Wednesday, November 30, 2011

Breaking Boundaries 17

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Nagulat ako sa inaasta ni Jepoy, alam ko kung bakit ito nagagalit at hindi ko siya masisisi. Matalim parin ang mga tingin nito sakin, hinaplos na ng babae ang likod ni Jepoy para kumalma ito. Huminga ako ng malalim at inisip kung ano bang magandang sabihin.



I'm sorry---”



You should be!” sigaw ni Jepoy. Wala akong makitang ibang emosyon sa mukha nito kundi galit. Nasasaktan ako habang nakikita iyon.



Jepoy---” simula ng babae.



Isang beses ka lang kinailangan ni Ivan di mo pa napagbigyan! Ikaw na itong nagsabi sakin na hindi mo kayang saktan si Ivan pero nasan ka nung kailangan ka niya?! Lagi siyang nandiyan noon sa tabi mo, maski hindi mo siya kailanganin andyan siya sa tabi mo, pero nung kailanganin ka niya, asan ka?! Sinabihan mo pa akong desperadong makausap ka! Pinagbintangan mo pa akong gumagawa ng kwento makausap ka lang!”



Wala ng tigil ang luha galing sa aking mga mata. Lumapit sa aking ang babae.



Tahan na, Sir.”



Sa bibig ko ba mismo galing ang mga salitang yan, Jepoy?” tanong ko dito, nakayuko na ako ngayon, walang sing bigat ang pakiramdam dahil sa mga masasakit na salita na sinabi ni Jepoy pati narin dahil sa mga bintang nito.



Natigilan saglit si Jepoy.



Ang inay ang nakausap mo nung tumawag ka---”



Tumawag ako para sabihin malubha na si Ivan at sinabi ng inay mo na ayaw mo akong makausap na desperado na ako---”



Galit ang inay sayo, kung ako ang nakausap mo hindi sana---”



Nakausap na kita bago pa lumubha ang sakit ni Ivan. Hindi ka naniwala sakin, sinabi ko sayo na wala kaming relasyon na ang lahat ay palabas lang dahil may pinaplano para sayo si Ivan.”



Natigilan ako.



Pero nanguna yang pride mo. Akala mo nandun ako para sirain kayo ni Ivan, ni hindi mo nakita na nagsasabi ako ng totoo! Kung naniwala ka lang sana---” nanginginig ng sabi ni Jepoy.



Matagal ng alam ni Ivan ang sakit niya, pero hindi niya inalintana yun dahil ayon sa kaniya, mawawalan ka ng kasama sa oras na magpaospital siya. Pinilit niyang bumawi sa kabutihan mo sa kaniya sa pamamagitan ng paglalapit ulit sating dalawa dahil naniniwala siya na asakin ang kaligayahan mo. Pilit niyang isinasama ako sainyo para mapalapit ang loob mo ulit sakin, pero hindi, ang taas ng bakod mo, hindi ka magpadaig sa totoong nararamdaman mo, sa pagmamamahal na pinararamdam ko sayo. Nagsimula ka ng magtaka at nakita ni Ivan na naguguluhan ka na sinabi nito na magboyfriend kami para di ka na magtanong at di ka na pumili sa aming dalawa, pero mali ang ginawa niyang yun, lalo mong tinaasan ang bakod mo. Nung gabing ayaw kang isama ni Ivan mag dinner, yun ang gabing dapat sasabihin ko na sayo ang lahat ng pinaplano ni Ivan, dun ko na lilinawin ang lahat dahil nakikita kong unti unti ka ng lumalayo, alam kong nasaktan ka nang hindi ka isama ni Ivan, alam niya rin ito, kitang kita sa mukha mo, Maki, pero nagmatigas si Ivan, lumalala na ang sakit niya noon, matamlay na siya, bagsak ang katawan at madalas nagsusuka, di magtatagal mismong ikaw mapapansin mo na na may kakaiba sa kaniya, kinausap ko siya nung gabing iyon, sinabi ko na sasabihin ko na saiyo lahat ng binabalak niya sayo sa dinner na iyon pero pinigilan niya ako, nagtalo kami, ayaw niyang masira ang plano niyang makabawi sayo, alam niya na kapag nalaman mo ang tungkol sa pagdo-donate niya sayo ng mata kapag nangyaring talunin na siya ng kanyang karamdaman ay sigurado siyang tatanggihan mo iyon kaya't mas pinili niya na masaktan ka ng panandalian at makakita sa huli kesa malaman mo ang lahat at tumanggi sa inaalok niya. Isinakripisyo niya ang sarili niya para sayo. Ganun ka niya ka-mahal. Hanggang sa huli di ka niya iniwan!”



Wala akong masabi sa mga inilalahad ngayon ni Jepoy, ang alam ko lang walang patid ang pagiyak naming dalawa kahit na pinipilit naming maging matigas ang aming mga mukha ibinuko naman ng aming mga luha ang totoo naming naramdaman.



Hanggang sa lumala na yung sakit niya. Alam niya na hindi na siya magtatagal kaya humanap siya ng ibang paraan para makabawi sayo. Yung tipong kahit wala na siya ay nakakabawi parin siya sa kabutihan mo sa kaniya noon. Mahal na mahal ka ni Ivan, Maki. At utang na loob mo sa kaniya ang panibago mong buhay.”



Lalong bumigat ang aking pakiramdam. Tumingin ako sa salamin sa hindi kalayuan at sa litrato ni Ivan, ipnabalibalik ko ang tingin sa aking repleksyon at sa litrato ni Ivan. Lalo akong napahagulgol.



I'm sorry, Ivan.” bulong ko ulit at niyakap ako ng babae sa aking tabi.



Ngayon, alam mo na kung bakit ko sinabi na dapat lang na humingi ka ng tawad kay Ivan, mahal na mahal ka niya, tiniis niya lahat sayo at nagsakripisyo. Kung hindi ka parin naniniwala sa sinasabi ko, tumingin ka sa paligid mo, gamitin mo ang paningin na binibay sayo ni Ivan, tignan mo ang bahay na pinagawa niya.”



Mayamaya pa ay narinig ko ang paglakad ni Jepoy at ang pabalang na pagsara ng pinto.


0000ooo0000


Matagal kaming natahimik ng babae sa aking tabi, wala paring tigil ang pagpatak ng luha ko at ganun ganun parin ang pagaalo sakin ng babae. Bahagya akong kumalas sa yakap nito, tinignan nito saglit ang mukha ko at pinahiran ang aking mga luha. Nun ko lang din ito napagmasdan.



May edad nadin ito pero masasabi mong maganda ito nung kabataan niya, maaliwalas ang mukha nito at di rin maikakaila ang maamo nitong mukha na siya ring nagsasabi na mabait ito.



Sir, alam kong ngayon lang tayo nagkakilala pero matagal na tayong nagkakausap sa telepono, ako ang nanay ni Ivan.” pakilala nito. Ngayon alam ko na kung bakit pamilyar ang boses nito.


Maki na lang po.”


Tama ang sabi ni Ivan. Mabait ka nga.” sabi nito sabay ngiti.



Tita, sorry talaga sa nangyari, di ko alam...”



Wala iyon, hijo. Walang may gusto ng nangyari.”


Di na ako nakasagot sa halip ay isang mahigpit na lang na yakap ang ibinigay ko dito, nang maghiwalay kami ay nginitian lang ako nito, iginala ko ang aking mata sa buong bahay. Nahagip ng aking mata ang isang litrato. Tumayo si Tita at kinuwa iyon atsaka bumalik sa aking tabi.


Napakabait na bata ni Ivan, wala siyang ginusto kundi ang makapagaral at maiahon kami sa kahirapan. Ikaw ang tumulong sa kaniya na makamtan yon, Maki at dahil dun napamahal ka na sa kaniya. Nung una, hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang design ng bahay, saka na lang sinabi sakin ni Jepoy na ganitong ganito ang itsura ng bahay niyo at ayon sa sinabi ni Ivan ay gustong gusto niya doon.” natatawang salaysay ni Tita habang nakatingin sa larawan ni Ivan.


Bakit di niyo sinabi sakin yung tungkol sa tumor, tita? Sana natulungan ko kayo.”


Si Ivan narin ang may sabi na wag kang sabihan para bang noon pa lang alam na niya na wala na ring magagawa ang operasyon.” matamlay na sagot ni Tita.


Natahimik ulit ako at tinitigan ang litrato na kandong kandong ni Tita. Noon ko lang nakita ang mukha ni Ivan. Dati kasi nasasabi ko lang na gwapo ito dahil sa aking pagkapa sa kaniyang mukha ngayon ay masasabi kong talagang gwapo si Ivan.


Totoo rin ang sinabi ni Jepoy kanina, sinubukan ni Ivan na paglapitin ulit kayo ni Jepoy. Sana, Maki makaayos na ulit kayo, alang alang kay Ivan.”



0000ooo0000


Mang Udoy sa restaurant tayo.”



Isang linggo na ang nakaraan nung malaman ko ang totong nangyari kay Ivan, di narin nagalangan pa na humingi ng tawad ang aking ina sa kaniyang mga maling desisyon noon, di ko sana ito mapapatawad pero ang inay narin ni Ivan ang nagsabi na patawarin ko ito.



Gusto ka lang protektahan ng iyong inay.”


Kinausap ko na ito na sa oras na makahingi ako ng tawad kay Jepoy ay siya rin dapat na hingi niya ng tawad dito. Pero isang linggo na rin na wala akong balita kay Jepoy. Sinubukan ko itong tawagan, sinubukang ma-contact ang pinagtratrabahuhan nito at minsan naring pumunta sa bahay ng mga magulang nito pero talagang mailap ito.


Opo, Sir.” sagot ng matanda sabay ngiti.



Inabot ko ang mga dokumento tungkol sa ga inventories ng aking restaurant na nakapatong sa upuan sa aking tabi, sinimulan kong buklatin ang mga ito at basahin isa isa ang mga reports. Napansin kong tumigil ang sasakyan, tumingin ako sa unahan ng sasakyan at napansing traffic, napa buntong hininga ako. Iginawi ko saglit ang aking tingin sa labas ng aking bintana.


Jepoy?” tanong ko sa sarili ko nang mapansin ang isang lalaki na naglalakad sa labas ng isang sementeryo.


Sir, May sinasabi po kayo?” tanong ng driver sakin.


Mang Udoy itabi mo muna saglit ang sasakyan, may pupuntahan lang ako.” utos ko dito sabay labas ng sasakyan.


Mabilis kong sinundan ang lalaki, papasok ito sa sementeryo.


Jepoy!” tawag ko dito pero parang hindi ako nito narinig.


Binilisan ko pa ang aking paglalakad, nang makapasok ako sa sementeryo ay agad kong iginala ang aking mga mata. Di ko na makita ang lalaki, malaki ang sementeryo, malawak ang lupain natatakpan ng pantay pantay na damo na naputol lamang ng ilang mga lapida na nagmamarka ng mga taong nakahimlay don saka ng ilang mga matatas na puno na siya namang nagsisilbing mga silungan ng mga taong bumibisita doon.


Di ako magkamayaw sa paglingon, nagbabakasakaling makita ulit ang lalaking aking sinundan papasok sa sementeryong iyon. Tumigil ako saglit sa ilalim ng malaking puno ng acacia dahil sa pagod at sa init na binibigay ng nakatirik na tanghaling araw nang biglang humangin ng malakas, nagliparan naman ang mga piraso ng papel ng inventories ng restaurant na inaamin ko nung mga oras na iyon ay nakalimutan kong hawak ko pa pala.


Nahabol ko ang ilan dito pero ang iba ay dinala ng hangin sa ilang mga lapida na nakahilera sa malawak na damuhan. Isang pahina na lang ang aking di napupulot, inabot ko ito at laking gulat ko ng aking damputin ang papel, natatakpan nito ang isang lapida.


Jana.” bulong ko.


Parang nawalan ng lakas ang aking mga tuhod, napaluhod ako sa malambot na damuhan at nakita ko na lang ang sarili ko na lumuluha. Ibinaba ko sa aking tabi ang mga papel na naglalaman ng inventories sa aking tabi. Di ko na napigilang ang mapahagulgol.


Jana, I'm sorry.” bulong ko ulit kasabay non ay ang pagihip ng malakas na hangin. Muling nagliparan ang mga papel sa aking tabi.


Maki?”


Agad akong napalingon nang marinig ko ang pagtawag sakin ng isang lalaki sa aking likod. Nang malaman ko kung sino ito ay agad akong tumayo at iniyakap ang sarili ko dito. Hawak hawak nito ang ilan sa mga papel na kanina lamang ay nilipad mula sa aking tabi.


Bakit ka umiiyak?” malumanay na tanong nito sakin habang mahigpit ding ibinabalik ang yakap na aking ibinibigay sa kaniya.


Kung pakikinggan mo ang tono ng boses nito ay miya mo hindi nangyari ang paninigaw na ginawa nito sakin nung huli kaming nagkausap, walang bahid ng galit, mayamaya pa ay naramdaman ko narin ang pagtulo ng mga luha nito sa aking balikat kung saan nakahilig ang kaniyang ulo dahil sa aming pagkakayakap.


Walang may gusto ng nangyari kay Jana.”


Nasaktan natin siya, Jepoy.”


I'm sure napatawad na tayo ni Jana.”


P-pano mo nasabi?” tanong ko dito, bahagya kong inilayo ang aking mukha sa kaniya para makita siya ng maayos.


Natatadaan mo ba nung gabi ng aksidente? I'm sure di mo nakita kung pano siya ka concern sayo nung nakita niyang duguan ka, Maki. Hindi ka matitiis ni Jana.”


Pinagmasdan ko ang mukha nito. Seryoso, walang bahid ng pagaalinlangan ang kaniyang binitiwang mga salita. Pero sa kabila ng sinabi niyang yun ay nilalamon parin ako ng guilt at sa loob loob ko ay sinisisi ko parin ang sarili sa pagkamatay ni Jana. Marahil ay napansin ni Jepoy ang pagaalinlangan ko sa kabila ng kaniyang pagaalo. Kumalas ito sa aming pagyayakapan at lumuhod sa tapat ng puntod ni Jana.


Jana, Sana napatwad mo na kami. Mahal na mahal ko si Maki sana pagaangin mo na ang loob niya. Tulad ko, matagal na niya itong dinadala at matagal na rin itong bumabagabag samin. Sana maging masaya na kami sa isa't isa.”


At kasabay ng pagtapos ng mahabang sinabing yun ni Jepoy ay tila ba isang mensahe, tila ba sinagot nito si Jepoy, isang katamtamang lakas ng hangin ang siyang umihip na nagpagalaw sa mataas na puno ng acacia. Sabay kaming napatingala ni Jepoy.


Nagsimulang magbagsakan ang maninipis at pabilog na dahon ng puno ng acacia na tila ba umuulan ng pinaghalong berde, dilaw at pusyaw na kulay ng dahon at bulaklak mula sa puno. Nagkatinginan kami ni Jepoy, muling nagsalubong ang aming mga katawan.


Tagal ko ng gustong maulit ito, Maki.” naiiyak na bulong sakin ni Jepoy. Lalo kong idiniin ang aking mukha sa kaniyang leeg.


Sorry.” bulong ko dito.


Para saan?”


Sorry dahil di kita pinaniwalaan agad.” pagkasabi ko nito ay bahagya ulit ako nitong inilayo sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay at hinila sa isang puntod di kalayuan sa puntod ni Jana.


Napanaginipan ko si Ivan kagabi. Pinapapunta niya ako dito. Tinatanong ko siya kanina kung bakit nya ako pinapapunta dito nang makita ko ang nagliparang papel. Dun kita nakita.” nangingiting sinabi nito sakin.


Napatingin ako sa lapida ni Ivan at ngumiti narin.



Kulit mo talagang kumag ka!” bulong ko sa maliit na lapida. Nakarinig ako ng paghagikgik sa aking likod.


Sorry din pala dun sa mga sinabi ko sayo dun sa bahay nila Ivan---” nakayukong sabi ni Jepoy na tila nahihiya sa kalokohang ginawa.



Huwag kang maginarte ng ganiyan, di bagay sayo.” saway ko dito. Napatawa ito.


Sir Maki, hinahanap na po kayo ni Ma'am sa restaurant.” tawag sakin ni Mang Udoy na sumunod pala sakin. Nginitian ko si Jepoy, tila hindi alam kung pano ngayon kikilos ngayong maayos na sa pagitan namin ang lahat.


S-sige una na ako.” paalam ko dito, tila naman nadismaya ito sa aking pamamaalam.


S-sige i-ingat ka.” sagot nito, di ko maintindihan ang aking nararamdaman, tila ba nanghihinayang ako dahil di ko na ito makakasama sa susunod pang mga oras, na natapos ang aming pagkikita sa ganoon. Kaswal lang ang lahat, parang bumalik sa panahong ka papakilala lang samin ni Jana, walang emosyon, walang pagmamahal.


Mabigat ang paa akong lumakad palayo mula dito. Nang makalmpas na ako sa puntod ni Jana atsaka sa malaking puno ng acacia ay bigla ko ulit narinig ang pangalan ko.


Maki!”

Tumalikod ako at nakitang tumatakbo papunta sa aking direksyon si Jepoy. Nabuhayan ako ng loob, nang magsalubong ang aming mga katawan ay agad naming ibinalot ang bawa't isa sa isang mahigpit na yakap at nagsalubong na sa wakas ang aming mga labi.



Isang halik na puno ng pagtangis at pagmamahal ang aming pinagsaluhan.



I will never let you go again.”



-wakas-

_____________________________________
Breaking Boundaries 17
by: Migs

Monday, November 28, 2011

Chasing Pavements 4[13]

Hey guys! Sorry at ngayon lang ako nag-post ng Chasing Pavements, medyo busy lang. Nga pala, this week na ang finale ng Breaking Boundaries, kung hindi niyo parin nakikita ang connection nito sa ibang stories na ginawa ko, ehe, matagal na kayong nahuli, chapter 11 sinabi ko na yung koneksyon nila. Clue: car accident, kung di niyo parin nakuwa, ito yung aksidente sa Love at it's best book 2. :-p

Isa pa pala, sa mga bagong readers na nagtatanong tungkol sa mga pagkakasunod ng stories and sa connections ng bawat isa. Love at it's Best series po ang una, tapos Breakeven and then Against All Odds, tapos Breaking boundaries. Meron din pong mga Short stories at wala silang koneksyon sa ibang stories, tapos meron din pong Chasing Pavements na hiwalay na story (walang koneksyon sa ibang stories.) PAra naman po sa mga nagtatanong about sa connections ng bawat stories, basahin niyo na lang po ng tama sa pagkakasunod sunod ng bawat stories at malalaman niyo po ito.


Gusto ko rin pong magpasalamat sa mga nag-nominate sakin para sa book project ni kuya Mike, kaso di ko po siya magagawa, super busy ako ngayon eh, di ko na nga matapos yung ibang stories na ipinangako ko sainyo. hihi.


Pasensya na at ang chapter 12 ng Chasing Pavements eh medyo walang kwenta. haha! meron pang 4 chapters to, sorry lang at mabagal ang posting. hehe.
__________________________________________________________________________


Biglang lumatay sa mukha ni JP ang lungkot nang magtama ang aming mga tingin, nagsisimula naring manakit ang likuran ng aking mga mata, indikasyon na malapit na akong umiyak, pero sinabi ko sa sarili ko na hindi ko bibigyan ng kaligayahan si JP sa aking pag-iyak, pinilit kong patatagin ang sarili ko. Sunod kong iginala ang aking mga tingin sa aking mga kaibigan.



Si Dave ay mukhang kinakabahan, si Pat ay mukhang interesadong interesado at excited sa susunod pang mangyayari, si Fhey ay patuloy lang sa pagkain ng kaniyang isang galon na ice cream at pinapalipat lipat ang tingin sakin saka kay JP habang si Edward naman ay patuloy parin sa pamumula sa galit.



Migs, let me explain, please.” bulong ni JP pero para sa akin ay miya mo iyon sigaw dahil literal na ikinagulat ko ang pagsalita niyang iyon.



He doesn't need your explanation! You played him!” sigaw ni Edward, si Pat ay patango tango lang si Dave naman ay di na mapakali.



Migs, we need to talk.” bulong ulit ni JP, muling nagsalubong ang aming tingin. Alam ko rin sa sarili ko na tamang panahon na para makapagusap at sa totoo lang, sawa at pagod na ako sa mga kadramahan na ito. Tinanguan ko ito bilang sagot sa kaniyang paanyaya.



What?! You're actually going to let this prick play you again?!” sigaw nanaman ni Edward, iniyakap na ni Dave ang malaking braso nito kay Edward dahil susugurin nanaman nito si JP.



We will just talk, Edward.” saway ko dito.



He doesn't deserve to be talked to!” napapikit ako sa sinabing iyon ni Edward, dahil para sa akin ay totoo iyon.



I need you guys to give us time to talk, Pat, pwede bang kila Edward muna kayo?” baling ko kay Pat, di na ako nagabala pang tanungin si Edward dahil alam ko ang katigasan ng ulo nito.



Dito lang ako.” mariing sabi ni Edward, napairap na lang ako sa katigasan ng ulo nito.



Edward---” umpisa ni Pat pero nagmatigas si Edward, binigyan niya ng masamang tingin si Pat at itiniklop ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib.



Stop acting like a jelous boyfriend, Edward. They need to talk.” sabi ni Dave habang hinihila si Fhey na kumakain parin ng ice cream mula sa galon.



What if he hit Migs again?!” matigas na ulo paring sabi ni Edward.



Di naman niya ako sinuntok, Edward, aksidente ang nangyari.” saway ko dito.



Tell that to your nose!” balik sakin ni Edward, naiinis na ako sa katigasan ng ulo nito.



Don't make me call Mae.” singhal ko dito, umiling si Edward at padabog na lumabas ng bahay kasunod ang tatlo, narinig kong sumara ang pinto, sinulyapan ko si JP, nakayuko lang ito.



Gusto mo ng kape?” tanong ko dito.



Migs---”



I definitely need one.” putol ko sa sasabihin niya. Tinungo ko ang kusina at napansin kong sumusunod ito sakin.



I don't know what to say.” bulong ni JP habang nakatalikod ako dito at busy sa pagtitimpla ng kape ala starbucks.



You don't have to say anything, JP. I saw this coming, you were not attracted to guys before me, you were straight before you new me and you're still attracted to girls while we were going out, so I expected that you will leave me for a girl eventually, ako lang naman tong makulit na ipinagpipilitan na makipagrelasyon sayo---”



I also wanted to be in a relationship with you, Migs, wag mong sisihin sarili mo---”



But I was not enough, right? I will never be enough. JP, this is the exact same reason why I was reluctant to be in a relationship with you at first, you may be attracted to me now but you will always look for a girl, I know something like this would happen.” hindi ko na maituloy ang pagtitimpla dahil nanginginig ang aking mga kamay at natatapon lang ang mga asukal mula sa kutsarita kaya naman iniwan ko na ito at humarap kay JP.



Nagsisisi ka ba?” pabulong na tanong ni JP, nakayuko na ito ngayon.



To tell you the truth, yes.” walang kagatol gatol kong sagot dito, nagtaas ng tingin si JP, halatang hindi inaasahan ang pagiging takleso ko, kitang kita ko sa mukha nito ang sakit na dulot ng aking sinabi.



Saglit kaming natahimik. Hindi na maikakaila ang namumuong luha sa mga mata ni JP.



I'm sorry, Migs, please, di na ako makikipagkita kay Donna, gagawin ko lahat ng gusto mo---”



Di mo ba na-gets, JP? Nagsisisi na ako. Nung una pa lang ayaw ko ng maging tayo dahil alam kong mangyayari 'to, sa tingin mo isusugal ko pa ang kakapiranggot na pagmamahal ko pang natitira para sayo para sa isa pang chance na alam ko namang magiging balewala lang?”



Migs, please, I swear---” pagmamakawa ni JP, ngayon hindi na nito mapigilang maiyak.



I can't do this anymore, JP. It will just be unfair for the both of us, it will be unfair to Donna---”



I don't care about her!” singhal ni JP.



You don't care about her now, pero pano next week? Next month? Next year? Alam ko naman nung una pa lang na mahal mo siya at mahal ka niya pero pinilit ko parin yung akin. That day, nung malapit ka ng ma-discharge sa ospital, nung binisita ka niya? I saw how you kiss each other, I saw how you look at each other and I remember kung pano ko hiniling na ako ang hinahalikan mo ng ganun, na ako ang tinitignan mo ng ganun, JP, this is not just about us, this is also about you and Donna.”



But I love you---”



And I love you too, but will that be enough? Will our love for each other be enough? Am I going to be enough for you?” matapos kong itanong ang mga ito ay tahimik kong hiniling sa sarili ko na sabihin ni JP na “Oo” na sapat na ang mahal namin ang isa't isa, na sapat na ako para sa kaniya, dahil sa loob loob ko ay hinihiling kong ipaglaban niya ako pero hindi...



Natahimik si JP, hindi makasagot. Di ko na kaya pang itaboy ang mga luha na nagbabadyang tumulo kaya naman tumalikod na ako kay JP, kunwari ay pinagpapatuloy ang pagtitimpla ng kape.



Can you forgive me? Can we still be friends?” pabulong na tanong ni JP. Tila naman may sibat na tumarak sa aking puso sa tanong na iyon.



I don't know. Later, I guess, but now--- I don't know, JP.”



Bakit si Edward? Napatawad mo agad siya, tangina para nga siyang boyfriend mo kung umasta eh! Bakit ako, hindi pwedeng maging ganun para sayo?” parang batang tanong ni JP. Tila ba nagseselos na kapatid, nakikihati sa atensyon ng kaniyang magulang.



Because Edward didn't promise me anything. He didn't swear that he would never hurt me, he didn't promise me about being in love forever; that's why it's easy for me to forgive him and welcome him as a best friend as if nothing happened.” muling natahimik si JP sa pangangatwiran kong ito, hindi ko parin magawang humarap dito.



I'm sorry, Migs.” bulong ulit nito. Napatawa ako kahit na halatang pasarkastiko ang tawang iyon ay hindi ko ito napigilang mailabas, sa totoo lng wala na akong pakielam kung ano pa ang isipin ni JP mula sa tawang iyon.



I don't even know if your sorry is enough, JP.” iiling iling kong sabi habang patuloy parin sa pagtawa at pagiyak. Naramdaman ko ang pahawak ni JP sa aking balikat, pilit ako nitong pinaharap sa kaniya, idinikit niya ang kaniyang noo sa aking noo, ang kaniyang matangos na ilong ay sumasayad sa dulo ng aking ilong, niyakap niya ako ng mahigpit, napapikit ako sa ginawa niyang ito, pilit na pinipigilan ang mga luha na lumabas mula sa aking mga mata pero pursigido ang mga ito na tumulo, nasa ganito kaming tagpo habang paulit ulit na sinasabi ni JP ang mga salitang “I'm sorry.” at habang sabay kaming humihikbi.



0000ooo0000



Matapos umalis ni JP ay nakita ko ang sarili ko na naglilinis ng banyo, nasa ganito akong tagpo nang maabutan ng aking mga kaibigan, si Fhey ay sumusupsop ng double pospsicle, si Dave ay kinakabahan parin, si Pat ay mukha paring interesadong interesado na malaman ang mga nangyri sa pagitan namin ni JP at si Edward naman ay nagaalalang nakatitig sakin.



Anong nangyari?” di makapagintay na tanong ni Pat.



Wala naman, nagusap at nagkalinawan.” sagot ko sabay ngiti, nadismaya naman si Pat sa sagot kong iyon kaya't nagtanong ulit ito.



Yun lang?” siniko naman siya ni Edward sa tagiliran.



Yup. Yun lang---”



Kamusta ka?” nagaalalang tanong ni Edward.



I'm good.” sagot ko dito sabay ngiti. Nagbuntong hininga naman si Dave sa sagot kong iyon, so Fhey ay patuloy lang sa pagsupsop ng kaniyang popsicle si Pat ay dismayado parin at si Edward ay di kumbinsido sa sagot ko.



He loves Donna, Donna loves him, JP's a guy and Donna's a girl. I can't do anything about that.” sagot ko sabay kibit balikat, pilit itinatago ang tono ng bitterness mula sa aking boses. Nagkatinginan ang apat.



Migs, tigilan mo nga yan, kalilinis mo lang niyang CR na yan, sa sobrang linis niyan pwede nang mag-opera dyan. Tara punta tayo ng mall, kain tayo ng ice cream.” aya sakin ni Fhey, binigyan ko ito ng matipid na ngiti.



Pass muna ako. May sarili pang buhay ang mga ngipin ko dahil sa retainers ko.” sagot ko dito.



Migs---”



Look, guys. I'm OK. Kung may gagawin kayo or may gusto kayong gawin, then do it. Wag na kayong magalala, OK?” medyo matigas kong sabi sa mga ito, nakilala ni Pat ang tonong iyon kaya't inaya na niya ang iba na iwan muna akong magisa. Narinig ko pang nagtatalo si Edward at Pat dahil ayaw akong iwan ni Edward pero sa huli ay bumigay din ito.



Migs, alis muna kami ah. Kapag kailangan mo kami, tawag ka lang.” marahang paalam sakin ni Edward, nginitian ko lang ito.



Sinalpak ko ang vacuum at pinasadahan ang carpet sa sala at dining room, kinuskos ko ang kisame, inayos ang bodega, iniskoba ang kusina, pinaikot-ikot ang mga furniture, tinabas ang damo, nilinis ang coy pond, inalis ang patay na sangha ng santol, iniskoba at pininturahan ang mga babasaging gnomes sa may garden pero nang matapos ko ang lahat ng ito, hindi lang sa hindi nawala ang sakit na nararamdaman ko, nadagdagan pa ito ng sakit ng katawan ko.



Nang makasigurong tapos na ang waiting period para hindi mapasma ay agad na akong sumalang sa ilalim ng shower, magisa kong inabot ang aking balikat at minasahe ito, naramdaman kong muling nangilid ang mga luha ko, hindi dahil masakit ang aking mga balikat, kundi dahil sa sakit parin ng nararamdaman ko sa pakikipaghiwalay kay JP.



Akala ko pagkatapos kong lampasuhin ang buong bahay at tabasin lahat ng ligaw na damo sa bakuran, makakalimutan na ng utak at puso ko ang nangyari kanina sa kusina nung kausap ko si JP, hindi pala. Sandali lang pala akong mangingimay pero andun parin yung sakit.



Tinuyo ko ang sarili ko pagkatapos maligo at humarap sa lababo para mag-toothbrush, tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang sinisipilyo ang aking mga ngipin, wala akong makita sa aking mukha kundi ang pananakit ng puso at katawan, ilang saglit pang pagtitig sa sarili ko ay saka ko napagtantong kahit anong pilit kong itago ang aking nararamdaman ay uusbong at uusbong at makikita parin ito sa aking mukha. Nasa ganito akong pagiisip nang maisip kong tawagin ang sarili ko na...



Loser. Pathetic. Miserable...”



Ilan pang masasakit na salita ang naisip kong itawag sa sarili ko habang naglalakad papunta sa aking kama. Nagpaikot ikot ako dito, pinilit ang sarili na makatulog pero kahit anong pagod pa ang nararamdaman ng katawan ko ay siya namang ayaw magpahinga nito.



Isa lang ang naisip kong paraan para makatulog.



Naisipan kong ilabas lahat ng aking nararamdaman at hindi nga nagtagal ay tila naman gripong binuksan ang aking mga mata at hindi na tumigil ang mga luha sa pagpatak mula dito. Hindi ko na namalayan na may ibang tao na pala sa kwartong iyon dahil abala ako sa paghikbi, abala akong kaawaan ang sarili ko.



Naramdaman ko ang mga bisig ni Edward na bumalot sa aking katawan, marahan ako nitong iniyugyog na parang batang hine-hele ng ina.



Let it out, Migs. Let it out.”



Itutuloy...

_______________________________
Chasing Pavements 4[13]
by: Migs


Chasing Pavements 4[12]

Pinagtitinginan ako ng mga tao sa hallway at sa elevator, alam kong nawiwirduhan sila sakin dahil sa suot ko pero di ko na ito pinansin pa. Nang makalabas na ako ng elevator ay agad akong pumunta sa aking sasakyan pero bago iyon ay bumangga ako sa malapader na katawan ng isang lalaki at sa pangalawang pagkakaton ay nakita ko ang sarili ko na bumabagsak sa sahig.



Hey, watch where you going, will yo--- oh bollocks!” sigaw nito habang lumuluhod malapit sa aking nakahiga paring katawan. Tinignan ko ito ng mabuti, naka unipormeng pampulis ito pero may mali, pwera na lang kung may brown hair, maputing balat na pang banyaga, matangos na ilong, may British accent magsalita at kulay green na mga mata kang makikita na kabilang sa kapulisan ng Manila. Naalala ko bigla kung bakit ako nandun at kung bakit ako nakasuot na miya mo elf na kasali sa mundo ng Lord of the Rings.



Are you, OK? Your nose is bleeding like mad!” sabi nito sabay ipit ng aking nose bridge at marahan akong pinatungo. Nun ko naalala kung sino ang mala David Beckham (with exaggeration) na nagpapatigil ng pagdudugo sa aking ilong.



Great. Another asshole.”



Did you just---” pero hindi na niya iyon naituloy nang biglang sumigaw si JP.



Oh shit, Migs. I'm sorry.” sabi nito pero hindi ko na ito hinayaan pang hawakan ako.



So I guess it's not my fault why your bloody nose is bleeding, huh?” tanong ni David Beckham este ni Chris pala na siyang kapitbahay namin ni kuya Ron sa The Residences noon.



No shit, sherlock!” sarkastiko kong balik dito na ikanahagikgik naman nito saka tumingin ng seryoso kay JP.



Look, Dude. Migs is like a brother to me an annoying little brother at that and I don't put up with arseholes who decides to have a go with him, so fuck off, before I kick your bloody arse!” sigaw ni Chris kay JP, tumingin sakin si JP, nagmamakaawa ang tingin nito, iniwas ko dito ang aking mga tingin, nakuwa niya ang gusto kong mangyari kaya't tumayo ito at naglakad na palayo.



You OK, shit head?”



Well yeah, I don't suppose having your face knocked up by a night stand doesn't hurt to you.” sarkastiko kong balik dito na ikinatawa naman niya habang inaalalayan akong tumayo.



0000ooo0000



Tila naman balewala lang ang pagdugo ng ilong ko at ang mga ikinukuwento ko kay kuya Ron tungkol sa nangyari samin ni JP dahil abala ito sa pagpapa-cute kay Chris na kahit anong gawin naman niya ay hindi siya pinapansin. Bakit nga ba papansinin ni Chris si kuya Ron eh may asawa na ito sa UK at nagiintay lang na matapos siya ng pagaaral para makabalik na doon.



You didn't!” sigaw ni Chris sabay tawa nang ikuwento ko dito ang nalaman ko habang nagtatago sa aparador ng dorm ni JP.


Did too.”


You could've been caught and sent to jail for breaking and entering!” sigaw ulit nito sabay tawa. Di ko alam pero parang nawala na ang sakit na nararamdaman ko ng ilang araw habang ikinukwento kay Chris at kuya Ron ang nangyari samin ni JP, iba kasi sa mga karaniwang galit at pakikisimpatya ang nakukuwa kong reaksyon sa dalawang to kumpara noong nagkukuwento ako kila Edward.



or talked to engaging into orgy.” sabat naman ni kuya Ron na ikinahagalpak lalo ni Chris at ikinahagikgik ko naman.



Do you reckon your boy Migs here wants to engage in such nasty acts?! Get real, Ron!” sabi ni Chris, nagkibit balikat si kuya Ron.



Well, I could have---”



Well, Migs is not you, Ron.” putol ni Chris, umirap lang si kuya Ron sa sinabi ni Chris.



Enough about him. Let's talk about us.” sabat ulit ni kuya Ron sabay angkla sa malaking braso ni Chris.



You're being bloody creepy again, Ron. I told you, I don't swing that way.”



There's always first for everything.” sagot ni kuya Ron sabay kindat kay Chris na ikinailing naman nito.



0000ooo0000



Ilang oras pa ang lumipas at humina na ang tugtog sa sala at umonti na ang mga tao na naki-birthday kay kuya Ron, nakatitig lang ako sa kisame may isang bag ng yelo na nakatapal sa aking mukha, nararamdaman ko na ang pamamaga ng aking mukha. Kinakapa ko ang aking kaliwang mata nang bumukas ang pinto ng kwarto ni kuya Ron.



Migs?” tawag nito sakin. Di ko ito pinansin, itinuloy ko lang ang aking pagtingin sa kisame.



Alam mo, kahit naglalaway ako kanina nung nagkwe-kwento ka sakin at kay Chris tungkol sa mga nangyari sainyo ni JP, nakikinig parin naman ako, kitang kita ko parin sa mga mata mo na nasasaktan ka kahit na nakangiti kang nagkwekwento.” sabi ni kuya Ron habang hinahaplos ang mukha ko.



Bakit siya pa yung galit? Bakit ako pa dapat ang mahiya sa kaniya? Bakit kailangan ako pa yung ma-guilty e siya naman itong nagsisinungaling, siya ang nanloko at siya ang nanakit---”



Kasi, hindi mo ipinaliwanag sa kaniya, Migs. Kausapin mo siya, ipaalam mo sa kaniyang nasasaktan ka, na nagagalit ka.” natigilan ako sa sinabing iyon ni kuya Ron.



Masakit---”



Masakit talaga, Migs, pero sa tingin mo, mababawasan yang sakit na yan kung kakalimutan mo na lang lahat, kung tatalikuran mo na lang lahat? Oo mas madali yun kesa kumprontahin siya, pero maniwala ka kapag sinabi ko sayo na habang buhay mong dadalhin yan at habang buhay kayong magsisisihan ni JP kung anong nangyari sa pagitan niyo. Imagine, habang buhay niyang iisipin na pinaglaruan mo lang siya at ikaw naman habang buhay mong dadalhin ang pananakit niya.”



Napaisip ako sa sinabing iyon ni kuya Ron.



0000ooo0000



What the hell happened to your face?!” sigaw ni Edward nang pagbuksan ko ito ng front door kinabukasan.



Wala, to.” sabi ko dito pero bago pa man ako makapaglakad pabalik sa kusina kung saan ako nagbe-bake ng Dory ay hinila na nito ang kamay ko at pinaharap ulit sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang pagaalala, inilibot nito ang kaniyang tingin sa aking mukha.



Nagulat din ako nang humarap ako kanina sa salamin. Namamaga ng bongga ang ilong ko, daig pa ang bell pepper sa laki at ang kaliwang mata ko ay halos magsara na.



Who did this to you?” tanong nito.



Bakit sa front door ka dumaan? Bukas kaya yung bintana ko.” pagiiba ko ng usapan at tatalikod na sana ulit nang hilahin ako ulit nito paharap sa kaniya.



Migs. Sino. Ang. Gumawa. Niyan. Sayo.” bawat salita ay ramdam ko ang galit nito, napayuko ako na pinasisihan ko naman agad dahil sumumpong nanaman ang hilo na gawa ng vodka at ng pakikipag halikan ko sa night stand kagabi.



Nadapa ako. Tumama yung mukha ko sa night stand ni kuya Ron.”



SINO, MIGS?!” sigaw na ni Edward, napabuntong hininga ako. Wala na akong nagawa kundi ikuwento kay Edward ang lahat. Nang matapos ako sa pagkukuwento ay agad itong tumayo at dinukot ang telepono niya sa kaniyang bulsa.



San ka pupunta?” tanong ko dito sabay sunod sa kaniya palabas, di ako nito sinagot, may kausap na ito sa telepono.



0000ooo0000



Pagkalipas ng kalahating oras ay nagdatingan na ang mga support system ko sa katauhan ni Fhey, Dave at Pat.



Holy Shit!” sigaw ni Fhey habang si Dave ay napanganga na lang at si Pat ay sinuntok ang front door na alam kong pinagsisisihan niya dahil alam kong masakit ang ginawa niyang yun.



Wow! Andito ulit kayo! Now I feel so loved!” sigaw ko sabay hagikgik.



Stop it, Migs. Di nakakatawa ang ginawa sayo ni JP.” saad ni Edward at sabay sabay namang tumango ang tatlo bilang pagsang ayon sa sinabi ni Edward.



Sabi ko naman kasi sayo, AKSIDENTE lang ang nangyari.”



Tinulak ka niya, Migs!” sigaw ni Edward.



Tipsy na ako, di masyadong malakas ang pagkakatulak ni JP.”



BULLSHIT!” sigaw ulit ni Edward, di ko napansing nawala na ang tatlo sa background. Kalahating oras pa ulit kami nagtalo ni Edward.



0000ooo0000



Natapos din.” sabi ni Fhey nang pumasok na ako sa aking kwarto na nangingilid ang luha dahil sa pagtatalo namin ni Edward.



Kasalanan mo to eh!” baling ko kay Fhey.



Bakit ako?!”



Kung hinayaan mo na lang sana ako na maglinis ng bahay araw araw hindi ako sasama kay kuya Ron sa party!” balik ko dito.



Gago ka ba?! Eh ni hindi ka makakahindi dun sa pinsan mo eh!” balik ni Fhey na hindi ko naman nasagot.



Edi natameme ka! Maninisi pa tong baklang 'to!” sigaw nito sabay hila sakin paupo sa kama.



Oh! Samahan mo akong manood ng Gone with the wind.” sabi ni Fhey sakin sabay share ng kaniyang isang galon na ice cream.



Sige.” payag ko sa mungkahi nito.



San sila?” tanong ni Fhey.



Binabalak ang pang a-ambush kay JP.” sagot ko dito.



Kaya ka ba naiiyak?” natatawang tanong ni Fhey, umiling ako.



Bakit ka umiiyak?!” tanong ulit nito.



Sakit ng ilong ko eh.” sagot ko dito.



Bakla, bakit naman kasi sa night stand mo pa napiling bumagsak, pwede namang sa bed, sa carpet o kaya sa unan.”



Malay ko bang itutulak ako ng hinayupak na yon!”



Aha! Edi inamin mo rin na itinulak ka nga ni JP.”



Kanina ko pa kaya sinabing tinulak ako ni JP. Sabi ko tinulak niya ako pero mahina lang.”



Ay oo nga pala.”


Tahimik.


Sarap ng ice cream.”



Caramel cheesecake yan, sarap no? May isang galon pa sa baba, kuwa ka lang kung gusto mo pa.”



OK.”



0000ooo0000



Nagising ako bigla nang makarinig ng malalakas na pagsigaw sa baba, ginising ko si Fhey na yakap yakap parin ang isang galon ng ice cream na naubos na namin at nakangangang nakapaling sakin. Nang hindi ito nagising ay itinulak ko na lang ito para makababa na.



Aray ko.” narinig kong sabi ni Fhey habang pababa na ako ng hagdan. Nakita kong nagsisigawan si Edward at JP sa may sala habang si Pat at Dave naman ay hinahawakan ang dalawa para mapigilan ang napipintong pagpapalitan ng suntok.



Gago ka pala eh!”



Di ko nga sinasadya, Edward. Nagalit lang ako nung sabihin ni Migs na ayaw na niya akong makita!” balik ni JP.



Eh kung hindi mo ba naman siya ginagago eh sa tingin ko di niya sasabihin yon!” balik ni Edward napatigil si JP.



Ano?! Edi natahimik ka! Akala mo hindi namin alam na inuuwi mo yung ex mo sa dorm mo?! Ha?! Akala mo di napapansin ni Migs ang mga lame excuses mo nung hindi ka dito umuwi, Tangina ka! Buti ng yun lang ang sinabi sayo ni Migs eh!” humahangos na sabi ni Edward habang si JP naman ay di na talaga nakasagot, tumigil na ito sa pagpalag sa yakap ni Pat, namumutla at nanginginig.



Wow!” sigaw ni Fhey sa tabi ko na hawak hawak ang bagong galon ng ice cream mula sa Ref, napatingin ang apat sa kinatatayuan namin.



Nagsalubong ang tingin namin ni JP.



Itutuloy...

________________________________
Chasing Pavements 4[12]
by: Migs