Breaking Boundaries 5
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains male to male love and some male to male sex scenes. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Nakatayo ako sa tuktok ng isang burol, masiglang nagiintay sa isang taong di ko pa kilala, ni hindi ko alam kung bakit ako nagiintay dun sa burol na iyon, ang alam ko lang ang taong iniintay ko dun ang nagbibigay sakin ngayon ng kaba at pagka excite at ang pakiramdam na tila may mga paruparo sa aking tiyan.
Napatalikod ako bigla ng makarinig ng pagkaluskos doon, noon ko lang din napansin na napupuno na ng fog ang paligid, nagsimula ko na ring marinig ang mga yapak palapit sa akin. Lalo akong naexcite at lalong tumindi ang aking kaba.
“Makikilala ko narin ang tao para sakin.” sabi ko sa sarili ko, may naaaninag na akong isang tao na papalapit sakin. Di ko na maitago ang ngiti sa aking mukha.
Isang kamay ang kumawala sa likod ng makapal na ulap, tila ba nangaanyaya na hawakan ko ang kamay niya at sumama sa kaniya. Inabot ko na dito ang aking kamay at nagsimula ng numipis ang ulap sa paligid namin.
“Makikita ko na siya!” sabi ko ulit sa sarili ko. Di pa man tuluyang nawawala ang ulap sa paligid ay naramdaman kong yumanig ang buong burol.
“Maki! Maki!” sigaw ng isang lalaki sa aking likuran nang humarap ako ay isang unan ang nakita kong papalapit ng papalapit sa mukha ko.
“HOY! GUMISING KA NA DAW SABI NG NANAY MO!” sigaw ni Jepoy sakin nang imulat ko ang aking mga mata.
“Tangina! Ang ganda ganda na ng panaginip ko eh!” sigaw ko dito at hinampas din siya ng unan.
“Ano naman yang panaginip mo? Si Osang niyayari mo?!” sigaw nito sabay tawa, maya maya pa ay naramdaman ko ang kamay nito sa aking ari. Nagulat ako sa ginawa nito pero di ko narin maikaila sa sarili na nagugustuhan ko ang paghawak ni Jepoy na iyon.
“Haha! Tangina ka! Sabi ko na eh nag-we-wet dream ka kaya ka galit na galit nung ginising kita!” pangaalaska nito sakin.
“Gagu! Maghilamos ka na at kumain, uuwi ka pa para pumasok!” sabi ko dito habang itinatago ang aking morning wood. Umiling iling ito.
“Linggo ngayon, Maki. Walang pasok.” sabi nito sabay dive sa kama at dinaganan ako.
“Taena naman Jepoy! Ang aga aga pa! Sana pinatulog mo ako hanggang hapon!” sigaw ko dito sabay tulak na ikinahulog naman niya sa kama. Tawa ng tawa si gago.
Tumayo na ako at nagpunta sa banyo para umihi at maghilamos. Paglabas ko ay naabutan ko si Jepoy na nakaharap sa computer ko at naglalaro ng Counter Strike.
“Ito lang ba laro mo dito? Wala ka bang SIMS?” tanong nito habang nakataas pa ang isang kilay.
“Cute.”
“TSS! SIMS amp! Pang chic yung larong yun eh!” sigaw ko dito, binato ako nito ng isang ballpen.
“Pang chic ka diyan!” sigaw nito sabay simangot.
“Tigilan mo na yan at kumain na tayo.” aya ko dito, pero di ito natinag.
“Ilang araw na nga akong di nakapaglalaro eh.” sabi nito at nakasimangot parin. Nakaisip ako ng paraan para maaya si loko.
“Nay! Anong agahan?!” sigaw ko sa aking ina na naghahanda malamang ng pagkain sa kusina.
“Tocino!” sigaw ng nanay ko pabalik, di ako nagkakamali dahil agad tumayo si Jepoy para hilahin ako pababa sa kusina.
“Basta pagkain ang bilis mong hayup ka!” sigaw ko dito, tumawa lang si Jepoy.
“Anong balak mo mamya?” tanong sakin ni Jepoy habang kumakain.
“Matutulog.” napatawa ito sa sagot ko.
“Sama ka samin ni Jana, magsisimba kami.”
“Eigh! Magmumukha lang akong chaperone.” sabi ko dito, napatawa ulit ito.
0000ooo0000
Umalis na si Jepoy at nasolo ko na ulit ang kwarto ko, di na ako pinakielamanan ng nanay ko at hinayaan na akong magpahinga. Nasa kasarapan ulit ako ng tulog ng makaramdam nanaman ako na parang lumilindol, dahan dahan kong ibinuka ang mga mata ko at nakita ko si Jepoy na nakadungaw sakin, dikit ang kilay at kasing haba ng ilong ni Pinocchio ang nguso.
“B-bakit?” tanong ko sabay gulong pakabila at tinaklob ang kumot sa aking ulo.
“Bihis ka.” sabi nito sabay hila ng kumot.
“B-bakit nanaman?!” naiirita ko ng tanong dito.
“Basta!” sabi nito sabay hila sakin patayo ng kama.
0000ooo0000
Binabalak kong matulog habang nasa sasakyan ni Jepoy at habang tinatahak namin ang daan na hindi ko alam kung san papunta. Nagsisimula na akong makahanap ng tulog ng buksan ni Jepoy ang radyo at itinodo ang volume nito.
“Jepoy naman, gusto kong matulog! Gusto kong magpahinga!” sigaw ko dito. Inabot nito ang dial ng radyo at hininaan ang volume.
“Kausapin mo kasi ako eh. Tulog ka na lang ng tulog diyan!” singhal nito sakin.
“Kung gusto mo akong kausapin ka magtanong ka ng maayos!” sigaw ko dito, humarap ito sakin na namumula na, parang isang bulkan na malapit ng pumutok.
“Jepoy, pagod ako sa school, sa tutorials saka sa pag stu-student assistant, linggo lang ako nakakapagpahinga at nakakabawi ng konti! The least you can do is to ask me nicely! Kung gusto mo ng kausap, pwede naman ako pero sana naman intindihin mo rin na pagod ako and I'm not up to your bratty attitude!” sigaw ko dito. I hit home, dahil ngayon mukha na itong mananapak pero nagbuntong hininga ito at pinakalma ang sarili at tumingin ulit sakin.
“Maki, pwede ka bang makausap? I really need someone to talk to.” nakayuko ng sabi nito, halatang nahihiya sa inasal kanina.
“Pwede naman palang ganyan eh. Bakit? Ano bang problema?” tanong ko dito.
“Si Jana. Di ko na siya maintindihan. Kaninang umaga lang sabi magsisimba kami and after the mass we'll go on a date tapos nung nasa harap na ako ng bahay bigla niyang sasabihin na she's not up for it.” naiinis na ulit na sabi nito.
“Did you ask her why? Baka naman masama ang pakiramdam or something happened, napagalitan ng parents or something.” sabi ko dito.
“I never got the chance to ask. Tumalikod na lang siya bigla eh.” sabi nito. Tumango naman ako.
“Girls are unpredictable and besides baka this is the right time of the month for her, kaya intindihin mo na lang.” sabi ko dito sabay isinandal ulit ang aking ulo sa nakasarang bintana para umidlip.
“Matutulog ka nanaman ba?” tanong nito sakin, iminulat ko ang aking mata at nakita itong miya mo nagmamakaawa, tila ba sinasabing kausapin ko pa siya.
“Sabi ko nga gusto kong magpahinga diba?” tanong ko dito, di naman ako nagsusuplado pero pakiramdam ko talaga kailangan kong magpahinga kaya ipinikit ko ulit ang mata ko.
“Sorry nga pala ha? Di ko inisip na baka pagod ka or kailangan mong magphinga.” iminulat ko ang aking mata sa sabi nito, yumuko ulit ito, marahil dahil sa hiya.
“Di bagay sayo, wag kang maginarte ng ganyan!” sabi ko dito at ipinikit ko ulit ang aking mga mata. Maya maya pa ay naramdaman ko ang kamao nito na mahinang sinuntok ang aking braso pagkatapos ay narinig ko ang pagtawa ulit ni Jepoy.
0000ooo0000
Pinapanood ko ngayong magdrama si Jepoy sa aking harapan, nasa labas kami ng aming bahay umiinom ng ilang beer, di ko na naituloy ang aking iniisip na pagpapahinga. Nakalatay ang pagkabalisa at pagkalito sa gwapong mukha ni Jepoy.
“Minsan iniisip ko... what if di naging kami ni Jana?” pabulong na sabi nito sabay tungga sa bote ng beer.
“Is Jana your first Girlfriend?” wala sa sarili kong tanong dito. Tumango lang si Jepoy.
“Kaya naman pala.” sabi ko, napatingin sakin si Jepoy.
“What the hell are you talking about?” natatawang sabi nito.
“Common naman yan eh, mahirap talaga pag first time na pumasok sa relationship, kung baga lahat ng bagay first time.” sabi ko dito.
“Kailan ka pa naging expert sa relationships?” tanong nito sakin at nakangiting aso pa.
Pero di ko na ito nasagot. Bumuhos na ang malakas na ulan, tatakbo na sana ako para sumilong ng pigilan ako ni Jepoy.
“Tagal ko ng di nakakaligo sa ulan.” sabi nito sakin habang hawak hawak parin ang braso ko.
“Nung unang panahon kung kailan ka huling naligo sa ulan eh malinis pa nun ang ulan!” sigaw ko dito kasi medyo malakas na ang ulan at mahirap ng magkarinigan.
“Eigh! Ngayon na lang ulit, Maki!” sigaw nito at parang batang nagtatatalon sa ulanan.
Tumingala ito at pumikit. Tumabi ako dito at tumingala din.
“Anong tinitingala tingala mo diyan?” tanong ko dito, napatawa naman si Jepoy at tumingin sakin.
“Salamat ah.” sabi nito habang para kaming tanga na nakaharang sa kalsada at nakatingala.
“Salamat saan?” tanong ko dito habang magkadikit ang aming mga braso at naka tingala sa ulanan.
“Dahil kahit pagod na pagod ka na, kahit gustong gusto mo ng matulog, pinili mo paring tiisin ang pagiging brat ko.” sabi niya sakin, napatawa naman ako.
“What?! Seryoso ako!” sabi niya, tila ba naguguluhan sa pagtawa ko.
“Sinabi ko na sayo diba? Di bagay sayo ang ganyang kadrama!” biro ko dito, napatawa nadin siya, humarap siya sakin at inabot ang aking mukha at pianaandar doon ang likod ng kaniyang palad. Unti unting nabura ang aking ngiti, gayun din siya, nagkatitigan kami, di napigilan ng noo ko na mangunot dahil sa aking pagtataka sa mga kinikilos nito, agad akong humakbang palayo sa kaniya.
“Silong na tayo.” aya ko dito, tila naman nahimasmasan si Jepoy sa sinabi kong iyon at sumunod na ito sakin papasok ng bahay.
0000ooo0000
Di maalis sa isipan ko ang nangyaring paghawak ni Jepoy sa aking mukha habang nagpapalit ng damit, sa likod ko ay si Jepoy na nagpapalit din ng damit. Napansin kong nagva-vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa aking lamesita, agad ko itong sinagot. Si Jana. Umiiyak sa kabilang linya.
“Jana?” agad na humarap sa akin si Jepoy.
“Hello, Maki, kasama mo ba si Jepoy? Di niya kasi sinasagot ang telepono niya kanina pa eh.” nahikbing sabi ni Jana sa kabilang linya.
“Oo, andito siya.” sabi ko sabay abot ng telepono kay Jepoy.
“Gusto ka raw niyang kausapin.” sabi ko dito, nagalangan pa saglit si Jepoy pero pinandilatan ko ito ng mata, agad na bumaba si Jepoy at pumunta sa aming terrace, sinundan ko ito.
0000ooo0000
Magiisang oras na si Jepoy sa telepono, mas pinapanood na nga namin siya ng nanay ko kesa sa palabas sa TV, kitang kita kasi ito sa bintana sa labas ng aming sala. Tinignan ako ng aking ina habang sumusubo ng popcorn.
“Akala ko boyfriend mo yang si Jepoy?”
It took me about five minutes to absorb what my mother said. Napatingin ako sa kaniya, tinitignan kung seryoso o nagbibiro ba ang aking nanay. Pero nang tignan ko ito ay walang bahid ng biro sa mukha nito.
“Ano namang naisip mo at nasabi mo yan?!” naeskandalo kong tanong dito.
“Wala lang, lagi kasi siyang nakikitulog dito, tapos para pa kayong magsyota kung umasta.” sabi ng nanay ko, ngayon kinikilabutan na ako sa sinasabi ng nanay ko.
“Si Jana ang girlfriend ni Jepoy, andito lang yang kumag na yan lagi dahil ayaw niya sa bahay nila dahil akala niya di na siya mahal ng mga magulang niya.” paliwanag ko sa aking ina, pero halatang di niya ito kinakagat.
“Eh bakit nung isang umaga papisil pisil ka pa sa braso niya?” Ngayon na eeskandalo na talaga ako.
“Biro lang yun, 'nay!” sigaw ko na dito, sumimangot naman ang nanay ko.
“Sayang. Gusto ko pa naman siya.” bulong nito.
“Gusto ko ri---” agad kong pinigilan ang sarili ko sa pagkakadulas pero huli na, alam na ng nanay ko kung ano dapat ang sasabihin ko, nakakaloko na ang ngiti nito sakin. “Bahala nga kayo dyan! Kung ano ano na sinasabi niyo!” bulyaw ko dito sabay tayo at tungo sa aking kwarto. Narinig kong tumawa ang nanay ko. Nakadapa na ako sa aking kama at nagiintay na makatulog ng pumasok sa kwarto ko si Jepoy.
“Maki, pwede bang makitulog ulit dito?” tanong nito sakin. Di ako makasagot dahil iniisip ko ang sinabi sakin ng aking inay.
Itutuloy...
___________________________
Breaking Boundaries 5
by: Migs
hehehe migs ito ba ang ibig sabihin na mother's knows best..tama ba..
ReplyDeletekakakilig naman... hala nagdadalaga ka jepoy?
ReplyDeleteang kukit ni inay. HAROT!
DA BEST KA AUTHOR!
/vince
si Maki kc naguguluhan na tuloy si Jepoy!!!!!
ReplyDeleteDaddy idol, gusto ko yung character ni Maki. Nakakatuwa. Ahahah. (Ako lang ata nag-eenjoy sa ugali niya). LOL. Iba talaga pag gawa mo idol. Ang ganda at ang galing. :D
ReplyDeleteYeah ang galing \m/
ReplyDeleteheheheh nakakainis...kinikilig ako..and in all fairness ala pa sa main plot ang story...:)
ReplyDeleteahahahh..si inay ohh..haahah...humahaliparotpot na si jepoy..hahaah..
ReplyDelete..thanks pala daddy migs..makidaddy nalang ako..wahahah...mabilis na ulit ung updates..tapos kuya migs..namimiss ko na si ed charry at migs sa laib 1...:)..wala lang..i've been wanting to say that..pati si kiko and i-forgot-the-name nung partner nya na sobrang haba ang buhok..
yea..the thing about this ano..is it has been going for quite some time already yet...wala pa akong clue sa main plot nito..as in..unlike sa ibang stories, un bang parang may mahihinuha ka kaagad..pero dito..as in iba..it's very ano..nakalimutan ko term..which i actually enjoy.. hindi po sa flinaflatter ko kayo kuya migs..pero sobrang matured na ung story mo na in a sense..palong-palo ung emotions..may pinaghuhugutan..hahaha :P
ReplyDeletei love your style of writing. detailed, may puso at may kilig. and maganda ang pacing at flow. keep it up!
ReplyDeleterei
First and foremost... WAHHH! Nice to see you go back to your normal posting ways... yung mabilis.. YEHEY! hehehe.
ReplyDeleteAlso, sorry to say nawala yung ilang mga drafts mo ng ibang stories mo.
-----
Gusto ko yung ugali ni Jepoy.. wahehehe.. Ang ugali ko kasi eh yung parang kay Maki (unti lang naman!)
I wonder what will happen next. hmmm...
Can't wait for the next part / chapter Kuya Migs!
Go! lang ng Go! Kuya Migs! :))
- Jay! :)
Wow. Si nanay. Botong boto. Keep it up Migz. I love you
ReplyDeleteisa lang masasabi ko; kilig! =))
ReplyDeletecan't wait sa next installment (",)
Maki.. Maki.. Maki..
ReplyDeleteJepoy.. Jepoy.. Jepoy..
kiligness...!!
mother knows best.. hahaha
God bless.. -- Roan ^^,
hey migs, hoping you are well...
ReplyDeletejust missed the posts that much kaya napa-comment na naman ako. alam mo namang masugid akong taga-subaybay at taga supporta ng mga likha mo.
am wondering when the next post of chasing pavements will be. am curious about the on-goings with jp, and hoping that everything is okay between you two.
don't get me wrong ha... i like BB1, but CP4 has an entirely different ring to it...
i understand your hesitation in writing CP4... but remember, you are writer... both heart and soul... so even if you may feel a strong sense of discomfort in writing about your life, just please remember that "confessions are cathartic"...
and in the end, you will find that CP4 will do you a lot more good than harm. :-)
thanks for hearing me out, kahit kung minsan medyo makulit na talaga...:-)
regards,
R3b3l^+ion
wowwwwwwww
ReplyDeletetama kakakilig n tong part n ito,
d nga malayo ma inlove c maki k japoy,lalo n aprove pala ni mother just incase maging cla nga d p man ok n pala bilis din ng radar ni mother.
► In the Jar!...hahaha ;)
ReplyDelete▬ Jet
HAY NAKU TALAGA .... ANG SABI NILA PAG IBIG AY MAKAPANGYARIHAN TALAGA... D TALAGA MATAGO KAPAG IKAW AY INLAB... HA HA HA... INLAB SI MAKI.... WAHHHHH KILIG...
ReplyDeleteRAMY FROM QATAR
Approve naman pala kay mama eh. Ahahaha...
ReplyDelete