Chasing Pavements 4[6]
Narinig kong nagriring ang aking telepono, ayaw ko na sana itong sagutin at magpatuloy na nalang sa pagtulog pero makulit ang tumatawag at desedido talagang pasakitin ang ulo ko, tinignan ko ang screen ng telepono ko para malaman kung sino ang nangahas na gisingin ako sa masarap kong pagkakatulog.
“Manager Calling”
Nung una ay di ko nakuwa kung sino ang tumatawag at kung may kilala ba akong may pangalan na Manager. Halos i-untog ko ang sarili ko sa headboard ng aking kama ng matandaan ko kung sino ang Manager na iyon. Manager iyon ng aking maliit na business. Isa iyon sa aking naipundar sa maliit kong kinita nung nagtratrabaho pa ako, sinuwerte namang lumalakas ito kaya kahit papano ay may income ako ngayon.
“Hello, Sir, Good morning, pasensya na kayo at naistorbo ko kayo, may problema po kasi dito sa---”
“Sige papunta na ako diyan.” sagot ko dito.
Nagmadali ako sa pagligo at pagbihis at pagsasara ng bahay para lang makapunta agad sa Maynila. Nung andito pa sila Mommy sa Pilipinas ay wala akong problema sa tuwing may nangyayari dun sa aking maliit na business kasi pwede naman iyong puntahan ni Mommy dahil malapit lang ang kaniyang opisina doon pero ngayong wala sila ay wala akong magagawa kundi ang personal na puntahan iyon.
0000ooo0000
Bagsak balikat akong pumasok ng coffee shop, wala akong pakielam kung naka shorts lang ako, tsinelas at t-shirt basta ang alam ko kailangan ko ng kape para kumalma. Nakapila ako sa may counter ng starbucks nang biglang magring ulit ang telepono ko.
“Good morning, musta?” bati ni JP sakin.
“eto magkakape.”
“Tsk! Magkakape ka nanaman? Sabi ko sayo---”
“Oo, pero ngayon lang ulit, na-stress ako kay Manager eh.” sagot ko dito, agad namang nagtanong si JP sa mga nagyari, kinuwento ko ang tungkol sa problema ni Manager, tumatawa si JP sa kabilang linya at ako naman ay umiiling.
“So asa Manila ka ngayon?” tanong ni JP.
“Yup, pauwi narin in a few, bibili lang ako ng kape then uwi na agad, walang tao sa bahay baka tumawag yung taga Pasig at ipasundo na sakin si Rick.” sagot ko dito, konting kwentuhan pa at nagpaalam na kami sa isa't isa sa phone.
Nakaramdam ako ng pamimigat ng pantog kaya naman bumaba muna ako sa ground floor ng SM Manila para mag C.R. nang makapasok ulit ako ng starbucks ay muli akong nagsimula sa pinakadulo ng pila. Pahikab hikab ako sa dulo nang biglang mag ring ulit ang aking telepono, ang nanay ko naman ang tumatawag ngayon.
“Ma.” walang buhay kong sagot dito.
“Miguel Salvador! Ganyan ka ba nakikipagusap sa nanay mo na nasa malayong lugar?!” sigaw nito, bahagya kong inilayo ang telepono sa aking tenga.
“Hello, Ma. I miss you, kamusta kayo dyan?” bati ko ulit dito sabay iling.
“I Miss you too, anak.” agad na lumambing ang boses nito. “OK lang naman kami, ikaw? Kamusta?”
“Kagagaling ko lang sa store. Nagkaproblema si Manager mo na inirekomenda ni Tita Vivian.” sagot ko sabay iling ulit.
“Anong problema?”
“Let's just say, I'm looking for a new manager, Ma. The asshole quits!”
“Ha?! Bakit anong nanyari?”
“According to him, he can't keep up with the pressure. When I got there earlier he's been frantic, it's seems he misplaced the inventory sheet and he doesn't know what to do because he doesn't remember how many of the stocks are supposed to be at hand.”
“Nahanap naman niya ang inventory sheet?”
“Yes, Ma, he's been holding it all this time. Hawak niya lang pala. I swear, ma. That guy is a nut job. I should've fired him kung hindi niya lang ako naunahan sa pagsasabi na ayaw na niya at magre-resign na siya. So there, I don't have a manager anymore, Ma.” sagot ko habang tumatawa ang nanay ko sa kabilang linya pati narin ang aking ama sa background, mukhang naka loudspeaker ang phone ni Mommy.
Nang ibaba ko ang telepono ay biglang humarap ang lalaki na katulad kong naghihintay sa kaniyang inorder sa tabi ng counter. Matangkad ito, maganda ang katawan at OK naman ang itsura, binigyan ako nito ng tinatawag natin na isang Million Dollar Smile. Nakauniporme ito ng isang kilalang unibersidad na malapit sa mall na iyon.
“Hi, I'm Robert.” pakilala nito.
Nawirduhan ako kay kumag. Wala akong kilalang tao na bigla na lang haharap out of the blue at magpapakilala sayo. Binigyan ko ito ng isang nagaalangang ngiti. Nawiwirduhan parin ako dito.
“I'm sorry kung medyo weird at OK lang kung naiirita ka pero you're cute and I want to know your name.” sabi ulit nito.
Yung totoo?! WTH right?! Ngayon lang ako nakaranas ng ganito, pasimple akong lumingon, tinitignan ko kung na-WOW MALI ako or something pero wala akong nakita, napansin kong serysoso si kumag at mukhang na offend dahil siguro nakikita niya sa mukha ko na nawiwirduhan ako sa kaniya.
“I'm Migs.” nagaalangan kong pakilala dito, ngumiti ulit ito.
“Hi. I'll be asking sana for your number but that would be too weird. Would you mind sharing a table with me so we can know each other first before we exchange numbers?”
“WTF?! Is this kid for real?!” sabi ko sa sarili ko. nagalangan ulit ako.
““MIGS?”” dalawang tao ang sabay na tumawag sa aking pangalan sa aking likuran. Agad akong humarap, nagpapasalamat sa dalawang lalaki na kumuwa ng aking atensyon para makatakas sa wirdung batang nagngangalang 'Robert' pero agad akong nagsisi at nanalangin na sana si Robert nalang ulit ang kaharap ko.
Nasa harapan ko ngayon ang dalawang taong may ilang taon ko nang hindi nakikita pareho. Magkaharap ang mga ito at nagtataka sa isa't isa dahil marahil di nila alam na kilala nila ako pareho. Ibinaba ko ang tingin sa kamay ng dalawang lalaki, magkahawak ang mga ito.
“WTH?! Could this fucking day be any weirder?!”
0000ooo0000
Tinawag na ng barista ang aking pangalan at inabot ang aking kape, nagpaalam sakin ang wirdong si Robert at umalis na, tatakasan ko narin sana ang dalawa ng kausapin ako ng mga ito at kamustahin, alam kong may ilang taon nang natapos ang relasyon namin sa isa't isa, pero awkward parin talaga na magkitakita kaming tatlo at mas lalong awkward kung pareho mo silang Ex at mukhang silang dalawa naman ang nagkakamabutihan.
“So we're talking about the same Migs?” natatawang tanong ni Alex habang masuyo akong itinutulak paupo sa isa sa mga upuan sa coffee shop na iyon.
“Haha! Weird right? I mean di natin nabanggit ang last name ng Migs na pinagusapan natin kaya di natin alam.” sabi naman ni Marco.
“Uhmmm can you guys not talk about me as if I'm not here?” natigilan ang dalawa saglit at sabay din agad na tumawa. Nagpakawala ako ng isang kinakabahang tawa at humigop ng kape.
“I'm sorry, I mean what are the odds, right?”
“Tell me about it!” gusto ko sanang isigaw sahalip ay sa sarili ko na lang sinabi.
Panong hindi ko sasabihin iyon? Sa coffee shop na ito kami nagkakilala ni Alex. Sa coffee shop din na ito kami ulit nagkita ni Marco pagkataos maputol ang communication namin after sa Batangas and WHAT ARE THE FUCKING ODDS na magkakaharap kami ngayon at mukhang hindi as magkakakilala na muling nagkitakita matapos ang matagal na panahon kundi magkakakilala in the sense na pareho ko silang Ex at mukhang sila na ngayon ang mag on.
“What the fucking hell, Right?” gusto ko sana ulit sabihin pero sinarili ko na lang dahil mukhang tuwang tuwa naman and dalawang kumag sa aming maliit na reunion.
“REUNION my ASS!”
Halos makatulog ako sa pagkukuwento ni Alex tungkol sa trabaho niya abroad, ang mga taong nakilala niya, mga lugar na napuntahan niya at ang nagawa niya doon, habang nagkukuwento ito ay parang tutang naglalaway si Marco sa kaniyang tabi dahil sa paghanga.
“Buti na lang nakaramdam ako ng pagka home sick kung hindi di ko nakilala ang isang ito.” sabi ni Alex sabay pisil sa pisngi ni Marco.
“AWWW! Ang sweet!” sabi ni Marco sabay tingin sakin at kindat.
“Excuse me, I'll just go to the bathroom and vomit!” sasabihin ko sana, buti na lang napigilan ko at sa halip ay nagsabi nalang ng...
“Yup, ang sweet! Congrats!”
Pagkatapos kong sabihin iyon ay si Marco naman ang nagkwento, madami naring nagbago sa buhay niya, halata naman eh, masayahin na siya ngayon tila ba panatag na siya sa buhay niya, naaalala ko nung huli kaming nagkita, malayong malayo ang itsura niya noon. Miserable siya noon habang sinuntok ko ang maamong mukha niya at habang ibinigay ko sa kaniya ang singsing nun sa may beach sa Batangas kung kailan huli kaming nagkita.
“Di ko alam na ikaw din pala yung Migs na kinukuwento ni Alex.” nahihiyang sabi ni Marco sakin.
“Siguro kasi di ka nakikinig sa sinasabi niya dahil abala ka sa paglalaway sa kaniya.” sabi ko sa sarili ko.
“You know, di maayos yung paghihiwalay natin noon eh. OK lang ba na maging friends tayo ulit, Migs?” nahihiyang tanong ulit ni Marco.
“The nerve!”
“Sure.” sabi ko dito sabay ngiti. Gusto ko sanang batukan ang sarili ko pero baka akalain nila nababaliw na ako.
Di ko na alam ang iba pa naming mga napagusapan. Di ko sigurado kung ano ano pa ang mga napagusapan namin, ang alam ko lang naubos ang karamihan sa aming oras sa kakalampunchingan ng dalawa sa aking harapan, kada minuto gusto ko sanang masuka. Di naman sa pagiging bitter pero...
“Seriously?! Alex and Marco?!”
Well kung tatanungin ako, bagay sila para kapag napagpasyahan nilang lokohin at iwan ang isa't isa ay pareho nilang maramdaman ang sakit ng ginawa nila sakin.
“FOUL! OK medyo bitter nga ako. But can you blame me?”
Pero habang kaharap ko ang dalawa ay di ko mapigilan na maisip na malaki din ang naitulong ng dalawang ito sa pagkatao ko, madami akong natutunan, kahit papano may maipapasalamat pala ako at nakilala ko ang dalawang ito. Habang tinitignan ko sila ay hindi ko mapigilang mapansin na in love nga ang dalawa sa isa't isa.
“Oh well. Ano pa nga bang magagawa edi maging masaya na lang para sa kanilang dalawa.”
Habang nagpapaalam kami sa isa't isa ay di ko mapigilang maisip na kahit papano ay alam ko na naibalik ko kahit papano ang pagkakaibigan namin sa isa't isa. Patalikod na sana ako ng bigla akong yakapin ni Alex.
“Great to see you again, Migs.” bulong nito, di ko na napigilan ang mapangiti. Sa totoo lang kahit masuka suka ako sa pagtitinginan ng dalawa at pagpapalitan ng cheesy lines masaya rin ako kahit papano na nagkita kita kami.
Sunod na yumakap si Marco. Pero bago iyon ay nakita kong nakatingin siya sa singsing na nakasabit sa aking kwintas. Inilabas ni Marco ang singsing sa na nakasuot sa kaniyang daliri.
“I kept mine at di ko nakakalimutan kung bakit nagkaroon ako ng ganitong alahas.” sabi ni Marco sabay tawa.
“I'm really sorry, Migs.” pahabol nito bago ako pakawalan. Nginitian ko lang ito at tinanguan.
0000ooo0000
Nakangiti akong umakyat papunta sa level parking lot ng SM Manila papunta sa aking sasakyan. Natigilan ako.
“JP?” tanong ko sa sarili ko.
Di ako agad pumunta sa parking lot, sinundan ko muna ang lalaking sa tingin ko ay si JP, nagdalawang isip ako na sundan ito, baka kasi si JP nga ang lalaking iyon at natatakot ako sa pwede kong malaman.
Pero huli na, tumigil ang lalaki at sandaling lumingon, swerte namang may malaking lalaki sa aking harapan at di ako nito nakita, pero nakita ko ang lalaking iyon, nakita ko ang mukha nito. Tama ako. Nanlambot ako sa susunod kong nakita. Si JP nga ang lalaking iyon at may kasama na siya ngayon. Si Donna.
Agad kong kinuwa ang aking cellphone at hinanap sa phonebook si JP at tinawagan ito. Nakita kong kinuwa ni JP ang cellphone niya sabay akbay kay Donna, isiniksik naman ni Donna ang kaniyang sarili kay JP. Di ako makagalaw sa aking kinatatayuan, nararamdaman kong nanlalambot ang aking mga paa at nanlalamig ang buo kong katawan.
“Pwede namang magmall ang dalawang magkaibigan diba? Pwede naman silang magakbayan diba? Magkaibigan lang sila diba?” bulong ko sa sarili ko.
Kinancel ni JP ang tawag ko, di ko na nagawa pa silang sundan. Napako ako sa aking kinatatayuan, nanlalamig at naguguluhan.
Itutuloy...
_________________________
Chasing Pavements 4[6]
The EX Factor
by: Migs
pagpasensyahan na ang profanities. :-D
ReplyDeleteang cute kaya :D sobrang dami kong tawa...lalo na sa mga tag lines mo! nakaka-aliw! pero nung nasa ending na...hindi ko lubos maisip na ganun yung ending ng chapter na ito! ang pangit sa pakiramadam yung tawa ka ng tawa dahil sa binabasa mo then suddenly shift mood ka kaagad dahil sa ending! ang weird nung feeling...ampanget talaga kasi si JP nakikipaglampunchingan kay Donna at nahuli pa sila!!!tsk tsk grrrrr...nakakapang init ng ulo!!!
ReplyDeletemigs i hope you have confronted jp and asked for an explanation. you have got to settle this issue once and for all.
ReplyDeleteyou know i have been a jp-migs rooter ever since. ayaw ko kay alex and ayaw ko kay marco. and circa cp 2,cp3... it has always been jp...
pero if he is doing one over you, then ayaw ko na sa kanya. sorry.
regards,
R3b3l^+ion
JP is one two timing asshole Migz. Iwan mo ma din xa please. Ayoko na nasasaktan ka eh. I love you po...
ReplyDeleteano bang nangyayari kuya migs...huhuhuhu...i hate it, i hate JP, and i hate that bitch!... napaka ironic din ng buhay mo...biruin mo yung dalawang mong ex eh sila ngayon ang mgakasama...ahaha... well i wish you the best...and to that robert you mention sana maging friends kayo ahaha
ReplyDeletekaya mo yan kuya migs...kaw pa..
ReplyDeleteKuya Migs asked ko lang po..
ReplyDeleteHUMAN NEEDS refers to the things that threaten our survival if unmet. Ito yung mga bagay na kapag nawala hindi na tayo mabubuhay..
HUMAN NEEDS refers to the things that give us pleasure, satisfaction, and happiness. Ito yung mga bagay na pagnawala hindi tayo mabubuhay. Kumbaga ito yung pinakabasic needs natin..
Satingin mo sino kaya ang needs at wants ni JP?
Ikaw ba ang needs nya at si DONNA ang wants? O ikaw ba ang wants nya at si DONNA ang needs nya?
-MARKANTHONY-
kuya migs mahal ka ni jp kasi kailanagn ka niya? O kailangan ka niya kaya mahal ka niya?
ReplyDeletekuya migs natanung mo na ba kung anung gusto tlga ni jp? Hindi naman ung pwede lagi ka na lang anjan for him sabihin na natin masaya siya kasama ka pero mas sasaya siya kung magkakapamilya sya. You know what I mean...:|
ReplyDeletealexis ulit..
ReplyDelete.I KNEW IT.diba sabi ko kuya migs dati na may something...ayun nga..i was right.pero baka mali.ask him po.tingin ko sasagot naman siya eh.basta silence means yes.well dyan sa situation mo.tingin ko that saying might be helpful
.and regarding sa kiddo.(parang hindi rin ako bata).well.cge ikaw na ikaw na ang sobrang haba ang buhok.and kay alex cute yung love story niyo.it's just sad na it ended that way.akala ko kasi siya na.nung una.grabe sobrang cute.naalala ko tuloy yung pancake.nakakainis namimiss ko yung moments niyo
and kuya migs.okay lang yan.everything is done on purpose.even yung ginagawa ko sa pagcomment ko ay may purpose.(kailangan talaga icoconnect sa sarili).hahahah.jk.tanggapin mo nalang kung anuman ang mangyari."hangkulet ko bah?" pahiram lang.
.and kuya okay lang yan.all is well.baka bumalik si alex sa iyo joke lang assuming lang.anyway..thanks sa mabilis na update.grabe sobrang happy ko kasi you're back sa paguupdate mo ng mabilis.:)
more power and god bless
TALAGA LNG HAAAAAAAAAAA ...
ReplyDeletemy ganun jp...
parang ang sakit naman ata nun...
wait bka naman nalowbat lng yon phone(pampalubag loob)
nku migs dapat masanay kna ata....
lahat nlng ng minahal mo sinasaktan k...
siguro mabuting tao k,kaya sinusubok lagi...
malay mo naman my other explaination c jp db...
give another chance gnun daw ang love so different meaning...
its up to you how to handle relationship as long you are happy so beat it...
tuloy lng ang buhay...
gaya ngayon.... ntuloy n next chapter...
thanks., sana nga agree din ako s back to normal posting mo....
& migs whatever happen i know u can make it...
keep doing well & more power.
Sir migs ang saya ng simula ng pag kabasa ko, pero ang ending, nanakit ang di.. dibdib ko.. haist matutulog akp ngayon na mabigat ang loob.. sana Sir Migs Kinausap nyo na si JP kung ano ka sa buhay nya at ano sa si Donna sa Buhay niya. Parang routine na kasi Sir Migs, paulit ulit nalang ang mga ginagawa sa iyo ni JP. palage ka nalang niyang sinasaktan..
ReplyDelete-nephilim
BOSS MIGS BAKIT GANITO?? AWANG AWA NA KAO KI CHARACTER NA MIGS.. KILAN BA SYA MAKAKAHANAP NG PARA TALAGA SA KANYA?
ReplyDelete. . . what a fitting (yet funny ) title you got here Miggy ^_^V
ReplyDeletexoxo, A