Chasing Pavements 4[5]
Kinabukasan nagising akong namamaga pa ang aking mga mata. Alam kong ilang luha pa ang sumayad sa aking mga unan nung gabing iyon, alam kong walang basehan para masaktan. “So what if Donna Called? They're friends, friends call each other.”, pero bakit parang alam na ng puso ko kung anong susunod na mangyayari. Parang nung Ayaw kong makipagrelasyon kay Alex di dahil estudyante niya ako, di dahil maraming consequences pero dahil alam kong masasaktan ako. Parang nung ayaw kong umuwi dahil ayaw kong makaharap ang nakaraan ko sa Cavite dahil katulad nung kay Alex, alam kong masasaktan din ako, katulad din nung nagbulagbulagan ako sa malamig na pakikitungo noon ni Marco dahil natatakot akong masaktan.
“Pero iba ngayon. Si JP ito, hindi si Edward, hindi si Alex at lalong hindi si Marco. Si JP ito---”
“Good morning!” bati ni JP, di ko alam na gising na pala ito at masuyo akong pinapanood habang nasa malalim akong pagiisip. Marahil napansin ni JP na may gumugulo sakin.
“Hey, what's wrong?” pabulong na tanong nito.
Alam kong tamang panahon na para sabihin sa kaniya ang nakita ko nung lalabas na siya ng ospital, na nakita ko silang magkahalikan ni Donna, na alam kong tumawag si Donna sa kaniya kagabi. Alam kong tamang panahon na para linawin ang lahat.
“JP---” simula ko pero agad na nag ring ang telepono ko.
“Marcus Salvador Calling”
Napabuntong hininga ako, di ko alam kung ano nanaman ang gusto at kailangan ng aking kuya, isa lang naman ang ibig sabihin kapag tumatawag ito. Kailangan nito ng tulong ko. at sa tuwing kakailanganin ako nito ay sandamakmak na bulyawan ang nangyayari. Hindi kami masyadong magkasundo ni kuya, alam ito ng lahat ng tao na nasa 50 mile radius ng aming bahay dahil minsan bumubulahaw sa buong probinsya ng Cavite ang pagaaway namin pero kahit ganun naman kami ay alam naming mahal namin ang isa't isa.
“Migs, sunduin mo ako.” simula ni kuya nang sagutin ko ang tawag nito, napabuntong hininga ulit ako at napatingin kay JP, puno ng pagaalala ang mukha nito habang ang akin naman ay humihingi ng tawad.
0000ooo0000
“What happened?” tanong ko sa kuya ko sa labas ng isang kilalang motel. Agad na bumakas sa mukha ng kuya ko ang pagkahiya, gulat at pangamba.
“My car got towed.”
“Does ate Carmi know where you are?” malamig ko paring tanong dito habang si JP ay di mapakali sa aking tabi, batid kong gusto na nitong pumagitna saming dalawa ni kuya dahil sa malalamig at nakamamatay naming mga tingin na ibinabato sa isa't isa.
“No.” pabulong na sagot ni kuya na halos di ko narinig.
“Good. Keep it that way. Cheat on your girlfriend. Fuck behind her back. Make a good example for your son.” naiinis ko ng sabi dito, nang hindi na ito kumibo ay tumalikod na ako para sumakay sa aking kotse. Tinignan ko ang condo sa tapat ng motel na iyon. Alam ko kung sino ang nakatira doon at hindi na kailangang magsinungaling sakin ni kuya tungkol sa katarantaduhang ginawa niya.
“You're not a good example for Rick either.” pabulong ulit na patama sakin ni kuya.
“Magkukunwari akong hindi ko narinig yun para sa kahihiyan nating dalawa.” malamig kong balik kay kuya.
“You don't have to pretend. You want to fight me?! Gusto mong maglabasan ng baho in the middle of this busy street, fine with me, bitch!” singhal sakin ni kuya.
“Don't drag me to your low life ways. Pumasok ka ng kotse at magkakaalaman tayo.” malamig kong balik dito.
“Enough!” halos pasigaw ng sabi ni JP na ikinalingon ng ilang tao sa aming paligid.
0000ooo0000
Bumalot ang katahimikan sa buong kotse ko, walang nagsasalita pero sa tuwing magtatama ang tingin namin ni kuya sa salamin ay alam naming di parin namin nakakalimutan ang awayan na nangyari kanina at lalong malayo pa kami sa pagkakatapos ng away na iyon.
“Do I have to call tita to make you guys apologize to each other?” malamig na sabat ni JP. Narinig kong nagbuntong hininga si kuya, alam niyang seryoso si JP sa pagtawag kay mommy at alam kong ayaw niyang malaman nila mommy ang pagbalik niya sa pakikipaglaro ng apoy sa likod ng girlfriend niya.
“Migs, I'm sorry.” mahinang sabi ni kuya Marc, pero alam kong sincere ito. Nagbuntong hininga ako, pinakawalan ko na ang tensyon na bumabalot sa buong katawan ko.
“Why, kuya? I thought---”
“We were drunk last night.”
“Kuya, you have a family now.”
“So do you---”
“NO kuya! I have Rick, I have no girlfriend who I have to be faithful with---” halos pasigaw ko na ulit na singhal kay kuya, naramdaman ko ang paghawak ni JP sa aking braso, pilit akong pinapakalma, nagbuntong hininga ako.
“I know that condo, kuya, that's where Pao lives. Why---?” mahinahon kong tanong.
“I'm bisexual, Migs. I thought you---” pasigaw na sagot ni kuya.
“I know, kuya, and believe me I know how hard it is to be one. Hell! I'm bisexual, what I want to know is why are you being unfair to ate? She's kissing her bosses ass, then go to school, then take care of your Son and then do the chores... all you have to do is go to the hospital, check some of your patients AND be faithful to her---”
“I know. I messed up BIGTIME! But this is a one night thing and we're drunk---”
“BULLSHIT! Everyone in the medical field knows that is some major BULL--! Being drunk doesn't magically alter you brain to make shitty decisions, you know that!” nagbuntong hininga si kuya sa sinabi kong iyon.
“---and I know that this is not a one night thing! Ilang beses ka ng nagpasundo sakin, the last time was when your car got stuck in a motel's garage, making a lame excuse that you were too drunk that night to drive so you stayed in, I know you've been with someone that night and don't tell me its not Pao. I saw him just across the street. Coincidence?! I don't think so. I know I have no right to preach because I'm no saint either, but I'm worried, believe it or not, I care, this little rendezvous will eventually bite you in the ass and believe me kuya, fate do bite and it can give you a lifetime's worth of pain.” ramdam kong sakin nakatingin si JP kinakabahan ito pati narin si kuya, narinig kong nagbutong hininga ulit si kuya at pinisil ang aking balikat.
“Thank you for caring, Miguel. I promise to get my priorities straight and I'm sorry again.”
“Kay JP ka mag apologize. Nagpalano siya ng lakad namin ngayon at mukhang di iyon matutuloy dahil pupuntahan pa natin ang kotse mo at alam mong madaming kailangang paper works dun. Swerte na natin kung maghapon lang tayo dun.”
“I'm sorry, JP”.
“Don't mention it, Marc.” sagot ni JP sabay ngiti sa kuya ko.
0000ooo0000
“So... are you going to tell the truth? You know ate Carmi deserves it.” tanong ko kay kuya habang nagiintay kami sa towing office at habang iniintay namin ang in-charge sa opisina na iyon.
“Yes, I will. Alam naman niya ang tungkol kay Pao.” sagot nito sabay buntong hininga. Nakaramdam ako ng awa sa aking kuya, usually kasi saming dalawa si kuya yung perpektong anak o indibidwal, siya yung matalino, mabait at matatag at ako yung barumbado, eng eng at balat sibuyas pero ngayon wala akong makita ni isang katangian na iyon kay kuya ang tangi kong nakikita ay sakit. Inakbayan ko ito at ginulo ang buhok, narinig ko itong humagikgik.
“Alam mong ako dapat ang gumagawa niyan sayo diba?” tanong nito.
“Tingin ko mas kailangan mo ngayon nyan.” sabi ko habang patuloy na sinasakal ito papalapit sakin at ginugulo ang buhok.
0000ooo0000
Ilang oras pa ang lumipas at nakuwa narin namin ang kotse ni kuya, nagpaalam na ito sakin at nagpasabi na sabihin ko ulit kay JP ang paghingi nito ng tawad. Bago ito maglakad papunta sa kaniyang sasakyan ay lumapit si kuya sakin at niyakap ako ng mahigpit.
“I don't know what changed. But I know you're not the same Miguel who I always fight with. I love you, bro. Thank you ulit.” bulong nito sakin, tinapik ko ang likod nito at pinanood na itong maglakad pabalik ng kaniyang kotse.
0000ooo0000
Nang makabalik ako ng aking sasakyan ay wala na doon si JP, kinabahan ako, baka kasi nagalit na ito sakin, nainip at nagpasiya ng umuwi, alam kong may lakad kaming dalawa at sinusulit niya iyon bago siya bumalik ng school pero napurnada nga ni kuya ang plano na iyon.
Kinakabahan akong luminga linga pilit na pinapaandaer ang aking mga mata para makita ang isang semi kalbo na medyo may kalakihang mama na mahal na mahal ko, pero di ko siya nakita. Nagpasya akong maglakad lakad saglit. Iniisip ko na nagsawa na ito at nagpasyang balewalain na lang ako at bumalik na lang kay Donna.
Napaupo ako sa bangketa paharap sa isang convenience store sabay napabuntong hininga. Ipagpapatuloy ko pa sana ang pag se- self pity nang magbukas ang pinto ng convenience store at lumabas si JP, masuyo itong nakangiti at binubulatlat ang plastic upang ilabas ang kaniyang binili. Tila isang bata na nakatanggap ng isang regalo ang ngiting bumakas sa mukha nito nang mailabas niya sa plastic ang dalawang bag ng...
“Jellyace?!” bulong ko sa sarili ko at napailing.
Naramdaman siguro ni JP na may nakatingin sa kaniya kaya tumanghod ito at nagtama ang aming mga tingin, lalong lumawak ang ngiti nito at parang batang kumaway sakin. Napailing ulit ako pero di ko narin mapigilang mapangiti. Lumapit ito sakin habang masayang itinaob ang kawawang kulay pulang jellyace sa kaniyang nakangangang bibig.
“Yung totoo, di ka pa ba napupurga sa mga yan?” tanong ko dito ng makalapit ito. Umiling lang ito at kumamot nanaman sa ulo.
“Ito na nga lang saka ikaw ang bisyo ko eh.”
Kinilig naman ako sa sinabi niyang yun.
0000ooo0000
Minamasahe ko ang sarili kong batok habang nagmamaneho pauwi, trapik nanaman as usual, tuloy parin ang kumag sa pagkain sa kaiyang jellyace na ikinailing ko nanaman. Nagbato sakin ng naniningkit na tingin si JP.
“Bakit ka iling ng iling?”
“Bakit ka kain ng kain ng jellyace?”
Di ito nakasagot sa ibinalik kong tanong sa kaniya, ikinibit balikat nalang niya iyon at ipinagpatuloy ang pagkain ng jellyace. Naramdaman ko na iniabot ni JP ang kaniyang kaliwang kamay papunta sa aking batok at minasahe iyon miya miya pa ay sinubuan na ako nito ng jellyace.
“OK lang ako, wag mo na akong subuan saka imasahe.” sabi ko dito sabay hagikgik.
“Bakit ba? Eh gusto kong gawin yun eh. Ngayon pa na alam kong mahal mo rin ako.” sabi nito sabay hagikgik, minsan di ako makapaniwala kung gaano ka cheesy ng kumag na ito pero di ko na lang iyon pinapansin. Pero may isang tanong na sumagi sa utak ko.
“JP, bakit mo ako mahal?” nahihiya kong tanong dito, naramdaman kong nagtense ang pagkahawak ng kaniyang kaliwang kamay sa aking batok at nanlamig iyon, di ko mabasa ang reaksyon niya, di ko alam kung anong emosyon ang nasa mukha niya.
Matagal natahimik si JP. Di ko na inasahan pa na sasagot ito, di ko mawari kung bakit pero sa simpleng hindi niya pagsagot na iyon ay ikinasira na ng buong araw ko. Nakarating na kami sa bahay at nagpaalam ako dito na magpapahangin lang sa labas ng aking bintana, marahan akong umupo sa pinakamalaking sangha ng puno ng santol, miya miya pa ay naramdaman ko ang pagtabi sakin ni Edward. Di ako binigo ng aking hinala, alam ko kapag nakita ako dun ni Edward ay tatabi ito sakin at makikipagkwentuhan.
“Anong problema mo?” tanong nito sakin sabay abot ng isang tasa ng kape.
“Pano ka nakapanhik sa bintana mo at nakatulay sa sangha ng puno ng may dalang dalawang tasa ng kape?” tanong ko dito na ikinahagikgik naman niya.
“Wag mo ngang inililihis ang usapan.” matagal kaming natahimik, daretso lang ang aming tingin at nakaharap sa kalsada kung saan nakaharap ang aming mga bahay.
“Di masabi ni JP kung bakit niya ako mahal saka nahuli ko nanaman si kuya na kasama si Pao.” wala sa sarili kong sabi dito, narinig ko ang pagbuntong hininga ni Edward.
“Di naman kasi madaling masagot ang tanong mo kay JP. Sigurado ako na hindi niya alam ang sasabihin niya sa dami ng rason kung bakit ka niya mahal. Saka pag mahal mo ang isang tao di na tinatanong kung bakit. Buti nga hindi ka niya sinagot ng 'basta' eh.” agad naman akong nagsisi sa sagot na iyon ni Edward.
“I'm being childish, aren't I?” pagkukumpirma ko kay Edward. Tumango ito at tumawa.
“I'm sure, isa yan sa mga rason kung bakit ka mahal ni JP.” sagot ni Edward. Pabiro kong sinuntok ang braso nito na muntik namang ikahulog ng tasa nito. Nang makuwa ulit ni Edward ang pagbabalanse sa hawak niya ay sabay kaming napatawa. Miyamiya lang ay sumeryoso na ang mukha ni Edward.
“and as for Marc, alam mong hindi madali ang pagiging bi, Migs. Mahirap maipit sa dalawang mundo mas pinahirap pa sa kaso ni Marc kasi ipit siya kay Pao saka kay Carmi, di niya kayang gawin ang ginagawa ng iba na miya mo may switch na pwedeng palitan ng ganun ganun na lang ang attraction sa isang gender, alam mong di maiiwan si Carmi dahil sa anak nila di niya rin kayang iwan si Pao dahil mahal niya rin ito.”
“Bakit ikaw?” parang bata kong tanong dito, umiling naman si Edward.
“Di mo lang alam, Migs kung pano ang pagpipigil ko sa tuwing magkalapit tayo ng ganito, di mo alam kung pano parin ako magselos kay JP tuwing nakikita ko kayo---” sabay kaming napabuntong hininga ni Edward. “---my point is, parang sa pain scale lang iyan, iba iba ang tolerance sa pain ng bawat pasyente diba?, ganun din sa pagpipigil. Di ko sinasabing mahina si Marc pero alam din nating mahal na mahal niya si Pao bago pa dumating si Carmi.” paliwanag ni Edward. Miya mo naman ako sinipa ng tadhana at naintindihan ang problema ng aking kuya. Matagal ulit kaming natahimik ni Edward.
“Do you hate being bisexual?” wala sa sarili kong biglang naitanong kay Edward. Napabuntong hininga ito.
“Right now. Yes, because I can't just set aside Mae and be with the guy I equally love, but if the situation is different if I'm not with Mae, I won't hate it as much because being bisexual means you can love people, regardless of their sex.” natahimik ako sa sagot na iyon ni Edward, daretso lang ang tingin ko habang ramdam ko naman ang pag titig ni Edward sakin, narinig kong nagbuntong hininga ulit si Edward.
“Sige na, pumasok ka na dun, baka hinahanap ka na ni JP.” sabi sakin ni Edward. Inabot ko dito ang tasa at inabot ko ang balikat nito at marahan itong pinisil.
“Thank you, Edward.” tumango ulit ito at pumasok na ako ng kwarto.
Naglinis muna ako ng katawan saka naghanda ng makakain, nakita kong abala si JP sa laptop niya, magkadikit ang kilay at walang patumanggang nagtata-type sa keyboard nito. Di parin ako nito kinikibo simula nung nagtanong ako sa kaniya kung bakit niya ako mahal. Di ko na ito inistorbo pa at nagpunta ng kusina.
Habang nagluluto ako ng makakain, hindi ko mapigilang mapaisip sa lahat ng mga nangyayari, alam kong di malayong bisexual si JP dahil alam kong attracted ito sakin at bago ako ay may mga iba itong naging girlfriend at nandyan din si Donna nung asa college pa kami, naisip ko din ang mga sinabi ni Edward, tungkol sa mahirap na sitwasyon ng mga bisexual na kagaya namin, naisip ko bigla na naging unfair ako kay JP, napakababaw ng ikinatampo ko.
“Gawd! I'm such an asshole!” bulong ko sa sarili ko.
Tahimik parin kami sa harapan ng pagkain, nagiiwasan na magtinginan ramdam ang tensyon sa pagitan namin. Nagprisinta itong siya na daw ang magliligpit ng pinagkainan namin at sinabing magpahinga na ako at susunod na siya sa pagtulog, umayon na lang ako sa gusto nito at umakyat na, nagtoothbrush saka humiga sa kama, inabot ko ang libro na aking tinatapos, napansin kong may papel na nakaipit kung saan ako tumigil sa pagbabasa kasama ng bookmark ko. Nakaprint ito, sinimulan ko itong basahin.
I was actually offended dun sa tanong mo kanina sa kotse. Alam mo na dapat ang sagot kung bakit kita mahal, Migs, nagulat ako sa tanong mo, di ko alam kung ano ang isasagot ko kasi sabay sabay na naglitawan ang mga pwedeng isagot, yung isa mas maganda sa isa, masyado akong naguluhan sa dami ng rason kaya di ako nakasagot agad. Kitang kita ko ang lungkot sa mukha mo nung hindi ako nakasagot at nainis ako sa sarili ko. Gusto ko sanangbatukan ang sarili ko kanina pero naisip kong walang saysay yun kaya nagisip ako ng magandang plano kung pano ko sasabihin sayo at ito ang naisip ko.
Dahil 6 years na tayong magkakilala at dahil unang araw palang ay na in-love na ako sayo, naisip ko na bilangin ang buwan sa loob ng anim na taon na iyon. 72 months na tayong magkakilala, Migs at ito ang 72 top reasons why I Love You.
- I Love it when you wake up in the morning before me and you try to kill me by snuggling.
Napatawa ako sa mga una kong nabasa pero nalungkot din ng mabasa ko ang mga sumunod. Napansin ko kasi na naging 'I hate it' na ang umpisa ng mga sumunod na number.
- I hate it when you talk while you brush your teeth because you look so cute when you do that thus making me fall IN LOVE with you more.
Napatawa ulit ako nang mabasa ko ng buo ang particular na number na iyon. Pangit man ang simula ay maganda parin pala ang tumbok nito, hindi doon natapos iyon...
- I hate it when you put me beside Rick whenever we have breakfast together and you put food in my mouth like what you do with Rick, making me realize how you care and I LOVE YOU because of that.
- I hate it when you insist in washing the dishes and forcing me to relax in the living room while you make war with all the dishes in the sink, making me feel special thus making me fall IN LOVE with you even more.
- I LOVE YOU because you make me realize how adorable you are every time you make face just to make me laugh and melt all my frustrations away.
- I LOVE YOU because, every time I come over for lunch you make you special baked dory just to make know how special you I am to you.
Di ko pa man natatapos ang lahat basahin ang mga rason na nakalista sa papel na iyon ay di ko na maintindihan ang aking nararamdaman. Naiiyak ako sa tuwa at nahihiya rin kay JP dahil pinagisipan ko siya ng masama kanina nang natahimik siya. Nang marinig kong pumasok si JP sa aking kwarto ay patakbo akong lumapit dito at yumakap ng mahigpit.
“I Love You too.”
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni JP sakin dahil sa sinabi kong iyon.
Itutuloy...
A.N.: I'm sorry kung medyo sbog tong chapter na ito, kinuwento ko lang kung pano siya nangyari, medyo sensitive din yung topic about sexual orientation kaya sa mga batang nagbabasa ng kwentong ito, maaari sanang kumausap kayo ng mas nakatatanda sainyo kung may tanong man kayo about sa subject na iyon. Sorry din sa isang damakmak na profanities and kung di ko nai-share ng buo yung 72 reasons na ibinigay sakin ni JP.
__________________________
Chasing Pavements 4[5]
I LOVE YOU because...
by: Migs
migs... nag mature ka na nga!!!! hahahaha...
ReplyDeleteat least medyo napapabilis na ang pag re-direct mo ng perspective mo. that is really really going to be good for you and jp...
wish you all the best migs!!
regards,
R3b3l^+ion
i guess being a bisexual person is like choosing what worlds should you choose..a world that both can give you happiness, pain, and satisfaction. migs, im also a bisexual and as of now i like to have a child but i cant right now cause my bf dont want it..hahaysssssss....
ReplyDeleteKuya Migz,
ReplyDeleteNatunaw ako dun sa Letter .. Kuya Migz.. really Wanted to Read The Whole Letter.. ahaha usisero?
Seryoso po ako..
Alam niyo guys.. iba talaga ang impact ng liham.. letters.. sulat.. telegrama..
Iba talaga... cant explain the feeling.. right? lalo na pag nararamdaman mo ung emosyon sa sulat.. wooo!! Grabe..
Very nice.. Naramdaman ko yung pagmamahal ni JP sayo Migz.. Effort un wah .. 72 reasons... Parang ...
"what is the greatest Mistake - ni Venus" hahaha..
Happy for you Kuya Migz:)
-Nurse 101
alexis ulit..
ReplyDelete...nakakainis..hangkyut niyo talaga..i can't help but smile sa inyong dalawa..hahaha..seryoso..
..kuya migs sana kahit kaunti lang kami ngayon na nagcocomment sa ano mo..sana hindi ka parin magsawa na gumawa ng stories..kasi kami hindi kasi kami magsasawa sa stories mo..
..you've been very great in different aspects..i may not know you but i'm very impressed sa iyo.. sorry talaga kuya kung nagsilent ulit mga followers mo..
..silent reader ako noon..pero natakot ako baka magstop ka sa pagpost kaya nagcocomment na ako sa posts mo...anyways..they're great as always.. and i thank you for sharing your life to us..you've been very brave by doing so..thanks kuya megs..haha..gusto ko lang gawing megs..hhahah..hahaisst kuya ed..pakisabi nga po sa knya na wag siyang masyadong pahalata na gusto ka parin niya..nakakakilig ehh..
Fell in love with this chapter.. I actually read it twice before posting my post.. 72 ways? That's a lot but not when it comes to saying how you love a person..
ReplyDeleteGender orientation really matters, as long as kaya mong panindigan ang lahat ng consequences that comes along with it..
I loved all your stories.. Thank you for sharing your talent.
-icy-
Migs cute naman ng scene nyo ni edward s sanga ng puno, but for now mas cute kayo ni jp pag magkasama honestly nakakarelax magbasa ng story mo,maybe may sense of reallity thats why i love your story.
ReplyDeletekeep doing well,THANKS.
Migs.... kung di pa ako tinanong ulit ng kaibigan ko kung ano raw yong stories na nirecommend ko sa kanya, di ko malalaman na may karugton ng pala ang CHASING PAVEMENTS.. grabe kinilig ako sa 72 things i love about you.. mapupuyat na naman ako kakabasa nito.. more power migs..
ReplyDelete-nephilim
hands down!
ReplyDelete- Lance
Yow migs. I am not a silent reader anymore. Sana nababasa mo pa rin tong comment ko regardless of the date na masyado nang malayo sa date na pinublish mo tong chapter.
ReplyDeleteYou don't know how greatful I am to read your stories. I am turning 18 this june and I know deep down that yes, I am bisexual.
Years from years I kept on hiding my identity from my peers. But the moment that I read ur stories and the inspirations that u brought, I must say that u gave me hope in realizing that being one is not a sin, more of a thing to be hated, rather this what I am now is something I must be proud of. Loving and giving love to 2 genders is an ability that is not found on straight people.
Lastly, I just want to say how thankful I am that I knew you. Even not in person but atleast in the cyber world. Thanks migs! Hope magkakilala tayo soon and maging close friens (feeler? Haha) regardless of our age XD HAHA.
Yow migs. I am not a silent reader anymore. Sana nababasa mo pa rin tong comment ko regardless of the date na masyado nang malayo sa date na pinublish mo tong chapter.
ReplyDeleteYou don't know how greatful I am to read your stories. I am turning 18 this june and I know deep down that yes, I am bisexual.
Years from years I kept on hiding my identity from my peers. But the moment that I read ur stories and the inspirations that u brought, I must say that u gave me hope in realizing that being one is not a sin, more of a thing to be hated, rather this what I am now is something I must be proud of. Loving and giving love to 2 genders is an ability that is not found on straight people.
Lastly, I just want to say how thankful I am that I knew you. Even not in person but atleast in the cyber world. Thanks migs! Hope magkakilala tayo soon and maging close friens (feeler? Haha) regardless of our age XD HAHA.
Yow migs. I am not a silent reader anymore. Sana nababasa mo pa rin tong comment ko regardless of the date na masyado nang malayo sa date na pinublish mo tong chapter.
ReplyDeleteYou don't know how greatful I am to read your stories. I am turning 18 this june and I know deep down that yes, I am bisexual.
Years from years I kept on hiding my identity from my peers. But the moment that I read ur stories and the inspirations that u brought, I must say that u gave me hope in realizing that being one is not a sin, more of a thing to be hated, rather this what I am now is something I must be proud of. Loving and giving love to 2 genders is an ability that is not found on straight people.
Lastly, I just want to say how thankful I am that I knew you. Even not in person but atleast in the cyber world. Thanks migs! Hope magkakilala tayo soon and maging close friens (feeler? Haha) regardless of our age XD HAHA.