Breaking Boundaries 15

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Ilang buwan pa ang lumipas at halos nabawi na namin ang ininvest ko sa restaurant, dapat sana ay natutuwa ako sa magandang kinalabasan ng aking business venture, pero hindi, binabalot ako ngayon ng lungkot, sa loob ng isang linggo ay minsan na lang magtext si Ivan, mangangamusta at sa tuwing ako naman ang magbabalik sa kaniya ng tanong ay hindi na ito sasagot, bagkus ay magpapaalam na itong kailangan na niyang bumalik sa trabaho.



Busy lang siguro.” pangungumbinsi ko sa sarili ko.




Sa akin palang ginawa ay lalo akong malulungkot pero ang maganda sa aking ginawa ay hindi nasira ang aming pagkakaibigan ni Ivan, di man kami madalas magkausap at magkita ay at least buo parin ang aming pagkakaibigan. Si Jepoy naman ay hindi na sakin nagpakita pagkatapos nung gabing nagkasagutan kami sa bahay.



Tanging ang aking ina na lamang ang aking kasama at kausap araw araw at maski kami na lang dalawa ngayon ang nagtutulungan ay pakiramdam ko parin na may itinatago ito sakin. May hindi sinasabi.



Nay sino yung kausap niyo?” tanong ko dito matapos niyang ibaba ang telepono.



Ah eh wala anak, wrong number lang.” sagot nito.



Nagtaka naman ako sa sagot niyang ito. Minsan lang kasi may tumawag sa bahay, kundi ang aking ama na nasa ibang bansa at si Ivan sa tuwing gusto ako nitong makausap o sa tuwing mangungumusta.




Ah, akala ko po si Ivan, di na po kasi tumatawag sakin ang batang iyon.” sabi ko dito, napasinghap ang aking ina at hindi na sumagot, sunod kong narinig ang paglakad nito palayo.



Minsan naman ay biglang nag-ring ang aking telepono habang nagbibigay ng instructions sa manager ng aking restaurant, pinakiusapan ko ang aking ina na sagutin muna ito, narinig ko itong lumabas ng aking opisina sa likod ng aking restaurant at doon nakipagusap.



Nang matapos na ang aking meeting sa manager ng restaurant ay agad itong nagpaalam sa aking ina bilang respeto.



Nay, sino yung tumawag?” tanong ko dito kahit na alam kong tatlong tao lang ang nakakaalam ng number ng telepono ko, si Mang Udoy ang aking ina at si Ivan.



Ahh, s-si Ivan, nangungumusta, tatawag na lang d-daw ulit s-siya mamya.” nauutal na sagot ng aking ina.



Ah ganun po ba? Sige po pakiabot sakin ang telepono at paki dial narin ang number niya.” pakiusap ko sa aking ina.



Naku, hijo wag na at baka busy yun ngayon, p-parang nagmamadali... tama nagmamadali siya kanina habang kausap ako eh.” sagot naman ng aking ina.



Nagtataka man ako sa paraan ng pagsagot ng aking ina ay ikinibit balikat ko na lang ito. Nung sumapit na ang gabi ay pina-dial ko ang numero ni Ivan sa aking ina, wala na rin itong nagawa dahil sa aking pangungulit, di na kasi tumawag ulit si Ivan, nagalala ako, baka kasi importante ang sasabihin nito, pero tanging operator lang ang aking nakausap nung gabing iyon, magdamag na atang nakapatay ang telepono ni Ivan.



Sa mga sumunod na araw ay ang inay naman ni Ivan ang tumawag, muli ang aking ina ang nakasagot, tinatanong ko kung bakit pero hindi daw sinabi sa kaniya kung bakit, sa halip ay tumawag na lang daw ako mismo sa kanila. Pagkasabing pagkasabi ring yun ni inay ay tumawag na ako sa bahay nila Ivan.



Wala nang sumasagot. Kinabahan ako pero lahat ng iyon ay tila nabura o naechepwera dahil sa isang tawag galing St. Lukes. Ang aking ina ang nakausap nito.



Anak!” tawag ng aking ina, di maitatago ang kagalakan sa boses nito.



Matapos matanggap ang magandang balita na iyon mula sa ospital ay sinubukan kong tawagan muli ang telepono sa bahay nila Ivan, pero wala paring sumasagot, sinunod ko ang cellphone nito pero tanging operator lang ulit ang nakausap ko. Ilang linggo pa ang lumipas at ganun parin, di ko parin ito macontact, hindi ko tuloy masabi dito ang magandang balita.




0000oooo0000



Are you ready Mr. Tiangsan?” tanong sakin ng isang lalaki, malumanay ang boses nito pero hindi rin maitatago sa boses nito ang saya at excitement. Nakaramdam ako ng dalawang malalamig na kamay sa aking magkabilang kamay at hinawakan nila ang mga ito ng mahigpit.



Naramdaman ko ang pagtanggal ng benda sa aking ulunan partikular sa tapat ng aking mata, sunod ay tinanggal ang parang karton na siyang nakalagay sa aking magkabilang mata. Lalong humigpit ang hawak ng aking ina sa aking kaliwang kamay at gayun din ang paghawak ng aking ama sa aking kanang kamay.



You can open your eyes now, Mr. Tiangsan.” sabi muli ng lalaking may malumanay na boses.



Dahandahan kong binuksan ang aking mga mata, sa kakapiranggot na siwang na ay nakaaninag agad ako ng liwanag. Liwanag na sa loob ng magsisiyam na taon ay hindi ko nakita.



Ang liwanag.” naibulalas ko nang maibukas ko na ng tuluyan ang aking mga mata. Narinig kong napasinghap ang aking ina gayun din ang aking ama.



Malabo parin doc, pero may kaunti na akong maaaninag.” sabi ko sa duktor na gumawa ng aking operasyon.



Hayaan muna nating masanay ang iyong mga mata.” sabi ng doktor. At duon ko sa maliit na klinika na iyon muling naramdaman ang pagiyak dahil sa sobrang kagalakan.




0000oooo0000



Inay, di parin po ba nagpaparamdam si Ivan?” tanong ko sa aking ina habang inaayos nito ang aking gamit pauwi ng bahay. Medyo malabo parin ang aking paningin pero nakakakita na muli ako, nakakabasa, nakakapanood ng TV at nakikita ko na muli ang mukha ng aking mga magulang.



Wala pa anak eh, eto ang iyong cellphone, hala sige ikaw na ang tumawag.” sabi nito sabay ngiti ng pagkatamis tamis.



Pinindot ko ang mga keys nito at pilit pinagaralan ang functions nito, sa loob kasi ng walong taon na nakakulong ako sa dilim ay isang button lang ang aking pinipindot. Ang call button. Pero ngayon ay pwede na akong tumawag kahit kanino nang hindi ako nagpapadial sa aking ina.




Nakita ko ang contacts, apat na number lang pala ang andun, sa tatlo ay alam na alam kong andun talaga, ang kay mang Udoy, sa aking ina at kay Ivan. Laking gulat ko nang may naka save na number pala doon si Jepoy. Nangunot ang noo ko, sigurado akong hindi ang inay ang naglagay noon.



Sinunod kong pindutin ang call button ng makita ang number ni Ivan. Tanging operator parin ang nasagot, sunod kong tinawagan ang kanilang bahay at wala paring nasagot.



Ivan, asan ka na? Pano ko masasabi sayong nakakakita na ulit ako kung napakailap mo.” sabi ko sa sarili ko.



Hayaan mo muna si Ivan, anak, baka busy lang talaga ang tao. Ayaw mo nun masusurpresa siya sa oras na malaman niyang nakakakita ka na ulit?” masayang sabi ng aking ina.



0000oooo0000



Masaya kong binati ang mga nurses na nagalaga sakin ng ilang araw, di ako makapaniwala na para bang binigyan ako ng panibagong buhay ng Diyos, walang kapantay ang aking kasiyahan. Nang asa lobby na kami ng Ospital at nagiinatay ng sasakyan ng aking mga magulang ay naramdaman kong parang may nakatingin sakin.


Iginawi ko ang aking tingin sa kaliwa at kanan pero wala akong nakita na maaaring nagbibigay ng pansin sakin, napakunot noo na lang ako sabay kibit balikat, pero hindi ko parin maikaila ang pakiramdam na parang pinapanood. Di nagtagal ay naka para na ng taxi ang aking ama at sabay sabay na kaming sumakay pauwi.



Sa buong biyahe ay wala akong ginawa kundi ang saulohin ang aking nadadaanan, para akong balikbayan at ngayon lang ulit nakita ang lugar na aming dinadaanan matapos hindi umuwi ng matagal na panahon. Minsan naninibago parin ako sa aking bagong pares ng mata. Andyan ang bigla bigla akong mahihilo o kaya naman ay sadyang nanlalabo ang aking paningin.



Muli kong napagmasdan ang kulay sa paligid ang mga itsura ng bagay bagay kasama ng mga tunog at pakiramdam nito. Napangiti ako pero agad ding napabuntong hininga, alam na may kulang sa aking pagdidiwang at yun ay ang aking kaibigang si Ivan.



San ka na ba, Ivan?” bulong ko sa sarili ko.



Anak may problema ba?” tanong sakin ng aking ina, iginawi naman ng aking ama ang kaniyang pansin sakin.



W-wala naman po. Excited lang makauwi.” sagot ko sabay ngiti, sinuklian naman iyon ng ngiti ng aking mga magulang.




0000oooo0000



Ilang minuto pa ay papasok na kami sa aming village, pilit na inaalala sa loob ng walong taon ang mga bahay na kahilera lang ng aming bahay, laking gulat ko ng makita ang bahay nila Jana, madilim, mahahaba na ang damo at halaman na dati ay maayos na nakahilera sa kanilang bakuran. Mukha na itong napabayaan. Mukhang walang nakatira.



Marahil ay napansin ng aking ina ang pagtataka sa aking mukha.



Anak, matagal ng walang nakatira diyan. Simula nung aksidente, hindi na bumalik sa normal ang buhay ng mga magulang ni Jana, na depress ang tito Jun mo, naglasing at madalas sinasaktan ang Mama ni Jana.” malungkot na salaysay ng inay. May naramdaman akong kurot sa aking puso.



I'm sorry, Jana.” bulong ko at isang luha ang bumagsak mula sa aking kaliwang mata.



Tulad ko, nagiisang anak din si Jana, kaya naman naiintindihan ko ang nangyari sa mga magulang nito.




0000oooo0000



Balik sa normal ang aming pamilya, masaya kaming sabaysabay na kumakain at nagkwekwentuhan sa hapagkainan, di parin makapaniwala sa aking swerte, swerte dahil sa dinami rami ng taong nangangailangan ng eye transplant ay ako pa ang napili nila. Nais sana naming pasalamatan ang pamilya ng nag donate, kaso ayaw ibahagi ng mga doktor ang pangalan ng mga ito, ang pamilya daw mismo ng nagdonate ang nagsabi na wag na silang pangalanan.



Muli, kagaya ng nangyari kanina pagkalabas ko ng Ospital, muli ko nanamang na appreciate ang mga maliliit na bagay na noong bago ang aksidente ay tinook for granted ko lang, tulad ng simpleng itsura ng tinidor at kutsara, mga makukulay na putahe na nakaahin sa hapagkainan, pati narin ang katotohanang di ko na kailangang umasa sa aking ina para ipaghati ako ng ulam.



Nakakakita na uli ako.” sabi ko sa sarili ko at bahagya ulit na napangiti.



Madami pa kaming napagusapan ng aking mga magulang, tulad ng pagbubukas ng panibagong branch ng restaurant at pati narin ang pagstay ng aking ama dito sa Pilipinas, nais na raw kasi nitong mag resign para naman daw makatulong dito sa bahay at sa panibago naming business.



Masaya kami ng aking ina sa narinig mula sa aking ama, matagal narin kasi itong wala sa aming buhay dahil sa pagtratrabaho para magkaroon kami ng magandang buhay at masasabi ko rin na tamang panahon narin na magkasama sila at mag enjoy, matagal nang nabalot ng pighati ang buhay naming pamilya. Ngayon na siguro ang magandang panahon para magsimula ulit.



Isaisa na kaming umakyat sa aming mga kwarto, pagkabukas na pagkabukas ng aking pinto ay bumulaga sakin ang walang pinagbago ko paring kwarto, kung pano ang pagkakaalala ko nung bago ang aksidente ay ganon ko parin ito nakikita ngayon. Mataas na kisame, kulay asul na pader, maliit na kama pero kung gugustuhin ay magkakasya naman ang dalawa, ang matandang aparador na katabi lang ng pinto ng banyo at ang madaming libro na nagkalat sa buong kwarto.



Pero hindi lang iyon ang bumalik sa aking alaala. Bumalik din sakin ang mga panahong andito si Jepoy. Napapikit ako at ninamnam ang pagbabalik ng alaala na binaon ko narin sa limot kasabay ng pagkawala ng aking paningin.



Dito ulit ako matutulog, Maki.” paalam ng kumag sakin sabay ngiti. Tinignan ko ito ng masama.



May exam tayo pareho bukas. Di pwedeng mapuyat saka mapagod.” sabi ko dito habang pinipigilan ang sarili na mapangiti.



Di kita pupuyatin.” nangingiti nitong sambit.



Sige, pero matutulog na tayo agad ah.” pagpapaalala ko dito sabay sampa sa kama at kinumutan ang sarili, di nagtagal ay naramdaman ko ang pagyakap ni Jepoy sakin, inilagay ang kaniyang mukha sa aking leeg.



Hindi kita pupuyatin pero papagurin kita. Matutulog narin tayo agad pero pagkatapos nating maglabing labing.” bulong nito sakin sabay hagikgik.



Ulol! Tulog na tayo.” di na ito nagsalita, kumalas sa kaniyang pagkakayakap at tumalikod sakin.



Hmpft! Lagi mo na lang akong inaayawan.” bulong nito habang nakatalikod parin sakin.



Wag nang maginarte.” sabi ko dito atsaka hinila ang kaniyang kamay para muli itong mapaharap sakin at nang makaharap na ito ay muli ko itong iniyakap sakin.



Gwapo naman ako, macho, mabait saka matalino. Di ko maintindihan kung bakit ayaw mo sakin.” sabi nanaman nito na may himig tampo. Napahagikgik ako.



Wala naman akong sinabi na di ka gwapo, macho, mabait saka matalino. Di lang talaga pwede ngayon kasi may exam pa bukas, di tayo pwedeng bumagsak pareho, dahil kapag bumagsak ka, sasabihin nila wala akong kwentang tutor tapos di ka na nila sakin ipa-patutor.” sabi ko dito. Natahimik naman ito pero naramadaman kong humigpit din ang yakap nito sakin.



Ibig sabihin ba nun love mo na din ako?” paglalambing nito. Di ako nakasagot, kinabahan, bumilis ang pagtibok ng puso. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagkunwaring tulog na. Miyamiya ay naramdaman kong dumungaw si Jepoy at inalogalog ako, nagkunwari parin akong natutulog.



Hmpft! Tinulugan ako!” sabi nito pero di na siya tumalikod sakin, ibinalot ulit nito ang kaniyang kamay sa akin at isiniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg.



I Love You, Maki.” bulong nito. Di ko maintindihan ang aking nararamdaman, tila ba natatakot ako at natutuwa ng sabay.



Ilang luha ang bumagsak mula sa aking mga mata. Di maikakailang mahal ko parin si Jepoy sa kabila ng lahat.




Itutuloy...

________________________________
Breaking Boundaries 15
by: Migs

Comments

  1. why do i have a bad feeling na ung mga mata na nadonate sa knya is either from Ivan or Jepoy?? :| GRBAE!! kinakabahan at excited na ako!! NEXT CHAPTER PLEASE!!!

    ReplyDelete
  2. sa tingin ko si Ivan ang donor..hmmmmm

    -nephilim

    ReplyDelete
  3. nearing to its end tong BB.. hayyy..kuya migs follow up yung chasing pavements 4 kong order..ahaha...

    >>Down_d'Line

    ReplyDelete
  4. Ito na ba ang sinasabi ni Ivan na babawi sya kay Maki? Or ito ang pangbawi ni Jepoy sa pagkabulag ni Maki? Sino nga ba nagdonate? Si Ivan or si Jepoy? Ah alam ko na, tig-isa silang mata ng ibinigay kay Maki hehe... Joke lang Migs... Abangan na nga lang natin next chapter... EXCITED MUCH!!!

    ReplyDelete
  5. kapanapanabik naman itong story na ito.

    taga_cebu

    ReplyDelete
  6. ndi ko mawari...missing in action silang dalawa...but kung sina man ang ngdonate, i know he had a good reason doing it...i'am happy for maki...he still deserves to get back his eyesight...thanks mr migs...tagal ng update(5days) grabe

    ReplyDelete
  7. kakasad nman... kung cno man ang nagdonate kawawa nman xa ... :(

    pero gusto ko c jepoy pa din ang makatuluyan ni maki

    ReplyDelete
  8. Aww. That is so heartwarming. I feel so bad for Jana's parents. I hope everything works out in the end for Maki and Jepoy and Ivan of course.

    How are you pala Migs? It took about a week to post again :)

    ReplyDelete
  9. di kaya ung nanay ni ivan na maysakit nag donate ng eyes? Pwd p b khit old na? Lol. Ung dalawa kaya wala nanunuod ng Twilight. Hahaha

    I smell a sequel. This time its Ivan's story.

    ReplyDelete
  10. galing talaga!

    Kagabi ko lang nabasa yung AAO, sh*t!!! Sobrang galing ng pgkakagawa, henyo ka migs!

    --ANDY

    ReplyDelete
  11. i think kang jepoy ang mata at si ivan ung true love na niya...kasi kahit kailan di na niya pwde itaboy si jepoy ni maki kasi jepoy now is part of maki..through his eyes..echos parang author hahaha

    ReplyDelete
  12. ITO na ako Migy!!!



    I think si Ivan ang nagdonate base sa hindi pagsagot ng mga tawag nito kay macky.. Pero.... si Jepoy asan sya?



    Sana lang hindi sad ending to migy magwawala talaga ako.. Masyado nang malungkot ang buhay ni Macky para dagdagan pa :))



    Zekiee

    ReplyDelete
  13. As promise Migs, Andito na muli ako.Sensya na hindi ako nakakapgcomment dito. Pero binabasa ko ito. in fact natutuwa ako sa progress akala ko sa 3 iinog ang story eh namatay si Jana.

    Sino nga ba ang nagdonate? Naeexicite na ako. Pero hindi naman natin mapipigil sa isang tao ang gusto niyang gawin. Kung si Ivan nga ang gumawa siguro ito ang way niya para pasalamatan si Maki sa lahat lahat. Siguro way niya rin ito na para makita niya na nasa maayos na kalagayan at maging masaya si Maki.

    Well iyan kasi ang nabibigay ng love. Isasakrispyo ang kaligayahan alang alang sa taong mahal mo. Kahit na kapalit pa nito ay masaktan ka. Kung si Ivan man iyon sana may magandang mangyari pa rin sa kanya after.

    I still want Jepoy for Maki. Hindi kasi kayang magsinungaling ng puso sa nararamdaman. Kahit na anong pigil ay kusa itong titibok sa taong nakalaan para sa iyo.

    ReplyDelete
  14. i think si jepoy ang nag donate.sabi na nga ng iba.if u really love that person,u r willing to do everything para lang makita mo siyang masaya...and un ang ginawa ni jepoy...

    at sa bandang huli,macky will surely take gud care of jepoy if malaman niya na siya ang donor.even though nag promise sya kay jana,macky will still be at jepoy's side...

    cguro si Ivan ay somethng related kay jepoy.its either magpinsan sila or what...

    leche nagpaabot pa ako ng 4:40 am sa pagbabasa dito starting from chapter 1 up to ths chapter,tapos nabitin pa yung luha kakaiyak ko..hahah..buti nlng walang ibang tao sa rum ko kundi ako lang,,,nako if may others,bka binatukan na ako ng pagkalakas lakas and for sure headline ako dito sa bahay..wahaha...

    oi kuya author,next chapter na ohh.plssssss....pwd 5 chapters sa susunod.dealine 3 days?hahaha...tnx

    ReplyDelete
  15. baka ang eye donor si ivan,,, dahil may sakit ang ina nya at ned ng money kaya nagawa nya.... naku kapag si jepoy ang nag donate wahhhhh nakakalungkot isipin...tiyak na lalong malunkot si maki.....i think there will be a big revelations na mangyayari lalo na sa magulang ni maki,,,,parang d ko kaya ang magpigil ng luha.....

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  16. Basta walang nagdonate sa kanilan dalawa. Kaya wala cla dhil inaayos nila libing ng nagdonate ng mata ni Maki. Hahaha grabe na to. Nasisiraan na yata ako. At dapat Jepor at maki pa rin kung hindi sasayawan kita ng hubad para iprotesta. lol

    Next na. (demanding?!)

    ReplyDelete
  17. sino kina Ivan at Jepoy ang nag-donate ng cornea.. hmm...

    super exciting..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  18. Baka si Ivan ang eye donor ni Maki.. =(
    -icy-

    ReplyDelete
  19. siguro si ivan amg eye donor. siguro ito ang plano nya kay maki. sana wag naman si jepoy ang nagdonate at sana maging sila sa huli ni maki.

    -Mike

    ReplyDelete
  20. i think si ivan..wag namn si jepoy...

    ReplyDelete
  21. ...wag naman sana si japoy ang eyes donor nya,
    ...hindi imposible un kc mahal n mahal nya talaga si maki,
    ...at baka un nagmamasid s kanya s lobby ng hospital ay si ivan n pla kya siguro d nya n ito makotak,
    ...at tsaka d p naman nkikita ni maki si ivan simula't sapol,
    ...grabe ang gulo tuloy ng isip ko ngaun sino b talaga migs,hirap naman kakabitin
    ...grabe migs ayos n ayos un twist n ginawa mo sa story me & all out there i know napapasigaw tiyak ng...NEXT PLEASEEEEEEEEEEEEE.......

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]