Tuesday, January 3, 2012

Taking Chances 9

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Isang buwan na ang lumpias matapos ang eksena sa ferris wheel at lalong nahuhulog ang loob ni Chris kay Chino at wala ring duda na unti-unti naring nahuhulog ang loob ni Chino sa modelo, andyan parin ang paminsan minsang bangayan na kung tatanungin ang mga nakakapanood nito ay pawang away bata lang naman. Madalas si Dom at ang iba pang modelo ang nakakpanood ng mga bangayan na ito at para sa kanila ay hindi ito dapat seryosohin dahil halata namang masyadong gusto ng dalawa ang isa't isa at walang maliit man o malaking pagtatalo ang makakabago nun.


Tigilan mo nga ang kakadala ng gamit ko!” singhal ni Chino nang mapansing dinadala nanaman ni Chris ang gamit niya palabas ng opisina.


Di ka ba nasei-sweet-an?” tanong ni Chris habang tumataas baba ang kilay.


Hindi, ginagawa mo akong babae!” singhal uli ni Chino, naningkit naman ang mata ni Chris, di alintana ng dalawa na pinapanood sila ni Dom na nung panahong iyon ay palabas narin ng opisina.


Hindi lang kita dyan gagawing babae.” bulong ni Chris na hindi masyadong narinig ni Chino dahil abala ito sa pagaayos ng natitira pa niyang gamit na kailangan niyang i-uwi, pero hindi nakaligtas ang bulong na iyon na pawang may iba pang kahulgan kay Dom na humagalpak naman sa tawa dahil nakuwa nito ang may kabastusang kahuligan ng sinabing iyon ni Chris.


What?!” singhal ulit ni Chino na ipinababalik-balik ang tingin kay Chris at Dom habang si Chris naman ay nagta-thumbs-up kay Dom. Nang hindi sumagot si Chris sa tanong na iyon ni Chino ay nagwalk out na ito at iniwan si Chris na umiiling at si Dom na humahagalpak parin sa tawa.


Habang bumababa ang elevator na sinasakyan ni Chino ay di naman niya mapaigilang mapa-isip, sa ngayon ay sanay na siya sa pangiinis ni Chris, normal na sa araw niya ang makakarinig ng biro dito pero ang ikinatataka niya ay kung bakit di na siya ganong naiinis kay Chris, kung maiinis man siya dito ay saglit lang, katulad ngayon, sigurado siya na kapag tumuntong na sa lobby ang lift na iyon ay malamang hahanapin na niya si Chris at hindi na ulit aalis sa tabi nito hanggang makauwi sila ng bahay niya.


Sa kabila ng inis ay napapansin din ni Chino na palihim na natutuwa narin siya sa mga pangiinis nito. Tulad ng nangyari nung isang araw, hindi makapag concentrate si Chino sa ginagawang photo shoot para sa mga female model dahil paulit ulit siyang sinisiko ni Chris ang kaniyang tagiliran.



Chris, stop it! I'm working here.” saway ni Chino dito, nakita ni Chino na umayos ng upo si Chris at nag-pout, halata rin nitong hindi ito nag-e-enjoy at tila ba naboboryo na sa kakaintay sa kaniya. Palihim na napangiti si Chino, inisip niyang seryoso si Chris sa sinabi nitong susunduin siya at ihahatid nito. Nang ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa mga modelong babae ay naramdaman nanaman niya ang paniniko ni Chris, napuno na siya at tumayo sa kaniyang kinauupuan at lumipat sa tabi ni Dom.


Nangiinis nanaman?” tanong ni Dom.


Daig ko pa may inaalagaang anak.” umiiling na sagot ni Chino na ikinatawa naman ni Dom nang sulyapan ng dalawa si Chris ay nakita nilang nakasimangot ito at tinitignan sila ng masama. Bumalik sa pagtra-trabaho si Chino at Dom at hindi na pinansin pa si Chris pero imposible yun nang may tumamang isang ini-rolyong papel sa bunbunan Chino, tinignan niya ng masama si Chris. Nasimula ng humagikgik si Dom.


That immature sonovabitch!” singhal ni Chino, nakita niyang nakangiti na si Chris at tila ba proud na proud sa kaniyang accomplishment sa pangiinis. Di na niya ito pinansin ulit at itinuon na ang pansin sa kaniyang ginagawa.



Lumpias ang isang oras at malapit ng matapos ang kanilang shoot, nakalimampung nirolyong papel na ata ang tumama sa bunbunan ni Chino at natutunan na niya itong hindi pansinin nung magtagal, pero nang may tumamang papel sa bunbunan ni Dom ay patayo na sana siya para pagsasapakin si Chris nang pigilan siya ni Dom.


What? I've had enough of that moron!” singhal ni Chino at sinubukang hawiin ang kamay ni Dom na pumipigil sa kaniya. Napansin niyang ibinubuka ni Dom ang naka-rolyong papel at pinabasa sa kaniya ang nakasulat doon.



Dom, Leave MY Chino alone! Hmpft!” pinigilan ni Chino ang mapangiti nang mabasa iyong note na iyon, agad agad ay nabura lahat ng kaniyang pagkainis sa simpleng mga salitang iyon, yumuko si Dom at ibinuka rin sa pagkakarolyo ang iba pang papel na ibinato ni Chris kay Chino at nang mabasa nila yun ay pareho na silang napangiti ni Dom.




Chris hearts Chino”



Yun ang paulit ulit na nakasulat sa may sampung nakarolyong papael na ibinato ni Chris kay Chino, tinignan ni Chino si Chris at nakita niya itong namumula at nakayuko at seryosong seryoso sa pagpapanggap na hindi siya ang bumato ng mga papel na iyon.



Bet you're already falling for the moron slash immature sonovabicth now, huh?” tanong ni Dom sabay taas baba ng kilay. Agad na itinago ni Chino ang malaking ngiti sa kaniyang mukha.



What are you talking about, Dom? Chris is not even my type!” pagtanggi ni Chino kahit na alam niyang huling huli naman siya ni Dom.



Whatever.”



0000ooo0000



Nang matapos ang photo shoot ay agad na sumunod si Chris kay Chino at inagaw dito ang mga malalaking bag nito. Tinignan siya ng masama ni Chino, agad siyang nagtaka kung bakit mainit nanaman ang dugo sa kaniya ni Chino. Oo, alam iyang may pagka-immature ang ginawa niya kanina pero gustong gusto niyang asa kaniya lang ang atensyon ni Chino at gusto niya ring maiparating dito ang nararamdaman niya at wala siyang alam na ibang paraan para iparating iyon at makuwa ang atensyon ni Chino kundi sa pangiinis.



Di maganda yung ginawa mo kanina, Chris.” sabi ni Chino sabay tiklop ng mga kamay sa kaniyang dibdib upang maiparating kay Chris na hindi siya natutuwa sa ginawa nito kahit pa sa loob niya ay kinikilig siya.



But you were ignoring me the whole time!” parang batang palusot ni Chris, itinago ni Chino ang kaniyang ngiti.



Did you just whine?!” naiiling na sabi ni Chino at hindi na napigilan ang pagngiti, nang makita ni Chris ang ngiting iyon ay nalaman niyang hindi talaga galit si Chino sa kaniya.



Besides, Chris, I'm working, kung alam ko lang na ganyan ka sana hindi na kita pinayagang sumama sa mga photo shoot.”



Chiiiinnnnoooo! I was bored to death and besides that's the only way to keep my eyes away from those bikini clad models.” nangingiting sagot ni Chris, tinitignan niya kung kakagatin ni Chino ang pangiinis niyang ito. Saglit na natigilan si Chino, alam niyang attracted parin si Chris sa mga babae, kundi siya nagkakamali ay bisexual ang tamang termino sa mga katulad nito. Agad siyang di napalagay nang maisip na kaya lamang inililihis na pilit ni Chris ang kaniyang pansin kay Chino ay para hindi nito mapagtuunan ang pansin ang mga naggagandagan at negseseksihang babaeng modelo. Pinagmasdan ni Chris si Chino, alam nitong nakuwa niya ang gusto niyang epekto sa pangiinis na iyon kay Chino.



Yun naman pala eh, kung nase-seksihan ka at nagagandahan ka sa kanila sana hindi mo na sinayang ang oras mo sa pagsusulat ng 'chris hearts chino' baka nakaswerte ka pa.” naiinis pero kinakabahang sabi ni Chino. Kinakabahan dahi baka konting tulak niya lang kay Chris ay bumigay ito at talikuran na siya ng tuluyan.



Noon sumagi sa isip ni Chino na gusto narin niya si Chris at maaaring nahuhulog na nga ang loob niya dito. Ngayon, di na lang siya kinabahan, nagsimula narin siyang matakot, matakot dahil ayaw na niyang masaktan ulit.



...don't be afraid to take some chances.” bulong ng isip ni Chino na ume-echo sa madalas ipaalala sa kaniya noon ni Francis.



But I don't like them, I hate superficial bitches, I'd rather be involved with someone who's simple, sweet, humble but feisty.” biglang bawi ni Chris nang mapansin nitong nagsisimula ng magiba ang reaksyon ni Chino sa kaniyang biro.



Well then look for some girl who is simple, sweet, humble but feisty.” singhal ni Chino, hindi niya sinasadyang suminghal pero hindi niya ito mapigilan.



What the hell are you doing Chino?! You're pushing him away again. Papa Lord, sana po hindi seryososhin ni Chris ang sinabi ko.” dikta ng isip ni Chino. Ipinagdadasal na sana makuwa ni Chris na biro lang ang sinabi niyang iyon.




I think I don't have to look somewhere else, I think I already found HIM.” sagot ni Chris sabay ngiti kay Chino, naramdaman ni Chino na namula ang kanyang mga pisngi at ang pamilyar na sensasyon ng kilig sa kaniyang sistema. Napangiti si Chris sa nakitang pamumula ni Chino at agad niya itong inakbayan.




I'm hungry, babe. Let's eat and leave those superficial bitches behind.” nakangiting aya ni Chris kay Chino habang naka-akbay paring naglalakad papunta sa kaniyang sasakyan.



You didn't just call me babe!” singhal ni Chino, agad nanaman siyang ibinalot ng inis.



I think babe is cute.” nakangiting asong balik ni Chris.



Babe is a pig's name.” balik ni Chino na ikinahagalpak ni Chris.



Doesn't matter babe—-” tumatawa paring balik ni Chris.



Stop calling me 'babe' you immature sonovabitch!”



Hindi na nakalimutan ni Chris ang tawagin siyang babe simula nung araw na iyon nang magtagal naiinis man si Chino sa tawag na iyon sa kaniya ni Chris ay wala narin siyang nagawa, may kakaibang paraan ng pagpapakita si Chris kung gano niya kagusto ang isang tao at para kay Chino ay effective ito. Tulad ng kakaibang pagpapakita ng pagkagusto, may kakaiba ring paraan ng paga-angat ng self esteem ni Chino si Chris...



Matapos bisitahin ni Chino si Francis sa ospital isang gabi ay naisipan niyang bumili ng kape para naman kahit papano ay mabawasan ang stress na kaniyang nararamdaman. May photo shoot si Chris at napagusapan nilang sa ospital na lang sila magkikita, itinext niya ito at sinabing asa coffee shop siya at bumibili ng kape at doon na lang sila magkita, pumayag naman si Chris at sinabing malapit na siya doon.



Abala si Chino sa pagiintay ng kaniyang kape ng makita siya ng isang lalaki na malapit din ang loob sa kaniya.



Chino?” tawag sa kaniya ng lalaki na namukhaan naman agad ni Chino.



Jed?!” sigaw ni Chino sabay yakap dito.



Kamusta na Chino?” nakangiting tanong ng nakatatandang kapatid ni Francis na nakabase sa ibang bansa. Katulad ni Francis ay may maamong mukha si Jed or Gerard sa kaniyang mga magulang, matikas din ang pangangatawan nito at may katangkaran kumpara kay Francis at Chino.



OK lang, eto iniintay parin siyang magising. Ikaw kamusta? Kailan ka pa umuwi! Sana tinawagan mo ako.”



Kanina lang ako umuwi.” sagot ni Jed sabay kusot ng kaniyang mga mata.



Ganun ba? Kumain ka na ba? San ka tutuloy niyan?” nagaalalang tanong ni Chino, alam niya kasing hindi nito kasundo ang mg magulang nila ni Francis, pinalayas siya ng mga ito nang malamang hindi babae ang karelasyon niya.


Sa hotel malapit dito sa hospital, yup, kakakain ko lang, gusto ko lang mag-coffee para hanggang matapos yung visiting hours makasama ako ni Francis.” naluluhang sagot ni Jed.



Everything's going to be OK, I'm sure he'll get out of it.” muling niyakap ni Chino si Jed matapos niyang sabihin iyon. Tinawag na ng barista ang kanilang mga order kaya't saglit silang natahimik.



Hey, why don't you stay with me while you're still here? Mahal din ang hotel ah.” alok ni Chino. Umiling naman si Jed pero agad na niyakap ni Chino si Jed upang ipaalam dito na OK lang talaga sa kaniya.



Thank you, Chino.” sagot ni Jed sabay sinuklian ng mahigpit na yakap ang mga yakap ni Chino.




Sa ganitong tagpo sila naabutan ni Chris.



Ehem.” bungad ni Chris, tila naman hindi siya napansin ng dalawang lalaki na mahigpit paring nagyayakapan, nakaangkla ang mga ulo sa balikat ng bawat isa at nakapikit na tila ba sinusulit ang pagyayakapan na iyon.



EHEM!” ulit ni Chris, dun na naghiwalay ang mga katawan nila Jed at Chino.



Chris, andito ka na pala---”



Obviously.” bulong ni Chris sabay simangot.



Chris I would like you to meet Jed, Francis' older brother, Jed, Chris my fr---”



I'm Chris, his boyfriend.” singit ni Chris na ikinagulat ni Chino, agad na nagdikit ang mga kilay ni Jed, lalong kumunot ang noo ni Jed nang magsimulang magpanic si Chino at malakas na sinuntok si Chris sa braso nito.



You douche! He's just kidding, Jed, Chris here and I are just friends.” paglilinaw ni Chino, lalong napasimangot si Chris.



Hi Chris, nice to meet you.” singit ni Jed sabay abot ng kamay kay Chris. Tinignan lang ni Chris ang inaalok nitong kamay. Agad namang nahiya si Chino sa kinikilos ni Chris.



Chris, can we talk for a second? Excuse us.” tanong ni Chris sabay excuse kay Jed.



Nang makalabas si Chino at Chris ay agad na sininghalan ni Chino ang modelo.




What the hell is your problem?!”


Friends?! JUST FRIENDS?!” balik singhal ni Chris, namula naman si Chino.


We're not exactly boyfriends yet.” nahihiyang paliwanag ni Chino.


Well I would like to be introduced as your boyfriend to that guy.” turo ni Chris sa loob ng coffee shop.


What?! Why?!”


Well, he's totally into you.” natitiyak na sagot ni Chris sabay tiklop ng mga kamay sa dibdib.


No he's not! We're just—- we're just close.” sagot ni Chino na ikinairap naman ni Chris.


When will you realize when people are after you?! You're cute dammit! You have a body to die for, a smile that can kill and you're the sweetest person I know! Believe me, Chino, he's into you, I can say by the way he look at you.” sabi ni Chris. Hindi maipaliwanag ni Chino ang kaniyang nararamdaman, alam niyang nagseselos si Chris kay Jed, ang di niya alam ay ang posibilidad na magkagusto si Jed sa kaniya, o kaya naman ang posibilidad na may magkagusto sa kaniya, hindi niya inaasahan ang mga papuring sinabi sa kaniya ni Chris.



T-that's impossible---”


It IS possible. Chino, you may not know how special you are but everyone around you knows, heck, even Ron told me he has a crush on you.” sabi ulit ni Chris na ikinagulat naman ni Chino, si Ron, kapwa modelo ni Chris ang taong kaliwa't kanan ang karelasyong babae, imposibleng magkagusto sa kaniya. Napaisip si Chino.


Look, I'm tired, we will talk about this tomorrow, OK? C'mon, I'll drive you home.” aya ni Chris, agad na kinabahan at natigilan si Chino, naalala niya ang alok kay Jed.


Uhmmm, Chris, I kinda---”


Sa loob ng coffee shop ay malalim ang iniisip ni Jed, di siya makapaniwalang pareho sila ng sexual orientation ng kaibigan ng kaniyang nakababatang kapatid, dati pa siya may gusto dito, ngayon napaisip narin tuloy siya kung ano nga ba ang naging relasyon ni Chino at ng kaniyang kapatid. Iniisip niya ngayon ang maaaring sexual orientation ng kaniyang kapatid ng marinig niya ang isang malakas na sigaw sa labas ng coffee shop na ikinagulat ng lahat ng tao na nandun.



YOU WHAT?!”



Itutuloy...


____________________________
Taking Chances 9
by: Migs

18 comments:

  1. migs... wag mo nang guluhin ang kwento huh! hahaha! okey na si chino and chris, eh bakit may biglang papasok na jed? great migs. really great story. :)

    ReplyDelete
  2. Waaaaah!!!SUNOD NA PO!! Tumayo lahat ng balahibo sa sobrang kilig!!! WAAAAAAh!!! THANK YOU THANK YOU THANK YOU PO KUYA MIGZ!!!:D :D :D :D :D :D

    -->nIx

    ReplyDelete
  3. sheet kala ko ako nakauna sa pagcomment. hehe.. SAYANG! XD

    -->nIx

    ReplyDelete
  4. paano na si francis?...feel sorry for him...ikaw na ang RAPUNZEL CHINO...my francis at chris kna nga, eeksena pa tong si jed...at my crush pa sayo si ron...i bet dom too...ahahaha

    forever francis ako...first love is the sweetest! and he's the one who taught chino to TAKE CHANCES...

    kyle-the silent reader

    ReplyDelete
  5. Winner na Winner pala itong si Chino. Andami may gusto. :)) at selos galore si chris. Ang sweet lang ah...

    ReplyDelete
  6. Nyemas! Ako na kinilig ng bonggang bongga.. Wagi mr. Author award!!! Clap clap ng wagas!

    -jemyro

    ReplyDelete
  7. wow!!!!kakilig ehe .....kay tagal kong hinintay to..pero sulit naman ...:) keep it up mr.author
    sana every other day ung pag post mo para mas exciting.......... thanks:D

    ReplyDelete
  8. “I think I don't have to look somewhere else, I think I already found HIM.”

    Excuse me while I pick myself up from the floor.

    ReplyDelete
  9. Migz, you're a good writer. I like the anecdotes.

    God bless...

    ReplyDelete
  10. hmm. ano kaya ang magiging kahinatnan ng Relasyon nina Chris at Chino?

    paano na kaya kung sakaling magising na si francis? ( sa pagkakatanda ko malabo na ang relasyon ng dalawa bago nangyari ang aksidente..)

    ano kaya ang magiging papel ni jed sa buhay pag-ibig ni chino?

    ang dami kong tanong no? LOL

    ---

    sa dami kung mga tanong.. nagpapatunay lang na ang story mo ay Kabuluhan talaga.. kaya nga inabangan ko ito eh..

    keep it up Migz!

    ReplyDelete
  11. hehehe kiligs..kiligss..kiligssssssssssssss....migs

    ReplyDelete
  12. spell kilig ...


    ITS ME! hehe ... ganda kuya migs! i love it!

    ReplyDelete
  13. anak ng teteng! di ako maka move on! Parang ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang kilig moments ng dalawa! Yong pag aantay ni Chris kay Chino... na sinamahan pa ng mga ibinabatong naka rolyong papel... how could that possibly turned out to be so sweet? iba ka talaga Miggy Boy! But, mas nagiging exciting na ngayon... may mga bagong character at rebelasyon.... aabangan ko kung ano gagawin ni Chris!! Go Chris!!!!

    ReplyDelete
  14. NAKAPG COMMENT RIN AKO!! ahahaha ^.^
    Anubanaman yan. ahihi . bat may jed rin? sayang okey napaman din c chris para kay chino.
    anyways mas exciting sya ngayon.
    ang galing mo talagang magpakilig koya.wahaha yung nakarolyong papel. ^.^
    TEAM CHRINO parin ako, Go CHRISSSS!!

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  15. waahh.. CHINO ikaw na talaga...

    i just love when Chris gets jealous... hahaha

    cuteness, kilgness, sweetness.. hayy.. love this story..

    God bless -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  16. amf! kilig much! hahaha XD nice one =)

    ReplyDelete
  17. And all the small kilig overflowed in this chapter. Hehe ang conyo but that's what I exactly thought after reading. Nice one! :-)

    ReplyDelete
  18. Panalo ito migy boy hangkyut ng takbo nang storya hehehe.. wag mo na sanang guluhin pa ang maligalig na buhay ni Chino hahaha.

    ReplyDelete