Chasing Pavements 4[10]
Naabutan ko si Edward na nakatanaw sa kalsada sa labas ng bahay namin, nakaupo sa isa sa mga di masyadong nagagamit na upuan sa may terrace namin, mukhang malalim ang iniisip nito, ni hindi nito napansin ang pagtabi ko sa kaniya, nang hilahin ko lang ang manggas ng suot na t-shirt nito ay saka lang nito napansin na katabi ko siya.
“Bakit?” wala sa sarili nitong tanong sakin, di ako sumagot sa tanong nito at pinagpatuloy ko lang ang pagtingin dito. Ilang minuto pa ay narinig ko itong nagbuntong hininga.
“It's OK, Migs. Kuwa ko naman eh, single si Al, ako hindi, di naman ako dapat magalit pero kailangan ko lang ng konting panahon na ma-absorb lahat ng narinig ko mula sayo.” sabi nito sabay bigay ng matipid na ngiti.
“I don't think I want to be in a relationship with Al, hell, I don't think I'm going to have a relationship with anybody for the meantime. Maybe I'm meant to be alone, you know.” humahagikgik kong sabi kay Edward, ramdam kong may tama na ako dahil sa dami ng nainom kong alak, nakita kong lumungkot ang mukha ni Edward, lalong lumalim ang iniisip nito.
“You're not meant to be alone, Migs--- sana hindi dahil sakin kaya di mo kayang makipag commit kay Al—-”
“Naku, wala kang kinalaman dun, Edward, parang kapatid ko narin si Al, what we had that night is for pure fun only, no strings attached--- OK, siguro para sakin wala lang yun at kahit papano ay may ibig sabihin yung gabing yun kay Al, pero nilinaw ko naman sa kaniya na hanggang kapatid lang talaga ang tingin ko sa kaniya, tinanggap naman niya yun at sinabing maiintay siya, if ever na mauntog ako at magising. Kaya kung iniisip mo na sasaktan ko lang si Al, please, maniwala ka, di ko intensyon yu---”
“Alam ko, Migs, alam kong di mo sasaktan si Al, hindi naman yun ang dahilan ko kung bakit ako nagwalk out naisip ko lang na---” pabitin nito sabay buntong hininga. “---naisip ko lang na kung naghintay lang sana ako noon, sana ako ang kasama mo nung gabing yun imbis na si Al, hindi sana ako naiinggit---”
“Edward, may mga anak ka na, may masayang pamilya, ipagpapalit mo pa ba yun para sakin na madalas magpalit ang mood, pamisan minsang nababaliw at sobrang mabahong umutot?” sabi ko dito, nagbabakasakaling gumaang ang mood at mapalitan na ang aming pinaguusapan. Di naman ako nabigo, ngumiti si Edward at humagikgik ng saglit.
“Di lang utot ang mabaho sayo, hininga din, tuwing umaga parang imburnal.” sabi ni Edward na ikinatawa naman naming pareho. Saglit na bumalot ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, nakatingin lang kami sa kalsada at pinapanood ang pailan ilang naglalakd lakad sa village.
“So anong pinagkaabalahan mo habang asa Palawan kami?” tanong ni Edward. Napangiti naman ako.
“You mean besides catching my boyfriend do the nasty and having my heart ripped to pieces?” naiiling kong sabi habang inaalala ang mga nangyari nung nakaraang araw. Ngumiti din si Edward ng marinig ang himig ng sarkasmo sa sinabi ko.
“Halika, ipapakita ko sayo ang pinagkaabalahan ko.” sabi ko dito sabay hila sa kamay niya at muli kaming pumasok sa aking kwarto.
0000ooo0000
“Wow.” bulong ni Edward habang ipinapakita ko sa kaniya ang isa sa aking pinakapaboritong gawin. Napangiti ako.
Ilang buwan ko naring pinagiisipan kung may pagsasabihan ba ako ng tungkol sa aking blog, wala ni isa sa aking mga kaibigan ang nakakaalam nito. Napagusapan na namin ng matalik kong kaibigan na si Sir Josh ang tungkol dito, sinabi niya nga na kailangan ko itong ipaalam sa kanila dahil hindi lang naman daw tungkol sakin ang mga kwento dito lalo na ang chasing pavements, tungkol din ito sa aking mga malalapit na kaibigan at baka hindi nila magustuhan kapag sa iba pa nila ito malaman. Sure, iniba ko ang ilang impormasyon at mga pangalan, pero kung sino man ang nakakaalam ng mga nangyayari sa paligid ko ay sigurado akong malalaman nila kung sino ang mga nababanggit sa storya.
Naisipan kong tamang panahon na na may pagsabihan ako tungkol dito.
“So Love at its Best is about us?” tanong ni Edward napangiti ako.
“Yup. Love at it's Best is the 'what could have been's' in my life. You, me being a couple...etc...” sabi ko dito, lalong lumaki ang ngiti nito sa mukha at ipinagpatuloy ang pagbabasa, di ko napansin na umaaligid narin pala si Pat, Dave at Fhey.
Wala na akong nagawa kundi sabihin narin sa kanila.
0000ooo0000
Ilang tanong, ilang tawa at ilang panlalait ang napala ko habang binabasa nila ang aking blog, karamihan ng reklamo ay patungkol sa mga character nila, sinasabi na hindi naman daw sila ganoon talaga o exaggerated daw ang pagkakadiscribe ko sa kanila. Idinadaan ko na lang ito sa ngiti. Lalong lumakas ang usapan nang madako ang pagbabasa nila sa Book2 at Book3, di sila makapaniwala na ganun pala ang pinagdadaanan ko at hindi ko manlang daw sila sinabihan, napangiti na lang ako.
Nang matapos ko nang ligpitin ang aming mga kalat ay sinaran ko na ang mga pinto sa unang palapag ng bahay namin nang masigurong ayos na lahat sa unang palapag ay sinunod ko naman ang pangalawang palapag, siniguro kong nakasara lahat ng bintana ng mga kwarto, nang bumalik na ako sa akinh kwarto ay hindi na ako nagulat nang makitang nakahandusay na si Fhey, Dave at Pat sa aking kama habang si Edward naman ay nakatanga sa harapan ng laptop ko.
Nung una, akala ko ay sinusunog nanamn nito ang kaniyang neurons sa mga larong nandun pero nang makalapit ako dito ay nakita kong binabasa ulit nito ang Love at it's Best, napangiti ako. Nun ko lang din napansing nakangiti si Edward habang binabasa ang gawa ko.
“Di ka pa ba tapos magbasa niyan?” tanong ko dito na ikinagulat niya. Di ko mapigilang mapatawa.
“I just can't believe na gumawa ka ng kwento sa mga gusto mo sanang nangyari satin.” sabi nito habang nakangiti parin.
“Sus! Sana binasa mo yung book 1 ng Chasing Pavements.”
“Nabasa ko na, nagmukha akong asshole dun.” natatawa namang sabi nito. Napangiti naman ako.
Habang bumalik sa pagbabasa si Edward ay napatingin ako sa aking tatlong kaibigan na nagsisiksikan sa aking maliit na kama at ibinalik ang aking tingin kay Edward na siyang nakangiting nagbabasa parin ng Love at it's Best.
Swerte parin ako't nandito parin ang mga kaibigan ko. Makasalanan man, puno man ng hinanakit ang ibato samin ng mundo, alam kong basta magkakasama kami, at syempre may alak at baraha magiging masaya parin kami hanggang sa huli.
Ibinaling ko ang aking tingin sa nakabukas na bintana, tinignan ang puno ng santol sa pagitan ng bahay namin nila Edward, wala sa sarili akong lumapit dito, lumabas ng bintana, tumulay sa malakhing sangha at umupo dito, di ko mawari pero para bang kahit wala si JP sa tabi ko, kahit nasaktan ako ng sobra ay alam ko parin na magiging OK ang lahat, kumpleto parin ang buhay ko.
Napangiti ako nang maramdaman kong marahang yumugyog ang puno ng Santol, nakangiti si Edward na tumabi sakin at sa loob ng kwarto ay narinig kong may kumalabog at ang malakas na tawanan ni Pat at Fhey.
“What a day, huh?” saad ni Edward, nakatitig pala ito sakin.
“Yup.”
“Sooo---” pambibitin ni Edward.
“Spit it out, Edward.”
“Kailan ang sequel ng kwento natin?” tanong nito, tinignan ko ito at nakita kong taas baba ang mga kilay nito.
“Tado!” natatawa kong sabi dito at sa sagot kong iyon ay pareho kaming napahagikgik ni Edward na miya mo mga batang babae na kinikilig.
Itutuloy...
________________________________
Chasing Pavements 4[10]
by: Migs
@rebelation: di ako galit. :-)
ReplyDelete@Mark Ryan: wala ng ibang Mark Ryan dito at alam kong dahil sa work mo kaya ka di nakakapag-comment, pero sabi mo try mo maghanap ng connection sa Africa para makapag-comment ka diba? :-p
hahaha... sorry migs, naging busy lang... ngayon medyo ok na, last phase na ng project so medyo maluwag na sched... Wish isa ako sa mga friends mo... nakakainggit ka, you are surrounded with good people because you are good, or even best people to hang around with.
ReplyDeletetop secret is now revealed... ahaha.. i'm glad that you already told your friends about the blog... just keep on posting kuya migs :))
ReplyDelete>>Down_d'Line
Melts my heart. Hopefully there will be a sequel <3. I've always liked Edward.
ReplyDeletei read all the comments this chapter in i agree to all them....
ReplyDelete...nice job migs,thanks
I think this chapter has answered the questions. I don't know if there are fillers here and there in one or several chapters of Chasing pavements. But I really like how you narrate your experiences using this blog.
ReplyDeleteAfter all, a blog is an online journal for bloggers who'd like to express themselves by narrating their experiences on their blogs.
Simply great!
That means, ma drama talaga ang buhay mo, right?
buti naman at nasabi mo na, atleast worst comes to worst may mga taong makakaintindi sa iyo, maoffend man sila sa sinulat mo alam nila.
ReplyDeletesa nangyari migs sa buhay mo ewan lang, kaya i hate commitments, meron atang sumpa sa atin na trust at loyalty ang highest point ng barometer ng relationship at seldom makamit, ewan baka di pa talaga panahon.
hope your doing good, ingat parati migs (",)
Thank you for sharing the story ... I felt the pang in my heart . So brave . . Splendid migs.
ReplyDelete- KILLER:)