Sunday, October 30, 2011

Chasing Pavements 4[7]

Kalalapag ko lang ng aking cellphone sa night stand sa tabi ng aking kama. Nagtext si JP, magdadalawang linggo na ang nakakaraan nang makita ko sila ni Donna sa SM Manila, di ko na pinahirapan pa ang sarili ko, sa totoo lang wala naman akong nakikitang masama, magkaibigan sila, pwedeng magkita sa mall ang magkaibigan, pwede silang tumambay na magkasama.



This is just me with trust issues. I can't let this ruin what JP and I have.” bulong ko sa sarili ko pero kahit ganun, di ko parin mapigilang masaktan.



Sinubukan kong wag ipahalata kay JP na may gumugulo sakin. Normal lang ang pakikipagusap ko dito at ang pagsagot sa mga text nito. Tuwing umaga binabasa ko ang 72 reasons na ipinirint niya para malaman ko kung gaano niya ako kamahal at yun din ang tumutulak sakin tuwing umaga para bumangon ng kama.



Narinig kong bumukas ang gate kaya't sumilip ako sa aking binatana. Nakita ko ang isang malaking mama na may malaking katawan, napailing ako ng maisip kung sino ang mala bouncer na iyon na naglalakad sa aming bakuran. Miya-miya pa ay narinig kong may kumatok sa aming front door at tumawag sa aking pangalan.



Migs!” sigaw ng mala bouncer kong kaibigan gamit ang kaniyang falsetto na boses. Napatawa ako.



Pagbukas ko ng front door ay agad ako nitong niyakap ng mahigpit.



I miss you, bitch!” sigaw nito sabay tawa na miya mo ungol ng isang malaking oso.



I miss you too, Dave, but please let go of me and let my lungs expand, pretty please.” bulong ko na ikinatawa naman nito. Nang bitawan ako nito ay agad kong pununo ng hangin ang aking mga baga.



Gawd, Migs! You look like shit!” sigaw ulit nito.



Tell me about it.” balik ko dito.



Where's my little fella?” tanong nito sabay lingon.



Pasig.”



I see. Ilang linggo na?” tanong nito sabay simangot.



Actually he's staying there for 2 months.” sabi ko, di na ako nagabala na alisin sa mukha ko ang lungkot.



Let me guess, Anne's request?” tanong nito, tumango na lang ako habang binalaot ulit ako nito sa yakap.



That figures.” sagot ulit nito.



Breakfast?” tanong ko dito, agad namang lumiwanag ang mukha ni loko.



0000ooo0000


Nagtititigan kaming dalawa habang kumakain. Di ko na natiis dahil alam kong hindi magsasalita si Dave kung anong kailangan niya sa umagang iyon.



Spill it, Dave. What do you want?”



Kailangan bang may dahilan kapag pumunta ako dito? Masama bang bisitahin ang isa sa mga best friend ko?” balik nito sakin, naningkit ang aking mga mata at hindi naniniwala sa sinasabi nito.



Fuck it! I need your car, Migs. I have to go to Manila later. Ayokong mag commute.”



I knew it! Balik ko dito. NO!” sabi ko sabay tawa.



I'll do anything! Please!”


Di ko alam kung bakit may nakakatawa sa isang malaking mama katulad ni Dave na humihingi ng tulong na parang maliit na babae na nakorner ng limampung rapist. Tumayo ako sa aking kinauupuan at kinuwa ang susi ng aking sasakyan. Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Dave na parang bata na tinatakam ng isang surbitero.



Iaabot ko na sana ang susi dito nang bigla ko itong bawiin.



What?”


Sa isang kundisyon.”


Ano?” lumungkot nanaman ang mukha ni Dave.


Isasama mo ako.”



Muling bumalik ang ngiti sa mukha ng malaking mama kong kaibigan.



0000ooo0000



Madami na kaming napagusapan ni Dave habang nagmamaneho ako papuntang Manila, maayos na sana ang lahat, masaya na sana nang biglang tanungin ni Dave si JP.



Sa totoo lang di ko alam eh. Dalawang linggo na siyang di umuuwi ng bahay kada break niya sa school, may case study daw or something.” sagot ko dito sabay kibit balikat.



Ha? Anong ibig mong sabihin na di mo alam kung anong meron sainyo ni JP ngayon?” tanong ulit nito.



Tingin ko nagkabalikan sila ni Donna. Pero hindi ko pa ako sure, baka mali ako. Alam mo naman na may issue ako dyan sa mga trust and the likes pagdating sa relasyon” halos mabulunbulunan kong sagot kay Dave, naningkit ang mga mata nito sakin.



Migs, anong nangyari?” tanong nito, bakas na ang pagaalala sa mukha nito.



Di ko na natiis, kinuwento ko na lahat kay Dave ang mga nangyari simula nung araw bago madischarge si JP sa ospital nung nakita ko silang nahahalikan ni Donna hanggang sa nakita ko sila na magkasama sa SM Manila. Nang matapos ako sa pagkukuwento ay madami pang tinanong si Dave.



Nagtetext saka tumatawag din si Donna?” tanong ni Dave. Tumango ako.



Di ko alam kung nagtetext din, ang alam ko lang, tumatawag si Donna, di ko naman kasi ginagalaw yung phone ni JP, nakita ko lang nung isang beses na tumatawag si Donna kasi nakita ko pangalan niya na nagfla-flash sa screen.” sagot ko, tumango naman si Dave.



Napa-paranoid lang ako diba?” tanong ko kay Dave. Tinignan ako ni Dave na may halong pagaalala sa mukha nito.



Ano ba talaga kayo ni JP, Migs?” tanong ulit nito. Di ako makasagot.



Di ko masasagot ang mga tanong mong iyan kung hindi malinaw kung anong meron kayo.”



Wala na akong nagawa kundi ikuwento kay Dave ang pagaaminan namin ni JP ng tunay naming nararamdaman sa isa't isa, na napagusapan na namin ni JP na papasok na kami sa isang relasyon. Una si Dave sa aking mga kaibigan na nakaalam ng tungkol samin ni JP. Nang matapos ako sa pagkukuwento ay pareho kaming natahimik ni Dave.



Gusto mong malaman kung niloloko ka niya?” tanong ni Dave. Wala sa sarili akong tumango bilang sagot. Nahihiya ako na hindi ko pinagkakatiwalaan si JP.



Karapatan mong malaman, Migs. Wag kang magui-guilty, karapatan mong malaman.” sabat ulit ni Dave.



Tumigil kami sa lugar kung saan may appointment si Dave, di naman siya nagtagal duon, sunod naming ginawa ay ang pagpi-pick up ng binili ni Dave sa kaniyang mga kaibigan na ilang appliances dahil di ko alam ang lugar na iyon, si Dave na ang nagmaneho at ako naman ang naging pasahero, tuloy tuloy parin sa pagkukuwento si Dave, kung maaari ay iniiwas nito ang usapan tungkol kay JP, pero sa totoo lang di ako nakikinig, ang sumunod naming tigil ay ang siyang ikinagulat ko.



Malapit dito nagdo-dorm si JP diba?” tanong sakin ni Dave, tumango ako. Tinignan ko ang apat na palapag na building sa aking harapan. Dito tumitigil si JP sa tuwing may pasok siya kinabukasan sa school at sa tuwing hindi sa bahay namin o kaya sa bahay nila siya umuuwi.



Wala sa sarili kong sinundan si Dave papunta sa lobby nung dorm na iyon.



Boss. Pupuntahan lang namin yung room ng kaibigan naming si JP. May pinapakuwa kasi siyang damit na gagamitin ng kaibigan namin mamya.” sabi nito sa gwardya.



May susi ba kayo, Sir? Kasi walang ibinilin sakin si Sir JP.”



Ah, biglaan lang kasi, Oo, eto may susi kami.” sabi ni Dave sabay labas ng susi na alam kong susi ng kaniyang bahay. Tumango naman ang gwardya.



Susi ba talaga yan ng room ni JP dito?” tanong ko, umiling lang si Dave at ngumiting nakakaloko.



Pano tayo makakapasok niyan?” tanong ko, lalong lumaki ang ngiti ni Dave sa kaniyang mukha.



Dave, siguro dapat ko munang kausapin si JP, uuwi naman siya sa susunod na break niya sa school eh, siguro umuwi na lang muna tayo.” sabi ko dito pero tinapunan lang ako ng masamang tingin ni Dave.


Nang mapatapat kami sa kwarto ni JP ay inilabas ni Dave ang kaniyang SM advantage card at kinalikot ang gilid ng pinto. Nakarinig kami ng isang mahinang click at pinihit na ni Dave ang door knob na siya namang marahang bumukas. Lalong lumaki ang ngiti sa mukha ni Dave, isinara na niya ang pinto sa likod namin at ini-lock ulit ito. Maayos ang loob ng dorm, tulad ng ilang beses kong pagpunta dito, maliit lang ito pero may sarili itong banyo at maliit na kusina.


Damn! Your boyfriend is a neat freak!” sabi ni Dave sabay tawa, pero di ako sumama sa pagtawa na iyon, kinakabahan kasi ako sa mga pwede kong malaman. Nagsimula na sa pagiimbistega si Dave, di ulit ako nakisali dahil alam kong kasalanan ito kay JP.



Di ba ako nagtitiwala kay JP? Bakit ko ito ginagawa? Nagalangan nanaman ulit ako.” tanong ko sa sarili ko.



Ahmm... Migs, di naman nagsusuot ng bra saka panty si JP diba?” mahinang tanong ni Dave na siyang nakatayo sa may built in closet na siyang nagsisimula mula sa sahig hanggang sa kisame ng kwartong iyon. Di ako makaimik, natulala lang ako.



Nun namin pareho narinig ang tunog ng susi na isinusuksok sa doorknob ng pinto. Agad akong lumapit kay Dave at hinila papasok sa loob ng closet. Mabuti na lang at malaki ito para sa aming dalawa. Narinig kong pumasok si JP na may kausap na babae. Nanlambot ang aking mga tuhod at nanlamig ulit ang aking buong katawan. Malala na ngang inaatake nanaman ako ng claustrophobia nakaramdam pa ako ng sakit sa aking dibdib dahil sa pantra-traydor na ginawa sakin ni JP.



Marahil ay napansin ni Dave na inaatake ako kaya't maingat ako nitong niyakap.



JP, hindi pwede, may klase ka pa mamya.” kinikilig na sabi ni Donna.



OK lang yun, pwede kong i-skip yun, wala naman exam dun saka walang kwenta yung subject na iyon.” pagmamakaawang sabi ni JP. Naramdaman kong humigpit ang yakap sakin ni Dave.



JP!” kinikilig ulit na saway ni Donna kay JP, sunod kong narinig ang paghahalikan ng dalawa.



Di ako makapaniwala sa nangyayari, gusto kong sumigaw, gusto kong malaman nilang nasa loob ako ng closet na iyon habang naghahalikan sila, gusto kong malaman nilang nasasaktan ako, gusto kong malaman nilang sinasaktan nila ako. Pero hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, nakatitig lang sa aking mga mata si Dave, may awa at tila ba nakisisimpatya sa aking nararamdaman.



Sunod naming narinig ang paggalaw ng kama, paulit ulit ang tunog na iyon. Kasabay ng bawat tunog na iyon mula sa kama ang pagpatay ni JP sa aking puso at ang pagbura ng nararamdaman ko para sa kaniya. Ilang minuto pa ay narinig ko na ang mga malalakas na pagungol ni JP at Donna, wala sa sarili akong napakapit kay Dave para masuportahan ang katawan ko. Patuloy din ang sakit na nararamdaman ko. ilang minuto pa ay narinig kong bumangon ang dalawa mula sa kama.



Gusto mong maligo muna bago kita ihatid pauwi?” tanong ni JP. Napatawa naman si Donna, hindi na ito nag effort na itago kilig sa kaniyang tawa na iyon.



Narinig kong bumukas at sumara ang pinto ng CR. Marahan akong hinila ni Dave palabas ng closet na iyon at palabas ng dorm. Si Dave na ang nagmaneho pauwi. Di na ako nakaimik, paulit ulit ang pagtatanong sakin ni Dave kung OK lang ba ako pero parang hindi ko na ito naririnig o mas malala pa ay di ko ito naiintindihan. Papalit palit na galit at lungkot ang bumabalot sa pagkatao ko.



Nang makarating sa bahay ay tuloy tuloy na ako sa aking kwarto at humiga sa kama. Naramdaman kong humiga din si Dave sa aking kama at ibinalot nito ang malaking braso niya sa aking katawan. Pinipilit kong ilabas ang aking nararamdaman, gusto kong umiyak at magwala pero masyado akong nanghihina sa sakit na nararamdaman ko kaya't mas pinili ko na lang na manahimik muna at isipin ang aking mga nagawang mali para lokohin ako ng ganito.



Edward, we need to talk.” ang sabi ni Dave sa kaniyang cell phone habang palabas ng aking kwarto na siyang gumising sa aking pagmumunimuni, alam kong tatawagan ni Dave ang iba pa naming kaibigan pero wala si Edward, nagbabakasyon ito sa Palawan kasama si Mae at ang kambal. Sunod na tinawagan ni Dave si Pat pero asa U.S. ito, hindi nito masasagot ang kaniyang telepono dahil tulog ito ngayon at ilang araw parin ito bago makabalik. Sunod namang tinawagan ni Dave si Fhey pero alam naming abala ito sa opisina ngayon.



Halos di ko na namalayan ang oras. Hindi ako nakatulog pero di ko na naaalala ang nangyari sa pagitan ng paghiga ko sa kamang iyon at sa pagtingin ko sa aking kaibigang natutulog na si Dave sa aking tabi ngayon. Bumangon ako ng kama. Nagsulat ng note para kay Dave, dinampot ko ang susi ng aking sasakyan, ang libro na aking binabasa at ang aking pitaka saka lumabas ng bahay.



Dave,



I need to be alone. I'll be fine. I will not do anything stupid. Will call you guys later.



Migs.



Nang makalampas ako ng coastal road ay naipit ako sa trapik, sinulyapan ko ang tatlong bagay na nakapatong sa passenger seat ng aking sasakyan. Cellphone. Pitaka at ang libro, napansin kong nakaipit parin ang papel kung saan sinulat ni JP ang mga rason kung bakit niya ako mahal. Tinitigan ko lang ito, iniisip kung totoo ba ang lahat ng nakasulat doon o puro kasinungalingan lang. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa apartment ni kuya Marc.



Migs? What happened?” bungad ni kuya sakin pagkabukas na pagkabukas ng pinto.



Doon na sa puntong iyon bumuhos ang aking luha, humakbang papalapit sa akin si kuya at niyakap ako nito ng mahigpit.



Itutuloy...

_________________________
Chasing Pavements 4[7]
Two closeted gay guys in the closet
by: Migs

18 comments:

  1. my heart literally stopped for a while...:( haaayst confront JP na...it will be hard but Migs have to...

    ReplyDelete
  2. migs... i am sad about this revelation...

    i was one of those who truly believed that jp was the right guy for you... sorry, i made a mistake...

    but truth to tell, jp did love you. it's just that you were not enough for him. but that's okay migs. you will definitely find the right person at the right time under the right circumstances.

    cheer up and look at life through rose colored glasses. life is still wondrful and beautiful despite appearances.

    take care and be well always.

    regards,

    R3b3l^+ion

    ReplyDelete
  3. kainis... hehehehe this is a good story pero ang ikli naman. next na author

    taga_cebu

    ReplyDelete
  4. Sir Migs, Nanlamig ang buo kung katawan dahil sa galit kay JP.. habang nag tatype ako ng comment ko, nanginginig pa ang kamay ko sa galit.. sh*t naman yon Sir Migs, na witness mo pa ang ginagawa nila.. Mahirap talaga mag mahal ng str8 guy, eventually mag hahanap talaga sila ng babaeng mamahalin.. Team JP pa naman ako, at sa nabasa ko ngayon, wala na, wala na yong pag hanga ko sa kanya.. haistttt nakaka sira ng mood si JP.

    -nephilim

    ReplyDelete
  5. Kuya Migz,

    Kung totoo man ito.. (isang deep breath)

    Naramdaman ko ung emosyon dun sa tagpo.. Kung ako yun.. malamang .. hirap na hirap ako nun.. ma-MI ako nyan.. on the spot. haist..

    Kung may kulang man sa iyo .. iyon ay dapat mapunan ng lover mo.. hindi excuse sakin ung ganun .. kaya nga partners eh.. what the?! at kung mahal ka talga.. dapat ay makuntento sya sa mga kakulangan mo.. tatanggapn niya ang kahinaan mo at ang kulang sa iyo..

    Bakit ba ako affected maxado.?! nakarelate kasi.... Ang sarap iuntog sa pader ni JP at sabihin na .. WALA KANG KWENTANG TAO!!!

    Pero kung napatawad mo pa cia.. GRABE!! MARTYR KA NA!!

    Ang bigat maxado nun..

    Sa totoo lang natural ang ganun talga noh .. pag ang lalake ... madali mong malaman pag my tinatago .. nagbabago bigla.. my pagbabago i mean even sa babae ganun din.. wahaha

    Ill wait for the next chapter.. :)

    Thnx Kuya Migz.. :)
    Keep it up ..

    -nurse101

    ReplyDelete
  6. parang feeling ko cnasaksak din puso ko..kada linya na binabasa ko...sobrang bigat ng eksena ngaun..at feeling ako ikaw kuya migz...damang dama ko ung mga pangyayari..kinikilabutan pa rin ako...kaya mo poh yan kuya migz..para sakin pakawalan mo na sya..un lang...enough evidunce na ung nakita at narinig mo...



    -ram

    ReplyDelete
  7. Ok lang yan kuya mizg marami pang lalake diyan
    sa tabitabi joke at para kay JP etolang ang
    masasabiko sakan ya FUCK U AND GO TO
    HALL....

    ReplyDelete
  8. PUTANG INA... parang ako yung nawawarak yung puso kanian while reading this..sorry kuya migs sa "bad words"..pero SHIT eh..shit talaga! whoo..let's move forward to another day perhaps??? basta be strong!! we love you kuya migs!!

    ReplyDelete
  9. ...migs thanks s updated...
    ...believe ako sayo nakaya mo ang pagsubok n gaya nito s buhay mo, tiyak bumaha p ng luha ng ginagawa mo ang chapter n ito.
    ...k know how you feel, oo nariyan ang sakit pero anu magagawa natin lets accept the reality,
    ...so that as early as we can as early to heal the pain,
    ...a kind of relationshop what we have in our gender,we must know that men is for girl - we need to accept that literally,
    ...hindi ko po ito sinasabi para magkutya ng kapwa sariling opiniomn ko po ito kung titingnan lng natin un angulo it runs naturally.
    ...lets say in general my pangangailangan talaga ang lalaki n d natin kaya ibigay
    ... in my case i allow my bf to have a gf kc dito q xa nkikita masaya at pag masaya xa syempre masaya n din ako (share what you have - wag madamot kc kc hindi ntin pag aari yan mga lalake n yan
    ...pasalamat nlng tayo at dumaan sila s buhay natin, anu b naman un sakit naramdaman natin kumpara s mga masasayang alaala/sandali n idinulot s atin db.
    ...n pwede natin namnamin s habang buhay.

    ...thanks po, wag po kayo magalit.

    ReplyDelete
  10. Haaay, 'deep breaths, deep cleansing breaths' Migs....

    ReplyDelete
  11. alexis here kuya migs..


    SABI KO NA NGA BA.okay lang yan kuya.wala akong masabi dahil hindi ko alam kung maawa ako or ano.wala akong gustong sabihin right now kasi parang nanghihina rin ako. pero kung ako yun probably, lumabas ako while they're doing the "thing" para alam na..A MOMENT TO REMEMBER sa kanila.di joke lang.


    kuya migs, pakisabi nalang to sa kanya. gago siya and KARMA'S A BITCH IF YOU ARE.tsk tsk.thanks sa update kuya.more powers

    ReplyDelete
  12. my heart is pain...literally and i can't breath normally while reading your story! i was in a superb exhilaration...my pounded hard at my lungs suddenly expanded like i was in a very terrifying situation! i feel for you migs, i know life is unfair but i assure you...life has its ways in getting us back-for the better! you may suffer a lot now, but when it is your time...you'll be happy with right person! let go of JP, he doesn't deserve you! if he really loves you, he wouldn't do anything that will make your heart torn into pieces and he wouldn't do anything bad behind our back! pero, wag kang magtatanim ng galit sa iyong puso-it will take you nowhere, it will ruin your life but...forgive them, but never forget what they have done to you! i hope that you'll be happy...someday! and i do pray for that to happen! :) live and let go ;)

    ReplyDelete
  13. ***my heart is in* pain...literally and i can't breath normally while reading your story! i was in a superb exhilaration...my heart** pounded hard and*** my lungs suddenly expanded like i was in a very terrifying situation!

    ****sorry sa kulang kulang na wordings! :)

    ReplyDelete
  14. di kaya alam ni JP tong blog mo?(assuming he's not fictitious)... anyway, a gay/bi's life is tough. I'll be praying for easy acceptance. God speed.

    ReplyDelete
  15. Taenang JP pala yan eh. Minahal mo na't lahat, nangangaliwa pa. Tae talaga. Migz. Mahal kita. Kaya mo yan. Wag ka na padadala sa mga mabulaklak na pananalita ni JP ah.

    ReplyDelete
  16. migs late reaction ako...pardon for the word.....

    PUTANG INA!!!!!! ANO NA ANG NANGYARI SA INYO????? ANO BANG MALI???? ANO BA ANG DAPAT GAWIN?????

    ewan migs, di ako makapag isip, i dont want ignite something that is already burning, i dont know personally si jp pero kung ano man yang lintik na nangyari sa kanila ni whatever, always remember na may reason at kung ano man yung reason na iyon di ko macomprehend, naiinis ako.

    hayyyyy, miguel hanggang saan ba ang pasakit na ito..pakatatag ka (",)

    ReplyDelete
  17. paksht..f*ck dat jP ..

    S0ry sa profanities ko its just d ko lang talaga maisip kung an0ng gagawin kung ak0 nasa lugar mo dat tym..

    ReplyDelete
  18. Migs, I know you're over this now... hopefully... pero TANGINA talaga ni JP! he's a total asshole!

    - Lance

    ReplyDelete