Chasing Pavements 4[3]

Nagising ako ng makarinig ng malakas na kalabog, agad akong tumayo at dinampot ang pinakamalapit na damit na naaabot ko at sinuot ito, isa itong puting long sleeves, lukot ito, sa totoo lang nagtaka pa ako dahil di naman ako nagsusuot ng mga ganung klase ng damit, huling suot ko ng ganun ay nang interview-hin ako sa isang ospital noong 2009. Inaantok pa ako pero dahil sa takot na baka ninanakawan na ang bahay namin ay pinilit kong gisingin ang sarili ko. Kinuwa ko ang baseball batt sa likod ng pinto ko at mahigpit na hinawakan yun at hinanda ang sarili ko sa pagpalo sa mga magnanakaw na iniisip kong gumawa ng kalabog na iyon.



Nangunot ang noo ko ng madako ako sa kusina, isang pamilyar na lalaki ang pasipol sipol na gumagawa ng kalat sa kusina namin, kundi ako nagkakamali ay ready mix na pancake powder ang nagkalat sa counter at sahig, lalo akong nagtaka at binalikan ang mga nangyari.



Umalis ako ng ospital na masama ang loob kay JP dahil nakita ko siyang nakikipaghalikan sa ex nitong si Donna, tapos nagpaikot ikot ako sa buong Maynila hanggang sa makaramdam ng gutom at kumain pagkatapos ay para akong tanga na tumambay sa isang coffee shop, lumagok ng tatlong venti size na kape at nang mag-gabi ay... SHIT!” sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang lalaking pasipol sipol sa aming kusina, napailing ako at nakaramdam ng panlalambot ng mga tuhod, agad akong sumandal sa pader at padausdos na napaupo sa sahig.



0000ooo0000



Walang gana akong naglakad papuntang elevator at nakapikit na sumakay. Walang gana akong sumakay sa aking kotse at yumuko at iniunan ko ang aking ulo sa manibela. Pilit na isinasaisang tabi ang aking nararamdaman. Lumipas pa ang ilang minuto at patuloy parin ako sa pakikipatitigan sa manibela ng aking sasakyan.



Tangina naman kasi! Wala akong karapatan eh! WALA! Nilinaw ko yun, sabi ko sa sarili ko hindi ako mai-in love sayo dahil ayokong maulit yung kay Edward! Straight ka, kahit na bigyan ko tayo ng pagkakataon alam kong iiwan mo din ako at hahanap ka ng babae na para sayo! Pero tanga ko lang! Alam ko na kahit bago ko pa sinabi na hindi ako mai-in love sayo alam kong huli na! Mahal na kita!” parang tanga kong pakikipagusap sa manibela, iniisip na si JP ang aking sinasabihan nun, umaasa na kahit papano ay gagaang ang pakiramdam ko.



Pero nagkamali ako.



Patuloy ako sa pagtawag sa sarili ko ng 'tanga' at iba pang mga pangalan na tiyak kong ika-rerebulusyon ng mga tao sa Commission on Human Rights kapag narinig nilang sinasabi ko iyon. Paikot ikot ako sa buong Makati, panigurado ko na may pitong beses na akong makikita na padaan daan sa mga CCTV ng mga matataas na building sa kahabaan ng Ayala Ave.



Tangina kasi!” sabi ko ulit sa sarili ko.



Sa puntong ito, iniisip ko na kung sakali kaya na binigyan ko ng pagkakataon ang pagiibigan namin ni JP nuon pa, siguro naging masaya ako, alam kong dadating ulit si Donna pero at least naramdaman ko yung 'kaming dalawa' ni JP, yung naging 'kami', yung meron kaming mga panahon na masasabi naming amin lang dalawa.



Pero hindi! Tanga ko lang talaga!”



Di ko alam kung pano pa ako nakaramdam ng gutom sa kabila ng sakit na nararamdaman ko, ang tangahalian na atang iyon ang pinakamasarap at pinaka marami kong inorder sa tanang buhay kong kumakain sa isang fast food chain. Halos lahat ng pwedeng order-in binili ko. Nang maubos ko lahat ng aking inoder at mag a-alas dos na ng hapon. Di ko alam kung pano ko nadala ang sarili ko na umupo, mag relax at tumungga ng kape.



Masama talaga ang loob ko.



Ilang customer na ang pumasok at lumabas sa pinto ng coffee shop na iyon, dalawang shift na ng mga barista ang lumipas pero andun parin ako sa kinauupuan ko, iniisip ang mga katangahang ginawa ko.



Lumipas pa ang ilang oras at nakita ko nanaman ang sarili ko sa harapan ng manibela ng aking kotse, ngayon, pinapaiyak ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagalala sa mga magaganda naming pinagsamahan ni JP.



Tanga ko lang kasi talaga.”


Pumasok ako sa isang club, partida na, di pa ako naliligo pero nakuwa ko paring pumasok sa isang club sa kahabaan ng Sunset blvd. sa may MOA. Wala masyadong tao dahil may mga pasok pa kinabukasan pero sa kabila non ay malakas parin ang sounds at malilikot parin ang takbo ng mga ilaw at may pailan ilan paring nagiinom.



Miguel Salvador.” tawag ng isang lalaki sa aking tagiliran. Nun ko lang ulit nakita ang mokong na iyon, di ko na ulit pa siya nakita pagkatapos ng kasal ni Edward dahil nagcollege na siya kasama ng aking kapatid na si Matt. Pagkakaalam ko sa bandang Marikina na siya naninirahan sa isa pa nilang kapatid ni Edward.



Alberto Sandoval.” balik ko dito, ngumiti ito at hinila ako na halos ikabuwal ko sa aking kinauupuan pero malakas talaga ang mokong na ito at hinila ako palapit sa kaniya, niyakap ako nito ng mahigpit. Hindi ako kinamusta o kinamusta manlang ang mga tao sa amin ang una nitong sinabi pagkatapos sabihin ang aking pangalan ay ang mga katagang:



Namiss kita.”



Nanlalambot ako habang tinititigan si Al, lalo itong lumaki, medyo tumaba pero bumagay ito sa kaniya, maganda na itong magdala ng damit, lalong kuminis ang balat, pumuti in short, gumwapo lalo ang mokong.



Huwag mo akong tignan ng ganiyan, hahalikan kita.” sabi nito sabay hagikgik pagkatapos nun ay nakinig na ako sa mga kuwentong barbero niya na ikinalimot ko naman sa aking pinuprublema.



Naaalala ko ang pagkuwento niya tungkol sa dalawa niyang girlfriend na sabay niya raw 'inaararo' yep, that's the term na ikinahagalpak ko ng tawa, miya miya pa ay biglang sumeryoso ang mukha ni Al, hinila ako nito palabas ng club, sumakay kami sa kotse ko at nagmaneho siya sa isa sa pinakamalapit na tapsihan. Doon namin pinagpatuloy ang aming kuwentuhan.



Ikaw, kamusta?” tanong nito sakin, nagalangan ako saglit, muling bumalik sakin lahat ng sakit halos ma-overwhelm ako pero tuloy parin ako sa pagkwento kay Al ng tungkol sa amin ni JP, nakita ko itong umiling ng tatlong beses habang ako ay todo pigil sa nagbabadyang pagtulo ng aking mga luha.



Nang matapos kaming kumain ay inalok ako nitong magyosi, muli kong naalala si JP, bago ko pa man tanggihan ang 'death stick' na inaalok sakin ni Al ay hinila na ako nito papunta sa isang nakaparadang dyip malapit sa likuran ng tapsihan.



Gawd! You look hot in my shirt. From now on, every time we sleep together, gusto ko paggising mo damit ko ang suot mo.” humahagikgik na sabi sakin ni Al nang makita ako nitong nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader malapit sa kusina habang inaalala ang nangyari kinagabihan.



Ah... eh... Al---?”



By the way, last night was amazing.” medyo mahinang sabi ni Al, nakita ko itong nag-blush sabay ahin ng mga lutong pancakes sa dining table, tinignan ko ang mga hinanda nito.



Dapat sana, breakfast in bed, considering how worn out you were last night after I---” di na naituloy pa ni Al ang kaniyang sasabihin at namula ulit ito.



K-kain na tayo.” sabi na lang nito.



Di parin ako makapagsalita, di parin ako makapaniwala sa nangyari kagabi.



M-migs? OK ka lang ba?” nagaalalang tanong ni Al. Tumango ako, inabot ni Al ang aking kamay at pinisil iyon, ako naman ngayon ang namula sa hiya dahil agad kong binawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. Ipinako ko sa pancakes na sunog ang aking tingin. Narinig kong nagbuntong hininga si Al.



I'm sorry, alam kong di ko dapat ginawa iyon, lalo na ngayon na nasasaktan ka parin sa ginawa sayo ni JP pero di ko napigilan ang sarili ko eh. Alam mo namang matagal na kitang gusto diba?”



Great! Why do I always end up with bisexual guys? Mga taong paaasahin ako but in the end babae din ang pipiliin. Nakakatatlo na ako, lima na lang pwede na akong makipagsabayan kay Elizabeth Taylor ang kaibahan lang kasal sila at babae siya.” sabi ko sa sarili ko.



I'm sorry, Al--”



I know, but I'm willing to wait. I'm going to be here when you're ready, when that asshole is out of your system.” sabi ni Al, umiling ako.



Di ganong kadali, Al. Alam ko in the end ako lang din ang masasaktan kapag itinuloy mo 'to. Dapat natuto na ako noon sa kuya mo pero pinabayaan ko parin na ganituhin ako ni JP. The last thing I need now is another guy who will leave me for a girl in the end.” nakita ko kung pano bumakas sa mukha ni Al ang pagkadismaya.



I will still wait.” sabi ni Al, napa buntong hininga na lang ako.



Narinig ko ang pagring ng telepono ko, agad akong umakyat ng hagdan at kinuwa ito, si JP tumatwag, actually may sampung missed call na na naka-log sa telepono ko. Sasagutin ko na sana iyon gn makaramdam ako ng presensya sa likod ko, muli akong binalot ni Al sa kaniyang makakapal na bisig at hinalikan niya ulit ang batok ko.



Al---”



Shhh.”



Nakalimutan ko ng sagutin ang telepono.




0000ooo0000



Shit! Shit! Shit!” sigaw ko sa loob ng kotse ko, tumutulo pa ang aking buhok dahil sa mabilisang pagligo. Kasalukuyan akong nakaipit sa trapik sa dulo ng coastal road. Paliko na ako ng tambo, iniisip ko na tahakin ang skyway dahil alam kong matatrapik ako sa Buendia. Nanggigigil kong pinatunog ang aking busina. Inis na inis parin ako sa matagal na pagusod ng trapik ng may tumapat na kotse sa aking sasakyan, binaba nito ang bintana sa kaniyang passenger side, sumesenyas ito na ibaba ko rin ang aking bintana.



Asshole.” sabi ko bago pa maibaba ang bintana.



Nakakabingi yang busina mo tol! Tangina! Kahit naman magbubusina ka diyan di ka parin makakalusot sa trapik eh! Lumipad ka kung gusto mo!”


Daig ko pa ang nag super sayan sa sinabi ng tarantadong motorista.



Mind your own business, asshole!” sabi ko dito sabay pakawala ng dirty finger sa direksyon nito, nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito, sinara na niya ang bintana niya. Naeskandalo ang gago.



Nang makarating ako sa kwarto ni JP ay sinalubong ako ng mahabang nguso nito, galit na galit ang mga mata at halos mapunit na ang nostrils sa tuwing hihinga ito, kung nakakamatay lang ang titig nito ay baka di na ako abutin ng mga rerespondeng doktor sa floor na iyon.



Sabi mo kahapon BABALIK ka!” sigaw nito pagkasara ko ng pinto, ayos na ang mga gamit nito at nakabihis narin siya pauwi, ako na lang talaga ang iniintay nito.



Di pwedeng magpalipas ng gabi dito si Donna kasi may pasok siya ngayon, nakakahiya doon sa tao! Magdamag akong walang kasama, walang tumutulong sakin mag CR! Walang nakakausap yung mga nurse tungkol sa input at output ko pati narin sa intsruction ng home meds kanina! Ano bang nangyari sayo?!” sigaw parin nito.



I'm sorry.” di na ako nagabala pang magpalusot at magsinungaling, sigurado akong kapag nalaman niya ang mga pinaggagagawa ko ay magagalit ito sakin kaya't iniwasan ko na ang magsinungaling at dagdagan pa ang kasalanan ko sa kaniya.



God, Migs! You're so selfish! Yun lang yun? Sorry lang?! Di mo manlang ako naisip?! Di manlang sumagi sa isip mo na kailangan ko ng makakasama ngayon?!” sigaw ulit nito, alam kong galit lang ito kaya niya nasasabi ang mga iyon pero di ko mapigilan ang sarili ko na patulan ito.



Selfish?! You're calling me selfish?! Di ako palasumbat na tao, JP pero ngayon gusto kong ipaalala sayo lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw. I will not fight with you anymore, my day is ruined as it is and I have no plans to have tis day as the worst day of my life, I know you're just mad and grumpy because of that fucking tube---!” sabay turo ko sa tubong nagsisilbing drainage ng mga bile nito sa katawan. “---but really? Selfish? That's way too low, JP, we both know I can be hard and stubborn sometimes, but selfish? I don't think so.” sabi ko sabay patak ng mga luha ko. nakita kong nagpalit ang mga emosyon sa mukha ni JP, alam kong nagsisisi na ito sa mga sinabi niya. Nagtititigan lang kami habang patuloy sa pagtulo ang mga luha niya, gusto ko pa siyang sumbatan tungkol sa nakita kong paghahalikan nila kahapon ni Donna, gusto kong sabihin sa kaniyang nasasaktan ako ngayon, gusto kong sabihin sa kaniya lahat ng hinanakit ko pero alam kong di ko magagawa iyon.



Wala akong karapatan.” pagpapaalala ko sa sarili ko kaya't minabuti kong tumahimik na lang, nabasag lang ang tahimik nang biglang bumukas ang pinto, ang orderly sinusundo na si JP para makababa sa na pauwi.


Habang abala ang orderly sa pagaayos ng wheelchair at ang pagtawag sa isa pang kasamahan para naman sa trolly ay marahan kong pinahiran ang aking mga luha na patuloy parin sa pagbagsak, sakin parin nakapako ang tingin ni JP, alam kong gusto nitong humingi ng tawad at makipagusap, pero alam kong di niya ito magagawa ngayon.



Hindi madali kay JP ang paghingi ng tawad. Di siya sanay sa paghingi ng tawad.



Tahimik kami habang nasa loob ng sasakyan, iniintay ang pagusad ng sasakyan sa aking harapan na nagbabayad ng fee sa parking lot. Patuloy sa pagbabalat ng jellyace si JP at paminsan minsan paring sumusulyap sakin. Ramdam parin ang tensyon sa pagitan namin at wala parin ni isa samin ang gustong tanggalin ang tensyon na iyon. Walang naglalakas loob.



Migs.” tawag ni JP sakin habang nasa kahabaan kami ng Salcedo st.



Hmmm?”



Di ko mabuksan.” sabi nito sabay abot ng isang jellyace, alam naman nating lahat na mahirap buksan ang lintik na jellyace na iyon diba? Lalo na kapag pasmado ka, sa tuwing di makakapagbukas si JP ng isa ay ibabalik niya ito sa plastic pagkatapos ay kukuwa ng bago, siguro ay naubusan na siya ng mga jellyace na madaling buksan kaya't wala na itong nagawa pa at humingi na sakin ng tulong.



Inabot ko ang inaabot nitong jellyace. Sa simpleng mga akson naming iyon ay tuluyan nang naglaho ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nang di ko rin mabuksan ang jellyace sa pamamagitan ng kamay ko ay ginamit ko ang aking mga ngipin.



Eww!” sabi ni JP, inirapan ko ito nagtaas naman ito ng kamay na kala mo sumusuko at kinuwa ang kabubukas lang na jellyace. Nang makain na niya ang huli kong binuksan ay nagabot pa siya ng isa sakin habang papasok na kami ng skyway.



At sa ganung paraan ay nagkabati na kami ni JP.



Migs?”


Hmmm?” mahinahon ko ng balik dito sabay balik ng matipid na ngiti.



I love You.” natigilan ako sa sinabi nito at muntik na ulit mapaluha.



I know.” yun na lang ang sinabi ko dahil ayaw kong sabihin ulit ang tunay kong nararamdaman. Ayaw ko na ng sakit.



Maybe it was JUST a kiss... Maybe...



Itutuloy...


__________________________________
Chasing Pavements 4[3]
Just a Kiss
by: Migs


Comments

  1. hey guys, sorry sa typo sa part 2 ng series na ito. Flashbomb: sorry, typo yun dapat 2011 yun instead na 2001. sorry.


    Sana bumalik yung mga dating nagco-comment. haist. nakakawalang gana kasi magsulat kapag di ko naririnig yung mga suggestions and comments niyo.


    Thank You ulit sa lahat, ei! 99 na ang followers ko! haha! thank you ulit! ^_^

    ReplyDelete
  2. ok lng yan migs.... baka busy ng mga tao... ako nah lng muna mg.comment... hehehe... ksali nah ako s mtagal nah ndi ng.comment... feel ko lng kc mg.basa muna... hehehe... keep up the stories lng... wag mawalan ng gana at pag.asa... ingatzzz... i lav your work... hehee...

    outrange... range... gel.... ']

    ReplyDelete
  3. sulat lng migs. Ngayon lng yata ako ngcomment d2... Pero am reading ALL your updates..hooked ako sa stories mo...next na migs.:D

    -Hans

    PS. wla pa po update ang "Breaking Boudaries"?

    ReplyDelete
  4. hahaha... is this the case of "tinuhog ng magkapatid"?? hehehe...

    pardon my irreverence migs.

    i guess you should not be sad about the on-goings in your life. habulin ka ng mga bi. attractive ones at that...

    so cool ka lang... alam naman naten lahat that we do need someone to love and love us back. kaya nga swerte ka, madaming gustong mahalin ka.

    sorry to say this... but i think it is you who need to get your perspective right. one freakin kiss does not mean jp loves his ex still. get hold of your emotions and please know what you want. be clear with what you want to happen in your life or nothing will...

    do what you must to be happy without stepping on the toes of others. get a grip of yourself and stop wallowing over something that has not happened yet. sayang ang oras nyo ni jp na maging masaya as a couple.

    please give jp a chance. so what if you get hurt again... if it does happen, at least you know how to deal with it next time, and in the process you become stronger...

    yes i know this is unsolicited advice, but i really do think you need someone to tell you this... peace peace peace... :-)

    regards,

    R3b3l^+ion

    ReplyDelete
  5. siguro migs all of them is not yet for you..

    ReplyDelete
  6. migs, hindi man magandang tingnan yung encounter mo re: AL incident, ok lang yun, kasama 'yon sa pagtanda. at walang sinuman ang pwedeng humusga sayo, kasi gaya mo, ako o kami din nakakagawa ng maling aksyon sa buhay.

    tama si R3b3l^+ion migs, remember that you'll never know unless you try.

    cycle ang buhay migs, life will not always go the way you wanted it to be but it will not be as bad as you think it is, balanse si papa lord =). tayo lang naman ang makakapagsabi kung ano ang HAPPINES para satin at hindi SILA.

    lahat may dahilan migs, kahit ano pa yan, kaya GO lang ng GO! (",)

    ReplyDelete
  7. hehhe sorry po Knda busy with so many things na eh..though nde ko nakakligtaang magbasa ng post mo...:)

    hmmm I think "Migs" here is playing with fire, kung ako sa kanya sinabi ko na kay JP kung ano ung nakita ko...para tapos, :)

    ReplyDelete
  8. kuya migs pwede itanong kung san na napunta si rick?

    ReplyDelete
  9. @MERVIN... "Migs" here is really Migs... siya yung bida sa chasing pavements.

    di ito fiction. TTLS niya ito. mga tunay na tao ang mga characters dito. hehehe.

    kaya if you noticed, josh and i gave unsolicited advice to migs, not as a reaction to the story, but as something that will open his mind, and most especially (and hopefullY) his heart.

    we love you migs. kaya siguro ganun na lang kami ka up-front and candid with you. sana hwag ka magtampo sa amin (especially sa akin) hehehe...

    sige ka! aagawin ko yang si jp mo! hahaha

    peace ulit. :-)

    regards,

    R3b3l^+ion

    ReplyDelete
  10. ..kuya migs...FIRST AND FOREMOST...ang haba ng buhok mo..pramis..
    ...ikaw na ang habulin...nga pala..diba may nangyarimng something dun kay ed..yung nagkakalabuan thing..naalala ko..what happened to him na pala?...
    ...sorry po kung hindi na kami nakakapagcomment..kasi naman kala ko wala pang update..naun lang ulit ako nagcheck dito..silent reader ako dati..pero ngaun..naglevel up na..anon commentator na...

    ReplyDelete
  11. kuya migs..ung about sa kiss..di ko alam kung OA din ako magreact..pero tingin ko..kailangan mong tanungin ung about dun..kasi kahit ako na reader lang..nababahala..para atleast alam mo..:::::::::::)

    ReplyDelete
  12. migs CP4-5 na plzzzz

    ReplyDelete
  13. im hoping cla nlng jp magkatuluyan @ the end even in real life kun totoo man tong story ni migs db, kc i think migs deserve to be happy,puro drama ay iyakan basta love lagi my tears drops...y-y-y.

    thanks po & goodluck.

    ReplyDelete
  14. MIgs, ang sakit.. kung ano yong nararamdaman mo nang makita si JP at Donna nag hahalikan, ganon din seguro ang gagawin ko.. aalis at tatakbo palayo..

    ang cute nong jelly ace part.. like ko ang pagiging childish ni JP..hehe


    -nephilim

    ReplyDelete
  15. Go for al!!
    wahaha.. Mtagal nang nahihintay sayo yung tao.


    godbless kuya migs. MAMARAthon ko na ulit to. hihihihi

    -ichigoXD

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]