala na siyang babalikan? Na huli na ang lahat para sa kanila ni Chino?! You're so caught up with your manipulative ways that you missed all the consequences!” sumbat ulit ni Jed.


Tila naman nabingi na si Chino sa pagsusumbat ni Jed sa kaniyang mga magulang at walang ibang pumasok sa kaniyang isip kundi ang kung ano ang gagawin niya. Napatingin siya kay Chris na masuyong nakaalalay sa kaniya at nakikinig sa mga panunumbat ni Jed sa kaniyang mga magulang at sa pinto ni Francis na masuyo namang nagiintay sa kaniya.


Kailangan niyang mamili.


It's time for me to take my chances again.” bulong ng isip ni Chino habang nagpapabalik balik parin ang tingin niya kay Chris at sa pinto ng kwarto ni Francis. Hindi nagtagal at kumawala na siya sa umaalalay na mga kamay ni Chris at mabagal na naglakad papasok sa kwarto ni Francis.









___________________________
Taking Chances 20
by: Migs

Saturday, January 28, 2012

Taking Chances 19

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Napansin ni Chris na tahimik parin si Chino habang bumibiyahe sila pauwi. Naisip niya rin na kung siya rin naman ang gaganun ng katulad ni Laura ay baka matahimik din siya at baka magisip din ng malalim, lalo na sa sitwasyon ni Chino kung saan hindi alam ng mga magulang ni Francis ang tungkol sa naging relasyon ng mga ito dahil sa takot ni Francis na ipagtabuyan siya ng kaniyang mga magulang, dumagdag pa sa panggulo si Laura na alam man ang totoong sexual orientation ni Chino ay mukha naman walang alam sa naging relasyon ni Francis at ni Chino.



Sinusulyap sulyapan ni Chris si Chino, ayaw niyang nagkakaganito ang tong kaniyang pinapahalagahan.



Sooo?” simula ni Chris, tila naman nagising si Chino sa kaniyang malalim na pagiisip.


So what?” tanong ni Chino.


Are we boyfriends now?” tanong ni Chris sabay taas baba ng kilay niya. Napailing si Chino.


We're going to take it slow like before, Chris.”


But we already had it slow, can we go fast this time?” taas babang kilay ulit na tanong ni Chris, di naman mapigilan ni Chino ang mapahagalpak sa tawa lalo na ng maisip niyang may iba pang kahulugan ang tanong na iyon ni Chris.


No! We will still take it slow and see where this thing is going to take us.” diin ni Chino, napairap naman si Chris.


We already now where this is going to take us, Chino. We're in love, we're attracted to each other, we even want to make children here in my car now, for pete's sake!” ubos pasensya ng balik ni Chris, hindi niya maintindihan kung ano pa ang pumipigil kay Chino.


What the hell?! You and your perverted brain! We will take it slow and besides, hindi ka pa bumabawi sa ginawa mong pangga-gago sakin noon no!” singhal ni Chino, napasimangot naman si Chris.


Fine! We will take it slow but I want to have sex later!” sigaw ni Chris na ikinanganga naman sa gulat at sa hindi pagkapaniwala ni Chino.


I demand a rough and steamy sex!” sigaw ulit ni Chris sabay tapik sa manibela na tila ba nakaisip siya ng isang magandang ideya.


Asshole!” di parin makapaniwalang saad ni Chino habang si Chris naman ay humahagikgik.



0000ooo0000



I said no!” sigaw ulit ni Chino sa nangungulit na si Chris. Ayaw niya itong papasukin ng bahay dahil sa takot na ipilit ni Chris ang gusto nitong mangyaring sex at sa takot din na baka bumigay siya sa pangungulit nito.


Why the hell not?! I just want to look at your new place!” balik ni Chris, naguguluhan sa mga ikinikilos ni Chino.


NO! You can see it some other time and besides it's late---” simula ni Chino sabay tingin sa kaniyang relos, ito naman ang iniintay ni Chris kaya't agad niyang itinulak ang pinto, halos mawalan ng balanse si Chino buti na lang at bago ito mabuwal ay nasalo na siya ni Chris.


Asshole!”


0000ooo0000



Nice place!” puri ni Chris nang makita ang bagong apartment ni Chino, tinitignan naman siya ng masama ng huli.


That couch looks comfy.” bulalas ulit ni Chris sabay upo, abot sa remote at nood ng tv.


Nice TV!” excited na sabi ni Chris, napairap naman si Chino lalo na nang makita niyang baka matagalan pa bago umalis si Chris dahil nakita niya ang pinapanood nito, basketball, at ngayon alam na niyang imposible na ngayong mapaalis niya ito.


I'm going to take a shower, once the game hit half break you haul your ass out of here!” singhal ni Chino habang si Chris naman ay tila walang narinig.



0000ooo0000


Nang matapos nang mag-shower si Chino ay napansin niyang wala ng ingay na nanggagaling sa speaker ng tv sa may sala. Napangiti siya dahil alam niyang makakatulog na siya ng maayos lalo na't wala na si Chris, pero laking gulat niya nang makalapit siya sa sala at nakarinig siya ng mahinang paghilik.



Si Chris, natutulog sa sofa.


Asshole!” singhal ulit ni Chino sabay lakad papuntang kwarto para matulog na, hindi niya narinig ang mahinang paghagikgik ni Chris.



Nang magumaga ay nakaramdam ng kakaibang saya si Chino, noon lang kasi siya nakatulog ng ganung kahimbing, madalas noong nakalipas na limang buwan ay pagising-gising siya sa kalagitnaan ng tulog at madalas napupuyat. Pero ang sayang iyon na kaniyang nararamdaman ay agad napalitan ng gulat at pagkainis lalo pa nang maramdaman niya ang pagtusok ng isang matigas na bagay sa hati ng kaniyang puwit.


CHRISSSS!!!”


0000ooo0000



Sabay- sabay na nagulat si Dom at kaniyang mga staff nang makarinig ng pagsisigawan sa gawi ng bukana ng tent. Hindi nagkamali si Dom sa pagiisip kung kaninong boses ang kanilang naririnig nang bumulaga si Chino at Chris.



You did that on purpose, don't mess with me!” singhal ni Chino.


The couch doesn't feel comfy as it looks!” balik singhal ni Chris.


Edi sana umuwi ka na lang at sa bahay niyo natulog!”


At three in the morning, are you nuts?!”


I'd rather have you on an accident than poking me in the back while sleeping!”


It was Morning wo---”


OKAY! We have no time to talk about your marital issues, guys, we have to finish the shoot!” sigaw ni Dom, saktong sakto ang pagsingit nito dahil sa takot na baka kung ano pa ang mailantad ng dalawa tungkol sa kamunduhang nangyari sa kanila habang nagaaway.


You are so going to pay for that!” singhal ni Chino kay Chris.



0000ooo0000



Dammit, Chris, we're working!” singhal ni Chino kay Chris na mapansing wala itong ginawa kundi kuwanan siya ng candid shots.


The models are not ready yet.” simpleng sagot naman ni Chris.


Well--- they will be in a minute---”


Where do you want to have dinner later?” biglang tanong ni Chris.


Wha---?”


There's this restobar in Ortigas that I would like to go to, what do you say?” tanong ulit ni Chris habang si Chino naman ay pinupruseso pa ang mga sinasabi ni Chris.


Isn't Ortigas a little bit too fa—-”


Great! It's a date then! It's perfect! After we go see Francis I can bring you home then go home myself and start packing.” tuloy tuloy paring sabi ni Chris habang kinukuwanan ng mga candid photos si Chino at habang si Chino naman ay naguguluhan at gulat na gulat paring pinuproseso ang mga sinasabi ni Chris.


S-start P-packing?” parang eng eng na tanong ni Chino.


Yes, I have to pack my things, clothes and those that are important first then I can bring some of the furniture for your apartment if you want and have the rest be put on sale or something.” kaswal na sagot ni Chris habang kinakalikot ang kaniyang camera.


Wait. WHAT?!” sigaw ni Chino nang sa wakas ay nakuwa na nito ang ipinapahiwatig ni Chris.


I'm going to move in with you, you know, since we're boyfriends and all, I can help you with the rent or I can shoulder it and you can pay for---”


YOU. ARE. NOT. MOVING. IN. WITH. ME.” diin ni Chino na nakakuwa ng atensyon ng lahat ng tao sa paligid.


Why?” tila ba dismayadong tanong ni Chris, nakita naman ni Chino na tila ba nasaktan si Chris sa sinabi niyang yun, binibigyan siya nito ngayon ng tingin na madalas ibigay ng mga pusang nagmamakaawa.


I mean, Chris, I thought we're going to take this slow?” tanong ulit ni Chino, tila naman naguguluhan si Chris sa sinabi nito.


I-I t-thought you want us to be together again?”


I-I d-do, Chris, but we have to take it slow, I have to see if this is going to work, I don't want to get hurt again, not when there's all kinds of 'Rhoda' around, some in the body of a beautiful model, some---”


I will not hurt you again, Chino.” saglit na nagkatitigan ang dalawa, wala ng iba pang maisagot si Chino at napansin at naramdaman ito ni Chris kaya't nagbigay ito ng isang magiliw na ngiti.


So it's settled then! We'll be moving in together!” sigaw ni Chris na ikinakuha nanaman ng atensyon ng lahat ng tao doon, ang ilan ay gustong pumalapkpak, iba naman ay excited n nagbulungan at ang ilan ay may ngiti sa mga labi nila, tanging si Dom lang ang di makapaniwala at umiiling.


Can we talk about this first?” singhal ulit ni Chino pero mahina lang ito para si Chris lang ang nakakarinig.


We can talk about it, yes, later, maybe, but talking will not do any good now, now that it's official.” tiyak sa sariling sabi ni Chris sabay lingon sa lahat ng taong andun. Napalingon din si Chino at nakita niyang pinaguusapan na ang pagsasama nila ng buong staff.



0000ooo0000



Natutulog pa si Chino nang makarinig siya nang pagkalabog sa front door ng kaniyang inuupahang apartment. Lulugolugo siyang bumangon sa kaniyang kama, tulog pa ang utak niya at wala pa sa kundisyon ang mga kalamnan niya kaya naman kung saan saan na buma-bangga ang katawan niya habang naglalakad papunta sa front door.



Inis na inis si Chino ng buksan niya ang pinto, andun sa harapan niya si Chris na miya mo adik na binigyan ng gramo gramong shabu, napairap na lang si Chino at dahil sa inaantok pa nga ay hindi niya napansin ang ilang malalaking bag at mga kahon sa likod nito.


Chris, it's 6 in the morning! What the hell are you doing here?!”


Wellll---” pabitin ni Chris na lalong ikinainis ni Chino.


Well what?! Well What?!” naiinis na sigaw ulit ni Chino na ikinakaba naman ni Chris.


Ehe, I'm here to cook you breakfast. Geesh! Not a morning person are you?!” umiiling na sabi ni Chris, nagaalangang pinapasok ni Chino ang huli at muling bumalik ng kwarto para matulog ulit, iniisip niya na andun lang si Chris para mangulit, ang hindi niya alam ay ang binabalak ni Chris na paglipat sa apartment nito.



0000ooo0000



Groggy parin si Chino na bumangon ulit ng kama, may nakita siyang kakaiba sa kwarto niya, tila ba dumami ang kalat at nakabukas ng kaunti ang kaniyang aparador, ikinibit balikat niya lang ito dahil sa gutom pero nang makarating siya ng sala para dumaan papuntang kusina ay nagulat siya nang makita ang ilang patong ng kahon na maayos na nakatabi sa may pader.



Agad na nagising ang diwa ni Chino lalo na nang mapansin niyang may pangalan at return address lahat ito ni Chris. Narinig niya ang ilang pagkalabog sa gawi ng kaniyang kusina kasunod nun ay paggising ng kaniyang ilong nang may naamoy siyang katakamtakam na sinundan naman ng malakas na pagpalag ng kaniyang sikmura dahil sa gutom.


Good morning, sleepyhead! I was about to wake you for breakfast.” masayang bati ni Chris na ikinagulat naman ni Chino.


What are you doing here?!” singhal ni Chino.


I live here!” balik ni Chris.


No you don't! I said we will talk about it first before we---” natigilan si Chino at ibinalik niya ang kaniyang tingin sa mga kahon sa sala. Nun niya lang na-realize na naisahan nanaman siya ni Chris.


Naisip ko na hindi mo naman talaga ako papayagang lumipat ng ganun ganun na lang kaya hindi na kita binigyan ng pagkakatong mag effort na magisip kung palilipatin mo ako o hindi at lumipat na ako ng kusa.” nakangiting sagot ni Chris na para bang proud na proud siyang naisahan niya si Chino. Agad na naningkit ang mga mata ni Chino at lumapit sa mga kahon, binuhat niya ang pinakamalapit sa kaniya at laking gulat niya ng mas magaang ito kesa sa inaasahan niya, binuksan niya ang kahon at nagulat na wala itong laman, tinignan niya ang iba ay wala ring laman ang mga ito.


I hope you don't mind, I already got settled in.” nakangiti paring sagot ni Chris.


By saying settled in---” umpisa ni Chino pero si Chris na ang nagtapos na ito.


Yes, I already unpacked my things---”


You did not!” singhal ni Chino sabay takbo pabalik ng kwarto at tinignan ang aparador, laking gulat niya nang makita niya na kaya pala ayaw nang sumara ang kaniyang aparador ay puno na kasi ito ng kaniyang mga damit at mga damit ni Chris at basta na lang nakasalampak ang mga iyon duon.


Agad na nainis si Chino, hindi lang nanghihimasok ngayon si Chris sa kaniyang personal space, ginugulo niya pa lahat ngayon, bilang neat freak ay agad hindi mapakali si Chino at nalulunod na sa sobrang pagkainis.


You immature sonovabitch! I told you that we will talk about this first, didn't we?! Didn't I said we will take this slow?!” singhal ni Chino, kitang kita ni Chris ang pagkainis sa mga mata nito.


But we already had it slow and we already know where this is going to lead so why do we have to wait?--- and besides there is no time.” kinakabahang balik ni Chris agad na nagdikit ang mga kilay nito sa pagtataka.


No time for what?!” singhal ulit ni Chino na lalong ikinakaba ni Chris.


Uhmm, I kinda told someone that I'm moving in with you, my boyfriend and she's expecting me to introduce you to her---”


Wait. What?!”


Chinooooo! Alam mong mahal kita, diba? At mahal mo din ako, diba?” pagpapaligoy-ligoy ni Chris na lalong ikinainis ni Chino.


WHO. DID. YOU. TELL. AND. WHAT. DID. YOU. TELL.THEM.” naiinis na ulit ni Chino.


Uhmmm, I think I just told my mother that we kinda move in together last week and that we are so in love with each other and that we will be partners forever.” kinakabahan ulit na sabi ni Chris.



Natigilan si Chino, kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka na-cute-an at na-touch pa si Chino sa mga sinabi ni Chris pero iba ngayon, nararamdaman ni Chino na nape-pressure si Chris sa mga sinabi nito sa kaniyang ina kaya't nagmadali itong lumipat sa bahay niya at doble ang pressure na iyon sa kaniya, halata niyang natatakot din si Chris sa sasabihin ng kaniyang ina at kung iisipin ni Chinong maigi kung pano lumaki at kung pano ang ugali ni Chris bilang adult ay malamang hindi naiiba ang nanay nito sa kaniya. Sasagot na sana si Chino sa huling sinabi ni Chris nang matigilan siya nang makarinig sila ng katok sa front door.


Sabay na tinungo ni Chris at Chino ang front door at nagaalangang binuksan ni Chris ang pinto.


Ma.” bati ni Chris sa babaeng nakatayo sa harapan nila, agad na nanlaki ang mga mata ni Chino sa gulat at tinignan ang babae na tinawag na 'Ma' ni Chris. Nakataas ang kilay nitong kinikilatis si Chino, napalunok ng sariling laway si Chino. Alam niyang magiging mahaba ang umagang iyon para sa kaniya.



Itutuloy...



_____________________________
Taking Chances 19
by: Migs