Chasing Pavements 4[13]

Hey guys! Sorry at ngayon lang ako nag-post ng Chasing Pavements, medyo busy lang. Nga pala, this week na ang finale ng Breaking Boundaries, kung hindi niyo parin nakikita ang connection nito sa ibang stories na ginawa ko, ehe, matagal na kayong nahuli, chapter 11 sinabi ko na yung koneksyon nila. Clue: car accident, kung di niyo parin nakuwa, ito yung aksidente sa Love at it's best book 2. :-p

Isa pa pala, sa mga bagong readers na nagtatanong tungkol sa mga pagkakasunod ng stories and sa connections ng bawat isa. Love at it's Best series po ang una, tapos Breakeven and then Against All Odds, tapos Breaking boundaries. Meron din pong mga Short stories at wala silang koneksyon sa ibang stories, tapos meron din pong Chasing Pavements na hiwalay na story (walang koneksyon sa ibang stories.) PAra naman po sa mga nagtatanong about sa connections ng bawat stories, basahin niyo na lang po ng tama sa pagkakasunod sunod ng bawat stories at malalaman niyo po ito.


Gusto ko rin pong magpasalamat sa mga nag-nominate sakin para sa book project ni kuya Mike, kaso di ko po siya magagawa, super busy ako ngayon eh, di ko na nga matapos yung ibang stories na ipinangako ko sainyo. hihi.


Pasensya na at ang chapter 12 ng Chasing Pavements eh medyo walang kwenta. haha! meron pang 4 chapters to, sorry lang at mabagal ang posting. hehe.
__________________________________________________________________________


Biglang lumatay sa mukha ni JP ang lungkot nang magtama ang aming mga tingin, nagsisimula naring manakit ang likuran ng aking mga mata, indikasyon na malapit na akong umiyak, pero sinabi ko sa sarili ko na hindi ko bibigyan ng kaligayahan si JP sa aking pag-iyak, pinilit kong patatagin ang sarili ko. Sunod kong iginala ang aking mga tingin sa aking mga kaibigan.



Si Dave ay mukhang kinakabahan, si Pat ay mukhang interesadong interesado at excited sa susunod pang mangyayari, si Fhey ay patuloy lang sa pagkain ng kaniyang isang galon na ice cream at pinapalipat lipat ang tingin sakin saka kay JP habang si Edward naman ay patuloy parin sa pamumula sa galit.



Migs, let me explain, please.” bulong ni JP pero para sa akin ay miya mo iyon sigaw dahil literal na ikinagulat ko ang pagsalita niyang iyon.



He doesn't need your explanation! You played him!” sigaw ni Edward, si Pat ay patango tango lang si Dave naman ay di na mapakali.



Migs, we need to talk.” bulong ulit ni JP, muling nagsalubong ang aming tingin. Alam ko rin sa sarili ko na tamang panahon na para makapagusap at sa totoo lang, sawa at pagod na ako sa mga kadramahan na ito. Tinanguan ko ito bilang sagot sa kaniyang paanyaya.



What?! You're actually going to let this prick play you again?!” sigaw nanaman ni Edward, iniyakap na ni Dave ang malaking braso nito kay Edward dahil susugurin nanaman nito si JP.



We will just talk, Edward.” saway ko dito.



He doesn't deserve to be talked to!” napapikit ako sa sinabing iyon ni Edward, dahil para sa akin ay totoo iyon.



I need you guys to give us time to talk, Pat, pwede bang kila Edward muna kayo?” baling ko kay Pat, di na ako nagabala pang tanungin si Edward dahil alam ko ang katigasan ng ulo nito.



Dito lang ako.” mariing sabi ni Edward, napairap na lang ako sa katigasan ng ulo nito.



Edward---” umpisa ni Pat pero nagmatigas si Edward, binigyan niya ng masamang tingin si Pat at itiniklop ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib.



Stop acting like a jelous boyfriend, Edward. They need to talk.” sabi ni Dave habang hinihila si Fhey na kumakain parin ng ice cream mula sa galon.



What if he hit Migs again?!” matigas na ulo paring sabi ni Edward.



Di naman niya ako sinuntok, Edward, aksidente ang nangyari.” saway ko dito.



Tell that to your nose!” balik sakin ni Edward, naiinis na ako sa katigasan ng ulo nito.



Don't make me call Mae.” singhal ko dito, umiling si Edward at padabog na lumabas ng bahay kasunod ang tatlo, narinig kong sumara ang pinto, sinulyapan ko si JP, nakayuko lang ito.



Gusto mo ng kape?” tanong ko dito.



Migs---”



I definitely need one.” putol ko sa sasabihin niya. Tinungo ko ang kusina at napansin kong sumusunod ito sakin.



I don't know what to say.” bulong ni JP habang nakatalikod ako dito at busy sa pagtitimpla ng kape ala starbucks.



You don't have to say anything, JP. I saw this coming, you were not attracted to guys before me, you were straight before you new me and you're still attracted to girls while we were going out, so I expected that you will leave me for a girl eventually, ako lang naman tong makulit na ipinagpipilitan na makipagrelasyon sayo---”



I also wanted to be in a relationship with you, Migs, wag mong sisihin sarili mo---”



But I was not enough, right? I will never be enough. JP, this is the exact same reason why I was reluctant to be in a relationship with you at first, you may be attracted to me now but you will always look for a girl, I know something like this would happen.” hindi ko na maituloy ang pagtitimpla dahil nanginginig ang aking mga kamay at natatapon lang ang mga asukal mula sa kutsarita kaya naman iniwan ko na ito at humarap kay JP.



Nagsisisi ka ba?” pabulong na tanong ni JP, nakayuko na ito ngayon.



To tell you the truth, yes.” walang kagatol gatol kong sagot dito, nagtaas ng tingin si JP, halatang hindi inaasahan ang pagiging takleso ko, kitang kita ko sa mukha nito ang sakit na dulot ng aking sinabi.



Saglit kaming natahimik. Hindi na maikakaila ang namumuong luha sa mga mata ni JP.



I'm sorry, Migs, please, di na ako makikipagkita kay Donna, gagawin ko lahat ng gusto mo---”



Di mo ba na-gets, JP? Nagsisisi na ako. Nung una pa lang ayaw ko ng maging tayo dahil alam kong mangyayari 'to, sa tingin mo isusugal ko pa ang kakapiranggot na pagmamahal ko pang natitira para sayo para sa isa pang chance na alam ko namang magiging balewala lang?”



Migs, please, I swear---” pagmamakawa ni JP, ngayon hindi na nito mapigilang maiyak.



I can't do this anymore, JP. It will just be unfair for the both of us, it will be unfair to Donna---”



I don't care about her!” singhal ni JP.



You don't care about her now, pero pano next week? Next month? Next year? Alam ko naman nung una pa lang na mahal mo siya at mahal ka niya pero pinilit ko parin yung akin. That day, nung malapit ka ng ma-discharge sa ospital, nung binisita ka niya? I saw how you kiss each other, I saw how you look at each other and I remember kung pano ko hiniling na ako ang hinahalikan mo ng ganun, na ako ang tinitignan mo ng ganun, JP, this is not just about us, this is also about you and Donna.”



But I love you---”



And I love you too, but will that be enough? Will our love for each other be enough? Am I going to be enough for you?” matapos kong itanong ang mga ito ay tahimik kong hiniling sa sarili ko na sabihin ni JP na “Oo” na sapat na ang mahal namin ang isa't isa, na sapat na ako para sa kaniya, dahil sa loob loob ko ay hinihiling kong ipaglaban niya ako pero hindi...



Natahimik si JP, hindi makasagot. Di ko na kaya pang itaboy ang mga luha na nagbabadyang tumulo kaya naman tumalikod na ako kay JP, kunwari ay pinagpapatuloy ang pagtitimpla ng kape.



Can you forgive me? Can we still be friends?” pabulong na tanong ni JP. Tila naman may sibat na tumarak sa aking puso sa tanong na iyon.



I don't know. Later, I guess, but now--- I don't know, JP.”



Bakit si Edward? Napatawad mo agad siya, tangina para nga siyang boyfriend mo kung umasta eh! Bakit ako, hindi pwedeng maging ganun para sayo?” parang batang tanong ni JP. Tila ba nagseselos na kapatid, nakikihati sa atensyon ng kaniyang magulang.



Because Edward didn't promise me anything. He didn't swear that he would never hurt me, he didn't promise me about being in love forever; that's why it's easy for me to forgive him and welcome him as a best friend as if nothing happened.” muling natahimik si JP sa pangangatwiran kong ito, hindi ko parin magawang humarap dito.



I'm sorry, Migs.” bulong ulit nito. Napatawa ako kahit na halatang pasarkastiko ang tawang iyon ay hindi ko ito napigilang mailabas, sa totoo lng wala na akong pakielam kung ano pa ang isipin ni JP mula sa tawang iyon.



I don't even know if your sorry is enough, JP.” iiling iling kong sabi habang patuloy parin sa pagtawa at pagiyak. Naramdaman ko ang pahawak ni JP sa aking balikat, pilit ako nitong pinaharap sa kaniya, idinikit niya ang kaniyang noo sa aking noo, ang kaniyang matangos na ilong ay sumasayad sa dulo ng aking ilong, niyakap niya ako ng mahigpit, napapikit ako sa ginawa niyang ito, pilit na pinipigilan ang mga luha na lumabas mula sa aking mga mata pero pursigido ang mga ito na tumulo, nasa ganito kaming tagpo habang paulit ulit na sinasabi ni JP ang mga salitang “I'm sorry.” at habang sabay kaming humihikbi.



0000ooo0000



Matapos umalis ni JP ay nakita ko ang sarili ko na naglilinis ng banyo, nasa ganito akong tagpo nang maabutan ng aking mga kaibigan, si Fhey ay sumusupsop ng double pospsicle, si Dave ay kinakabahan parin, si Pat ay mukha paring interesadong interesado na malaman ang mga nangyri sa pagitan namin ni JP at si Edward naman ay nagaalalang nakatitig sakin.



Anong nangyari?” di makapagintay na tanong ni Pat.



Wala naman, nagusap at nagkalinawan.” sagot ko sabay ngiti, nadismaya naman si Pat sa sagot kong iyon kaya't nagtanong ulit ito.



Yun lang?” siniko naman siya ni Edward sa tagiliran.



Yup. Yun lang---”



Kamusta ka?” nagaalalang tanong ni Edward.



I'm good.” sagot ko dito sabay ngiti. Nagbuntong hininga naman si Dave sa sagot kong iyon, so Fhey ay patuloy lang sa pagsupsop ng kaniyang popsicle si Pat ay dismayado parin at si Edward ay di kumbinsido sa sagot ko.



He loves Donna, Donna loves him, JP's a guy and Donna's a girl. I can't do anything about that.” sagot ko sabay kibit balikat, pilit itinatago ang tono ng bitterness mula sa aking boses. Nagkatinginan ang apat.



Migs, tigilan mo nga yan, kalilinis mo lang niyang CR na yan, sa sobrang linis niyan pwede nang mag-opera dyan. Tara punta tayo ng mall, kain tayo ng ice cream.” aya sakin ni Fhey, binigyan ko ito ng matipid na ngiti.



Pass muna ako. May sarili pang buhay ang mga ngipin ko dahil sa retainers ko.” sagot ko dito.



Migs---”



Look, guys. I'm OK. Kung may gagawin kayo or may gusto kayong gawin, then do it. Wag na kayong magalala, OK?” medyo matigas kong sabi sa mga ito, nakilala ni Pat ang tonong iyon kaya't inaya na niya ang iba na iwan muna akong magisa. Narinig ko pang nagtatalo si Edward at Pat dahil ayaw akong iwan ni Edward pero sa huli ay bumigay din ito.



Migs, alis muna kami ah. Kapag kailangan mo kami, tawag ka lang.” marahang paalam sakin ni Edward, nginitian ko lang ito.



Sinalpak ko ang vacuum at pinasadahan ang carpet sa sala at dining room, kinuskos ko ang kisame, inayos ang bodega, iniskoba ang kusina, pinaikot-ikot ang mga furniture, tinabas ang damo, nilinis ang coy pond, inalis ang patay na sangha ng santol, iniskoba at pininturahan ang mga babasaging gnomes sa may garden pero nang matapos ko ang lahat ng ito, hindi lang sa hindi nawala ang sakit na nararamdaman ko, nadagdagan pa ito ng sakit ng katawan ko.



Nang makasigurong tapos na ang waiting period para hindi mapasma ay agad na akong sumalang sa ilalim ng shower, magisa kong inabot ang aking balikat at minasahe ito, naramdaman kong muling nangilid ang mga luha ko, hindi dahil masakit ang aking mga balikat, kundi dahil sa sakit parin ng nararamdaman ko sa pakikipaghiwalay kay JP.



Akala ko pagkatapos kong lampasuhin ang buong bahay at tabasin lahat ng ligaw na damo sa bakuran, makakalimutan na ng utak at puso ko ang nangyari kanina sa kusina nung kausap ko si JP, hindi pala. Sandali lang pala akong mangingimay pero andun parin yung sakit.



Tinuyo ko ang sarili ko pagkatapos maligo at humarap sa lababo para mag-toothbrush, tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang sinisipilyo ang aking mga ngipin, wala akong makita sa aking mukha kundi ang pananakit ng puso at katawan, ilang saglit pang pagtitig sa sarili ko ay saka ko napagtantong kahit anong pilit kong itago ang aking nararamdaman ay uusbong at uusbong at makikita parin ito sa aking mukha. Nasa ganito akong pagiisip nang maisip kong tawagin ang sarili ko na...



Loser. Pathetic. Miserable...”



Ilan pang masasakit na salita ang naisip kong itawag sa sarili ko habang naglalakad papunta sa aking kama. Nagpaikot ikot ako dito, pinilit ang sarili na makatulog pero kahit anong pagod pa ang nararamdaman ng katawan ko ay siya namang ayaw magpahinga nito.



Isa lang ang naisip kong paraan para makatulog.



Naisipan kong ilabas lahat ng aking nararamdaman at hindi nga nagtagal ay tila naman gripong binuksan ang aking mga mata at hindi na tumigil ang mga luha sa pagpatak mula dito. Hindi ko na namalayan na may ibang tao na pala sa kwartong iyon dahil abala ako sa paghikbi, abala akong kaawaan ang sarili ko.



Naramdaman ko ang mga bisig ni Edward na bumalot sa aking katawan, marahan ako nitong iniyugyog na parang batang hine-hele ng ina.



Let it out, Migs. Let it out.”



Itutuloy...

_______________________________
Chasing Pavements 4[13]
by: Migs


Comments

  1. damn it migs!!!

    buti mabait ka. kung ako yun nabugbig ko na si jp. pero biblb ako sayo.nakuha mong magpigil...or talaganag may pagkamartyr ka lang...hmmm

    haaay...pero at least time to move on ka na. like you, i was half hoping that jp would say "yes" to the would-i-be-enough question. but then, gaya ng sinabi ko sa dati kong comment, you will never be enough for him.

    ewan ko pero sobrang lungkot ng reaction ko. alam mo naman noon pa na jp-migs talaga ako. i thought na you were really meant for each other. na kahit sino pa ang dumaan at dadaan sa buhay niyo, in the end kayo pa rin ni jp. pero ewan ko lang ngayon. kung ako nasaktan for you, paano na lang kaya nag nararamdaman mo?...haaay

    or sometimes iniisip ko na lang na sana mamatay na lang si donna para mas simple na ang lahat ahahaha. kahit alam ko na di lang naman si donna yun eh. kundi babae in general...

    pero migs, sige lang... kaya mo yan. madami kami dito na nagdadasal for you. but you have to help yourself heal quickly. hwag na ungkatin pa ang sugat. hwag buklatin ang scabs, not unless you want plenty scars left behind... so my prayer for you is that you heal quickly and permanently.

    and one other thing that you really really need to learn: the art of letting go. am happy to say that i have somehow gained a higher level of competency along these lines (hahaha yabang ko). pero kailangan natin itong skill na ito, if only to make our lives better, but more so to protect us from the onslaught of negative and life threatening experiences.

    in closing, i wish you the best always, and i know in time you will find the right person to love and love you back... minus the complications.

    btw, re: your nomination sa msob project... yeah, was one of those who nominated you. sama sina Z and lui. pero if di mo kaya by reason of time... ok lang. pero sana tapusin mo yung ibang stories mo... kahit 1 chapter a week lang...cge na pleazzzz...

    regards,


    R3b3l^+ion

    ReplyDelete
  2. i don't know what to say migs coz i can't say that i can feel what you are going through right now. i know how much you love jp but it's time to move on. let go of that love you have for him. cry if you must coz it's ok not to be ok for in time you will be ok, time heals all wounds. how deep and grave the cut may be, it will still heal and though it will leave a scar, don't be scared coz it will forever remind you of how strong you have been...so migs, always remember that it's ok not to be ok. so for now i'll leave you with this qoute from migs :) the manilagayguy:
    “Allow yourself to feel what you feel. Honor it. Be sad if you’re sad. Sadness won’t be given us if it has no use in some way. So go ahead, be sad, and feel it with all your being. However, pray that you be given the wisdom to know when to stop, when to dust your feet off, and say ‘I have felt what I felt, I acknowledged it, embraced it, and for good measure, have immersed myself in it. Now, I am done.’ Then you move on and reach for the next best-feeling thought.”

    please, don't try to convince yourself that you're okay! it will only lead you to an emotional breakdown, just go with what you are feeling right now! stay strong and pray always...He'll help you ;)

    ReplyDelete
  3. I know the feeling... before, I thought it was just an exaggeration na "nasasaktan ang puso"... tinatawanan ko nga friends ko and sinasabihan na nag eenarte lang, but when I enter into a relationship and got dumped... noon ko napatunayan na it's real! Hindi lang sya imagination, but the pain is so f'kng real that you end up miserable! Reading your stories make me realize that I'm not alone... Thank you Migs! for sharing your story...

    ReplyDelete
  4. This is the reason why i love edward for migz. He knows migz. At alam nya kung kelan susulpot para kay migz. I love you din migz.

    ReplyDelete
  5. nahihiya akong magcomment kasi puro mahahaba ang mga comment nila :))

    anyway, naiyak ako dito. siguro kung ako din ikaw, ganun din gagawin ko. i'll just set things out para matapos na and then cry. hay! ganyan talaga ang buhay :'( thank you po sa update!! sana ung Breaking Boundaries happy ang ending :P hehehe :)) palagi kasing sad ang ending ng mga story nyo eh. para maiba naman :))

    ReplyDelete
  6. Tindi ng emotion. May pinanghuhugutan talaga! :( Kuya Migs, sana po ay mahanap niyo na ang tunay na magmamahal sa iyo sa kabila ng lahat. Sigurado ako, magcocoment na naman si kuya Neph pag nabasa to. HAHA! Kakabreak-up lang nung mokong pero nagkabalikan rin naman kaya ok lang sa kanya.

    Pain is a manifestaion that we are alive in this world. Live through it so you can more smiles after. :)

    -->nIx

    ReplyDelete
  7. ok lang yan, kung baga lalo kang titibay at makakapagisip nang maayos,, Migs alam ko masakit pero tama naman sila move on punta ka sa mall, salon, cinema, resto and be happy...

    masuwerte ka pa nga may mga kaibigan ka na nagmamahal saiyo..

    ReplyDelete
  8. Go kuya migz kayamoyan wag kang susuko ilabas na si Gretien barreto

    ReplyDelete
  9. “You don't care about her now, pero pano next week? Next month? Next year?"

    Best line. Powerful line. I hope everything gets better as soon as possible :)

    I've always liked Edward. Sana si Edward na lang talaga.

    ReplyDelete
  10. ganun ba talga ka caring at ka sweet si edward migs?

    ReplyDelete
  11. Ramdam na ramdam ko ang emosyon ng chapter na ito Sir Migs.. haist im always a fan of JP and MIgs pa naman.. pero ngayon nasa Team Edward na ako..hehe

    @Nix: ipalalandakan pa talaga dito na nag break kami at nag kabalikan ulit.. adik jud kang kagwanga ka bahh..haha

    -neph

    ReplyDelete
  12. I hate myself kung bakit ngaun ko lang nabasa to..haayst
    I really dont know what to say, i dont know know if I am goint to be proud to "migs"..pero maswerte pa din sya at may support system sya...

    tama ung sinabi ni edward, Just let it out..

    ReplyDelete
  13. just keep on chasing pavement even if it leads nowhere...o diba kuya migs...ahaha... basta support group mo din kaming readers mo... pangalanan mo na ang kung sinong JP yan at reresbak kami...ahah warfreak...

    >>Down_d'Line

    ReplyDelete
  14. -wow kuya migs, khit na matagal tagal na akong sumusubaybay sa blog mo, d prin ako mkapaniwala nangyyari ang mga ito sayo.. ;((

    magpakatatag ka kuya. mkkahanap ka din ng taong magmamahal sayo ng tunay, NA HABANG BUHAY KA MAMAHALIN... at, nkalimutan kong sbhin sayo na napakagaling mong magsulat kuya.. ^^

    KUYA, SANANG SI EDWARD NLNG PRA SAYO... PRO D NA PWEDE.. PAMILYADO NA SYA. si JP, straight guy... haaayy buhay... ;((((

    ->brittleheart28

    ReplyDelete
  15. Sir Migs, we're here for you. Though hindi man kami lagi nagcocomment, nandito lang kami nagbabasa ng stories mo.

    I wouldn't say that I know how you feel because I haven't experienced anything like that yet. All I could say is that the pain you feel is beyond what I can imagine. I sympathize with you. I hope that even if little, we (your readers) are helping you ease that pain.

    I agree with Edward. You have to let your emotions out paunti-unti especially if its too strong for you to bear. Kasi kung hindi, mag manifest siya in a negative way. Hindi lang ikaw ang maa-apektuhan kundi pati narin yung mga taong nandiyan naga-alala sayo. Just let it out and eventually pag lipas ng panahon, mag heal din yang sugat sa puso mo.

    Always remember that there are a lot of people supporting you.

    P.S.
    I was a silent reader of yours and now I decided to comment with my initials because I want to show that I care. Thanks for your effort in sharing your life and stories. Always take care.

    -RP

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]