Tuesday, October 18, 2011

Breaking Boundaries 6

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.



Patihaya akong nakahiga sa aking kama, nakatitig sa kisame, may tatlong oras na ata akong ganito, ramdam ko ring gising pa si Jepoy pero di lang ito nagsasalita at gumagalaw. Patagilid akong humarap dito, inalog ko siya, humarap naman ito sakin.



Bakit di ka pa natutulog?” tanong ko dito.



Eh iniintay kitang makatulog eh.” sabi nito, nangunot ulit ang noo ko.



Bakit?” tanong ko dito.



Baka kasi mapasarap nanaman ako ng tulog at maghihilik eh.” natatawang sabi nito, napatawa nadin ako, binuksan ko ang ilaw sa aking side table.



Pano kung di pala ako makatulog, edi puyat karin?” tanong ko dito. Natawa ito.



Totoo niyan di rin ako makatulog eh.” sabi nito.



Bakit?” tanong ko dito. Umiling lang ito tila ba nahihiya na magsabi.



Sus! Nahiya pa.” sabi ko.



Tumahimik ito at tumitig sakin. May hindi maintindihang emosyon akong nakikita sa kaniyang mukha.



Anong nangyari? Nagaway ba kayo ni Jana?” tanong ko dito, umiling lang ito.



Iniisip ko kasi kung makikipaghiwalay ako kay Jana eh.” sabi nito, tinuktukan ko naman ito.



Para minsang awayan lang eh!” bulyaw ko dito.



Haist! Di mo naman kasi naiintindihan eh!” balik nito.



Gago ka ba? Nasa kaniya na lahat ng hinahanap ng isang lalaki para sa isang girlfriend. Don't throw it all out dahil lang sa isang simpleng misunderstanding!” bulyaw ko ulit dito.



Pero...”



Walang pero, pero. Matulog na tayo!” sabi ko dito sabay talikod at pinatay ang ilaw sa aking tabi.



Isang oras pa ang nakalipas at walang hilik na nanggaling kay Jepoy.



0000ooo0000




Oh, Jepoy, kain ka lang ng kain dyan.” sabi ng nanay ko kay Jepoy, tila naman nahihiya ito na di mawari at di makatingin ng daretso sakin, di naman ito nakaligtas sa aking nanay.



Inaway mo nanaman ba si Jepoy, Marcus?!” baling sakin ng aking ina.



Di ah! Gumising kami, ganyan na yan.” sabi ko sabay suntok sa braso ni Jepoy napangiti ito.



Baka hindi nakatulog, likot mo kasing matulog eh.” sisi nanaman sakin ng aking ina. Napailing na lang ako, di makapaniwala na mas pinapaboran pa ng sarili kong ina si Jepoy.



0000ooo0000



Nagpaalam sakin si Jepoy na mauuna na daw siyang pumasok, pumayag naman ako, alam ko namang may balak itong kausapin si Jana. At hindi nga ako nagkamali, magkasabay na pumasok ang dalawa at magkakapit kamay pa. Napangiti ako sa nakitang pagbabati ng dalawa pero alam ko sa loob loob ko ay nagseselos ako, hindi dahil kay Jepoy kundi dahil kay Jana. Tumabi sakin si Jana at hinalikan ako sa pisngi.



Goodmorning!” bati nito sakin. Ngumiti lang ako. Si Jepoy naman ay nagbagsak ng ilang pagkain sa lamesa namin.



Maki mamya yung sa economics naman ah?” tanong sakin nito bago umupo.



Sure. Kailan ba ang exam mo dun?” tanong ko dito.



Sa next friday pa naman, kaso may hindi ako maintindihan eh.” sabi niya habang sinubo ng buo ang clubhouse na sandwich na hinati sa gitna ni Jana.



Naku, the best yang si Maki sa Economics, nung kami ang may subject na ganyan lagi na lang yan perfect.” pagmamayabang ni Jana, namula naman ako.



Madalas maayos naman ang relasyon sa pagitan ni Jana at ni Jepoy pero tulad din ng ibang asa isang relasyon di rin maiiwasan ang tampuhan at awayan. Sinisigurado ko namang andyan ako sa tabi nila pareho kapag medyo mabigatbigat ang kanilang di pagkakaunawaan.




Halika na, mag review ka na, malapit na finals mo.” sabi ko kay Jepoy isang gabi, nakapalumbaba lang ito at nakatitig sa TV, nagaway sila ni Jana nung kinaumagahan at simula nun ay di na ito makausap ng maayos.



Mamya na.” matipid nitong sagot.



Uumagahin na ako, Jepoy. Kung ayaw mo uuwi na lang ako.” banta ko dito, pinatay na nito ang TV at humarap sakin.



Sige, pero dun tayo sa bahay niyo magre-review tapos dapat may beer.” sabi nito, malungkot ang mga mata nito. Napatawa naman ako.



Sus! Pa-baby amp! Sige! Kuwanin mo na lahat ng kailangan mo at dun tayo sa bahay namin magreview.” sabi ko dito bahagya naman itong ngumiti, pero saglit lang.



0000ooo0000



Pag ito yung hinahanap, eto yung formula niya. Ganyan lang naman se economics saka sa statistics eh, makakasagot ka as long as alam mo yung formula.” turo ko dito sabay inom sa bote ng beer habang sinusulat ang formula na kialangan niya.



Di ko na maintindihan si Jana. Napakamoody!” biglang bulalas ni Jepoy sabay inom din sa beer niya. Napatawa ako.



Ganyan naman talaga si Jana diba? Depende kasi yan sa araw niya. Malay mo di rin maganda ang araw niya tapos ikaw sasalubungin mo ng pangungulit.” sabi ko dito pagkatapos ibigay sa kaniya ang formula na hinahanap niya. Sinuntok lang ako nito sa braso.



May pagka demanding din, pag naman binigay mo yung gusto niya saka naman siya aayaw. Di maintindihan.” sabi ni Jepoy sabay tungga sa bote niya ng beer.



Hay nako hijo, ganyan talaga ang mga babae, gusto laging sinusuyo, baka naman kasi porke magkasintahan na kayo eh di mo na siya sinusuyo.” singit ng nanay ko habang ibinababa ang chicharong pusit sa aming harap.



Lagi ko na nga po siya sinusuyo, Tita eh.” sabi naman ni Jepoy sabay subo ng isang pusit.



Nay, ok na kami. Salamat sa pulu... sa pagkain.” sabi ko sabay iling. Tinignan ako ng masama ng aking nanay at tatalikod na sana nang may sabihin dito si Jepoy.



Ay, Tita, dito po ulit ako matutulog ah?” paalam nito, napailing naman ako. Ngumiting nakakaloko ang aking ina at tumingin sakin.



Oo naman, basta ikaw, Hijo.” sabi nito kay Jepoy.



0000ooo0000



Aba, mas napapadalas ata ang paginom mo kesa sa pagaaral ah.” saway ko dito nang mapansin kong napapadami na ang aming naiinom at inisang tabi nanamin ang aming mga notes.



Eigh! Sa biyernes pa naman yung finals eh!” sabi ni Jepoy, inabot ko ang batok nito at hinaklit.



Pumayag na nga akong dito tayo sa bahay mag inuman eh! Este magaral pala! Saka Miyerkules na ngayon no! Kung hindi ka pa magaaral ngayon kailan ka pa magsisimula?” sabi ko tumingin naman ito sakin.



Eigh!” sabi nanaman ni Jepoy at tumungga sa bote ng beer na hawak niya pero inabot niya din ang kaniyang notebook at nagbasa.



Makalipas ang ilang oras pa naubos nanamin ang ilang case ng redhorse at ang naka-ahin na chicharong pusit pero hindi parin kami nangangalahati sa aming nire-review at pareho narin kaming nahihilo at kung ano ano na ang pinagsasasabi.



Maki, ikaw, sa tingin mo makakatagal ka pa sa ugali ni Jana?” wala sa sariling tanong nito sakin, di agad ako sumagot at uminom muna.



Kung mahal ko talaga siya ay magtitiis ako at aalamin ko kung ano ang problema niya at pipilitin kong intindihin iyon.” sagot ko dito, tumango lang si Jepoy.



Nahihirapan na kasi ako, parang wala na akong ginawang tama. Wala siyang pinagkaiba kila Mama at Papa, Bobo ang tingin nila sakin. Walang ibubugha.” sabi nito, natahimik naman ako at napatitig sa kaniya. Napansin siguro nito na nakatingin ako sa kaniya kaya't humarap ito sakin.



Alam ko sasabihin mo, na di bagay sakin ang nagdradrama.” sabi nito sabay tawa. Inakbayan ako nito at pilit itinayo.



Halika na nga!” sabi nito sakin sabay hila paakyat ng kwarto.



Magaaral pa ako.” sabi ko dito at pilit na umupo ulit.



Pwede pa naman bukas yan eh, bukas sabay ulit tayo magreview.” sabi nito sabay hila ulit sakin, wala na akong nagawa.



Umakyat na kami sa aming kwarto at nagsimula ng maghanada para sa pagtulog. Tinignan ko ito habang nagtu-toothbrush, maski sa pagsisipilyo halatang malalim parin ang iniisip nito. Naisip ko ang sinabi niya kanina. Di ako makapaniwala na bobo ang tingin sa kaniya ni Jana. Di naman talaga mahina ang utak ni Jepoy eh, may katamaran lang talagang taglay. Napansin marahil nito ang pagtitig ko sa kaniya kaya tumingin din ito sakin at ng magtama ang aming mga mata ay kumaway ito habang puno ng bula ang kaniyang bibig.




Ikaw naman.” sabi nito sabay hubad ng kaniyang damit at boxers lang ang itinira. Tumango lang ako.



Iniisip ko, pano kung makipaghiwalay sakin si Jana? Ano kaya ang gagawin ko? Papayag kaya ako?” sunod sunod na tanong nito sa sarili niya habang pinapanood akong magsipilyo.



Di rin ito ang unang pagkakataon na sinabi sakin ni Jepoy ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Jana, para saakin ay di magandang ideya yun, dahil ayaw kong nakikita silang dalawa na nasasaktan. Pareho na silang napalapit sakin, kahit si Jepoy na may kakulitan ay tinuturing ko narin itong isang bestfriend at ayaw ko nang mawala yun sa oras na maghiwalay sila, di narin kaila na may nararamdaman na akong kakaiba kay Jepoy maliban sa pagkakaibigan.



Nang matapos narin akong magsipilyo ay hinubad ko narin ang aking t-shirt at tanging boxers na lang ang itinira. Umakyat nadin ako sa kama at humiga na sa usual kong pwesto kapag dun nakikitulog si Jepoy. Nakadilat pa si Jepoy malalim parin ag iniisip.



Papikit na sana ako ng bigla itong humarap sakin.



Maki, bobo ba ako?” sa tanong na ito ni Jepoy saka ko napatunyang may tama na ito, maliban sa pagiging matamlay ay lumalabas na ang mga bumabagabag dito. Hindi kasi si Jepoy yung nagpapaapekto sa mga iniisip sa kaniya ng tao, mapamagulang man niya yan o ano.



Walang taong bobo, Jepoy.” sabi ko at humarap na ulit ako dito. Umayos ito ng pagkakahiga at ipinatong ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang noo.



Salamat, Maki ah.” bulong nito.



Ayan ka nanaman eh. Sabi ko sayo diba? Di bagay sayo ang mga ganyang drama!” sabi ko sabay tawa. Humarap ulit ito sakin.




Mabuti na lang di ka sumuko sa pangaalaska ko noon no? Kundi wala akong kaibigan ngayon. Sa totoo lang kaya hanggang ngayon kami parin ni Jana, dahil sa sinabi mo sakin noong isang linggo. Ikaw lang yung taong nakakapagpaintindi sakin ng mga bagay na kung ako lang magisa ay malamang inayawan ko na.” sabi nito, malamlam na ang mga mata nito.



Lasing ka na nga. Di lang sa madaldal ka na at nagdradrama kasi ngayon tingin mo sakin santo na.” sabi ko dito at pareho kami natawa.



Ah ganun ah!” sabi nito at pumaimbabaw ito sakin, umupo sa aking tyan at pabirong pinagsusuntok ang aking dibdib.




Pero di nagtagal ay sumeryoso ang mukha ni Jepoy, parang nung isang linggo nung asa ulanan kami inabot ulit nito ang aking psingi at pinadaanan ng likod ng kaniyang palad ang aking mukha. Nangunot na ulit ang aking noo at sinubukang hawiin ang kaniyang kamay pero pinigilan niya iyon, dahan dahan na ring inilalapit ni Jepoy ang kaniyang mukha sa aking mukha. Nangungusap parin ang mga mata nito, sinubukan ko siyang itulak pero di siya nagpatinag.




Inabot ng kaniyang mga labi ang aking labi.




Itutuloy...



_________________________
Breaking Boundaries 6
by: Migs

15 comments:

  1. nice story... looking forward to the next part... :D

    ReplyDelete
  2. first kiss ni maki,ehe

    bkit antagal ng update?

    ReplyDelete
  3. good job! nice story!

    -gdl-

    ReplyDelete
  4. Nakow maki at jepoy. Pag ibig na yan... Hehehe. Anu nga kaya nangyari at nabulag si maki?!? Pakaka abangan ko po ito mahal kong migz. Ingat lagi...

    ReplyDelete
  5. migs miss na miss ko na ang pag-update mo...
    HANGLANDI ni maki... padeny-deny pang nalalaman...
    INLABABO si jepoy! kakilig naman!
    Da best ka migs...!!!
    /vince

    ReplyDelete
  6. and they sealed it a kiss..frenship pa rin ba ang matimbang s kanila? yan ang aabangan ko

    ReplyDelete
  7. MIGS!!!

    Segway lang ako pabasa comment ko sa AAO epilogue :D

    ReplyDelete
  8. wew..nxt please..
    hehehe FIRST KISS ni Maki...

    ano kaya maggiging reaction nya??

    hmmmm

    ReplyDelete
  9. HAAHAHA, Da Best talaga ung story..
    kilig factor. :)
    Haayss, Kuya Migs galing mo talaga :D

    /Nick

    ReplyDelete
  10. ito naba ang simula? hehehehe

    paganda ng paganda, kaso cliffhanger.. thnx migs sa update (",)

    ReplyDelete
  11. Kuya MigZ!!

    Like it...

    Hmm.... napaisip lang po ako .. sa tagal ng pagsubaybay ko sa mga stories mo po .. Related siguro toh kay Doc Pedia.. hehehe :) my laman na naman po kasi ulit ung mga linya nila :) NaFe-feel ko lang po hehe

    -nurse101 :)

    ReplyDelete
  12. Kuya Migz..

    Sana pop lagi niyo tong update. Maganda po ang flow ng story... More power to you!

    ReplyDelete
  13. kuya Migs...

    kakaadik n talaga, ganda ng flow ng story...kaso the more n nakakabitin din un update,
    thanks po & more power again para mapadali on posting.

    ReplyDelete
  14. Omagawd!!!! mag kikiss na silang dalawa... exciting na maxado ang mga pangyayari.. ang ganda sir migs.


    -nephilim

    ReplyDelete
  15. WAHHHH.... LOVE TALAGA SYA NI JEPOY....NAKAKAKILIG TALAGA...

    RAMY FROM QATAR

    ReplyDelete