Sunday, October 30, 2011

Chasing Pavements 4[8]

Tinignan ko ang aking cellphone. May dalawampung messages na akong natatanggap galing kay JP. Tatlong araw na ang nakakaraan nung nagpunta kami ni Dave sa dorm ni JP at nang malaman ko na niloloko ako ni JP. Dalawang araw akong hindi umuwi ng bahay nang umalis ako sa tabi ni Dave nung gabing iyon at inaliw ang sarili sa pagaalaga sa anak ni kuya Marc, pilit nitong inaalam kung ano ang nangyari pero hindi ko ito magawang sabihin sa kaniya, tumatawag din si Dave at Fhey, sinabi ko na kila kuya Marc ako tumitigil, di pa sinasabi ni Dave ang mga nangyari, ako daw ang dapat magsabi non sa aming mga kaibigan.



Sinabi ko kay Dave na hindi pa ako handa na sabihin sa kanila at kailangan ko pa ring mapagisa at hayaan muna ako sa puder ni kuya. Ikatlong araw na ng pagstay ko kila kuya ng mapagpasyahan kong umuwi sa bahay. Wala parin sila Edward at Pat si Fhey naman at si Dave ay iniisip na nakila kuya Marc parin ako. Di ko pa ulit nakakusap si JP, sa totoo lang wala na akong balak na kausapin pa si JP, hindi ko pinapansin ang mga text at tawag nito, di ko lang mahayaan na low batt ang telepono ko kasi sigurado kong nagaalala sila Dave at maaaring magtext at tumawag sila.



Mamya na ang uwi ni JP galing sa school tulad nang nakagawian imbis na sa bahay nila ay samin siya uuwi, nagpasabi na ito kahapon sa text pero sa tingin ko ay ayaw ko pa siyang makita kaya't di ko ito sinagot, iniisip ko na kapag hindi ako nagparamdam at sumagot dito ay iisipin niyang hindi siya maaaring umuwi dito sa bahay.



0000ooo0000



Naisipan kong maglinis ng bahay at tawagan ang mga lola ni Rick sa Pasig para kamustahin ito, lalo akong nalungkot dahil wala ito sa tabi ko, ito sana ang magpapasaya sa araw ko pero hiniling ni Anne na sa mga magulang muna niya magste-stay si Rick dahil ayon sa mga ito ay namimiss nila ang kanilang apo, nang makatapos ako sa paglilinis ay naglinis ako ng katawan at nagligo sunod ay pumunta ako sa aking kwarto at natulog.



Nang iminulat ko ulit ang aking mga mata ay madilim na sa labas, mahapdi narin ang aking mga mata, sinilip ko ang aking telepono at tumataginting na limampung text messages na ang natatanggap ko mula kay JP, di ko na ito pinagtuunan ng pansin. Ipinikit ko ulit ang aking mga mata, maya maya pa ay narinig kong nagri-ring ang aking telepono. Si JP, tumatawag. Pilit ko itong hindi pinansin.



Ilang minuto pa at nakarinig ako ng nagdo-door bell. Sumilip ako sa bintana, si JP asa labas, alam kong miya miya lang ay bubuksan na nito ang gate at kakatok na ito sa front door. Kahit madilim ang buong bahay ay patakbo akong bumaba ng hagdan at tahimik na ni-lock ang front door. Di ako nagkamali, narinig kong bumukas ang gate at miya miya ay kumatok na si JP sa front door. Umupo ako sa sahig at sumandal sa pinto, muli kong idinikit ang aking mga tuhod sa aking dibdib, yumuko at tahimik na nagintay na umalis si JP.



Migs?” tawag ni JP, halos mapatalon ako sa gulat pero alam kong imposible niyang malaman na nasa likod ako ng pintong iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit pero ang pamilyar na boses ni JP na iyon ay nagbibigay sa akin ng kakaibang sakit.



Migs.” tawag ulit ni JP. Tahimik parin akong nagiintay sa likod ng pinto. Narinig kong bumukas ulit ang gate at sumara, tatayo na sana ako sa pagaakalang umalis na si JP nang marinig ko ang isa pang pamilyar na boses. Natigilan ako.



JP, pare.”



Edward. Nakita mo ba si Migs? Di sumasagot ng phone eh. Ilang araw naring di nagpaparamdam. Akala ko busy lang or something, tapos paguwi ko ngayon walang ilaw tapos punong puno na yung mail box ng sulat na parang ilang araw ng hindi umuuwi dito si Migs.”



Ha?” rinig ko ang pagaalala sa boses ni Edward. Alam kong iniisip nito na may nangyaring masama pagkatapos ang tawag ni Dave sa kaniya nung nakaraang araw.



Mukhang wala dito eh, di naman nagpaalam na aalis siya.”



Di mo siya nakakatext at nakakausap sa phone?” tanong ni Edward. Rinig ko ang pagtataka sa boses nito at konting suspetya.



Oo eh, medyo busy ngayon sa school. Huli ko siyang nakausap 3 days ago.” sagot ni JP.



Ah sige, sige. Tatawagan ko si Marc baka nagste-stay dun or baka may emergency o kaya nakila Anne sa Pasig.” sagot naman ni Edward, dinig parin ang pagaalala sa boses nito.



Di mo ba talaga siya nakakausap o nakikita nitong mga nakaraang araw?” ngayon nagaalala narin si JP.



Di kami dito umuwi ni Mae nitong nakaraang linggo eh pumunta kaming Palawan. Tsk! Wala ba siyang nasasabi na problema sayo?” tanong ni Edward, di ko narinig na sumagot si JP. Alam kong iniisip na ni Edward ang tungkol sa tawag ni Dave nung hapong iyon.



Sige uwi muna ako sa bahay. Tatawagan ko yung iba, baka nakikitambay lang doon.” nagaalala paring sabi ni Edward.



S-sige.” matipid na sagot ni JP. Narinig kong bumukas at sumara na ulit ang gate, itong pagkakataon na ito ay di ko sinubukang tumayo dahil baka di pa talaga umaalis si JP o kaya si Edward. Di ko kayang humarap kahit pa kanino ngayon.



Habang nakaupo ako sa sahig, nakasandal sa pinto, nakadikit ang tuhod sa dibdib at nakayuko ay paulit ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga sinabi ni JP sa sulat na inipit niya sa aking libro may ilang linggo na ang nakakaraan.



Dahil 6 years na tayong magkakilala at dahil unang araw palang ay na in-love na ako sayo, naisip ko na bilangin ang buwan sa loob ng anim na taon na iyon. 72 months na tayong magkakilala, Migs at ito ang 72 top reasons why I Love You.



Isa isang tumatakbo sa utak ko ang ilan sa mga dahilan kung bakit niya ako mahal. Muli lumakas ang pagtulo ng aking mga luha at ngayon ay di ko na mapigilan ang paghikbi. Di ko alam kung gaano na akong katagal nakaupo dun at nagyuyukyok. Nakarinig ako ng pag kaluskos at biglang bumukas ang ilaw.



Migs!” sigaw ni Edward at halos pasubsob itong lumapit sakin at iniyakap ang kaniyang mga braso sakin.



Migs, what's wrong? You're scaring me, Migs... Migs.” paulit ulit na tawag sakin ni Edward habang patuloy parin ako sa pagiyak.



Migs. Please talk to me.”



Paulitulit akong umiling. Patuloy na nanlalamig ang aking katawan at bumibilis at bumababaw ang aking paghinga. Parang nasa loob ulit ako ng maliit na aparador kung saan ako kinulong ng aking mga kapatid noong 10 years old palang ako kung saan nagsimula ang takot ko sa maliliit, masisikip at madidilim na mga enclosed space.



Hello, Fhey, call the others. Migs needs us. He's having a breakdown.”



Itutuloy...


________________________
Chasing Pavements 4[8]
Hide and Seek
by: Migs


Chasing Pavements 4[7]

Kalalapag ko lang ng aking cellphone sa night stand sa tabi ng aking kama. Nagtext si JP, magdadalawang linggo na ang nakakaraan nang makita ko sila ni Donna sa SM Manila, di ko na pinahirapan pa ang sarili ko, sa totoo lang wala naman akong nakikitang masama, magkaibigan sila, pwedeng magkita sa mall ang magkaibigan, pwede silang tumambay na magkasama.



This is just me with trust issues. I can't let this ruin what JP and I have.” bulong ko sa sarili ko pero kahit ganun, di ko parin mapigilang masaktan.



Sinubukan kong wag ipahalata kay JP na may gumugulo sakin. Normal lang ang pakikipagusap ko dito at ang pagsagot sa mga text nito. Tuwing umaga binabasa ko ang 72 reasons na ipinirint niya para malaman ko kung gaano niya ako kamahal at yun din ang tumutulak sakin tuwing umaga para bumangon ng kama.



Narinig kong bumukas ang gate kaya't sumilip ako sa aking binatana. Nakita ko ang isang malaking mama na may malaking katawan, napailing ako ng maisip kung sino ang mala bouncer na iyon na naglalakad sa aming bakuran. Miya-miya pa ay narinig kong may kumatok sa aming front door at tumawag sa aking pangalan.



Migs!” sigaw ng mala bouncer kong kaibigan gamit ang kaniyang falsetto na boses. Napatawa ako.



Pagbukas ko ng front door ay agad ako nitong niyakap ng mahigpit.



I miss you, bitch!” sigaw nito sabay tawa na miya mo ungol ng isang malaking oso.



I miss you too, Dave, but please let go of me and let my lungs expand, pretty please.” bulong ko na ikinatawa naman nito. Nang bitawan ako nito ay agad kong pununo ng hangin ang aking mga baga.



Gawd, Migs! You look like shit!” sigaw ulit nito.



Tell me about it.” balik ko dito.



Where's my little fella?” tanong nito sabay lingon.



Pasig.”



I see. Ilang linggo na?” tanong nito sabay simangot.



Actually he's staying there for 2 months.” sabi ko, di na ako nagabala na alisin sa mukha ko ang lungkot.



Let me guess, Anne's request?” tanong nito, tumango na lang ako habang binalaot ulit ako nito sa yakap.



That figures.” sagot ulit nito.



Breakfast?” tanong ko dito, agad namang lumiwanag ang mukha ni loko.



0000ooo0000


Nagtititigan kaming dalawa habang kumakain. Di ko na natiis dahil alam kong hindi magsasalita si Dave kung anong kailangan niya sa umagang iyon.



Spill it, Dave. What do you want?”



Kailangan bang may dahilan kapag pumunta ako dito? Masama bang bisitahin ang isa sa mga best friend ko?” balik nito sakin, naningkit ang aking mga mata at hindi naniniwala sa sinasabi nito.



Fuck it! I need your car, Migs. I have to go to Manila later. Ayokong mag commute.”



I knew it! Balik ko dito. NO!” sabi ko sabay tawa.



I'll do anything! Please!”


Di ko alam kung bakit may nakakatawa sa isang malaking mama katulad ni Dave na humihingi ng tulong na parang maliit na babae na nakorner ng limampung rapist. Tumayo ako sa aking kinauupuan at kinuwa ang susi ng aking sasakyan. Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Dave na parang bata na tinatakam ng isang surbitero.



Iaabot ko na sana ang susi dito nang bigla ko itong bawiin.



What?”


Sa isang kundisyon.”


Ano?” lumungkot nanaman ang mukha ni Dave.


Isasama mo ako.”



Muling bumalik ang ngiti sa mukha ng malaking mama kong kaibigan.



0000ooo0000



Madami na kaming napagusapan ni Dave habang nagmamaneho ako papuntang Manila, maayos na sana ang lahat, masaya na sana nang biglang tanungin ni Dave si JP.



Sa totoo lang di ko alam eh. Dalawang linggo na siyang di umuuwi ng bahay kada break niya sa school, may case study daw or something.” sagot ko dito sabay kibit balikat.



Ha? Anong ibig mong sabihin na di mo alam kung anong meron sainyo ni JP ngayon?” tanong ulit nito.



Tingin ko nagkabalikan sila ni Donna. Pero hindi ko pa ako sure, baka mali ako. Alam mo naman na may issue ako dyan sa mga trust and the likes pagdating sa relasyon” halos mabulunbulunan kong sagot kay Dave, naningkit ang mga mata nito sakin.



Migs, anong nangyari?” tanong nito, bakas na ang pagaalala sa mukha nito.



Di ko na natiis, kinuwento ko na lahat kay Dave ang mga nangyari simula nung araw bago madischarge si JP sa ospital nung nakita ko silang nahahalikan ni Donna hanggang sa nakita ko sila na magkasama sa SM Manila. Nang matapos ako sa pagkukuwento ay madami pang tinanong si Dave.



Nagtetext saka tumatawag din si Donna?” tanong ni Dave. Tumango ako.



Di ko alam kung nagtetext din, ang alam ko lang, tumatawag si Donna, di ko naman kasi ginagalaw yung phone ni JP, nakita ko lang nung isang beses na tumatawag si Donna kasi nakita ko pangalan niya na nagfla-flash sa screen.” sagot ko, tumango naman si Dave.



Napa-paranoid lang ako diba?” tanong ko kay Dave. Tinignan ako ni Dave na may halong pagaalala sa mukha nito.



Ano ba talaga kayo ni JP, Migs?” tanong ulit nito. Di ako makasagot.



Di ko masasagot ang mga tanong mong iyan kung hindi malinaw kung anong meron kayo.”



Wala na akong nagawa kundi ikuwento kay Dave ang pagaaminan namin ni JP ng tunay naming nararamdaman sa isa't isa, na napagusapan na namin ni JP na papasok na kami sa isang relasyon. Una si Dave sa aking mga kaibigan na nakaalam ng tungkol samin ni JP. Nang matapos ako sa pagkukuwento ay pareho kaming natahimik ni Dave.



Gusto mong malaman kung niloloko ka niya?” tanong ni Dave. Wala sa sarili akong tumango bilang sagot. Nahihiya ako na hindi ko pinagkakatiwalaan si JP.



Karapatan mong malaman, Migs. Wag kang magui-guilty, karapatan mong malaman.” sabat ulit ni Dave.



Tumigil kami sa lugar kung saan may appointment si Dave, di naman siya nagtagal duon, sunod naming ginawa ay ang pagpi-pick up ng binili ni Dave sa kaniyang mga kaibigan na ilang appliances dahil di ko alam ang lugar na iyon, si Dave na ang nagmaneho at ako naman ang naging pasahero, tuloy tuloy parin sa pagkukuwento si Dave, kung maaari ay iniiwas nito ang usapan tungkol kay JP, pero sa totoo lang di ako nakikinig, ang sumunod naming tigil ay ang siyang ikinagulat ko.



Malapit dito nagdo-dorm si JP diba?” tanong sakin ni Dave, tumango ako. Tinignan ko ang apat na palapag na building sa aking harapan. Dito tumitigil si JP sa tuwing may pasok siya kinabukasan sa school at sa tuwing hindi sa bahay namin o kaya sa bahay nila siya umuuwi.



Wala sa sarili kong sinundan si Dave papunta sa lobby nung dorm na iyon.



Boss. Pupuntahan lang namin yung room ng kaibigan naming si JP. May pinapakuwa kasi siyang damit na gagamitin ng kaibigan namin mamya.” sabi nito sa gwardya.



May susi ba kayo, Sir? Kasi walang ibinilin sakin si Sir JP.”



Ah, biglaan lang kasi, Oo, eto may susi kami.” sabi ni Dave sabay labas ng susi na alam kong susi ng kaniyang bahay. Tumango naman ang gwardya.



Susi ba talaga yan ng room ni JP dito?” tanong ko, umiling lang si Dave at ngumiting nakakaloko.



Pano tayo makakapasok niyan?” tanong ko, lalong lumaki ang ngiti ni Dave sa kaniyang mukha.



Dave, siguro dapat ko munang kausapin si JP, uuwi naman siya sa susunod na break niya sa school eh, siguro umuwi na lang muna tayo.” sabi ko dito pero tinapunan lang ako ng masamang tingin ni Dave.


Nang mapatapat kami sa kwarto ni JP ay inilabas ni Dave ang kaniyang SM advantage card at kinalikot ang gilid ng pinto. Nakarinig kami ng isang mahinang click at pinihit na ni Dave ang door knob na siya namang marahang bumukas. Lalong lumaki ang ngiti sa mukha ni Dave, isinara na niya ang pinto sa likod namin at ini-lock ulit ito. Maayos ang loob ng dorm, tulad ng ilang beses kong pagpunta dito, maliit lang ito pero may sarili itong banyo at maliit na kusina.


Damn! Your boyfriend is a neat freak!” sabi ni Dave sabay tawa, pero di ako sumama sa pagtawa na iyon, kinakabahan kasi ako sa mga pwede kong malaman. Nagsimula na sa pagiimbistega si Dave, di ulit ako nakisali dahil alam kong kasalanan ito kay JP.



Di ba ako nagtitiwala kay JP? Bakit ko ito ginagawa? Nagalangan nanaman ulit ako.” tanong ko sa sarili ko.



Ahmm... Migs, di naman nagsusuot ng bra saka panty si JP diba?” mahinang tanong ni Dave na siyang nakatayo sa may built in closet na siyang nagsisimula mula sa sahig hanggang sa kisame ng kwartong iyon. Di ako makaimik, natulala lang ako.



Nun namin pareho narinig ang tunog ng susi na isinusuksok sa doorknob ng pinto. Agad akong lumapit kay Dave at hinila papasok sa loob ng closet. Mabuti na lang at malaki ito para sa aming dalawa. Narinig kong pumasok si JP na may kausap na babae. Nanlambot ang aking mga tuhod at nanlamig ulit ang aking buong katawan. Malala na ngang inaatake nanaman ako ng claustrophobia nakaramdam pa ako ng sakit sa aking dibdib dahil sa pantra-traydor na ginawa sakin ni JP.



Marahil ay napansin ni Dave na inaatake ako kaya't maingat ako nitong niyakap.



JP, hindi pwede, may klase ka pa mamya.” kinikilig na sabi ni Donna.



OK lang yun, pwede kong i-skip yun, wala naman exam dun saka walang kwenta yung subject na iyon.” pagmamakaawang sabi ni JP. Naramdaman kong humigpit ang yakap sakin ni Dave.



JP!” kinikilig ulit na saway ni Donna kay JP, sunod kong narinig ang paghahalikan ng dalawa.



Di ako makapaniwala sa nangyayari, gusto kong sumigaw, gusto kong malaman nilang nasa loob ako ng closet na iyon habang naghahalikan sila, gusto kong malaman nilang nasasaktan ako, gusto kong malaman nilang sinasaktan nila ako. Pero hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, nakatitig lang sa aking mga mata si Dave, may awa at tila ba nakisisimpatya sa aking nararamdaman.



Sunod naming narinig ang paggalaw ng kama, paulit ulit ang tunog na iyon. Kasabay ng bawat tunog na iyon mula sa kama ang pagpatay ni JP sa aking puso at ang pagbura ng nararamdaman ko para sa kaniya. Ilang minuto pa ay narinig ko na ang mga malalakas na pagungol ni JP at Donna, wala sa sarili akong napakapit kay Dave para masuportahan ang katawan ko. Patuloy din ang sakit na nararamdaman ko. ilang minuto pa ay narinig kong bumangon ang dalawa mula sa kama.



Gusto mong maligo muna bago kita ihatid pauwi?” tanong ni JP. Napatawa naman si Donna, hindi na ito nag effort na itago kilig sa kaniyang tawa na iyon.



Narinig kong bumukas at sumara ang pinto ng CR. Marahan akong hinila ni Dave palabas ng closet na iyon at palabas ng dorm. Si Dave na ang nagmaneho pauwi. Di na ako nakaimik, paulit ulit ang pagtatanong sakin ni Dave kung OK lang ba ako pero parang hindi ko na ito naririnig o mas malala pa ay di ko ito naiintindihan. Papalit palit na galit at lungkot ang bumabalot sa pagkatao ko.



Nang makarating sa bahay ay tuloy tuloy na ako sa aking kwarto at humiga sa kama. Naramdaman kong humiga din si Dave sa aking kama at ibinalot nito ang malaking braso niya sa aking katawan. Pinipilit kong ilabas ang aking nararamdaman, gusto kong umiyak at magwala pero masyado akong nanghihina sa sakit na nararamdaman ko kaya't mas pinili ko na lang na manahimik muna at isipin ang aking mga nagawang mali para lokohin ako ng ganito.



Edward, we need to talk.” ang sabi ni Dave sa kaniyang cell phone habang palabas ng aking kwarto na siyang gumising sa aking pagmumunimuni, alam kong tatawagan ni Dave ang iba pa naming kaibigan pero wala si Edward, nagbabakasyon ito sa Palawan kasama si Mae at ang kambal. Sunod na tinawagan ni Dave si Pat pero asa U.S. ito, hindi nito masasagot ang kaniyang telepono dahil tulog ito ngayon at ilang araw parin ito bago makabalik. Sunod namang tinawagan ni Dave si Fhey pero alam naming abala ito sa opisina ngayon.



Halos di ko na namalayan ang oras. Hindi ako nakatulog pero di ko na naaalala ang nangyari sa pagitan ng paghiga ko sa kamang iyon at sa pagtingin ko sa aking kaibigang natutulog na si Dave sa aking tabi ngayon. Bumangon ako ng kama. Nagsulat ng note para kay Dave, dinampot ko ang susi ng aking sasakyan, ang libro na aking binabasa at ang aking pitaka saka lumabas ng bahay.



Dave,



I need to be alone. I'll be fine. I will not do anything stupid. Will call you guys later.



Migs.



Nang makalampas ako ng coastal road ay naipit ako sa trapik, sinulyapan ko ang tatlong bagay na nakapatong sa passenger seat ng aking sasakyan. Cellphone. Pitaka at ang libro, napansin kong nakaipit parin ang papel kung saan sinulat ni JP ang mga rason kung bakit niya ako mahal. Tinitigan ko lang ito, iniisip kung totoo ba ang lahat ng nakasulat doon o puro kasinungalingan lang. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa apartment ni kuya Marc.



Migs? What happened?” bungad ni kuya sakin pagkabukas na pagkabukas ng pinto.



Doon na sa puntong iyon bumuhos ang aking luha, humakbang papalapit sa akin si kuya at niyakap ako nito ng mahigpit.



Itutuloy...

_________________________
Chasing Pavements 4[7]
Two closeted gay guys in the closet
by: Migs

Friday, October 28, 2011

Breaking Boundaries 9

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.


Di ko alam kung anong ikikilos ko ngayong magkakasama nanaman kaming tatlo nila Jana, sabay sa tuwing papasok ng skwelahan, sa pagkain at sa paguwi. Di ko parin magawang tignan ng maayos si Jana, alam kong may nagawa akong masama dito at hindi ko kayang plastikin ito. Tumupad naman sa usapan si Jepoy, hanggang magkaibigan na lang ang turingan namin, kahit na paminsan minsan naiipit kami sa tinatawag na “Awkward moment.” halatang parehong nagpipigil sa mga nararamdaman.



Oh, pagbutihan mo mamya sa exam mo.” sabi ni Jana sa kaniyang boyfriend tumango lang si Jepoy.



Goodluck.” wala sa sarili kong naibulalas, nagulat naman sa sinabi ko si Jepoy. Yun na siguro kasi ang una kong pakikipagusap dito na hindi siya ang naginitiate. Agad nitong binawi ang pagkagulat at ngumiti sakin.



Kapag bumagsak ka lagot kayo pareho ni Maki.” nagbibirong sabi ni Jana, humarap dito si Jepoy at ako naman ay nangunot ang noo.



Serious mode tayo ngayon?” sabi ni Jana sabay tumawa ng malakas.



Tignan niyo ah, kapag bumagsak ka Jepoy, mapipilitan si Tita na kausapin itong si Maki para siya na lang ulit ang magtutor sayo, kaya lagot kayo pareho pag nagkataon dahil balik nanaman kayo sa kulitan.” natatawang sabi ni Jana, tuwang tuwa sa kaniyang naisip. Nagkatinginan kami ni Jepoy.



0000ooo0000



Nakadapa ako sa kama at nagbabasa ng notes ko ng biglang kumatok ang nanay. Umupo ito sa aking tabi. Nagtaka naman ako at humarap dito.



Anak, si Mrs. Gonzales pumunta dito kanina. Nakiusap na kausapin daw kita na kung pwede daw eh ikaw na lang ulit ang magtutor kay Jepoy.” nagaalangang sabi ng aking ina.



Nay, alam niyo naman na madami akong ginagawa ngayon, di ko kayang isiksik si Jepoy sa schedule ko.” sabi ko dito.



Anak, sige na, nakikiusap na talaga ang nanay ni Jepoy, saka isa pa, namimiss ko na ang malambing at makulit na batang iyon. Minsan lang naman ako humiling sayo anak.” pangungunsensya ng aking nanay. Bumuntong hininga ako at pumayag na lang sa gusto ng aking ina.



Wala pang isang oras ng marinig ko itong may kinakausap sa sala. Ang mga magulang ni Jepoy asa sala, may daladalang pasalubong habang si Jepoy naman ay nakaakbay kay inay. Nang mapansin ako ng mga ito ay agad akong nilapitan at nagpasalamat.



Di naman magaling yung nagtutor dito kay Jepoy eh, wala ba naman ni isang ipinasa sa subjects ngayong midterms.” sabi ng ama ni Jepoy.



Nagastusan lang tuloy kami.” sabi naman ni tita, tumingin ako kay Jepoy at napansing nangingiti ito.



Nang magpaalam na ang mga ito ay nagpaiwan ulit si Jepoy, nun ko napansin na may dala itong malaking bag at nangingiti parin ng makita niyang napansin ko ang kaniyang malaking bag. Bumalik ako sa hapagkainan upang iligpit ang mga ginamit nung magmeryenda ang magulang ni Jepoy ang annay naman ay umakyat na sa kwarto at matutulog na daw. Sinundan ako ni Jepoy. Nang makatabi na ito sakin ay tinignan ko ito ng masama.



Sinadya mong bumagsak ano?” bintang ko dito.



Hindi ah! Di lang talaga magaling yung ipinalit sayo!” depensa nito.



Saka bakit ko naman gagawin yun?” habol nito, napaisip ako.



Bakit nga ba? Ano nga bang pumasok sa isipan ko kung bakit ko siya pinagbintangan ng ganun?” tanong ko sa sarili ko. Sa totoo lang ay tumupad naman si Jepoy sa aming usapan at wala rin naman sigurong masama kung ako ang magtututor dito, dati pa naman namin ito ginagawa.



Dito ako matutulog ah?” bulalas nito at isang baso ang dumulas sa aking kamay.



Oh, dahan dahan lang!” sigaw nito ng makitang nabasag ang baso.



0000ooo0000



Magkatabi kaming nanonood ng TV ng mapansin kong nakatitig sakin si Jepoy, tinignan ko ito at siya naman binawi ang kaniyang tingin, itinuon ko ulit sa TV ang aking atensyon pero naramdaman kong sakin nanaman ito nakatingin kaya pasimple akong sumulyap dito, nang mahuli ko siyang nakatingin nga sa akin ay humagikgik lang ang timang.



Tigilan mo ako, Jepoy!” saway ko dito. Pinipigilan ang mapangiti. Mayamaya ay naramdamn ko itong nangalabit.



Oh?” tanong ko habang nakatitig sa TV.



Pwedeng umisod? Di kasi ako natatamaan ng elecric fan eh.” sabi nito sakin, di na niya ako inintay sumagot at dumikit na ito sakin. Bahagya akong lumayo dito pero pinilit niya paring magkadikit ang aming mga braso, di ko na nagawa pang umisod dahil asa dulo na ako ng sofa.



Di ko na ito pinansin at ipinako ko na ulit ang mata ko sa pinapanood. Pero desedido talaga ang kumag na manginis. Nangalabit ulit ito.



Ano?!” naiirita ko ng sabi dito.



Di ka a ba nagsasawa diyan? Gusto kong manuod ng National Geographic eh.” sabi nito sabay turo sa pinapanood kong One More Chance.




Aba! Sino bang may sabi sayo na dito ka manuod! Edi umuwi ka na!” singhal ko dito. Itiniklop lang nito ang kamay niya sa kaniyang dibdib at tumahimik. Pero wala pang limang minuto ay kinakalabit nanaman ako nito. Di ko na ito pinansin, maganda na kasi ang susunod na eksena.



Maki.” di na ito nakuntento sa pagkalabit at tinawag na ako. Pero di ko na ito pinansin.



Huy!” di na nito napigilan habang nangangalabit parin.



ANO BA?!” sigaw ko dito. Natawa lang ito at ibinalik ang pansin sa TV pero huli na. Wala na ang gustong gusto kong scene. Sumimangot na ako, kinalabit nanaman ako ni kumag.



May beer ba kayo?” tanong nito, tumango lang ako at tinuro ang ref. Tumayo na ito para kumuwa, akala ko tig isa lang samin ang kukuwanin niya, pero hindi, anim na bote ang daladala nito, binabalanse sa bawat hakbang ang madudulas na bote.



Baka gusto mo na din maglabas ng pulutan?” naiirita kong sabi dito. Natawa lang ito.



Ay, gusto mo ba? Teka kuwa ako.” sabi nito sabay balik sa kusina pagkababa ng mga bote sa lamesa natampal ko na lang ang noo ko. Magkakabalikan na si Basha at Popoy ng makaramdam nanaman ako ng kalabit mula kay Jepoy.



Teka lang, maganda tong part na to.” sabi ko pero di patinag si Jepoy, kalabit parin ng kalabit.



Bakit ba?!” singhal ko nanaman dito.



Bakit ka biglabiglang nagaaya magpainom?” tanong nito, naguluhan ako, humarap ako sa kaniya.



Ha? Diba ikaw itong nagdala niyang beer?” tanong ko dito, tumango siya at uminom ng beer.



Eh bakit ka nagpakuwa ng pulutan?” tanong nito sabay turo sa pulutan.



Joke lang kasi yun.” sabi ko dito.



Sus, joke lang daw, siguro gusto mo akong... lasingin at halikan...” sabi nito ng pabulong.



Tado!” sigaw ko dito napatawa naman siya sabay nguso at nagmuestra na kala mo hahalikan ako.



Lumayo ako dito, di naman ito nakaligtas sa kaniya at lumapit ulit siya.




Mwah mwah mwah mwah.” sabi nito habang nakanguso parin. Kinuwa ko ang throw pillow sa aking tabi at isinupalpal ito sa mukha ni Jepoy. Tumawa naman ito, tumayo na ako pupunta na sanang kwarto para matulog ng hilahin nito ang kamay ko.



San ka pupunta?” tanong nito.



Matutulog na.” sabi ko dito. Pero hinila pa ulit nito ang kamay ko at itinulak ako pahiga sa sofa. Pumatong ito sakin para di ako makaalis.



Halos isang pulgada na lang ang layo ng aming mga mukha, amoy na amoy ko ang hininga niya na amoy beer, kitang kita ko ang kaniyang mapupulang labi na kala mo nangaanyaya na halikan siya at ang kaniyang mapupungay na mata na siyang gustong gusto ko.



Nagpabagsak talaga ako.” bulong niya, nangunot ang noo ko, sinubukan ko siyang itulak palayo.




Yang kagaguhan mo talga, Jepoy! Di ka ba nanghihinayang sa pera na ginagastos ng mga magulang mo sayo?!” singhal ko dito habang tinutulak parin siya palayo.



Maki.” bulong nito, napatigil ako sa ginagawang pagtulak sa kaniya, nagsimula nanamang kumabog ang dibdib ko. Ganyan madalas ang nangyayari kapag sinasabi niya ang pangalan ko na para bang nagmamakaawa lagi.




Nagkatitigan lang ulit kami. Nararamdaman ko narin ang pagtibok ng puso niya, mabilis din halos kasabay ng akin.




Maki, di ko kayang pigilan eh, sinubukan ko, pero di talaga eh. Sabihin mo sakin ngayon kung talagang ayaw mo sakin, na hindi mo ako mahal, na one sided lang ang relationship nato, ako na mismo ang lalayo sayo.” sabi niya, ramdam ko ang bumabagabag dito. Sa totoo lang ganun din ang nararamdaman ko.



Pinadaanan ulit ng likod ng palad niya ang aking pisngi at unti unitng lumalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha at inilapat ang kaniyang mga labi sa aking mga labi, di na ako nanlaban, di ko narin mapigilan ang aking sarili. Napapikit ako. Bahagya niyang ihiniwalay ang kaniyang mga labi sa akin at nagsalita.



Mahal na mahal kita, Maki.”



Dahan dahan kong ibinuka ang aking mga mata, nagtama ang aming mga tingin, kita ko ang sinseridad sa kaniyang mga mata at wala sa sarili kong sinagot ang kaniyang sinabi.



Mahal din kita, Jepoy.”



Pagkarinig na pagkarinig niya non ay lumatay sa kaniyang mukha ang isang ngiti, nakakalokong ngiti.



Ah eh, joke lang yun. Di yun tot---” simula ko.



Ops! Walang bawian!” sigaw ni Jepoy sabay tayo, tinignan ko ito bumakas na ang ngiti nito na halos sumayad na sa kaniyang magkabilang tenga, nagtatatalon ito na kala mo tumama sa lotto. Tumigil ito at itinayo ako mula a pagkakahiga sa sofa, di ko nagawang tumayo magisa dahil sa gulat na masasabi ko sa kaniya iyon.



Ulitin mo nga, Maki.” sabi nito ng magkapantay na ang aming mga mukha.



Pwera ulit.” sabi ko pero inilapat niya ulit ang kaniyang mga labi sakin at ng maghiwalay ay ngumiti nanaman itong nakakaloko sakin.



Sige, wag mong ulitin. Hahalikan na lang kita magdamag hangga't masabi mo.” sabi nito sakin saka muling inilapat ang kaniyang mga labi sakin.



Edi sige, mapuyat ka kakahalik.” banta ko dito.



Aba't gustong gusto.” binatukan ko na lang siya.



Siya sige na! Sasabihin ko na tigilan mo lang yang kakahalik mo!” sigaw ko dito habang pinipigilang mapatawa.



I Love You.” bulong ko, napangiti ulit siya at yumakap ng mahigpit sakin.



Di mo alam kung pano mo ako napasaya.” bulong nito sakin, sinuklian ko na ang mahigpit niyang yakap. Bigla itong kumawala sa yakap at umupo sa karpet at tinapik ang balikat niya.



Oh, anong gusto mong mangyari?” tanong ko dito.



Matutulog na tayo.” sagot niya.


At bakit? Sa balikat mo ba ako matutulog?” sarkastiko kong tanong dito.



Tanga! Ipapasan kita papunta sa kwarto para matulog.” sabi nito sabay kindat.



Ayoko nga! Baka ihulog mo ako.” sabi ko dito.



Edi sige, hahalikan na lang kita hanggang sa bumaba ang nanay mo.” banta nito, wala na akong nagawa at pumasan na sa kaniya, halos lahat ng gamit na madaanan namin ay nasagi ko na, pero tuloy parin si Jepoy, desidido na makarating kami sa kwarto na pasan pasan niya ako.



Dahan dahan ako nitong ibinaba sa kama at nagpaalam na magtu-toothbrush muna siya saka kumindat. Agad naman akong humiga sa kama at nagtulogtulugan. Pasipol sipol itong naglakad pabalik sa kama, bahagya kong iminulat ang aking mata at nakitang naghuhubad si Jepoy, walang itinira maski boxers, inilapat ko ulit ang aking mga mata ng matapos na itong maghubo't hubad.



Maki.” tawag nito sakin sabay alog, pero nagtulogtulugan parin ako. Narinig ko itong nag buntong hininga.



Haist. Natulog na agad.” nanghihinayang na sabi nito. Pinigilan kong mapatawa. Inilapit nito ang kaniyang mukha sa aking mukha at marahan akong hinalikan.



Goodnight, Maki. I Love You.” sabi nito saka humiga sa aking tabi at idinantay sakin ang kaniyang mabibigat na binti at braso.



Itutuloy...



___________________________
Breaking Boundaries 9
by: Migs