Tuesday, January 31, 2012

Taking Chances 20

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Magandanag babae ang ina ni Chris, hindi nakakapagtaka kung saan nakuwa ni Chris ang gwapo nitong mukha pero hindi rin maikakaila ni Chino na dito rin nakuwa ni Chris ang pagiging arogante nito. Nakataas parin ang kilay nitong tinulak patabi si Chino para kahit wala man lang nagimbita sa kaniya papasok ay makakapasok naman siya ng pinto, tila naman nainsulto sa ginawang ito ng ina ni Chris si Chino, dahil kagigising lang din ay napagpasiyahan niyang wag magpatalo sa matanda. Tinignan niya ng masama si Chris, si Chris naman ay nagbato sa kaniya ng nangungusap na tingin.


The place looks good. Who's your interior designer?” tanong ng matanda, napangiti si Chino sa sarili niya dahil ine-expect niya na kapag nagsalita ito ay boses ni Bella Flores ang lalabas sa mga bibig nito.


I designed the place myself, Ms---” pabitin ni Chino bilang sabi na hindi niya alam kung anong itatawag niya sa matanda.


Amanda. Call me Amanda.” sagot ng matanda sabay tingin ulit kay Chino. Agad na nakaramdam ng kaunting kaba si Chino.


No wonder the place looks gay.” pasaring ng matanda kay Chino, napalunok si Chino habang si Chris naman ay kinakabahang nakayuko sa isang tabi, bahag ang buntot.


Thank you, Amanda.” balik ni Chino. Nagtaas ulit ng kilay ang matanda.


Why don't we all take a seat.” singit ni Chris pero walang pumansin sa kaniya.


What did you do to my son? Why is he so in love with you?” taas kilay paring tanong ng matanda kay Chino, nagtaas ng kilay si Chino bilang tugon sa matanda.


I didn't do anything to your son, Amanda. Actually, I don't want to do anything with him then because he's such an asshole but eventually I started liking him, asshole or not, your son is actually sweet when he wants to be, an attitude that I'm sure he didn't get from you.” malamig na balik ni Chino sa matanda habang inaanyayahan itong umupo sa sofa. Lalong tumaas ang kilay ng matanda. Napa singhap si Chris sa sinabing iyon ni Chino at mukhang malapit ng umiyak.


And what made you say that?” malamig na balik ng matanda.


Because you have been nothing but a first class bitch for the last 5 minutes that you're here.” malamig na sagot ni Chino, pilit na tinutumbasan ang pagiging malamig ng matanda.


Saglit na natigilan ang tatlo, si Amanda at si Chino ay tila ba nakikipagpaligsahan sa pakikipagtitigan, si Chris naman ay hindi parin mapakali, miya mo nangangati ang puwitan nito habang nakaupo. Ilang saglit pang tumahimik ang buong kuwarto, magsasalita na sana si Chris para mabawasan ng konti ang tensyon nang biglang tumawa ang kaniyang ina.


Nagulat si Chris sa pagtawa na iyon, pati rin si Chino, dahil puno ng kasiyahan ang tawa na iyon, hindi peke at nagulat si Chino dahil mali ulit siya ng akala, akala niya kasi mala Bella Flores din kung tumawa ang matanda.


I like him, Chris.” saad ni Amanda sa kaniyang anak na naguguluhan parin sa mga nangyayari. Sa unang pagkakataon nung umagang iyon ay narinig ni Chino ang malambing na tinig ng isang ina mula sa bibig ni Amanda. Napangiti siya.


Don't be afraid to take some chances.” bulong ng isip ni Chino sabay tingin kay Chris. Wala sa sariling napangiti si Chino nang makita niya ang lalaking marahil nga ay mahal na mahal niya.


Do you want something to drink, Amanda?” saad ni Chino sabay ngiti, nagulat si Amanda at si Chris.


Yes, please.” nakangiti naring sagot ni Amanda. Natigilan si Chris, lalo na ng magkahawak kamay na naglakad ang kaniyang ina at si Chino papuntang kusina. Nang maisip na wala na siyang magagawa ay napailing na lang siya at sumunod na papuntang kusina.


What happened here?” tanong ni Amanda nang makapasok sila ng kusina.


Your son. That's what happened.” umiiling na sabi ni Chino sabay ngiti, nakita niyang nagbaba nanaman ng tingin si Chris dahil sa hiya sa ginawa niyang kalat sa kusina.


I see, alam mo Chino, nagulat nga ako dahil nito lang nung tanungin ako ni Chris kung saan magandang mag-take ng cooking lessons. Tinanong ko kung bakit, sinabi niya it's for someone special to him, now I know kung sino yung someone na sinasabi ng kumag.” humahagikgik na sabi ni Amanda, si Chris naman ay namula at si Chino ay napahagalpak sa tawa.


Well, sa tingin ko hindi successful si Chris sa pagluluto, kung gusto niyo ako na lang ang magluluto.” alok ni Chino, napangiti si Chris at Amanda at miya miya pa ay narinig na nga nila ang pagkalam ng sikmura ni Chris na ikinahagalpak ulit nilang tatlo.



0000ooo0000


Look, Mom, Chino made waffles!” parang batang excited na excited na sabi ni Chris sa kaniyang ina.


Yes, Chris. I think I haven't had waffles for breakfast since---” malungkot na simula ni Amanda agad na natigilan si Chris at nabura ang ngiti sa mukha nito.


Since Dad died.” tapos ni Chris nang makita niya ang nagtatakang tingin ni Chino.


Well, from now on I will cook waffles for breakfast for the both of you.” nakangiting sabi ni Chino, umaasa na kahit papano ay mapapagaang niya ang atmosphere ng kwarto, hindi niya inaasahan ang reaksyon ni Amanda, agad itong tumayo at niyakap siya, naramdaman niya ang marahang paghikbi nito.


You're so sweet, Chino, I'm glad my son found you. Now I know why he's head over heels in love with you.” humihikbi paring sabi ni Amanda. Napahagikgik si Chris.


Excuse her, she has this flair for the theatrics.” humahagikgik ulit na sabi ni Chris habang nilalantakan ang may limang waffles ata ng sabay sabay. Agad na binalot ng hagalpakan muli ang buong kusina.


0000ooo0000


Nagulat si Chino nang biglang sumulpot si Amanda sa kaniyang tabi habang nagliligpit siya ng pinagkainan, ayaw niya sanang maiwan magisa kasama ito pero inatake ng pagsakit ng tiyan si Chris kaya't wala na siyang nagawa. Tinignan niya si Amanda, nahuli niya itong pinapanood ang bawat galaw niya.


Do you love my son, Chino?” tanong ni Amanda, saglit na natigilan si Chino.



Alam niya sa sarili niya na mahal niya si Chris pero hindi pa siya handa na ipagsigawan iyon, natatakot kasi siya na baka masaktan nanaman siya tulad nang nangyari noong nalaman niya ang ginawa nito kasama si Rhoda, pero may kakaiba sa mga tingin ni Amanda na hindi niya matanggihan. Wala sa sarili siyang napatango bilang sagot.


What? I didn't hear your answer, Chino.” pangungulit ni Amanda, di parin makapaniwala si Chino kung gaano kapareho nito ang kaniyang anak.


I love him, Amanda.” walang pagaalinlangang sagot ni Chino, hindi niya napansing bumalik na si Chris at mataman na siyang pinapanood, narinig lahat ng pagamin kanina ni Chino, pero may isang bagay na pumipigil kay Chris para magdiwang at iyon ang kaniyang aalamin.


Then is it OK if I ask you to kiss him in front of me?” nanunubok na sabi ni Amanda. Agad na napatalikod si Chino at nagulat nang andun sa Chris, namula siya sa pagkapahiya dahil sigurado siyang narinig nito ang pagamin kanina. Nakayuko siyang lumapit kay Chris.


Saglit na nagtama ang tingin nilang dalawa nang makalapit na si Chino, sapat na lapit para magsalubong ang mga labi nila.


Chino, you don't have to prove anything---” simulang pag-alo ni Chris.


Shhh.” saway ni Chino kay Chris para tumahimik ito, inabot ni Chino ang labi nito atsaka tumuon para ang labi naman niya ang dumampi sa malalambot at mapupulang labi ni Chris.



There it is. My magic and fireworks.” bulong ni Chino sa kanyang sarili habang sinasamsam niya ang halik na iyon. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay saglit ulit silang nagtitigan, ilang saglit lang ay pareho na silang napangiti.


I love you, Chino.” bulong ni Chris sabay dikit ng kaniyang noo sa noo ng huli. Saglit na natigilan si Chino.


I love you too, Chris.” nahihiyang balik ni Chino, lumatay sa mukha ni Chris ang isang ngiti.


OOKKAAAYYYY! My job here is done! I'll see you two later! Chris, don't lose this one, I like him.” sabi ni Amanda na may kakaiba ring ngiti sa kaniyang mukha. Maglalakad na sana ang dalawa para ihatid ang matanda sa may sasakyan nito nang magsalita ulit ito.


Oh and Chris, sabi ko naman sayo di na kailangan ng tulong ko para malaman mo kung mahal ka ni Chino o hindi eh.” sabi ni Amanda, agad na napatingin si Chino kay Chris, si Chris naman ay di matawaran ang pamumula.


Nang makasakay na si Amanda sa kaniyang sasakyan at nang makaliko na ito sa kanto at pareho na nila Chris at Chino hindi makita ang sasakyan ay agad na humarap si Chino kay Chris, di matawaran ang pagkainis na makikita sa mata nito kaya't agad namang kinabahan si Chris.


YOU ASKED YOUR MOTHER TO SCARE ME SO THAT I CAN TELL YOU HOW I REALLY FEEL?!” nanggagalaiting tanong ni Chino habang tinutusok ng hintuturo niya ang matipunong dibdib ni Chris.


It worked.” maangas na balik ni Chris sabay kibit balikat.


And what if I take all I said back?!” tanong nanaman ni Chino, napangiti na lang si Chris.


I know you wouldn't.” maangas paring balik ni Chris sabay upo sa sofa.


And why is that.” taas kilay na tanong ni Chino.


Because you love me.” nakangiting asong sagot ni Chris, pinigilan ni Chino ang sarili na mapangiti.


Asshole!” singhal ni Chino, binuksan ni Chris ang TV at tinapik ang espasyo sa pagitan ng kaniyang mga paa, nagsasaad ng paanyaya niya kay Chino na doon maupo. Di na nagmatigas pa si Chino at umupo sa pagitan ng mga hita ni Chris at sumandal sa matipunong dibdib nito.


I love you.” bulong ni Chris sabay halik sa bunbunan ni Chino.


I love you, too.” bulong din ni Chino. Hindi na mabura ang ngiti sa mukha ni Chris pagkatapos nun.


0000ooo0000


Nagising si Chris sa malakas na pagring ng telepono ni Chino. Hindi niya napansin na nakatulog na pala silang dalawa ni Chino sa may sofa. Agad niya itong sinagot para hindi magising pa si Chino, natigilan si Chris sa sinabi ng kausap niya sa kabilang linya. Marahan niyang inalog si Chino, nagising ito at binigyan siya ng isang nagtatakang tingin, sinabi ni Chris na may tumawag sa kaniyang telepono, lalong nagtaka si Chino.


Who was it, Chris?” tanong ni Chino, nakita niyang nangunot ang noo ni Chris.


It's Jed, he's in the hospital---”


Oh my Gawd!” sigaw ni Chino dahil sa pagaalala kay Jed.


He's fine, it's Francis, he said you should go there immediately.” balik ni Chris, agad na tumayo si Chino at magtutungo na sana sa kwarto nang mapansin niyang hindi kumikilos si Chris.


Move it, Chris! We have to go to the hospital. Now!” saad ni Chino.


Jed said that 'you' should go to the hospital not 'we'. ” nahihiyang balik ni Chris. Lumapit si Chino kay Chris at hinalikan ito sa labi.


We will go together, Chris. You're my boyfriend. I need you there.” balik ni Chino na nakapagpabalik ng ngiti sa mukha ni Chris.



0000ooo0000



Nang makalapit sila Chino at Chris sa tapat ng pinto ng kwarto ni Francis ay agad silang natigilan nang makita nila ang mga magulang ni Francis, si Jed at Laura na puno ng luha ang mga mata at pisngi, agad na nanlambot si Chino at nakaramdam ng matinding takot. Ayaw niyang mawala ang kaibigan niya, ayaw niyang mawala si Francis. Tanging ang pagsigaw lang ni Jed ang gumising sa kaniyag nagaalalang isip.


There he is, Mom, Dad, tell him the truth! You owe him the truth! You've caused Francis and Chino pain and they are nothing but sweet, caring and loving towards you guys! You owe Chino the truth!”


Hindi maintindihan ni Chino ang mga sinasabi ni Jed at kung bakit ito nanggagalaiti sa galit, ang tangi niya lang gusto ay malaman kung ano ang nangyari sa kaniyang kaibigan na si Francis. Tatanungin na sana niya ang lagay ng kaibigan nang magsalita ang ama ni Francis.


This is all our fault, Chino---” umiiling na sabi ng matandang lalaki pero hindi na nito maituloy ang sasabihin dahil napangunahan na ito ng paghikbi.


The day I told you about the wedding, hijo, I swear, di ko alam na may relasyon pala kayo ni Francis, nagulat na lang kami nang biglang umuwi si Francis na malungkot at hindi namin makausap ng maayos---”


That's because Chino thought that Francis cheated on him, he thought that Francis betrayed him and never talked to Francis again! That's why Francis was so down, Ma!” singit ni Jed, nanggagalaiti parin ito sa galit habang pinagdudugtong dugtong ang mga nangyari.


I swear! I didn't know!” depensa ng ina ni Francis sa kaniyang sarili.


Yes, you didn't, pero may ideya na kayo! Aminin mo, Ma! Let's stop with the charades! You've done enough damage already! You were always this manipulative, Ma! You've thrown me out of the house when I said I'm not going to marry Bea and you practically have Francis on an arranged marriage without him knowing! May ideya ka na sa maaaring totoong relasyon ni Chino at Francis pero mas pinili mong wag munang kausapin sila tungkol dito at sa halip ipinagpatuloy mo parin ang pagpapakasal kay Francis at Laura!” sumbat ni Jed sa kaniyang ina.


Natigilan ang matandang babae na lalong humagulgol sa kakaiyak, indikasyon na lahat ng isinumbat ng kaniyang anak ay totoo. Hindi makapagsalita si Chino, tila napako siya sa kaniyang kinatatayuan.


Chino, hijo, we're so sorry. Francis didn't know about the wedding, akala niya kinakapatid niya lang si Laura, hindi niya maintidihan kung bakit ka biglang lumayo sa kaniya, nasaktan siya, akala niya may nagawa siyang mali and after a month nalaman niya ang about sa engagement nila ni Laura, nagalit siya samin, nagkasagutan kami ng mga tita mo and then he told us about your relationship, di kami makapaniwala nung una, dun pa lang naisip na namin na mali ang aming nagawa and that we haven't learn a thing sa mga nangyari kay Gerard at inuulit pa namin ang mga iyon sa aming bunso.” amin ng matandang lalaki habang inaalo nito ang kaniyang asawa.


Yun din yung gabi na nagmamadali siyang makausap ka, Chino, gusto niyang i-explain sayo lahat ng nangyari, gusto niyang sabihin na hindi ka niya niloko, pero hindi na siya nakaabot sayo dahil sa aksidente, Chino.”


Nanlambot si Chino, halos mapaupo na ito sa sahig sa mga nalaman, buti na lang at naka abang si Chris sa kaniyang likod at inalalayan siya para makatayo ng daretso. Nanlulumo rin si Chris sa kaniyang mga narinig, ibig sabihin nun, hindi sinaktan ni Francis si Chino tulad ng akala nito, alam niyang malaki ang pag-asang magkabalikan ang dalawa kung sakaling ipaglaban ni Francis ang pagmamahal niya dito kung sakaling nagising siya.


Tumatakbo sa isip ni Chino ang pagmamatigas niya sa loob ng isang buwan kay Francis, hindi siya nakipagusap dito kahit gaanong pagmamakaawa ang gawin ng huli, ngayon nagsisisis siya kung bakit hindi niya pinakinggan noon ang kaibigan. Naiinis siya sa sarili, nagagalit siya sa mga magulang ni Francis at ngayon naiinis siya kasi wala na siyang magawa. Naramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Chris sa kaniyang mga balikat na tila ba nagpapapansin na andun lang siya para sa kaniya, wala sa sariling isinandal ni Chino ang kaniyang sarili sa matipunong dibdib ni Chris. Naramdman niya ang pagtibok ng puso nito.


Why tell me all these things now?” nanginginig na tanong ni Chino, di alam kung ano ang maaaring isagot ng kaniyang mga kausap.


Francis is awake, Chino. He's asking for you that's why we want you to know the truth first before you talk to him. Before you tell him about your relationship with Chris.” umiiling at naluluhang sagot ni Jed habang ang dalawang matanda ay nagulat sa sinabi ng kanilang panganay na anak.


Look what you've done, Ma! Akala ni Chino that Francis has nothing more to offer him other than friendship and he settled with that, looked for someone else to love, he found Chris, who, by the way loves Chino as much as he loves his own life! Ngayon, pano mo i-e-explain sa kagigising palang na si Francis na wala na siyang babalikan? Na huli na ang lahat para sa kanila ni Chino?! You're so caught up with your manipulative ways that you missed all the consequences!” sumbat ulit ni Jed.


Tila naman nabingi na si Chino sa pagsusumbat ni Jed sa kaniyang mga magulang at walang ibang pumasok sa kaniyang isip kundi ang kung ano ang gagawin niya. Napatingin siya kay Chris na masuyong nakaalalay sa kaniya at nakikinig sa mga panunumbat ni Jed sa kaniyang mga magulang at sa pinto ni Francis na masuyo namang nagiintay sa kaniya.


Kailangan niyang mamili.


It's time for me to take my chances again.” bulong ng isip ni Chino habang nagpapabalik balik parin ang tingin niya kay Chris at sa pinto ng kwarto ni Francis. Hindi nagtagal at kumawala na siya sa umaalalay na mga kamay ni Chris at mabagal na naglakad papasok sa kwarto ni Francis.









___________________________
Taking Chances 20
by: Migs

25 comments:

  1. BITIN ba? ^_^v


    intayin ang epilogue sa Friday. Bakit kamo sa friday pa? kasi simula mamya hanggang friday ay dose oras ang duty ko sa ospital at may study pa akong aasikasuhin, so ngayon pa lang, humihingi na ako ng tawad dahil sa matagal na pag post. ingat kayo lhat at maraming salamat sa patuloy paring pagsuporta!

    ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. sobraaaaa sa bitin! T.T Pero healthy sa story ang pambibitin kuya kaya NAPAKALAKING THANK YOU PARIN. :)) Good luck po ulit sa study niyo po and ingat lagi. I will be waiting patiently for the epilogue.

      -->nIx

      Delete
  2. Bitin much! Ang ganda ng conflict na ginawa mo. ☺

    ReplyDelete
  3. ang hirap nyan chino. cge kung sino ang hindi mo pipiliin bigay mo nalang sa akin. hehehe. :D

    ReplyDelete
  4. choose chris. XD

    ReplyDelete
  5. chris ako.... si francis at si charles lang di ba.... napalapit naman si charles kay francis..... kawawa naman si chris kung hindi siya... huhuhuhuhuhu...

    ReplyDelete
  6. sobrang sakit! Tagos na tagos! Ramdam ko yung bigat ng eksena. :(

    uulitin ko, NAPAKA GALING mo Kuya Migs! Grabe!

    Naaawa na ako ng sobra kay Francis, npakahirap ng sitwasyon nila ni Chino.

    Sigurado pupuntahan na ni Chino si Francis, ipapaliwanag ang lahat, at pipiliin nya si Chris.

    Tapos si Chris, mgseself pity, kasi aakalain nya na si Francis ang pinili ni Chino.

    Pwede rin na pipiliin ni Chino si Francis, kaso marerealized nya na kay Chris na talaga ang puso nya, tapos babalik sya kay Chris.

    Haha lahat pabor kay Chris.

    Pasensya na po, hindi ko mapigilan na hulaan ang pwede mangyari. Ang hirap sabihin na isa sa pinaka best na nasulat ni kuya migs itong chances, kasi lahat maganda at unique.

    Hindi ko ata kaya maghintay til friday, grabeng bitin! Haha!

    --ANDY

    ReplyDelete
  7. Awww... I can feel Chino's confusion now. On the count of three 1...2...3 mini-mini-mine-moe-who-should-i-choose-between-the-two-of-you.

    ReplyDelete
  8. ito na naman ang breakeven, NAKAKAINIS KA! hahahahahaha

    migs, maganda ang story. bitin na bitin talaga at climax pa!

    thnx sa update. goodluck din sa studies mo (",)

    ReplyDelete
  9. Ang hirap mamili nito. Will it be Francis or Chris, Chino? Super galing mo Migz. Good luck sa studies mo. God bless. Love you po. :)

    ReplyDelete
  10. super duper intergalactic espriktik walastik!!!

    DON'T BE AFRAID TO TAKE SOME CHANCES

    nang dahil sa mama ni Francis nasira at nagkanda leche leche ang pagiibigan nila.. biktima lamang sila ng pagiging sakim ng mama ni Francis.. ano pa't nasira na ang relasyon nila at muntikan ng mabuwis ang buhay ng isa..

    wala talaga silang kamuwang muwang sa mga pinanggagawa ng mama ni francis..

    kung ako ang tatanungin, nararapat lang na magkaroon sila ng Chance (second chance) to get the relationship back right..

    Si Chino din may sabi na hindi pa siya handang ipagsigawan na mahal na niya si Chris.. meaning meron paring puwang sa puso niya si Francis..

    Kailangan mo na talagang pumili chino..

    just trust your instinct Chino.. Timbangin mo lang ng mabuti..

    pangahalagahan mo lang ang tunay na nararamdaman ng puso.. tiyak liligaya ka na uli..

    can't wait for the EPILOGUE!

    Great Story Made by a Great Author! one of the BEST!

    Kudos!

    ReplyDelete
  11. Woohh...iyon pala iyon..galing mo. Sa tingin ko it will be Chris pa rin ang pipiliin ni Chino. Andyan naman si Laura para kay Francis na tinanggap niya kahit na alam niyang may namamagitan kina Francis at Chino. Saka di ba lagi namang sinasabi/kinikwentuhan ni Chino ang nangyayari sa buhay niya kay Francis kahit comatose ito. So malamang maiintindihan pa rin ni Francis kung hindi man siya piliin ni Chino. At importante lang ay may closure silang dalawa bago pumasok sa panibagong yugto ng buhay nila.

    Hay sensya na ngayon lang ako nakapagkoment pero nagandahan ako sa ending. Hindi ko ineexpect na ganito ang ending. KUDOS Kuya Migs and God Bless!

    Antayin ko ang EPILOGUE..

    ReplyDelete
  12. super bitin nga talga...migs

    ReplyDelete
  13. This is the climax that I've been waiting for..and it worth the wait...hehe

    ReplyDelete
  14. I just cant take this situation if im in there...heheheheh

    ReplyDelete
  15. Hi Migs,

    I follow this story like a teleserye and i"m one of you biggest fans... EVER!!! Hee! :) I'm always reading this wether I'm in the office, travelling or commutting just using my BlackBerry. Everytime your site is not updated I'm feeling sick ("OA" aside) and very very addicted. For this chapter you left my mouth open wide! Haha! My co-workers noticed that I'm very derious reading this story and they can't talk to me. I found myself saying "OMAYGAD" when Chino suddenly stood up and decided to take chances. Well for that I'll wait for Chino's decision. KEEP IT UP and GOOD JOB, Migs!! :)

    ReplyDelete
  16. cross roads na naman si chino, hays, kasad naman.


    rei

    ReplyDelete
  17. sana mnaisa movie man lang ang siang ito.... superr ang ganda ng pagkaka gawa

    ... Rez Ortaliz

    ReplyDelete
    Replies
    1. AGREE!

      Migz, baka may chance ka sa screenwriting. You could be the Dustin Lance Black of the Philippines. You are a great storyteller!

      Delete
    2. Sltyhex... agree ako hahaha baka maparesan or ma higitan pa ni migs ang love of siam... talagang mag fufull support kme hahaha kmeng lahat....

      Delete
  18. GO lang migy boi ang ganda nang itinakbo nang storyang ito. Sobrang na enjoy ko ang bawat chapters nito. Gratz sa nalalapit na huling chapter nito.. :)

    ReplyDelete
  19. OMGosh! Kinakabahan ako sa mangyayari.... Kaw na... Great! This story is superb...

    -jemyro

    ReplyDelete
  20. whooah anu to? bitin hehehe can't wait for the next chapter.

    ReplyDelete