Breaking Boundaries 7

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Mataas na ang araw ng imulat ko ang aking mga mata. Sapo sapo ko ang aking ulo nang bumangon ako sa aking kama, pumunta ako sa banyo para maghilamos para bumaba na sa almusal, nang aktong isusuot ko na ang aking t-shirt ay nakita kong mahimbing parin na natutulog si Jepoy.



Bigla kong naalala ang nangyaring halikan kinagabihan. Saglit lang ito pero pakiramdam ko punong puno ng emosyon ang halikan na iyon. Inalog ko ang aking ulo at sinubukang magisip ng magandang eksplanasyon kung bakit nangyari ang halikan na iyon.



Lasing siya at masama ang loob kay Jana kaya nagawa niya iyon.” sabi ko sa aking sarili at yun ang aking pinaniwalaan buong umaga. Itinuloy ko na sa pagligo ang aking sana'y paghihilamos lang, bumaba at di na nagagahan, nagpaalam na ako sa aking nanay na mauuna na ako kay Jepoy at sa skwelahan na lang magaagahan.




0000ooo0000



Sapo sapo ko ang aking noo at naka shades pang nagaaral sa loob ng library, siniguro kong asa kasuluksulukan akong bahagi ng library para di ako makita ni Jepoy. Di ko alam kung bakit ganito ang aking kinikilos pero pakiramdam ko kailangan ko ng umiwas sa kaniya.



Para isang halik lang.” sabi ng isang bahagi ng isip ko.



Di madalas gawin ng dalawang lalaki ang maghalikan.” sabi naman ng isang bahagi ng isip ko.



Lalong sumakit ang aking ulo sa mga naiisip. Asa ganito akong paguusig ng sarili ng biglang sumulpot si Jana sa aking tabi na halos ikasigaw ko naman. Malamlam ang mata nito na kala mo kagagaling lang sa iyak.



Anong sabi sayo ni Jepoy kagabi?” bulalas nito, di ko ito matignan ng diretso sa mukha.



W-wala naman.” sabi ko sabay yuko ulit.



Kasalanan ko ito eh, ito na ang pinakamahabang tampuhan namin, kahapon pa siya hindi nagtetext. Pakiramdam ko kasi unti unti ng lumalayo ang loob niya sakin kaya gumawa ako ng isang bagay na ikaaaway namin. Kapag naghiwalay kami, di ko na alam ang aking gagawin.” sabi niya sabay yuko at pinahiran ang mata.



Biglang may umupo sa aming tapat na ikinagulat naman namin ni Jana, si Jepoy, di rin maganda ang tabas ng mukha nito, agad kong inayos ang aking mga gamit at tumayo.



S-sige maiwan ko muna kayo diyan.”



Maki s-saglit...” pero di ko na inintindi pa si Jepoy at lumabas na ako ng library.



Lilipas din to. Alak ang may kasalanan kagabi.” bulong ko sa sarili ko habang palabas ng library.



0000ooo0000



Wala pang isang oras ay tumabi na si Jana sa akin sa may classroom namin. Tinignan ko ito, mukhang OK na siya kumpara kanina.



OK na kami.” sabi nito sakin. Tumango lang ako.



Di ko maintindihan ang sarili ko, di ko alam kung manghihinayang ako at di sila nagkahiwalay ng tuluyan o matutuwa ako dahil ang ibig sabihin nito wala lang yung nangyari kagabi. Naguluhan din ako bigla dahil kung dati nagseselos ako kay Jepoy dahil sa sila ni Jana parang ngayon nagseselos ako kay Jana dahil nagkaayos pa sila ni Jepoy. Di ko napansin matagal na pala akong nakatitig kay Jana.



OK ka lang?” tanong nito. Tumango lang ako, naguguluhan parin.



Natapos na ang klase at oras na para maglunch, nagisip ako ng magandang palusot para di sila makasabay. Inaya na ako ni Jana pero di parin ako nakakaisip ng magandang dahilan. Nakatingin lang ako dito at ito naman ay nakakunot noong nagiintay sakin.



U-una na kayo Jana, uuwi ako sa amin, nakalimutan ko kasi yung libro ko para mamyang hapon. Sa bahay na lang ako maglu-lunch.” sabi ko, lalong nangunot ang noo ni Jana.



S-sige.” sabi na lang nito at lumabas na ng classroom.



Naglalakad na ako palabas ng school ng makatanggap ng text, si Jepoy, di ko na ito binasa at pumasok na sa isang karinderya sa labas lang ng school. Di ko naman talaga balak umuwi saka kung uuwi ako ay male-late ako sa panghapon naming klase. Nagvibrte ulit ang aking telepono at tinignan kung sino ang nagtext. Si Jepoy ulit. Di ko na ito binasa.



Halos di ko makain ang aking inorder, pilit paring sumisiksik sa aking isip ang halikan namin ni Jepoy at ang mga pakiramdam na bago sa akin. Tulad ng panghihinayang ko nung nalaman kong nagkaayos na si Jana at Jepoy di dahil gusto ko si Jana para sa akin kundi dahil gusto ko naman na si Jepoy na ang para sa akin. Di ko alam kung bakit naging ganon ang epekto ng halikan naming yun ni Jepoy.



Lasing lang siya. Yun lang yun.” pngungumbinse ko sa sarili ko.



Isinang tabi ko na ang tungkol sa halikang nangyari at iba ko pang nararamdaman at inisip ko naman ang maaari kong idahilan mamya kung sakaling ayain na akong sumabay nila Jana pauwi. Di pa ako handa na harapin sila ng magkasama. Naguguluhan pa ako.



0000ooo0000



Ha?! Ok ka lang ba? Kanina ko pa nga napapansin na may kakaiba sayo.” sabi ni Jana sabay inilapat ang kaniyang palad sa aking leeg, tinitignan kung meron akong lagnat.



O-ok lang ako, paki sabi na lang kay Jepoy na hindi ko muna siya masasabayan mag-review ha?” bilin ko dito tumango naman ito may pagaalala sa kaniyang tingin.



Nang makauwi ako ay pangungunot ng noo ang isinalubong sakin ng aking ina.



Bakit ang aga mo umuwi?” tanong sakin nito, umiling lang ako.



Asan si Jepoy?” tanong ulit nito sabay dungaw sa aking likuran tila ba iniisip na bubulaga doon si Jepoy.



Nagaway nanaman ba kayo? Pano kayo magkakatuluyan niyan kung away kayo ng away.” sabi ng aking ina, naginit na ang ulo ko.



Pwede ba, 'nay. Tigilan niyo na nga ako dyan sa kalokohan na yan. Masama ang pakiramdam ko, magpapahinga na ako!” singhal ko dito at umakyat na ako sa aking kwarto.



Lumipas ang dawalang oras ng makarinig ako ng katok sa aking pinto, di ko na ito pinansin. Maya maya ay narinig ko itong bumukas, ipinikit ko ang aking mga mata at nagtulogtulugan. Narinig ko ang nanay na may kausap.



Sige, Jepoy. Ikaw na ang bahala diyan ha?” sabi ng aking ina sa kausap nito.



Di nagtagal at naramdaman kong gumalaw ang aking kama, may umupo malapit sa aking likuran. Nagbuntong hininga ito at kinalabit ako. Di ko ito pinansin, dumalas ang pagkalabit nito.



Huy.” bulong nito, di parin tinitigilan ang pagkalabit sakin.



Huy.” di na nakuntento si Jepoy sa pagkalabit at inaalog na ang aking katawan.



Huy. Sabi ko kagabi sabay tayong magre-review, diba? Finals ko na bukas.” sabi nito at pinagsasabay na niya ang pagkalabit at pagyugyog sakin.



Maki.” pabulong na tawag nito sakin, di ko natiis ito. Bumangon na ako.



Kuwanin mo ang gamit mo at don tayo sa sala.” malamig kong sabi dito, tinalikuran ko na ito at nagsimula ng maglakad pababa ng marinig ko itong magbuntong hininga.



0000ooo0000



Gawin mo yan.” utos ko dito sabay abot sa kaniya ng isang papel na sinulatan ko ng exercises. Inabot naman niya ito at matagal bago nagbawi ng tingin. Tila ba iniintay na may sabihin pa ako.



Inabot ko na ang aking sariling notes at nagaral nadin.



Bakit di ka sumabay kanina maglunch?” tanong nito pero nasa papel nakatuon ang tingin nito.



Umuwi, nakalimutan ko yung libro ko.” sagot ko dito.



Sabi ni Tita, di ka naman daw umuwi eh.” sabi nito, di na ako nakasagot.



Tahimik.



Bakit bigla ka na lang umuwi kanina? Diba nakasanayan na nating sabay sabay umuwi lalo na kapag tu-tutor-an mo ako?” sabi ulit nito.



Biglang sumama ang pakiramdam ko.” sagot ko dito.



Tahimik.



Maki...” tawag ulit nito makatapos ang ilang minutong pananahimik namin. Dahil akala ko ay magtatanong nanaman to ay naginit na ang aking ulo.



Ano?!” singhal ko dito, malungkot ang mukha nito.



T-tapos ko na.” sabi nito sabay abot sakin ng papel, tinignan ko ito, walang mali kaya't nagsulat ulit ako ng bago niyang gagawin. Inabot ko sa kaniya ito, di na siya nagsalita.



Matapos pa ang ilang oras ay nagpaalam na ang aking nanay na matutulog na daw siya. Tumango lang ako, si Jepoy naman ay lumapit pa dito at humalik sa pisngi. Nang makaupo ulit sa tabi ko si Jepoy ay tumitig nanaman ito sakin, tila ba may gustong sabihin.



Maki, na receive mo ba yung text ko sayo kanina?” tanong nito sakin. Di ko na ito sinagot.



Eto na oh, tapos ko na.” sabi nito sabay abot sakin ng papel. Tinignan ko, wala ulit mali.



Ok na, papasa ka na bukas. Masama pakiramdam ko, kailangan ko ng matulog. Pagkatapos mo diyan pwede ka ng umuwi.” sabi ko dito, nagsalubong ang kilay nito sa pagtataka.



Di na siya sumagot, sinimulan narin niyang ayusin ang kaniyang mga gamit. Dare-daretso na akong pumasok ng aking banyo at naghilamos pagkataos ay nagsipilyo. Di ko na tinignan kung umalis na ba si Jepoy, tuloy tuloy na ako sa paghiga, pero di ako makatulog. Mayamaya pa ay narinig kong nagbukas ang pinto ng aking kwarto pagkatapos ay ang pinto ng aking banyo.



Narinig kong may pumindot ng switch ng ilaw ng banyo, ipinikit ko ang aking mga mata, nagtulogtulugan.




Maki, makikitulog ulit ako ah?” paalam nito, di ako kumibo, nagpatuloy na lang ako sa pagkukunwari.



May ilang oras pa ang lumipas at nakaramdam ako ng pagkalabit sa aking likod.



Maki, usap tayo.” bulong ni Jepoy, di ko ito pinansin.



Alam kong di ka pa tulog. Maki.” pangungulit nito, napapadalas na ang pagkalabit nito sakin. Hinawi ko ang kamay nito. Narinig ko itong nagbuntong hininga at maya maya pa ay bumalot na ang pahilik nito sa buong kwarto.



0000ooo0000



Nay, una na ulit ako sa school. Paki sabi na lang kay Jepoy na nagmamadali ako.” paalam ko sa aking nanay. Umiling lang ito.



Pagdating ko sa school ay agad akong naghanap ng matatambayan pero nakasalubong ko si Jana. Kinamusta ako nito, tanging pagtango at pagiling lang ang naging sagot ko sa mga tanong nito.



Buti naman at naturuan mo pa kagabi si Jepoy, akala ko kasi sobrang sama ng pakiramdam mo eh.” sabi nito habang nagsusuklay sa harapan ko.



Maki, naninibago ako sayo. Ang tahimik mo ngayon.” puna nito sa aking mga kinikilos. Binigyan ko lang ito ng matamlay na ngiti. Naaninag ko sa hindi kalayuan si Jepoy, bago pa man ito tuluyang makalapit samin ay nagpaalam na ako kay Jana.



0000ooo0000



Dalawang linggo ang lumipas, nakapasa naman si Jepoy sa lahat ng finals niya kaya't kinausap ko ang DEAN na kung maaari ay bitawan ko na ang pagtu-tutor, di ko narin naman kailangan masyado ng pera dahil dumating na ang padala ng tatay.


Balik normal na ang lahat. Bakasyon ngayon, di na ako nagdididikit kay Jana tulad ng dati para makaiwas narin kay Jepoy. Di narin napunta si Jepoy sa bahay dahil wala naman na siyang dahilan para magpunta pa doon. Balik normal, balik boring at balik sa pananahimik ang buhay ko.



Tulad noong wala pang Jepoy na nagpapatutor sa akin. Pero akala ko lang pala yun.




Marcus.” tawag sakin ng aking nanay mula sa sala. Agad akong bumaba ng hagdan.



Bakit na--?” di ko na naituloy ang aking sasabihin ng makitang may mga bisita kami.



So ito pala ang tumulong para makapasa ang aking anak!” sabi ng isang lalaki na naka longsleeves pa. Lumapit sakin ang isang babae na hindi rin nagpapahuli sa gayak at hinalikan ako sa pisngi.



Thank you, hijo.” bulong nito sakin saka ako niyakap ng mahigpit.



Inilagpas ko ang aking tingin sa matandang babae at nakita ko si Jepoy, nakakunot ang noong nakatingin sakin, tila ba may malalim na iniisip.




Itutuloy... 




___________________
Breaking Boundaries 7
by: Migs



Comments

  1. Heartbreaking.

    -Glitterati

    ReplyDelete
  2. Naiiyak ako mahal kong migz. Sana magkita tau at ma comfort mo ako. Hehe

    ReplyDelete
  3. huhuhu...malungkot para kay maki...hayy..thats life

    ReplyDelete
  4. hmmm i don't find it sad or depressing..but I find it interesting, somehow Maki is having his own time and space to think things over..and its making me happy..:)

    thnak you for sharing ur story..:)

    ReplyDelete
  5. ..i don't know if i'm over reacting pero..i can actually feel the coldness...yung blunt and yung bigat na aura.yun bang gustong pigilan ni maki..tingnan mo yan..magpopour yan all of a sudden..

    ..kuya migs..curious ako sa text...wala lang..aba maalay natin may i love you dun...joke..joke lang..more power to you..and keep writing..

    still missing migs and ed and kiko and edison..nakalimutan ko pangalan ng partners nila..wahaha...pero totoo..namimiss ko rin ung mga partners nila..ang hahaba kasi ng buhok.

    ReplyDelete
  6. don't worry kuya migs..your readers will come back din...just wait lang po..we love your story..and i'm sure..maraming silent readers din dyan na ayaw lang magcomment pero nag-eenjoy sa story mo..

    ReplyDelete
  7. galing galing mo talaga kuya migs. excited na ako sa next part nito. medyo curious ako dun sa text ni jepoy kay maki.

    ReplyDelete
  8. Should I say.....MORE? Can't wait to read the next chapter Migs! Keep up the good work!

    ReplyDelete
  9. interesting chapter migs, sana na mapabilis ng konti ang update.

    i hope you’re doing well (",)

    ReplyDelete
  10. Awts! nakakabitin nmn!..

    ▬ Jet

    ReplyDelete
  11. ...kuya Migs thanks po s updated.....
    akala ko maganda n kalalabasan ng halik n un,
    un pala just a simple kiss___pero bakit nga b? simpling halik lng ay nagulo n lahat ng system ng tao.
    ...ako din kuya migs curious din ako sa mga laman ng text ni jepoy k maki,...anu b sabi s txt?, my kinalaman b un s ending ng part(7) n ito.
    ...thanks po galing nyo talaga,kahit busy kayo ay patuloy p din kayo nag update dito s blog nyo,tnx & Goodluck.

    ReplyDelete
  12. MASAKIT TALAGA KAPAG MAY KARIBAL SA PAG IBIG...RAMDAM K RIN YAN,,,SAKIT SAKIT TALAGA NG FEELING....MASAYA NA MAY PASAKIT DALA ANG PAG IBIG... HAY... NAALAALA K LANG...WAHHH

    RAMY FROM QATAR

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]