Breaking Boundaries 17

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Nagulat ako sa inaasta ni Jepoy, alam ko kung bakit ito nagagalit at hindi ko siya masisisi. Matalim parin ang mga tingin nito sakin, hinaplos na ng babae ang likod ni Jepoy para kumalma ito. Huminga ako ng malalim at inisip kung ano bang magandang sabihin.



I'm sorry---”



You should be!” sigaw ni Jepoy. Wala akong makitang ibang emosyon sa mukha nito kundi galit. Nasasaktan ako habang nakikita iyon.



Jepoy---” simula ng babae.



Isang beses ka lang kinailangan ni Ivan di mo pa napagbigyan! Ikaw na itong nagsabi sakin na hindi mo kayang saktan si Ivan pero nasan ka nung kailangan ka niya?! Lagi siyang nandiyan noon sa tabi mo, maski hindi mo siya kailanganin andyan siya sa tabi mo, pero nung kailanganin ka niya, asan ka?! Sinabihan mo pa akong desperadong makausap ka! Pinagbintangan mo pa akong gumagawa ng kwento makausap ka lang!”



Wala ng tigil ang luha galing sa aking mga mata. Lumapit sa aking ang babae.



Tahan na, Sir.”



Sa bibig ko ba mismo galing ang mga salitang yan, Jepoy?” tanong ko dito, nakayuko na ako ngayon, walang sing bigat ang pakiramdam dahil sa mga masasakit na salita na sinabi ni Jepoy pati narin dahil sa mga bintang nito.



Natigilan saglit si Jepoy.



Ang inay ang nakausap mo nung tumawag ka---”



Tumawag ako para sabihin malubha na si Ivan at sinabi ng inay mo na ayaw mo akong makausap na desperado na ako---”



Galit ang inay sayo, kung ako ang nakausap mo hindi sana---”



Nakausap na kita bago pa lumubha ang sakit ni Ivan. Hindi ka naniwala sakin, sinabi ko sayo na wala kaming relasyon na ang lahat ay palabas lang dahil may pinaplano para sayo si Ivan.”



Natigilan ako.



Pero nanguna yang pride mo. Akala mo nandun ako para sirain kayo ni Ivan, ni hindi mo nakita na nagsasabi ako ng totoo! Kung naniwala ka lang sana---” nanginginig ng sabi ni Jepoy.



Matagal ng alam ni Ivan ang sakit niya, pero hindi niya inalintana yun dahil ayon sa kaniya, mawawalan ka ng kasama sa oras na magpaospital siya. Pinilit niyang bumawi sa kabutihan mo sa kaniya sa pamamagitan ng paglalapit ulit sating dalawa dahil naniniwala siya na asakin ang kaligayahan mo. Pilit niyang isinasama ako sainyo para mapalapit ang loob mo ulit sakin, pero hindi, ang taas ng bakod mo, hindi ka magpadaig sa totoong nararamdaman mo, sa pagmamamahal na pinararamdam ko sayo. Nagsimula ka ng magtaka at nakita ni Ivan na naguguluhan ka na sinabi nito na magboyfriend kami para di ka na magtanong at di ka na pumili sa aming dalawa, pero mali ang ginawa niyang yun, lalo mong tinaasan ang bakod mo. Nung gabing ayaw kang isama ni Ivan mag dinner, yun ang gabing dapat sasabihin ko na sayo ang lahat ng pinaplano ni Ivan, dun ko na lilinawin ang lahat dahil nakikita kong unti unti ka ng lumalayo, alam kong nasaktan ka nang hindi ka isama ni Ivan, alam niya rin ito, kitang kita sa mukha mo, Maki, pero nagmatigas si Ivan, lumalala na ang sakit niya noon, matamlay na siya, bagsak ang katawan at madalas nagsusuka, di magtatagal mismong ikaw mapapansin mo na na may kakaiba sa kaniya, kinausap ko siya nung gabing iyon, sinabi ko na sasabihin ko na saiyo lahat ng binabalak niya sayo sa dinner na iyon pero pinigilan niya ako, nagtalo kami, ayaw niyang masira ang plano niyang makabawi sayo, alam niya na kapag nalaman mo ang tungkol sa pagdo-donate niya sayo ng mata kapag nangyaring talunin na siya ng kanyang karamdaman ay sigurado siyang tatanggihan mo iyon kaya't mas pinili niya na masaktan ka ng panandalian at makakita sa huli kesa malaman mo ang lahat at tumanggi sa inaalok niya. Isinakripisyo niya ang sarili niya para sayo. Ganun ka niya ka-mahal. Hanggang sa huli di ka niya iniwan!”



Wala akong masabi sa mga inilalahad ngayon ni Jepoy, ang alam ko lang walang patid ang pagiyak naming dalawa kahit na pinipilit naming maging matigas ang aming mga mukha ibinuko naman ng aming mga luha ang totoo naming naramdaman.



Hanggang sa lumala na yung sakit niya. Alam niya na hindi na siya magtatagal kaya humanap siya ng ibang paraan para makabawi sayo. Yung tipong kahit wala na siya ay nakakabawi parin siya sa kabutihan mo sa kaniya noon. Mahal na mahal ka ni Ivan, Maki. At utang na loob mo sa kaniya ang panibago mong buhay.”



Lalong bumigat ang aking pakiramdam. Tumingin ako sa salamin sa hindi kalayuan at sa litrato ni Ivan, ipnabalibalik ko ang tingin sa aking repleksyon at sa litrato ni Ivan. Lalo akong napahagulgol.



I'm sorry, Ivan.” bulong ko ulit at niyakap ako ng babae sa aking tabi.



Ngayon, alam mo na kung bakit ko sinabi na dapat lang na humingi ka ng tawad kay Ivan, mahal na mahal ka niya, tiniis niya lahat sayo at nagsakripisyo. Kung hindi ka parin naniniwala sa sinasabi ko, tumingin ka sa paligid mo, gamitin mo ang paningin na binibay sayo ni Ivan, tignan mo ang bahay na pinagawa niya.”



Mayamaya pa ay narinig ko ang paglakad ni Jepoy at ang pabalang na pagsara ng pinto.


0000ooo0000


Matagal kaming natahimik ng babae sa aking tabi, wala paring tigil ang pagpatak ng luha ko at ganun ganun parin ang pagaalo sakin ng babae. Bahagya akong kumalas sa yakap nito, tinignan nito saglit ang mukha ko at pinahiran ang aking mga luha. Nun ko lang din ito napagmasdan.



May edad nadin ito pero masasabi mong maganda ito nung kabataan niya, maaliwalas ang mukha nito at di rin maikakaila ang maamo nitong mukha na siya ring nagsasabi na mabait ito.



Sir, alam kong ngayon lang tayo nagkakilala pero matagal na tayong nagkakausap sa telepono, ako ang nanay ni Ivan.” pakilala nito. Ngayon alam ko na kung bakit pamilyar ang boses nito.


Maki na lang po.”


Tama ang sabi ni Ivan. Mabait ka nga.” sabi nito sabay ngiti.



Tita, sorry talaga sa nangyari, di ko alam...”



Wala iyon, hijo. Walang may gusto ng nangyari.”


Di na ako nakasagot sa halip ay isang mahigpit na lang na yakap ang ibinigay ko dito, nang maghiwalay kami ay nginitian lang ako nito, iginala ko ang aking mata sa buong bahay. Nahagip ng aking mata ang isang litrato. Tumayo si Tita at kinuwa iyon atsaka bumalik sa aking tabi.


Napakabait na bata ni Ivan, wala siyang ginusto kundi ang makapagaral at maiahon kami sa kahirapan. Ikaw ang tumulong sa kaniya na makamtan yon, Maki at dahil dun napamahal ka na sa kaniya. Nung una, hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang design ng bahay, saka na lang sinabi sakin ni Jepoy na ganitong ganito ang itsura ng bahay niyo at ayon sa sinabi ni Ivan ay gustong gusto niya doon.” natatawang salaysay ni Tita habang nakatingin sa larawan ni Ivan.


Bakit di niyo sinabi sakin yung tungkol sa tumor, tita? Sana natulungan ko kayo.”


Si Ivan narin ang may sabi na wag kang sabihan para bang noon pa lang alam na niya na wala na ring magagawa ang operasyon.” matamlay na sagot ni Tita.


Natahimik ulit ako at tinitigan ang litrato na kandong kandong ni Tita. Noon ko lang nakita ang mukha ni Ivan. Dati kasi nasasabi ko lang na gwapo ito dahil sa aking pagkapa sa kaniyang mukha ngayon ay masasabi kong talagang gwapo si Ivan.


Totoo rin ang sinabi ni Jepoy kanina, sinubukan ni Ivan na paglapitin ulit kayo ni Jepoy. Sana, Maki makaayos na ulit kayo, alang alang kay Ivan.”



0000ooo0000


Mang Udoy sa restaurant tayo.”



Isang linggo na ang nakaraan nung malaman ko ang totong nangyari kay Ivan, di narin nagalangan pa na humingi ng tawad ang aking ina sa kaniyang mga maling desisyon noon, di ko sana ito mapapatawad pero ang inay narin ni Ivan ang nagsabi na patawarin ko ito.



Gusto ka lang protektahan ng iyong inay.”


Kinausap ko na ito na sa oras na makahingi ako ng tawad kay Jepoy ay siya rin dapat na hingi niya ng tawad dito. Pero isang linggo na rin na wala akong balita kay Jepoy. Sinubukan ko itong tawagan, sinubukang ma-contact ang pinagtratrabahuhan nito at minsan naring pumunta sa bahay ng mga magulang nito pero talagang mailap ito.


Opo, Sir.” sagot ng matanda sabay ngiti.



Inabot ko ang mga dokumento tungkol sa ga inventories ng aking restaurant na nakapatong sa upuan sa aking tabi, sinimulan kong buklatin ang mga ito at basahin isa isa ang mga reports. Napansin kong tumigil ang sasakyan, tumingin ako sa unahan ng sasakyan at napansing traffic, napa buntong hininga ako. Iginawi ko saglit ang aking tingin sa labas ng aking bintana.


Jepoy?” tanong ko sa sarili ko nang mapansin ang isang lalaki na naglalakad sa labas ng isang sementeryo.


Sir, May sinasabi po kayo?” tanong ng driver sakin.


Mang Udoy itabi mo muna saglit ang sasakyan, may pupuntahan lang ako.” utos ko dito sabay labas ng sasakyan.


Mabilis kong sinundan ang lalaki, papasok ito sa sementeryo.


Jepoy!” tawag ko dito pero parang hindi ako nito narinig.


Binilisan ko pa ang aking paglalakad, nang makapasok ako sa sementeryo ay agad kong iginala ang aking mga mata. Di ko na makita ang lalaki, malaki ang sementeryo, malawak ang lupain natatakpan ng pantay pantay na damo na naputol lamang ng ilang mga lapida na nagmamarka ng mga taong nakahimlay don saka ng ilang mga matatas na puno na siya namang nagsisilbing mga silungan ng mga taong bumibisita doon.


Di ako magkamayaw sa paglingon, nagbabakasakaling makita ulit ang lalaking aking sinundan papasok sa sementeryong iyon. Tumigil ako saglit sa ilalim ng malaking puno ng acacia dahil sa pagod at sa init na binibigay ng nakatirik na tanghaling araw nang biglang humangin ng malakas, nagliparan naman ang mga piraso ng papel ng inventories ng restaurant na inaamin ko nung mga oras na iyon ay nakalimutan kong hawak ko pa pala.


Nahabol ko ang ilan dito pero ang iba ay dinala ng hangin sa ilang mga lapida na nakahilera sa malawak na damuhan. Isang pahina na lang ang aking di napupulot, inabot ko ito at laking gulat ko ng aking damputin ang papel, natatakpan nito ang isang lapida.


Jana.” bulong ko.


Parang nawalan ng lakas ang aking mga tuhod, napaluhod ako sa malambot na damuhan at nakita ko na lang ang sarili ko na lumuluha. Ibinaba ko sa aking tabi ang mga papel na naglalaman ng inventories sa aking tabi. Di ko na napigilang ang mapahagulgol.


Jana, I'm sorry.” bulong ko ulit kasabay non ay ang pagihip ng malakas na hangin. Muling nagliparan ang mga papel sa aking tabi.


Maki?”


Agad akong napalingon nang marinig ko ang pagtawag sakin ng isang lalaki sa aking likod. Nang malaman ko kung sino ito ay agad akong tumayo at iniyakap ang sarili ko dito. Hawak hawak nito ang ilan sa mga papel na kanina lamang ay nilipad mula sa aking tabi.


Bakit ka umiiyak?” malumanay na tanong nito sakin habang mahigpit ding ibinabalik ang yakap na aking ibinibigay sa kaniya.


Kung pakikinggan mo ang tono ng boses nito ay miya mo hindi nangyari ang paninigaw na ginawa nito sakin nung huli kaming nagkausap, walang bahid ng galit, mayamaya pa ay naramdaman ko narin ang pagtulo ng mga luha nito sa aking balikat kung saan nakahilig ang kaniyang ulo dahil sa aming pagkakayakap.


Walang may gusto ng nangyari kay Jana.”


Nasaktan natin siya, Jepoy.”


I'm sure napatawad na tayo ni Jana.”


P-pano mo nasabi?” tanong ko dito, bahagya kong inilayo ang aking mukha sa kaniya para makita siya ng maayos.


Natatadaan mo ba nung gabi ng aksidente? I'm sure di mo nakita kung pano siya ka concern sayo nung nakita niyang duguan ka, Maki. Hindi ka matitiis ni Jana.”


Pinagmasdan ko ang mukha nito. Seryoso, walang bahid ng pagaalinlangan ang kaniyang binitiwang mga salita. Pero sa kabila ng sinabi niyang yun ay nilalamon parin ako ng guilt at sa loob loob ko ay sinisisi ko parin ang sarili sa pagkamatay ni Jana. Marahil ay napansin ni Jepoy ang pagaalinlangan ko sa kabila ng kaniyang pagaalo. Kumalas ito sa aming pagyayakapan at lumuhod sa tapat ng puntod ni Jana.


Jana, Sana napatwad mo na kami. Mahal na mahal ko si Maki sana pagaangin mo na ang loob niya. Tulad ko, matagal na niya itong dinadala at matagal na rin itong bumabagabag samin. Sana maging masaya na kami sa isa't isa.”


At kasabay ng pagtapos ng mahabang sinabing yun ni Jepoy ay tila ba isang mensahe, tila ba sinagot nito si Jepoy, isang katamtamang lakas ng hangin ang siyang umihip na nagpagalaw sa mataas na puno ng acacia. Sabay kaming napatingala ni Jepoy.


Nagsimulang magbagsakan ang maninipis at pabilog na dahon ng puno ng acacia na tila ba umuulan ng pinaghalong berde, dilaw at pusyaw na kulay ng dahon at bulaklak mula sa puno. Nagkatinginan kami ni Jepoy, muling nagsalubong ang aming mga katawan.


Tagal ko ng gustong maulit ito, Maki.” naiiyak na bulong sakin ni Jepoy. Lalo kong idiniin ang aking mukha sa kaniyang leeg.


Sorry.” bulong ko dito.


Para saan?”


Sorry dahil di kita pinaniwalaan agad.” pagkasabi ko nito ay bahagya ulit ako nitong inilayo sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay at hinila sa isang puntod di kalayuan sa puntod ni Jana.


Napanaginipan ko si Ivan kagabi. Pinapapunta niya ako dito. Tinatanong ko siya kanina kung bakit nya ako pinapapunta dito nang makita ko ang nagliparang papel. Dun kita nakita.” nangingiting sinabi nito sakin.


Napatingin ako sa lapida ni Ivan at ngumiti narin.



Kulit mo talagang kumag ka!” bulong ko sa maliit na lapida. Nakarinig ako ng paghagikgik sa aking likod.


Sorry din pala dun sa mga sinabi ko sayo dun sa bahay nila Ivan---” nakayukong sabi ni Jepoy na tila nahihiya sa kalokohang ginawa.



Huwag kang maginarte ng ganiyan, di bagay sayo.” saway ko dito. Napatawa ito.


Sir Maki, hinahanap na po kayo ni Ma'am sa restaurant.” tawag sakin ni Mang Udoy na sumunod pala sakin. Nginitian ko si Jepoy, tila hindi alam kung pano ngayon kikilos ngayong maayos na sa pagitan namin ang lahat.


S-sige una na ako.” paalam ko dito, tila naman nadismaya ito sa aking pamamaalam.


S-sige i-ingat ka.” sagot nito, di ko maintindihan ang aking nararamdaman, tila ba nanghihinayang ako dahil di ko na ito makakasama sa susunod pang mga oras, na natapos ang aming pagkikita sa ganoon. Kaswal lang ang lahat, parang bumalik sa panahong ka papakilala lang samin ni Jana, walang emosyon, walang pagmamahal.


Mabigat ang paa akong lumakad palayo mula dito. Nang makalmpas na ako sa puntod ni Jana atsaka sa malaking puno ng acacia ay bigla ko ulit narinig ang pangalan ko.


Maki!”

Tumalikod ako at nakitang tumatakbo papunta sa aking direksyon si Jepoy. Nabuhayan ako ng loob, nang magsalubong ang aming mga katawan ay agad naming ibinalot ang bawa't isa sa isang mahigpit na yakap at nagsalubong na sa wakas ang aming mga labi.



Isang halik na puno ng pagtangis at pagmamahal ang aming pinagsaluhan.



I will never let you go again.”



-wakas-

_____________________________________
Breaking Boundaries 17
by: Migs

Comments

  1. wow... Great story of love.

    Thank you very much.

    ReplyDelete
  2. Ay natapos na ito. Naman parang bitin! May book 2 ba? hahaha..

    Ewan ko parang gusto kong malaman kung anong nangyari after nito. Sana may EPILOGUE para malaman ko kung anong nangyari kina Jepoy at Maki. At doon sa Mama ni Ivan. Kasi di ba mag isa na lang siya sa buhay. Yun lang. pero kung wala talaga okay lang.

    God Bless & more power.

    ReplyDelete
  3. nice story kuya migs..the best ka talaga..

    -ram

    ReplyDelete
  4. bagay na bagay ang breaking boundaries...tnx migs

    ReplyDelete
  5. such a great story! :) you always end your stories the way it should be...just perfect! the best ka talaga migs when it comes to drama :)

    -tristfire

    ReplyDelete
  6. nice one author.

    taga_cebu

    ReplyDelete
  7. sobrang ganda kuya migs. the best ka talaga. maraming salamat sayo

    -Mike

    ReplyDelete
  8. haaayst ang ganda, though mejo nabitin ako..hehe sorry kuya...:)

    ReplyDelete
  9. naku bitin ang story... pero touched ako sa mga pangyayari .....na si ivan ay isang tunay na kaibigan ni maki kahit sa huling sandali isip ay kalagayan ni maki....what a true friend talaga na mahirap hanapin sa isang nilalang....


    ramy from qatar

    ReplyDelete
  10. Ngayon lang (ata) ako nakapagbigay ng comment. Salamat Migs, sobrang naiyak ako sa kwentong ito. I also read your other stories. :-)

    ReplyDelete
  11. nakakaiyak namn ang ending nito khit nagkaayos sila nalungkot pa din ako kc nawala c ivan :(

    btw tnx po its such a nice story of love and friendship

    ReplyDelete
  12. kilig naman toh :)) pero medyo sudden nga ung ending :P sana nga po may epilogue toh para naman maging masaya talaga ang ending :]

    ReplyDelete
  13. Ganda ng last words, "I will never let you go again"... Kuya Migs, sino nagsabi non? Si Jepoy ba? Dapat may Book 2... How they will keep holding on to that promise hehehe....

    ReplyDelete
  14. -WAKAS-, like, seriously??!!

    Waaah! Bitin!!

    --ANDY

    ReplyDelete
  15. Wakas? sana may epilogue no? Hihihihi Migy boy lagyan mo epilogue para cute :D tulad ko :D

    ReplyDelete
  16. wakas... BITIN!!! @dereck@

    ReplyDelete
  17. Fair enough.. Sapat na yun as ending..

    ^_^

    You give justice to connect the story kahit 1%..

    Thanks sa kwento..

    Worth it ang paghihintay ko..

    Ehem yung Chasing Pavements nakalimutan ko na..(demanding :p)

    Teka dapat silent reader lang ako pero di ko mapigilan ngayon..

    Again thanks sa kwento..

    -lonely and blue..

    ReplyDelete
  18. atlast i come to the end.....
    napakarami ngyari s buhay ni maki
    at thanks i love the ending ganda po talaga
    kakamis nga lng c jana at c ivan at sayang d sila
    umabot s wakas.
    to make it short, mamimis ko mga characters sa story nito -maki-
    sana po mas lalo kau ma inspire n gumawa ng story n gaya nito,nakakalibang po,at nakaka asik syempre magbasa....
    thanks po kuya migs....GOODLUCK & GODBLESS PO.

    ReplyDelete
  19. wooh..!!

    super nice..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  20. wow! all your stories are great. enjoyed reading them. hope there are more to come...... more power!!!!!!

    ReplyDelete
  21. Wow another great story hehehe.

    thanks.

    ReplyDelete
  22. ay natapos na bitin na bitin ako.

    basa na naman ng ibang story ni boss migs.

    ReplyDelete
  23. Pansamantala kong nkalimutan ang mga sarili kong problema.
    You're a great author
    Nagagawa mong iparamdam sa mga nagbabasa ang mga emosyon na gusto mong ma feel ng readers.
    Superb!

    -FROSTking

    ReplyDelete
  24. There's no late for such a newbie like me :-P wala na nasabi na nila lahat. The best ka kuya migs. U have been successful again in making me cry :-| Ikaw na talaga ang malakas magbgay ng inspiration :-) Kudos 2 u and ur talent ;-) <3

    ReplyDelete
  25. For More Information of Smartphone Products please visit.
    Music player, P503 supports a variety of media formats.
    It can keep you well organized because it serves as
    a personal computer with electronic diaries, personal organizers,
    automatic reminders, and contact lists.

    Feel free to surf to my web page samsung s4

    ReplyDelete
  26. However, there is high internet access on the phone and there are all
    possibilities of a virus attack on the phone.

    Both support tethering and have a GPS transceiver with A-GPS.
    It runs in very smooth and customized way to keep its
    users satisfied.

    Here is my website :: galaxy s4

    ReplyDelete
  27. Once matters get to this state, the condition may take over a year to cure, so prevention is highly desirable.

    They provide one of the largest selections of extremity braces, therapy products
    & accessories on the internet. You can customize them to the dimensions of your feet and all you have to do
    is place them in your shoes and go about your daily routine.



    Also visit my web-site: treatment plantar fasciitis

    ReplyDelete
  28. It's how the content is delivered (free or paid) and how you find it
    (search the web or scroll listings) that will be the key difference.
    The i - Tunes store can directly be accessed by the user so that they can rent movies.
    Moreover, you can adjust your output video formats such as bitrate, frame rate, sample rate and so on to get the
    best video quality.

    Also visit my webpage apple tv review

    ReplyDelete
  29. There are couple of points you need to keep in mind when you wish to purchase Acer laptops and hard drives.
    And with the Intel Graphics Media Accelerator 3150 as well as the 2 GB's of ram you'll not
    need to be worried about your videos lagging. Usually
    students carry a little notepad so they can write messages that have to be communicated.



    Also visit my web blog: acer c7 chromebook

    ReplyDelete
  30. My son and I are happy to snack on these throughout the day.
    The winter holidays can be a bad time to start a diet or weight-loss program.
    You might even find that you have gained more weight after getting into one of these fad diets.


    Here is my web site - fat burning foods

    ReplyDelete
  31. Stravinsky's "The Firebird" (as performed by the Vienna Philharmonic) played well taking into consideration our low expectations in favor of a tablet's speakers to be alive able to process orchestral plant.
    One of the more effective memory aids comes in a computer device format.
    All-in-all, if you're in the sphere of need of a netbook, the Transformer ought to survive known consideration to the same degree I'm not too reliable
    CF queen is promotion the tablet on its lonesome.

    Here is my blog post :: memo pad

    ReplyDelete
  32. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  33. . . . NAPAIYAK TALAGA AKO SERIOUSLY MIGS

    grabe, sa sacrifice ni Ivan para kay Maki, at ang true happiness for maki and jepoy.

    i never thought this story would hit me this hard, matindi pa ito sa AAO1 at AA2,
    ngayon ko pa lang kasi binabsa other stories mo kaya..... naun lang ako nagcomment.

    last three chapters panay na iyak ko...... buti na lang wala kong roommate naun....


    super galing mo Migs.

    xoxo, A

    ReplyDelete
  34. I never cried so much sa isang story. Beautiful. 😭

    ReplyDelete
  35. nakakainis ung nanay ni maki ah.. hahaha..
    pero nice story.. my namatay nga lang.. hehehe..

    keep it up author! :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]