Breaking Boundaries 14

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Ilang linggo pa ang lumipas at lalong naging kapansin pansin ang pagbabago ni Ivan, lalo itong nagpapabaya sa trabaho at laging matamlay, sa tuwing may pagkakataon naman ay lagi silang nagkikita ni Jepoy kaya't sigurado akong walang problema ang kanilang pagsasama. Madalas na nitong makalimutan ang mga importanteng bagay, maliit na bagay pero importante, tulad ng schedule ko at ang oras ng mga meeting.



Ivan, may problema ba? May problema ba kayo ni Jepoy? Kasi lagi kang wala sa wisyo magtrabaho.” bulalas ko, naramdaman kong natigilan saglit si Ivan sa pagre-review ng mga bagong proposals and documents, maging ang tunog ng madiin na pagsusulat nito sa aking lamesa ay di na niya naituloy.




W-wala po ito, pagod lang siguro.” sagot nito, di ko na muli pang tinanong tungkol dun si Ivan.



Ah ganun ba? Do you want to rest na this afternoon?” tanong ko dito.



I- I'm fine, kuya.” itutulog ko na lang siguro to mamya.



Sige, ikaw bahala, pero kung may problem, sabihin mo lang sakin ha? Baka makatulong ako.” bulalas ko dito. Di na ito sumagot.



Nagaalala na ako, wala na ang Ivan na makulit at malambing na kala mo nakababatang kapatid na nagpapapansin, wala na rin ang panakanakang stupid remarks nito na talaga namang ikinahihiyaw ko sa tawa, di na nito pinagtritripan ang aking matandang sekretarya na si Ms. Zeny.



Nanlalamig ba siya sakin dahil nagseselos siya? May ginawa nanaman ba akong mali?” tanong ko sa sarili ko.



Di ko mapigilang tanungin ang sarili ko, maaari ngang nagseselos si Ivan sakin, marahil dahil madalas parin akong makita ni Jepoy ay may nasasabi parin ito tungkol sakin na ikinaiinis naman ni Ivan.



Maaari nga.” bulong ko ulit sa sarili ko.



Lalo ko itong napatunayan nang minsang isinasama ako ni Jepoy magdinner.



Maki, gusto mo sumamang magdinner?” aya sakin ni Jepoy.



Jepoy, napagusapan na natin ito.” bulong ni Ivan, di ko na lang pinahalata na medyo nasaktan ako sa sinabing iyon ni Ivan. Nagpakawala ko ng isang matamlay na ngiti.



Wala namang masama---” simula ni Jepoy.



Sisimulan nanaman ba natin to?” putol naman ni Ivan.



Wag niyo na ako alalahanin, andyan naman si Mang Udoy.” sabi ko sabay ngiti. Tinawagan ko na si Mang Udoy, di na ako pinigilan pa ni Ivan, habang inaalalayan ako ni Mang Udoy papunta sa kotse ay hindi ko maiwasang mapansin ang tahimik na argumento ni Ivan at Jepoy sa hindi kalayuan. Napabuntong hininga ako.



Habang nasa sasakyan ay di ko mapigilang mapaisip, alam ko nung una pa lang kung nasan ang lugar ko sa kanilang relasyon ni Jepoy, ni hindi ko naman inisip na pumagitna ako sa kanila pero iniisip din marahil ni Ivan na maaari silang magkaproblema ni Jepoy kung sakaling lagi na lang akong kasama nila sa kanilang mga lakad.



Kailangan kong gumawa ng paraan, nasasaktan na ako sa nalalamang ang mahal ko ay may mahal na iba lalo pa akong nasasaktan na ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan ang naging karamay ko sa loob ng ilang taon ay pilit akong inaalis sa kaniyang buhay dahil pinuprutektahan niya ang kanilang relasyon.



Nay?” tawag ko sa aking inay nang makarating ako ng bahay, agad ako nitong sinalubong.



Kumain ka na ba, anak?” tanong ng aking ina.



Di pa po, pero may kailangan po tayong pagusapan.” sabi ko dito, agad naman nitong pinisil ang aking mga kamay.




0000ooo0000




Sa tingin ko naman ay sapat na ang naipon ko, sa tingin ko pa nga po ay sobra pa.” pahayag ko ulit sa aking ina.



Ikaw ang bahala anak, sigurado ka bang magiging masaya ka sa iniisp mo?”



Opo inay.” sagot ko dito sabay ngiti.



O siya, ikaw ang bahala, hala, kain lang ng kain.” pahayag nito.



Ito lang ang naisip kong paraan, kailangan kong lumayo para kahit papano ay maisalba ko ang pagkakaibigan namin ni Ivan at tuluyan na silang maging masaya. I have to put up a boundary between our life, katulad nang ginawa ko noon nang iniiwasan ko si Jepoy dahil kay Jana, ang kaibahan lang, ngayon mas titibayan ko na ang pader na magbubuklod samin, ito na yung matagal ko nang pinaghahandaan at matagal ko nang sinasabi kay Ivan. Alam ko namang darating yung panahon na kailangan narin nitong asikasuhin ang buhay niya, di ko lang inexpect sa ganitong paraan kami maghihiwalay.



Nagulat ang lahat sa kumpanya lalong lalo na si Ivan sa agaran kong pagre-resign. Inirekumenda ko si Ivan sa aking puwesto, di naman nagkaroon ng problema dito ang mga Board of Members ng kumpanya, sa kabila ng pagkagulat sa aking pagreresign ay masaya rin sila na may isang magaling na tao akong iniwan sa kanilang kumpaniya.



Pinindot ko ang button na pang tawag sa aking telepono, agad namang sumagot si mang Udoy at sinundo ako sa may lobby, di pa man ako nakakasakay ng sasakyan ay may yumakap sakin, si Ivan iyon, di ako maaaring magkamali sapagkat kilalang kilala ko ang amoy nito.



Thank You.” bulong nito. Napangiti ako, alam ko kasing walang nagbago sa aming pagkakaibigan.



Galingan mo ah.” nangingiti kong sabi dito at kumalas na sa kaniyang pagkakayakap.



Makakabawi din ako sayo, Kuya, I swear, babawi ako sayo.” bulong nito bago ako makapasok ng kotse, kunwari ay di ko ito narinig.



0000ooo0000



Maayos na lahat, anak, nasa tamang lugar na ang mga upuan at lamesa, naayos na din ng mga tao sa kusina ang buong kusina pati narin ng mga waiter at waitress ang mga menu. Pwede na tayong magbukas, anak.” sabi sakin ng aking inay habang inaaral ko ang mga kontrata ng aking bagong business.



Ok, 'nay. Salamat. Nay iniisip ko nga po pala ulit na mag hire ng bagong assistant, tingin niyo kaya pa ng ating budget?” tanong ko sa aking ina na pansamantala ay akin nang naging sekretarya.



Sa tingin ko ay---” simula niya pero hindi na ito natuloy dahil sa malakas na pagkatok na nanggagaling sa front door.



Sino naman kaya ito?” sabi ng akin ina at narinig ko itong naglakad palayo sa akin.



Tita, magandang g-gabi po, gusto ko po sanang makausap si Maki.” sabi ng isang pamilyar na boses sa gawi ng front door.



Di ka welcome dito, Jepoy. Kahit pa nandito si Marcus ay hindi ako papayag na magkausap kayo. Ang kapal din naman ng---”



Nay.” mahinahon kong tawag dito.



Hindi, Marcus, masyado nang maraming nagawang masasakit na bagay itong si Jepoy sainyong dalawa ni Jana---”



Nay, tama na po, kung gusto po akong makausap ni Jepoy ay hayaan na lang natin siya, baka po may importanteng sasabihin, sige na po, ako na pong bahala, magpahinga na po kayo.” pagkasabi ko nito ay nakarinig ko ng isang malalim na buntong hininga, hindi ko sigurado kung si Jepoy o ang aking ina ang nagpakawala nito.



Sige, tuloy ka.” malamig na sabi ng aking ina saka naglakad palayo. Narinig kong umisod ang upuan malapit sa aking kaliwa.



Anong kailangan mo, Jepoy?” tanong ko dito sabay kapa sa de-brail na mga dokumento sa aking harapan.



B-bakit ka nagresign?” natigilan ako sa tanong niyang ito.



Bakit mo naman naitanong iyan?”



Umiiwas ka ba?!” medyo matigas na nitong sabi na miya mo nambibintang.



D-di ko alam ang sinasabi mo.” sagot ko dito.



W-wala kaming relasyon ni Ivan, gawa gawa lamang namin iyon para... kasi... kasi...”



Napakunot ang noo ko.



Utang na loob, Jepoy, kung magsisinungaling ka na lang din sana pagisipan mo munang maigi ang sasabihin mong kasinungalingan.”




Maniwala ka, Maki, wala talaga kaming relasyon ni Ivan, nagawa lang niya iyong sabihin para di mo kwestyinin lagi ang pagsama ko sainyo...”



Naginit na ang ulo ko.



Tama na. Ayoko ng makarinig ng kasinungalingan galing sayo. Jepoy, di ka pa ba nadadala? Dapat natuto na tayo noon sa nangyari satin nila Jana. Di ko na kayang maulit pa iyon ngayon kay Ivan. Mahal ka niya. Matalik kaming magkaibigan at hindi ko na iyon mahahayaan pang masira mo.” mahinahon pero malamig kong sabi dito.



Pero---”



Nasuntok ko na ang kahoy na lamesa sa aking harapan.



Tama na, Jepoy!”



Tahimik. Pakiramdam ko ay nakapako parin ang tingin sakin ni Jepoy, bumibilis na ang aking paginga.



Please, Maki. Please hear me out.” sabi ni Jepoy, bakas sa boses ni Jepoy ang pagmamakaawa.



I'm tired, Jepoy and I wish to rest, madami akong gagawin bukas.” pakiusap ko dito.



Please---” naramdaman ko ang paghawak nito sa aking kamay.



Hindi totoong may relasyon kami ni Ivan, nagawa lang niyang sabihin yun sayo dahil kinukulit ko siya na gusto kitang laging nakikita at nakakasama at para hindi karin magtaka at matanong kung bakit niyo ako laging kasama ay naisipan niyang sabihin na may relasyon na kami, wala siyang ibang maisip na dahilan para hindi mo ako ipagtabuyan sa tuwing gusto kitang makasama, Maki. He's just helping me out, antagal mong nawala sakin, Maki, di ko na kaya na tiisin ang sarili ko na hindi ka makita araw araw ngayong alam kong abot kamay lang kita. Nasabi niya lang din yun dahil gusto niya daw bumawi...”




Tama na!” di ko na napigilan ang sarili ko.



Nababaliw ka na ba talaga, Jepoy?! Panong mangyayari yun eh ni hindi na nga ako gustong kasama ni Ivan sa tuwing nandiyan ka...!”



Dahil ayaw niyang malaman mo ang binabalak niya...!”



Hindi! Tama na! Hindi ko hahayaang siraan mo si Ivan! Mahal ka niya, ano bang masama don at kailangan mo pa siyang siraan?! Siya ang nandyan nung kailangan ko ng kasama, siya ang nandiyan nung kailangan ko ng masasabihan. Hindi lang basta assistant si ivan, siya ang nagiisang tumanggap at nagtiis sakin nung lahat ng tao, kasama ka ay tumalikod sakin. Sa tingin mo masisiraan mo na lang siya ng ganun ganon sakin?!”




Tahimik.



Mahal kita.” bulong nito.



Mahal din kita pero mas mahal ko si Ivan at ayaw kong may masasaktan nanaman dahil sa isang pagmamahal na hindi naman dapat.”



Hindi dapat...?!” ulit nito pero hindi na ako sumagot.



Anong hindi dapat, Maki?!”



Umiwi ka na, Jepoy!”



Tahimik. Narinig kong umisod ang upuan malapit sa aking kaliwa. At isang buntong hininga ang pinakawalan ni Jepoy.




Nga pala, Maki, bago ako umalis, gusto kong malaman mo na hindi totoong iniwan ko ang tabi mo simula nung aksidente. Hindi lang ako binigyan ng pagkakataon ni tita na makalapit sayo, kahit nung nagpunta kang US, sinundan kita, Maki. Di ko alam kung bakit ka nagunta sa US, di ko alam na nabulag ka na ng tuluyan dahil sa aksidente, nung puntahan ko ang tinutuluyan mo sa US at nang magpakilala ako sa tatay mo ay pinagtabuyan ako nito palayo, wala kong magawa kundi umuwi na lang ulit, nasaktan ako nang maisip ko na baka hindi na kita ulit makikita, na tuluyan ka ng nawala sakin tulad ni Jana, kaya't laking gulat ko nung nakita kita sa Mcdo nung hapon na iyon. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na kita ulit papakawalan. Hindi ko intensyong iwan ka, Maki, hindi lang ako binigyan ng pagkakataon ng parents mo, pero hindi kita iniwan.”



Sa bawat salitang binitawan ni Jepoy nun ay walang tigil ang aking luha sa pagtulo.



Itutuloy...


_____________________________
Breaking Boundaries 14
by: Migs

Comments

  1. Last 3 Chapters! :-) Thanks ulit sa mga patuloy na nagbabasa! :-)

    Next story: Taking Chances. di ko pa napaplancha yung sequel ng LAIB saka Breakeven eh! :-D

    ReplyDelete
  2. ayy last 3 na..sad :(( pero good at merong kasunod!!! keep it up kuya migs...

    >>Down_d'Line

    ReplyDelete
  3. ahh! next chapter na po :)))))))))
    goodluck sa taking chances mo kuya Migs

    ReplyDelete
  4. bkit ng thank you si ivan ky maki? whats the meaning of that? kawawa nmn pla si jepoy, he even followed maki in US just to you know...but still he didnt had the chance to fight for maki...nasayang ang 8 years nla...

    thanks mr. migs for a great story...and i garantee you, susubaybayan ko din yang next story mo "taking chances" right?


    nasty bi

    ReplyDelete
  5. Last 3 chapters na? But good thing is, may next story na agad hehehe... Keep writing beautiful stories Migs... ;)

    ReplyDelete
  6. what is love...?

    Sacrifices? Forgiveness? Understanding? Or simply love is undefined. Breaking boundaries.

    Next please...

    ReplyDelete
  7. Ang bilis namang matapos? Sadness.. =(
    -icy-

    ReplyDelete
  8. uy magtatapos na pala.. super excited sa magiging ending.. hehehe

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  9. migs... i love you! i love your stories too. tsk... ano ba talagang papel ang ginagampanan ni Ivan sa buhay ni Maki and Jepoy? ay nakow... naiinis na ako. sana maging masaya na si maki and jepoy. can't hardly wait migs. hurry up. :)

    ReplyDelete
  10. Ito na yon eh.. ang ganda ganda ganda na!!! >.< hintayin ko nalang ang chapter 15 :)

    ReplyDelete
  11. what a shocking revelation grabe....paano si ivan baka may gusto talaga si ivan kay jepoy...naku sana maniwala si maki sa mga explanation ni jepoy...dapat mag harap silang tatlo nina ivan at jepoy...sana sabihin na ni ivan ang lahat para makumbinse si maki.... what a good revelation sana.... wahhhhhh

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  12. Walang katulad. Sobrang galing... Sa pagtatapos ng istorya ni Maki, makakaramdam ba xa ng tunay na kaligayahan? Anu ang buong katotohanan?i love you Migz. :)

    ReplyDelete
  13. sabi ko nga ba gawa gawa lang to nila ivan at jepoy eh. pero parang sila talaga kasi bakit ayaw laging kasama si maki? anu ba talaga plano ni ivan?

    minsan naiinis din ako kay maki. ayaw makinig kay jepoy.

    kuya migs good luck sa next story mo

    -Mike

    ReplyDelete
  14. I really really really love your stories Kuya Migs! :D

    ReplyDelete
  15. Wala pa po bang update...?

    ReplyDelete
  16. BAKIT ANG GALING MO KUYA MIGS!!!!!?????? BAKIT!!!??? BAKIT!!???

    Isa 'to sa fave ko dito sa blog mo.

    Patay na ba si Jana?

    Nakakatuliro, gusto ko na mabasa ang last 3 chapters, pati yung sa chasing pave.

    --ANDY

    ReplyDelete
  17. ...na touch ako sa revelation ni japoy k maki
    ...only people can sacrifice like that is because of love
    ...parang dito ata nang galing un pamagat n breaking boundaries,...
    ipaglalaban b ni maki un love nya k japoy after hearing out japoy revelation,...
    kht lumayo p xa kay ivan at japoy
    ...well lets see
    thanks migs.....

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]