Breaking Boundaries 16

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Maaga akong nagising, naabutan ko ang aking mga magulang na nagkakasiyahan sa baba, tila ba bumabawi sa matagal na panahon na pagkakahiwalay nila. Napangiti ako, napagtanto ko kasi na matagal ng panahon nung huli kong naaalala na masaya kaming buong pamilya, sa totoo niyan, di ko na matandaan ang huling pagkakataon na iyon.



Anak, iniisip ko na sabay sabay tayong magagahan tapos ay saka tayo tumuloy sa restaurant.” aya ng aking ina, noon kasi sa restaurant na kami nakain ng aking ina pero ngayon nagbago na ang lahat ay marahil gusto nitong masulit ang aming muling pagsasama bilang buong pamilya.



Sige 'nay pero, hindi na kayo pupunta sa restaurant, magpahinga na lang kayo dito ni tatay, kaya ko nang magtarbaho ulit magisa. Magpahinga kayo o kaya kung gusto niyo mamasyal kayong dalawa.” alok ko sa mga ito, agad na nagliwanag ang mukha ng aking mga magulang at nagkatinginan.



OK lang ako.” sabi ko sa mga ito.



0000oooo0000




Mang Udoy, restaurant tayo.” sabi ko dito, agad naman ako nitong nginitian. Pitong taon ko ng driver si Mang Udoy pero ngayon ko lang ito nakita, medyo may edad na ito. Nginitian ko ulit ito.



Sir, di ako sanay na hindi kayo naka shades.” nangingiting sabi ni Mang Udoy.



Ganon ba mang Udoy? Ako naman di ako sanay na nakikita kayo.” pareho kaming napahagalpak sa sinabi kong iyon.



Habang nasa trapik kami ni Mang Udoy ay masaya kong sinasaulo ang bawat madaanan namin, minsan tinatanong ko kay Mang Udoy ang mga bagaybagay na masuyo niya namang sinasagot.



Sir, yan nga pala yung dati niyong opisina. Diyan ko kayo halos arawaraw hinahatid, sinusundo at hinihintay.” nakangiting sabi ni Mang Udoy. Natigilan ako.



Mang Udoy, pwede ba tayong dumaan saglit diyan?” tanong ko dito, napangiti naman ito.



0000oooo0000



Nasa lobby palang ako nang mapansin kon pinagtitinginan ako ng mga tao, agad ko itong tinanong kay Mang Udoy.



Sikat kayo dito, Sir. Ibinangon niyo ang local branch na ito mula sa papalubog ng pamamahala.” nakangiti nitong sagot sakin.



Nang makasakay kami sa elevator ay tila nakakita ng multo ang babaeng nagooperate noon.



G-goodmorning, Sir.” bati nito sakin, mataman ko itong tinignan at nginitian, narinig ko itong napasinghap.



M-may problema ba?” tanong ko dito.



W-wala naman po, Sir. Natutuwa lang ako at nakakakita na kayo.” sabi nito sakin saka kinakabahang ngumiti, napangiti narin ako.



Nang makaakyat na kami sa aking opisina ay iginala ko agad ang aking mata, umaasa na makikita ko sa maraming naglalakad at abalang nagtratrabaho si Ivan. Susupresahin ko ito.



Sir Marcus!” sigaw ng isang babae na pinakamalapit sakin.



Sandaling bumagal ang kilos ng lahat at isa isang itinuon ang pansin sa akin. Ngumiti ako sa mga ito.



It's nice to finally see the people I've loved working with for the past 5 and a half years!” tawag ko sa mga ito at isa isa itong lumapit sa akin, iba ay yumakap sakin at ang iba ay nakipagkamay, pero mas maraming yumakap sakin.



Agad na lumabas ang Presidente ng kumpanya sa branch na iyon, ngumiti ito sakin, siya ang aking boss noon, mabait, matalino at kagalanggalang.



Nice to see you again.” bati nito sakin sabay yakap. Nagulat ako.



Nice to finally see you.” napatawa ito at hindi binitawan ang kamay ko at hinila ako papalapit sa aking dating opisina. Nanlambot ako, makikita ko na ulit si Ivan.



You did so many great things in this company and so was your accomplice, Ivan. But if you're still interested, I'm offering your job back...” naguluhan ako sa sinabing iyon ng aking dating boss.



I'm sorry to hear about Ivan, I know you two are close, almost like brothers...”



Sorry, Sir, ano po bang ibig sabihin ng lahat ng ito, ang pagaalok niyo ulit ng dati kong pwesto at ang---” nangunot na ang noo ng aking dating boss



Di mo ba alam? Ilang buwan ng bakante ang pusisyon na yan.”



Ha?!” nagulat ang aking dating boss sa aking reaksyon.



Marcus, wala na si Ivan. Patay na siya.”



Nanlaki ang aking mga mata sa gulat, nagmanhid ang aking buong katawan, bigla akong nahirapang huminga halos mawalan ako ng malay sa sinabing iyon ng aking dating boss. Inalalayan ako nito ng mapansing malapit na akong matumba.



Akala ko alam mo na. I'm sorry, Marcus.” pangaalo ng aking dating boss, ngayon ramdam ko na ang tingin ng bawat isa na nagtratrabaho doon sa opisina na iyon. Ang isa ay inalok pa ako ng upuan. Agad naman akong umupo doon.



W-what happened?”



Tumor, we suggested having it removed because it triggers seizures and discomfort in his part. He consulted the best neurologist and neurosurgeon our company has to offer pero nung time na nung surgery, while the procedure is being done, nag cardio pulmonary arrest si Ivan, they were not able to revive him.”



Nang tumayo ako ay agad akong niyakap ng aking dating boss.



Isa si Ivan sa naging pinakamagaling na VP ng kumpanyang ito. Like you we miss him.” sabi nito, di ko na napigilang mapaluha.




Sir, can I ask a favor?” bulong ko pabalik sa aking dating boss.



Anything...”



Can I have the address of Ivan's family? Ang alam ko lang kasi he lives in Cubao and that's it. I tried calling but there's no answer.”



Ah, baka asa Antipolo sila, may nabili kasing bahay dun si Ivan.” paliwanag ng aking dating boss.




Umalis ako ng opisina na yun na nanlalambot parin, panong hindi ko iyon nalaman? Nangunot ang noo ko at biglang napaisip.




Mang Udoy, bahay tayo.” utos ko sa driver, tumango lang ito.



0000oooo0000



Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko ang aking mga magulang na paalis pa lang. Agad nilang nabakas sa mukha ko na may mali.



Anak?”



'Nay sino ang tumawag noon bago mo malaman ang tungkol sa eye donor? Si Ivan ba talaga?!” malamig kong tanong sa aking ina, natigilan ito. Namutla at biglang inalis ang pagkakatingin sakin.



S-si J-jepoy.” pagamin nito.



May sinabi ba siya tungkol sa malubhang sakit? Tungkol kay Ivan?” nagsisimula ng tumaas ang boses ko. Natigilan ulit ang aking ina, tumalikod at naglakad palayo.



'Nay!” sigaw ko.



Marcus, anak, wag mo namang pagtaasan ang boses ang inay mo.” saway sakin ng aking ama.



Patay na si Ivan.” napatigil ang aking ina.



Ito ang unang pagkakataon na nasabi kong patay na si Ivan, tila ba ito ang tumutuldok sa aking pagaalinlangang hindi totoo ang sinabi ng aking boss, tila ba inamin ko sa sarili ko na wala na nga ang kaibigan ko. para kong sinampal ang sarili ko.



Napaharap bigla ang aking ina. Kita ko ang pangingilid ng luha nito. Nilulunod ng pagsisisi ang mukha nito.



A-anong sabi ni J-jepoy noon?”



A-akala ko g-gusto ka lang niyang guluhin. A-akala ko g-gumagawa lang siya ng dahilan.”



Sinabi niyang may sakit si Ivan, na malubha si Ivan at hindi mo naisip na baka nagsasabi ng totoo yung tao? Alam mo kung gano kaimportante sakin nung tao!” ngayon, pareho ng nababalot ng luha ang mukha namin ng aking ina.



Napaupo ang aking ina sa pinakamalapit na upuan. Tumalikod na ako, tinanong ng aking ama kung saan ako pupunta, pero di ko na ito pinansin pa.



0000ooo0000




Pasensya na, Mang Udoy, pero kailangan ko pong pumunta sa Antipolo, naiintindihan ko po kung sasabihin niyong pagod na kayo---”



Ay naku, Sir. OK lang ako.” sagot agad ni Mang Udoy, agad akong pumasok at umupo sa tabi nito.



Dito tayo sa address na ito.” sabi ko dito, tumango bilang sagot si Mang Udoy at pinaharurot na ang sasakyan papunta sa Antipolo.



0000ooo0000



Sir, andito na po tayo.”


Dahan dahan kong ibinukas ang aking mga mata, hinayaan itong magadjust sa liwanag ng paligid. Nakatulog pala ako sa biyahe. Iginawi ko ang aking paningin sa labas ng bintana, nasa isa na akmi ngayong village, magaganda ang mga bahay doon, isang bahay ang nakakuwa ng aking pansin.



Exact replica ito ng aming bahay, ang kahoy na ginamit ang bubong ang simento, mga halaman pati ang puno. Nung una akala ko ay nasa harapan kami ng aming bahay pero ng tignan ko ang mga katabing bahay ay ibang iba ito. Nangunot ang aking noo.



Saglit lang po, mang Udoy.” paalam ko sa matanda.



Agad akong naglakad papalapit sa bahay, pati ang mababang bakod ng aming bahay ay kuwang kuwa nito, naglakad ako sa terrace na tila naglalakad sa sarili naming terrace, kumatok ako sa pinto at nagulat ng si Jepoy ang magbukas nito.



Halatang nagulat din si Jepoy sa biglang pagsulpot ko doon.




Jepoy, hijo sino yan?” tanong ng isang babae.



Nang makalapit ito sa likod ni Jepoy ay natigilan din ito, agad na nangilid ang luha, tumitig sa aking mga mata at ngumiti.



Sir Marcus.” bulong nito.



Pamilyar ang boses na iyon sakin. Matamlay ang mukha nito pero pilit na ngumingiti, nakaitim na damit ito na miya mo nagluluksa.



Pasok ka, Sir.” alok ng babae sakin.



S-salamat po.” sabi ko sabay tingin kay Jepoy nun ko lang napansin na nakaitim din si Jepoy at ng magtama ang aming mga tingin ay bigla akong nakaramdam ng pamimigat ng pakiramdam.



Matagal tagal ko naring di nakikita si Jepoy, pero alam ko ang itsura nito kapag may tinatago itong hinanakit at galit. Nagsimula na akong pumasok, pinadaan ako ni Jepoy at sumunod ito sakin papunta sa sala na katulad na katulad din ng samin. Sa di kalayuan ay napansin ko ang isang litrato, may isang maliit na kandila na nakatirik sa unahan nito. Tinitigan ko ang mukha ng lalaking tampok sa litratong iyon. Napakaamo.



Bakit ka nandito?” isang malamig na tinig ang aking narinig, di ako nagkamali, kay Jepoy galing iyon.



Jepoy, Hijo.” saway ng babae.



Hindi ka na dapat pumunta dito. Matagal ng patay si Ivan. Huli ka na!” sigaw nito, namumula ang mukha at nanlilisik ang mata sa galit.




Di ko na napigilan ang mga luha ko sa pagbagsak.




Itutuloy...




______________________________
Breaking Boundaries 16
by: Migs

Comments

  1. ngayon si Ivan naman ang pinatay mo. hihihihi


    Galit ba si jepoy dahil sa hindi pagpakita ni Macky? ganun na ba sila ka close ni Ivan? hmmmmmm

    ReplyDelete
  2. sabi na nga ba eh :(( feeling ko naman ngaun na either kapatid ni Jepoy si Ivan o pinsan o bestfriend...grabe naman!! hay!! naiiyak ako :'(

    ReplyDelete
  3. Grabe ang revelation. Hindi ko ineexpect na ganun ang mangyayari kay Ivan. Pero paano yan galit si Jepoy kay Maki? Mukhang may tensiyon na naman sa pagitan nilang dalawa. Saka ang pinagtataka ko lang talaga bang may relasyon ang dalaw? Si Ivan at Jepoy para kasing hindi siya masyadong napag-uusapan sa kwento. Aabangan ko na lang sa susunod ang sagot.

    ReplyDelete
  4. i think relatives sila jepoy at ivan..

    ReplyDelete
  5. nshocked ako sa chapter na to.

    hindi ko inaasahan ang nangyari kay Ivan.

    magkapatid ba sila ni jepoy?

    Bkit kailangang mamatay ni ivan?? :'(

    --ANDY

    ReplyDelete
  6. me too..na shock...anyway...wag namn sana tagalan ang nxt chapter...pleaseeee....

    ReplyDelete
  7. Maki and Jepoy pa rin... though it never cross my mind na may Maki and Ivan, the lost is too painful... plus the tension now between jepoy and maki... Migs, I don't know how you gonna end this soon with this new twist, but I trust you... We'll wait for the next! Ciao!

    ReplyDelete
  8. whew..

    that's shocking..

    who would have thought, right??

    poor Maki.. :(

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  9. naiyak nman ako d2 .. huhu

    bkit c ivan pa :(

    ReplyDelete
  10. makikiiyak nalang ako! T_T napakabilis ng mga pangyayari! di ko lubos maisip na patay na si Ivan...pero kahit patay na sya, buhay pa din sya sa mga mata ni Maki! :( nakikiramay ako...ako ay sadyang nalungkot sa nangyari kay Ivan!

    ReplyDelete
  11. kapatid ba ni jepoy si ivan? o totoong bf nya si ivan? next chapter na kuya migs =)

    atsaka bakit kapareha yung bahay sa bahay nila maki?

    -Mike

    ReplyDelete
  12. --OMG!!! ;(((
    PLEASE, UPDATE PO DYAN... ;((
    CAN'T STOP CRYING..;(((

    ReplyDelete
  13. Super nasindak ako sa chapter na ito.the revelations an the flow of the story has a very drastic turn. I wouldnt want ivan to have died, pero it paves the way foe jepoy and maki to meet again. Un nga lang, this time, it is maki whose got some baggage to unload. Ansama naman ng nanay ni maki. :( sobrang sad ako sa ginawa nya. Da best talaga ikaw, mahal kong migz. Keep it up.

    ReplyDelete
  14. ...grabe kinilabutan talaga ako
    ...naiyak ako ngayon
    ...diko akalain mangyayari ito
    ...what really happen,...flashback pleassssssssssss
    ...i hope have great ending.
    ...sino un lalaki dati s lobby ng hospital nkatingin k maki?
    ...pls include him to the next chapter please
    thanks migs...........

    ReplyDelete
  15. Waaaaaahhhhhhhhh.........nxt na.....

    ReplyDelete
  16. Grabe, hebigat!!! Dito mo masasabi 'yung:

    'What's past is past, but it's not the last,
    we're not alive to just remember.......'

    ReplyDelete
  17. kelan po ang next chapter? nakakabitin naman. Plus bakit walang sexual content?? puro na lang halikan. Ni-hipo wala man lang. Yun sanang mag papainit sa readers para naman masaya.
    Oi pero i'm not saying the story's not good. its actually very good. kung hindi lang taboo ang homosexuality sa society, pwede na tong teleserye. starring papa p and mark bautista. ayyy ang sagwa. gerald anderson and aljur abrenica na lang.

    ReplyDelete
  18. uhm,naun ko lang nabasa to,,at dito ako sa chapter nato naiyak!T_T

    -amt

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]