Saturday, January 7, 2012

Taking Chances 11

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Nagising si Chino na may nararamdamang mabigat na nakapatong sa kaniyang tagiliran at matigas na katawan na nakadikit sa kaniyang likuran, naalala niya na kasama niyang matutulog ngayon si Chris sa kaniyang bahay habang andun din si Jed, saglit siyang napangiti at pinigilan ang sarili na mapahagikgik. Ini-atras niya ang kaniyang sarili sa katawan ni Chris at isiniksik ito, muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.



Kung sasabihin mo kay Chino noon na makakatabi niya si Chris sa isang kama at literal na isisiksik niya ang katawan niya dito ay malamang sinapak ka nito o kaya naman ay tinawanan. Ni sa hinuna ni Chino ay di niya aakalain na magkakagusto rin siya sa modelong iyon.



Why are you smiling like that? And why the hell are you snuggling closer to me?” natatawang tanong ni Chris kay Chino agad namang nagbukas ng mga mata si Chino, halos tumalon palayo kay Chris pero hinawakan siya ng mahigpit nito. Nakita niyang nakataas ang ulo ni Chris, tukod tukod ng kaliwang kamay nito habang ang kanang kamay nito ay nakabalot parin sa katawan niya, nun niya lang napagtantong marahil ay gising na ito nang imulat niya ang kaniyang mga mata, ngumiti at nang isiksik niya ang sarili dito kanina.



Kung may posibilidad pang mamula sa pagkahiya si Chino ay namula pa nga ito.



Awww! Did I tell you that you're cute when you blush like that?” taas babang kilay na tanong ni Chris na lalong ikinamula ni Chino saka nagbigay ng matipid na ngiti, muling natigilan si Chris sa ibinigay na ngiti ni Chino, wala sa sarili niyang inilapit ang kaniyang mukha dito. Pinagmasdan ang mga magagandang labi ni Chino, tila ba gusto niya itong---



Dahan dahang inilapit ni Chris ang kaniyang mga labi pasalubong sa mga labi ni Chino, ilang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga labi---



Breakfast is ready!” sigaw ni Jed sa may pinto ng kwarto ni Chino, sabay na napatingin si Chino at Chris sa may pinto, binigyan lang sila ng nakakalokong ngiti at tingin ni Jed saka tumalikod at naglakad pabalik ng kusina.



Agad na tumayo si Chino at kumawala sa bisig ni Chris, nagbuntong hininga at umiling naman ang huli.



Someday I'm going to kill that sonovabitch!” singhal ni Chris na ikinahagikgik naman ni Chino.



Pumasok si Chino ng CR, nagulat ito ng sundan siya ni Chris, kinindatan siya nito, agad na nakaramdam si Chino na panlalambot ng tuhod sa simpleng pag-kindat na iyon ni Chris. Binigyan niya ulit ito ng matipid na ngiti.



Natigilan naman si Chris, gusto niyang gahasain sa loob ng banyong iyon si Chino matapos siya nitong ngitian ng ganun. Lumapit siya kay Chino, nakita ni Chino ang seryosong mukha ni Chris habang papalapit sa kaniya, tila naman siya napako sa pagkakatayo. Inilapat ni Chris ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Chino, napapikit si Chino nang maramdaman ang malalambot na labi ni Chris, nilaro ni Chris ang babang labi ni Chino, marahan itong kinagat at saka itinuton ang kaniyang mga labi sa itaas na bahagi ng labi ni Chris, nagbuntong hininga si Chino na lumabas na parang ungol, inisip ni Chris na paanyaya ito mula kay Chino, di naman siya nabigo, tinukso ng kaniyang dila ang mga labi ni Chino, pinagbiyan siya ni Chino at saglit na naglaro ang kanilang mga dila, tila sinasaulo ang loob ng bibig ng bawat isa.




BREAKFAST IS READDDDYYYYYY!” sigaw ulit ni Jed sa di kalayuan. Agad na kumawala sa pagkakagulat si Chino mula sa halikan nilang iyon ni Chris, tinignan niya si Chris, nakita niya ang pagkinang ng mga mata nito at ang ngiti na tila ba para sa kaniya lamang. Napangiti din siya, idinikit ni Chris ang kaniyang noo sa noo ni Chino ang dulo ng kanilang mga ilong ay magkasalubong at para silang mga tanga na nagngi-ngitian sa isa't isa.



How was the kiss?” pabulong na tanong ni Chris, hindi niya inaalis ang tingin niya sa mga mata ni Chino.



Like fireworks and magic.” wala sa sariling sagot ni Chino, hindi na niya kailangang halughugin ang kaniyang utak para sagutin ang tanung na iyon ni Chris. The kiss was exactly like fireworks ang magic.



Inilapit ulit ni Chris ang kaniyang mga labi sa labi ni Chino, napapikit na ang dalawa bago pa man magdikit ang mga labi nila.



BREAKFAST IS READDDDYYYYYY!” sigaw ulit ni Jed sa may pinto ng CR. Tinignan ng masama ni Chris at Chino ang intrimitidong si Jed.



Do you have a gun, baby?” tanong ni Chris habang magkasalubong parin ang kanilang mga noo at ilong.



Huh?” nagtatakang tanong ni Chino.



I'm going to kill, Jed.” nagbibirong sagot ni Chris. Napahagikgik naman si Chino.



C'mon, breakfast is getting cold.” aya ni Chino.



awwww... Do we have to?” parang batang tanggi ni Chris sa alok ni Chino at Jed.



Did you just whine like a kid?” pangiinis ni Chino kay Chris, binigyan naman siya ng nahihiyang ngiti ni Chris.



Yeah, I think I just did.” nahihiyang sagot ni Chris. Napahagikgik si Chino.



C'mon you childish asshole!” humahagikgik na hila ni Chino kay Chris.



Hey!” sigaw ni Chris.


0000ooo0000



Narinig ni Jed na paparating na ang dalawa kaya naman palihim siyang napangiti, naisip niyang asarin ang dalawa patungkol sa nakita niyang pagtiti-tigan kanina ng mga ito. Nang maramdaman niyang nakalapit na ang dalawa ay sinimulan na niya ang pagkanta.



I think I'm in-love... I think I'm in looove with youuuu...” narinig niya ang pagkalansing ng kutsara at tinidor sa likod niya at napangiti siya bago humarap, pagkaharap niya ay nakita niya ang gulat na gulat na mukha ni Chino, tila ba hindi ito makapaniwala sa swak na swak na obserbation ni Jed sa nararamdaman nito habang si Chris naman ay tila naguguluhan sa mga nangyayari.



Oh, there you are. I though you're having se---”



What are you cooking?” putol ni Chino sa sasabihin sana ni Jed, napangiti si Jed habang si Chris naman ay naguguluhang lumapit sa coffee maker at nagsalin sa isang tasa.



I'm cooking pancakes.” sagot ni Jed.



Ohh! I haven't had pancakes since---” agad nabura sa mukha ni Chino ang ngiti nang maalala niya na si Francis ang huling nagluto ng pancake para sa kaniya.



Hindi nakaligtas iyon kay Jed, para kasi sa kaniya, ang ganoong reaksyon ay para lamang sa mga magkasintahan na nawalay sa isa't isa, pero maaari rin namang nagkakamali siya at baka magkaibigan lang talaga ang mga ito pero malakas ang hinala niya na hindi lamang mag best friend ang kaniyang kapatid at ang lalaking asa harapan niya ngayon. Siguro ayaw ipaalam ni Chino sa kaniya ang relasyon na iyon dahil sa takot na husgahan niya ang kaniyang kapatid at si Chino na ngayon ay matalik na niyang kaibigan.



Can I taste it?” pagiiba ulit ni Chino ng usapan na siyang pumutol sa malalim na pagiisip ni Jed. Saglit siyang tinignan ni Jed ng seryoso saka ngumiti.



Sure, go ahead.” alok ni Jed. Pinanood niya si Chino habang pumuputol ng piraso ng pancake, di niya maiwasang isipin ang sasabihin sana kanina ni Chino, ngayon lalo siyang napaisip tungkol sa totoong naging relasyon nito at ng kaniyang kapatid. Naputol lang ang pagiisip na iyon nang sumigaw si Chino.



Ansarrrraaapppp!” sigaw ni Chino, agad namang tumingin si Chris sa dalawa, naningkit ang kaniyang mga mata. Agad siyang binalot ng selos. Lumapit siya sa dalawa at inagaw kay Jed ang sandok.



I think you should sit down, Jed. You shouldn't be cooking, you're a guest here.” sagot ni Chris sa mga nagtatakang mga tingin nila Chino at Jed.



OK if y-you're sure---”



I'm sure about this, I can handle a stupid pancake, OK?!” naiiritang balik ni Chris kay Jed, nagkibit balikat lang si Chino nang tignan siya ni Jed. Nang maka-upo na si Jed ay marahang lumapit si Chino kay Chris.


Di parin siya makapaniwala na sa saglit na panahon nilang pagkakalapit ni Chris ay tila ba kilalang kilala na nito ang kilos ng modelo, alam na agad ang iniisip sa mga ganitong sitwasyon at alam kung ano ang kahulugan sa likod ng mga kilos nito.


Kung hindi siya nagkakamali ay baka nagseselos nanaman si Chris kaya nagiging jerk nanaman ito, di niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa mga kinikilos nito sa tuwing tatamaan ng selos.



Asshole.” bulong nito kay Chris, nang tignan siya ni Chris ay sinuklian niya ito ng masamang tingin.



0000ooo0000



Matamang tinitignan ng tatlo ang kanilang plato na puno ng pancakes. Sunog at durog durog na pancake. Kinakabahang dinampot ni Chris ang kaniyang tinidor at sinubukang kainin ang kaniyang luto, hindi niya alam kung bakit sa tuwing nagseselos siya ay nauuwi ang kaniyang mga ikinikilos sa katangahan at disaster.



Is this even edible?” tanong ni Jed habang minamata ang sunog na pancake sa harapan niya na ikinainis naman ni Chris, sasagutin na sana niya si Jed nang mahuli siya ni Chino. Sinipa ni Chino si Chris sa ilalim ng lamesa.



Don't.” bulong nito, nahihiya namang tumango si Chris sa sinasabi ni Chino. Tumayo si Chino at kinuwa ang isang haba ng tinapay, keso at butter at inilatag ito sa lamesa. Napasimangot naman si Chris nang makita ang ginawang iyon ni Chino, pero alam niyang hindi niya ito masisisi lalo nang tignan niya ulit ang kaniyang niluto.



0000ooo0000



Paminsan-minsang sinusulyapan ni Chino si Chris habang nagmamaneho ito. Simula nung disaster kanina sa pagluluto nito ng pancakes ay hindi na ulit ito nagsalita pa, iniisip tuloy ni Chino kung may nasabi ba siya ditong mali. Kakausapin na sana ito ni Chino nang biglang magsalita si Chris.


You could've given me your support back there, you know.” nagtatampong sabi ni Chris kay Chino.



Is that why you're being so quiet?!” di makapaniwalang tanong ni Chino, pinipigilan niya ang sarili niya na mapangiti at abutin ang mukha ni Chris para halikan ito.



hmpft!”



awww! Chris and his broken ego.” pangaalaska ni Chino kay Chris.



Stop it!” sigaw ni Chris na ikinagulat naman ni Chino. Tinignan niya maigi si Chris, galit na galit ito sa kaniya, akala niya nakita at alam na niya ang lahat kay Chris, nagkakamali pala siya. Ito ang isa sa mga problema sa mga taong masyadong sigurado sa sarili nila...



They always expect someone to stroke their ego.” umiiling na sabi ni Chino sa sarili niya, di nakaligtas ang pagiling na iyon ni Chino kay Chris, iniwas ni Chino ang tingin niya kay Chris, ngayon naiinis nanaman si Chris sa sarili niya, alam niyang binibiro lamang siya ni Chino at napikon siya dito.



What's your problem, Chris?” pabulong na tanong ni Chino, tila naman sinampal si Chris sa tanong na iyon, tatanggapin pa sana niya na sigawan din siya ni Chino tulad ng ginawa niya dito, ngayon nasaktan nanaman niya si Chino at wala siyang ibang alam na paraan para bawiin iyon kundi ang magsabi ng totoo.



I was jealous, Chino, I wanted to be the one who cooks breakfast for you, I want to be the one that impresses the shit out of you---”



But you can't always be the only one, Chris, anyone can impress me and you don't always have to be jealous of them. Being always jealous is not a healthy thing, Chris.” putol ni Chino sa sasabihin ni Chris.



I'm just scared to lose you---” di na naituloy ni Chris ang sasabihin niya dahil inilpat ni Chino ang hintuturo niya sa mga labi nito.



You're not going to lose me, Chris.” bulong ni Chino saka marahang sumandal sa balikat ni Chris, inabot ni Chino ang kamay ni Chris at hinawakan ito ng mahigpit.



Sa simpleng mga salitang iyon ni Chino ay napanatag ang loob ni Chris.



You're cute when you're jealous.” biro ulit ni Chino, napatawa si Chris.



0000ooo0000


Behave!” saway ni Chino kay Chris nang makarating sila sa ospital, kahit na gumaganda na ang mga nangyayari sa pagitan ni Chino at Chris ay hindi parin nakakalimutan ni Chino ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan.



Promise.” sabi ni Chris sabay ngiti, napangiti naman si Chino.


Nang makarating sila sa kwarto ni Francis ay agad na natigilan si Chino, sa biglaang pagtigil na iyon ay bumangga si Chris sa likuran nito. Sa loob ng kwarto ay ang buong pamilya ni Francis kasama na si Laura, hindi maipinta ang mukha ng mga ito. Alam ni Chino na hindi parin tanggap ng mga magulang ni Francis ang tungkol sa sekswalidad ni Jed.


Excuse me!” singhal ni Laura sabay labas ng kwarto, hindi ito nagabalang humingi ng tawad, sa kabilang banda ay hindi naman talaga umasa na mag-sorry si Laura dahil alam niyang sadya ang ginawang pagbunggo na iyon.



What the--- bitch!” singhal ni Chris sa likod ni Chino, hindi nakaligtas dito ang ginawang pambabastos ni Laura. Tinignan ni Chino ng masama si Chris. Agad binalik ni Chino ang tingin sa mga magulang ni Francis, nakita niya na may paghingi ng tawad sa mga mukha nito pero agad din yun nawala.



Jed, is everything OK?” mas pinili niyang tanungin ang kaibigan kesa sa mga magulang nito, kitang kita kasi ni Chino ang pagkabalisa nito, sinulyapan niya ang reaksyon ng dalawang matanda pero wala siyang nakita sa mga mukha nito.



I-I want--- I'm tired, c-can you take me h-home?” tanong ni Jed, halata ang galit sa boses nito. Tinignan niya ng masama ang kaniyang mga magulang, naguguluhan man si Chino sa mga nangyayari ay marahan siyang tumango dito.



Tinawid ni Chino ang ilang hakbang sa pagitan nila ni Francis, hinawakan niya ang mga kamay nito at marahan iyong pinisil.


You should be ashamed of yourselves.” singhal ni Jed sa dalawang matanda saka umiling, hindi na nangielam si Chino sa kung ano man ang namamagitan sa kapamilya ni Francis, hinihiling niya lang na ma-resolba ng mga ito ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan para kay Francis.



Pagkalabas na pagkalabas nila ng kwarto ay agad na napakapit si Jed sa pader, alam ni Chris at ni Chino na umiiyak si Jed, nilapitan ito ni Chino, nang maramadaman ni Jed ang paglapit ni Chino ay agad niya itong hinila para mayakap.


I'm sorry, Chino. I'm so sorry.” bulong nito.



Nagkatinginan si Chino at Chris, nagtataka sa paghingi ng tawad na iyon ni Jed.



Itutuloy...

___________________________
Taking Chances 11
by: Migs

12 comments:

  1. I think I'm in love... hehehe... with you....

    ReplyDelete
  2. Wow, after those love-dovey moments with Cris and Chino. Here comes the dramas.

    This is a real-good story.

    Keep it up, Migs.

    ReplyDelete
  3. Did not expect that the next one would be posted so soon! Yesss! This one's different from the previous chapters, I can feel a subplot opening up.

    ReplyDelete
  4. bkit kaya nagsorry siya..ummmm intriga ito migs

    ReplyDelete
  5. omg,,,,, talagang inlove si chris at chino sa isat isa..... nakakakilig talaga ang selosan ni chris para lang ma paimpress nya si chino.... sunog na pancake ha ha ha ....iba talaga ang power ng pag ibig....bakit kaya humihingi ng sorry si jed kay chino?????hala baka may lihim na itinatago si jed kay chino????

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  6. after the sunshine...the storm! (it's like) the pessimists' way of thinking!haha you never lose of dramas migs! such a great writer :)

    -tristfire

    ReplyDelete
  7. kaya nagsorry dahil sa mga ginawa ng magulang sa relation ni francis at chino??? kung magising si francis ano mangyayari kay chris... i like there tandem :(

    ReplyDelete
  8. ahaha.. nakakasunog ng pancakes ang selos ni chris...ang cute ng sweet nad light moments nila...

    ReplyDelete
  9. As always NAKKAKAKAKKKKIIIILLIIIIIGGG!!! hahahahaha!

    Keep it up kuya MIGZ! Ganda ho talga ng kwento niyo po. :)) Tama lang ang mixture ng drama at kilig at pambibitin. haha! Aabangan ko ho talaga ang susunod! HUmanda kang refresh button ka after 2 days, di kita titigilan sa pagrape! XD


    -->nIx

    ReplyDelete
  10. jealousy and possessive behavior.. hmmm.. yan cguro ang magiging problema ni chino kay chris.. ano kaya ang mangyayari kapag gumising na si Francis? (pagkagising cguro nito malamang may Amnesia ito.)

    isang malaking palaisipan ang paghingi ng sorry ni Jed.. (ano kaya yun?)

    hmmm kaabang-abang..

    great work of imagination Migz! :)

    let the drama Begin!

    ReplyDelete
  11. kaya ba nag-sorry si Jed dahil alam na niya na ang mga magulang ni Francis ang nag-pressure rito para hiwalayan si Chino? Hmmmmmm :)) wala trip ko lang mang hula migy boy...

    ReplyDelete
  12. Keep it up Mahal kong migz. :))

    ReplyDelete